Noong nakaraang linggo ay natutunan natin ang unang prinsipyo kung paano pagpapalain at ito ay:
NAIS ng Diyos na mabiyayaan Ka!
Ang ikalawang parte ay:
Naghihintay ang Panginoon at nanabik na biyayaan ang bawat isang nananabik sa Kanya. Nasa Kaniyang kalikasan ang PAGNANAIS na mabiyayaan tayo!
Ngayong linggo ay nais kong maunawaan natin kung bakit mayroong mga naniniwalang hindi pinagpapala habang ang ibang naniniwala ay sobrang pinagpapala na hindi na nila ito maitago.
Ang ibig kong sabihin ay, ang mga taong ito ay sobra sobra ang biyayang natatanggap na ang mga biyayang ito ay lumalagpas at umaapaw sa mga taong malalapit sa kanila. Hindi ko alam sa iyo, ngunit ito ang klase ng biyayang nais kong magkaroon. Ang klaseng “siksik, liglig at umaapaw.” Nais kong magkaroon ng sobra mula sa Diyos na mayroon akong maraming maibabahagi sa mga taong malalapit sa akin. Ikaw?
Kung totoong nais ng Diyos na mabiyayaan tayo, bakit nagdurusa ang ibang naniniwala?
Ikalawang prinsipyo ang Paghihirap at Pagdadalamhati ay tumutulong sa atin upang makamit ang pagkahinog ng tatamasahing biyaya!
Lahat tayo ay nangangarap na ang milagrong darating sa atin ay sa pamamagitan ng pananalo sa lotto. Sa madaling salita, ito ay biglaan, tayo ay agad at maluwalhating mabibiyayaan, at hindi mangangailangan ng kahit na isa pang biyaya sa hinaharap. Gayunpaman, kapag ang isang biyaya ay dumating sa atin, sa totoo lamang, tayo ay ganap at lubusang hindi handing panghawakan ito. Sa halip na ito ay maging isang tunay na biyaya, ang biyaya ay magiging sumpa sa atin.
Ang paraan ng disenyo ng Diyos para dumating ang Kanyang biyaya, ay sa pamamagitan ng maiitim na ulap. Sa pamamagitan ng mabigat na gawain, sakit, pagdurusa at pagsusumikap natin nararanasan at natututunan ang pagkahinog na kinakailangan upang mapanatili at tamasahin ang ating biyaya.
Mayroong dokumentaryo na ating nakita ng isang beses na na nakikipanayam sa mga taong nanalo sa lotto. Lahat, liban sa isa na kamakailan lamang nanalo, ay natagpuang ang perang kanilang pinangarap na magpapaligaya sa kanila ang sumira mismo sa kanilang mga buhay. Ibinigay ito sa kanila bago pa sila maging handing tanggapin ang responsibilidad. Hindi nila ito nakuha sa mabigat na Gawain, o pinagdusahan man lang, sa halip, ito ay nahulog na lamang sa kanilang kandungan.
Kapag ikaw ay nasa kalagitnaan ng iyong mga pagsubok, tulad ng sa iyong buhay may-asawa, bawat araw ay umaasa kang uuwi ang iyong asawa sa mismong ARAW na iyon o hindi kaya ay milagrong magbabago siya sa MAGDAMAG. Nasa kalikasan natin ang ayaw na maghintay. At sino pa sa atin ang nagnananis na magpatuloy na masaktan o lumuha kahit isang patak pa?
At, hindi ba natin nalilimutan kung paanong ang paghihirap ang nagdala sa atin patungo rito, patungo sa Kanya, kung paanong ang mga pagsubok ang nagpabago sa atin sa mga pambihirang pamamaraan? Wala ni isa sa atin ang tulad parin ng dati. Tayo ay tulyang nabago at ang mahalafa sa atin ngayon ay hindi na tulad ng mga bagay na mahahalaga sa atin noon. Kung katulad kita, pagmamasdan moa ng dating ikaw at ikaw ay kikilabutan. Pa, gaano kabilis natin nalilimutan ang sinabi ng Panginoon na tayo ay binabago mula sa Kaluwalhatian patungo sa Kaluwalhatian.
Kaya ating basahin ang bersikulo upang tignan kung may mapupulot pa tayo rito:
2 Corinto 3:18 Ang Salita ng Diyos (SND)
At dahil naalis na ang takip sa ating isipan, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon. At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Banal na Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya.”
