Kabanata 6 "Babaeng Madaldal"
Nakayayamot ang babaing masalita tulad ng ulang ayaw tumila. Mahirap siyang patigilin.
Para kang dumadakot ng langis o pumipigil sa hangin.
âKawikaan 27:15-16
Tanungin mo ang iyong sarili,
âAko ba ay isang Babaing Masalitaâ?
Maaaring ang tanong na iyan ay mahirap sagutin dahil hindi ka lubos na sigurado kung ano ang babaing madaldal. Kung ating kukunsultahin ang diksyonaryo, ito ay nangangahulugan ng away, sagutan, pala-sagot, pala-away na espiritu.
Ang iyong mga pakikipag-usap ba sa iyong asawa ay madalas na paligsahan para makita kung sino ang mananalo o makukuha ang gusto niya? Nanalo ka ba ng maraming beses? Hayaan mong ibahagi ko sa iyo na ako ay pala-away na asawa at ako ay nanalo madalas, o maaaring maraming besesâpero sa totoo lang, ako ay natalo! Nawala ang aking asawa at ang pamilya na meron kami!
Nakikipag-away ka ba sa iyong asawa? âAng simula ng kaguluhaây parang butas sa isang dike na dapat ay sarhan bago ito lumakiâ (Kawikaan 17:14). Gayunpaman ang mundo at ang sinasabing mga dalubhasa sa buhay may-asawa ay nagsasabi sa atin na ang isang mabuting away ay makakabuti sa ating buhay may-asawa. Huwag mong paniwalaan ito! Ang pagtatalo AY sisirain ang iyong buhay may-asawa! At kung patuloy kang makikipagtalo o makikipag-away sa iyong asawa, mawawalan ka ng oportunidad na buoin ang iyong buhay may-asawa!
Mayroon bang kaguluhan sa iyong tahanan? âKahit tinapay ang kinakain ngunit may kapayapaan, mabuting di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaanâ (Kawikaan 17:1). Ikaw ba ang maamo at payapang babae na sinasabi sa 1 Pedro 3:4 na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos? Ang mga anak mo ba ay maiingay at magugulo? Ang asawa mo ay hindi dadalaw upang makita ka o ang inyong mga anak kung sa tingin niya ay may kaguluhan sa iyong tahanan. Kahit na magbago ka, pero ang inyong mga anak ay nanatiling matigas ang ulo o magugulo, ang iyong asawa ay hahanap ng kapayapaan at katiwasayan sa mga bisig at tahanan ng iba.
Mayroon ka bang pala-away na espiritu? âTanggihan mo ang mangmang at mga hangal na pagtatalo. Alam mong ang mga ito ay nagbubunga ng mga paglalaban-laban. Ang pakikipag-away ay hindi nababagay sa isang alipin ng Panginoon. Sa halip, siya ay maging mabait sa lahat, handang makapagturo at matiisin sa ibaâ (2 Timoteo 2:23-24). Ikaw ba ay isang âalam-ang-lahatâ? O lagi ka bang kontra sa mga bagay na sinasabi ng asawa mo? Ang sabi sa ating ng Diyos, âMakipagkasundo ka muna sa nagsasakdal sa iyo habang ikaw ay kasama niya sa daan. Kung hindi ay baka ibigay ka ng nagsasakdal sa iyo sa hukom at ibigay ka naman ng hukom sa opisyal at ipabilanggo kaâ (Mateo 5:25). Magbabala sa korte ng diborsyo!
Ikaw ba ay palasagot? âAng mga alipin ay magpasakop sa sarili nilang mga amo. Sa lahat ng mga bagay ay maging kalugud-lugod at hindi palasagotâ (Tito 2:9). Ikaw ba ay alipin ni Hesus? Nabili ka ba Niya sa isang halaga? Kung ganon, utang mo sa Kanya na maging kalugod-lugod. Ngayon na nakita na nating kung ano ang kahulugan ng pagiging CONTENTIOUS, ang Salita ng Diyos ay binanggit ng limang beses kung gaano kapangit ang pala-away na asawa. Tingnan natin.
