Nang nakaraang linggo ay natuto tayo Ano ang haharang sa pagpapala ng Diyos: kasamaan. Ngunit paano naman ang kasamaang ginawa SA atin?
- Sa pamamagitan ng hindi pagpigil sa kasamaan at sa halip ay yakapin ito— hayaan itong dumami.
Seryoso ba ako? Oo walang pasubali, dahil sa ganap ko nang naunawaan na, para ang kasamaan ay ganap na masira, kinakailangan itong dumami muna.
Dahan dahang basahin ang sinasabi sa Mga Awit 92:5-7, “Kay dakila ng iyong mga gawa, O Panginoon! Ang iyong kaisipan ay napakalalim! Ang taong mapurol ay hindi makakaalam; hindi ito mauunawaan ng hangal: bagaman parang damo na ang masama ay lumilitaw, at umuunlad ang mga gumagawa ng kasamaan, sila'y nakatalaga sa pagkawasak magpakailanman.”
Pinatunayan ng Diyos na ito na pinaka-marahas o mabisa sa pagkamatay ni Hesus sa krus. Ang kasamaang giangawa sa Kaniya ay kinakailangan munang umunlad hanggang sa sukdulan at pamamaraang nangyari ito— upang ang kasalanan ay mawasak na magpakailanman! Ang ibig sabihin nito, sa ating Lakbay Panunumbalik kasama ang Panginoon, ay kinakailangan nating maging malugod sa pagpayag na “magtiis hanggang sa katapusan” habang nadaragdagan ang pag-atake ng kalaban at ang kasamaan laban sa atin ay dumarami— at hindi natin ito pinipigil.
Mateo 5:39 ABTAG2001—
Ngunit sinasabi ko sa inyo, ‘Huwag ninyong labanan ang masamang tao.’ At kung ikaw ay sampalin ng sinuman sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kabila.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Translation
Ngunit sinasabi ko sa inyo na huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Kung sampalin ka sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwa.
Ang Biblia 1978 Translation
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.
Ang Dating Biblia 1905 Translation
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.
Ang Salita ng Diyos Translation
Ngunit sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong kalabanin ang masamang tao. Ngunit ang sinumang sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila.
Magandang Balita Biblia Translation
Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version Translation
Ngunit ako ang nagsasabi sa inyo: Huwag ninyong labanan ang masamang tao. Sa halip, kapag sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kabila.
At ang dahilan kung bakit binalaan Niya tayo na wag labanan ang kasamaan ay dahil alam Niyang nakalaan itong may gawin PARA sa atin. Kung ang kasalanan ay sapat ng dumarami, at pinili mong pagpalain ang tao o ang pangyayari, ay saka Niya sisirain ang kasamaan habambuhay!!
Sa Santiago 1:12 sinasabi ang higit na pag-uudyok, “Pinagpala ang taong nananatiling matatag sa gitna ng pagsubok; sapagkat kung siya'y magtagumpay, tatanggapin niya ang korona ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.”
At ang linyang tiningnan natin ay nagpatuloy na magsabi sa Mateo 5:39-42—
“Ngunit ako ang nagsasabi sa inyo: Huwag ninyong labanan ang masamang tao. Sa halip, kapag sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kabila. At kung isinakdal ka sa hukuman ng sinuman at nakuha ang iyong damit, hayaan mong makuha rin niya ang iyong balabal. At kung sapilitan kang palakarin ng sinuman ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag magdamot sa nanghihiram sa iyo.”
Lung kaya, ang talatang ito ay nagpapaliwanag na matapos hindi labanan ang kasamaan, maaring akapin ang kasamaang ito sa pamamagitan ng: pagharap ng kabilang pisngi, paglakad ng karagdagang milya, at pagbigay ng iyong balabal kasama ng iyong damit.
Hindi ko alam sa iyo, ngunit nais ko malaman ang katotohanan at tumigil maging “walang kabuluhang babaeng walang alam” o isang “hangal na babaeng hindi maintindihan” ang napakahalagang prinsipyo.
Kung nagtitiwala ako sa Panginoon upang ang lahat ng kasamaan laban sa akin ay tumigil, ay kinakailangan ko maging handa upang hindi ito labanan at habang nangyayari ito— ay manatiling nakatago sa Kaniya— upang tuluyang kong mayakap ang kasamaan, tulad ng nagawa ni Hesus. Iyan ang pagkakataong ang kasamaan ay tuluyang masisira habambuhay!
Sa kabilang banda, kapag "pinapansin" natin ang isang maling pag-iisip (na hinayaan nating pumasok sa ating isip sa pamamagitan ng ating narinig, nabasa o nakita) ay siyang pagkakataong pinagiisipan natin ang pagsala, na siyang magbubunga ng kasalanan. Ang sumusunod na talata ay nagpapakita kung paano ito nagsisimula sa maliit, ngunit sa wakas ay "manganganak" sa isang bagay na magpaparamdam sa atin na tila ito ay tunay na nabubuhay at huminga sa ating buhay.
