Kabanata 3 "Magkaroon ng Pananalig"
Sumagot si Hesus, âManalig kayo sa Diyos.â
âMarcos 11:22
May Pananalig Ka Ba O Takot?
Ang takot ay isa sa mga pinakamatinding bagay na kailangan mong malampasan. Sinasabi sa atin ng Roma 12:21, âHuwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masama.â Nanakawin ng takot ang iyong pananalig at gagawin kang lubhang mahina sa kaaway. Kapag nakinig ka sa lahat ng sinasabi sa iyo ng iba tungkol sa kung ano ang ginagawa o hindi ginagawa ng iyong asawa, sa halip na ituon mo ang iyong mga mata sa Panginoon at sa Kanyang Salita, mabibigo kang tumutok sa Kanya at magsisimula kang lumubog!
Magkaroon ka ng pananalig sa kakayahan ng Diyos at sa Kanyang pagnanais na ayusin ang iyong buhay may-asawa. Muli, basahin mo ang mga testimonya ng mga naayos na buhay may-asawa; tapos PANIWALAAN mo na ang iyo ang madadagdag sa kanila!
Pedro, Isang Halimbawa ng Pananalig. Basahin mo ang kwento ni Pedro sa Mateo 14 simula sa talata 22. Inutusan ni Hesus si Pedro na lumakad sa tubig. Kapag inutusan ka Niya na lumakad sa tubig, bababa ka ba ng bangka? Tingnan mo ng humingi ng saklolo si Pedro kay Hesusâlagi itong nasusundan ng salitang agad. Kaagad, nagsalita si Hesus sa kanila at sinabing maging matapang. Pagkatapos ng nagsimulang lumubog si Pedro at sumigaw siya sa Panginoon, âagad siyang inabot ni Hesusâ (Mateo 14:31).
Takot. Isang tanong na dapat nating tanungin ang ating sarili ay âbakit lumubog si Pedro?â âNgunit nang mapansin niya ang hangin, siyaây natakotâ (Mateo 14:30). Kung titingnan mo ang iyong sitwasyon at ang labanan na sumisiklab sa harap mo, ikaw ay lulubog! Inalis ni Pedro ang kanyang mga mata sa Panginoon at ang naging resulta ay takot! Sabi nito, âsiyaây natakot.â Kung aalisin mo ang iyong mga mata sa Panginoon, ikaw ay magiging matatakutin.
Sa halip, tumingin kay Hesus at PUMAIBABAW sa iyong bagyo. Kung ikaw ay nasa eroplano sa gitna ng bagyo, masyadong matagtag kapag ikaw ay umaakyat sa ulap. Pero sa sandaling ang eroplano ay nasa ibabaw na ng mga maitim na ulap na iyon, ang paglipad ay malumanay, ang araw ay sumisikat at halos nakikita at nararamdaman mo na ang Diyos doon! Nakakapagtaka, na sa dakong iyon, ang mga ulap sa ibaba ay maputi at malambot!
Ang Iyong Testimonya. Isa pang importanteng punto ay kung ano ang nangyari sa iba na nasa bangka. (Nalimutan mo ba na may ibang hindi bumaba ng bangka?) Ang sabi nito, âAt sinamba Siya ng mga nasa bangka, âTunay na Kayo ang Anak ng Diyos!ââ (Mateo 14:33). Handa ka bang hayaan ang Diyos na gamitin ka para ipakita ang Kanyang kabaitan, ang Kanyang mapagmahal na KINDNESS, ang Kanyang proteksyon, at para hikayatin ang iba tungo sa Kanya? Mayroong malaking pabuya! Ito ay ebanghelismo. Ang iba ay lalapit sa iyo kapag mayroon silang problema dahil nakita na nila ang iyong kapayapaan kahit na ganyan ang iyong sitwasyon.
Daigin
Tumigil ang hangin. âPagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hanginâ (Mateo 14:32). Ang iyong labanan ay hindi magpapatuloy sa habang panahon. Ang pagsubok na iyon ay kinailangan upang gawing matatag si Pedro upang maging âBatoâ na sinabi ni Hesus sa Mateo 16:18. Si Satanas (at ang mga kumikilos para sa kanya) ay sasabihin sa iyo na mananatili ka sa pagsubok na ito kung hindi ka aalis, bibigay at susuko.
