Kabanata 12 "Ang Bunga ng Sinapupunan"
âNarito, ang mga anak ay pamanang sa Panginoon nagmula,
ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala.â
Mga Awit 127:3
Habang nagmamatyag tayo sa ating lipunan at nakikita ang pagpapalaglag, pang-aabuso sa mga kabataan at pakikipagtalik sa mga kamag-anak, tayo ay nagtataka kung kalian nagsimulang mamuhi ang ating bansa sa mga bata. Sinasabi ng Banal na Kasulatan sa atin na mayroong dalawang pundasyon, ang isa ay naitayo sa bato at isa sa buhanginan. Mga kababaihan, tayo ay nasa buhanginan at lubusang nawasak. (Mateo 7:27)
Mapalad ang mga baog. Ipinahiwatig ni Hesus na darating ang panahong mas aba kaysa sa Kanyang pagkapako. Ang panahong ito ay ngayon! Noong ang mga babaeng Hudyo ay nagluluksa at nagdadalamhati sa para kay Hesus, humarap sa kanila si Jesus at sinabi, âMga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan, kundi iyakan ninyo ang inyong mga sarili at ang inyong mga anak. Sapagkat narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, âMapapalad ang mga baog, at ang mga tiyan na kailanma'y hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailanman ay hindi nagpasuso! â â Lucas 23:28-29. Ilang ulit na ninyong narinig sa isang babae na sinasabi sa kapwa niyang babae na buntis na, âMas mabuting ikaw kaysa ako!â ? Ilang ulit na ninyong narinig sa isang babae na may maliliit na anak (kahit pa mga Kristiyanong kababaihan) ang nagsabing, âHindi na! Hindi na ako mag-aanak pa ng marami!â?
At silaây binasbasan ng Diyos. Hinaharap ni Hesus ang pinakamababang punto sa Kaniyang buhay, ngunit sinabi Niyang darating ang panahon na mas malala! Kapag nakita moa ng mga kilusang peminista at ang kanilang pagsulong ng katomboyan at ang pagbabawas o pagtatanggal ng mga bata, makikita mong naroon tayo sa simula ng panahong sinasabi ni Hesus. Ikaw ba ay nagluluksa at nagdadalamhati katulad ng sinabi ni Hesus na gagawin dapat ng mga anak na babae ng Herusalem? O ikaw ay naniniwala sa panlilinlang? âAt sila'y binasbasan ng Diyos, âKayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa.' â Genesis 1:22.
âBakit tinatawag ninyo akong, âPanginoon? Paano nagsimula ang kilusan laban sa âtutol sa pag-aanakâ? nagsimula ito 30 taon na ang nakaraan noong nagaing possible ang pag control sa panganganak at tayo ay nagsimulang gumuho simula noon. Sinasabi ng Pagkontrol sa panganganak na:
Ayaw ko pang magka-anak.
Ayaw ko ng maraming anakâ isa, dalawa, tatlo, o kahit apat pa, ngunit hindi hihigit dito!
Ayaw kong masyadong malapit ang kanilang agwat.
Kapag, sinabi kong kapag, gusto ko pa magkaanak gusto ko sila kung kailan ko sila gusto, gaano kadalas ko gusto, at gaano karami o gaano kakonti ang gusto ko. Wala na sa kontrol ang Diyos:Ako na! alam ko kung anong makabubuti para sa akin at kung ano lang ang kaya ko. Ako ang pumipili ng sarili kong tadhana, Panginoon!
âBakit tinatawag ninyo akong, âPanginoon, ngunit hindi ninyo ginagawa ang sinasabi ko?â Lucas 6:46.
Magpakarami kayo. Para maging Panginoon ng iyong buhay si Hesus, kailangan mong sundin ang Kaniyang mga turo at prinsipyo. âSila'y binasbasan ng Diyos at sa kanila'y sinabi ng Diyos, 'Kayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami, punuin ninyo ang lupa at supilin ninyo ito. Magkaroon kayo ng pamamahala sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawat bagay na may buhay na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.' â Genesis 1:28.
Malibang ang Panginoon ang magtayo ng bahay. Tayo ay dapat magnais na magkaroon ng marami o kaunting anak na tingin ng Diyos na nararapat. âMalibang ang Panginoon ang magtayo ng bahay, ang mga nagtatayo nito ay walang kabuluhang nagpapagod.â Mga Awit 127:1. Hayaan siyang buuin ang iyong pamilya, sa pamamagitan ng isang pagbubuntis sa bawat pagkakataon.
Ngunit dahil ikaw ay maligamgam. Sa oras na pahintulutan ng mga Kristiyano ang mga âabong lugar: na nagsisimula sa natural na pagpaplano ng pamilya, mas madali ng mapunta sa mas madilim na abo, ang tabletas at ang IUD. [this is a medical term which we have no translation in tagalog] âNgunit dahil ikaw ay maligamgam, hindi  mainit ni malamig, isusuka kita!â Pahayag 3:16. Papaanong tayong namumuhi sa pagpapalaglag (at maaring nagtatrabaho pa sa kilusan na nagsusulong ng Buhay) ay maghikayat sa isang babae na nag-iisip na magpalaglag na ang kaniyang dinadala ay isang biyaya, kung tayo mismo ay tumatanggi sa biyayang ito sa ating sarili?
