Tagalog Cover

Kabanata 12 "Humiling sa Diyos"

Ngunit kung kulang ng karunungan ang sinuman sa inyo,

humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan;

sapagkat ang Diyos ay saganang magbigay

at di nanunumbat.

—Santiago 1:5

Paano kung ang aking asawa ay nagtataksil at nakikiapid, ako ba ay pinapahintulutan na hiwalayan o diborsyohin siya?

Hindi! Ang Kanyang Salita ay nagsasabi na ang asawang lalake ay maaaring makipaghiwalay sa kadahilanan lamang ng “fornication” (ito ang pakikipagtalik bago ang kasal) kung ang babae ay narungisan na, hindi ang kabaligtaran. Itong exception ay tumutukoy sa panahon ng pagtatalaga ng kasal. Ang fornication at pakikiapid ay hindi magkaparehong kasalanan. Kung magkapareho ang mga ito, hindi ito babanggitin ng dalawang beses sa isang talata sa Kasulatan: “Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyusan, nangangalunya...” (1 Corinto 6:9).

Hiwalayan siya nang lihim. Ang pakikipaghiwalay sa dahilan ng fornication ay pinahihintulutan sa panahon ng pagtatalaga ng kasal, katulad sa kaso ni Maria at Jose. Ang mga salitang fiance at engagement ay hindi ginagamit sa panahong iyon. Ang salitang “asawa” ay ginamit dahil si Jose ay nakatalaga na bilang asawa ni Maria. “Si Jose, na kanyang magiging asawa...ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim” (Mateo 1:19). Ito ay bago ang kasal dahil ang pakikipaghiwalay ay pinahihintulutan sa kaso ng fornication lamang.

Nakatakda nang pakasal. Ang nakaraang talata ay nagpapaliwanag na ang “pakikipaghiwalay” ay nangyayari bago ang kasal! “...si Maria at si Jose ay nakatakda nang pakasal, ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao...” (Mateo 1:18). Ang pinakahuling sandali na ang pakikipaghiwalay ay maaaring mangyari ay pagkatapos na pagkatapos ng unang gabi ng kasal, kung ang BABAE (hindi ang lalaki) ay natuklasang hindi na birhen. Muli, walang Kasulatan na nagpapahintulot sa babae na hiwalayan ang kanyang asawa!

Mayroon bang sinumang maaaring magpakasal muli?

“Ang babae’y nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Kapag namatay ang lalaki, ang babae’y malaya nang mag-asawa sa sinumang maibigan niya, ngunit sa isang mananampalataya” (1 Corinto 7:39). Para doon sa mga babaeng nabiyuda, mahalagang malaman na kapag ang tunay na “Mr. Right” ay dumating, siya ay nabiyudo rin o hindi pa kailanman nakakasal. Tandaan, si Satanas ay kadalasang dinadala ang kanyang pinakamagaling ng una, ngunit ang Panginoon ay paghihintaying ka at pagkatapos dadalhin ang Kanyang pinakamagaling! “Manalig ka sa Diyos, utos Niya’y sundin” (Awit 37:34).

Paano kung ako ay nasa pangalawa (o pangatlo) nang kasal?

Una, dapat mong hilingin ang kapatawaran ng Diyos, kahit na ikaw ay nakasal bago ka naligtas o hindi. Hindi ka maaaring maging mabisa sa iyong pamumuhay Kristiyano kung hindi mo kayang aminin ang iyong mga nakaraang mga kasalanan. “Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti” (Kawikaan 28:13). “Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili, at wala sa atin ang katotohanan. Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siya’y matuwid” (1 Juan 1:8-9).

Panahon upang magsisi. “Binigyan ko siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikdan ang mahalay na pamumuhay, ngunit ayaw niyang magbago. Pakinggan mo: mararatay siya sa higaan, pati ang mga nakiapid sa kanya. Magdaranas sila ng matinding kahirapan kung hindi nila pagsisisihan ang kasamaang kanilang ginawa sa piling niya” (Pahayag 2:21-22). “Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid” (Santiago 5:16).

Dapat ko bang buoin ang kasal na ito o bumalik sa aking unang asawa?

