Noong nakaraan lamang, bahagya kong tinalakay ang “Kasalanan sa Kampo ng Ai.” Alam kong marami sa inyo ang napilitang gumawa ng malaking pagbabago sa inyong mga buhay, ngunit para sa mga nabigong gumalaw at kumilos, nais kong magmakaawa sa inyo. Wala kayong kamalay-malay sa kung ano ang nakataya. Kapag mayroong kasalanan sa isang pagsasama, maaari itong magdudulot ng balakid sa Kanyang Banal na Espiritu.

Isang taon na ang nakakalipas ay naranasan namin ang balakid sa Kanyang espiritu. At noong narandaman namin kung saan ito nagmula, nangailangan ng maraming palitan ng usapan sa pamamagitan ng email upang mahikayat namin ang isa sa aming punong ministeryo na umamin. Kahit pa ramdam kong mayroong higit pa sa kanyang naunang inamin, noong inamin niyang naging Ibang Babae siya sa buhay ng isang lalaking may-asawa, nadurog ang aking puso. Nadurog para sa kanya, sa asawa (na malamang ay walang kamalay-malay) at nadurog din ang puso kong umabot sa ganito pata lamang magkumpisal siya ng buo, sa halip na patuloy na magsinungaling, na kanya ng ginagawa sa loob ng halos isang buwan. Sa loob ng walong bywan kami ay nakikipaglaban sa mga giyerang sumusugod sa amin sa bawat panig, ngunit wala kaming kaaalam-alam kung saan nag-uugat.

Kung kayo ay parte ng samahang ito o naglilingkod sa ministeryong ito ng boluntaryo ito ay may isang dahilan lamang—upang magmalasakit sa iba. Kami ay nandito upang maipanumbalik ang aming sariling mga buhay at ng sa gayon ay bumaling at makatulong na mahikayat ang bawat kababaihan na matagpuan ang pagmamahal ng Panginoon at maging Kanyang nakatakdang pakasalan ng “walang bahid o dungis” —dahil lamang sa nalinus na tayo ng tubig ng Kanyang salita.” LAHAT TAYO ay nangungulilang mabiyayaan, ngunit upang mabiyayaan ng Diyos ay nangangahulugang KINAKAILANGANG malinis tayo sa mga bagay na makakapigil sa pagpapanumbalik—pagkakasala sa kampo.

Wala sa atin ang nais magtrabaho kung mayroong itinatagong kasalanan. Nais mo bang lahat ng iyong gagawin, at ilang buwan ang makalipas lamang ah mapagtatanto mong ikaw ay nagkulang sa “pagpupunyagi” sa LAHAT n gating ginagawa, dahil lamang may isang nagtatago ng kasalanan. Ipinapangako ng Diyos na kapag tayo ay NANATILI SA KANYA, maaari nating hingin ang ano mang naisin natin (lahat ng pangakong itinabi natin sa ating mga puso) at sinasabi Niyang IPAGKAKALOOB Niya ito sa atin. Ngunit hindi katumbas ang pagkakasala rito. Hindi maaari.

Hayaan nating dumaloy ay espiritu sa ating mga buhay at lalo na sa ating pagsasama-sama. Maglaan ng panahon na makipag-usap sa Diyos ukol sa pagpapaalis ng kasalanan sa iyong buhay ngayon at kausapin Siya sa mga nalalabing araw ng linggo, at pagtapos ay magkumpisal.

Pagpapatuloy para sa Mas Maraming Biyaya

Noong nagdaang linggo ay natutunan nating “umawit sa kalagitnaan ng apo” at “yakapin” ang tulos na magpapanatili sa atin na magpaparamj ng biyaya sa ating mga bunah. Ang ikalawang prinsipyo, ay ang gamitin ang pagsubok at gawin itong OPORTUNIDAD upang mabiyayaan (at MAPARAMI ang biyaya), na matatagpuan natin sa mga susunod na bersikulo:

Mateo 5:39-41—
“Ngunit sinasabi ko sa inyo, ‘Huwag ninyong labanan ang masamang tao.’ At kung ikaw ay sampalin ng sinuman sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kabila.

“Kung ipagsakdal ka ng sinuman, at kunin ang iyong baro, ibigay mo rin sa kanya ang iyong balabal.

“Kung may sinumang pumilit sa iyo na lumakad ka ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya.”

1Pedro 3:8-9—
“Katapus-tapusan, magkaisa kayong lahat sa pag-iisip, maging madamayin, mapagmahal sa mga kapatid, mababait at may mapagpakumbabang pag-iisip; Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama, o ng pag-alipusta ang pag-alipusta, kundi ng pagpapala; sapagkat UKOL DITO kayo'y tinawag, UPANG kayo'y magmana ng PAGPAPALA.”

