Nang mga nakaraang linggo, napag-uusapan na natin kung paanong mapagpala sa taong 2016. Ating alalahanin, may natutunan na tayong tatlong prinsipyo:
Prinsipyo #1 GUSTO ng Diyos na Pagpalain Ka!
Prinsipyo #2 Ang Pagdurusa at Pighati ay tutulong sa atin na makamtan ang pagtanda upang matamasa ang pagpapala!
Prinsipyo #3 Upang mapagpala, dapat ay sapat ang pagmamahal mo sa Kaniya upang sundin Siya!
Itong linggong ito ay matututunan natin ang ika-apat na prinsipyo.
Prinsipyo #4 Upang mapagpala, kailangan mong magnilay sa Kaniyang Salita.
Mga Awit 1:2-3
Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh.
Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.
Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan,
Laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon.
Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.
Kung gagamitin natin ang Awit 1 bilang gabay, nakikita natin na ipinangako nito na KUNG pagninilay-nilay natin ang Salita ng Diyos hanggang sa punto na iniisip natin ito buong araw at sa gabi din— magiging tulad tayo ng punong kahoy na napagtibay at matatag na naitanim kung saan dumadaloy ang tubig, na nagbibigay ng bunga kapag nasa panahon at ang dahon nito ay hindi malalanta o matutuyo, at, pinaka-nasasabik — sa ANUMANG gawin natin, tayo ay uunlad!
Alam ko ang isinulat ko ay hindi eksaktong salita at ang pananalita din ay malayo sa mga linyang inilagay ko sa itaas, ngunit iyon ay dahil naisulat ko ito mula sa aking memorya, mula sa aking puso, ito ang lahat ng mga palamuti na mayroon ako mula ng maranasan ko ito sa aking sariling buhay.
Noong una kong nakilala ang talatang ito, sobrang pinaniwalaan ko ang pangakong ito, na ito ang unang talatang kinabisado ko. Sa totoo lang ay nakabsiado ko ang buong Awit 1 Lunes matapos kong marinig ang prinsipyong ito sa kauna-unahang pagkakataon nang ako ay nasa isang seminar. Sa puntong iyon sa aking Lakbay Panunumbalik, ang aking asawa ay nakaalis na nang isang taon at walong buwan.
Naniwala ako sa sinabi ng mga linyang ito, at tinanggap ito bilang pangako Niya sa akin, tulad ng kanilang mungkahi sa seminar, sinimulan kong kabisaduhin ang Awit 1. Bago nito, marami nang mga talata ang nakatago sa puso ko sa aking pagsusulat ng mga linya sa mga 3x5 cards.
Salmo 119:11 ASND —
Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.
Mga Awit 119:11 MBBTAG—
Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.
Sinasabi ko sa inyo ng paraang pinaka malinaw kong masasabi, na kung kakabisaduhin mo kahit ang ISANG prinisipyong ito lamang ay magbabago ang iyong buhay, tulad ng nabago nito ang buhay ko— HABAMBUHAY! Mula nang nagnilay ako sa iisang talatang ito, nag-iba na ako.
Paano? Bakit?
Sapagkat higit sa lahat, ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga pangako. Kaya't sa tuwing tatanggapin natin ang mga ito bilang Kaniyang pangako sa atin at maniniwala, sa pananalig, na Siya ay tapat at ang lahat ng Kaniyang mga pangako sa atin ay "Oo!" at "Amen!" At sinasabi natin ito pabalik sa Kanya, magtagumpay ito.
Isaias 55:11—
Ganyan din ang aking mga salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan. Isasakatuparan nito ang aking ninanais, at isasagawa ang aking layunin kung bakit ko ito ipinadala.
Ang unang napansin ko nang sinisimulan kong kabisahin ang talatang ito ay tila paulit ulit nitong sinasabi— araw at gabi. Noon naging buhay ang Kaniyang pangako sa akin. Ito ay naging bahagi ko. At agad napansin kong, oo, anuman ang gawin ko ako ay nagtatagumpay!
Hindi, ang aking kasal ay hindi nabalik sa loob ng isang gab; sa totoo lang, nang sumunod na buwan ay diniborsyo na ako ng aking asawa. Alam ko din na ang kalaban ay patuloy na pinaglaruan ako sa pagsabing, “Hoy ganito ka pala magtatagumpay! Kinabisado mo ang Banal na Salita at ang asawa mo ay diniborsyo ka!” Ngunit, ito ay pagsubok sa aking pananampalataya, at kung walang pagsubok, paano tayong magkakaroon ng testimonya?
Paano pang malalaman ng Diyos ang ating puso? Alalahanin, sinabi Niya, “Pero ako, ang Panginoon, alam ko ang puso at isip ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa ayon sa pag-uugali at mga gawa niya.” Jeremias 17:10. Maaring hindi natin alam ang ating sariling mga puso, dahil sinabi rin na “ang puso ay mandaraya kaysa lahat ng bagay, at lubhang napakasama; sinong makakaunawa nito?” Jeremias 17:9. Iyan ang dahilan kung bakit sinusubukan tayo ng Diyos.
Kaya, kung napatunayan nating tayo ay nanampalataya at hindi “napapagod sa pag gawa ng mabuti” Galacia 6:9 ay “nagbibigay Siya ng gantimpala sa mga taong humahanap sa Kaniya.” Mga Hebreo 11:6.
Nga pala, ang bawat taludtod na "nakatago sa aking puso upang hindi ako magkasala laban sa Iyo" ay nagpatunay na nabago ako sa pamamagitan ng pagbabago ng aking pag-iisip. Nang nabago ang aking pag-iisip, nagbago din ang aking puso, at kung hindi pa iyon sapat, ipinangako rin ng Diyos sa bawat isa sa atin, tulad ng ating pinag-uusapan, na tayo ay MAGTATAGUMPAY sa anumang ginagawa natin! Wow!
