Kabanata 5 "Nanalo ng Walang Salita"
“Gayon din naman, kayong mga asawang babae,
pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa;
upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita,
ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan
ng ugali ng kanikaniyang asawang babae…”
1 Pedro 3:1.
Marami sa atin ang humarap sa problemang ang ating mga asawang lalaki ay hayagan o palihim na nagiging masuwayin sa Salita ng Diyos. Hindi lang ito nakakapag alalala kundi nakakabigo. Ito ay totoo lalo na kung sinubukan mong magdahilan o ibahagi ang iyong saloobin para sa kaniyang kapakanan at sa kapakanan ng iyong pamilya. Gayunpaman, sa araling ito ay matutunan mo, mula sa mga Banal na Kasulatan, na lahat ng nais mong sabihin sa iyong asawa ay sa Diyos mo dapat sinabi.
Sa araling ito ay matututunan natin mula sa Salita ng Diyos (at sa maraming “bunga” ng ating mga gawa) na dahil ang ating mga asawang lalaki ang nakakataas sa atin, hindi lang walang silbi ang ating mga salita, kundi may potensyal na maging delikado. Sinabi sa atin sa Salita ng Diyos na ipanalo ang ating mga asawa ng walang salita at sa ugali ng pagiging magalang, kahit ano pa man ang kanilang ginagawa.
Hindi ba dapat kausapin ko ang aking asawa tungkol sa aking mga saloobin?
Hingiin sa Diyos na kausapin ang iyong asawa. Ating nabasa na kung ang ating mga asawang lalaki ay hindi sumusunod sa Salita, kailangan tayong sumunod at maging determinado na mapanalunan sila ng walang salita. Ngunit, may iba pa ba tayong pwedeng gawin? Oo, maaari tayong dumiretso sa itaas; maaari tayong pumunta sa Amang Makapangyarihan at umapila sa Kaniya. Hingiin sa Diyos na gawin ng Panginoon (na namumuno sa lahat ng tao) na kausapin ang iyong asawa tungkol sa nilalaman ng iyong puso dahil ito ang pagkakasunod sunod ng pamumuno. “Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.” 1 Corinto 11:3.
Magkaroon ng tamang paguugali. “Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.” Roma 13:1-2.
Ibaling, sa pagdarasal lamang, ang direksiyon ng iyong asawa patungo sa Diyos. Kailangan mong maunawaan na hindi ikaw ang responsible sa ginagawa o hindi ginagawa ng iyong asawa; Siya ang mananagot sa Diyos para sa kaniyang mga ginagawa. “Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa.” Santiago 1:14.
Umalis sa kaniyang daraanan. “Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan…Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng PANGINOON; At sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.” Mga Awit 1:1-2. Umalis sa daraanan ng iyong asawa; hindi ikaw ang namumuno sa kaniya! Ang pangalawang linya ay sinasabi sa atin kung ano ang kailangan nating gawin – magnilay sa Kaniyang Salita. Ipaubaya ang iyong asawa sa Diyos; Ang Diyos ay ang nag Iisang adapat na magpabago sa iyong asawa. Hindi kayang baguhin ng iyong asawa ang kaniyang sarili.
Umalis sa kaniyang likod at magdasal! Maaari kang makatulong na hilumin ang iyong tahanan sa pamamagitan ng iyong dasal: “Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.” Santiago 5:16.
Daigin ang lahat ng kasamaan ng kabutihan. Maging maingat kung paano ka tutugon sa kasamaan tuwing ito ay mangyayari: “Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.” Roma 12:21. Inuulit ko, magaganap ang problema! “…Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.” Santiago 1:3. Kunin ang pagkakataong ito upang magdasal ng biyaya sa iyong asawa. “…Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta; kundi ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.” 1 Pedro 3:9.
Pagtuunan ng pansin ang pagmamahal sa hindi kamahal mahal! Kung mahal at nirerespeto mo ang iyong asawa, kahit hindi siya kamahal mahal at mabait, ikaw ay nagpapakita ng pagmamahal na walang kapantay. “Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?” Mateo 5:46. Ibigay sa Diyos ang iyong mga sakit. Tutulungan ka Niyang mahalin ang iyong asawa.
Ang ministeryo ng pagkakasundo. Bilang mga anak ng Diyos, tayo ay dapat na sugo ng pagmamahal ng Ditos na aaakit sa iba patungo sa Panginoon. “Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo…at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo…na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.” 2 Corinto 5:18-20. Binibilang mo ba ang pagkakasala ng iyong asawa? Tandaan na ang aw ang Diyos ay nagbabago kada umaga.
Ang una nating misyon. Maaari mong itanong sa iyong sarili, “Bakit kailangan kong mag ministeryo sa aking asawa?” Ibinigay sa atin ng Panginoon ang ating mga tahanan upang maging “una nating misyon” bago tayo maging tuluyang epektibo sa iba. Tayo, siyempre, ay gustong mauna sa Diyos bago pa man tayo tuluyang maging handa. Bilang mga nakakabatang kababaihan, tayo ay kailangan magministeryo sa tahanan. Habang lumalaki ang ating mga anak, tayo ay nagiging babaeng may edad. “Na gayon din ang matatandang babae ay…mga guro ng kabutihan; Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon, Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Dios.” Tito 2:3-5.
Gusto ng Diyos na matutunan nating maging masiyahan bago Niya baguhin ang ating mga asawa. Upang patunayan ang punto, maaari nating tignan ang buhay ni Paul: “Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan. Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.” Ipinagpatuloy niya ang pagsasabi ng bersikulong madalas niyong marinig: “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.” Filipos 4:11-13.
Kailangan mong makipaglaban sa tamang paraan. Gawin kung ano ang sinasabi ng Diyos – ito ay gagana! Huwag subukang depensahan ang iyong sarili. “Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.” 1 Pedro 3:8-9.
Ito ay espiritwal na laban. “O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?” Mateo 26:53. Ang ating Amang Makapangyarihan ang tatawag sa mga anghel upang makipaglaban para sa iyo sa “kalangitan” kung saan nagaganap ang “tunay na laban”. “Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.” Efeso 6:12. Ipanalangin ang Mga Awit 91 sa iyong pamilya.
Hindi ang iyong asawa ang kalaban. “Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo'y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?” Roma 6:16. Kung ang tao ay nasa pagkakasala, siya ay alipin lamang ng demonyo. Maaari nating isipin na ang taong nagkakasala ay kakila kilabot, ngunit tayo rin, kung patuloy tayong tutugon ng may paghihiganti. Tandaan, iyon ay para sa Kaniya! “Sapagka't bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman. Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta.” 2 Corinto 10:3-4. Hindi ba mas maganda na hanapin mo ang ugat ng dahilan kaysa harapin ang sintomas ng iyong problema?
Magkaroon ng tiwala. Magkaroon ng tiwala anuman ang kahinatnan at ipaubaya ang resulta sa Diyos. “Narito, ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas; at ililigtas niya kami sa iyong kamay, Oh hari. Nguni't kung hindi, talastasin mo, Oh hari, na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.” Daniel 3:17-18. Ang mga batang lalaki na ito ay naniwala na ililigtas sila ng Diyos; ngunit, sa kabila ng kahihinatnan, pinili nilang sumunod. Kahit pa maaari nilang ikamatay ang apoy, gagawin nila ang alam nilang gusto ng Diyos na gawin nila at pinaubaya ang result asa Diyos. Ang mga batang lalaki ay hindi namatay, ngunit ang mga lubig na nagbubuklod sa kanila ay natanggal sa paglalakad nila sa apoy. Mayroon ka bang mga lubig ng kasalanan o pagaaalala na bumubuklod sa iyo? Ililigtas ka ang Diyos. Ito ay Kaniyang laban! Tawagin ang Diyos – siya ang mandirigma.
