Mula sa simula ng taong ito, natututo tayo ng iba’t ibang prinsipyo upang madiskubre ang biyaya. Kumuha tayo ng sandali upang alalahanin ang mga ito:
Prinsipyo #1 NAIS ng Diyos na Pagpalain Ka!
Prinsipyo #2 Ang Paghihirap at Pighati ay tutulungan tayong makamit ang pagtanda upang lubusang maligayahan sa mga biyaya!
Prinsipyo #3 Upang mabiyayaan, dapat na mahalin mo Siya ng sapat upang sundin Siya.
Prinsipyo #4 Upang mabiyayaan, dapat mong pagnilayan ang Kaniyang Salita.
Prinsipyo #5 Dapat ay iisa ang pag-iisip.
Ngayon ay pag-uusapan natin ang prinsipyong humaharang sa pagpapalang mayroon ang Diyos para sa atin:
Prinsipyo #6 Dapat nating tigilan ang pag-gawa ng mga bagay na ALAM nating mali.
Napakarami sa atin ay napepeste sa isyu ng pag-gawa ng mga bagay na ALAM nating mali, ngunit nakikitang HINDI KINAKAYANG labanan ang temptasyon.
Kahit ang apostol na si Pablo ay nakita ang kaniyang sariling hindi kayang gawin ang nais niyang gawin ngunit ginawa ang bagay na HINDI niya gustong gawin. Sa sobrang pagdaramdam (sa kaniyang pighati) sinabi niya sa Roma 7:24 “Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?”
Nang nakaraan linggo ay naramdaman kong dapat bisitahin ang kaibigan ko mula sa simbahan na nakaranas ng pakikipagbalikan sa kaniyang asawa. Nais niyang magbahagi sa akin ng mahalagang bagay, at kahit na wala akong oras para sa mga personal na relasyon, narinig ko ang sarili kong kung maari ay makapagkikita kami.
Plinano ko na isang maikling pagbisita lamang ito, pinanatili ako ng Panginoon doon sa mahabang oras— nagpalipas ng ilang oras kasama siya dahil ang sasakyang gamit ko ay nawalan ng power steering. Kahit na pareho kaming sumang-ayon na ang Panginoon ang aayos rito at bibigyan kami ng kaalaman kung ano man ang mali, nang dumating lamang ang kaniyang asawa mula sa trabaho namin nalaman (maaring nito lamang “ibinunyag” ng Panginoon) ang sanhi upang makaalis na ako at maipa-ayos ito. Ang Panginoon ay iniatas ang banal na katungkulang ito para sa akin, at ginamit Niya ang isyu sa kotse upang manatili ako sa lugar na iyon hanggang nais Niya.
Nang una akong dumating, at mag-isa lamang ako, siya rin, tulad ni Pablo, ay nagsabing mayroong mali! Hindi na siya ang “banayad at tahimik na espiritu” na hinahayaan ang Diyos na buohin siya at ang kaniyang kasal. Sa halip, ginawa niya ang lahat ng ayaw niya, ang “dating sarili” niya ay tila nagbalik!!
Nang may pagkaktaon kaming mag-isa, tinanong ko ang Panginoon para sa karunungan na nais Niyang ibahagi ko sa kaniya. Nakakagulat na bago pa man ako nakabalik sa kwarto, bago pa man ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagsabi ng kahit ano, sinabi niya, “Nais kitang kausapin tungkol sa pag-ayuno.” Iyan ang salita mula sa Panginoon. Pag-ayuno.
Wala nang mas makapangyarihan upang matibag ang matibay, makakuha ng pambihirang tagumpay at PAGPATAY sa laman liban sa pag-ayuno! Hindi lamang ito ang solusyon, ngunit isa ito sa malaking bahagi at kadalasan ay dito Siya nagsisimula.
Una, sinabi ko sa kaniya, tulad ng pagsabi ko sa iyo, na ang Panginoon ay nais ipakita sa ating LAHAT na “sapagkat WALA kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin.” Juan 15:5 Nais ipakita sa ating ng Panginoon na gusto Niyang umasa tayo sa Kaniya at hindi kailanman sumubok ng anuman ng wala Siya.
Ang apostol na si Pablo ay nagpatuloy (nang napaiyak siya kasi ginawa niya ang bagay na hindi niya gustong gawin ngunit ginawa pa rin) na ang solusyon ay ang intindihin ang pagkakaiba ng espiritu at ng laman. Upang lubos na maintindihan, umaasa akong maglalaan ka ng panahon upang basahin ang dalawang linyang ito, na inihanay ko sa Galacia 5:17 at Roma 8:5.
Samakatuwid, walang sinuman sa atin ang makapagbabago sa ating sarili. Mangyayari lamang ito sa oras na ang Diyos ay kumilos “sa atin” na tayo ay magbabago. Liban sa hayaan ang Diyos na kumilos sa atin, kikilos tayo kasama Siya sa pamamagitan ng PAGPATAY ng ating laman sa pag-aayuno. Ang pag-aayuno ay isang paraan na ang manampalataya na nais lumago sa Diyos ay maaring patayin ang laman at umangat sa mga bagay ng espiritu.