*Hindi sinasadya. Kung iniiwasan mong gawin ang "kabisaduhin" ang mga talata sa Bibliya, ang bawat taludtod ng Bibliya na isinulat ko sa itaas ay isinulat ko mula sa aking memorya. Ang Kaniyang Salita ay na itinago ko sa aking puso, mula sa simpleng pagsulat ng mga talata sa 3x5 card at pagbabasa nito isang beses sa umaga (sa pagkagising ko), isang beses sa gabi (bago matulog), at sa tuwing alam kong kinakailangan ko ng panghihikayat (na sa lahat ng panahon noong aking Lakbay Panunumbalik!).
Ngayon, kung ang pinag-uusapan natin ay sundin Siya at magawa ang mga kondisyon sa Kaniyang pangako, Prinsipyo #3 Upang mapagpala, kailangang mahal mo Siya ng sapat upang sundin Siya, halata na kinakailangan nating malaman at maintindihan kung ano ang hinihingi Niyang sundin natin.
Diyan papasok ang “pagbago ng ating isip” sa Bibliya— ibig sabihin magnilay sa Banal na Kasulatan— malunod sa Kaniyang salita— na napaka importante. Upang maiba o makapagbago, kinakailangan mo ng nakapagbabagong kapangyarihan ng Kaniyang Salita. Kailangan mong pagnilayan ito, sa ibang salita, kailangan mong isipin ito ng paulit ulit at paulit ulit!
Anong Banal na Salita ang dapat mong pagnilayan?
Magsimula sa pangakong sinimulan natin, na magbubukas sa lahat! Susunod, lumipat sa mga talatang binasa mo sa mga napagkunan mo dito, yamang ang bawat taludtod na iyon ay nabuhos mula sa aking puso matapos ang aking Lakbay Panunumbalik. Ang mga ito ay nakatanim nang pinahintulutan ng Diyos na madurog ang aking buhay may-asawa, na iniwan akong may malambot na puso o tulad ng mabuting lupa kung saan naitanim ang Kanyang Salita.
Mateo 13:18-23—
“Ngunit ang mabuting lupang hinasikan ng binhi ay ang mga taong nakikinig sa salita ng Dios at nakakaunawa nito. Kaya namumunga ito sa kanilang buhay. Ang ibaʼy napakarami ang bunga, ang ibaʼy marami, at ang iba namaʼy katamtaman lang.”
Kamakailan lang ay nakatanggap ako ng liham mula sa isang babae na nagtanong sa katunayan ng mga testimonyang napatotoo sa mga mag-asawang nagbalikan dahil, aniya, parang isa itong patalastas sa aming mga mapagkukunan. Tiniyak ko sa kaniya na ang mga ito ay tunay at na tinanong lang namin ang mga kababaihan kung mayroong anuman silang mga mairerekumendang mapagkukunan ng makakatulong sa mga kalalakihan at kababaihan na, tulad nila, ay may pagnanais na maibalik ang kanilang buhay may-asawa.
Marami sa mga kinuwestiyon niya ay mula sa mga kalalakihan at kababaihan na may naibalik na buhay may-asawa, lahat sila ay nagkaroon/ mayroong isang bagay na pangkaraniwan; binago ng bawat isa ang kanilang isip sa mga prinsipyo at talata na kanilang naitago sa kanilang puso na nagdala sa Diyos na ibalik ang kanilang buhay may-asawa.
Ang Salita ng Diyos ang nagpabago sa kanila; ang Salita ng Diyos ang nagpabago sa akin. Ang Salita ng Diyos ang siyang magbabago sa iyo. Kung kaya, sa dalas ng iyong pagbabasa, pagninilay, at mas madalas na pagbasa at pagnilay sa Kaniyang mga pangako, ay mas magbabago ang iyong pagkatao. Kung gaano mo kagusto na magbago ang siyang magsasabi kung gaano kadalas sa iyong araw, linggo o buwan ang ibibigay mo para sa Salita ng Diyos at sa Kaniyang presensiya.
Kung kaya, muli naming ipinapaalala ang Prinsipyo #4 — Upang pagpalain, kinakailangan magnilay sa Kaniyang Salita.
Ang mga sumusulat na naibalik ang kanilang buhay may-asawa ay iba na ang tunog kaysa sa mundo, ‘di ba? Tila ang mga sinasabi nila ay ang Kaniyang Salita. Dahil iyan sa kanilang pagbabago mula sa pagbago ng kanilang kaisipan. Ikaw ba? Gaano kadalas sa iyong araw ang ginugugol mo sa Kaniyang Salita at gaano kadalas ang ginugugol mo sa pagbago ng iyong kaisipan?
Kung hindi ka pa naglalaan ng oras upang kabisaduhin ang Banal na Salita, simulan mo na ngayong linggo. Magsulat lamang ng isang talata na pinapaniwalaan mong panagko na ibinigay ng Diyos para sa iyo. Isulat ito sa 3x5 card at maglaan ng oras na markahan ito sa iyong Bibliya at basahin ito dalawang beses sa isang araw. Agad mong iisipin ang pangakong ito “araw at gabi” AT magsisimula ka nang mauhaw sa Kaniyang Salita.
Salmo 42:1 “Tulad ng usang sa tubig ng ilog ay nasasabik, O Dios, ako sa inyoʼy nananabik.”
At, sa oras na hindi mo inaasahan, makikita mong anuman ang iyong gawin, magsisimula kang magtagumpay! Ngayon ay oras na para...