Kabanata 9 "Angkop na Katulong"

“Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ng Panginoong Yahweh,
Hindi mabuti na mag-isa ang tao;
Bibigyan ko siya ng isang angkop na makakasama at makakatulong.’”
Genesis 2:18 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

NEW-COVER-TGL-WW-Front-768x995-1

Dinisenyo ng Diyos ang babae bilang “…buto ng aking mga buto at laman ng aking laman” (Gen. 2:23 Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001). Kaya bakit tayong mga Kristiyanong kababaihan ay nagpadala sa pilosopiya ng mga peminista, na nagpahintulot na manakaw ang ating papel bilang maybahay? Dahil hindi talaga tayo sigurado kung paano nilikha at dinesenyo ang kababaihan. Sa mundo natin ngayon, ang mga lalaki ay hindi na lalaki at ang mga babae ay hindi na babae. Ito ang pakay ng kilusang peminista: ang paghaluin ang mga papel. Tayo ngayon ay nagkaroon ng kaguluhan at kalungkutan sa bawat kasarian. Idagdag pa rito, ang homosekswalidad at katomboyan ay malala na sa ating lipunan!

Kung hindi natin nauunawaan ang ating papel bilang “angkop na katulong,” pababagsakin natin ang ating mga tahanan, asawa, at ating mga pamilya gamit ang sarili nating mga kamay. Tayo ay maniniwala sa kasinungalingan at magsisimulang pasukin ang ideya ng mundo sa papel ng isang babae. Hanggat hindi ko naintindihan kung gaano ako katangi-tanging nilikha, pipilitin kong nakawin ang papel ng aking asawa. Ako ay naiinggit sa kaniyang papel at ako ay namumuhing nilikha ako bilang isang babae.

Kaya magkasama nating tignan kung papaanong nilikha ng Diyos tayong mga kababaihan gamit ang Kaniyang perpektong pagmamahal at pambihirang karunungan.

Katangi-tanging Nilikha

Nilikha para sa lalaki. Kailangan nating hanapin ang kaalaman mula sa Salita ng Diyos upang maipaliwanag kung paano tayo nilikha at kung bakit tayo nilikha. “Sapagkat hindi mula sa babae ang lalaki, kundi ang babae ay nagmula sa lalaki.  At hindi rin nilalang ang lalaki para sa babae, kundi ang babae ay nilalang para sa lalaki.” 1 Corinto 11:8-9. Habang nagsisimula tayong magpatuloy sa perpektong plano ng Diyos para saating buhay, maaari na nating isabuhay ang ipinangako ng Diyos na masaganang buhay sa Kaniyang mga Salita. Ang ating buhay ay magpapamalas ng Salita ng Diyos, sa halip na itanggi ito. Ang ibang tao ay maaakit kay Kristo dahil sa testimonya ng ating buhay.

Nababagay na makasama niya. “Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon sa himpapawid at hayop sa parang. Ngunit wala isa man sa mga ito ang nababagay na makasama at makatulong niya.” Geensis 2:20. Ang mensaheng ito ay lubos na pumapailalim sa balat ng mga peminista. Ganon din ba sa iyo? Bilang Kristiyano, kailangan nating baguhin ang ating isipan upang maging parehas sa Salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ang Katotohanan! Ang pamumuhay ng Katotohanan ay hindi madali at mistulang kabaliwan sa simula. Ito ay magiging kakaiba sa iba na nagmamasid at nagoobseba ng mga pagbabago sa iyong buhay. Ngunit dahil sa pagsunod sa Kaniyang Salita, di kalaunan ay mauunawaan natin at aanihin ang gantimpalang hatid ng ating pag-intindi at pagsunod.

Bilang Kristiyano tayo ay sumusunod at naniniwala kahit hindi natin nakikita. Ito ang pananampalatayang ating ipinapahayag. Lahat tayo ay nakaranas kung paano tayo pinagod ng sistema ng mundo. Tayo ay napagod dahil sinubok nating gawin ang lahat ng bagay na hindi nilikha para sa atin at hindi idinisenyong gawin natin.

Simulan nating tignan na sinadya ng Diyos na magkaiba at espesyal ang papel ng babae at lalaki. Kailangan nating humingi ng patnubay at mabuting pagpapasiya sa Panginoon ang bawat trabahing kasalukuyan nating ginagawa. Ating simulang tignan kung paano at bakit tayo nilikha sa simula.

