Are you Bilingual? We are desperately looking for Tagalog Translators and Proofreaders who are well-versed in English. If this is YOU, please consider Joining our Translation Team

Ang buhay may-asawa mo ba ay nanganganib?
Lahat ba nagsasabing wala na itong pag-asa?
Humantong na ba ito sa annulment o diborsyo?
Mayroon ba talagang PAG-ASA sa aking buhay may asawa?

Oo! May Pag-asa sa Wakas

 

 


Pook Gabay para sa Iyong Paglalakbay sa Panunumbalik

Humanap ka ng tulong, nagbasa ng mga libro, nakipag-usap sa mga tagapayo, mga kaibigan, mga pastor, at lahat ng bagay ay lumala lamang. Kaya nagdesisyon ka na maaring mayroong tulong sa buhay may asawa online.

Maniwala ka man o hindi, hindi ito nagkataon lamang, hindi ito isang pagkakataong hindi sinadya, na nakita mo ang website— narinig ng Diyos ang  iyong paghingi ng tulong, at Siya mismo ang nagdala sa iyo sa aming samahang nagsimula dahil sa pagtulong MAGKABALIKAN ang mga mag-asawang tila wala ng pag-asa!

Ito AY iyong Banal na katungkulan.

Ang buhay mo ay magbabago na— habambuhay!!

Ang Restore Ministries International ay nagsimula nung 1992 sa pagtulong sa mga mag-asawang sinabi ng lahat na wala ng pag-asa, at Siya (ang Diyos) ay PINAGBALIKAN sila. Alam namin at naiintindihan kung ano ang pinagdadaanan mo dahil lahat ng mga ministrong andito ay NAKARANAS ng PAGBUO ng buhay may-asawa!

Kahit na may pangangaliwa, o ang buhay mag-asawa ay kumaliwa (kung saan isa o pareho sa mag-asawa ay hindi naging tapat), na tila ang sitwasyong sinasabi ng nakakarami ay ang pinaka walang pag-asa, ang Diyos ay may kakayanan. Alam namin, matapos maisulat sa pitong libro ukol sa testimonya ng pagbabalikan ng mga mag-asawa, na ang Diyos ay may kakayahang pagbalikin ang anumang mag-asawa— OO, kahit ang sa iyo! At, salamat na lang, ang Diyos ay hindi tumitigil (o nagsisimula) doon. Ang Diyos ay higit ang kakayahan upang buohin lahat at bawat aspeto ng iyong buhay habang pinagkakatiwalaan mo Siya na gawin ito!

“Ako si Yahweh, ang Diyos ng lahat ng tao; walang bagay na mahirap para sa akin.” Jeremias 32:27 MBBTAG

Hindi nakakapagtaka na sinabihan ka na ng lahat na sumuko ka na at magsimula ng bagong buhay at maghanap ng iba— huwag. Sa halip, sumangayon ka sa amin at sa Mangaawit na nagsabing:

““Panginoong Yahweh, nilikha mo ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan. Walang bagay na mahirap para sa iyo!” Jeremias 32:17 MBBTAG

Nakakamanghang NAGKABALIKANG Mag-asawa na Binuo ng Diyos!

“Nagtagumpay ang mga ito laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, at sa pamamagitan ng kanilang pagpapatotoo sa salita ng Diyos; at buong puso nilang inialay ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.” — Pahayag 12:11 MBBTAG

Pagbalikan at Pagsalba sa Asawa sa Alabama

Mga tatlong buwan na ang nakaraan nang malaman ko na na nangangaliwa ang asawa ko at sa kamangmangan ko ay sinabi kong:”Lumayas ka!!” Hindi ko alam ang gagawin, hanggang dinalahan ako ng kaibigan ko ng Paano Ang DIYOS Marri at Nais Magbuo na Muli ng Iyong Buhay May-asawa na libro. Binasa ko ito sa loob ng isang gabi, at binago ako nito ng labis labis!

Ito ay nang kumuha ako ng Kurso 1 na napagtanto ko na ang Diyos ay itinawag ako sa paglalakbay na ito upang mabago ko ang sarili ko at maibalik Niya ang aking asawa sa aming tahanan. Iyon ang simula ng aking pagbabago mula sa kung sino ako at kung sino ang karapatdapat sa aking asawa at sa Diyos.

Isang buwan ang lumipas, ang asawa ko ay dumalaw upang magugugol ang katapusan ng linggo kasama ang mga bata at ako. Sa dulo nito, andami nang nabago sa amin at ito ang nagdala sa aming pagbabalikan!!!

Ang aming pag-aasawa at aming buhay ay naging napakabuti mula noon, at ngayona ay inaaral namin ang A Wise Man at A Wise Woman sa inyong libreng Couple's Course upang makatulong sa ibang mag-asawa ngunit upang tunay na matuon ang aming pansin sa Diyos imbis na sa isa’t isa at pag-usapan ang nakaraang mga problema!

Pakikinggan ng Diyos ang iyong mga dasal at may nakaukol Siyang perpektong panahon para sa lahat — sumunod ka lang at hayaan ang Diyos na ang manguna sa iyo!!!