Upang silaây dumami. Sa aklat ni Mary Pride na The Way Home, sinabi niyang: âAng pagpaplano ng pamilya ay ang âina ng pagpapalaglag.' Sa oras na tignan ng mag-asawa ang mga anak na 'mga nilalang na kanilang nilikha,' lahat ng paggalang sa buhay ng isang tao ay nawawala na. Ang mga bata ay regalo ng Diyos na may kababaang loob nating tinatanggap ay isang bagay: ang mga bata bilang ating nilikha galling sa ating paggawa ay ibang bagay din. Maari mong gawin ang kahit na anong iyong nais sa gawa ng iyong mga kamay. Kung kayaât nagkakaroon pagpapalaglag, pakikipagtalik sa mga anak, pang-aabuso ng mga kabataan. âIlabas mong kasama mo ang bawat isa na may buhay: ang mga ibon, at ang mga hayop, ang bawat gumagapang sa ibabaw ng lupa upang sila'y dumami sa ibabaw ng lupa, at magkaroon ng mga anak at dumami sa ibabaw ng lupa.â Genesis 8:17.
Magpakadami sa ibabaw ng lupa. Sinabi ng Diyos na âMagpakarami ang lahat ng bagay at punuin ang daigdigâ sa Genesis 1:22, , Genesis 1:28, Genesis 8:17, Genesis 9:1, Genesis 9:7, Genesis 35:11, Genesis 48:4, Levitico 26:9, Deuteronomio 7:13, Deuteronomio 8:1, Deuteronomio 30:16, Jeremias 30:19, Jeremias 33:22 at Hebreo 6:14. Sinabi Niya sa atin ng 14 beses!!
âAt kayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami; magbunga kayo nang sagana sa lupa at magpakarami kayo roon.â Genesis 9:7.
âAt sinabi ng Diyos sa kanya, âAko ang Diyos na Makapangyarihan[a] sa lahat. Ikaw ay lumago at magpakarami; isang bansa at maraming mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay magmumula sa iyo.â Genesis 35:11.
âPagkatapos ay titipunin ko mismo ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. Ibabalik ko sila sa kanilang mga kulungan at sila'y magiging mabunga at darami.â Jeremias 23:3.
Punuin ang lupa. Ngunit hindi pa ba natin napupuno ang daigidig? Lagi nating naririnig ngayon ang kinatatakutang âproblema sa sobrang populasyon,â ngunit dalawang dalubhasa ang magbibigay sa atin ng magkaibang larawan:
âMaaari nating ilagay ang buong populasyon sa estado ng texas at bawat lalaki, babae at bata ay mabibigyan ng 2,000 talampakang parisukat [ang normal na tahanan ay nasa pagitan ng 1,400 hanggang sa 1,800 talampakang parisukat] at ang naiwang bahagi ng mundo ay mamamatiling walang laman.â The Way Home ni Mary Pride. Pahina 62.
âAng bawat tao sa mundo ay maaaring tumayo, nang hindi nahahawakan ang isaât-isa, sa loob ng hangganan ng lunsod ng Jacksonville, Florida.â Institute of Basic Life Principles (IBLP) Publications ni Bill Gothard.
Punuin ang lupa. Ang Katotohanan ay tayo ay isang namamatay na bayan! Ito ay nangangahulugang hindi natin pinapalitan an gating sarili. Ang isa sa mga âbungaâ ng ating hindi pagsunod ay alam natin ngayon na ang Seguridad Panlipunan na nakalaan para sa atin ay hindi na. Hindi na sapat ang mga batang magtatrabaho sa atin para suportahan ang ating pondo sa ating pagtanda. âBinasbasan ng Diyos si Noe at ang kanyang mga anak at sa kanila'y sinabi, âKayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami, at inyong punuin ang lupa.â â Genesis 9:1.
Pamanang sa Panginoon nagmula. Ngunit ako ay natatakot na kapag hinayaan ko ang Diyos na magkontrol ay bibigyan Niya ako ng 20 anak! Tayo ba ay talagang naniniwala sa sinasabi ng Bibliya? âNarito, ang mga anak ay pamanang sa Panginoon nagmula, ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala.â Mga Awit 127:3. Tayong mga Kristyano ay mapili sa mga biyayang ating tatanggapin. Bigyan mo kami ng maraming sasakyan, mas malaking bahay at mas mataas na posisyon sa aming trabaho at mga sobrang responsibilidad, pagsubok at trabahong kasama nito. Ngunit âutang na loob,â huwag mo kaming bigyan ng mas maraming anak! Sinabi ng Diyos ang biyaya ang mga bata, hindi sumpa! Tayo ay nilinlang ng mga peminista sa sa makamundong opinion! Bilang Kristiyano, sino ang pipiliin mong paniwalaan, ang Diyos o ang mga peminista?
Nagbubukas ng kaniyang sinapupunan. Ipinakita sa mga istatistika na sa mga bansang maunlad, ang pangkaraniwang babae na walang pagkontrol sa pagbubuntis ay magkakaroon ng lima o anim na anak, hindi dalawampu. Tignan ang Bibliya. Si Noa ay mayroong tatlo, si Sara ay isa, at si Rebeka at Raquel ay mayroon lamang dalawa. Mga kababaihan, ito ay bago pa ang pagkontrol sa pagbubuntis. Ang malalaking pamilya ay pagbubukod sa Bibliya, at kadalasan ang mas pinagpapala.