Paghahanda sa Giyera sa pamamagitan ng Pagsusuot ng Sandata
Mga lalang ng diablo. “Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.” Efeso 6:10-11. Tandaan kung sino ang tunay na kaaway – Si Satanas, hindi ang iyong asawa.
Ang buong sandata ng Diyos. “Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama.” Efeso 6:12-13. Kailangan mong labanan ang takot na nagdudulot sa iting tumakbo palayo o sumuko; habang nagawa mo na ang lahat, manatiling nakatayo. Ang Mga Awit 37 ay magandang dasalin kung ikaw ay napupuno ng takot.
Manatiling nakatayo. “Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na Katotohanan…” Efeso 6:14. Pinaguusapan ng mga tao ang “paglalakad sa pananampalataya.” Minsan, mas makabubuti na tumigil sa paggalaw at manatiling nakatayo! Ang pagkakaiba ay maaaring sa pagtitiwala at panunukso sa Diyos. Minsan ating nararamdaman na ang ginagawa natin ay ayon sa “paglalakad sa pananampalataya,” ngunit ating tinutulak ang ating mga sarili sa bangin, kagaya ng sinabi ni Satanas kay Hesus na gawin.
Kailangan nating hingiin sa Diyos kung tayo ay kailangang “maglakad” sa pananampalataya o “tumayo” sa pananampalataya. Ang ating mga paniniwala ang maguudyok sa atin na “tumayo” para sa tama. Kung tayo ay gagalaw, maaari tayong malaglag sa bangin. Kung pahihintulutan ng Diyos ang mga kahirapan sa ating buhay, ang ating pagtayo ay ang ating testimonya. Ngunit, kagaya ng makikita mo sa mga susunod na aralin, minsan tayo ay hinihinging lumabas at lumakad sa tubig kagaya ng ipinagawa kay Pedro. Kailangan ng pagkilala rito. Isang indikasyon na maaaring makatulong sa atin na makilala ang direksyon ng Diyos ay ang dami ng pagmamadali. Kadalasan ang ating “laman” ang nagdudulot ng pagmamadali. Ang Diyos, gayunpaman, ay nagsasabing maghintay.
Kaniyang katwiran. “at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran…” Efeso 6:14. Sinasabi ng Diyos ang Kaniyang katwiran, hindi atin. Sinasabi Niya sa Kaniyang Salita na ang ating katwiran ay wala kagaya ng “basahang marumi.” (Isaias 64:6).
Maglakad sa kapayapaan. “At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan….” Efeso 6:15. Sinasabi sa Beatitudes (kilala din bilang “Be- Attitudes”), “Pagpalain ang nagpapanitili ng kapayapaan!” Sa 1 Pedro 3:15, sinabi na, “na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot.” Kailangan nating maghintay hanggang ang “pinto” ay mabuksan at magpatuloy ng may matinding kaamuan at pasensiya sa bawat tao.
Ang kalasag ng pananampalataya. “Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo.” Efeso 6:16. Kailangan mong magkaroon ng pananampalataya, hindi sa iyong sarili, hindi sa ibang tao — pananampalataya sa Diyos, sa Kaniya lamang! Ang mga pangyayari ay walang kinalaman sa iyong pananampalataya. Maniwala sa Kaniyang Salita lamang para sa Katotohanan tungkol sa iyong sitwasyon.
Helmet ng kaligtasan. “Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan…” Efeso 6:17. Kailangan mong maligtas. Ikaw ay dapat na maging isa sa Kaniyang mga anak upang iyong mapagtagumpayan ang mahirap na labang espiritwal. Kasing dali lang ito ng pakikipagusap sa Diyos ngayon mismo. Sabihin mo lamang sa Kaniya sa iyong mga salita na kailangan mo Siya. Hingiin sa Panginoon na maging totoo sa iyo. Ibigay sa Kaniya ang iyong buhay, ang buhay na magulo, at hingin sa Panginoon na gawin itong bago. Sabihin mo sa Kaniya na gagawin mo ano man ang hingiin Niya sa iyo, dahil Siya na ngayon ang iyong Panginoon. Hingiin sa Kaniyang “iligtas ka” sa iyong sitwasyon at sa habambuhay na naghihintay para sa mga hindi tumatanggap ng regalo Niyang buhay na walang hanggan. Magpasalamat sa pagkamatay Niya sa krus, sa Kaniyang dugo na tumagas, at sa kamatayang naranasan Niya para sa iyo. Ngayon ay maaari ka ng maniwala na hindi ka na mabubuhay mag isa; Ang Diyos ay laging kasama mo at ikaw ay mabubuhay ng walang hanggan sa Langit kasama Siya!
Ang Tabak ng Espiritu. “At gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.” Efeso 6:17. Ito mismo ang aming tinuturo. Gamitin ang Kaniyang mga Salita para sa laban na mapapanalunan. Kung ang laban ay nasa Panginoon, ang Tagumpay ay sa atin! Isulat sa 3x5 cards ang mga Banal na Kasulatan na iyong kakailanganin upang makatulong sa iyong laban. Itago at lagi itong dalhin sa iyong pitaka. Kung ikaw ay makakaramdam ng pag atake, kagaya ng takot o tukso na kausapin ang iyong asawa kung ikaw ay inuutusan na manatiling tahimik, maaari mong basahin ang mga bersikulong ito na tumatalakay sa iyong mabigat na suliranin. Umiyak sa Diyos. Manatiling nakatayo sa pananampalataya. “Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; Tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.” Mga Awit 37:5.
Manalangin sa lahat ng oras. “Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin.” Efeso 6:18. Manalangin mula sa kailaliman ng iyong espiritu. Magkaroon ng mga oras ng panalangin, tatlong beses sa isang araw (kagaya ng ginawa ni Daniel). Iyon ay isa sa mga dahilan kung bakit siya ipinatapon sa kulungan ng leon. At huwag kang mag alala kung ikaw “sa kakanyahan” ay ipatapon sa kulungan ng leon; Isasara ng Diyos ang bibig ng mga leon!
Maging laging handa. “At daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal.” Efeso 6:18. Sa tuwing babalutin ka ng takot, ipagdasal mo ang isang tao na alam mong nakikipagdigma sa takot o iba pang kahinaan. Idalangin ang bersikulong ito para sa kanila: “Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.” 2 Corinto 12:9-10. Pagkatapos mong magdasal para sa iba, tawagan sila at pagaanin ang kanilang nararamdaman.
Ipanalangin ang mga taong nagsasakdal sa iyo. Hinihingi din sa atin ng Diyos na ipagdasal ang ibang tao — ang ating kaaway. Bawat isa sa kanila. Ipagdasal sila at hingin sa Diyos na ipakita sa kyo kung ano ang gusto Niyang gawin mo upang mabiyayaan sila. Hindi hanggat idinalangin ni Job ang kaniyang mga tinatawag na-kaibigan ibinalik ng Diyos kung ano ang lahat nawala kay Job. “At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job, nang kaniyang idalangin ang kaniyang mga kaibigan; at binigyan ng Panginoon si Job na makalawa ang higit ng dami kay sa tinatangkilik niya ng dati.” Job 42:10. At siya ay nagpatuloy, sinasabi sa iyo kung bakit: “Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit.” Mateo 5:44-45.