 

~ Joe at Mary Lou sa Idaho, NAGKABALIKAN

 Para sa Akin Mas Mabuti ang Ngayon

Naghinala at naniwala akong malapit na ako sa pakikipagbalikan nang simulan kong basahin ang RYM na Libro at lalo na nang sinimulan kong gawin ang mga libreng kurso. Bilang isang “Stander”, nakaranas ako ng maraming pagkaantala dahil sa problema at pagkabigo kung saan akala ko ay maayos na ang lahat, ngunit mayroong mangyayari at ako ay muling mawawasak. Maayos ang relasyon namin ng asawa ko— kahit nang siya ay tumitira na kasama ang IB “ibang babae,” mag-uusap kami at malapit sa isa’t isa. Ngunit ang kakulangan ay ang mga prinsipyong natutunan ko sa mga libreng kurso, na nagsimula sa aking Lakbay ng Pakikipagbalikan!! Inirerekomenda ko lahat ng maibibigay ng RMI; mga libro, mga bidyo, ang Daily Encourager at higit sa lahat ang Bibliya.

~Atarah, ang ating Ministro ng Pagsusuri ng Buhay May-Asawa at Lakbay ng Pakikipagbalikan

May Dahilan kaya Nangyari ito — may Plano ang Diyos!!

Ang aking asawa ay umalis ng aming tahanan at nakitira sa kaniyang katrabaho at sinabing “Hindi ako masaya at naramdaman kong walang may gusto sa akin sa loob ng 20+ nating buhay may-asawa”! Matapos ang halos anim na linggo ng paghihiwalay at tungo sa diborsyo, napagtanto ko na hindi kinakailangang ito ang sagot. Nanindigan akong “lumaban ng mabuting laban.” ginagawa ko ito mag-isa kasama ang aking mga dasal. Isang pastor mula sa ibang bayan ang nagrekomenda sa akin sa inyong website. Agad kong binili ang “Restore Your Marriage” na libro at binasa ito sa loob ng ilang araw. Sinagutan ko ang inyong Marriage Evaluation at nabigyan ng pagkakataong kumuha ng mga libreng kurso.

Nito ko nalaman na ang Diyos ay gugustuhing maibalik sa ayos ang aking buhay may-asawa; ilang araw amang ay nakita ko na ang pagbabago sa aking sarili at natitigilan ako para isipin kung ano ang nagawa ko para magbago. Napagtanto ko na hindi ito ako — ito ay ang Diyos na kumikilos sa nakakabilib na pagkakataon! Ang mga pagbabagong nakita ko matapos ko mapagtanto ang mga maling bagay na nagawa ko, nagdasal sa Diyos na baguhin ako, at nagdasal para sa aming buhay may-asawa. Kinailangan kong ibigay ang lahat ng ito sa Diyos at pagkatiwalaan Siya ng buong buo. 

Katulad ng nasabi sa  RYM na libro at Kurso 1, ako ay sumailalim sa pgsubok nang kami ay nag-usap. Naramdaman ko itong nangyari ng madaming beses kung saan may masakit siyang sasabihin upang tingnan kung ako ay may reaksyon hindi ako umalma tulad ng sa dati, na isang katunayan na ako ay nagbago na. 

Ito ay Disyembre 28 nang ang asawa ko ay nagpakita sa resort kung saan naroon ako kasama ang aking pamilya. Hindi ko ito inaasahan at hindi rin alam ng asawa ko hangga’t 30 minuto bago umalis ng aming nayon patungo sa resort na kami ay MAGKAKABALIKAN!

Ang masasabi ko lamang ay siguraduhing ibigay ang lahat sa Diyos. Nakita ko ang maraming pangyayari tulad ng iyong nasabi sa RYM na libro. Sinundan ko ang 3 kurso, nagbasa ng Kasulatan, at nagdasal, at ito ang tumulong sa akin. Matapos ang 90 na araw, ang Diyos ay ibinalik ang aking buhay may-asawa! Magtiwala ka na mangyayari rin ito sa iyo.

“Kung dinala ka dito ng Diyos, sasamahan ka ng Diyos malagpasan ito.” Lahat ito nangyari ng may dahilan. Ang Diyos ay may plano, at ngayon ang asawa ko at ako ay mas masaya. Namumuhay kami para sa Diyos; kami ay may napakabuting pagsasama, at ito ay lalong bumubuti bawat araw! Salamat, Panginoon, dahil sa samahang ito. Nakakabilib na napakaraming buhay may-asawa ka na natulungan, kasama ang sa amin! Ang Diyos ay nakakamangha, at ang Kaniyang regalo sa iyo ay biigay Niya upang kayo din ay makapagbahagi sa iba. 

  ~ Lydia at Tom sa New Mexico, NAGKABALIKAN

Nagkabalikan — Sa Kaniya Lahat ng Papuri!

Matapos magdasal at mag-ayuno sa loob ng anim na taon, hiningi ko sa Espiritu Santo na gabayan ako sa Internet para sa samahang makatutulong sa akin. Ang Espiritu Santo ay dinala ako sa Restore Ministies! Hindi ako makahintay na mabili ang nirekomendang pakete, lahat ng bidyo at sumali sa samahan sa pag-aral ng unang kurso! Nang matanggap ko ang mga libro, agad kong binasa at paulit ulit na binasa. Ito ay naging napakalaking biyaya sa buhay ko, at sa buhay ng iba!

Matapos maisabuhay ang mga prinsipyo sa libro at ang balakid ng mga tinik, sa loob ng tatlong linggo ang asawa ko ay umuwi! Ang masasabi ko lamang ay, HUWAG SUSUKO! Naniniwala ako na ang nakatulong sa akin ng higit ay ang maging masunurin sa salita ng Diyos sa lahat ng pagkakataon. Ito lamang ang nakagawa para sa akin!

Pagalain ka ng Diyos! Pagpapapala mula sa Diyos para sa samahang ito!