Kung ikaw ay pagod na at nag-iisip kung “gaano katagal” pa ang Paglalakbay sa Panunumbalik mo, huminto saglit upang balikan at alalahanin ang mga pagsubok na nagpabago sa iyo.
Ngayong araw habang aking tinatrabaho ang ilang testimonya ng mga Naipanumbalik na Pagsasama ako ay tinamaan ng sobrang pagkamangha kung gaano kadami ang nagpapaliwanag sa mabusising detalye kung gaano akhirap ang kanilang mga pagsubok, ngunit ang bawat isa ay hindi papaya na hindi ito maranasan o baguhin man lang ito! Ganoon din ang pakiramdam ko. Kung gayon bakit, noong una kong sinimulang isulat ang seryeng ito, ako ay napapagod sa LAHAT ng mga pagsubok na ibinahagi kong tumatama sa akin, isa pagkatapos ng isa, at kung paano ko hiniling n asana matapos na ito? Tila, nakalimutan ko kung paano ako nakarating doon sa una pa lamang.
Noong araw na iyon ay nagpasya akong magpahinga sa mainit na paliguan at binuksan ko ang Debosyonal na Batis sa Disyerto at nagsimula akong basahin ang isa sa mga paborito ko sa Enero.
Batis sa Disyerto Enero 9
Itinuturing ko na ang pagtitiis sa panahong kasalukuyan ay hindi karapat-dapat maihambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin. (Roma 8:18)
Minsan ako ay nagtabi ng isang hugis-boteng kukun ng isang emperador na mariposa ng halos isang taon. Ang kukun na ito ay kakaiba ang pagkagawa. Ang leeg ng “bote” ay mayroong makipot na bukasan kung saan pipilitin ng matandang insektong makalabas. Samakatuwid ang abandonadong kukun ay mananatiling perpekto tulad ng isang hindi pa natitirahan, na walang punit sa mga pinaghabing himaymay. Ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng laki ng bukana at ang sukat ng nakakulong na insekto ang magdudulot sa taong magtaka kung paano makakalabas ang mariposa. Siyempre, hindi ito mangyayari ng walang matinding pagod at paghihirap. Pinaniniwalaang ang presyur na pagdadaanan ng mariposa sa pagdaan sa makipot na bukana ay ang paraan ng kalikasan upang maipwersa ang mga likido sa pakpak, dahil hindi sila masyadong nabuo sa oras ng kanyang paglabas sa kukun kumpara sa ibang insekto.
Mangyari pang nasaksihan ko ang unang pagsubokng aking nakakulong na mariposa na lumaya sa atagal nyang pagkakabilanggo. Buong umaga ay pinanood ko ang matiyaga niyang pagsusumikap at paghihirap na makalaya. Tila hindi siya makalagpas sa isang tiyak na punto, at hanggang sa naubos na ang aking pasensya. Ang mga himaymay na nagkukulong sa kanya ay tuyo at hindi nababanat kumpara sa kung naiwan ang kukun na ito sa taglamig sa kanyang natural na tahanan, tulad ng pagkalikha sa kanya ng kalikasan. Naisip kong mas matalino ako at mas maawain kaysa sa kanyang Lumikha, kaya nagpasya akong magbigay ng tulong. Gamit ang dulo ng aking mga gunting aking ginupit ang nagkadikit na himaymay upang padaliin ang kanyang paglabas. Agad-agad at ng may perpektong galaw, ang aking mariposa ay gumapang palabas, hinahatak ang kanyang namamagang katawan at ang kayang namunulang maliliit na pakpak! Aking pinanood ang kamangha-manghang proseso ng paglapad ng kanyang magiging pakpak na tahimik at mabilis na magaganap sa harap ng aking mga mata. Habang sinsusuri kong maigi ang maselan at magandang batik at marka ng ibat-ibang kulay na nandoon sa maliit na iyon, ako ay nanabik na makita na sila ay mabuo sa normal nilang laki. Pinagmasdan ko ang aking mariposa, isa sa pinakamaganda sa kanyang uri, na magpakita ng kanyang perpektong ganda. Ngunit ako