Si Lea ay mayroong anim na anak at si Raquel naman ay mayroong dalawang anak na lalaki. âNang makita ng Panginoon na si Lea ay kinapootan, binuksan niya ang kanyang bahay-bata; subalit si Raquel ay baog.â Genesis 29:31. âInalala ng Diyos si Raquel, at pinakinggan siya at binuksan ang kanyang bahay-bata.â Genesis 30:22. Ibinibigay ng Diyos ang eksaktong dami ng anak na nais Niyang ibigay sa bawat isang babae. Ipinagkakaloob Niya ito sa tamang pagkakasunod sunod at sa perpektong oras ng Diyos. Sa iyong pagnanais na kontrolin ang iyong pagkamayabong, ikaw ba ay nawalan ng biyaya? âAt sinabi ng Diyos sa kanya, âAko ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay lumago at magpakarami; isang bansa at maraming mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay magmumula sa iyo.â Genesis 35:11.
Sinarhan ang lahat ng bahay-bata. Ang Hindi pagkakaroon ng anak ay sumpa o parusa ng Diyos. âSila'y magiging tulad sa bayarang babae, ngunit hindi dadami.â Oseas 4:10. â Sapagkat sinarhan ng Panginoon ang lahat ng bahay-bata sa sambahayan ni Abimelec, dahil kay Sara na asawa ni Abraham.â Genesis 20:18. Ipinakita din sa atin dito na ang Diyos ang nagbubukas at nagsasara ng sinpupunan. âSapagkat sinarhan ng Panginoon ang lahat ng bahay-bataâŚâ Genesis 20:18 âbinuksan niya ang kanyang bahay-bata.â Genesis 29:31.
Pupunan ng Diyos ang lahat ng bawat kailangan ninyo. Ngunit papaano kung hindi na naming kayang punuan ang pangangailangan ng mas maraming bata? Ang lahat ng mayroon tayo ay kakulangan sa pananampalataya. Angkinin ang bersikulong ito: âAt pupunuan ng aking Diyos ang bawat kailangan ninyo ayon sa kanyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.â Filipos 4:19. Kailangan nating tignang muli ang ating mga prayoridad. Ang iba bas a ating mga pangangailangan ay mga âkagustuhanâ lamang? âTayo ang pinakamayamang tao sa kasaysayan, ngunit tayo din ang pinakatakot sa gastos ng pagpapalaki ng bata.â The Way Home, ni Mary Pride, pahina 48. Tayoây maging ââŚhindi maibigin sa salapi.â 1 Timoteo 3:3.
Ang babaing nasa tahanan. Bilang maybahay maaari mong angkinin ang bersikulong ito para sa iyong pamilya. ââŚPinaghatian ang samsam ng mga babaing nasa tahanan!â Mga Awit 68:12. Karamihan sa atin dahil tayo ay nasa tahanan, ang namimili sa mga tiyanggian at ukay-ukay. At, karamihan sa may malaking pamilya ang nagbahaging ang mga babaeng piniling limitahan ang kanilang pamilya ang nagbigay sa kanila ng mga sisidlan at kahon na puno ng mga mamahaling damit.
Masiyahan na tayo sa mga ito. Karamihan sa iyong gustong ibigay sa iyong anak ay mga bagay na kinalaunang makakasira sa kanila at magdudulot ng kapahamakan. Hindi ng aba ang mga batang âmayroon ng lahatâ â mga laruan, damit at kanilang sariling kwarto - ang pinaka laki sa layaw, walang utang na loob at miserable? Hindi baa ng mga batang ito rin ang magiging mga kabataang malululong sa droga, at kulto, at kadalasang nagtatangka sa sarili nilang buhay? Ito ang sinasabi ng Banal na Kasulatan: âNgunit kung tayo'y may pagkain at damit, masiyahan na tayo sa mga ito. Ngunit ang mga nagnanais yumaman ay nahuhulog sa tukso, at nabibitag sa maraming hangal at nakapipinsalang pagnanasa, na siyang naglulubog sa mga tao sa pagkawasak at kapahamakan.â 1 Timoteo 6:8-9.
Matutong makuntento. Nais mo bang hindi makuntento ang iyong mga anak kapag sila ay nag-asawa na dahil sa minulat mo sila sa napakaraming kayamanan? Hindi ba dapat turuan mo ang iyong mga anak na babae na makuntento upang hindi na sila mapilitang magtrabaho sa labas ng tahanan? Hindi ba dapat ang ating layunin para sa mga anak nating lalaki ay ang maturuan sila ng magandang asal sa trabaho? Hindi baa ng mayaman na lalaki ang tumalikod kay Hesus sapagkat hindi siya makapasok sa kaharian? Naaalala mo ba kung gaano kahirap para sa isang kamelyo na pumasok sa butas ng karayom?
Kaya ito ay hindi dahil sa takot tayong hindi natin kayang maibigay ang mga pangangailangan ng ating mga anak at mga magiging anak sa hinaharap. Tayo ay nalilinlang at gumagawa ng desisyon batay sa pagbibigay ng âkagustuhaâ na magdudulot ng pagkawasak sa kanila. âUmiwas kayo sa pag-ibig sa salapi at kayo'y masiyahan na kung anong mayroon kayoâŚ.â Hebreo 13:5.