Babae at Lalaki

Nilikhang LALAKI AT BABAE.  “Kaya't nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang. Sila'y kanyang nilalang na lalaki at babae.” Genesis 1:27. “Lalaki at Babae silang nilalang, at sila'y binasbasan at tinawag na Adan ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin.” Genesis 5:2. “Ngunit buhat pa sa pasimula ng paglikha, ‘GINAWA SILA ng Diyos NA LALAKI AT BABAE.” Marcos 10:6. “Sumagot si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan na sa simula pa lang, nang likhain ng Dios ang mundo, ‘GINAWA NIYA ANG TAO NA LALAKI AT BABAE?” Mateo 19:4. Kapag ang mga babae ay nagsuot ng damit panlalaki, o magkaroon ng buhok o trabahong  hindi pambabae o panlalaki, itinatanggi nila ang katotohanang nilikha ng Diyos na kakaiba at espesyal ang kababaihan. Hindi dapat tayo mahiya kung paano tayo nilikha, ngunit hanapin ang ligayang taglay ng pagiging perpektong nilikha ng Diyos bilang isang babae.

Panlalaki. Ang mga lalaki ay nilikha upang maging lalaki. Tayo, bilang mga asawang babae, ay dapat ieangganyo at sumang ayon sa pagkalalaki ng ating mga asawa. Dapat ay alam niyang ikaw ay maligaya na siya ay lalaki. Sa ating lipunan, ag pagkalalaki n gating mga asawa ay inaatake. Dahil sa kasanayang ito sa ating lipunan, sinubukan nating baguhin ang ating mga asawa upang maging makababae. Gayunpaman, may pagkakaiba ang isang makababaeng lalaki at isang maginoong lalaki. Ang salitang maginoo ay tinanggal na sa ating bokabularyo upang maisakatuparan ang adhikain ng mga makababaeng samahan. Ang isang tunay na maginoo ay tinatawag na ngayong isang lalaking makasarili. Sa halip na maginoo, ang ating lipunan ay napupuno ng mga binabaeng lalaki! “Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga masasamang tao ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos? Huwag kayong padaya! Ang mga mapakiapid, mga sumasamba sa diyus-diyosan, mga mangangalunya, mga binabae… ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.” 1 Corinto 6:9-10. Kapag sinubukan mong pilitin ang asawang mong kumilos ng gaya ng sa iyo,anong halimbawa ang tutularan ng mga anak mo? Ang kalakasan ay isang magandang katangian ng isang lalaki.

Halimbawa: Si Julie ang nagsusuot ng pantalon sa kanilang pamilya, kaya siya ay nasusuka sa kahinaang lalaki ng kaniyang asawa. Biniyayaan siya ng Diyos ng anak na lalaki, ngunit, habang tinutulungan ng kaniyang asawa na mabuo ang pagkalalaki nito, pinipigilan niya ang mga uri ng pampalakasan o ibang laruang panlalaki na tingin niya ay makasasakit rito.  Mayroong kaunting pagkakaiba ang kaniyang anak na lalaki at mga babae. sa halip, ang mga babae ay mas agresibo at magiging pinuno rin ng kanilang mga tahanan balang araw.

Pambabae. Ang ilang denominasyon ay nagtuturo na ang mga babae ay dapat nakatakip ang mga ulo, nananatiling mahaba ang buhok, at/o nagsusuot lamang ng bestida. Ang Restore Ministries ay hindi nagnanais na magkaroon ng dibisyon tungkol sa mga ganitong klaseng usapin. “Kung nagtuturo ang sinuman ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga tunay na salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa pagiging maka-Diyos, siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at masasamang hinala….” 1 Timoteo 6:3-4. Ang aming ministeryo ay nabuo upang mabuo ang mga pamilya at mapalakas ang samahan ng mag-asawa. Kaming mga kababaihan ay alam na habang kami ay   nananalangin sa Panginoon na kami ay pamunuan sa pamamagitan ng aming mga asawa, at hubugin at akayin ang aming mga puso, Siya ay matapat. Manalangin para sa direksyon ng Panginoon. Maging handa na sumunod sa Panginoon habang ikaw ay inaakay Niya sa pamamagitan ng iyong asawa. Ang ibang mga babae ay nagnanais na gumawa ng higit pa kaysa rito. Gumalaw ng may kabagalan at maging maingat na maging masyadong legalistiko. Ang pananamit at buhok ay mababago: ngunit, kung walang tunay na pagbabago sa kalooban, sino ang ating niloloko? Habang tayo ay naglalakbay patungo sa papel na idinesenyo ng Diyos para sa atin kasama ang ating pagsunod at pananalig, ang ating panlabas na anyo ay magbabago narin kung kinakailangan.