Madaldal o Masalitang Asawa
Babaeng Madaldal. Nagkaroon ka na ba ng tumutulong gripo na naging sakit ng ulo mo? âAt tila ulang walang tigil ang bibig ng madaldal na asawaâ (Kawikaan 19:13). Minsan kailangan pa ang isang tao upang kunin ang atensyon ng iyong asawa tungkol sa tulo o tagas na ito (maaaring isang kaibigan o ang iyong biyenan), kapag napuna na niya ito, ito na lamang ang kanyang mapapansin! Pinagtakhan mo na ba kung bakit ang mga lalaki ay nililisan ang kanilang mga tahanan, at madalas kasama ang isang haliparot? Ang Kawikaan 21:9 ay nagsasabi sa atin na âMasarap ang tumira sa bubungan ng bahay kaysa loob ng bahay na ang kasamaây babaeng madaldal.â
Babaeng madaldal at palaaway. Muli, ang isang lalake ay mas nanaisin na tumira sa disyerto na walang tubig at mainit kaysa kasama ang asawang hinahamon siya o ang kanyang kapangyarihan o awtoridad. âMas mabuti ang mag-isang manirahan sa ilang kaysa makisama sa babaeng madaldal at palaaway (nakakainis na babae)â (Kawikaan 21:19). Ang Diyos ay sigurado o tapat sa talatang it, inuulit-ulit Niya ito. Nakikinig ka ba? âMasarap ang tumira sa bubungan ng bahay kaysa loob ng bahay na ang kasamaây babaeng madaldalâ (Kawikaan 21:9).
Ulang ayaw tumila. Inihahambing ng Diyos ang ulang ayaw tumila sa isang babaeng masalita na nagtutulak sa isang tao na umalis. Bakit hindi na lang gawin ng lalaki ang bubungan? Dahil sabi ng Diyos, ito ay imposible! âNakayayamot ang babaing masalita tulad ng ulang ayaw tumila. Mahirap siyang patigilin. Para kang dumadakot ng langis o pumipigil sa hanginâ (Kawikaan 27:15-16).
Pagiging Sakop
Malaking bahagi ng iyong pagiging pala-away o pala-sagot ay maaaring nag-ugat sa iyong paniniwala na ang kasal o buhay may-asawa ay isang partnership. Ito ay akin pinaniwalaan hanggang sa aking nalaman na ito ay HINDI totoo! Sa halip, ang pamilya at ang iba pang Kanyang nilikha ay nilagay ng Diyos sa mga posisyon ng kapangyarihan o tagapamahala. Ang ating asawa ay ang ating tagapamahala. Ito ay importanteng iyong maintindihan. âIbig kong malaman ninyo na ang pangulo ng bawat lalaki ay si Kristo. Ang pangulo ng bawat babae ay ang lalaki. Ang pangulo ni Kristo ay ang Diyosâ (1 Corinto 11:3). âIbig kong malaman ninyo na ang pangulo ng bawat lalaki ay si Kristo. Ang pangulo ng bawat babae ay ang lalaki. Ang pangulo ni Kristo ay ang Diyosâ (Efeso 5:24).
Ano ang pagsunod o pagpapasakop? Ito ay ang pagsunod ng walang salita, kahit na ang iyong asawa ay sumusuway sa Salita ng Diyos. Ito ay ang hindi pag-insulto bilang kapalit ng kanyang pag-insulto sa iyo. Ang sabi sa 1 Pedro 3:9, âHuwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, gantihan ninyo sila ng pagpapala sapagkat tinawag kayo upang gawin ito, upang kayo ay magmana ng pagpapala.â Ang pagbibigay ng pagpapala ay nangangahulugan ng pagsagot sa isang insulto ng isang papuri at magandang asal âkapag nakita nila ang inyong dalisay na pamumuhay na may banal na pagkatakotâ (1 Pedro 3:2).