Pag-ibig sa salapi. Tila ba ang mga kabataan ngayon ay nagiging pabigat na pinansyal ng dalawang beses kaysa kung ano sila noon. Ang ambag ng mga bata sa pamilya at lipunan ay naantala na ng maraming taon habang sila ay naglalaro at pumapasok sa paaralan. Ang mga nakababatang henerasyon noong unang panahon ay tumtulong sa pagliligpit ng pagkain, pananahi, at pagtatanim sa bukid, o hindi kaya ay nagsisimulang magtrabaho upang makatulong sa gastusin ng pamilya. Sa panahong sila ay dalagita o binatilyo na, sila ay nagkakaroon na ng halaga sa halip na isang pananagutan. Marami tayong kilala na mga nakababatang naninirahan parin sa kanilang mga magulang hanggang sa sila ay umabot sa edad na dalawampu. Ito ay kahit pa nagbayad ang kanilang mga magulang ng malaking halaga upang sila ay makatapos sa kolehiyo. Itanong ninyo sa inyong sarili kung bakit mahalagang ipadala sa kolehiyo ang inyong mga anak; ito ba ay para sa makadiyos na asal? âSapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na ang ilang nagnasa rito ay napalayo sa pananampalataya at tinusok ang kanilang mga sarili ng maraming kalungkutan.â 1 Timoteo 6:10.
Takot. Sa halip na takot sa âpagkakaroon ng anakâ na sinasabi ng mundo sa atin, ating pag-usapan ang takot na hindi nila sinasabi sa atin. Hindi lamang natin pinalalagpas ang mga biyaya, ngunit tayo ay delikadong namumuhay sa pamamagitan ng pagpigil sa biyaya ng Diyos. Tandaan, âHuwag kayong padaya; ang Diyos ay hindi maaaring lokohin, sapagkat ang anumang ihasik ng tao, ay siya rin niyang aanihin.â Galacia 6:7. Bakit ba natin nais na magtanim ng binhi (sa pamamagitan ng pakikipagtalik) at hindi anihin ang bunga ng sinapupunan (isang sanggol)? Sa pagpapalaglag, atin mismong tinatanggal ang bunga sa ugat ng lupain! Mga kababaihan, paano mong naipagkakatiwala sa Panginoon ang iyong kaligtasan, ngunit hindi magtiwala sa Kaniya para sa dami ng anak na dapat mong ipagbuntis? Nagtitiwala tayo sa Kaniya para sa walang hanggan, ngunit hindi natin ipinagkakatiwala sa Kaniya an gating pagkamabunga!
Pararamihin ko ang iyong binhi. Ano ang mga panganib ng pagpipigil sa ating pagkamabunga? âAng Tabletas - ay isang pampapalaglag; inaantala nito ang paligid ng matris (endometrium) at sinisiguro na ang bawat sanggol na mabubuo ay hindi maipupunla ng maayos ang kanyang sarili. Kung kayaât, ang sanggol ay magugutom hanggang sa mamatay ito sa edad na pito hanggang siyam na araw. Ang maliit na sanggol ngayon ay ilalabas sa sinapupunan â biktima ng pagpapalaglag. Ang tabletas din ay nagdudulot ng altapresyon, pamumuo ng dugo, diabetes â samakatuwid ang pagtaas ng diabetes sa mga ina at ang sapilitang pagsusulit ay inirerekomenda na ngayon para sa lahat.â (Impomasyon mula sa ibaât-ibang inilathala ng IBLP) âTunay na pagpapalain kita, at pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit at mga buhangin sa baybayin ng dagat; at makakamit ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kanyang mga kaaway.â Genesis 22:17.
Ang mga nagtatayo nito ay walang kabuluhang nagpapagod. Marami sa atin ang naniniwala sa Natural na Pagpaplano ng Pamilya. Naniwala tayong kung tayo at an gating mga asawa ay ânagplanoâ ng ating pamilya ânaturalâ na nakikipagtulungan tayo sa Diyos. Hindi ba nagpapakaresponsable lamang tayo? Hindi. Sinasabi parin natin na alam natin, higit sa Diyos, kung anong makabubuti para sa ating pamilya. Ang ilan sa atin na piniling magtiwala sa Diyos ay nakaranas ng tunay na kalayaan. Ang pagbibigay ng ganitong responsibilidad sa Diyos ang kumuha ng matinding pasanin sa kanila. âMalibang ang Panginoon ang magtayo ng bahay, ang mga nagtatayo nito ay walang kabuluhang nagpapagodâŚ.â Mga Awit 127:1.
Itinapon ang kaniyang binhi. Ngunit papaano ang pagpipigil sa pagbubuntis na ginagagamit ng mga kalalakihan, iyong mga pananggang pamamaraan? Hindi nakakagulat, sinakop lahat ng Bibliya ito, noong âitinatapon niya sa lupa ang kanyang binhi.â Genesis 38:9. âSubalit yamang nalalaman ni Onan⌠itinatapon niya sa lupa ang kanyang binhi upang huwag niyang mabigyan ng anak ang kanyang kapatid. Ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon, kaya't siya rin ay pinatay niya.â Genesis 38:9-10.
Hindi namumunga Nang magsimua ang mga babaeng paglaruan at maging âDiyosâ ng kanilang pangangatawan sa pamamagitan ng pagdedesisyon kung kalian at paano sila mabubuntis, nagsimula din silang magdesisyon para sa buhay o kamatayan ng sanggol na kanilang dinadala. Kappa nagsimula nating sundin ang kasinungalingang ginagamit ng pabor sa pagpapalaglag: âmagagawa naming ang lahat ng aming nais sa amin katawan,â makikita natin ang mga kahihinatnang ito.