Pagkatapos kong basahin ang bersikulong ito noong unang unalis si Dan, Hiningi ko sa Panginoon na ipakita sa akin kung paano ko siya babasbasan. Inilagay ng Panginoon sa isip ko na, kahit na tag init noon, siya ay nakasuot ng mainit na balat ng sapatos. Huminto ako sa botika at bumili ng isang pares ng gomang sandalyas para sa kaniya na nagkakahalagang 88¢. Noong ito ay aking binigay sa kaniya, ang kaniyang mukha (na noo’y tila malamig) ay natunaw! Ito ay maliit na bagay para sa akin ngunit malaki para sa kaniya.
Alamin ang Salita ng Diyos
Ang Kaniyang Salita ay hindi babalik ng walang katuturan. Kailangan mong malaman at aralin ang Salita ng Diyos. Kailangan mong hanapin ang mga biyayang pangako ng Diyos. Ang prinsipyo ay kung ating sasabihin ang Kaniyang mga Salita sa Kaniya sa panalangin, hindi ito babalik ng walang katuturan. Ito ang Kaniyang pangako sa iyo! “Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito'y hindi babalik sa akin na walang katuturan [walang laman]. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais.” Isaias 55:11. Ang Kaniyang kagustuhan para sa iyo ay mapagtagumpayan mo ang lahat ng kasamaan sam undo g ito. Kailangan mong gawin kung ano ang tiyak ng Diyos mismo – huwag kang tumanggap ng huwad at hindi totoo. Gamitin ang Kaniyang Salita sa panalangin.
Maghanap ng pag unawa. Sinabi ng Diyos na kung ikaw ay maghahanap, ito ay iyong matatagpuan. Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng karunungan. Ang pagtingin ng may kailaliman sa kahulugan ay makakapgdulot sa iyo ng mas mainam na pag unawa sa Katotohanan.
Basahin ang Salita ng may kagalakan. Markahan ang espesyal na bersikulo sa iyong Bibliya. “Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.” Mga Awit 37:4. Maglaan ng oras upang markahan ang mga bersikulo para sa mas mabilis na sanggunian sa oras ng pagkabalisa o kung may iaaakay na ibang tao para makilala ang Katotohanan. Ano ang sinagot ni Hesus ng siya ay sinubukang akitin ni Satanas? “At sinagot siya ni Jesus, ‘Nasusulat…Nasusulat…Nasusulat…’ ” Lucas 4:4, 8, 10. Gumamit ng dilaw na pangkulay o kahit na anong matingkad na kulay para sa ibat ibang pangako. Kapag inatake ka ng kasamaan, balikan mo siya ng “Nasusulat…Nasusulat…Pagkat ito ay nasusulat…”!
Magnilay sa araw at gabi. Isaulo ang mga pangakong iyong makikita upang ang biyayang katiyakan nito ay pumailalim sa iyong kaluluwa. Kailangan mong matutunan at malaman ang mga pangako ng Diyos kung gusto mong sa Kaniya lamang dumepende. “Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng PANGINOON; At sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; At anomang kaniyang gawin ay giginhawa.” Mga Awit 1:2-3. Gumamit ng 3x5 cards at isulat ang mga bersikulo. Itago ito sa iyong pitaka habang ikaw ay “naghihintay”.
Espiritwal na Digmaan sa Pamamagitan ng Pagbihag ng Iyong Pagiisip
Ang iyong laban ay mapapanalunan o matatalo sa iyong isip. “Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo; At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima.” 2 Corinto 10:5-6. Huwag magpadala sa kamay ng kaaway. Huwag pabayaan ang mga masamang pagiisip na maghari; bihagin ang iyong pagiisip!
Daigin ang kasamaan ng kabutihan. Alam ni Satanas na kung kaya niyang hatiin, kaya niyang sakupin. Karamihan sa atin ang naglalaro sa kaniyang mga kamay, sa kamay ng kaaway. Sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan, “Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.” Roma 12:21. Ito ay sobrang makapangyarihan!
Kahit gaano man kalala ang sitwasyon, nasa Kamay ito ng Diyos. Tayo ay mapapalagay na isipin na ang Diyos ang may kontrol , hindi tayo, at lalong hindi si Satanas. “Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung makapagbalik ka nang muli, ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.” Lucas 22:31-32.
Pagsasala. Alam ni Hesus ang kahihinatnan, pero si Pedro ay kinailangn pading dumaan sa “pagsasala” upang maging handa sa pagtawag ng Diyos sa kaniyang buhay. Ikaw ba ay handa pag tinawag Niya? “At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.” Santiago 1:4.
Ang Susi ng Langit
Ipinagkaloob sa atin ni Hesus ang susi ng langit – ginagamit mo ba ito? “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Mateo 16:19.
Iwaksi ang kasamaan. Kailangan mo munang igapos ang “malakas na tao” — yun ay ang, espiritu na may hawak sa taong iyong ipinapanalangin. Humanap ng bersikulo na pwede mong ipinalangin na naaaayon. “Datapuwa't walang makapapasok sa bahay ng malakas na tao…malibang gapusin muna niya ang malakas na tao….” Marcos 3:27.
Palitan ang kasamaan ng kabutihan. Ito ay mahalaga! “Kapag lumabas sa tao ang isang masamang espiritu, nagpapagala-gala ito sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kapag wala siyang makita, sasabihin niya sa sarili, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ Sa pagbabalik niya ay madadatnan niyang malinis at maayos ang bahay. Kaya't lalabas siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung mas masasama kaysa kanya. Papasok sila at maninirahan doon, kaya't mas masama pa kaysa dati ang kalagayan ng taong iyon.” Lucas 11:24-26.
Kung hindi mo palitan. Kung hindi mo papalitan kung ano ang iyong tinanggal, magiging mas malala ito kaysa noong bago ka manalangin. Kailangan lagi mong palitan ang kasamaan ng kabutihan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit marami sa nagpapapayat ang nagiging mas mataba. Hinihinto nila ang pagkain ng “masasamang pagkain,” o iwasang kumain, ngunit hindi nila pinapalitan ito ng kabutihan kagaya ng pagdarasal, paglalakad, pag eehersisyo, o pagkain ng masusustansiyang pagkain. Ang isa pang halimbawa ay ang isang taong may malangis na mukha. Kinukuskos nila ito ng sabon at papahiran ng alcohol upang matuyo ang langis. Pagtapos ng ilang oras, mas malangis na ito kaysa noong una! Sasabihin sa iyo ng mga Dermatologist na kailangan mong palitan ang langis na iyong tinanggal sa pamamagitan ng pagpahid ng kaunting lotion.
Palitan ang kasinungalingan ng Katotohanan – ang Katotohanan na makikita lamang sa Kaniyang Salita. Maliban na lamang kung ang iyong narinig, ang iyong nabasa, at ang sinabi sa iyo ay tumtugma sa prinsipyo ng Salita ng Diyos, ITO AY KASINUNGALINGAN!
Palitan ang “braso ng laman” ng Panginoon. Palitan ang pagtitiwala sa “braso ng laman” (ikaw, isang kaibigan, sinoman) ng pagtitiwala sa Panginoon. “Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.” Efeso 6:10.