Ang pagpapasakop ba ay nararapat pa sa panahon ngayon? âSi Jesus ay siya pa rin kahapon, ngayon, bukas at magpakailanmanâ (Hebreo 13:8). Sa Mateo 5:18, ang sabi ni Hesus, âKatotohanang sinasabi ko sa inyo: Lilipas ang langit at ang lupa ngunit kahit isang tuldok o isang kudlit sa Kautusan ay hindi lilipas sa anumang paraan hanggang matupad ang lahat.â
Si Kristo ang pangulo ng bawat lalaki. Paano tayo makakasiguro na ang Diyos ay mas mataas kay Hesus, at ang aking asawa (ligtas o hindi) ay mas mataas sa akin? âIbig kong malaman ninyo na ang pangulo ng BAWAT lalaki ay si Cristo. Ang pangulo ng bawat babae ay ang lalaki. Ang pangulo ni Cristo ay ang Diyosâ (1 Corinto 11:3).
Dalisay na pamumuhay. Ngayong sigurado na tayo na ang Diyos ay nangungusap sa lahat ng mga asawang babae, ano ang Kanyang inuutos? âKayo namang mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong sariling mga asawa. At kung mayroon pa sa kanila na hindi sumusunod sa salita ng Diyos ay madala rin sila ng walang salita sa pamamagitan ng pamumuhay ng asawang babae. Madadala sila kapag nakita nila ang inyong dalisay na pamumuhay na may banal na pagkatakotâ (1 Pedro 3:1-2).
Magpasakop. âMga asawang babae, magpasakop kayo sa inyo-inyong asawa gaya ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Ito ay sapagkat ang asawang lalaki ay siyang ulo ng asawang babae, tulad ni Cristo na ulo ng iglesiya at tagapagligtas ng katawan. Kung papaanong ang iglesiya ay nagpasakop kay Cristo, gayundin ang mga asawang babae ay magpasakop sa sarili nilang mga asawa sa lahat ng mga bagayâ (Efeso 5:22-24). Ang Salitang ito ay ipinapaliwanag sa atin na ang relasyon nating sa ating asawa ay dapat katulad ng kay Kristo at sa simbahan. Hindi baât nakakalungkot na maraming mga simbahan ang hindi nagpapasakop kay Kristo at sa Kanyang mga aral, sa ganoong paraan din na maraming mga babae ang hindi nagpapasakop sa kanilang mga asawa? May kaugnayan ba ito?
Mga babaeng banal. Nasaan ang ating pag-asa sa pagpapasakop? âIto ay sapagkat ganito ang kagayakang pinagyaman ng mga babaeng banal noong unang panahon. Sila ay nagtiwala sa Diyos at nagpasakop sa kanilang sariling asawaâ (1 Pedro 3:5). Ang ating pag-asa at tiwala ay nasa Diyos, hindi sa ating asawa. Samakatwid, hindi natin kailangang matakot kung sila ay gumagawa ng maling bagay! âKatulad ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang kaniyang asawang si Abraham. Kayo rin ay mga anak ni Sara kung mabuti ang inyong mga gawa at wala kayong katatakutang anumanâ (1 Pedro 3:6).
Taga-protekta. Kapag tayong mga babae ang nagpu-protekta sa ating mga sarili dahil ang pakiramdam natin kaya nating âipaglaban ang sarili nating laban,â bakit natin kailangan ang ating mga asawa? Ikaw ba ang siyang nakipagtalo sa tindero o ang nagtaboy sa lalake sa may pinto, malamang ng mas may buong sigla kaysa kung ang iyong asawa ang gumawa nito? Nakalimutan na ba ng iyong asawa kung paano ka ipagtanggol dahil madalas ikaw ang gumagawa nito? Sino ba talaga ang may suot ng pantaloon sa iyong pamilya? Sino ang mas malakas?
Sinabihan mo ba ang iyong asawa na pakialaman ang sarili niya nang sinabi niya sa iyo na huminahon? Ano ang ginawa ng iyong asawa nang ikaw ay nagpatuloy na magrebelde? Una, umurong siya dahil ayaw na niya ng isa na namang away; pagkatapos nilisan niya ang bahay na may âulang ayaw tumilaâ; pagkatapos nakahanap siya ng ibang babae na pagbibigyan ng kanyang pagmamahal!