~ Kyle at Marsha sa North Dakota, NAGKABALIKAN

Himalang Pagbabalikan sa Gitna ng Puso ng Texas!

Nadiskubre ko ang samahang ito nang ako ay naghahanap ng sagot, napadpad sa inyong website. Ito ay kunpirmasyon ng tawag sa aking ng Panginoon na dapat kong gawin . . . Huwag magdiborsyo, palayain siya, at maniwala sa iyong kasal. Ang mga kurso ang nagpunan sa mga patlang! Salamat!

BInago ako ng Diyos bago Niya baguhin ang aking sitwasyon. Una akong natuto kung paano magpakumbaba at itikom ang aking bibig. Natuto akong umasa sa Panginoon at sa Panginoon lamang! Natutunan ko rin ang bisa ng pag-ayuno. Agad kong naisip na muling magdasal, pero makikinig ba Siya? Nang hindi nagdadalawang isip, lumuhod ako at muling inialay ang aking buhay sa Panginoon, nakikiusap sa Diyos na baguhin ako. 

Habang nagdadasal ako, ako ay nagdesisyon na manatili sa aming buhay mag-asawa at ayusin ito, ngunit nakiusap ako sa Panginoon na ibalik ang mga “nararamdaman” ko para sa aking asawa dahil kung hindi ay hindi ko alam kung paano ito magagawa. Ipinagdasal ko rin na baguin Niya ang aking asawa at ibalik ang aking asawa sa Panginoon. 

Nang mga sumunod na linggo, habang ginagawa ko ang mga libreng kurso, ang pagnanais ko sa Panginoon ay hindi natutumbasan. Nagsimula akong magbasa ng Bibliya at tapusin ito sa unang pagkakataon sa aking buhay. Isinuko ko ang aking salapi at nagsimulang magbigay ng ikapu tulad ng nasasabi sa Bibliya, sa aking kamalig. Wala pang isang bwan, ang mga nararamdaman ko para sa aking asawa ay nanumbalik at ako ay natuwa na muli akong “umiibig” sa aking asawa! Isa itong himala dahil hindi ko ito naramdaman para sa aking asawa mula nang kami ay nagsimulang nagsama. Naghintay at nagdasal ako sa Panginoon na gawin din ito sa aking asawa. 

Ilang buwan ang lumipas, hindi lamang ang aming buhay mag-asawa ang napasama, nalaman ko na siya ay nangaliwa— na matagal na itong nangyayari. Natigilan ako, nagulat, walang wala, nalumbay, nadurog, at ang puso ko at tingin ko sa sarili ay nabura. 

Papuri sa Diyos, kahit ito ay napakasakit, lumabas akong pulido, puro at marilag! Ang bagyo ay nagtagal ng isang taon at kalahati. Alalahanin na ang pagsubok, sa totoo lang, ay pang habang-buhay. 

Sa simula, mayroong mga Kristiyanong tagapagpayo ang nasabi sa akin na i-diborsyo ang aking asawa
 kaya ito paniwalaan? Ay, kailangan nila ang inyong mga libro upang matutunan nila na ang Diyos lamang ang may kaya at ayusin ang imposibleng pagkakataon!! Nagawa Niyang buhayin ang pumanaw na!! Halos dalawang taon na mula ng bumalik ang aking asawa ng permanente. Inabot ng isang buong taon upan ako ay gumaling at mahilom sa kasiraang nangyari, ngunit ito ay sulit para sa bagong buhay may-asawa sa ngalan ni Kristo at nabasag ang sumpa ng diborsyo na laganap sa pareho naming pamilya. Galak na galik kami sa aming buhay mag-asawa.   

Sinasabi ng aking asawa ngayon na “Mahal kita at hinahanap hanap kita kung ako ay nasa trabaho!” Pinupuri ko ang Diyos sa lahat ng Kaniyang naturo sa akin habang ako ay nasa gitna ng pagsubok at ngayon ang sumpa ay tila isang obra maestra ng biyaya mula sa Panginoon. Ginagawa Niyang bago ang lahat ng bagay!!  

~ Kery at John sa Texas, NAGKABALIKAN

Nagkabalikan matapos DUMAAN sa Apoy!

Isang nakakamanghang paglalakbay! Ang aking buhay-magasawa ay nabuo na sa loob ng 15-TAON. Ang aking paglalakbay ay nagsimula nang sa pangalawang pagkakataon kami ng aking asawa ay magdidiborsyo. Ayaw ko na at desidido akong ituloy ang lakad ko kasama ang Diyos, nariyan man o wala ang aking asawa. Kumbinsido akong ang problema lamang ay ang aking asawa at ako ang “mabuting asawa”, at hindi ko na titiisin ang pangangaliwa ng asawa ko. Sinubukan ko ang lahat, at lahat ay pumalya. Lahat ng ginawa ko ipang “maisalba” ang aming buhay mag-asawa ay paikot ikot na lamang. Pakiramdam ko ay nabilanggo ako at sa huli ay wala ng pag-asa. Pinupuri ko ang Panginoon para kay Erin at kaniyang samahan. Ang paraan ng Panginoon na maihayag ang Kaniyang sarili sa akin ay matapos akong mapunta sa samahang ito ay nakakamangha! Maawain ang Diyos at sa sakit na naramdaman ko, ako rin ay lumaya!

Hindi lamang buong testimonya ko ang nakatulong sa iba nang ito ay mapabilang sa ika-2 libro ng Word of Their Testimony, pero ang Diyos ay tinawag ako na sumali sa samahan ng RMI— ako ay naging branch director ng Spanish Español ministry kung saan may sarili kaming website kung saan ang aming blog ay naabot ang mga Español na kababaihan sa buong munda. Ang DIYOS lamang ang nakakagawa nito! 