Palitan ang pagtakbo palayo ng pagtakbo patungo sa Kaniya! “Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.” Mga Ait 46:1. Tumakbo sa Aklat ng Mga Awit! Basahin ang Mga Awit na tumatalakay sa petsa at magdagdag ng 30 (30, 60, 90, atbp.), pagkatapos ay basahin ang kabanata sa Mga Kawikaan na tumatalakay sa petsa. (i.e, sa ika-5 araw ng buwan ay babasahin mo ang ika-5, ika-35, ika-65, ika-95, ika-125 Mga Kawikaan at ang ika-5 kabanata ng Mga Kawikaan). Isang madaling paraan upang matandaan ay ang isulat sa pinakailalim ng Mga Awit (i.e, sa pinakailalim ng ika-6 na Mga Awit isusulat mo ang 36, at sa ilalim ng 36 isusulat mo naman ang 66 at magpapatuloy ka. Kung ikaw ay mapupunta sa 126 isusulat mo ang Mga Kawikaan 6.) ang Mga Awit 119 ay nakalaan para sa ika-31 araw ng buwan.
Palitan ang pagluha sa ibang tao ng pagluha sa Kaniya! Siya ang nangangako na pakikinggan ka at pagagaanin agad ang iyong loob! Ngunit kailangan mong umiyak sa Kaniya! Huwag mong isipin sa iyong sarili, “Hindi naman ako tinulungan ng Diyos dati!” Kung hindi Siya tumulong, ito ay dahil hindi mo hiningi. “Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong.” Mateo 7:7. Siya ay matapat!
Anong “kondisyon”ang kailangan upang marinig?
Ang iyong pagnanais sa Kaniyang kagustuhan. May kondisyon na kailangang makamit bago natin makuha ang ating ninanais. “Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo.” Juan 15:7. Kung ang iyong puso ay nagpapahinga kay Hesus lamang at ang iyong kagustuhan ay nakasentro sa Kaniyang kagustuhan, ginawa mo siyang Panginoon ng iyong buhay. Upang malaman ang Kaniyang kagustuhan kailangan mo munang malaman ang Kaniyang Salita. Nasa Kaniyang kagustuhan na ang iyong kasal ay maipanumbalik. Kinasusuklaman Niya ang diborsiyo at sinasabi sa atin na kailangan nating makipagkasundo, ngunit Siya ay may mga kondisyon.
Ang kondisyon para sa pagpapala. Bawat pangakong ipinagkaloob ng Diyos ay may mga kondisyon para sa biyayang iyon. Marami ang nagnanais ng biyaya ayon sa Banal na Kasulatan ngunit kinakaligtaan ang kondisyon. Hindi mo makakamtan ang Banal na Kasulatan at piliing balewalain ang kondisyon.
Kondisyon – “Maniwala sa Panginoong Hesus…
Pangako – at maliligtas ka.” Mga Gawa 16:31.
Kondisyon – “Magpakaligaya ka naman sa PANGINOON…
Pangako - At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.” Mga Awit 37:4.
Kondisyon – “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran…
Pangako - at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan..
Pangako – “…Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti…
Kondisyon – “kasama ang mga nagmamahal sa kanya,..”
“…silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.” Roma 8:28.
Tinawag sa Aking pangalan. “…Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.” 2 Cronica 7:14. Sa oras na umiyak ka sa Kaniya, ikaw ay tatawagin sa pangalan ni Kristo. Ang Kristiyano ay “tagasunod ni Kristo.” Tandaan, ikaw ay dapat maging isa sa Kaniyang mga anak. Kausapin si Hesus ngayon. Hingiin sa Kaniyang patawarin ka sa iyong mga kasalanan at maging iyong tagapagligtas.
Pababain ang iyong sarili. “…Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.” 2 Cronica 7:14. Makasarili at mapagmataaw na tao ay naiintindihan minsan ang Salita ng walang espiritu, ngunit upang malaman ang nasa isip ng Diyos kailangan nating maghintay ng may kababaang loob sa Espiritu ng Diyos.
Ang kababaang loob ay susubukin. “…upang kaniyang mapangumbaba ka, at subukin ka, na maalaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong gaganapin ang kaniyang mga utos o hindi.” Deuteronomio 8:2.
Ang kababaang loob ang magliligtas sa iyo. “Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas, At ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao.” Job 22:29.
Ang kababaang loob ang magpapalakas ng iyong puso. “Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: Iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig….” Awit 10:17.
Tinuturuan at pinamumunuan Niya ang mapagkumbaba. “Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: At ituturo niya sa maamo ang daan niya.” Mga Awit 25:9.
Tanging ang mapagkumbaba ang magmamana ng lupain. “Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain….” Mga Awit 37:11.
Ang may mapagkumbaba ay itataas. “Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan.” Lucas 1:52.
Tanging ang mapagkumbaba ang bibigyan ng awa. “Ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng higit pang pagpapala. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “ANG DIYOS AY LABAN SA MGA MAPAGMATAAS, NGUNIT PINAGPAPALA ANG MGA MAPAGKUMBABA.’… Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.” Santiago 4:6, 10.
Ang kababaang loob ay naguugat sa espiritu. “Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba….” 1 Pedro 3:8.
Maglakad sa Espiritu. Ang pagiging puno ng Espiritu Santo ay magbibigay daan sa iyong maglakad sa Espiritu, hindi sa kasalanan at makamundong pagnanasa. Maraming simbahan masigasig na “Punong-puno ng Espiritu”. Sa 1 Corinto 13, ang “pagmamahal” ay sinasabing nakatataas sa pagkakaroon ng regalo ng mga wika. Kahit na anong talento o biyayang ating natanggap ay minsan maaaaring magdulot sa atin na maging mapagmataas. Kung huhusgahan mo ang kahalagahan o sukatin ang espiritwal sa kadahilananng kung sila ay Punk ng Espiritu, ikaw ang naglalagay sa sarili mo sa pagkahulog ng pagmamataas. “At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan….” Lucas 6:37.
“At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.” Ezekiel 36:27.
“…Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.” Galacia 5:16.
Manalangin. “…Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.” 2 Cronica 7:14. Dito sa Restore Ministries’ Home Fellowship, ang mga kababaihan ay ipinananalangin na ang bahay bata ng “ibang babae” na kinakasama ng kanilang mga asawa ay “magsara”. Lahat ay isinara, maliban sa isa. Ginamit ng Diyis ang batang ito bilang kasangkapan upang hilumin ang pamilyang iyon. Maaari tayong magtiwala palagi sa Diyos na ibibigay Niya ang lahat ng makabubuti para sa atin kung “...At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.” Roma 8:28.
Maghintay. Maraming pagkakataon na ang labanan ay magpapatuloy para sa iyo. At, kailangan mong tandaan na karamihan sa mga “laban” na ito ay kailangang labanan (at mapanalunan) sa giyera laban sa iyong kasal. Laging tandaan, Kung ang labanan ay nasa Diyos, ang tagumpay ay nasa atin! (1 Samuel 17:47) Kagaya sa mga totoong giyera, hindi lahat ng laban ay mapapanalunan ng parehas na panig, kaya huwag mawawalan ng pag asa kung ikaw ay nagkulang o nagkamali. Tayo ay payapa na malaman na naririnig Niya tayo kaagad – ngunit, mayroong laban na sinasadya. Sa aklat ni Daniel, kinausap siya ng anghel at ibinigay sa atin ang mga pananaw na ito: “…sapagka't mula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa, at magpakababa sa harap ng iyong Dios, ang iyong mga salita ay dininig: at ako'y naparito alangalang sa iyong mga salita. Nguni't ang prinsipe ng kaharian ng Persia ay nakipagpunyagi sa akin na dalawang pu't isang araw.” Daniel 10:12-13. Kakailanganin ng panahon upang mapanalunan ang mga laban; huwag kang mapagod. “Nguni't kayo, mga kapatid, huwag kayong mangapagod sa paggawa ng mabuti.” 2 Tesalonica 3:13.