Kung ikaw ay nanatiling madaldal o pala-away kapag siya ay bumibisita o tumatawag o sumusulat, kung ganon naaalala niya lang kung bakit ka niya iniwan. Ito ang dahilan kung bakit maraming babae ang hindi nakikita ang kanilang mga asawa.
Dapat kang maging ganap na tulad ng imahe ng Diyos sa una pa lang na pagkakataon na dalhin ng Diyos ang iyong asawa sa iyo bilang sagot sa iyong mga dasal. Kung nagustuhan ng iyong asawa ang kanyang nakita at narinig, siya ay magbabalik para sa isa pang pagkakataon na mamasdan o marinig muli ito. Ito ang naghahatid sa restorasyon o pagkabuo ng iyong buhay may-asawa. Kung pinanumbalik ng Diyos ang kanyang puso, pero ayaw ng kanyang kalooban o kagustuhan dahil sa kawalan mo ng pagbabago, kung ganon, di mo masisisi ang Diyos.
Ang Ugat ng ating Pagiging Masalita o Palaaway . . .
Sariling-Pakundangan
Paanong naging masalita o palaaway ang napakaraming mga babae? Tayong mga babae ay mga masalita o palaaway dahil tayong mga Kristiyano ay ginagaya ang mundo at ang makamundong kaisipan. Ang mga aklat na ating binabasa, ang mga taga-payo natin, ang mga klase na ating dinadaluhan ay hindi isinasabatid ang Salita ng Diyos na dalisay. Karamihan sa mga Kristiyanong babae ay puno ng psikolohiya.
Ang lason na isinawsaw sa tsokolate ay lason pa rin! Mga kapatid ko kay Kristo, ang psikolohiya ay mas delikado kapag isinawsaw o ibinabad sa Kristiyanismo dahil atin itong kinakain kaagad! Tayo ay nahikayat na isipin na ang âpagmamahal sa sariliâ at ang âpag-protekta sa sariliâ ay magagandang mga bagay, pero sila ay WALANG IBA kundi KAYABANGAN! Ito ang kasalanan na nagresulta sa pagiging Satanas ni Lucifer!!
Ang masalita, mapagmataas na babae, ang babaeng na âalam-ang-lahat,â ay ang babaeng nakikipagtalo at gustong masunod ang gusto niyaâdahil sa âtinginâ niya, siya ay tama. At kapag siya ay mali, ang kanyang sarili ay kailangang protektahan. Wala kailanman na mapagkumbabang salita o âpatawarin mo ako; ako ay MALI!â Ang masalita o pala-away na babae ay nakundisyon na upang isipin na ang paghingi ng tawad ay sobrang kahiya-hiya.
Ang ating kayabangan ay nagre-resulta ng self-righteousness, kung kaya bakit maraming mga babae ang nagsisiwalat o nagbubunyag ng mga kasalanan ng kanilang mga asawa, dahil hindi nila nakikita ang kanilang sariling mga kasalanan!
Paano mo Tatanggaling ang Iyong
Pagigiging Masalita at Sariling Pagkamatuwid
Kung tayo ay magkukumpisal. Tulad na ating nakikita, ang pamumuhay kasama ang masalita at sariling pagkamatuwid na babae ay walang ipinagkaiba sa isang bangungot, hindi lamang para sa ating mga asawa, pati na sa ating mga anak. Tayo ay magdasal at hingin ang kapatawaran ng Diyos. Ating hanapin ang Kanyang pagpapala upang tulungan tayo na maging mahinahon at tahimik na mga babae na kanais-nais sa Kanyang paningin, pati na rin sa paningin ng ating mga asawa. âKung ihahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na magpapatawad at maglilinis sa atin sa lahat ng ating kalikuanâ (1 Juan 1:9).
Mangumpisal o ipahayag. Kapag ang iyong asawa ay umuwi o bumisita, hingin mo ang kanyang kapatawaran para sa iyong pagiging masalita o pala-away at sariling pagkamatuwid . Kung wala ka ng kontak sa iyong asawa, magdasal para sa oportunidad na masabi sa kanya sa telepono o ng harapan. (Kung maaari lang, huwag mo siyang tawagan!) âIpahayag ninyo ang inyong mga pagsalangsang sa isaât isa. Manalangin kayo para sa isaât isa, upang gumaling kayo. Ang mabisa at taimtim na panalangin ng taong matuwid ay higit na malaki ang magagawaâ (Santiago 5:16).