Ang Kanyang kalooban. Pagkatapos mong ikumpisal ang iyong kasalanang pangunguna sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapakasal muli o pagpapakasal sa isang taong kasal na, dapat mo na isantabi ang iyong kalooban o kagustuhan at hilingin sa iyong Ama sa Langit para sa Kanyang kalooban tungkol sa iyong kasalukuyang buhay may-asawa. Nais ba ng Panginoon na patuloy kang maghanap ng restorasyon para sa buhay may-asawa mong ito na gumuguho? Maraming mga babae ay nakaharap na sa mahirap na kalagayang ito, ngunit ang Diyos ay LAGING tapat at gagabayan ka Niya kung Siya ay iyong hahanapin. Manalangin para sa direksyon ng Diyos. “Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay—isang buhay na ganap at kasiya-siya” (Juan 10:10).

Ano naman ang tungkol sa talata sa Deuteronomio o covenant marriages?

“Kung ang isang tao’y mag-asawa ngunit hindi naging kasiya-siya sa kanya ang babae dahil may natuklasan siyang hindi mabuti, maaari siyang gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay, at paalisin ang babae pagkatapos. Kung ang babaing hiniwalayan ay mag-asawa sa iba at hiniwalayan uli matapos bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay o namatay ang ika asawa, ang babae ay ituturing nang marumi. Hindi na siya maaaring pakisamahan ng unang asawa. Magiging kasuklam-suklam kay Yahweh kung pakikisamahan pa niya ang babae. Hindi ninyo dapat dungisan ang lupaing ibibigay niya sa inyo” (Deuteronomio 24:1-4).

Katulad ng iyong nabasa, ang talatang ito ay sinasabihan ang babae na huwag bumalik sa kanyang unang asawa. Kung kaya hindi namin pinapabayaan ang mga babaeng isipin na dahil ang kanilang buhay may-asawa ay nasa kaguluhan, dapat na silang bumalik sa kanilang unang asawa. Yaong mga pinanghahawakan ang covenant marriages ay pinapaikot ito sa pamamagitan ng paniniwala na ang Diyos ay hindi kinikilala ang mga pangalawang kasal o buhay may-asawa, kundi ang unang mga kasal lamang. Subalit, hindi ito nakalahad ng malinaw sa Kasulatan, at ang talatang ito ay salungat sa “covenant theology.” (Ating tatalakayin ang covenant marriages ng mas malalim pa sa susunod na mga bahagi ng seksyon na ito.)

Pangalawa, ang talatang ito ay madiing sinasabi na ang babae ang siyang nagpapakasal muli at ito ay nangungusap tungkol sa kanyang karungisan. Sa panahong ito na ating “pinaghahalo” ang mga papel na ating ginagampanan at ang mga kasarian ay tinitingnan bilang magkapareho, maaaring mahirap para sa iyo na unawain, ngunit ang karungisan ay nasa babae, hindi sa lalaki. Ito ay pinatotohanan sa maraming mga talata:

“Binigyan ko siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikdan ang mahalay na pamumuhay, ngunit ayaw niyang magbago. Pakinggan mo: mararatay siya sa higaan, pati ang mga nakiapid sa kanya. Magdaranas sila ng matinding kahirapan kung hindi nila pagsisisihan ang kasamaang kanilang ginawa sa piling niya” (Pahayag 2:21-22).

Itong talatang ito ay sinasabi sa atin na ang parusa at kasalanan ay magkaiba para sa lalaki at babae, dahil sa immoralidad at gawain ng babae. Kung gusto mong tingnan pang muli ito, sa buong Levitico iyong makikita ang proteksyon o parusa para sa karungisan ng babae lamang.

Kung ikaw ay nanatiling hindi kasal at malinis, kung sa ganoon, ang talatang ito ay hindi ka nasasakop. Subalit, yaong mga narungisan na, ang Diyos ay ipinadala ang Kanyang Anak para sa kapatawaran ng LAHAT ng mga kasalanan. Ang Kanyang dugo ay tinatakpan ang IYONG karungisan. Tayo ay hindi na napapailalim sa batas, ngunit nabubuhay sa ilalim ng biyaya kapag ating tinanggap ang handog na kaligtasan. Maaaring gusto ng Diyos na buoin ang iyong unang buhay may-asawa, o ang pangalawa, o maaaring mas nais Niyang ikaw ay mamuhay bilang mag-isa, na karamihan sa mga babae ay naliligalig na isipin man lang. Ang Diyos ay may nakalaang kasiya-siyang buhay para sa iyo, ngunit kapag ninais mo lang ang Kanyang kalooban saka mo ito matatagpuan. Kung patuloy mong hinahanap ang iyong kalooban, ninanais ang iyong unang buhay may-asawa o ang iyong kasalukuyang buhay may-asawa o ang isang bagong buhay may-asawa, ikaw ay patuloy na mamumuhay sa paghihinagpis at pagkabigo. Hanapin mo Siya at ang Kanyang kalooban para sa iyo. “Ako lamang ang nakaaalam ng mga panukalang inihahanda ko para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap” (Jeremias 29:11).

