Noong nagdaang linggo ay nagtapos ako sa nakakapanabik na taludtod na ito:
Efeso 3:20 ASND
“Siya ay makakagawa ng pinakahigit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin.”
Isaias 30:18 ASND—
“Pero naghihintay ang PANGINOON na kayoʼy lumapit sa kanya para kaawaan niya. NAKAHANDA siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit. Sapagkat ang Panginoon ay Dios na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa kanya.”
Ngayong linggo ay nais ko kayong bigyan ng perpektong halimbawa ng prinsipyong itong matatagpuan sa Bibliya. Ito ang kwento ni Haring David na itinalagang maging hari bago pa man niya kunin ang trono. Kaya bakit napakatagal na panahon ang kinailangan mula nang siya ay naitakda upang maging hari bago mapasakanya ang trono? Ito ay dahil sa parehas na dahilan kung bakit marami sa atin ang hindi pa nararanasan ang ating mga “panalangin, kagustuhan, iniiisip o mga inaasahan” ng higit pa sa ating “inaaasam.” Dahil si Haring David (at tayo din) ay marami pang bagay na dapat matutunan bago natin maangkin ang nararapat na posisyon niya/natin na itinakda at itinalaga para sa atin. Isang bagay na kinaliangang matutunan ni Haring David (at natutunan niya ito ng husto) ay ang pagbibigay karangalan sa masama/kasamaan pinuno upang makuha ang panig ng Diyos.
Sa 1 Pedro 2:17-20 ipinahayag ang prinsipyong ito ng maliwanag. “Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang kapatiran. Matakot kayo sa Diyos. Igalang ninyo ang hari. Mga alipin, magpasakop kayo nang may buong paggalang sa inyong mga amo; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi gayundin sa mababagsik. Sapagkat ito'y kapuri-puri, kung dahil sa pagkakilala sa Diyos ay nagtiis ang sinuman ng sakit habang nagdurusa nang HINDI NARARAPAT. Sapagkat anong pakinabang nga, na kapag kayo'y nagkakasala at hinahampas dahil dito, ay inyong tinatanggap na may pagtitiis? Ngunit kung kayo'y gumagawa ng mabuti at kayo'y nagdurusa dahil dito at inyong tinatanggap na may pagtitiis, ITO’Y kalugud-lugod sa Diyos.
Alam natin mula sa pagbabasa ng ng Bibliya na,ang hari bago si David, Si Haring Saul ay hindi lamang sa hindi mabait—wala siyang awa at totoong tinangkang patayin si David. Maaari bang hindi lamang “hinayaan” ng Diyos na mangyari ito para sa ikabubuti ni David, kundi itinalagang mangyari ito?
Sinabi sa atin sa 1 Samuel 16:14 na, “Ngayon, ang Espiritu ng PANGINOON ay humiwalay kay Saul at isang masamang espiritu mula sa PANGINOON ang nagpahirap sa kanya.”
At muli, sa 1 Samuel 16:23 MBBTAG ay sinabing, “At tuwing dumarating kay Saul ang masamang espiritu mula sa Diyos, kinukuha ni David ang alpa at tinutugtugan niya ang hari. Si Saul naman ay naaaliw; umaalis sa kanya ang masamang espiritu at siya'y gumagaling.”
At muli nakita natin di naglain sa 1 Samuel 18:10 na sinabing, “Kinabukasan, isang masamang espiritu MULA sa Diyos ang sumanib kay Saul, at siya'y nahibang sa loob ng bahay, samantalang si David ay tumutugtog ng alpa, gaya ng kanyang ginagawa araw-araw. Hawak ni Saul ang kanyang sibat sa kanyang kama.y.”
Kung ating titignang maigi ang mga taludtod na ito, isang bagay lang ang ating mapagtatanto—na pinahintulutan ng Diyos ang masamang mga pangyayari upang tayo ay MABIYAYAAN!
Sinulat ni Pablo sa 2 Corinto 12:10 ASND na: “Dahil dito, maligaya ako sa aking kahinaan, sa mga panlalait sa akin, sa mga pasakit, pang-uusig at sa mga paghihirap alang-alang kay Cristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Dios.”
Alam natin mula sa pagbabasa ng Bibliya kung papaano natutunan ni David ang MAKAPANGYARIHANG prinsipyong ito. Ating tignan ang mga sipi upang makita kung papaano nagsimulang magbago si David sa paglipas ng mga taon bago siya maging Hari
2 Samuel 16:5-13 “May lumabas na isang lalaki mula sa angkan ng sambahayan ni Saul, na ang pangala'y Shimei, na anak ni Gera. Habang siya'y lumalabas, siya'y patuloy na nagmumura. Kanyang pinagbabato si Haring David at ang lahat ng kanyang mga lingkod. Ang buong bayan, at ang lahat ng mga mandirigma ay nasa kanyang kanan at sa kanyang kaliwa. Ganito ang sinasabi ni Shimei habang siya'y nagmumura, “Lumayas ka, lumayas ka, ikaw na mamamatay-tao, ikaw na taong walang kabuluhan! Ipinaghiganti sa iyo ng Panginoon ang lahat ng dugo ng sambahayan ni Saul na siya mong pinalitan sa pagiging hari. At ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak. Tingnan mo, dinatnan ka ng pagkawasak sapagkat ikaw ay mamamatay-tao.”
Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai na anak ni Zeruia sa hari, “Bakit lalaitin nitong asong patay ang aking panginoong hari? Patawirin mo ako, at pupugutin ko ang kanyang ulo.” Subalit sinabi ng hari, “Anong pakialam ko sa inyo, kayong mga anak ni Zeruia? Kung siya'y nanlalait sapagkat sinabi ng Panginoon sa kanya, ‘Laitin mo si David,’ sino nga ang magsasabi, ‘Bakit ka gumawa ng ganyan?’” At sinabi ni David kay Abisai at sa lahat niyang mga lingkod, “Ang aking buhay ay tinutugis ng sarili kong anak; gaano pa nga kaya ang Benjaminitang ito? Bayaan ninyo siya, hayaan ninyo siyang manlait sapagkat inutusan siya ng Panginoon. Marahil ay titingnan ng Panginoon ang aking paghihirap, at gagantihan ako ng mabuti ng Panginoon sa panlalait sa akin sa araw na ito.” Kaya't nagpatuloy ng paglakad si David at ang kanyang mga tauhan, samantalang si Shimei ay humayo sa tagiliran ng bundok sa tapat niya. Habang humahayo, kanyang nilalait, binabato at sinasabuyan ng alabok si David.
Huwag nating kaligtaan na si David ang hari noong hinayaan niya ang ganitong uri ng pagturing sa kanya. Gayunpaman, NATUTUNAN ni David ang prinsipyong ito ng husto kaya nakakita siya ng PAGKAKATAON para siya ay mabiyayaan; “marahil” ang Panginoon ay gantihan siya ng kabutihan, kaya hindi niya nais na pigilan ng kung sino man ang mga pang iinsulto at pagbato sa kanya ng bato at buhangin.
Si David ay ipinahiya na ng kanyang sariling anak at wala sa kanyang sariling palasyo sa kanyang trono (kung saan siya inilagay at iniluklok ng Diyos). Siya, sa halip, ay nasa maduming tabi ng burol at sa taas niya ay mga lalaking nagmumura, naghahagis bato at alikabok sa hari!
Karamihan sa atin ay nainsulto na at ginawan ng hindi maganda (at mas madalas nating marinig ang mga taong nagsasabi na sila ay “hindi nirerespeto”) sa mga bagay na wala sa kalibgkingan ng ganitong uri ng pagtrato, ngunit hindi lahat ay hari! At mas madali nating nakakalimutan ang pagtratong tinanggap at tiniis ni Hesus para sa atin?
Hindi ko alam sa iyo, ngunit para sa akin (paunti unti ngunit sigurado ako) ay nagsisimula ko ng maunawaan na LAHAT ng pinagdaanan ni Hesus ay dulot ng KAPANGYARIHAN ng Espiritu na napagtagumpayan ang aking mga pagkakasala at nagpalaya sa akin mula sa kamatayan!
Ang mga panlalait, mga pagtataksil, mga tukso, mga paghampas, ang koronang tinik, ang malupit na mga pinuno, ang mga panlilibak mula sa magnanakaw na nakabitin sa kanyang tabi sa krus—lahat ng ito ay PINADAMI ang KAPANGYARIHAN na ginamit ni Hesus upang matubos tayo sa ating mga pagkakasala!
Para sa mundo, ang pagtitiis ng krus ay laging mukhang pagkatalo. At kadalasan, tayo ay kinukutya sa ating pagtitiis sa halip na ipagtanggol an gating mga sarili. Gayunpaman, sa mga mayroong espiritwal na paningin, ito ay nagiging oportunidad na ginawa ng Diyos at inilaan para sa iyo lamang, upang mabigyan tayo, mga tinubos, at ang KAPANGYARIHAN na mapagtagumpayan an gating mga kasalanan at ating paghihirap.
Ang biyayang ibinibigay natin pagkatapos tayong kutyain o gawan ng masama—kaya huwag huminto sa pagbigay ng biyaya, na nakalaan upang manahin natin. Huwag makuntento sa pagbigay sa makalamang kasiyahan ngpagsukli ng insult o kasamaang ginawa sa iyo. Siguraduhing kunin ang pagkakataon na ibinigay ng Diyos sa iyo at tumakbo dala-dala ito.
Ang karangalan ng “walang balabal” at ang pamamahinga sa iyong paghakbang sa loob ng “ikalawa o ikatlong milya” kapag ikaw ay pagod na—ay saka mo mararamdaman ang kapangyarihang nakalaan.
Sa GANITONG kalagayan kung saan natin matatagpuan ang KAPANGYARIHANG baguhin ang ating mundo.
Ito ang KAPANGYARIHANG parang tirador na maghahagis sa iyo sa bawat biyayang ipinangako!!
Kung ikaw ay may patotoo o ulat papering nais na ibahagi tungkol sa mensahe ngayong linggo, pakiusap maglaan ng oras upang:
MAGPASA ng Dyornal.