Halos isang taon na ang nakalipas, nang hinahanap ko ang Panginoon dahil sa aking nararanasang “pagbigat ng timbang”, ipinaalala Niya sa akin (ng mahinahon) na hindi ako regular na nag-aayuno. Humingi ako ng pagpapatawad sa Kaniya, at sa aking asawa at kay Michelle (ng Alabama), na sa mga oras na iyon ay ang aming Pinuno sa Samahan ng Pakikipagbalikan. Totoong nabigo akong regular na mag-ayuno tulad ng paghihikayat namin sa inyo. At sa oras na makaligtaan mo ito, napakadali nalamang palagpasin ito nang matagal na panahon, tulad ng nangyari sa akin.
Ang pag-ayuno ay hindi lamang nagsimula sa aking pagbawas ng timbang (isang paksa na maaring maibahagi ko rin sa inyo sa susunod), ngunit iniangat nito ang aking espiritu. Kapag tayo ay gutom o nagpabayang pakainin ang ating laman, nawawalan ito ng lakas. At kasabay nito, ang ating espiritu ang siyang nakakakuha ng lakas.
Habang hinihikayat ko ang aking kaibigan, umamin siya na “sinubukan” niyang mag-ayuno, ngunit hindi niya ito napagtuloy dahil sa matinding sakit ng ulo na naranasan niya sa kaniyang pagsubok sa tatlong araw na pag-ayuno. Ngunit bago pa man ako makapagsalita sinabi niya rin sa akin na siya ay nasa ikalawang linggo na ng kaniyang pag-diyeta na tinanggal ang matamis sa kaniyang diyeta (tulad ng paghikayat ng kaniyang asawa na gawin ito) at kung paano pinagpapala ng Diyos ang kanyang mga pagsisikap bilang resulta ng pagpapasakop sa kanyang asawa.
Ang sakit ng kaniyang ulo, tulad ng sinabi niya, ay dahil sa kaniyang “pagka-adik sa matatamis” o ang katibayan. Sa simula ng kaniyang diyeta ay sumakit muli ang kaniyang ulo, ngunit ngayon ay wala na ito. Kung kaya, handa na siyang mag-ayuno ng “arawan”, ilang araw sa isang linggo, ng regular tulad ng paghikayat ko sa kaniyang gawin niya.
Dagdag pa sa kaniyang pag-ayuno, ipinakita ko sa kaniya ang linya sa Bibliya Isaias 58:6 na nagsimula sa “Hindi ba ito ang ayuno na aking pinili. . .” Ibinahagi ko sa kanya na kamakailan ay pinangunahan ako ng Panginoon na "pumili" kung alin ang mga hawak ng kasamaan na nais kong mapaluwagan, alin ang mga banda ng pamatok na nais kong tanggalin Niya, anong pang-aapi ang nais kong makalaya. Ang pag-aayuno na pinili ko ay kailangang mabali ang bawat [mapang-api] na pamatok ako ay pinanghahawakan!
Umamin ako sa aking kaibigan na ang aking mga “pinagpilian” para sa aking pag-aayuno ay takot, pananakot, pangkondena, pagkakasala at kahihiyan — na (sa oras na iyon) ay sinisira ang aking buhay, at pinaglalaruan ang aking empsyon. Hindi ko man alam, sinabi niya ang kaniyang problema ay “ang pangangailangan ng kontrol” at ang “pagkahumaling sa pagiging perpekto.”
Lahat ng miyembro ng Samahan ng Panunumbalik ay dapat na hanapin ang Diyos sa pag-aayuno ng dalawang araw man lang bawat linggo at dapat gawin ito habambuhay, hanggang, at lalo na matapos, ang pakikipagbalikan. Hanapin sa Diyos ang karunungan upang malaman ang kinakailangang “piliin” na mapakawala sa iyong pag-ayuno.
Subalit, alalahanin na sa iyong pag-ayuno at ikaw ay natukso, at “bumigay” ka sa tukso, ginagawa mo ang kabaliktaran ng pagpapagutom upang PATAYIN ang laman; sa halip, ikaw ay NAGPAPAKAIN ng iyong laman.
Ang pagpapakain ng iyong laman ay magpapababa sa iyong espiritu. Magdudulot ito ng mas maraming temptasyon na kinakailangan mong malagpasan hangga’t makita mong ikaw ay paurong na. Sa bawat oras na “bumigay” ka sa temptasyon, ang iyong laman ay napagtitibay, dahil “pinakain” mo ito. Tapos, sa susunod na isa nanamang tukso ang lumapit sa iyo, ang lakas ng iyong espiritu ay masyado nang mahina at ikaw ay mahuhulog nanaman sa tukso ng paulit ulit, hanggang magresulta ito sa mahinang espiritu at mas matibay na laman.