Pundasyon ng pakikiapid. Ang iyo bang kasalukuyang buhay may-asawa ay resulta ng pakikiapid? Ikaw ba o ang iyong asawa ay kasal sa iba? Ang inyo bang dating asawa ay kasalukuyang di kasal? Kung ikaw ay sumagot ng ‘oo’ sa lahat ng tatlong tanong na ito, maaaring ang Panginoon ay nais kang tulungang buoin ang iyong dating buhay may-asawa.

Manatiling walang asawa. Ang iyong asawa ba ay nagpakasal muli? Kung ganon, sa panahong ito, ikaw ay tinatawag upang manatiling walang asawa at huwag hanapin ang restorasyon ng iyong buhay may-asawa. Kung ikaw ay buong-pusong naniniwala na ikaw ay “tinawag” upang manindigan para sa iyong buhay may-asawa, ako ay naniniwala na ika’y tama. Subalit, kapag ang iyong asawa ay nagpakasal muli, kung ganon, maaaring iyong sinubukan na makamtan ito sa laman o pita. Hindi mo pinalaya ang iyong asawa katulad ng nasasaad sa Bibliya. (Para sa iba pang kaalaman tungkol sa paano o bakit natin kailangang magpalaya, tingnan ang Kabanata 8, “Mahihikayat ng Walang Paliwanag.”)

“Ang nagsisikap sa mga bagay ukol sa laman ay aani ng kamatayan. Ang nagsisikap sa mga bagay ukol sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan” (Galacia 6:8). Walang duda na hinahabol mo ang iyong asawa sa halip na palayain siya katulad ng nakalahad sa Bibliya (Awit 1:1, 1Corinto 7:15). Ngayon, kailangan mong manatiling walang asawa at hintaying mauwi sa diborsyo ang kasalukuyang buhay may-asawa ng iyong asawa. “...manatili siyang walang asawa o kaya’y makipagkasundo sa asawa...” (1 Corinto 7:11).

Ang katotohanan tungkol sa tinatawag na “covenant marriages” ay kinikilala ng Diyos ang pangalawang kasal. Sa karagdagan, ang “covenant” na doktrina ay hinihikayat yaong mga nasa pangalawang kasal o asawa na bumalik sa kanilang unang asawa. Ang mga doktrinang ito ay taliwas sa mga talata sa Deuteronomio 24:1-4 na tinalakay natin nung una ukol sa tanong na ito.

Ang mga talatang ito ay pinapatunayan na ang Diyos ay kinikilala ang paghihiwalay o diborsyo at ang pagpapakasal muli dahil ang babaeng ito ay hindi pa naikasal muli, siya ay ituturing na nakikiapid kung ganon, na maaaring humantong sa pagpatay sa kanya sa pamamagitan ng pambabato. Ang mga talatang ito ay pinapatunayan din na ang paghikayat sa isang babae na bumalik sa dati niyang asawa ay parang paghikayat ng kataksilan sa harapan ng Panginoon. Ang ating ministro ay hindi hinihikayat ang restorasyon sa dating asawa, ngunit nakita na natin itong ginawa ng Panginoon. Mayroong mga taong nabuo ang mga unang buhay may-asawa nila.

Covenant Marriage. Ang salitang “covenant marriage” ay nagmula sa Malakias 2:14. “Itinatanong ninyo kung bakit. Sapagkat alam niyang sumira kayo sa pangako ninyo sa inyong asawa na pinakasalan ninyo nang kayo’y bata pa. Siya’y naging katuwang ninyo, ngunit ngayo’y sumira kayo sa pangako ninyo sa kanya, bagama’t nangako kayo sa Diyos na magiging tapat kayo.” Hindi nito sinasabi na ito ay unang kasal o asawa o na ang unang kasal o asawa ay ang siya lamang kikilalanin ng Panginoon. Hindi natin dapat basahin sa isang talata ang NAIS natin sabihin nito. “Sapagkat darating ang panahong hindi na nila pakikinggan ang wastong aral; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Mangangalap sila ng mga gurong walang ituturo kundi ang mga bagay lamang na gusto nilang marinig. Ibabaling nila sa mga alamat ang kanilang pansin at hindi na nila pakikinggan ang katotohanan.” (2 Timoteo 4:3-4). Tanging ang katotohanan ang magpapalaya sa atin.