Kabaugan. Napakaraming kababaihan ang hindi mabuntis dahil sa pagkontrol sa pagbubuntis, nakaparaming kapareha, at pagkasirang dulot nga mga dating pagpapalaglag. Ito ay nagdulot ng pagkahumaling sa mga babaeng Amerikana na magkaroon ng anak âsa kahit na anong paraan.â â Nang makita ng Panginoon na si Lea ay kinapootan, binuksan niya ang kanyang bahay-bata; subalit si Raquel ay baog.â Genesis 29:31. Bilang resulta, ngayon ay mayroon tayong:
Pagpapalaglag. Sinabi sa atin na maling payagan ang âhindiâ kagustuhang mga bata na ipanganak. Ngunit ang Katotohanan ay ang mga sanggol na iyon ay talagang ginusto. Ang mahabang panahon ng paghihintay sa mga taong nais mag-ampon ang patunay.
Invitrofertilization. Maraming hindi nakakakita ng mali sa mga sanggol sa test tube para sa mga mag-asawang walang anak. Ngayon tayo ay binalaan na ang karamihan sa mga namungang itlog ay itinatapon sa Petri dish at ipinalalaglag sa sinapupunan. Dahil ang prosesong ito ay napakamahal, ang mga doctor ay nagpapasok ng maraming nagbungang itlog, sa pag-asang ilan dito ay kakapit. Maraming pagkakataon na ang âmaramihang pagbubuntisâ ang nagiging bunga at ang mag-asawa ay namimili kung âano at gaano karamiâ ang maiiwan at sino ang ipalalaglag. Marami rin sa atin ang nakakaalam na may doctor na gumamit ng kaniyang sariling semilya, upang makatipid s oras at pera, at itinatayang nagging ama ng daang mga kabataan sa lugar ng Chicago.
Kahaliling ina. Ito ang mga kababaihang binayaran upang magdala ng anak ng lalaki para sa ibang babae. hindi na ito bago. Si Hagar ang unang at pinakakilalang kahaliling ina. Ang galit na naramdaman ni Sara para sa kaniya at ang patutunguhan ni Ismael at Hagar, at idagdag pa ang mga giyera na nagpatuloy hanggang sa araw na ito, ang nagsasabi sa atin ng resulta ng maksalanang pamamaraan ng pagkakaroon ng anak âsa kahit na anong paraan!â
Libreng prostitusyon. Ang kasinungalingang âmalayang pagmamahalâ ay walang iba kundi ang mga babaeng inilalaki ang kanilang mga sarili. Ngunit ang mga babae din ang nagbigay ng kabayaran. Simula ng mag-umpisa ang kilusang peminista at ang pagtuklas sa tabletas, ang âkaligayahan sa isang gabiâ ay nagging karapatan na natin bilang babae. Ngayon ay mayroon nang kumakalat na sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, AIDS, hindi ginustong pagbubuntis, pagpapalaglag, kabaugan, mental at emosyonal na kahihiyan, mataas na antas ng pagpapakamatay (lalo sa mga kabataan) at mababang pagtingin sa sarili. Ito ang ilan sa mga bunga ng kalayaan mula sa pagsunod sa batas ng Diyos.
Kabaklaan. Ngayon alam kong kayo ay nagtataka kung paanong ang pagpigil sa pagbubuntis at isterilisasyon ang naghikayat at nagpakalat ng kabaklaan. âDahil dito'y hinayaan sila ng Diyos sa mga mahahalay na pagnanasa. Ipinagpalit ng kanilang mga babae ang likas na pakikipagtalik sa di-likas. Â At gayundin naman ang mga lalaki, nang iwan ang likas na pakikipagtalik sa mga babae, ay nag-alab sa kanilang pagnanasa sa isa't isa. Gumagawa ng kahalayan ang mga lalaki sa mga kapwa lalaki, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kaparusahan ng kanilang pagkakamali.â Roma 1:26-27. Nakita natin ang ilan sa âkaparusahanâ ng kanilang pagkakamali. Ang Aids ay kumakalat na, lalo sa mga bakla. Kapag kinamuhian ng mga kababaihan ang mga bata at itinigil ang pagdadalang tao ng kanilang sinapupunan at kusang loob na nagpapatali na, hindi ito natural! Ang paniniwala ng mga bakla (o mga taong inalis ang posibleng bunga ng pagtatalik ng lalaki at babae) ang maliwanag na mensae na ang pisikal na pakikipagtalik ay para lamang sa kasiyahan at hindi sa dahilan ng pagkakaroon ng anak mula sa binhi ng lalaki.
Ating pagsamahin ang sinasabi ng Diyos sa atin sa Kaniyang Salita, dahil âAng lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiranâŚ.â 2 Timoteo 3:16:
Ang anak ay basbas. (Genesis 1:22, Genesis 1:28)
Ang ating mga anak ay gantimpala. (Mga Awit 127:3)
Ang Diyos ang nagbubukas at nagsasara ng bahay-bata. (Genesis 20:18, Genesis 29:31)
Inutos ng Diyos na tayo ay magparami at punuin ang mundo. (Genesis 1:22, Genesis 1:28, Genesis 8:17, Genesis 9:1, Genesis 48:4, Levitico 26:9, Deuteronomio 7:13, Deuteronomio 8:1, Deuteronomio 30:16, Jeremias 30:19, Jeremias 33:22 at Hebreo 6:14.)
Hindi puno ang mundo: hindi tayo sobra sa populasyon.
Hindi natin dapat ibigay ang gusto ng ating mga anak o ito ang magdudulot ng kanilang pagkasira.
Ang Diyos ang magpupuno ng bawat kailangan natin; hindi tayo dapat mag-alala. (Filipos 4:19)
Hindi lahat ay mababasbasan ng malaking pamilya; ang iba ay magkakaroon lamang ng isa o dalawang anak ng hindi âtinutulungan ang Diyosâ sa pamamagitan ng pagpipigil sa pagbubuntis o pagsasailalim sa operasyong hindi na magkaanak.
