TGL-WRYM-NEW-COVER-Front

Kabanata 2 "Ang Magpapalayok at ang Luwad"

. . . Kami’y parang luwad at ikaw ang magpapalayok.

Ikaw ang lumikha sa amin.

—Isaias 64:8

Kapag tayo ay nakakaranas ng krisis sa ating buhay may-asawa, napakadaling ituon ang ating pansin sa mga ginagawa ng ating asawa sa atin. Subalit, habang ginagawa mo ito, mahihirapan ka at hindi mo mararating ang tagumpay. Matutuhan natin na hindi ang ating asawa ang kaaway sa “Mahihikayat ng Walang Paliwanag.”

Ating pag-aralan sa kabanatang ito na madalas hindi binabago ng Diyos ang ugali o asal ng ating asawa dahil ginagamit ng Diyos ang mga bagay na ginagawa ng ating asawa bilang “Potter’s wheel” at ang Kanyang mga kamay upang baguhin tayo ayon sa Kanyang imahe. Subalit, kung tayo ay magrereklamo dahil mas gugustuhin natin na gamitin Niya ang ibang bagay o tao, hindi ang ating asawa at ang ating buhay may-asawa bilang Kanyang “wheel,” tayo ay magpapagala-gala sa disyerto sa loob ng marami pang taon!

Makapagrereklamo sa gumawa sa kanya? “Ang palayok ba ay makapagrereklamo sa gumawa sa kanya? Maitatanong ba ng luwad sa magpapalayok kung ano ang ginagawa nito? Masasabi ba ng palayok na hindi sanay ang gumawa sa kanya?” (Isaias 45:9). Hayaan maging Diyos ang Diyos. Sa halip na magreklamo kung “paano” o “sino” ang ginagamit niya para itulak tayo upang tuluyang lumapit sa Diyos upang baguhin tayo—purihin mo ang Kanyang katapatan! Determinado Siya na makalikha mula sa iyo ng isang magandang sisidlan na handa sa Kanyang paggamit.

Subalit hindi mo naiintindihan. Maraming babae ang nagsasabi sa akin habang sinusubukan kong aluin sila o palakasin ang loob nila na “hindi ko naiintindihan! Sa maraming paraan naiintindihan ko, pero tama sila na wala liban kay Hesus na talagang nakakaintindi”...At masasabi ba ng nilikha sa lumikha sa kanya, “Hindi mo alam ang iyong ginagawa”? (Isaias 29:16). Kausapin mo Siya tungkol sa iyong sitwasyon at hayaan mo Siyang bigyan ka ng kapayapaan. Alam Niya ang pinakamabuti para sa iyo, kumilos ka kasama Niya.

Ikaw ay nasa kamay Niya. “Kayo’y nasa mga kamay ko, tulad ng luwad sa kamay ng magpapalayok...” (Jeremias 18:6). Hindi ba’t nakakapanatag ng loob na malaman na ikaw ay nasa Kamay ng Diyos? Kahit na maaring sabihin ng iyong asawa na wala na siyang pakialam sa iyo, o itinatrato ka niya na parang ganoon nga, ang Panginoon ay may malasakit sa iyo. Sino pa ang kailangan mo? Ang totoo ang iyong asawa ay may malasakit. Ibinahagi ng aking asawa, si Dan, sa pang-apat na video ang katotohanan kung ano talaga ang iniisip at nararamdaman ng iyong asawa.

Ang Preskripsyon ng Diyos

Ang Diyos ay may preskripsyon sa paghilom ng isang bansa o isang pamilya. Ang sabi Niya, “Ngunit sa sandaling ang bayang ito na aking pinili ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikdan ang kanilang kasamaan, diringgin ko sila. Patatawarin ko sila. At ibabalik ko sa kanilang lupain ang katiwasayan at kasaganaan” (2 Cronica 7:14).

Sabi sa atin ng Diyos na kapag tayo ay nagpakumbaba, kapag tayo ay nanalangin, kapag hinanap natin ang Kanyang mukha (hindi ang Kanyang kamay) AT talikdan ang ating kasamaan, ang sabi Niya, SILA AY AKING: diringgin, patatawarin, at bibigyan ng katiwasayan at kasaganaan. Sa halip, tayo ay “sumusunod sa halimbawa ng masasama” (Mga Awit 1:1) at “nagtitiwala sa kanyang kapwa” (Jeremias 17:5), kaya pinagdurusahan natin ang kinahinatnan—paimbabaw na pagkahilom! “Sinasabi nilang, ‘Maayos ang lahat,’ subalit walang kapayapaan” (Jeremias 8:11). “Hindi nila pansin ang kahirapan ng aking bayan; anila, ‘Payapa na’ ngunit wala namang katiwasayan” (Jeremias 6:14).