Pagsasawalang-bahala o pagmamaliit sa kapangyarihan ng Dugo ni Kristo. Kapag naniniwala ka na HINDI mapapatawad ng Diyos ang pangalawa o mga susunod pang kasal o asawa, at tinuturing mo itong tuloy-tuloy na pakikiapid, para mo na ring sinabi na ang Dugo ni Hesus ay hindi kayang takpan ang kasalanan ng pakikiapid na dinulot ng pakikipaghiwalay at pag-aasawang muli.

Ngunit ang talatang ito ay iba naman ang pinapahayag: “Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyusan, nangangalunya, nakikiapid sa kapwa lalaki o kapwa babae...ang ganyang mga tao’y walang bahagi sa kaharian ng Diyos. GANYAN ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo’y nilinis na sa inyong mga kasalanan at itinalaga na kayo sa Diyos. Kayo’y pinawalang-sala na sa pangalan ng Panginoong Hesukristo at ng Espiritu ng Diyos” (1 Corinto 6:9-11). Aleluia! Ang Diyos ay kaya at pinapatawad ang pakikiapid, kahit ano at lahat ng uri ng pakikiapid! “Sinabi ni Hesus: ‘Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang magkasala’” (Juan 8:11).

Kayabangang Spiritwal. Tiningnan mo na ba ang ibang wala sa “covenant marriages,” na nasa pangalawa o higit pang asawa, bilang mga makasalanan? Kapag naniniwala ka na ang kasal ng iyong asawa ay walang bisa, dahil sa iyong paniniwala na siya ay iyo pa ring asawa, kung ganon itinataas mo ang iyong sarili mula sa iba, ito ay kayabangan. “Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba—mga magnanakaw, mga magdaraya, mga mangangalunya, o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno...’” (Lucas 18:11-13). Iniisip ng Pariseo, na laging pinagsasabihan ni Hesus, na si Hesus at ang Kanyang mga apostol ay mga makasalanan dahil sa kanilang interpretasyon ng mga batas at ang kanilang pagsunod sa mga ito. Ang Pariseo ay nagsasalita laban sa lahat ng mga makasalanan ng buong kasamaan at kapintasan mula sa kanyang matigas na puso.

Ikaw ba ay kumbinsido na ang lalaking kinakasama ng ibang babae o kasal na dito ay iyo pa rin? Kahit na sa ating bansa ang “pag-aari” ay mas makapangyarihan kaysa mga titulo pagkalipas ng sapat na panahon. Ang importante sa akin ay kung ang aking asawa ay nakatira kasama KO o hindi. Ito ay parang isang tao na ang kotse ay nanakaw. Nagyayabang ito na nasa kanya pa ang titulo ng kotse, bale wala kung nasa kanya pa ang titulo kung ang kotse ay nasa ibang tao naman!

Hindi ako interesado na gamitin o ipirma ang pangalan ng aking asawa sa mga sulat na ipinapadala ko sa mga Christmas cards. Hindi ako kuntento na suotin ang aking singsing sa kasal kung mayroon namang ibang babae na mas nais makasama ng aking asawa. Hindi ko kayang panoorin ang aking asawa na makipaghiwalay at magpakasal sa iba habang ako ay nakatayo kasama ang ibang “standers.”

Determinado ako na mapabalik ang aking asawa sa aming tahanan kasama ko at ng aming mga anak. Ang aking asawa ay umuwi sa akin, hindi dahil sa hawak ko ang titulo ng aming kasal, ngunit dahil ginawa ko ang lahat na mga bagay na iyong nabasa at mababasa sa aklat na ito! Ako ay naging iba sa pamamagitan ng aking pagkasira at sa pamamagitan ng Kanyang kakayanan na baguhin ako.