Sa paggamit ng kahit na anong uri ng pagpigil sa pagbubuntis pagsasailalim sa operasyong hindi na magkaanak, tayo ay nagpapatupad ng sumpa o kaparusahan sa ating sarili katulad ng ginawa ng Diyos sa Bibliya. (Genesis 38:9-10)
Hindi natin talagang masasabi na tayo ay Makabuhay kung gumagamit tayo ng pagpipigil sa pagbubuntis dahil ito ang pundasyon ng pagpapalaglag.
Maligaya ang lalaki na ang kanyang lalagyan ng pana ay punĂ´ ng mga iyon. Ano ang iyong gagawin kung nais mo ng mas maraming anak ngunit ayaw ng iyong asawa? Una, kailangan mong magdasal at magsisi sa kahit na anong nagawa mo na naghikayat sa kanyang talikuran ang pagnanais na maging âmaligayaâ dahil, âGaya ng mga palaso sa kamay ng mandirigma, ay ang mga anak sa panahon ng pagkabata, Maligaya ang lalaki na ang kanyang lalagyan ng pana ay punĂ´ ng mga iyonâŚ.â Mga Awit 127:5. Ikaw ba ay bumubulong bulong at nagrereklamo sa dami ng âtrabahongâ mula sa mga batang ibinigay ng Diyos sa iyo? âGawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang pabulong-bulong at pagtatalo.â Filipos 2:14. Kapag dumating ang iyong asawa sa bahay mula sa trabaho, ginagawa mo ba siyang âkatulong,â at umaasa kang tulungan ka sa loob ng bahay? âAt sinabi ng Panginoong Diyos, âHindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa; siya'y igagawa ko ng isang katuwang na nababagay sa kanyaâ â Genesis 2:18. Ang iyong mga anak ba ay maaliwalas kasama o sila ay magugulo at hindi magalang? Sila baa ng nasusunod sa bahay at sa iyo? âAng batang pinababayaan, sa kanyang ina ay nagbibigay-kahihiyan.â Mga Kawikaan 29:15. (Huwag palagpasin ang Aralin 14, âMga Turo ng Iyong Ina.â)
Puso ng iyong asawa sa iyong mga anak. Ipanalangin mo ang tatlong Banal na Kasulatang ito: (1) Hingiin sa Panginoong kausapin ang puso ng iyong asawa tungkol sa kalagayan ng magiging anak ninyo sa hinaharap.âNarito, ang mga anak ay pamanang sa Panginoon nagmula, ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala.â Mga Awit 127:3. (2) Hingiin sa Diyos na ipanumbalik ang puso ng iyong asawa sa iyong mga anak at sa mga magiging anak pa sa hinaharap. âKanyang ibabaling ang puso ng mga magulang sa kanilang mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; upang hindi ako dumating at saktan ang lupain ng isang sumpa.â Malakias 4:6. (3) Hingiin sa Panginoong ibaling ang puso ng iyong asawa. âAng puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang batis ng tubig; ibinabaling niya ito saanman niya ibig.â Mga Kawikaan 21:1. Kung pinipilit ng iyong asawang uminom ka ng tabletas o mag-abang ng senyales kung kailan ka magbubunga, huwag labanan ang kaniyang kapangyarihan; manalangin lamang. Magtiwalang ang Diyos ang gagabay sa kaniya. Ang iyong asawa ang mananatiling responsible, hindi ikaw. Ang responsibilidad mo ay sumunod sa kapangyarihang inilagay ng Diyos sa ibabaw mo, at ito ay ang iyong asawa. âSubalit kung paanong ang iglesya ay napapasakop kay Cristo, gayundin ang mga asawang babae sa kanilang mga asawa sa lahat ng mga bagay.â Efeso 5:24.
Ano ang iyong gagawin kung nagpatali ang iyong asawa o ikaw? Maraming mag-asawa ang umamin sa aking na sila ay nabibigatan kung kaya sila ay nakagawa ng napakalaki at nakapagbabago ng buhay na pagkakamali na magpatali na. Ang iba ay nakagawa ng paraan upang maibalik sa dati ang pagpapatali nila. Maaari kang makatuklas kung paano maitatama ang pagkakamaling ito sa pagsangguni kay Dr. Pohl sa Houston, Texas na dalubhasa sa microsurgical na pagbabaligtad ng pagkatali, na nakagawa na ng 1,800 na operasyon at mayroong garantiya na balik pera! Ang kanyang numero ay 1-713-Reverse. O dumalaw sa kanyang website na nagbibigay kaalaman na vasectomyreversal.com. Ang doktor na nasa itaas laman, sie Dr. Rawson naman ay nagbabaligtad ng pagkatali ng mga babae. Ang kanyang numero ay 1-281-363-4445 at ang kanyang website ay fertility.com. Bago mo isantabi ang mga solusyong ito dahil sa kamahalang kaakibat, magdasal na ipaubaya ng Diyos ang pera. Siya ang Diyos ng imposible ang Diyos ng pangalawang pagkakataon!
