Upang makumpleto ang serye ng ating Paano Mas Mabibiyayaan, lagi kong nararamdman na kinakailangan ng huling prinsipyo upang mabuo ang serye, na siya ring, magtatakda na ito ay magiging 14 na prinsipyo, o dalawang #7 “tapos na” “tapos na” na kumpirmasyong sapat na para aking Hanapin ang Diyos para sa Kanyang karunungan at upang akayin Niya ako. Agad-agad ay nalaman kong ang prinsipyong kukumoleto at magbubuklod dito ay ang maging tagatupad tayo.

Santiago 1:22 —“Ngunit maging tagatupad kayo ng salita, at hindi tagapakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili.”

MBBTAG “Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.”

ASND “Huwag lang kayong maging tagapakinig ng salita ng Dioskundi sundin nʼyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang sarili ninyo.”

Maaaring ang paborito kong bersyon ang ASND “Huwag lang kayong maging tagapakinig ng salita ng Dios kundi sundin nʼyo ang sinasabi nito.” Ang pagbasa at pagsasaouso nang sinabi ay maaaring ang unang hakbang, ngunit ang pagtugon o paggawa ng isang bagay tungkol sa nasabi, kapag alam mong ito ang katotohanan, ay ang pagsasabuhay nito. Gayunpaman. . .

Bilang Kanyang Babaeng Nakatakdang pakasalan, hindi Niya nais na maging mabigat ang ating mga buhay. Sa halip, nais Niya tayo, higit sa kaninoman sa mundong pagtiwalaan SIYANG gawin ito.

Mga Awit 37:5 “Ipagkatiwala mo ang iyong lakad sa Panginoon; magtiwala ka sa kanya, at siya'y gagawa.”

Parang tila Siya ay bumubulong ng, “minamahal ko, ‘kung hiwalay k asa akin ay wala kang magagawa’ (Juan 15:5) kaya pakiusap ay hayaan mo Akong kargahin ang bigat o responsibilidad na kailangang gawin.”

Kaya kung totoong nais mo ng “Biyayang Pang Habang-buhay” na magsimula o magpatuloy ng “Lagpas at Umaapaw” upang ikaw at ang iba ay makapagmasid ng “Pagpapala at Daloy ng Pagpahid.” Kung nais mong masigurong ikaw ay “Pagpapalain ano man ang Iyong Gawin” upang “Wala kang Kakulangan Saanman!” habang “Nagpapalakas ka ng Espiritu” at sumisgaw ng papuri habang “Nilalabas mo ang Iyong Ani.”

Upang magtaglay ka ng “Katangian ng Puso” at “Mamuhay sa Biyaya ng Panginoon” upang ikaw ay magkaroon ng kakayanan na “Pangalanan sila Isa-isa” at magbhagi sa iba ng “Makapangyarihang kagamitan Para sa Tagumpay” ay ng ikaw at sila ay “Makaangat sa mas Mataas na Lupain” at “Makuha mo ang Iyong Trono” kung saan Niya nais lahat ng Kanyang Pakakasalan na mamalagi.

Ang maging “Tagatupad” ay nangangahulugang kailangan mong magkaroon ng pakikipag usap ng puso-sa-puso sa iyong Minamahal na Makalangit na Asawa hindi lamang kapag ikaw ay nagkaroon na ng kamalayan sa prinsipyo o kahit na anong prinsipyo, ngunit sa tuwing at bawat pagkakataon na ipinaaalala Niya sa iyo na ikaw ay nagkukulang.

Nais Niyang ang Kanyang mga Pakakasalan na Babae ay “hindi magkulang saanman” (Santiago 1:2-6) ngunit hindi upang ito ay itago, kundi upang ang bawat biyayang iyong natanggap ay maibahagi mo—at maikalat sa mga humihingi ng saklolo.

Kung mayroong pagkakapareha sa mga taong namumuhay sa bawat taon na puno ng BIYAYA ay ang mga kilalang Nagbibigay.

Lucas 6:38—“Magbigay kayo at iyon ay ibibigay sa inyo—hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw, ang ilalagay nila sa inyong kandungan. Sapagkat sa panukat na inyong ipanukat ay doon din kayo susukatin.”

Habang ang kabaliktaran naman nito ay totoo rin. “May taong nagbibigay ng masagana at lalo pang yumayaman, may nagkakait ng dapat ibigay, ngunit naghihirap lamang.” (Mga Kawikaan 11:24-25).

Ang mga nagpalampas ng pagkakaroon ng biyaya araw-araw, bawat taon, ay ang mga taong nagkakait ng ano mang biyaya. Ipinagdadamot nila an gang pagbibigay ng papuri (kahit pa iniiisip nila ito) o ipinagdadamot ang kanilang ikapu. Hindi nila binibigay ang awa sa mga taing tingin nila ay “hindi karapat-dapat” at nagtataka sila kung bakit “tila” binalewala ng Diyos ang kanilang mga panalangin at hindi ipinagkaloob ang Kanyang Pangako sa kanila.

Sa pagkakakilala sa uri ng DIYOS na ating pinagsisilbihan, ang DIYOS na lumlha sa atin, ay mabubuo ng isang importanteng prinsipyong ito—ang uri ng prinsipyong mayroon tayo at pundasypn kung bakit nabibiyayaan.

Nagmahal ang Diyos—kaya Siya ay nagbigay.

Roma 5:8—“Subalit pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.”

Juan 3:16—“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Nagmahal ang Diyos

Ngayon oras na para ikaw naman ang magbigay, maging tagatupad, at umani dahil ikaw ay nagtanim.

Maging Mapagbigay, at Mabiyayaan ngayon at sa bawat Taon!

PRAKTIKAL NA TULONG

Kung nais mo mabiyayaan sa pananalapi, ibigay ang iyong Ikapu sa Kaniya.

Kung nais mong mabiyayaan na ikaw ay mapapasigaw, magpasa ng ulat papuri.

Kung nais mong ang iyong paglalakbay sa panunumbalik ay lumabas bilang Patotoo ng Mga Naipanumbalik na Pagsasama ng Mag-asawa, magbigay ng Pag-asa sa iba. Para malaman kung papaano, magtungo sa aming pahina kung paano maging Ebanghelista.

Magbigay ng papuri.

Magbigay ng mga yakap.

Magbigay ng awa.

Mabiyayaan.

Ngayon oras na upang…