Manatiling walang asawa. Ang Diyos ba ay tinatawag ka upang manatiling walang asawa, kahit na sa sandaling panahon? MAGANDANG bagay ang manatiling walang asawa. Noong si Dan ay halos pabalik na sa aming tahanan, mayroon akong napakalakas na pagnanasa na manatiling walang asawa. Hindi dahil sa ayaw ko nang bumalik siya o mabuo ang aming buhay may-asawa, ngunit dahil natuklasan ko ang ang hindi pagkakaroon ng asawang kailangang bigyang-lugod ay nagbigay sa akin ng pagkakataon na magbigay-lugod at maging kanais-nais sa aking Panginoon at Tagapagligtas! “Ito naman ang masasabi ko sa mga walang asawa at mga babaing balo: mabuti pa sa kanila ang manatiling walang asawa, tulad ko” (1 Corinto 7:8).

“Gayon din naman, ang pinagsusumakitan ng dalaga o babaing walang asawa ay ang mga bagay ukol sa Panginoon sapagkat ibig niyang maitalaga nang lubusan ang sarili sa paglilingkod sa Panginoon. Subalit ang iniintindi ng babaing may-asawa ay ang mga bagay ng sanlibutang ito sapagkat ibig niyang makipagbigay-lugod sa kanyang asawa. Sinasabi ko ito upang tulungan kayo. Hindi ko kayo hinihigpitan; ang ibig ko’y madala kayo sa maayos na pamumuhay, at nang LUBUSAN kayong makapaglingkod sa Panginoon” (1 Corinto 7:34-35).

Ikaw ba ay kuntento na manatiling walang asawa? Kung hindi, dapat mong suriin ng husto kung sino talaga ang una sa iyong buhay.

Karamihan sa mga babaeng napagministruhan ko, na nananatiling “nakatayo” pagkatapos maganap ang pag-aasawang muli, ay mas obsessed sa kanilang dating asawa kaysa doon sa mga babaeng ang mga asawa ay hindi nag-asawang muli. Naging idolatry na sa marami sa kanila. Makuhang muli ang kanilang mga asawa ay tila naging pinakamahalagang layunin nila sa kanilang mga buhay! Kahit na iyong asawa ay nagpakasal muli o hindi, DAPAT ang iyong pinakamahalagang layunin ay magkaroon ng malalim na relasyon sa iyong Panginoon at Tagapagligtas. Siya ang dapat una sa iyong buhay. Kung hindi ngayon, KAILAN?

Ang iyo bang pagpupursigi na mabuo ang iyong buhay may-asawa ay nagdulot upang ikaw ay madapa? Nagdulot ba ito upang ikaw ay maging mayabang sa espiritwal na mga bagay? Ito ba ay naging idolatry? Ikaw ba ay walang bunga sa iyong pamumuhay Kristiyano dahil sa iyong pangungulila sa iyong asawa o buhay may-asawa o sa iyong dating asawa at dating buhay may-asawa?

Magtiwala sa Kanya. Kung nais mo ang masaganang buhay na laan ng Diyos para sa iyo bilang isa sa mga anak Niya, dapat mo Siyang pagkatiwalaan ng iyong buhay. Nais ng Diyos na bigyan ka ng masaganang buhay, hindi isang peke. Kung pinili mong subukan at gawin ito ng iyong sarili, ito ay walang kahihinatnan. Ang Awit 127:1 ay nagsasabi, “Malibang ang Panginoon ang gumawa nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan...” Idalangin mula sa iyong puso, “Ama, kung maaari’y ilayo Mo sa akin ang sarong ito. Gayunma’y huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban Mo” (Lucas 22:42).

Ministro. ALAM ko na kapag ipinahintulot ng Diyos na pakasalan ni Dan ang ibang babae (na sinabi sa akin ni Dan na kanyang gagawin noon), kung ganon, sinasabi sa akin ng Diyos na ilaan ko ang aking sarili sa Kanya, sa aking mga anak at sa pag ministro sa mga nakababatang kababaihan. Handa ka bang ilaan ang iyong buhay sa “pagyayabang sa iyong kahinaan” at pagtulong sa pag ministro sa mga nakababata at/o nasasaktang mga babae?