Binibihag ang bawat pag-iisip. Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nagpasyang maglimita o maglagay ng puwang ang iyong pag-aanak? Tignan ang iyong motibo at mga takot. Ang iyong motibo ba ay ang pagiging makasarili, na nagnanais ng mas maraming bagay na material o mas maraming âorasâ para sa iyong sarili? Kung ikaw ay nabihag ng kasinungalingang ito, tandaan ang Banal na Kasulatang ito: âSubalit hindi gayon sa inyo, ngunit ang sinumang ibig na maging dakila sa inyo ay kailangang maging lingkod ninyo; at ang sinumang nais na maging una ay kailangang maging alipin ng lahat.â Marcos 10:43-33. Tiyak na ang ina, lalo na ng maraming bata, ay nasa posisyon ng pagsisilbi. Sinasabi ng Diyos sa atin na tayo ay dakila! Ang pagiging alipin ay ang mensaheng sinabi at isinabuhay ni Hesus noong Siya ay naglakad sa mundo, ang Kaniyang mensaheng madalas na kinakalimutan ngayon. Pabagsakin ang maling pangangatuwiran.âAming ginigiba ang mga pangangatuwiran at bawat palalong hadlang laban sa karunungan ng Diyos, at binibihag ang bawat pag-iisip upang sumunod kay Cristo.â 2 Corinto 10:5.
Ginagawang kalakasan ang laman. Ikaw ba ay nalulula sa mga anak na mayroon ka? Una, tignan kung sumusunod ka ba sa karunungan ng Diyos sa Mga Kawikaan tungkol sa pagtuturo sa mga anak. (Tignan ang Aralin 14, âMga Turo ng Iyong Ina,â at ang librong Manggagawa sa Tahanan dahil ang âang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman; sapagkat itinakuwil mo ang kaalamanâŚâ Oseas 4:6.) huwag umasa sa mga Kristiyano o sekular na eksperto sa mga bata o mga manunulat; magtungo sa May-akda at Maylikha ng iyong mga anak para sa mga kasagutan. âMapalad ang tao na nagtitiwala sa Panginoon, at ang pag-asa ay ang Panginoon.â Jeremias 17:7. âSumpain ang tao na nagtitiwala sa tao, at ginagawang kalakasan ang laman,âŚâ Jeremias 17.5. Tignan kung ang lahat ba ng iyong ginagawa para sa iyong mga anak (lahat ng âsobrangâ gawain) ay may walang hanggang halaga. âItigilâ pansamantala ang mga bagay na hindi makakatulong. Si Satanas ang papagod sa iyo at magdudulot ng iyong pagkatalo upang makuha niya ang kaniyang layuning âpigilan ang mas maraming Kristiyanong maipanganak!â
Ang takot sa tao ay naglalatag ng bitag. Ito ba ay takot sa panganganak? Magsimulang tignan ang mga desisyon mo sa panganganak upang makakita ng paraan na mas madalas na sumusunod sa kalooban ng Diyos tungkol sa panganganak. Magkaroon ng pananampalataya sa Kaniya at kung paano Niya nilikha ang iyong perpektong pangangatawan, ang katawang magdadala ng sanggol sa loob ng iyong sinapupunan. Sasabihin ba Niya sa iyong âmag-isa ka lamangâ kapag dumating na ang oras ng iyong panganganak, o kahit ang pagpapasuso sa batang ito? Nagkulang ba Siya kung paano ka Niya nilikha, kahit na nilikha Niya ang perpektong sanggol na ito sa pamamagitan mo? âAng takot sa tao ay naglalatag ng bitag, ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay maliligtas.â Mga Kawikaan 29:25.
Mayroong kamangha-mangha at MAKAPANGYARIHANG librong nabasa ko na nais kong irekomenda sa lahat ng babae na basahin at paniwalaan â ang Supernatural Childbirth ni Jackie Mize! Isang ina ng 6 (na mayroong naipanumbalik na kasal at may asawang doktor) ang nagsabi sa akin ng tungkol dito. Sinabi niyang ang unang tatlo niyang anak ay karaniwan niyang inilabas ngunit ang huling tatlo ay hindi pangkaraniwang WALANG SAKIT!! Ako ay umorder ng librong ito at talagang namangha. Gagamitin ko ang prinsipyong ito at ang mga Banal na Kasulatan sa paghahanda sa tatlong anak kong babae para sa pagdadalantao nila sa hinaharap (at ako din kung plano ng Panginon na magkaroon pa kami ng madami!). Maaari kayong magbasa ng mga testimonya sa Amazon.com, ngunit ang testimonya ng aking kaibigan at pagkatapos mabasa ang aklat, ako ay talagang kumbinsidong hindi lang ito possible, ngunit ito ang plano ng Diyos para sa Kaniya!
Ang aking bayan ay nawawasak . âAng aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman.â Oseas 4:6. Anong kaalaman ang makukuha sa pagkakakita ng napakaraming nasira at nagkakagulong pagsasama? Ang kakulangan sa pagsunod o pagkakaroon ng rebeldeng espiritu ang siyang sisira sa iyong kasal at hahadlang sa pagtanggap mo ng proteksyon. Kung ninais ng iyong asawa na magkaanak pa o kung ayaw nya, sumunod sa kaniya. âMga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa.â Efeso 5:22, Colosas 3:18, 1 Pedro 3:1 (Tignan ang Ika-8 aralin, âMga babae, Magpasakop,â dahil âAng aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalamanâŚ.â Oseas 4:6.)