~ Lota sa Florida ating Spanish Minister

Imposibleng Pagbabalikan (gawa Lamang ng Diyos) at Iba pa!

Matapos ang tatlong taon sa Restore Ministries bilang miyembro ng Samahan, ang aking asawa ay hindi lamang umuwi sa aming mga anak — siya rin ay naisalba at nabinyagan at ngayon ay napatitibay ang kaniyang pananampalataya!! Pareho kaming nabago at nagbalik, salamat sa Diyos!

Ang Panginoon ay maraming ginawa sa aking sarili upang matuto ako kung paano magmahal at kung paano maging tamang asawa sa aking asawa; kinailangan ko alisin lahat ng poot, sama ng loob at sakit, sa simula, tulad ng ginawa ng asawa ko. Pareho kaming umiibig sa Panginoon at ngayo’y sa isa’t isa at nais naming magkaroon ng sariling samahan para sa mga mag-asawa. Nagsimula akong magsanay sa RMIOU.com.

Dahil sa mga pagsubok ko, ang mga prinsipyo ng Diyos sa Kaniyang Salita at ang mga kagamitan ng RMI ay tinuruan ako ng pagtitiyaga, na huway kailanman susuko, magtiis, na ALAMIN na ang Panginoon ay nakikinig sa ating mga dasal at siya mismo ay nagdadala sa ating Lakbay ng Pagbabalikan upang mabuo ang isang malapit na relasyon sa Kaniya upang manatili Siyang una sa ating buhay.

Ang mga kagamitan na irerekomenda ko sa iyo ay ang mga libro ni Erin, Ang Banal na Biblya at samantalahin ang mga libreng kurso!

Kahit hindi natin mapansin, narinig ng Diyos ang ating mga dasal at patuloy na kumikilos sa ating mga puso. Siya ay tapat na Diyos na pananatilihin ang Kaniyang pangako kung tayo ay tapat rin. Karapatdapat sa Kaniya ang ating papuri at higit pa sa pagsamba — sa pamamagitan ng pagkakaroon ng personal na relasyon sa Kaniya. 

Hindi mangyayaring ang aming buhay may-asawa ay mabio kung hindi ito ginawa ng Diyos. Kasal na kami ng 21 taon nang umalis ang asawa ko. Galit sya, bigo, nalulumbay at puno ng kalupitan. Nang panahong iton, sabi nya siya ay “tapos” na, ngunit salamat na lang, ang Panginoon ay may ibang plano. Salamat, Panginoon!

~ Michael at Diane sa California, NAGKABALIKAN

Daddy!!

Ang aking Lakbay sa Panunumbalik ay nagsimula nang mapagtanto ko na ang aking asawa ay bumubuo ng ibang buhay. Nakita ko na ang karamihan sa mga kaibigan niya ay mga binata, at parati silang may mga pagdiriwang at “dahilan” upang lumabas at umuwi ng gabi at lasing. Nang makita ko ang Samahang ito (sa Portuguese), sinimulan kong gamitin ang mga prinsipyo sa bawat aralin at isang araw ay narinig ko ang isang malakas ng ingay sa harap na pintuan at ang asawa ko ay umuwi sa aming bahay! Ang mga anak ko ay tumakbo palapit sa kaniya “Daddy!!!!” Inirerekomenda ko na gawin ang mga libreng kurso  at basahin ang pang-araw araw na Encourager — upang alam mo kung paano simulan ang iyong araw, hindi ko kayang mabuhay nang wala ang mga ito.

~ Paula sa Rio, ating Portuguese Minister

Kaya ba Talaga ng DIYOS na Buohin ang AKING Kasal?

Oo! Walang kaduda duda na ang Diyos ay narinig ka sa pagtawag mo ng tulong sa pagsubok at pagkatalo sa iyong buhay may-asawa. Kung kaya’t inilaan nya ang Banal na Katungkulan na ito na bigyan ka ng tulong at pag-asa na kinakailangan mo ngayon!

Alam namin at naiintindihan kung ano ang pinagdadaanan mo dahil marami sa amin ay nakaranas na ng PAKIKIPAGBALIKAN sa buhay may-asawa at ngayon ay namumuhay ng Masaganang Buhay na inialay ng Ating Mahal para sa atin!

“Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't lalabas, at makakatagpo ng pastulan. Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.” —Juan 10: 9-10

Bawat isa sa mga nakaranas na ng pakikipagbalikan sa asawa ay pareho ang sasabihin — na kahit ano man ang nasabi ng iba sa iyo, ang IYONG kasal ay HINDI totoong walang pag-asa! May mga patunay kami na higit pa sa aming mga buhay may-asawa— higit sa 7 na libro na nagpapatunay sa mga nabuong mga kasal at ang bagong Patunay ng Pagbabalik sa Buhay May-Asawa na nalalathala bawat Sabado mula sa daan daang natatanggap— ay PATUNAY na ang Diyos ay kayang buohin ang iyong buhay may-asawa— lalo na ang sa iyo!

Nabasa mo na ito minsan nang sinabi mismo ng PANGINOON, “Ako si Yahweh, ang Diyos ng lahat ng tao; walang bagay na mahirap para sa akin” (Jeremias 32:27). Maniniwala ka ba sa sinabi ng iyong asawa, na wala na itong pag-asa? O sa sinabi ng kaibigan o tagapayo? O maniniwala ka sa sinabi ng Diyos?!?!