Sa halip tayo ay mamatay sa ating sarili. “Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila” (2 Corinto 5:15).

Ang Mapagpakumbaba Lamang

Magpakumbaba ka. Ang mapagmataas na mga tao ay naiintindihan ang Salita ng wala ang Espiritu, ngunit upang malaman ang isip ng Diyos, kailangan natin ang pagpapakumbaba!

Ang pagpapakumbaba ay susubukin. “Alalahanin ninyo kung paano niya kayo pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon upang matuto kayong magpakumbaba. Sinubok niya kayo kung susundin ninyo siya” (Deuteronomio 8:2).

Ang pagpapakumbaba ang magliligtas sa iyo. “Ang mga palalo’y ibinabagsak nga ng Diyos, ngunit iniingatan yaong may mababang loob” (Job 22:29).

Ang pagpapakumbaba ang magpapatatag ng loob. “Dinggin mo O Yahweh, ang dalangin niyong hamak. Patatagin mo ang loob nitong kulang-palad” (Mga Awit 10:17).

Tanging ang mapagpakumbaba ang itataas. “Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan” (Lucas 1:52).

Tanging ang mapagkumbaba ang tutulungan. “Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinigay sa atin ng Diyos. Sapagkat ang sabi sa Kasulatan: ‘ANG DIYOS AY LABAN SA MGA PALALO, NGUNIT TUMUTULONG SA MGA MAPAGKUMBABA.’ Magpakababa kayo sa harapan ng Panginoon at itataas Niya kayo” (Santiago 4:6, 10).

Ang pagpapakumbaba ay nag-ugat sa espiritu. “Sa wakas, magkaroon kayo ng pagkakaisa, at magtinginan kayong mabuti. Magmahalan kayo bilang magkakapatid, maging maunawain at mababang-loob...” (1 Pedro 3:8). Ang di-tunay na pagpapakumbaba ay maipapamalas sa sariling pagkamatuwid pag-uugali.

Kayabangan Espiritwal. Lampas sa kalahati ng mga taong pumupunta sa aming ministro para sa tulong upang buoin ang kanilang buhay may-asawa ay nagpapamalas ng kayabangang espiritwal. Eto ang tinatawag kong espiritu ng isang Pariseo. Mga ginang, ito ay delikado. Ito ay MAGIGING hadlang sa Diyos upang ayusin ang inyong buhay may-asawa at ito ang talagang nagtutulak sa inyong asawa papalayo.

Ipinakita sa akin ng Diyos, sa Kanyang Salita, na si Hesus ay mabagsik, marahas at laban lamang sa isang grupo ng mga tao—ang mga Pariseo! At isa ako sa kanila! Napakaraming Kristiyanong babae ang nagkukunwaring espiritwal sa labas pero napakarumi sa loob. Napakaraming babe na tinitingnan ang mga kasalanang ng kanilang asawa pero nalilimutang tingnan ang troso sa kanilang mata. Mga kababaihan, ito ay ako! Nakita ko ang aking asawa, at ang KANYANG kasalanan na pagtataksil. Subalit, walang nakakita ng aking pagiging pala-away, mapaglinlang o kayabangang espiritwal.

Nakita ako ng iba (at nakita ko ang aking sarili) bilang “kawawang biktima” na inabandona at niloko. Pero ako sa aking pagiging self-righteousness, ay handang magpatawad. Ako ang siyang desperadong buoin ang aming sirang pamilya. Ako ang siyang naghihintay, ng bukas palad, na patawarin ang aking asawa, “ang makasalanan,” nang siya ay natauhan, sa pamamagitan ng pagsisisi at pagbalik sa aming tahanan mula sa malayong bansa! Pariseo, “white-washed tomb”!!

Kung nakikita mo ang iyong sarili sa makasalanan at mapagmataas na pag-iisip na ito, kung ikaw ay tulad nito, nagsusumamo akong isubsob mo ang iyong mukha sa harap ng Diyos at hilingin mo sa kanya na linisin o tanggalin ang pag-uugaling ito sa iyo na hindi lang sagabal sa restorasyon, ngunit magiging hadlang sa pagkakaroon ng tapat at malapit na relasyon sa Diyos.