Halimbawa: Si Leah* ay ang uri ng babae na tipong kinaiingitan. Pagkatapos ang bawat panganganak, kaya niyang makaalis ng ospital gamit ang parehas na pantalong maong kaniyang naisusuot bago magbuntis. Ang kaniyang buhok ay maiksi at lagging sunod sa uso. Hindi siya pumapayag na makaabala ang kaniyang anak sa kaniyang mga libangan at layunin. Kahit pa hiniling ng kaniyang asawa, hindi niya tinuturuan sa bahay ang kanilang mhga anak dahil gusto niya ang kaniyang kalayaan. Gayunpaman, ang kanyang relasyon sa kaniyang asawa ay tila kakaiba.  Ito ay tila pagkakaibigan kaysa sa pagsasama ng mag-asawa (hindi sa hindi dapat tayo makipag-kaibigan sa ating mga asawa). Makikita mo siyang tila paharot na sinusuntok ang kaniyang asawasa braso o hinahampas ito sa likod. Dahil sa maiksing buhok niya, kasama ang kaniyang estilo sa pananamit, maraming beses siyang napagkakamalang anak na lalaki ng kaniyang asawa.

Ginupit ang kaniyang buhok. Sinabi ba ng iyong asawa na pahabain mo ang iyong buhok? O sinabi ba niya sayo na kaaya-aya kang pagmasdan sa isa sa nauusong gupit? Kung may sinabi siya sa iyo tungkol sa iyong buhok, sundin ito. Dapat mong ilagay ang iyong asawa sa posisyon ng kapangyarihan kaysa sa iyo.

Tayo ay kadalasang nabobomba ng ating mga kaibigan na nagsasabi ng salungat sa sinasabi ng ating asawa. Kapag ang ilan sa atin ay nagpasakop, maaaring sa pagpapahaba ng ating buhok, tayo  ay daaraan sa nakakaasiwang punto ng pagpapahaba nito. Tayo ay magmamaktol, at magpapaubaya ang ating mga asawa  at tayo ay magpapagupit muli. Kung hiniling ng ating mga asawa na magpahaba tayo ng buhok, eto ang mga Banl na Kasulatan para ating sanggunian: “Kung ayaw magtakip ng ulo ang isang babae, magpaputol na lang siya ng buhok. Ngunit kahiya-hiya naman sa babae ang magpaputol ng buhok o magpakalbo, kaya dapat siyang magtakip ng ulo.” 1 Corinto 11:6. At, 1 Corinto  11:15. “Subalit kung ang babae ay may mahabang buhok, ito ay kanyang karangalan? Sapagkat ang kanyang buhok ay ibinigay sa kanya na pantakip.” Mga babae, hindi pinag-uusapan rito ang haba ng ating buhok, ngunit ang pagsunod sa kapangyarihan ng ating asawa at proteksiyon para sa atin. Ang ating mga asawa ay hindib maaaring mamuno kung walang susunod! At kung hindi  mo  siya susundin, huwag kang umasang sundin din ng iyong mga anak!!

Halimbawa: Mayroon akong kaibigang gustong gusto ang aklat gawaing ito: gayunpaman, may isang bahagi ng rebelyon na nagpapatuloy hanggang sa araw na ito. Ito ang sinabi sa Banal na Kasulatan sa Santiago 1:25 tungkol sa pagiging “…ang taong gumagawa at hindi siya katulad ng nakikinig lamang.’ Ang kaniyang asawa ay ang tipo ng lalaki na gusto ng mahabang buhok na nakalugay lamang, walang kolorete, at ordinaryong pananamit. Kapag ang asawa niya ay narito, ganito ang kankiyang itsura; gayunpaman, alam kong wala ang kaniyang asawa. Ang kaniyang buhok ay nakataas, siya ay naglalagay ng kolorete at nababago ang kaniyang pananamit. Kapag sinasabi ng iba na maganda siya, maaaring hindi nila alam ang gusto nito. Siya ay nabiyayaan ng malaking pamilya ngunit ang rebelyon ay laganap. Hindi ko n asana kailangang ipaliwanag sa inyo kung bakit.