Bakit pinagtatalunan ang mga katotohanan, mayroon kaming katibayan na ang Diyos ay nabubuo ang mga walang pag-asang kasal! Naniniwala ka ba na ang sitwasyon at buhay may-asawa mo ay masyadong mahirap para ayusin ng Diyos, mapabuti o buohin? Hindi! Sinabi rin iyan sa amin at nagkamali sila!!

Subalit, kung pipiliin mong sundin ang parehong payo, parehong mga hangal na paraan, pareho din ang iyong mapapala.

Sa halip, “Pumasok kayo sa makipot na pintuan, sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. Sapagkat makipot ang pintuan at masikip ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon” — Mateo 7:13-14

Ngayong nakita mo na ang Makitid na Pintuan, dadaan ka ba dito at mapakinabangan ang karunungan, kaalaman, at pang-unawa na ikaw (at lahat) ay nagkukulang? Handa ka ba na bitiwan ang mga kasinugalingan at haka haka at Baguhin ang Iyong Isip sa kung ano ang Sinabi ng Diyos tungkol sa buhay may-asawa AT  kung paano NIYA ito BUBUOHIN?

Ang tanging layunin ay “ipangaral mo ang salita, magsikap ka sa kapanahunan at sa di-kapanahunan, magtuwid ka, manaway ka, mangaral ka na may buong pagtitiyaga at pagtuturo. Sapagkat darating ang panahon na hindi nila matitiis ang wastong aral; kundi, sa pagkakaroon nila ng makakating tainga, ay mag-iipon sila para sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling pagnanasa, at tatalikod sa pakikinig sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at babaling sa mga kathang-isip” — 2 Timothy 4:2-4

Sinabi ng Diyos na ang problema mo ay nangyari dahil “Ang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman; sapagkat itinakuwil mo ang kaalaman, tinatakuwil din kita bilang aking pari. At yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Diyos, akin ding lilimutin ang iyong mga anak” — Hoseas 4:6

Gawin mo ito para sa iyong anak, gawin mo ito para sa iyong asawa, gawin mo ito para sa iba na umaantabay. Magpakumbaba ka, maging estudyante ng Kaniyang Salita, at tingnan kung paanong agad magbabago ang iyong buhay!!

Hayaan mo kaming busugin at palusugin ang iyong kaluluwa sa katotohanan.

Ikaw ay gutom at napagkaitan ng totoong pagkain para sa kaluluwa na kinakailangan mong gawin sa paglalakbay na ito. Naging malayo ka sa Nag-Iisang lumikha sa iyo para sa samahan at Siyang nagnanais na gabayan sa at daanan ang lambak ng kamatayan. 

Isa pang kinakailangan mong maintindihan ngayon: Kung hindi nasabi sa iyo na ang iyong buhay may-asawa ay walang pag-asa ngunit kung wala ang iyong asawa ang inyong kasal ay hindi mabubuo, kung gayon ay kinakailangan mong buohin ang pananampalataya mo sa kagustuhan at kakayahan ng Diyos na Buohin kahit ang pinaka walang pag-asang mga mag-asawa. Sa pagbasa ng testimonya ng mga tila walang pag-asang mga kasal na ngayon ay muli nang nabuo at ang mapansin na ang BAWAT testimonya ay tungkol sa pagbabalikan kahit na ISA lamang sa mag-asawa ang nagkakagusto sa pakikipagbalikan, ay nagpapatunay.Mayroon lamang Iisang kinakailangan mong hingan ng tulong at ipakikita namin sa iyo kung paano — sa pamamagitan ng pagiging halimbawa. 

Sa loob ng higit 25 na taon ng samahan, nakita namin kung paanong ang DIyos ay inilalagay sa puso ng IISA lamang sa relasyon, at madalas ito ay ay ang hindi nababaon sa kasalanan. “Kasamaan ng isang tao ay bitag na nakaumang, siya ang magdurusa sa sariling kasalanan” — Mga Kawikaan 5:22

Ngunit, kahit na ISA lamang ang makahingi ng tulong at manindigan para sa isa, ang PAKIKIPAGBALIKAN ay mangyayari— Siya, hindi kami, ang naninigurado dito. Humanap ako ng isang taong makakapaglagay ng pader upang ipagsanggalang ang lunsod sa araw na ibuhos ko ang aking poot, ngunit wala akong makita” — Ezekiel 22:30

Alamin ngayon na magdadagdag ka ng iyong testimonya sa parating na— Gamit ang Salita ng Kanilang Pagpatotoo na libro. Sabihin mo ang iyong testimonya, ibahagi kung paanong ang buhay may-asawa mo na minsan ay “walang pag-asa” ngunit ginawa ng DIYOS ang imposible posible para sa iyo. Saka ka sasama sa amin at ipagsisigawan . . . 

‘Ah Panginoong Diyos! Ikaw ang siyang gumawa ng langit at ng lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong unat na kamay! Walang bagay na napakahirap sa iyo!” (Jeremias 32:17).

Ang mga libreng kurso online are ginawa upang maisulat mo ang iyong patunay sa iyong pagsulat sa talaarawan ng iyong mga iniisip at dasasl at pag-asa at mga pangarap para sa iyong kinabukasan. 

“Ngayon, sa kanya na makakagawa ng higit na sagana kaysa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin” Efeso 3:20 ABTAG2001.