Magdasal! Mag-umpisa sa pamamagitan ng pagdarasal sa Awit 51:2-4. “Linisin mo sana ang aking karumhan at ipatawad mo yaring kasalanan! Ang pagsalansang ko ay kinikilala, laging nasa isip ko at alaala. Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan; kaya may matuwid ka na ako’y hatulan, marapa na ako’y iyong parusahan.” Marami pang tungkol sa pagdarasal sa dalawang huling mga kabanata ng aklat na ito.

Hanapin mo Ako. “Ngunit sa sandaling ang bayang ito na aking pinili ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako...” (2 Cronica 7:14). “Dumulog tayo kay Yahweh nang ang tulong niya’y kamtan. Dapat siyang parangalan at sambahin araw-araw” (1 Cronica 16:11). “ako’y hahanapin, at sa pagkabagabag nila ay sabihin: ‘Halikayo at tayo’y manumbalik kay Yahweh...’” (Osea 5:15).

Sila...ay nagalak. “Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila” (Awit 34:5). Hanapin mo Siya, ang kanyan mukha! Marami ang dumudulog ng Kanyang kamay (ano ang Kanyang magagawa para sa “akin”). Ngunit yaong hinahanap ang mukha ng Diyos, ay magmamana ng lahat ng bagay!

Talikdan ang iyong kasamaan. “Ngunit sa sandaling ang bayang ito na aking pinili ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikdan ang kanilang kasamaan...” (2 Cronica 7:14). Ang mga Banal n Salita ay hindi lang para sa ulo; Ito ay para sa puso at kalooban. Upang makamtan ang tunay na kahalagahan ng Banal na Salita, dapat nating isuko ang ating mga buhay at kalooban sa pag-akay ng Espiritu. Dapat tayong maging handa na baguhin. Dapat tayong sumunod sa Kanya.

Ang pagsunod ay mas mabuti kaysa handog. “Ang pagsunod sa Kanya ay higit sa handog, at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tapa” (1 Samuel 15:22). Alam mo ba kung ano ang tamang gawin, pero hindi mo ito ginagawa? Sumunod ka! “Ang nakakaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagkakasala” (Santiago 4:17).

Lumakad Kaagapay ang Espiritu

Lumakad kaagapay ang Espiritu. Ang pagiging puno ng Banal na Espiritu ang magbibigay lakas sa iyo upang lumakad sa Espiritu, hindi sa kasalanan o pita ng laman. Hilingin mo sa Diyos na PUNUIN ka ng Banal na Espiritu ngayon din! “Bibigyan ko kayo ng Aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa Aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang Aking mga utos” (Ezekiel 36:27). “Ito ang sinasabi ko sa inyo: ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at huwag ninyong susundin ang pita ng laman” (Mga Taga-Galacia 5:16).

Magdasal. “Ngunit sa sandaling ang bayang ito na aking pinili ay magpakumbaba, manalangin...” (2 Cronica 7:13-16).

Sa isang Ministro ng Pag-bubuong Muli Internasyonal Kasamang Pampasigla Course, lahat ng mga babaeng ang mga asawa ay may ibang babae ay nagdarasal na ang kanilang “sinapupunan ay magsara.” Lahat ay sarado, liban sa isa. Ginamit ng Diyos ang batang ito bilang kasangkapan sa pagbuo ng pamilyang ito.

Lagi nating maaasahan ang Diyos na isakatuparan ang lahat para sa ating kabutihan kung “...alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa Kanya, ang tinawag ayon sa Kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti” (Roma 8:28).

Anong “Kundisyon” Ang Kailangang Marinig?

Iayon ang iyong nais sa Kanyang kalooban. Ang pangako ni Hesus ay base sa kundisyong ito: “Kung nananatili kayo sa Akin at nananatili sa inyo ang mga Salita Ko, hingin ninyo ang inyong maibigan, at ipagkakaloob sa inyo” (Juan 15:7). Kapag ang iyong puso ay na kay Hesus lamang at ang iyong kalooban ay nakasentro sa Kanyang kalooban, Ikaw ay tunay na tumuturing sa Kanyang Panginoon. Ang pag-unawa sa Kanyang kalooban ay pag-unawa sa Kanyang Salita. Kalooban Niya na ang iyong buhay may-asawa ay mahilom o maayos. Galit siya sa diborsyo at tayo ay magkakabati; subalit, may mga kundisyon Siya.