Kapag nagpapahayag, huwag magpatuloy-tuloy sa iyong âmaikling talumpati.â Sabihin mo lamang sa kanya sa maikling paraan na inusig ka na ng Diyos sa iyong pagiging maingay at pala-away, dahil sa ikaw ay mapagmataas at sariling pagkamatuwid . Sabihin mo sa kanya, sa tulong ng Panginoon, na ikaw ay nagdadasal upang baguhin ang dati mong asal. Halikan mo siya at lumabas ng silid o magpaalam o ibaba ang telepono! Pagkatapos, magpahayag sa iyong mga anak at ipaliwanag sa kanila kung paano ka tutulungan ng Diyos na magbago sa pamamagitan ng kababaang-loob. Napakadalas na nakikita or naririnig lamang nila ang tungkol sa kasalanan ng kanilang ama; importante na kanilang makita na ang paghihiwalay o diborsyo ay hindi dahil sa isang panig lamang.
Makipagkasundo muna. Kung hindi mo nararamdamang âina-akayâ para ayusin o itama ang mga bagay-bagay, huwag kailanman bumalik sa simbahan. âKaya nga, kapag ikaw ay magdala ng iyong kaloob sa dambana at doon ay maala-ala mo na ang iyong kapatid ay may laban sa iyo, iwanan mo roon sa harap ng dambana ang iyong kaloob. Lumakad ka at makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid. Pagkatapos ay bumalik ka at maghandog ng iyong kaloobâ (Mateo 5:23-24).
Pagpapala sa mga mapagpakumbaba. Isa pa, siguraduhin na ikaw ay mapagkumbaba; huwag maging masyadong mayabang na ipagsabi o ibulalas na ikaw ay masalitang babae. âKayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa mga matanda. Magpasakop kayo sa isaât isa at isuot ninyo ang kapakumbabaan sapagkat sinasaway ng Diyos ang mga palalo at nagbibigay biyaya sa mga mapagpakumbaba. Kaya nga, magpakumbaba kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos upang kayo ay Kaniyang itaas sa takdang panahonâ (1 Pedro 5:5-6). At patuloy na ipahayag sa kaninuman tuwing ikaw ay naging masalita o pala-away.
Ito ang reseta ng Diyos. âSa wakas, dumating sila sa batis ng Mara, ngunit hindi nila mainom ang tubig nito dahil sa kapaitan. Kaya tinawag nila itong Batis na Mapaitâ (Exodo 15:23). Si Moses ay nagpukol ng puno sa tubig, isang paghahalintulad sa krus ng Kalbaryo. Dapat mo ring ipukol ang krus sa batis ng iyong kapaitan. Si Kristo ay namatay upang palayain ka sa lahat ng iyong kasalanan, kasama na ang iyong masalita, pala-away at mapagyabang at mapangsariling pag-uugali.
Si Hesus ang dapat nating halimbawa, lagi, sa lahat ng mga bagay, sa paraan ng kanyang pamumuhay o paglakad sa mundo. âIto ay sapagkat kailangang taglayin ninyo ang kaisipan na na kay Cristo Jesus din naman. Bagaman Siya ay nasa anyong Diyos, hindi Niya itinuring na kailangang pakahawakan ang Kaniyang pagiging kapantay ng Diyos. Bagkus ginawa Niyang walang kabuluhan ang Kaniyang SARILI at tinanggap Niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa taoâŚSiya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krusâ (Filipos 2:5-9).
Personal na pangako: gawing mas mahalaga ang iba kaysa aking sarili, sa pamamagitan ng pag isang tabi ng aking pagiging masalita, pala-away at mga mapagyabang na asal o gawain. âBase sa aking natutuhan sa Salita ng Diyos, ako ay nangangako na baguhin ang aking kaisipan at maging taga-gawa ng Salita sa pamamagitan ng pagiging mapagpakumbaba at pag isang tabi ng aking pagiging masalita o pala-away.â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.