Sa Kaniyang tiyempo. Isang bagay ang kailangan mong maunawaan: ang Diyos ay gumagawa ng isang bagay sa isang panahon. Kailangan nating gumawa kasama Siya sa Kaniyang tiyempo. Hindi ibig sabihin neto ay kailangan nating maghintay upang magdasal; ibig lang sabihin neto na maghintay sa Diyos upang baguhin ang sitwasyon sa tamang pagkakataon. Salamat sa Diyos at hindi Niya ibinuhos (sa pamamagitan ng pananalig) lahat ng aking kasalanan sa harapan ko ng sabay sabay! Gamitin ang panahon ng paghihintay upang manalangin. Kung hindi mo mauunawaan ang napakaimportanteng puntong ito ay mapapagod ka at hindi mo ito malalampasan. “Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito.” Apocalipsis 21:7.
Dalawa o tatlong nagtipon. Humanap ng dalawa pang kababaihan na magdarasal kasama mo. “Datapuwa't ang mga kamay ni Moises ay nangalay; at sila'y kumuha ng isang bato, at inilagay sa ibaba, at kaniyang inupuan; at inalalayan ni Aaron at ni Hur ang kaniyang mga kamay, ang isa'y sa isang dako, at ang isa'y sa kabilang dako; at ang kaniyang mga kamay ay nalagi sa itaas hanggang sa paglubog ng araw…pagka itinataas ni Moises ang kaniyang kamay, ay nananaig ang Israel: at pagka kaniyang ibinababa ang kaniyang kamay, ay nananaig si Amalec (ang kalaban).” Exodo 17:11-12. Maghanap ng dalawa pang kababaihan na hahawak sa iyo pataas upang hindi ka masyadong mapagod. Manalangin at hingiin sa Diyos na ihanap ka ng dalawang iba lang kaparehas mo ng isip.
Ang kapangyarihan ng tatlo. “At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali.” Eclesiastes 4:12.
Upang itaas ang isa’t isa. “Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa. Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya.” Eclesiastes 4:9-10.
Nandiyan Siya sa tabi mo. “Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.” Matep 18:20. “Nang magkagayo'y si Nabucodonosor na hari ay nagtaka, at tumindig na madali: siya'y nagsalita at nagsabi sa kaniyang mga kasangguni, ‘Di baga ang ating inihagis ay tatlong gapos na lalake sa gitna ng apoy?’ Sila'y nagsisagot, at nangagsabi sa hari, ‘Totoo, Oh hari.’ Siya'y sumagot, at nagsabi, ‘Narito, aking nakikita ay apat na lalake na hindi gapos na nagsisilakad sa gitna ng apoy, at sila'y walang paso; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang anak ng mga dios!’ ” Daniel 3:24. Hindi ka nag iisa!
Kasunduan. “Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.” Mateo 18:19. Kung ikaw ay nakikipaglaban upang magkaroon ng kapayapaan tungkol sa isang bagay, tumawag sa isang taong naninindigan kasama mo at magdasal ng may kasunduan.
Pagtayo sa patlang. “At ako'y humanap ng lalake sa gitna nila, na makakagawa ng bakod, at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain, upang huwag kong ipahamak; nguni't wala akong nasumpungan.” Ezekiel 22:30.
Ipagdasal ang isa’t isa. “Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.” Santiago 5:16. Ang pangungumpisal sa kagayang isip na babae ay ang pinakamainam na paraan upang magkaroon ng busilak na puso.
Magpahayag ng kasalanan. Alam ni Ezra ang kailangang gawin kung mananalangin. “Habang si Ezra nga ay dumadalangin, at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harap ng bahay ng Dios….” Ezra 10:1.
Hanapin ang aking mukha. “...Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.” 2 Cronica 7:14.
“Sila'y nagsitingin sa Kaniya, at nangaliwanagan: At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.” Mga Awit 34:5.
“Hanapin ninyo ang PANGINOON at ang kaniyang lakas; Hanapin ninyo ang kaniyang mukha na palagi.” 1 Cronica 16:11.
“…hanapin ang aking mukha: sa kanilang pagdadalamhati ay hahanapin nila akong mainam.” Oseas 5:15.
Talikuran ang iyong masamang lakad. “…Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.” 2 Cronica 7:14. Ang Banal na Kasulatan ay hindi lamang para sa ulo; para rin ito sa puso at kalooban. Upang makuha ang tunay na kahulugan ng Banal na Kasulatan, kailangan nating isuko ang ating buhay at ang kagustuhan sa pamumuno ng Espiritu Santo. Kailangan tanggapin nating magbago.
Sino ang pinapakinggan ng Panginoon? Sino ang nililigtas ng Panginoon? “Ang mga mata ng PANGINOON ay nakatitig sa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.” Mga Awit 34:5. “Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng PANGINOON, At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabaga.” Mga Awit 34:17.
Sino ang hindi Niya sasagutin? Kung ikaw ay nasa pagkakasala, hindi Siya sasagot, kahit pa umiyak k asa Diyos. “Kung magkagayo'y magsisidaing sila sa PANGINOON, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa.” Mikas 3:4.
Lahat tayo ay nagkasala. Lahat tayo ay nagkasala at nagkulang sa kaluwalhatian ng Diyos, ngunit ipinadala ng Diyos ang Kaniyang Anak. “Sa inyo una-una, nang maitindig na ng Dios ang kaniyang Lingkod, ay sinugo niya upang kayo'y pagpalain, sa pagtalikod ng bawa't isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan.” Mga Gawa 3:26.
Ang pagsunod ay mas mabuti kaysa pag aalay. “Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake. Sapagka't ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap.” 1 Samuel 15:22. Alam mo ba ang tamang gawain, ngunit hindi mo ito ginagawa? Sumunod! “Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.” Santiago 4:17.
Umpisahan sa pagdarasal ng Mga Awit 51:2-4. “Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, At linisin mo ako sa aking kasalanan. Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: At ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: Upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, At maging malinis pag humahatol ka.”
Kailan ka susuko sa pagdarasal? Hindi kailanman! Mayroon tayong kahanga hangang halimbawa ng katotohanan na ang Diyos ay hindi kadalasan na nangangahulugang “hindi” kung hindi nagkakaroon ng kasagutan ang ating mga dasal. Basahin ang Mateo 15:22 upang makita ang Canaanite na babaw na patuloy na nagmakaawa kay Hesus para sa paggaling ng kaniyang anak na babae. Ang resulta ng kaniyang pananampalataya “…Nang magkagayo'y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, ‘Oh babae, malaki ang pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon sa ibig mo. At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon.”