Habang inaabala mo ang iyong sarili sa mga bagay ukol sa Panginoon, mayroong malaking posibilidad, batay sa mga statistics at sa mga sumusunod na talata, na ang Diyos ay magiging abala na ipahintulot na ang kasal o buhay may-asawa ng iyong asawa ay humantong sa diborsyo o paghihiwalay. “Sa Diyos mo hanapin ang iyong kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtan” (Awit 37:4). Kung ito ay mangyari, kung ganon ikaw ay nasa lugar upang hanapin ang Panginoon na buoin ang iyong buhay may-asawa! Nangyayari ba ito? Oo! Basahin ang nakakapagpalakas-loob at napakagaling na testimonya sa hulihan ng kabanatang ito.

Ang pakikiapid ba ay napapatawad?

Oo. Ang sabi ni Hesus sa babaeng nahuling nakikiapid: “Wala bang nagparusa sa iyo?...Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang magkasala” (Juan 8:10-11). Sa totoo lang, hindi lamang HINDI basehan sa diborsyo ang pakikiapid, ito ay basehan sa pagpapatawad katulad nang ipinakita ni Kristo sa Juan 8:10.

Mayroon din tayong halimbawa sa Oseas ng isang asawa na pinatawad ang pakikiapid sa Oseas 3:1. “At sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Humayo kang muli, at patuloy mong ibigin ang iyong taksil na asawa bagaman siya’y nakikipag-ibigan sa iba.’” Pagkatapos sa 1Corinto 6:9-11, noong ang Diyos ay nangusap tungkol sa mga nakikiapid at nangangalunya, ang sabi Niya: “Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo’y nilinis na sa inyong mga kasalanan at itinalaga na kayo sa Diyos. Kayo’y pinawalang-sala na sa pangalan ng Panginoong Hesukristo at ng Espiritu ng Diyos.” Tayo ay nahugasan na ng Kanyang Dugo ng pagpapatawad.

Pero, maraming mga pastor ang nagsasabi na ang pakikiapid ay basehan para sa diborsyo. “Narinig ninyo na noong una’y iniutos ko sa mga tao, ‘Huwag kang makikiapid.’ Ngunit ngayo’y sinasabi Ko sa inyo: ang sinumang tumingin nang may mahalay na pagnanasa sa isang babae, sa isip niya’y nakiapid na siya sa babaing iyon” (Mateo 5:27-28). Kung totoo na ang pakikiapid ay basehan sa diborsyo, kung ganon karamihan sa mga may-asawang babae ay maaaring hiwalayan ang kanilang mga asawa dahil karamihan sa mga lalaki ay tumingin na nang may mahalay na pagnanasa sa mga litrato ng mga babae sa telebisyon o mga babasahin!

Kung ikaw ay nakiapid na, dapat mong ikumpisal ang iyong kasalanan sa iyong asawa kung hindi niya alam ang iyong pagtataksil. “Ang pagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi” (Kawikaan 28:13).

Hindi ba’t ang pagpapakasal muli ay okey lang kung ito ay nasa tamang lugar o kalagayan?

Napakaraming mga simbahan at mga pastor ang nagsasabi na ang diborsyo ay tama sa ilang mga sitwasyon, ngunit ang talatang ito ay nagsasabi, “Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitan bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos” (Mateo 5:19).

Paano ako nakakasiguro na ang mga nakalahad sa aklat na ito ay tama at ang mga sinasabi ng maraming mga simbahan ay mali? “Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta; nagsisilapit sila sa inyo na animo’y tupa, ngunit ang totoo’y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Napipitas ba ang ubas sa puno ng aroma? Nagbubunga ng mabuti ang bawat mabuting punong-kahoy, subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy. Hindi maaaring magbunga ng masama ang mabuting punongkahoy, ni ng mabuti ang masamang punongkahoy. Ang bawat puno na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Kaya nga, makikilala ninyo sa kanilang mga gawa ang mga bulaang propeta. Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban na aking Amang nasa langit. Pagdating huling Araw, marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa Inyong pangalan!’ At sasabihin Ko sa kanila, ‘Kailanma’y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa Akin, mga mapaggawa ng masama!’” (Mateo 7:15-23). Hindi ba’t marami sa mga buhay may-asawa sa iyong simbahan ay nawawasak at ang mga pamilya ay nagkakawalay? Ito ang mga masasamang bunga.

Maraming mga pastor ang nakakaramdam sa kanilang “kaibuturan” ng matinding paniniwala sa kasal, ngunit ayaw nilang “masaktan” sinuman, lalo na yaong mga “miyembro ng simbahan” na nasa kanilang pangalawa o pangatlong asawa na. “Hindi ba ninyo alam na kapag kinaibigan ninyo ang sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Kaya’t sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos” (Santiago 4:4).

