Paanong MAPAPARAMI ang iyong mga biyaya!!
Ang aralin ngayon ay maikli lamang ngunit makapangyarihan. Sa aking mga tala, mayroon akong isang prinsipyo na sabik akong ibahagi say iyo AT maaring ito ang pinaka importanteng prinsipyong malalagpasan ang iba pa sa bahaging kinikita natin ang mga pagpapala sa ating buhay.
Simulan ang PAPURI at PAGSAMBA sa GITNA ng APOY ng pagsubok―kung kailan inaatake ka mula sinoman at saanman.
Ang ISANG prinsipyong ito, kung ginagamit, ang siyang magpapatunay na isa sa pinaka makapangyarihan kasangkapan para sa tagumpay ng sinoman o anuman―at para sa akin, naniniwala ako na isa ito sa pinakamalaking pribilehiyo natin, bilang mga naniniwala sa ating Tagapagligtas, ang pinakamalakas nating kalamangan!
Ang ISANG prinsipyong ito rin ang pinaka nakakaligtaang prinsipyong nagagamit. Sa halip, ang mga Naniniwala ay tumutugon sa parehong paraan ng mga hindi naniniwala. At ano pa man, maaring iniisip nil ana ang “pagtitimpi” ng kanilang tunay na negatibong nararamdaman ay sapat na. Sa halip, ang kinakailangan lang upang pakawalan ang kapangyarihan ay ang PAPURI at PAGSAMBA sa Kaniya sa GITNA ng APOY ng pagsubok!
Lahat tayo ay nasa digmaan, alam mo man iyon o hindi. Nakakalungkot at nakakaloko, madalas ay nakatuon ang pansin natin sa digmaan mismo. Agad tayong “nakikipagbuno sa laman at dugo,” dahil nakikita natin at naririnig ang nanggagalit na digmaan. Ngunit mayroon pang mas higit na digmaan na nanggagalit, at ito ang is ana sinabi ng Diyos na tunay na mahalaga.
Isa sa mga malalaking digmaan ay laban sa makasalanan kong laman.
Nang mga nakaraang linggo ay nabahagi ko ang nais ng puso ko na maging mas malapit sa ating pinakamamahal na Panginoon. Syempre, nang humiling ako ng higit pa tungkol sa Kaniya, tuluyan kong nalimutan na upang masakatuparan ang tawag ng puso kong ito ay nangangahulugan na higit ng SA AKIN ang kinakailangan mawala upang makuha ko ang higit pa tungkol sa Kaniya.
Ang nag-aalab na laman ay napakasakit at hindi kanais-nais na karanasan. Ngunit itong linggo na ito habang nagsisimulang mag-alab ang laman ko, pinili kong ituon ang aking pansin sa larawan ng mga tunay na nagpaka-martir para sa kapakanan ni Kristo. Maligaya silang nagpasunog habang naka-kadena sa istaka. And iba nga ang hinahalikan pa ang istaka na pinagtalian sa kanila. Nakakamangha na ang bawat isa sa kanila ay niyakap ang mismong bagay na humahawak sa kanila hanggang masunog ang kanilang mga laman.
Ang pangitain at realisasyon nito ay binigyan ako ng pang-unawa kung bakit ako nahihirapan sa pagsunog ng aking “laman”, at ito ay dahil sa isang bagay―dahil nabigo akong “yakapin” kung ano ang pinili Niyang panghawakan ko. Sa halip ay tinatanggihan ko at nilalabanan kong makalaya; tulad ng pagdasal sa Kaniya na tanggalin ito.
Pinaalala sa akin ang mga kabataan na hindi nanatiling nakahiga o nakaupo kung ang doctor o nars ay nililinisan ang kanilang sugat o nagbibigay ng iniksyon. Hindi ba’t tulda din nila ako kung lumalayo ako sa Dakilang Manggagamot na sinusubukang pagalingin ako? Pagalingin ang kaibuturan ng aking kaluluwa?