Magpatuloy. Kapag tayo ay nagdadasal para sa isang bagay na alam nating nasa kalooban ng Diyos at tila hindi Niya tayo naririnig o sinabi Niya ang akala nating “Hindi”, ibig sabihin ng Diyos sa atin ay magpatuloy tayo sa paghingi, paghihintay, pakikiusap, pag aayuno, paniniwala, pagluha, paghahain n gating sarili at ating mga kaluluwa magpatirapa bago sa Kaniya!
Ang laban para sa kanyang kaluluwa. Kayo ba ay hindi parehong yoked? Mga asawang babae, ang tunay na laban sa iyong tahanan ay ang laban para sa kaluluwa ng iyong asawa? Kayo ba ay hindi parehong yoked? Pakinggan ang quote na kinuha mula sa librong Prayer, Asking and Receiving ni John Rice. “Kung ang isang Kristiyanong asawang babae ay out-and-out para sa Diyos…Mapapanalunan niya ang kaniyang asawa sam as mabilis na paraan kaysa sa iba. Dasalin ang simpleng panalangin ng pag-amin. Damdamin ito sa iyong kaluluwa. Kilalanin sa mga salitang ito, ang iyong pagkakamali, ang iyong paglubog, ang iyong kahihiyan bilang Kristiyano, ang iyong kakulangan sa pagdadalang-bunga. Ipagdasal ito ngayon sa iyong puso. Hinihiling ko sa iyo ngayon, gawin mo, magmakaawa para dito, ng may pag amin, ng may luha, ng may paghihirap ng kaluluwa, hanggang sumagot ang Diyos mula sa Langit.” Tandaan, ikaw ay may pangako na “…na ikaliligtas mo, ikaw at ng buong sangbahayan mo.” Mga Gawa 11:14. Tandaan, ang lalaki ay pinababanal sa pamamagitan ng kaniyang asawa. “Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa…Sapagka't paanong malalaman mo, Oh babae, kung maililigtas mo ang iyong asawa?” 1 Corinto 7:14-17.
Luha, pag iyak, panaghoy. Ang mga nasa ibaba ay ilan sa mga Banal na Kasulatang makakatulong sa iyong maunawaan ang taos-pusong katapatang kailangan kung tayo ay iiyak sa Diyos (lalo na para sa kaligtasan n gating mga asawa o para sa nasira o nagkakagulong kasal). Habang binabasa mo sila, markahan ang mga makakaantig ng iyong puso at kabisaduhin ito tuwing oras ng iyong pagdarasal habang nakalihod sa harap ng Panginoon. Sinabi sa atin na magdasal at umiyak sa Diyos.
“Ako'y pagal ng aking pagdaing; Gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.” Mga Awit 6:6.
“Ang aking mga luha ay naging aking pagkain araw at gabi, Habang kanilang sinasabing lagi sa akin…” Mga Awit 42:3.
“Ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya; Wala ba sila sa iyong aklat?” Mga Awit 56:8.
“Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.” Mga Awit 126:5.
Ang kaniyang luha. Si Maria Magdalena ay pinuri ni Hesus dahil sa kaniyang mga luha. “…At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa, at ang mga ito'y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo…‘datapuwa't dinilig niya ang aking mga paa ng kaniyang mga luha, at kinuskos ng kaniyang buhok.’ ” Lucas 7:38, 44.
Tumawag sa mga nagluluksang kababaihan. Ang mga kababaihan ay tinawag, sa oras ng pagkabalisa, upang umiyak sila sa Diyos para sa kapakanan ng iba! “Ganito ang sabi ng PANGINOON ng mga hukbo…magsitawag ng mga tagapanangis na babae, upang sila'y mangakaparito; at inyong ipasundo ang mga bihasang babae…turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng panangis….” Jeremias 9:17-20. “ ‘Gayon ma'y ngayon,’ sabi ng PANGINOON, ‘Magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan…’ ” Joel 2:12.
Kanino tayo iiyak? Ang mga kalalakihan ay tila galit sa ating mga luha. Minsan, dumidistansiya sila dahil hindi nila alam kung ano ang gagawin tuwing umiiyak ang isang babae, o dahil gingamit ng babae ang kaniyang luha para manipulahin sila. Pero ang katotohanan na ang Diyos ay selososng Diyos at ang mga luhang iyon ay sa Kaniya nararapat ang maaaring dahilan, minsan, sa pagwawalang bahala sa ating luha n gating mga asawa. “Kung magkagayo'y tatawag ka, at ang PANGINOON ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako.” Isaias 58:9. “Huwag kang tumigil ng kadadalangin sa PANGINOON nating Dios….” 1 Samuel 7:8. Maaaring matagal na panahon bago mo makita ang tagumpay sa laman, ngunit kailangan mong magpatuloy na magtiwala sa mga bagay na hindi nakikita. Manampalataya sa Diyos. Umiyak lamang sa Kaniya. Siya ang may kapangyarihan na baguhin ang mga bagay.
Pananampalataya. Basahin ang iba’t ibang mahihirap na sitwasyon sa Bibliya ay iwangis ang iyong kalagayan sa kanila. Upang malaman ang Kaniyang dakilang kapangyarihan basahin kung paano pinahinto ni Hesus ang alon sa karagatan. Upang malaman na kaya Niyang gawin ang lahat ng may kaunti, basahin kung paano Niya pinakain ang limang libo gamit ang limang tinapay na barley at dalawang maliit na isda. Upang hindi mo pagdudahan ang Kaniyang awa para sa iyo at sa iyong kalagayan, basahin kung paano nilinis ni Hesus ang mga ketungin, pinagaling ang may sakit, binuksan ang mata ng mga bulag ay pinawatad ang mga nahulog na babae. Ating tignan ang ilan sa mga matatapat na kalalakihan na nagpakita ng matinding pagtitiis sa kanilang pagsasanay at pagsubok.
Pedro, isang halimbawa ng pananampalataya. Basahin ang account ni Pedro sa Mateo 14 simula sa bersikulo 22. Hiningi ni Hesus kay Pedro na maglakad sa tubig. Kung hinihingi Niyang maglakad ka sa tubig, ikaw ba ay bababa sa bangka? Tignan: noong si Pedro ay umiyak kay Hesus, ito ay sinundan ng salitang kaagad. Kaagad, kinausap sila ni Hesus at sinabihan silang magpakatapang. Ngunit ng si Pedro ay magsimulang lumubog, umiyak siya sa Panginoon, at “pagdaka'y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya!” Mateo 14:31.
Takot. Isang tanong na kailanganin nating malaman sa ating mga sarili, “Bakit lumubog si Pedro?” “Datapuwa't pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya.” Mateo 14:30. Kung iyong titignan ang iyong kalagayan at ang laban sa iyong paligid, ikaw ay lulubog! Tinanggal ni Pedro ang kaniyang mga mat asa Panginoon at nagdulot ito ng takot! Sinabi na “natakot siya.” Kung iyong ibabaling palayo ang iyong paningin sa Panginoon, ikaw din, ay matatakot.
Ang iyong testimonya. Ano ang naging reaksiyon ng mga tao sa bangka? (Nakalimutan mo ba na may mga ibang hindi bumaba ng bangka?) Sinabi dito na, “At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, ‘Tunay na ikaw ang Anak ng Dios!’ ” Mateo 14:33. Ikaw ba ay nakahanda na hayaan ang Diyos na gamitin ka upang ipakita ang Kaniyang kabutihan, ang Kaniyang kagandahang loob, ang Kaniyang proteksiyon, upang makahikayat ng iba sa Kaniya? Mayroong malaking gantimpala! Ito ay ebanghelismo. Ang iba ay lalapit sa iyo kapag sila ay nagkakaroon ng pagsubok dahil nakita nila ang iyong kapayapaan, sa kabila ng iyong kalagayan.