Masipag sa gawaing bahay.  Kapag ikaw ay nagtrabaho sa labas ng bahay, ang mga anak na mayroon ka, at mga magiging anak sa hinaharap, ay magiging pabigat sa halip na biyaya, dahil ang karamihan sa iyong kikitain ay mapupunta sa nag-aalaga sa mga bata. May isang babaeng inupuan at inalam ang kanyang kinikita mula sa pagtatrabaho ng buo. Nasumpungan niyang mayroon lamang natitirang $1.00 kada isang oras pagkatapos niyang bayaran ang nag-aalaga sa kanyang tatlong anak. Ang pag-iwan sa iyong mga anak ay kadalasang parte ng plano ni Satanas ng paghihiwalay at pananakop. Kailangang patuloy kang manalangin na manatili sa inyong tahanan. Dahil sa napakaraming babae ang nagtatrabaho sa labas ng kanilang tahanan, ang ating tahanan ay naiiwang walang laman at gumuguho. âMaging matino, dalisay, masipag sa gawaing bahayâŚ.â Tito 2:5. (Tignan ang Aralin 13, âAng Pamamaraan ng Kaniyang Tahanan,â dahil âAng aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalamanâŚ.â Oseas 4:6.)
Ililigtas ang babae sa pamamagitan ng panganganak. May pangako ang Diyos para sa mga nagtitiwala sa Diyos sa kanilang pag-aanak. âNgunit ililigtas ang babae sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y mananatiling may kaayusan sa pananampalataya, pag-ibig at sa kabanalan.â 1 Timoteo 2:15. Eto ang ilan sa mga halimbawa:
Ang dalawa sa pinakapalaaway na babaeng kilala ko ay ina ng malaking pamilya at nabiyayaan ng matatapat na asawa. Ang kanilang pagsasama ay ânapanatili.â
Mayroon kaming nakilalang mga babaeng nagbahaging kung paano, ng dahil sa pagbubuntis o maliit na sanggol, ay ânailigtasâ mula sa mga mahihirap na sitwasyon. Sila ay ânapanatiliâ mula sa kahirapan sa labas.
Ang isang babae ay nailigtas sa medikal na kalagayan dahil sa tuwing nais ng kaniyang doktor na gumawa ng prosesong medical na sadyang delikado, siya ay nagdadalantao. Siya ay ânapanatilingâ pisikal.
Isang babae ang nagsabing ang kanyang mga byenan ay patuloy na pinahihirapan ang kanyang mister na pabalikin siya sa pagtatrabaho at magkaroon ng sariling sahod. Nang maipanganak ang kanyang ikaapat na anak ay tumingin ang kanyang asawa ng mga mangangalaga sa mga bata at nasumpungang mas mawawalan sila ng pera kapag nagtrabaho ang kanyang asawa. Huminto sa pamimilit ang kanyang mga magulang. Siya ay ânapanatiliâ at nanatili sa kaniyang tahanan.
Sa Pagwawakas
Sino ang kaaway? sa huli, itoy si Satanas.Ito ang nasa likod ng mga kasalanan, at ang mga nakikinig sa kanyang kasinungalingan ay kanyang mga alipin. Marami siyang tagapagsalita; sa pagkakataong itoy tinatawag na peminista. Ang kanilang layunin ay ang pigilan ang pamamaraan ng Diyos upang magkaroon at magdala ng bata ang mga kababaihan. Ang NOW na organisasyon ay literal na galit sa mga kalalakihan at bumaling sa mga kababaihan para maging kanilang kaagapay at sa gobyerno para sa kanilang proteksyon. Ito ang mga kababaihang iyong tintularan kapag ikaw ay sumusuway na pasanin at sundin ang kautusang â Kayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami.â Itong mga kababaihang ito ang hindi makakakilala o nais makakilala ng isang lalaki, nagkumbinsi sa mga taong âpumatay o pumaslangâ ng kanilang sariling mga anak bilang sakripisyo sa âsarilingâ Diyos na peminista. Naway patawarin tayo ng Diyos sa pakikinig at pagsang-ayon sa kanilang kasinugalingan, âat ama ng kasinungalingan,â ang ama ng kasinungalingan. (Juan 8:44)
Gayon ay sundin Siya. Kung pinili mong sundin ang paniniwala ng mundo, pinili mo ding sundin ang maging alipin ni Satanas. Kung sinabi mong naniniwala ka sa Diyos, gayon ay sundin Siya! âBakit tinatawag ninyo akong, âPanginoon, Panginoon,â ngunit hindi ninyo ginagawa ang sinasabi ko?â Lucas 6:46. Ikaw ba ay nagpasyang hilingin sa Panginoon ang Kanyang kaligtasan, ngunit hindi talaga Siya ang Panginoon at iyong Amo? Kung Siya ang iyong Panginoon, ipakita mo sa iyong kilos. Kung ang sanggol ay biyaya, ipakita ito at pagtiwalaan ang Diyos tungkol sa iyong pagiging mabunga!
Nawaây Pagpalain ka ng Diyos!
Ang asawa mo'y magiging gaya ng mabungang puno ng ubas
sa loob ng iyong tahanan;
ang mga anak mo'y magiging gaya ng mga puno ng olibo
sa palibot ng iyong hapag-kainan.
Mga Awit 128:3.
Personal na Pangako: Ang magtiwala sa Diyos para sa lahat ng bahagi ng aking buhay, kasama ang pagdadalantao ng mga anak. âMula sa aking natutunan sa mga Salita ng Diyos at pagmamasid sa bunga ng pagsuway ng henerasyong ito, ako ay nagangako at isusuko ang aking katawan sa aking Panginoon. Kung ako ay lagpas na sa edad ng pagdadalang tao, ako ay nangangakong ipapakalat ang Katotohanan at pag-amin sa aking mga pagkakamali sa iba upang mawalan sila ng ganang gawin ang mga pagkakamali g nagawa ko.â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.