Sinasabi ng Santiago 1:13-15 na, “Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag dumaranas siya ng pagsubok. Hindi maaaring matukso ng masama ang Diyos, at hindi rin naman siya nanunukso ninuman. Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa sarili niyang pagnanasa. Kapag ang pagnanasang iyon ay naipaglihi, nanganganak ito ng kasalanan, at ang kasalanan naman kapag malaki na ay nagbubunga ng kamatayan.”
Ito ang talata na tumulong sa akin maintindihan kung paanong ang asawa ko, na napopoot sa katotohanan na ang kanyang ama ay nangaliwa, at minamahal ang kanyang mga anak ng sobra, ay nahulog sa isang kasalanan ng pangangaliwa sa ganoong pagkakataon bago siya nakalaya rito.
Nang una kong binasa ang taludtod, inisip ko kung sino ang makapagsasabing sila ay “tinutukso ng Diyos” sa pag-iisip na isa itong kalokohan, hinanap ko ang orihinal na wika. Nang sinulat ni Santiago ang talata, ginamit niya ang mas banayad na tono na mas madaling paniwalaan. Ito ay nasusulat nang, “Huwag sabihin ng isa sa oras na siya ay natukso, ‘Ako ay natukso ng hindi diretsahan ng Diyos.’” Ito ang nangyari matapos ang unang kasalanan nang si Adam ay “hindi diretsahan” sinisi ang Diyos sa kaniyang pagsabi na “Ang babaing ibinigay mo na aking makakasama ang nagbigay sa akin ng bunga ng punungkahoy at ito'y aking kinain.” Genesis 3:12.
Madalas ay napapadpad tayo sa ganitong pag-iisip at paninisi kapag tayo ay natutukso at pagkatapos ay sumuko sa tukso. Narito ang isa pang pananaw na nakatulong sa akin sa pag-unawa sa tukso. Palagi itong nababagabag sa akin nang mabasa ko ang taludtod na nagsasabing si Hesus ay natukso sa lahat, ngunit hindi nagkasala. Hindi ko maisip na natukso si Hesus ng anuman dahil hindi ko maintindihan ang totoong kahulugan ng tukso kaya hinanap ko ang sa Diyos tungkol dito.
Ang halimbawa na ipinahayag niya sa akin ay ganito: Kung naglalakad ako papunta sa Walmart at sa likod ng isang halaman ay may lumapit na tao at nagsasabing, "Hoy, halika rito. Mayroon akong bagong bisikleta na ibinebenta sa halagang $100 ngunit ibebenta ko ito sa iyo sa halagang $10 lamang.” Maaaring tumingin ako patungo sa tinig, ng hindi alam ang tunay na sinasabi niya, ngunit sa sandaling maiintindihan ko, magpapatuloy lang ako sa paglalakad o malamang ay magsimulang tumakbo.
Kaya, oo, ako ay natukso ng kasamaan, ngunit hindi ko inisip na bumigay sa kasamaan! Hindi ko inisip na “Hoy, magandang bilihin iyan; ibig kong sabihin, sino ang makakaalam? Maaring magamit ng anak ko ang bagong bisikleta sa kaniyang kaarawan…,” at saka sabihing, “Hindi, masama iyan.” Iyan ang “pagpansin” sa temptasyon kaya iyon ay kasalanan.
Ibig sabihin, si Hesus ay natukso ng demonyo nang sinabihan Siyang baguhin ang mga bato at gawing tinapay, na ibato ang Kaniyang sarili sa bangin at sambahin siya— ngunit ni minsan ay hindi Niya naisip na gawin ang kahit ano dito. Ang aking sinasabi ay ang Banal na Espiritu ang nagdala kay Hesus sa ganoong pagkakataon upang MATIBAY na masabi ni Hesus na umalis! At gustong gusto ko kung paano Niya ginamit ang katotohanan at kapangyarihan ng Banal na Kasulatan, “ang tabak ng espiritu na siyang Salita ng Diyos,” upang manalo sa laban ng kasamaan— upang ikaw at ako ay manalo rin sa kasamaan sa oras na tawagin natin Siya na tulungan tayo.
Isaias 58:11,”At patuloy na papatnubayan ka ng Panginoon, at masisiyahan ang iyong kaluluwa sa tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamanang nadilig, at parang bukal na ang tubig ay hindi nauubos.”
Hanggang sa susunod na linggo, mabuhay sa pagpapala ng Panginoon! Ngayon ay oras na upang....