Hindi kailanman ninais ng Diyos na tayo ay manatili âsa daang tumatahak sa karimlan.â Sinasabi sa Awit 23 na tayo ay dumadaan âsa daang tumatahak sa karimlan.â Gusto tayong papaniwalain ni Satanas na gusto tayo ng Diyos na mamuhay doon! Gusto niyang ipinta ang âwalang pag-asangâ larawan! Ang Diyos ang ating pag-asa, ang pag-asa ay ang pananalig sa Kanyang Salita na naitanim na sa ating mga puso.
Pananalig
Abraham. Ang pangalawang halimbawa ay nang si Abraham ay 90 taon at wala pa rin ang anak na ipinangako ng Diyos sa kanya. Sinabi nito, âSubalit wala nang pag-asa...nanalig pa rin siyaâ (Roma 4:18). Hindi baât mabuti iyon? Kahit na wala nang pag-asa, nagpatuloy siyang paniwalaan ang Diyos at panindigan ang Kanyang Salita. Gawin din natin dapat iyon.
Kumilos sa pananalig na mayroon ka. âSumagot siya, âDahil sa kaliitan ng inyong pananalig. Sinasabi Ko sa inyo: kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa bundok na ito, âLumipat ka roon!â at lilipat ito. Walang bagay na hindi ninyo mapangyayariââ (Mateo 17:20).
Kung kulang ka sa pananalig. Kung kulang ka sa pananalig, dapat kang humingi sa Diyos. Mayroong labanan, kahit na sa ating pananalig. âPakikibaka alang-alang sa pananampalataya...â (1 Timoteo 6:12). At âPuspusan akong lumaban sa paligsahan. Natapos ko na ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya...â (2 Timoteo 4:7). âHindi Siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka Siya sapagkat hindi sila sumasampalatayaâ (Marcos 6:5-6). Kapag ipinatong ng Diyos ang Kanyang mga kamay sa iyo at iyong buhay may-asawa, magtataka ba Siya sa IYONG kawalan ng pananampalataya?
Taga-gaya ng pananampalataya. Makakabuti sa atin na tularan ang mga nasa Bibliya na nagpakita ng pananampalataya (makikita mo ang âHall of Faithâ sa Hebreo Kabanata 11.) Dapat tayong kumilos sa mga pangako ng Diyos. â...tularan ninyo ang mga taong nagtitiis at nanalig sa Diyos at sa gayoây tumatanggap ng mga ipinangako Niyaâ (Hebreo 6:12). Maraming babae ang sumunod sa mga prinsipyo na nakalahad sa librong ito na nagtagumpay sa magulo o kahit na sirang buhay may-asawa. Ang kanilang mga testimonya ang magpapalakas ng iyong pananampalataya. Katulad ng sinasabi ng isang kanta, paniwalaan âKung anuman ang ginawa Niya sa iba, gagawin Niya para sa iyo!â Basahin ang mga di-mapaniwalaang mga testimonya ng buhay may-asawa ng inayos ng Diyos sa aming website na TulongMayAsawa.com.
Ang Duda ay Nakakasira
Pabagu-bago ang isip o nagdududa. Hindi ka dapat pabagu-bago ng isip. Ang iyong isip ay hindi dapat pagdudahan ang Diyos. âSubalit ang humihingiây dapat manalig at huwag mag-alinlangan; sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ng isip at di alam kung ano talaga ang ibigâ (Santiago 1:6-8).
Kung ikaw ay nahihirapan sa pagpapabagu-bago ng isip, dapat kang magbasa at magnilay-nilay sa Salita ng Diyos, na siyang tanging katotohanan! DAPAT mong ihiwalay ang iyong sarili sa SINUMAN na patuloy na nagsasabi sa iyo ng mga bagay na tiwalas sa iyong pagnanais na ayusin ang iyong buhay may-asawa. At dapat kang laging magsabi ng âkatotohananâ sa lahat tungkol sa iyong pananampalataya kakayahan ng Diyos at sa Kanyang pagnanais ng maayos ang iyong buhay may-asawa.