Huminto ang hangin. “At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin.” Mateo 14:32. Ang iyong laban ay hindi magpapatuloy habambuhay. Ang pagsubok na ito ay kinailangan upang gawing malakas si Pedro para maging “bato” na sinasabi ni Hesus. Si Satanas (at ang iba pang nagtatrabaho para sa kaniya) ay magsasabi sa iyo na mananatili ka sa pagsubok hanggat hindi ka umaalis, bumibigay o sumusuko. Hindi intensyon ng Diyos na manatili “Sa libis ng lilim ng kamatayan.” Sa Mga Awit 23:4 sinabing tayo ay “dumaan sa libis ng lilim ng kamatayan.” Gusto ni Satanas na isipin natin na nais ng Ditos na tumira tayo doon! Gusto niyang magpinta ng larawan ng “kawalang pag asa!” Ang Diyos ang ating pag asa. At ang pag asa ay ang ating pananampalataya sa Kaniyang Salita na ipinunla sa ating puso.
Abraham. Ang ikalawang halimbawa ay noong si Abraham ay 90 taong gulang na at wala pa ring anak na ipinangako ng Diyos sa Kaniya, “sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa.” Roma 4:18. Hindi bai yo’y mabuti? Kahit pa lahat ng pag asa ay wala na, siya ay nagpatuloy na maniwala sa Diyos at pinanghahawakan Siya sa Kaniyang Salita. Gawin din natin ito.
Kung ikaw ay nagkulang sa pananampalataya. Kung ikaw ay kulang sa pananampalatay, humingi sa Diyos. Mayroong laban kahit para sa iyong pananampalataya. “Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya….” 1 Timoteo 6:12. “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya….” 2 Timoteo 4:7. Kung wala ang pananampalataya ng tao, kahit si Hesus ay mababawasan ang kapangyarihan. “At hindi Siya (Hesus) nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa, liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga maysakit, at pinagaling sila. At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya.” Marcos 6:5-6. Kumilos aa pananampalatayang mayroon ka. “At sinabi niya sa kanila, ‘Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka mula rito hanggang doon’, at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.” Mateo 17:20.
Mga taga tulad ng pananampalataya. Magiging mabuti tayo kung ating gagayahin ang mga nasa Banal na Kasulatan na nagpakita ng pananampalataya (makikita mo ang bulwagan ng pananampalataya sa Mga Hebreo, kabanata 11). Kailangan nating kumilos sa mga pangako ng Diyos sa pagiging “...taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako.” Mga Hebreo 6:12. Maraming kababaihan ang sumunod sa mga prinsipyo sa workbook na ito ang nagkaroon ng tagumpay sa kanilang may problema o nasirang kasal. Ilan sa kanilang testimonya sa huling parte ng mga araling ito ang magpapalakas ng loob mo at ng iyong pananampalataya. Kagaya ng sinasabi sa kanta, “Kung ano ang nagawa Niya para sa iba, gagawin Niya para sa iyo!”
Pagdadalawang-isip o pagaalinlangan. Hindi ka dapat nagdadalawang-isip. Ang iyong pagiisip ay hindi dapat mag alinlangan o magduda sa Diyos. “Nguni't humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan: sapagka't yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila. Sapagka't huwag isipin ng taong yaon na siya'y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon; Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.” Santiago 16:6-8. “Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; Nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.” Mga Awit 119:113. Kung ikaw ay may problem asa pagdadalawang isip, kailangan mong basahin at pagnilayan ang Salita ng Diyos (ang Katotohanan). Ihiwalay mo ang iyong sarili sa mga nagsasabi sa iyo na taliwas sa iyong pinaninindigan. Sabihin ang “Katotohanan” sa lahat ng oras.
Pananampalatayang walang gawa. “Oo, sasabihin ng isang tao, ‘Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako'y mayroong mga gawa: ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at ako sa pamamagitan ng aking mga gawa ay ipakita sa iyo ang aking pananampalataya’.” Santiago 2:18. Ipakita sa iba na ikaw ay may pananampalataya sa iyong mga gawa. Kung ikaw ay naniniwala na ang iyong asawa ay magiging pinunong espiritwal at pari ng inyong tahanan, umaktong ganito. Kung ikaw ay naniniwala na siya ay magiging mainam na tagapagbigay, magsalita ng ganoon sa kaniya at tungkol sa kaniya. “Datapuwa't ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ang pananampalataya na walang mga gawa ay baog?” Santiago 2:20. Kung ikaw ay naniniwala na ang iyong pinapanalangin ay mangyayari, simulang tratuhin ang taong iyon na tila ba sila ay nagbago na! Kung ikaw ay naniniwala na ang iyong asawa ay magiging Kristiyano, umaktong ganoon.
Mga bagay na hindi nakikita. Marami ang nagtatamong kung ikaw ay nakakakita ng pagbabago. Ibahagi ang mga Banal na Kasulatan na ito sa kanila. “ Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.” Mga Hebreo 11:1. “…Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin…” 2 Corinto 5:7. Manatiling matatag sa iyong pananampalataya. Ipaalala sa iyong sarili ang mga taong nakalampas at nakatanggap ng masaganang buhay na ipinangako ng Diyos, “Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.” 1 Pedro 5:9.
Ang Salita. Paano tayo makakaani ng pananampalataya, o madadagan ang ating pananampalataya? “Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.” Roma 10:17. Basahin ang Kaniyang Salita at ang mga testimony ang iba. Palibutan ang sarili ng mga matapat na babaeng maninindigan kasama mo. Doon sa mga naninindigan para sa sinasabi ng Banal na Kasulatan sa gitna ng mga kahirapan ang magtuturo sa iyo at hahawak sa iyo pataas. Ang pinakamabuting gawin kung iyong pakiramdam ay naubusan ka na ng pananampalataya ay ang ibigay ang kaunting natira sa iyo. Tumawag sa taong nararamdaman mo na nangangailangan ng kalakasan ng loob at ibigay sa kaniya ang natira mong pananampalataya. Ibababa mo ang telepono na may galak dahil pupunuin ka ang Diyos ng pananampalataya.
Pagsunod. Huwag kalimutan na ang pagsunod sa Diyos ay katumbas ng tagumpay. Huwag kalimutan ang sinabi ni Hesus: “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, ‘Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: MAGSILAYO KAYO SA AKIN, KAYONG MANGGAWA NG KATAMPALASANAN.’ ”
Sa kalooban ng Diyos. Kung ang iyong puso ay naniniwala na ikaw ay wala sa kalooban ng Diyos, na hindi mo sinusunod ang Kaniyang mga utos at hindi mo hinihingi ang mga bagay ayon sa Kaniyang kalooban, siyempre, ikaw ay walang kumpiyansa, walang pananampalataya na matatanggap mo ang iyong kahilingan mula sa Panginoon. Hingiin sa Diyos na gabayan ang iyong mga daraanan at baguhin ang iyong kalooban sa Kaniyang kalooban. “…gayon ma'y hindi ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.” Marcos 14:36.