Mga bagay lamang na gusto nilang marinig. Kung ang isang pastor o simbahan ay nanindigan laban sa diborsyo o pagpapakasal muli, sila ay tinatawag na “legalistic” o mapanghusga. At yaong mga nais “gawin ang gusto nila” ay pupunta sa ibang simbahan upang marinig ang nais nilang marinig.

“Sapagkat darating ang panahong hindi na nila pakikinggan ang wastong aral; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Mangangalap sila ng mga gurong walang ituturo kundi ang mga bagay lamang na gusto nilang marinig. Ibabaling nila sa mga alamat ang kanilang pansin at hindi na nila pakikinggan ang katotohanan” (2 Timoteo 4:3-4).

Dahil sa ako ay diborsyado na o wala ng asawa uli, hindi ba maaaring ako ay magpakasal muli o kaya ay makipag-date at saka humingi ng tawad sa Diyos?

Una sa lahat, hindi ka dalaga o binata (single). Tanging ang isang tao na hindi kailanman pa naikakasal (o ang isang balo) ang “single.” “Samakatwid, nangangalunya siya kung makikisama siya sa ibang lalaki samantalang buhay pa ang kanyang asawa. Ngunit kung mamatay na ang kanyang asawa, hindi na siya sakop ng tuntuning iyon. At kung mag-asawa siya sa ibang lalaki, hindi siya nangangalunya” (Roma 7:3).

Pangalawa, iyong aanihin ang iyong itinanim. “Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; ang Diyos ay di madadaya ninuman. Kung ano ang inihasik ng tao, iyon din ang kanyang aanihin” (Galacia 6:7). Sinasadya mong pumasok sa isang kasalanan. “Ang nakaaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagkakasala” (Santiago 4:17).

Nakapangingilabot na bagay. Inilalagay mo ang iyong sarili para sa paghihiganti ng Diyos. “Kung matapos nating makilala at tanggapin ang katotohanan ay magpapatuloy pa rin tayo sa pagkakasala, wala nang haing maihahandog sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Wala nang natitira kundi ang nakapangingilabot na paghihintay sa darating: ang Paghuhukom at ang nagngangalit na apoy na tutupok sa mga kalaban ng Diyos...Gaanong kabigat na parusa, sa akala ninyo, ang nararapat sa taong humamak sa Anak ng Diyos, sa lumpastangan sa dugo na nagpatibay sa tipan at nagpabanal sa kanya, sa humamak sa mahabaging Espiritu? Sapagkat kilala natin ang nagsabi ng ganito: ‘Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.’ At Siya rin ang nagsabi, ‘Hahatulan ng Panginoon ang Kanyang bayan.’ Kakila-kilabot ang hatol ng Diyos na buhay sa mga taong gumagawa ng ganito!” (Hebreo 10:26-31).

Takda: Sa mga nakaraang mga buwan, ang Panginoon ay pinupuno ako ng napakaraming kaalaman tungkol sa yaong mga “nakaaalam ng katotohanan” pero isinawalang-bahala ito upang gawin lamang “ang nais nila.” Ilan sa mga napakapangit, napakasama, at makabagbag-damdaming mga testimonya na aking narinig ay kailan lang naibahagi sa akin.

Mga kababaihan, ang Diyos ay hindi madadaya. Hindi ka makikinabang sa pagsawalang-bahala mo sa Salita ng Diyos, o sa pagkikipagpalit mo sa pagsunod para sa isang “mas mabuting buhay may-asawa” (o bagong relasyon) sa isang tao.

Kung Mahal Mo Ako

Sa pagsasara, “Sinumang nagtuturo ng iba kaysa rito at di sang-ayon sa salita ng Panginoon Hesukristo at sa mga aral tungkol sa kabanalan ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at pagbibintang. Mahilig din silang makipagtalo sa mga liko ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan, mga taong nag-aakala na ang relihiyon ay paraan ng pagpapayaman” (1 Timoteo 6:3-5).