Pananampalatayang walang gawa. âNgunit may nagsasabi, âMay pananampalataya ka at may gawa ako.â Sagot ko naman, âIpakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang kalakip na gawa, at ipakikita ko sa naman sa iyo sa pamamagitan ng aking mga gawa ang aking pananampalatayaââ (Santiago 2:18). Ipakita sa iba na ikaw ay mayroong pananampalataya sa pamamagitan ng iyong mga kilos. Kung ikaw ay naniniwala na ang iyong asawa ay uuwing muli, ipakita mo sa kilos mo. Pabayaan mong walang laman ang espasyo niya sa kabinet, ang pwesto niya sa kama, at SIGURADUHIN na suot mo ang iyong singsing! âIbig mo pa bang patunayan ko sa iyo hangal, na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kalakip na gawa?â (Santiago 2:20). Kung ikaw ay naniniwala na ang iyong ipinagdarasal ay mangyayari, umpisahan mong itrato ang taong iyon na para bang sila ay nabago na!
Huwag pangunahan ang Diyos. Huwag kumilos. Huwag bumili ng bahay para sa iyo at sa iyong asawa kapag bumalik na siya. Sa halip, maghintay sa panig na ito ng Jordanâhuwag pasukin ang Pangakong Lupain nang wala ang iyong asawa! Ang Diyos ay Diyos ng âpaghihintay.â Ang pagmamadali ay kadalasang galing sa kalaban.
Magpakatatag sa inyong pananalig. Paalalahanan ang iyong sarili nung mga taong na nanaig o nagtagumpay kung kaya nakatanggap ng masaganang buhay na ipinangako ng Diyos. âLabanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananalig sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati ang inyong mga kapatid sa buong daigdigâ (1 Pedro 5:9). Basahin paulit-ulit ang mga testimonya sa aming website at sa aming aklat na âKumikilos ang Diyos!â (âGod is Moving!â). Isaisip ang mga testimonya ng ibang tao. Ibahagi ang mga testimonyang ito sa iyong pamilya at mga kaibigan na nagdududa na ang iyong buhay may-asawa ay maaayos o na ang iyong asawa ay mababago ng Diyos.
Paano madadagdagan ang iyong pananampalataya
Ang Salita. Paano tayo magtatamo ng pananampalataya, o madadagdagan ang ating pananampalataya? âKayaât ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Kristoâ (Roma 10:17). Basahin ang Kanyang Salita at ang mga testimonya ng iba. Palibutan ang iyong sarili ng mga may pananampalatayang mga babae na maniniwala kasama mo. Yung mga nanindigan para sa Diyos ang magtuturo sa iyo at aalalayan ka. Maraming pagkakataon na makikita natin ang ating sarili na parang halos wala na tayong pananampalataya, dapat mong ipamigay kung anumang natitirang pananampalataya mayroon ka. Tawagan mo ang isang taong sa tingin mo ay kailangan ng magpapalakas ng kanyang loob at ibigay mo sa kanya ang natitira mong pananampalataya. Ibababa mo ang telepono na nagagalak dahil pupunuin ka ng Diyos ng lubos na pananampalataya. Basahin ang 1 Hari 17:12-15 para maalala ang balo na ibinigay ang kanyang huling tinapay kay Elias at ang milagro na kanyang natanggap!
Napakaraming humingi sa aming tulong at nabigong umani ng nabuo o naayos na buhay may-asawa dahil pakiramdam nila ay hindi sila nakapagtanim sa buhay ng iba habang sila nagpapakahirap na iligtas ang kanilang buhay may-asawa. Ito ay hindi ayon sa Bibliya at kontra sa mga prinsipyo ng Diyos. Kumuha ka ng Kasamang Pampasigla at tulungan mo siya na maayos ang kanyang buhay may-asawa. O mag-umpisa ng Kasamang Pampasigla sa iyong tahanan o simbahan kung may kakayahan kang mamuno o maging isang lider. Lubos akong ginamit ng Diyos at ang iba pa habang kami ay nag-ministro sa iba sa gitna ng aming paghihirap at kakulanganâat biniyayaan ng Diyos ang aming mga gawain ng nabuo o naayos na buhay may-asawa!
