Ngayong linggo ay matatapos na ako, salamat na lang, sa kung ano ang mga nakakahadlang sa mga biyaya ng Diyos at sa susunod na linggo ay uusad na tayo sa nakakatuwang paksa (isa sa mga paborito kong “sikreto”)— ano ang MAGPAPARAMI sa iyong mga biyaya! Ngunit, bago ko ito gawin, nais kong sagutin ang isang tanong na napadala sa aming opisina at ito ay:
“Ano nga ba ang ibig sabihin (sa Bibliya) ng “nagdadalawang isip na tao”? Ito ba ay “pagduda na ang Diyos ay bubuohin ang iyong buhay may-asawa”? (hindi sa hindi Niya kaya, hindi lamang Niya gagawin dahil sa anumang dahilan). Isa pa, may pagkakataon ba na ikaw (Erin) ay napaisip na ang iyong buhay may-asawa ay hindi na mabubuo? Salamat!”
Magandang katanungan ito dahil narinig ko na ang maraming Kristiyano na ginagawang mababaw ang pagkaroon ng dalawang-isip upang mangahulugang pagduda o magduda. Tiyak, may kaugnayan ang dalawa, ngunit naniniwala ako na ang pagdududa ay bunga ng pagkakaroon ng dalawang-isip, ngunit hindi pareho ang kanilang kahulugan.
Ang pagkaroon ng dalawang-isip ay tukoy sa Noah’s 1928 Webster’s Dictionary bilang “Ang pagkakaroon ng iba't ibang kaisipan sa iba't ibang oras; hindi mapakali; pabago-bago; hindi matatag; hindi natukoy.” Kaya mukhang ang pagkakaroon ng dalawang isip ay estado ng pagkakaroon ng iba-ibang kaisipan sa iba-ibang oras— kadalasan, ngunit hindi parati kung kailang umaatake ang kalaban. Ang “hindi mapakali” ay maaring mangyari anumang oras kung ang nais (pakikipagbalikan) ay hindi buong pinaniniwalaan.
Nung mga nakaraang linggo (nang hinikayat ko kayo na hanapin ang Diyos kung ito ay KANIYANG kagustuhan na makipagbalikan ka), kung ginawa mo ito (tulad ng marami) ay maari mo nang “tanggapin ito” upang hindi ka na “hindi mapakali” o “hindi matatag” sa iyong pamamaraan. At tiyak, kahit anong tao, sa oras na may katiyakan sila mula sa Panginoon na mayroon siyang pagnanais na mabuo ang iyong buhay may-asawa, ay magiging “tiyak” (kaysa hindi tiyak) na “tapusin ang kursong ito”.
Susuond, upang saguting ang pangalawang bahagi ng katanungan, upang maging tapat sa iyo, hangga’t hindi Niya ito ibinabalik hindi ako sigurado na ako ay makikipagbalikan, ngunit ito ay dahil sinimulan ko na ang aking Lakbay Panunumbalik, ang aking pansin ay nakatuon sa pagnanais sa Kaniya. Sobra nga, nang malapit na sa pagtatapos “alam” ko na ibabalik na Niya, kahit na ang mga normal na “sinyales” ay iba ang ipinapahayag. Doon ko ipinaalala sa Panginoon kung gaano kaganda kung kaming dalawa na lamang at muling pag-isipan ang pakikipagbalikan.
Hayaan mong tiyakin ko sa iyo, napakaraming kababaihan ang nagtanong sa Diyos kung ito ang Kaniyang plano, at pagkatapos ay mabibigo itong sundin sa pamamagitan ng pagsulat nito "sa pintuan ng kanilang mga puso." Kaya't kapag ang kaaway ay pumapasok na may mahusay na pagbuga (na ang hitsura ng pagpapanumbalik ay mukhang walang pag-asa sa pamamagitan ng isang bagay na sinasabi ng kanilang asawa o bagay na sinasabi ng iba tungkol sa kanilang asawa, o may isang bagay na nakikita nila) pagkatapos ay muling nagtanong sila kung ito ay kalooban ng Diyos. Ito ang dalawang pag-iisip na ang sabi ng Diyos ay dapat na "umasa ng wala" mula sa Kaniya.