Lahat ng mga kurso ay libre para sa mga kababaihan at kalalakihan. Ang mga kurso na magtuturo at magsasanay sa iyo na umasa lamang sa KANIYA— tumingin ka sa Kaniya, kausapin mo Siya, makinig ka sa Kaniya. Bawat isa sa amin ay napagtantong masakit man ngunit ang Diyos lamang ang tunay na nakakaalam kung ano ang iyong pinagdaraanan at kung paano ka magagabayan upang makayanan ito. Matuto ka. 

Ang IYONG Nakamamanghang Tagapagpayo

“At ang kanyang pangalan ay tatawaging, Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan” — Isaias 9:6.

Sinimulan naming ialok ang aming mga gamit (libro, bidyo, ebooks, at mga kurso) upng mahikayat ang mga kababaihan (at nang lumaon pati mga kalalakihan) upang maiwasan ang parehong kasiraan na aming napagdaanan. Ang mga tagapayo ay magastos, hindi gumagana, at, ang pinaka masama nito ay sila ang mga tunay na nakakasira at tumatapos sa mga kasal, dahil ang ipahiya ang iyong asawa at pagsiwalat ng mga personal na sikreto na hindi dapat pinag-uusapan sa harap ng iba, ay ang hinihikayat na gawin ng mga tagapayong ito.

Sa halip, ang ating mga kagamitan ang makakatulong sa paghanap at pagpatibay ng Pag-asa, na mas maganda pa sa kahit anong tagapayo o groupong sumusuporta. Sa pamamagitan ng mga makukuha sa amin, maipakikilala namin sa iyo ang PINAKA MAGALING at pinaka MAKAPANGYARIHANG Tagapayo. Ang Tagapayong maaring makausap sa bawat minuto ng bawat araw, na tunay na may alam kung ano ang hinaharap AT kung ano ang tumatakbo sa puso at isip ng iyong asawa! Kung hindi ito sapat upang makumbinse ka na tahakin ang makitid na daan, ang pakikinig sa iyong asawa na sabihin sa isang tagapayo ang lahat ng kasalanan mo ng detalyado, ay masakit at lahat ng masasabi ay maalala mo habang buhay. Ang pagpapayo ng iba ay hindi gumagana — lalo lamang itong sinisira anumang pag-asa ng pagbabalikan. 

Nang nakita lamang namin ang Nakamamangha at Makapangyarihang Tagapayo ay saka lamang namin nakita ang Prinsipe ng Kapayapaan. Sa pamamagitan ng pagpapakilala at pagtuturo na kumilos kasama ang Makapangyarihang Tagapagpayo, lahat kami ay nakamit ang kapayapaan para sa aming nagdurusang mga kaluluwa at dahil dito ang buhay ng bawat isa sa amin ay nagbago! Ang mahanap ang kapayapaan ang unang hakbang sa BAWAT pakikipagbalikan, ang mahanap ang Nag-iisa na kayang magpatila ng bagyo sa magulong buhay ay ang kinakailangan ng bawait isang tao sa mundo. 

Saan Ako Magsisimula?

Paano ko kakayanin ang sakit at kaguluhan na nararanasan ko?

Mula sa sumulat ng RYM na libro at nagsimula ng RMI:

Marami ang nagtataka kung paano ko kinaya ang napakarami at matitinding pagsubok sa buhay ko — at hindi lamang makaya ito— ngunit gawin ito ng maligaya.

Aaminin ko, kung mag-isa ako, hindi ko kakayanin ang unang napakatinding pagsubok nang alaman ko ang pangangaliwa ng asawa ko at nang nawala sya sa loob ng maraming buwan, upang i-diborsyo ako. Sa lahat ng sakit nito at takot na kasama sa karanasang ito, kinakailangan kong dalhin ang mga mabubuting tao sa paligid na nagsasabi kung ano ang dapat kong gawin, na nagpalala ng aking sitwasyon. 

Kung hindi dahil sa malapit kong relasyon sa aking Tagapagligtas, Siyang nakilala ko sa unang pagkakataon na tunay na dinamayan ako, alam kong hindi ko kakayanin. 

Hinahanap mo ba ang “kapayapaan” na hindi kayang abutin ng ANUMANG pag-iisip?

Nang iniwan ako ng asawa ko para sa ibang babae, Kristiyano na ako. Ngunit hindi Siya ang Panginoon ng buhay ko. Kung ito ang iyong pinagdadaanan o hindi mo pa nararanasanan ang personal na relasyon kasama ang Panginoon, ito ang perpektong pagkakataon upang tanggapin ang nakakabgong-buhay  na hakbang sa buhay at mapuno ng umaapaw na kapayapaan. 

Ang mas importante sa iyong problema sa buhay may-asawa (o anumang relasyon o sitwasyon na nagdudulot sa iyo ng sakit ngayon), ay ang mapabuti ang kaluluwa — na babaguhing ang BAWAT aspeto ng iyong buhay. 

Lahat ng naloko o naiwan ay dumaraan sa krisis mag-isa at takot, hindi alam kung ano ang gagawin. Ang tunay na kinakailangan mo ay Isang may alam sa hinaharap at may kakahayahang baguhin ang takbo ng iyong buhay — at Siyang HINDI KAILANMAN kang iiwan o tatalikuran ka — HINDI KAILANMAN!

At hindi ka lamang Niya babaguhin at aarugain, kaya Niyang baguhin ang puso ng iyong asawa at ng iyong nakatatandang mga anak o sinumang sangkot. Pinapangako Niya na arugain ka kung iyaw ay nag-iisa, kung walang naka-iintindi, ang Itatago ka Niya sa Kaniyang mga pakpak. Pupunan ka Niya ng pag-ibig na hindi mo alam na posible, at sa tamang panahon ay magagamit mo upang mahalin ang iyong asawa. Kaya niyang hiluim ang sugatan mong puso o ang nanakit mong katawan at pagpalain ng biyaya. Kaya ng Diyos gawin ang imposible sa LAHAT, hangga’t ibigay natin ang ating puso sa Kaniya at humingi ng tulong. 