Kaya upang PATAYIN ang iyong laman ay kinakailangan mong MAG-AYUNO hanggang ang iyong katawan ay nanghihina na ngunit ang iyong espiritu at tumitibay! AT kung ang katawan mo ay mahina na mas madali na tumanggi na “bumigay” sa mga tukso. Narinig ko si Joyce Meyer na sinabing napakalaki ng problema niya sa kaniyang bibig hanggang sa wakas ay “nilalagyan niya ng tuwalya ang kaniyang bunganga at tumatakbo sa bulwagan upang hindi makapagsalita ng mga bagay na hindi niya dapat masabi kay Dave!”
Kaya, noong 2004 nang una kong sinulat ang seryeng ito, naglista ako ng ilang bagay na nakita kong ginagawa ng mga miyembro namin, na hindi lamang nagpipigil sa pakikipagbalikan ngunit nagpapatibay din sa kanilang laman, kaya nakakaligtaan nila ang Kaniyang mga biyaya:
1. Pakikipagtalo. Kahit na marami sa inyo ang tumigil na sa pakikipagtalo sa inyong mga asawa, patuloy kayong nakikipagtalo sa iba. Sa halip, alalahanin na tayo ay tinawag na mamuhay ng nagkakakaisa at maging mapagsang-ayon.
2.Tigilan ang pagtatanong. Kung nagtatanong ka pa rin sa iyong asawa, sa iyong ePartner, sa aming ministro o sa kahit sinumang maisipan mong makakatulong sa iyo na makakita ng sagot, hindi mo pa talaga nabigay sa Diyos ang katungkulan ng pagbigay sa iyo ng karunungan, o hayaan ang Panginoon na patnubayan ka. Kung sa Kaniya ka lumapit, patuloy ka Niyang gagabayan kung tumigil ka na sa “pananalig” sa sarili mong pang-unawa, at kilalanin na SIYA lamang ang nakakaalam ng daan na iyong tatahakin sa iyong Lakbay Panunumbalik.
3.Tumigil sa paghingi ng mga bagay. Isa lamang ang makapagbibigay ng LAHAT ng pangangailang mo, ang Diyos. Ibinigay Niya ang Kaniyang Anak upang makasama ka. Magtiwala ka sa akin, hindi ka makukuntento sa pagmamahal or pakikisama na nagmumula sa isang tao. At hindi ka kailanman maliligayahan sa iyong mga pag-aari na natanggap mo hangga’t hindi ito nagmula sa Panginoon (dahil hiningi mo ito sa Kaniya). Nais Niya na patuloy sa bawat sandali ang pakikipag-ugnayan sa iyo, dahil mahal ka Niya at nangangakong mabibiyayaan ka ng lahat ng iyong pangangailangan— kung hahayaan mo lamang Siyang maging una sa iyong buhay at una sa iyong puso. Mangako ka ngayon.
4.Paghahabol. Marami sa inyo ang hindi pa nakakabitaw. Alam ko, alam ng mga kaibigan mo, at alam din ng asawa mo. Nakakalungkot lang, na hindi mo pa rin alam at patuloy mong itinatanggi. Kung kumakain, natutulog, nag-iisip, at pinag-uusapan pa rin ang iyong asawa (kung ano ang ginagawa niya, nararamdaman niya, at iba pa) HINDI ka pa nakakabitaw. Nakikita namin ito sa bawat form na sinasagutan mo. Kahit na sinabi mo na sa asawa mo na malaya na siya, indi ka makakalaya hangga’t hindi ka bumibitaw. Magtiwala ka sa akin at salahat ng nakaranas ng pakikipagbalikan sa kanilang asawa— may kalayaan sa pagbigay sa Panginoon na Siyang maging LAHAT ng iyong pangangailangan! Bibigyan ka nito ng kalayaan sa takot, pananakot, pangamba at sa pagiging alipin na kinakailangang maka-uwe ang iyong asawa. At, ito ang kalayaang kinakailan ng Diyos upang makakilos at matapos ang iyong pagbabalik.
Gumawa ng bagong pangako ngayong linggo na hanapin ang Panginoon ng buo, habang nag-aayuno. At siguraduhing nakabitaw ka at ibigay ang iyong asawa sa Kaniya. Kung hindi mo alam kung paano ito gawin, tanungin lamang ang Panginoon kung paano. Maging ganap at buo ang paninidigan sa Kaniya sa lahat ng bagay. At, ikaw na nabigo sa iyong pagnanais na mag-ayuno, baguhin ang linggong ito sa pamamagitan ng Paghingi sa Diyos ng karunungan laban sa kung ano man ang nakahadlang dito noon. Kung patuloy kang nabibigo, o nahihirapan dahil sa sakit ng ulo o sa iyong kalusugan, kausapin ang Panginoon tungkol dito. Hayaan mo Siyang gumawa ng mas tuwid at madaling daan upang magtagumpay laban sa iyong laman upang makasimulang magabayan ng Espiritu. Ngayon ay oras na upang mag…