Mapapansin ninyong hindi nito sinasabing KUNG hihilingin nilang lumakas ka ng “dalawang milya” o KUNG hihingin nila ang iyong “balabal” pagkatapis nilang kunin ang iyong baro. Malinaw na sinasabing kapag hiniling LAMANG nila ang iyong baro, ay saka natin IMUMUNGKAHI ang ating balabal. Kung hingin nilang lumakad tayo ng isang milya, saka natin IMUMUNGKAHING dalawa an gating lakarin.

Ang biyaya ay HINDI sa pagsukli ng kasamaan laban sa kasamaan o pang-aalipusta laban sa pang-aalipusta, ngunit kapag tayo ay pumaibabaw sa “mas mataas” na lupa at IBIGAY sa kanila ang biyaya!

Ang KAPANGYARIHAN ng hindi hininging balabal, ang PWERSA ng paglakad ng ikalawang milya at ang TINDI ng pang-aalipustang naging biyaya, ang magdadala sa atin pataas at pasulong!

Ito ay dahil sa na u uhay tayo sa “ganitong pagkakataon” (Ester 4:14) kung kailan napakadaling magantimpalaan ng papuri mula sa ating kapwa Kristiyano kapag hindi tayo naghain ng “kontra demanda” o gumanti sa taong nananakit sa atin, gumagamit sa atin o umaabuso sa atin. Tingin nila sa atin ay santo! Ngunit, oh! Gaano kalayo ang ibinagsak natin mula sa buhay na kapangyarihan ng Maykapal! At patuloy itong lumalala. Kapwa “Kristiyano” natin mismo ay ang mga taong humihikayat sa iyo na wala kang ibang “pagpipilian” kundi idemanda ang isang tao.

Ang anak kong babae na si Tara at ako ay nakaranas ng ganitong pagkagulat noong natuklasan ko na ang dati kong sekretarya sa RMI ay nagnanakaw sa amin sa loob ng maraming TAON. Dahil marami ng ibang sekrtarya ang dumaan, ang bawat isa ay hindi natuklasang ang kumpanya ng cellphone na kusang binabayaran ay hindi akin, ngunit para sa isang sekretarya naming kailangan naming pakawalan. At pagkatapos, ang unang “pagkakataon” na dumating noong natuklasan ko ang pagnanakaw, ay nadaragdagan sa paglipas ng taon. Sa umpisa, siya lamang at ang kanyang telepono, ngunit noon gaming natuklasan ay naidagdag na niya bawat isang miyembro ng kanyang pamilya kada taon!

Noong ako ay nagtungo sa banko, katulad ng ipinayo sa amin ng kumpanya ng telepono na aming gawin, sinabi ng tagapamahala ng bangko na wala silang magagawa upang maibalik ang perang nawala sa amin, kundi ang ipaaresto ang taong ito lamang, at idemanda siya para sa pera. Noong ipinaliwanag ko na ako ay ministro at isang Kristiyano, sinabi ng lalaki na, “Ako rin ay naordinahang minsitro, at kinailangan kong idemanda ang aking sariling nga magulang, wala akong ibang pagpipilian.” Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagsasabing naghihintay pa rin siyang gamitin ng Diyos.

Naniniwala ka bang ikaw ay tunay ka Kristiyano, na nangangahulugang tagasunod ni Kristo “Sapagkat ukol dito kayo'y tinawag, sapagkat si Cristo man ay nagdusa alang-alang sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang sumunod kayo sa kanyang mga yapak. . . Nang siya'y alipustain, hindi siya gumanti; nang siya'y magdusa, hindi siya nagbanta, kundi ipinagkatiwala ang kanyang sarili doon sa humahatol na may katarungan” (1 Pedro 2:21, 23)? Kung ganoon, kailangan mong tignan, umasta at kumilos ng kakaiba at bilang pabuya, gagantimpalaan niya ng patuloy na biyaya ang iyong buhay.

Efeso 3:20 ASND—
“Purihin natin ang Dios na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin.”

Isaias 30:18—
“Kaya't naghihintay ang Panginoon, na maging mapagbiyaya sa inyo; kaya't siya'y babangon, upang magpakita ng habag sa inyo. Sapagkat ang Panginoon ay Diyos ng katarungan; mapapalad ang lahat na naghihintay sa kanya.”

Ngayon oras na para. . .

MAG DYORNAL