Sapagkat sa Diyos ay walang salitang hindi mangyayari” — Lucas 1:37

Bawat isa sa amin na nakaranas ng pakikipagbalikan sa asawa ay kayang sabihin sa iyo na sa bawat panahon ng pinagdaanan namin ang pinaka masasakit sa aming buhay (mga krisis na sinira ang karamihan), kami ay nakadama ng kapayapaan na hindi maintindihan! At habang itinutuon mo ang pansin mo sa Diyos, mas lumiliwanag ka at makikinabang sa krisis na sumisira sa karamihan. 

Ang pinaka nakakasabik ay sa oras na nalaman ng iba ang iyong pinagdaraanan (lalo na kung habang pinagdaraanan mo ito) hindi sila maniniwala na ikaw ay kalmado at maligayahin— at kung kinakailangan ay mapagpatawad!

Sa oras na naramdaman mo ang KANIYANG pagpapatawad, makikita mo na tutulungan ka Niya na MAGPATAWAD sa lahat na nakasakit o nak0insulto sa iyo! Ang pagpapatawad ang makakagaan sa iyong pasanin at makakahilom sa hirap mong kaluluwa. 

Maaring may mga pagkakataong inisip mong magdasal ngunit hindi mo alam kung paano. Maniwala ka man o hindi, ang pinaka magaling na dasal ay ang simpleng pakikipag-usap sa Diyos. Hindi niya kailangan ng formal at mabulaklak na dasal. Nais Niya lamang ng tauspusong pakikipag-usap sa iyo.

KAYA TUMIGIL KA.

  • Sabihin mo sa Diyos gamit ang sarili mong mga salita na kailangan mo Siya--ngayon upang matulungan ka. AT kung hindi mo alam na tunay ang Diyos, sabihin mo sa Diyos na magpatunay sa iyo.

 

  • Ngayon, ibigay mo sa PANGINOON ang iyong buhay— ang buhay na napakagulo. Isang buhay na puno ng sakit at kalituhan  at makiusap sa Kaniya na gawing BAGO ang lahat! Ibigay mo sa Kaniya ang iyong puso, at simulang maranasan ang Kaniyang PAG-IBIG na totoong totoo at puno ng pagmamahal kung saan mahahanap mo ang KALIGAYAHAN sa wakas— ang bagay na kailanman ay hindi nila maiaalis sa iyo!

 

“Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, ‘kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli” — Juan 3:7

Kung tumimgil ka at inialay ang magulo mong buhay sa Pahinoon, mula sa sandaling ito, ang iyong hinaharap ay magmumukhang BAGO— ikaw ay magmumukhang BAGO— na tila ikaw ay muling IPINANGANAK!

Hindi mo alam kung gaano ka kamahal ng Diyos, at kung gaano INASAMASAM ng PANGINOON ang sandaling ito— na maangkin kang Kaniya. 

Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan; sapagkat si Yahweh ay Diyos na  makatarungan; mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya: — Isaias 30:18

Hindi ba’t nakamamangha na ang buhay natin ay abalang abala at punong puno ng mga tao at bagay na inilalayo tayo sa PANGINOON na naghihintay sa tabi natin upang matulungan tayo? Siya ang NAG-IISA at natatanging rason kung bakit hinayaan ng Diyos ang krisis (at lahat ng krisis) sa ating buhay. At madalas krisis ang kinakailangan upang mapagtanto natin na Siya ay tunay nating kinakailangan at handang isuko ang lahat at ialay sa Kaniya. 

NGAYON, sa LAHAT at bawat pagkakataon na makita mo ang sarili mo na nangangailangan ng tulong, pagmamahal, direksyon sa pag-gawa ng lahat at bawat desisyon— kausapin ang PANGINOON tungkol rito. Wala ng iba.

“Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala” —Mga Awit 37:5

Kapag tumigil ka at ialay ang lahat ng iyong problema (malaki o maliit) sa Panginoon, ipinapangako ko na Siya ay lalapit sa iyo at ipagtatanggol ka at gagabayan ka sa iyong pinagdaraanan. Hindi mo na kailangan magtiwala sa iyong sariling pang-intindi o gumawa pa ng plano. Mula ngayon ay maaring ibigay mo na sa KANIYA upang mapatunyan Niya kung gaano ka Niya kamahal at nag-aalala sa iyo sa pamamagitan ng pag gabay sa iyo o pagkarga sa iyo sa bawat krisis!

“Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala, at huwag kang manalig sa sarili mong pang-unawa. Sa lahat ng iyong mga lakad siya'y iyong kilalanin, at itutuwid niya ang iyong mga landasin” — Mga Kawikaan 3:5-6

Kung hindi mo alam ang gagawin sa kiris, na Siya ang kinakailangan mong takbuhan, ay ang magdudulot na pagdudahan mo ang Diyos kung tunay ka Niyang mahal at nais na gabayan ka AT magdudulot sa iyo na bumalik o manatili sa krisis!

— Kunin ang KANIYANG Kamay —

Hayaang SIYANG Gabayan Ka

Kahit na desperado ka para isang “totoong” tao na makatutulong sa iyo, NAG-IISA ANG DAAN at Isa ang Tao na makakapamuno sa iyo palabas ng “lambak ng anino ng kamatayan.”