Ngunit, ang pinakadakilang martir ay ang mga umaawit sa gitna ng apoy, nagbibigay papuri sa Panginoon. Hindi ako nakukuntento sa “pananatiling nakaupo” habang ang Panginoon ay inooperahan ang aking puso, inaalis ang bawat patong ng katigasan na kinakailangang alisin. Gusto at kailangan kong suungin ang apoy habang umaawit. Bakit? Dahil may ALAM ako na dito ko makukuha ang pagkakataon na lumakad kasama si Hesus―sa gitna ng mga apoy!
Naalala mo ang 3 kabataan na naglakad sa apoy, ng kusa? Sinabi na may ika-4, si Hesus, at habang naglalakad sila kasama Siya, “nakalaya” sila sa mga gumagapos sa kanila, at kalaluan, lumabas na wala man lang amoy usok. Ang bunga nito, ang mga kabataan ay binago ang puso ng taong nag-utos na sila ay maitapon sa apoy AT ang resulta, ang mga kabataan ay naitaguyod sa kanilang mundo na magkaroon ng higit na malaking epekto sa kanilang nayon. (Basahin ang Daniel 3:20-30)
Ilang buwan na ang nakalipas na binabasa ko at pinagninilayan ko ang talata ng Isaias 43:2, na sinasabi sa akin na sasamahan Niya ako sa malalalim na tubig, rumaragasang ilog, sa gitna ng apoy (at hindi rina ko masusunog). Kaya hindi ako lumayo, hindi ako sumigaw, ngunit, hindi rin ako UMAWIT sa Panginoon.
Salamat na lang, hindi pa tapos ang Diyos sa akin. Anuman ang sinimulan Niya, tatapusin Niya. Maraming magiging magkakataon na “umawit sa gitna ng apoy,” at sa halip na mag-panik, magliligaya ako sa init, na yakapin ang siyang nagpapanatili sa akin, upang makapagbigay papuri ako sa aking Tagapagligtas sap ag-awit ng mga papuri sa Kaniya at sa Kaniyang pangalan.
Umabot man ng isang araw bago ko maalalang umawit ― “mabuti nang huli kaysa hindi” sab inga.
At isa lamang itong dahilan upang manatili akong namamangha sa “pagiging tapat ng Diyos” at sa Kaniyang pagmamahal sa akin. Kahit na nagsasaya ako sa Kaniya sa bawat araw, ito ay dahil Siya ay parating tapat na ibigay sa atin kung ano ang tunay na gusto natin. Higit sa pagbigay ng gusto ko ay binibigay Niya ang pangangailangan ko―na madalas ay masakit o nakatago sa pagdurusa, sa gitna ng kadiliman o madidilim na ulap. At kung ang kadiliman o sakit ay kadalasan nalilimot ko ang pangungulila ng puso ko; lahat ng pagkakataong iyon ay hiningi ko ang tulong Niya mapalapit sa Kaniya at mapalalim ang relasyon ko sa Pag-ibig ng Buhay ko. Kung kaya ang paglimot sa kung ano ang gusto ko, nalilimot ko lamang na Siya ay pinupunan ang anuman ang nasa puso ko, na ibig sabihin ay nagkulang ako sa pagkilos kasama Siya at madaling makakaligtaan ko ang biyaya na kasama ng PAPURI at PAGSAMBA sa Kaniya sa GITNA ng APOY ng pagdurusa― at kung ano man ang siyang pagdadalahan Niya sa akin.
Kaya, tayo, sama-sama (ngayong linggo at magpakailanman), ay magpaalala sa isa’t is ana iangat ang ating mga tinig sa pag-awit sa ating Tagapagligtas, ating Tagapagdala, ating Tunay na Pag-ibig. Sa ligaya, halikan natin ang istaka na humahawak sa ating pananampalataya upang matapos ang pagsunog sa makasalanan nating laman.
Kaunti sa atin ay nangangahulugan ng higit sa Kaniya.
Ang higit sa Kaniya ay nangangahulugan na hindi lamang tayo nagsasaya at namumuhay ng masagana na ikinamatay Niya upang maibigay sa atin, ngunit magiging mas mabuti tayong mga kinatawan Niya, upang madala ang mga nawawala, nasasaktan, at walang pag-asa sa Dakila at Makapangyarihang Manggagamot.
Ngayon ay oras na upang mag…