Pananalangin at pagaayuno. Sinabi ni Hesus sa Kaniyang mga apostol, “Ngunit ang ganitong uri ng demonyo ay hindi mapapalayas kundi sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno.” Mateo 17:21. Kung ikaw ay nananalangin ng taimtim at nilinis mo ang iyong mga gawa, baka kailangan mong mag ayuno. May iba’t ibang haba ng pag aayuno.
Tatlong-araw na pagaayuno. Si Esther ay nag ayuno “para sa pabor” mula sa kaniyang asawa, ang hari. Siya ay nag ayuno ng 3 araw “para sa pabor.” “Ikaw ay yumaon, pisanin mo ang lahat na Judio, na nangakaharap sa Susan, at ipagayuno ninyo ako, at huwag kayong magsikain o magsiinom man na tatlong araw, gabi o araw; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan.” Esther 4:16. Itong pag aayuno (o ang 7-araw na pag aayuno) ay may ibang benepisyo. Sa mga mapamintas o sa mga hindi mapigilang magkwento ay magiging mahina para magsalita. Kaya matututunan mong hindi makipagtalo at ikaw ay magiging tahimik.
Isang-araw na pagaayuno. Ang isang araw na pagaayuno ay naguumpisa sa gabi pagkatapos ng iyong hapunan. Ikaw ay iinom lamang ng tubig hanggang matapos ang 24-oras; pagkatapos ikaw ay kakain kinabukasan ng hapunan. Ikaw ay magaayuno at magdarasal sa panahong ito para sa iyong petisyon. Ang pagaayuno na ito ay maaring gawin ng maraming beses sa isang linggo.
Pitong-araw na pagaayuno. Mayroong pagaayuno na tumatagal ng 7-araw. Ang pitong araw ay nangangahulugan ng pagkumpleto. “At nangyari, nang marinig ko ang mga salitang ito, na ako'y naupo at umiyak, at nanangis na ilang araw; at ako'y nagayuno, at dumalangin sa harap ng Dios ng langit.” Nehemias 1:4. Kadalasan tuwing mayroong matinding kalungkutan na “tinatawag” ka upang magayuno ng pitong araw. Kung ikaw ay nagugutom at nanghihina, gamitin ang panahon na ito upang magdasalat magbasa ng Kaniyang mga Salita. “Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno, At ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.” Mga Awit 109:24.
Mapapanglaw na mukha. Manatiling tahimik tungkol sa iyong pagaayuno hanggat maaari. Tuwing nagaayuno, ikaw ay manahimik, hindi magrereklamo o aakit ng atensiyon patungo sa iyo. “Bukod dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha; Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.” Mateo 6:16-18.
Ang Panginoon ang lalaban sa pakikibakang ito. Manatiling nakatayo at tignan! Sa oras na alam mo na ikaw ay nagdasal ayon sa kung ano man ang iyong nababasa sa Banal na Kasulatan, gawin mo ang nasasaad dito — “Kayo'y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon na kasama ninyo.” 2 Cronica 20:17.
Walang dapat magmalaki. Sinabi ng Diyos na matitigas ang ulo nating mga tao. Kung ang pakikipabaka ay napanalunan o kung ang giyera ay tapos na, tayo ay magmalaki lamang sa Kaniya. Manatili tayong may kababang loob. “Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.” Efeso 2:8-9. “Huwag kang magsasalita sa iyong puso…‘Dahil sa aking katuwiran ay ipinasok ako ng Panginoon upang ariin ang lupaing ito; na dahil sa kasamaan… ito ay pinalalayas ng PANGINOON sila sa harap mo. Hindi dahil sa iyong katuwiran o dahil sa pagtatapat ng iyong loob ay iyong pinapasok upang ariin ang kanilang lupain, kundi dahil sa kasamaan…sapagka't ikaw ay isang bayang matigas ang ulo…naging mapanghimagsik kayo laban sa PANGINOON.” Deuteronomio 9:4-7. Lahat tayo ay nagkasala, at nagkulang sa kaluwalhatian ng Diyos, kaya’t ating tandaan na kung ang pakikibaka ay napanalunan, ang ating katwiran ay walang kwenta kagaya ng maduming basahan.
Ang Pagtindi ng iyong mga pagsubok ay nangangahulugang malapit ka na sa tagumpay. Ang iyong mga pagsubok ay titindi kung ikaw ay malapit na sa pagkamit ng tagumpay. “Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.” Apocalipsis 12:12.ating simulan ang ating pangako sa pananalangin ng Kaniyang Salita…
“Ama sa Langit, habang ako ay dumudulog sa aking pook dasalan at, ngayong aking inilapat ang pinto, Ako ay nananalangin sa iyo, aking Ama, ng palihim. Habang ako ay nakikita mo dito ng palihim ay gagantimpalaan mo ako ng hayagan. Ito ay nasusulat na ‘Lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.’ (Mateo 21:22) Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: Kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig. Panginoon, walang iba liban sa iyo na makatutulong, sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas: tulungan mo kami, Oh Panginoon naming Dios: sapagka't kami ay nagsisitiwala sa iyo, at sa iyong pangalan ay kami nagsisiparito laban sa karamihang ito. Oh Panginoon, ikaw ay aming Dios; huwag mong panaigin ang tao laban sa iyo. Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nagsisiyasat sa palibot ng buong lupa, upang pakilala na matibay sa ikagagaling ng mga yaon na ang puso ay sakdal sa kaniya. Hanapin mo sa aking puso.
Sapagka't bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman. Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta. Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo, At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima.
Oh wakasan ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid. Ako’y hindi matatakot sa mga masamang balita: Ang aking puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon. Ang aking puso ay natatag, ako’y hindi matatakot, Hanggang sa aking makita ang nasa niya sa aking mga kaaway. Pagpalain ang bukal ng aking asawa at magalak siya sa asawa ng kanyang kabataan.Oh hayaan mo ako, Panginoong mahal, na maging gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae; Hayaan mo akong magkamiy ng pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios. Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, At kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas.
Ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. Hinihingi ko sa Iyo. Ama sa Langit, na itatwa at ibigkis si Satanas sa ngalan at dugo ng aking Panginoong Hesukristo. Bakuran mo ng mga tinik ang kaniyang daan, at gumawa ng bakod laban sa kaniya, na hindi niya, masusumpungan ang kaniyang mga landas. At sasabihin mo sa akin, Panginoong mahal, ‘Yumaon ka pa, suminta ka sa isang lalaki na minamahal ng kaniyang kaibigan.’ Kaya’t kakausapin ko siya ng may kabutihang loob. Iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.
Si Abraham ay sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa, at hindi nanghina sa pananampalataya; Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios. At lubos nanalig na ang Dios na nangako ay may kapangyarihang makagawa noon. Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis. Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon, Sa lupain ng may buhay. Magantay ka sa Panginoon. Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; Oo, umasa ka sa Panginoon. Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina. Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya. Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man. Amen.
Personal na pangako: Ang manalangin sa ating Ama bago kausapin agad ang ating mga asawa. “Mula sa akong natutunan sa Salita ng diyos, ako ay nangangakong hahayaan ang Diyos na baguhin ang aking asawa sa tulong ng Espiritu Santo. Sa kabilang banda, aking ‘ibubuhos ang lahat ng aking hinahangad at alalahanin sa pagdarasal’ sa pananalangin ng Banal na Kasulatan. Kinikilala ko na ang tanging paraan upang mapanalunan ang aking asawa patungo sa katwiran ay ‘hindi sa pagsasalita’ kundi sa aking pagiging magalang at may kababang loob na espiritu.”
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.