NAIS kang Biyayaan ng Diyos!
Habang ako ay nagsisimulang magbasa at sumagot ng napakaraming mga sulat sa loob netong mga nakaarang linggo, ang matinding pakiramdam sa aking puso ay nagnanais na makakita ng mas maraming kababaihan na mahanap ang Panginoon bilang kanyang Makalangit na Asawa.
Ang mga kababaihan ay nagpupunta sa amin para sa iisang layunin, ang maipanumbalik ang kanilang mga kasal. At kahit pa ang mga materyales naming ay nakabase sa pagpapanumblik ng pagsasama ng asawa, ang nakukuha ng BAWAT kababaihan sa kanilang pag-alis (kahit pa siya ay sumuko sa kanyang pagpapanumbalik) ay ang matagpuan ang pag-ibig ng kanyang buhay!
Kapag ako ay nagbabasa ng kahit na anong “Mga Katanungan sa Pagsusuri ng Kasal”, ako ay laging nakararamdam ng pambihirang panghihimok na gawin ang lahat ng aking magagawa upang palakasin ang kanyang kalooban. kapag aking binabasa ang mga detalye, at ang tono ng pagkawasak sa kanyang nagdadalamhating pag-amin, ako ay kadalasang nadadala at naluluha at nagnanais na makita ang kanilang mga pagsasama na maipanumbalik, ngunit higit pa rito, nais kong matagpuan nila ang Prinsipe ng Kapayapaan at ang kanilang Lalaking may Katapangan—ang Panginoon ng mga Hukbo.
Isaias 54:5—
“Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay iyong asawa; Panginoon ng mga hukbo ay kanyang pangalan”
At biglang tinamaan ako— ito MISMO ang nararamdaman ng Diyos tungkol sa kagustuhan niyang maranasan ng mga kababaihan ang ating Pinakamamahal na Panginoon! Nais Niyang mabiyayaan tayo, nais Niyang mabiyayaan ka! Nang sobra kaya sinabi Niya sa atin sa Kanyang Salita kung papaano natin matatamasa ang Kaniyang mga biyaya!
Isaias 30:18—
Kaya't naghihintay ang PANGINOON, na maging mapagbiyaya sa inyo; kaya't siya'y babangon, upang magpakita ng habag sa inyo. Sapagkat ang Panginoon ay Diyos ng katarungan; mapapalad ang lahat na naghihintay sa kanya.
Ang Panginoon ay naghihintay at nananabik na mabiyayaan ang bawat isang nangungulila para sa Kaniya. Nasa Kaniyang kalikasan ang PAGNANAIS na mabiyayaan tayo!
Kapag nakikita Niyang nagpapakumbaba tayo, nais Niya tayong ITAAS!
Kapag nakikita Niyang nagbibigay tayo, nais Niya tayong BIGYAN!
Kapag nakikita Niya ang ating mga luha, nais Niya tayong ALUIN!
Kapag nakikita Niyang nahihirapan tayo, nais Niya tayong TULUNGAN!
Ang nakalulungkot ay naniniwala akong mas madalas ay nakikinig tayo sa sinasabi ng mundo (na nagdududa sa Diyos at tiyak na walang kaalam-alam na ang Diyos ay mapagbiyaya) kaya minsan ay “nararamdaman” nating Siya ay malayo sa ating mga pangangailangan o kagustuhan. Tayo rin ay nakikinig sa kalabang nagdudulot sa atin upang “kwestyunin” kung ang Diyos ng aba ay nagmamalasakit sa atin.
Kahit pa ang mga Kristiyanong nagmamahal sa Panginoon ay kinukwestyon ang pagnanais o kagustuhan nitong ibigay ang minimith ng kanilang mga puso, kahit pa kabaliktaran nito ang sinasabi ng Kanyang Salita.
Mga Awit 37:4—
“Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.’
Kaya ang katotohanan ay—nais ng Diyos na biyayaan ang bawat isa sa atin, hindi lamang ngayong taon ngunit sa pang habang-buhay! Siya rin ay nangangakong ibibigay ang BAWAT isa sa iyong pangangailangan at kait pa karamihan o halos lahat ng pagnanasa mo. Nais Niyang mabiyayaan ang BAWAT isa sa inyo ng isang naipanumbalik na pagsasama sa inyong asawa—HINDI ninyo ito dapat pagdudahan—ngunit ito ay nangangahulugang naipanumbalik muna kayo sa Kanya.
Okey, ako ay maaaring magpatuloy, ngunit sa halip, nais kong huminto tayong lahat upang mag “Sela.” Huminto ngayon at pag-isipan ang aking mga sinabi ang Kanyang sinabi sa Kanyang mga sariling salita. At sa darating na linggo, nais kong hikayatin kayong pag-isipan at pagbulayan ang isang prinsipyong ito.
Ang Panginoon ay naghihintay at nananabik na biyayayaan ang bawat isang nananabik sa Kanya. Nasa Kaniyang kalikasan ang PAGNANAIS na mabiyayaan tayo!
Sa susunod na linggo ating titignan kung bakit napakaraming naniniwala ang hindi nabibiyayaan habang ang ibang naniniwala naman ay tila sobrang pinagpapala na hindi na nila ito mapigilan. Ngayon panahon na para mag…