ay napagod sa kakatingin. Ang aking maling paglalambing ang nagdulot ng kanyang pagkawasak. Ang mariposa ay dumanas ng nabigong buhay, gumagapang ng nahihirapan sa kanyang saglit na pag-iral sa halip na lumipad sa alapaap sa kanyang makulay na pakpak. Palagi kong naiiisip ang mariposa kong ito, lalo na kapag pinagmamasdan ng may luha sa mata ang mga nahihirapan sa pagdadalamhati, paghihirap at pagdurusa. Normal sa kain na magnais na mabilis alisin ang disiplina at magbigay ng kalayaan. O napakakitid ng aking paningin bilang tao! Paano ko malalaan na ang isa sa mga sakit at daing ay dapat maibsan? Ang malayo, at perpektong pagmamahal na naghahanap ng perpeksyon sa mga bagay ay hindi pinanghihinaan sa kasalukuyan, at panandaliang paghihirap. Ang pagmamahal sa atin ng ating Ama ay matatag at hindi manghihina. Dahil sa pagmamahal Niya sa Kanyang mga anak, “tayo ay kanilang dinidisiplina… upang tayo'y makabahagi sa kanyang kabanalan” (Hebreo 12:10). Gamit ang dakilang layuning ito na kanyang natatanaw, hindi Niya pinapawi an gating mya pagluha. Ginawang perpekto sa pamamagitan ng paghihirap, tulad ng Nakatatandang Kapatid natin, tayong mga anak ng Diyos ay dinidisiplina upang maging masunurin, at dadalhin sa kadakilaan sa pamamagitan ng pagdurusa. Mula sa tract’’ ay hinihikayat ko kayong huminto at basahin rin ito, upang inyong maintindhihan ang tungkol sa magandang mariposa na hindi nabuhay upang magamit ang kanyang makulay na pakpak, dahil lamang ang naghihirap na mariposang ito ay pinalaya sa kanyang paghihirap. Sa pagbabasa kong muli ngayon, ako ay tnamaan muli kung paanong ang lalaki na nakasaksi sa paghihirap ng mariposa ay gumupit ng maiit sa bukana upang hindi na mahirapan ang mariposa at makalabas sa mahigpit niyang pagkakakulong.
Tulad ng aking sinabi, noong natapos ko lamang basahin ang kwento ay saka ko naalala na sa lahat ng pagsubok ngayong linggo, ako ay nabigong tapusin ang pagsusulat ng lingguhang mensahe para ngayon. Kaya mula sa aking paliligo ako ay lumabasm sa halip na nagdadalamhati ay ako ay nagpapasalamat. Nagpapasalamat sa Makalangit na Ama na nagmamahal ng sapat sa akin upang hayaan akong lumago; na baguhin ako upang maging kawangis Nya at maging karapat-dapat na babae para pakasalan ng Kaniyang Anak. Ang Kanyang pamamaraan ay hindi ko pamamaraan at ang Kanyang isip ay hindi ko kaisipan.
At tulad ng aking sinabi, nagpasaya sa akin ang kaalamang hindi pa Siya tapos sa akin. Salamat Panginoon para sa mga pagsubok; muli ako ay nagbubunyi!
Nagpapasalamat at ng may kababaang loob ay nakita ko kung gaano karaming taon ang inilaan ng Panginoon para baguhin at tulungan akong lumago. Nito lamang mga nakaraang araw ay napagtanto kong hindi ko naman talaga ibig na maibsan ang mga kasalukuyang pagsubok ko dahil sa apoy ko lamang tunay na mararanasan ang Kanyang presensya ng husto.
Daniel 3:24-25—
“Kaya't ang haring si Nebukadnezar ay nagtaka at nagmamadaling tumindig. Sinabi niya sa kanyang mga tagapayo, “Di ba tatlong nakagapos na lalaki ang ating inihagis sa apoy?” Sila'y sumagot sa hari, “Totoo, O hari.” Siya'y sumagot, “Tingnan ninyo, ang nakikita ko'y apat na lalaki na hindi nakagapos na naglalakad sa gitna ng apoy at sila'y walang paso at ang anyo ng ikaapat [naglalakad kasama nila] ay gaya ng isang anak ng mga diyos.”
Kamusta naman kayo? Nasaan ka ngayon sa mga pagsubok mo at ano ang nararamdaman mo tungkol ditto? Ngayon panahon na upang mag…