Gayunman, kung ano ang pipigil sa iyong ikakabagsak, ay ibaling ang iyong mga mata at puso at ituon mula sa iyong pakikipagbalikan sa iyong asawa sa lupa papunta sa iyong Asawa sa Langit tulad ng ginawa ko nang naranasan ko ang Kaniyang pag-ibig nang masagana! Ito ay hindi lamang para sa iyo, ngunit para sa kapakanan ng mga kababaihan sa paligid mo na naniniwala na kailangan nila ng isang lalaki upang sila ay maging masaya at buo at mahal.
Makakamtan lamang ito kapag nakakuha ka ng purong pag-ibig, ang pag-ibig na maaari lamang Niyang mapunan, kapag ikaw at ang iba pang mga kababaihan ay hindi na nasugatan sa sakit ng pagtanggi.
Hindi ito nangyayari agad, ngunit madalas matapos na tayo ay tanggihan ng paulit ulit at paulit ulit, tulad ng naibahagi ko sa aking testimonya ng nabuong buhay may asawa. Ang kalaban ay nagawang patumbahin ako nung ako ay lugmok dahil nakumbinsi akong natanggap ko na ang aking pakikipagbalikan, nang Pasko, ngunit ang “pakikipagbalikan” ay para lamang sa iilang araw. Gayunman, tulad din ng nasabi ko, ang mga babaeng nakakausap ko ang nasa tabi ko upang buhatin ako— binuhat nila ako sa higaan papunta sa paanan ni Hesus kung saan Siya ay pinagaling ako at ibinalik sa Kaniya, kung saan ako ay naging Kaniya at Kaniya lamang.
Kaya, kung hindi mo pa nagagawa, lumapit ka sa Diyos upang malaman kung nais Niyang buohin ang iyong kasal, maaring ikaw ay maglatag ng balahibo ng tupa (basahin ang Mga Hukom 6: 36-40). At kung babasahin mo ang talatang ito, lagi kong inilalagay ang balahibo ng dalawang beses dahil ito ang ginawa ni Gideon. Humiling lamang sa Diyos na ipakita sa iyo na ito ang Kanyang kalooban. Kapag ginawa Niya ito, pagkatapos ay "tanggapin ito" sa iyong isip, sa pamamagitan ng pagsulat nito at pagtatala ng pangitain. Maaalala din, nangangahulugan ito na hindi ito maibabalik ngayon, ngunit sa isang takdang oras:
Habakuk 2:2-3—
At ang Panginoon ay sumagot sa akin: “Isulat mo ang pangitain, at gawin mong malinaw sa mga tapyas na bato, upang ang makabasa niyon ay makatakbo. Sapagkat ang pangitain ay naghihintay pa ng panahon nito; at nagsasalita tungkol sa wakas—hindi ito magsisinungaling. Kung ito'y parang mabagal ay hintayin mo; to'y tiyak na darating, hindi ito maaantala.”
Hahayaan ka nitong hindi na muling mag-alala sa iyong pakikipagbalikan AT hayaan ka ring humiling sa Kaniya na ipakita sa iyo kung bakit pinahintulutan nitong mangyari ito. Tulad ng maraming nagtanong, ipinahayag ito ng Panginoon upang makatulong na hikayatin ang iba! Marahil kahit na sinanay na maging isang ministro, na, siya nga pala, ay libre at madaling gawin mula sa bahay kapag nag-apply ka sa RMIOU.