Ang kundisyon sa bawat biyaya. Bawat pangakong ibinigay ng Diyos ay may kundisyon para sa biyayang iyon. Marami ang panghahawakan ang bahagi ng Salita, pero tatanggalin ang mga kundisyon o babale-walain.

Kundisyon: “Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus...

Pangako: at maliligtas ka—ikaw at ang iyong sambahayan” (Mga Gawa 16:31).

Kundisyon: “At sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan...

Pangako: at ang pangarap mo’y iyong makakamtan” (Mga Awit 37:4).

Kundisyon: “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran,...

Pangako: at hanggang sa paglaki’y di niya ito malilimutan” (Mga Kawikaan 22:6).

Kundisyon: Una, “ang mga nagmamahal sa Kanya...” At pangalawa, “...ang tinawag ayon sa Kanyang panukala.”

Pangako: “Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang ...para sa kanilang ikabubuti” (Roma 8:28).

Ang Iyong Mga Luha Ay Mahalaga Sa Kanya

Kanino tayo umiiyak? Ang mga lalaki ay parang galit sa ating mga luha. Ito ba’y dahil hindi nila alam ang gagawin kapag ang isang babae ay umiiyak, o dahil ginagamit ng mga kababaihan ang kanilang luha upang manipulahin sila, na sila ay nagpapakalayo? Dahil ang Diyos ay isang mapanibughong Diyos at ang mga luhang iyon ay nauukol sa Kanya ay maaaring dahilan para sa pagwawalang bahala ng ating asawa, minsan, sa ating mga maluha. “Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang dalangin ninyo, pag kayo’y tumawag, ako’y tutugon agad...” (Isaias 58:9). “Huwag kang titigil ng pagtawag kay Yahweh...” (1 Samuel 7:8).

Ang tagumpay ay maaaring matagalan bago maipamalas sa laman o pisikal: Umaasa tayo sa mga bagay na di nakikita. Kailangan nito ang ating paniniwala sa Diyos. Magsumamo ka sa Kanya LANG, hindi sa iyong asawa! Tanging ang Diyos ang may kapangyarihan na baguhin ang iyong sitwasyon!

Ang aking mga luha. “Lubos akong nanlulumo sa hirap ko at dalita, gabi-gabi ang banig ko’y natitigmak sa pagluha; At pati na ang unan ko, sa luha ay basang-basa” (Awit 6:6). “Araw-gabi’y tumataghoy, gabi’t araw’y tumatangis; Ang nagiging pagkain ko’y mga luha sa paghibik...” (Awit 42:3). “Ang taglay kong sulirani’y nababatid mo nang lahat, pati mga pagluha ko’y may talaan ka nang ingat” (Awit 56:8). “Silang mga nagbubukid na nagtanim na may luha, bayaan mo na mag-aning masasaya’t natutuwa” (Awit 126:5). “‘Gayunman,’ wika ni Yahweh, ‘mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin, kayo’y mag-ayuno, manangis, at magdalamhati...’” (Joel 2:12). Upang makatagpo ng mas maayos na paglakad at malapit na relasyon sa Panginoon, ang una mong gawin sa umaga ay pumunta sa aming website para sa Araw-araw na Debosiyonna isinulat para sa mga taong may krisis sa kanilang buhay may-asawa.

Mga luha, pagsusumamo, pag-hagulgol. Dapat mong hanapin at isulat ang mga Salita na makakatulong sa iyo upang maintindihan ang sinseridad na nadarama ng puso kapag tayo ay nagsusumamo sa Diyos (lalo na para sa kaligtasan ng ating asawa o para sa sira or magulong buhay may-asawa). Habang binabasa mo ang mga ito, tandaan mo ang mga nakaantig sa iyong puso at saulohin mo ang mga ito sa iyong oras ng pagdarasal, nakaluhod, sa harapan ng Panginoon. Tayo ay sinabihang magdasal at magsumamo sa Diyos.

Pansariling pangako: hayaan ang Diyos na baguhin ako. “Base sa aking mga natutuhan mula sa Salita ng Diyos, ipinapangako ko na hayaan ang Diyos na baguhin ako sa anumang paraan o sa pamamagitan ng sinumang tao na Kanyang pipiliin. Ipapaling ko ang aking atensyon sa pagbabago ng aking sarili kaysa sa aking asawa o sa ibang nakapaligid sa akin.”

Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.

Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.