“Kung iniibig mo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos” (Juan 14:15). Kung iyong sinasabi na naniniwala ka sa Diyos, kung ganon sundin mo Siya. “Tinatawag ninyo Akong ‘Panginoon, Panginoon,’ ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi Ko” (Lucas 6:46). Kung ikaw ay nagdesisyon na hingin kay Hesus ang iyong kaligtasan ngunit hindi mo sinusunod ang Kanyang mga aral, kung ganon hindi Siya ang iyong Panginoon. Kung Siya ang iyong Panginoon, siguraduhing ang iyong kilos o gawa ay nagpapatunay nito. Sundin mo Siya!

Tayo ay gumawa ng personal na pangako na

DUMULOG SA PANGINOON

At hikayatin ang iba na gawin din ito!

Personal na pangako: dumulog sa Panginoon kung aking bubuoin ang aking kasalukuyang buhay may-asawa. “Batay sa aking natutunan mula sa Salita ng Diyos, ako ay nangangako na tanungin ang Diyos kung aking bubuoin ang buhay may-asawang ito o hindi. Isasantabi ko ang aking kalooban, nanaising lamang ang Kanyang kalooban dahil Siya ang aking Panginoon. Hindi ko kailanman huhusgahan sinuman na nasa pangalawa o higit pang buhay may-asawa, sa halip aking tatanggapin na ang Dugo ni Hesus ay kayang takpan ang kasalanang pakikiapid.”

Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.

Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP m

Testimonya: Nabuo Matapos Makasal Muli ang Asawa

Isang babae mula sa California ang sumulat sa akin tungkol sa pagbuo ng kanyang buhay may-asawa. Ang mga bagay naging maayos at maganda at siya at ako ay umaasa na ang kanyang buhay may-asawa ay mabilis na mabubuo. Subalit, isang araw, kanyang narinig mula sa isang kaibigan na ang kanyang asawa ay pinakasalan ang ibang babae. Lubhang nasaktan, sumulat siya sa akin, “Ano na ngayon?”

Ibinahagi ko sa kanya kung anuman ang inyong nabasa sa kabanatang ito tungkol sa pagpapakasal muli. Sumagot siya sa akin at nagpasalamat. Ang sabi niya nang siya ay nakuntento sa malinaw na kalooban ng Diyos sa kanyang buhay, at binitawan niya ang kanyang kagustuhan para sa kalooban ng Diyos, siya ay naging mapayapa at kuntentong mamuhay mag-isa, at di kailanman magpakasal muli (siya ay nasa trenta anyos lamang).

Sa loob ng isang taon, siya ay sumulat muli na ang kanyang dating asawa ay tinawagan siya. Sinabi nito na kanyang natanto na nagawa niya ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay niya! Siya ay nakipaghiwalay na sa kanyang bagong asawa at inaayos na ang diborsyo. Gusto nitong malaman kung papayag siyang makipagkitang muli o papayag lamang ba siya kung ito ay diborsyado na. Sinabi nito na kanyang intensyon na pakasalan siyang muli, kung papayag siya!

Aking nang ibinahagi maraming mga babae ang prinsipyo ng LUBOS na pagpapalaya sa isang asawa na nagpakasal muli. Lahat sila ay sinuway ang payong ito, bukod sa ISANG babaeng ito na ngayon ay nabuo na ang buhay may-asawa! Itong ISANG babae na hindi kailanman narinig ang tungkol sa Covenant Keepers o covenant marriages, ang salitang nagmula sa isang Kasulatan sa Malakias.

Sa ating ministro, wala kailanman pa kaming nakitang isang lalaki o isang babae na bumalik pagkatapos ng magpakasal muli, puwera sa ISANG ito lamang. Ngunit, muli, nais kong ipagdiinan na tanging ang babaeng ito lamang ang sumunod sa payo ayon sa Kasulatan.

Mula nang napag-isa, ang kanyang dating asawa ay naramdaman ang buong impact ng kanyang maling desisyon na pakasalan ang ibang babae. Hindi na niya nakita o nakarinig mula sa kanyang dating asawa noong panahon na iyon, kinailangan niya pang hagilapin ito upang matagpuan (wala silang anak). Sinasabi ko ito sa mga taong natatakot na magpalaya, dahil sa takot na ang Diyos ay hindi kayang ibalik ang isang tao.

Iyong ipanalangin at subukang maging miyembro ng aming Restoration Fellowship upang tulungan kang makita ang IYONG buhay may-asawa tungo sa restorasyon. Makikita mo ang maraming kabutihan ng pagiging miyembro sa aming website.