Pagsunod. Huwag kalimutan na ang pagsunod sa Diyos ay napakahalaga sa tagumpay. Huwag kalimutan ang sinabi ni Hesus, âHindi lahat ng tumatawag sa Akin, âPanginoon, Panginoon,â ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng Aking Amang nasa langit. At sasabihin Ko sa kanila, âKailanmaây hindi Ko kayo nakilala. LUMAYO KAYO SA AKIN MGA MAPAGGAWA NG MASAMA!ââ (Mateo 7:21, 23). Kung ikaw ay âmapaggawa ng masamaâ o patuloy mong ginagawa ang alam mo ay salungat sa mga biblikal na prinsipyo na matatagpuan sa aklat na itoâang iyong buhay may-asawa ay HINDI maaayos o mabubuo!
Sa Kalooban ng Diyos. Kung ang iyong damdamin o puso ay kinukutya ka na ikaw ay wala sa kalooban ng Diyos at hindi mo sinusunod ang mga prinsipyo sa aklat na it, syempre hindi ka magkakaroon ng tiwala at pananampalataya na matatanggap mo ang iyong kahilingan mula sa Panginoon. Sabihin mo sa Diyos na âbasagin o sirainâ ka para ang iyong kalooban ay maging Kanyang kalooban.
DAPAT Kang Maghintay
Maghintay sa Kanyang Kapanahunan. Ang Diyos ay tila kumikilos sa PAISA-ISANG bagay. Dapat tayong kumilos kasama Siya ayon sa Kanyang kapanahunan. Hindi ibig sabihin nito ay dapat tayong maghintay para magdasal; ang ibig lang nito sabihin ay dapat tayong maghintay sa Diyos na baguhin ang ating sitwasyon sa tamang panahon. Salamat sa Diyos at hindi Niya ipinupukol sa akin (sa pamamagitan ng paghatol) ang lahat ng aking mga kasalanan ng sabay-sabay! Gamitin mo lang ang oras ng iyong paghihintay para magdasal. Maraming oras na ang labanan ay magpapatuloy na sisiklab sa iyong panig. Maaaring maraming mga âlabananâ na dapat ipaglaban (at ipanalo) sa digmaan laban sa iyong buhay may-asawa. Tandaan mo lang, âKapag ang labanan ay sa Diyos, ang tagumpay ay sa atin!â
Mayroon tayong kumpiyansa dahil alam natin na tayo ay agad Niyang diringgin, kahit ang kasagutan ay tila mabagal. Sa aklat ni Daniel, ang anghel ay nagsabi sa kanya at ibinigay sa atin ang mga INSIGHTs: â...mula pa nang ilagak mo sa Diyos ang iyong isipan, at magpakababa sa kanyang paningin, dininig na ang iyong dalangin. Naparito nga akong taglay ang katugunan ngunit napigilan ako sa kaharian ng Persia pagkat dalawampuât isang araw muna akong nakipaglaban sa anghel na bantay roonâ (Daniel 10:12-13). Maaaring matagalan na mapanalunan ang mga labanan, kaya huwag kang mapagod. âMga kapatid, huwag kayong magsasawa sa paggawa ng mabutiâ (2 Tesalonica 3:13).
Personal na pangako: hayaan ang Diyos na baguhin ako. âBase sa aking mga natutuhan sa Salita ng Diyos, ipinapangako ko na hanapin ang Diyos at ang Kanyang Salita para madagdagan ang aking pananampalataya sa Kanyang kakayahan na ayusin o buoin ang aking buhay may-asawa. Lalabanan ko ang takot sa pamamagitan ng pagtuon ng aking mga mata kay Hesus, ang May-Akda at Tagapagtapos ng aking pananampalataya.â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.