Iisa lamang ang nakaka-intindi kung ano ang tunay na nangyayari, sa magkaibang banda, at may kakayahang baguhin ang puso ng mga sangkot.

Kami na nakaranas ng pakikipagbalikan ay walang kaduda-duda na HINDI mo kailangan ng sinoman maliban sa Panginoon na gagabay sa iyo sa at palabas ng krisis. 

“Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang” — Mga Awit 23:4 MBBTAG

Oras na upang MAGPARAYA sa lahat ng bagay at tao AT kunin ang kamay ng Panginoon, hayaan SIyang gabayan ka. 

Hayaan Siyang kausapin ka at matutong kausapin lamang Siya. 

Kunin ang Kaniyang kamay at maglakbay sa Pagbabago ng Iyong Isip sa kung ano ang Kaniyang sabihin, at Baguhin ang iyong buhay gamit ang Kaniyang mga plano, at makitang ibalik NIYA ang lahat!!

Hindi tulad ng karaniwang kaalaman na ang “tagapagpayo” ang solusyon, HINDI namin ipapagawa ang HINDI guamgana. Ang Pagpayo at Kristiyanong Sikolohiya ay nagpalala sa aking buhay may-asawa mula sa krisis papunta sa pagkawasak. Tulad ng daan daang kalalakihan at kababaihang natagpuan kami, ang pagpapayo ay hindi nakatutulong— ito ay nakawawasak ng anumang nalalabi sa mga buhay may-asawa. 

Hindi kami nag-aalay ng mga maling kasangkapan ng tulong o suporta. Iniaalay naming kung ano ang GUMAGANA!!!

Ngayong ginawa mo na ang nakakabagong-buhay na desisyon, kami ay NAGNANAIS na hikayatin ka sa pagdaan sa iyong paglalakbay ng PAKIKIPAGBALIKAN sa pamamagitan ng pagbigay sa iyo ng MAS MARAMING Salita ng Diyos. Upang matutunan ang mga prinsipyo sa PAgbabalik sa Buhay May-Asawa. Upang matutunan ang karunungan, kaalaman at pang-unawa. 

Marcos 16:25 “Sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo ang ebanghelyo [ang MABUTING BALITA ] sa lahat ng tao.”

Isaias 52:7 “Napakaganda sa mga bundok ang mga paa niyong nagdadala ng mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, na nagdadala ng mabuting balita ng kabutihan, na naghahayag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Zion, “Ang iyong Diyos ay naghahari!”

Pagbabalikang Paglalakbay

LIBRENG Kurso 

Ang ating BAGONG kurso online ay patunay na nagbabago ang mga pansariling-aralin para sa mga kababaihan o kalalakihan sa mga mag-asawang dumaraan sa krisis — walang gastos, abala o kahihiyan na ibahagi ang mga bagay na personal sa isang tagapayo. 

Sa pribadong kapaligiran ng aming kurso, maibibigay namin ang kayamanan ng mga kagamitang nagmula sa Bibliya para sa mga mag-asawang nasa krisis— at mas maganda pa, ito ay napatunayang mas gumagana sa mga IISA (ang babae O lalake) lamang sa mag-asawa ang gagamit. 

Aminin natin, ang sinasabi ng statistics na IISA lamang ang nagnanais na makakawala sa buhay may-asawa habang ang isa ay sumusubok na kumapit. Ang mga korte ay pumapanig sa isang nagnanais na makakawala, ginagamit ang “no-fault” na diborsyo kung saan ang isa na nagnanais na maayos ang buhay may-asawa ay nawalan na ng kanyang karapatan. 

Ang aming mga libreng kurso ay hahayaan KA na aralin ang mga gamit sa IYONG sariling bilis, at sa iyong bakanteng oras. Kami ay hinihikayat ka pa rin na bumangon ng maaga at simulan ang iyong araw bago pa man gumawa ng kung ano dahil ang PAGBABALIK ng nawala o nawawalang buhay mag-asawa ay napaka hirap at makitid na daan. 

Mateo 7:13-14 — “Pumasok kayo sa makipot na pintuan, sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. Sapagkat makipot ang pintuan at masikip ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.”

Paki-usap Sumali Ka

Kung interesado ka sa sariling pag-aaral sa iyong sariling bilis, o interesado ka tumulong sa ibang mag-asawang nasa krisis, ang unang kailangan gawin ay sagutan ang LIBRENG Pagsusuri sa Buhay Mag-Asawa sa ibaba upang masimulang ang iyong LIBRENG kurso sagutan para sa mga lalake at babae. 

LIBRENG Pagsusuri sa Buhay Mag-Asawa & LIBRENG Kurso

Mga Kababaihan, PINDUTIN ITO

Mga KALALAKIHAN, PINDUTIN ITO

Hinihiling namin na ibahagi mo ang Pag-asa.org sa maraming tao na kilala mo upang maitigil ang epidemia ng mga hindi nagtagumpay na mag-asawa. O gumawa ng iba pa— humanap ng mga website na nanghihingi ng Dasal at ibahagi ang Pag-asa.org sa mga naghihinagpis na dumaranas ng Krisis Mag-asawa! Pagpalain ka!!

Nakikiusap kami ni i-PRINT o i-EMAIL ang pahinang ito at ipamahagi ang PAG-ASA sa IBA sa pamamagitan ng PAGPINDOT sa kanang bahagi sa taas. O humanap ng mga site ng mga Dasal at mamahagi ng PAG-ASA para sa iba na nasa Krisis Mag-asawa!

MAGTANIM NG PAG-ASA!!