Gayunpaman, ang kalaban ay halos kaagad darating bilang isang magnanakaw na "magnanakaw" ng pangako mula sa iyo at marahil ay makumbinsi ka na hindi ito oras upang tumulong sa iba. Ngunit, kung ang lupa ng iyong puso ay mabuti, kung ito ay nasira, kung gayon ang Kaniyang Salita sa iyo at Pangako para sa iyo ay ibabaon higit upang hindi manakaw. Tapos, ang mga luha na ibinuhos mo sa harap Niya (sana ang mga luha ng kagalakan kapag naranasan mo na ang Kaniyang pag-ibig) ay magtutubig ng Salita at ilalabas nito ang iyong ani— pagpapanumbalik sa takdang panahon — matapos na makilala ka na Niya bilang sa Kaniya.
Walang paraan na masasabi ko ito ng labis, ngunit sa sandaling tunay na maintindihan mo kung gaano ka kamahal ng Panginoon, alam kong ang pakikipagrelasyon mo kung sino ka sa Kaniya ay nangangahulugan na wala ng saysay ang ibang bagay.
Kung kailangan kong ilarawan ito, halos tulad din ng mayroon ka ng “iba”, nang palihim (tulad ng iyong asawa na nasa pangangalunya.) Ngunit sa halip na maging makasalanan, banal na banal ito!! Kapag ininsulto ka ng isang tao, hindi ka masasaktan, dahil kakaiba ang iniisip mo, “Oo, marahil iyan ang iniisip mo, ngunit mayroon akong isang Mangingibig na nagsasabing Siya ay nalulugod sa akin at nagagalak sa akin!" (Tingnan ang Isaias 62:4)
Kahit ngayon mahilig akong mawala upang makipag-usap sa Kaniya; upang gumawa ng mga plano kung kailan kami muling mapapag-isa! Sa ganitong uri ng pag-ibig, sa halip na masaktan, maaari akong ngumiti sa anuman at lahat! Sa lahat ng pag-ibig na ito, nagagawa kong magmahal at mabiyayan kahit ang aking mga kaaway!
Dito ko nais mapunta ang bawat isa sa inyo!! Kahit na marami sa inyo ay wala pa rito, ito ay ang aming misyon at layunin na magpakalalim sa Diyos na hindi mo na nanaisin pang bumangon para sa hangin! Dito mo lamang magagalaw ang iyong mga bundok at gawin ang mga nais ng PANGINOON sa pamamagitan natin!
Sa halip na magpatuloy sa aking pinaplano na sabihin, sa palagay ko ay mahalaga na huminto tayo at Selah. Ayokong umusad dahil gusto ko lang na manatili at magnilay dito. Itutuloy natin ito sa susunod na linggo at tatapusin ko kung ano ang hadlang sa iyong mga biyaya.
Ngayon, alalahanin lamang na ikaw ay PINAGPALA— sa paglagay sa iyong sarili sa estadong sobrang lapit sa Kaniya na hindi mo pinangarap kailanman na makukuha mo!
Isaias 48:6—“Mula sa panahong ito ay magpaparinig ako sa iyo ng mga bagong bagay, mga kubling bagay na hindi mo pa nalalaman.”
Hayaan kong magtapos ngayon sa pagsasabi kung gaano ko INIIBIG kung paano Niya hinahayag ang mga bagay na nakatago mula sa nakaraan habang binabago ko ang seryeng ito mula sa 2004— tulad ng diksyonaryo! Dati mayroon akong isang malaking diksyonaryo na nasa lamesa ko upang balik-balikan, ngunit ngayon, mayroon ng ONLINE na bersyon na na-bookmark at inilagay sa aking Online Bibles folder (na hinihikayat ko ang bawat isa sa iyo na gawin). Ngayon sa halip na maghanap ng mga salita sa isang sekular na diksiyonaryo, maaari akong bumalik sa isa na naniniwala na ang mapagkukunan ng lahat ng karunungan ay ang Bibliya at madalas na tumutukoy rito!
Oras na para…