Ang aking asawang si Dan, sa kabilang banda, ay nais ng maraming kolorete, nakagayak ang aking mga kuko at maiksi at nasa uso ang aking buhok. Bago ko nakilala ang aking asawa, ako ay simpleng babae lamang. Sa loob ng maraming taon ay mahaba ang aking buhok ako hanggang sa nagkasakit ang aking kapatid na lalaki ng lukemya. Kakapanganak ko pa lamang noon sa aking ikatlong anak na lalaki at kinakailangan ng aking kapatid ng kaunting dugo mula sa akin para magamit sa pag-uuri ng himaymay ng para sa pagsasalin ng bulalo sa kanya. Pagkalipas ng ilang araw, nalalagas unti-unti ang aking buhok! Sinabi ng aking mga doctor  na ang pagbibigay ng dugo ay kalabisan na para sa aking pangangatawan, at nireekomendang akin itong gupitin. Sinabi nilaa sa akin na ang bigat ng aking buhok ang magdudulot para malagas lahat ng ito. Noong ginupit koi to hanggang balikat, nagustuhan ito ng aking asawa!

Napanatiling ganito ito sa loob ng maraming taon, ngunit pagkatapos kong makita ang mga Banal na Kasulatan ukol sa buhok na siyang korona ng babae, pinahaba kong muli ito. Kung hindi nasabi sa akin ang tungkol sa “katwiran sa mahabang-buhok” (Upang maunawaan ang terminong katwiran sa mahabang-buhok, tignan ang talata sa “Unahing linisin ang kalooban” sa ibaba) kaya ako ay muling nagpagupit. Ngunit bago ko gawin, gayunpaman, tinanong ko ang aking asawa. Sinabi niya sa akin na nagustuhan niya ang maiksing buhok ko ngunit hindi niya kailanman binanggit sa akin. Sa aking pagbalik tanaw, maaaring aking nahulaan ngunit hindi ko lubusang nakuha ang mensahe. Tila mas natagalan ang aking paggising kumpara sa iba!

Ngayon ako ay maingat na sa aking pananamit at kung paano ko aayusin ang aking buhok para sa kaniya. Dahil ako ay kuwarenta na, may mga uban na ako at hilig kong kulayan ang aking buhok. Gayunpaman, sinabi niyang gusto niyang manatili itong ganito. Kaya, paalam, Miss Clairol! Ulat: simula ng isinulat ko ang bahaging ito ng aklat gawain, gusto ni Dan ang pagkakaroon ng pulang buhok. Mga kababaihan, huwag magpakampante o manatili kung trabaho nating sundin ang ating mga mister!

Tandaan: Mga babae, hindi lamang ako may “katwiran sa mahabang buhok” ngunit mayroon rin akong “katwiran sa pagtuturo sa bahay, “katwiran sa panganganak sa bahay”, “katwiran sa pagsusuot lamang ng palda.” Ngunit purihin ang Panginoon, inayos niya ang bawat bahagi ng aking “sariling katwiran”. Mga kababaihan, hanapin sa puso ninyo at aminin sa Panginoon kung may bahid ng sariling katwiran sa inyong buhay. Sa mga pagkakataong iniisip nating tayo ay mas magaling sa kahit na kanino, tayo ay makasarili. Ang pagiging makasarili ay isang malalang uri ng pagmamataas na ipinapamalas ng mga Pariseo. Habang ako ay nagbabalik tanaw, iniisip ko kung paano ako nakaramdam ng pagyayabang. Ang aking Panginoon ang nagpakita sa akin ng Katotohanan, at Siya ang nagbigay ng biyaya na mamuhay gamit ang Katotohanang ito sa aking buhay. Ipinakita muli nito sa akin na tuwing ako ay nagpamalas ng “pagiging makasariling” espiritu at pag-uugali, ako ay isang hangal!

Itinago niya ang puso. Isa pang bagay patungkol sa buhok. Maraming beses na nakararamdam ako na ang espiritu ng rebelyon na nagsisimulang umangat sa mga kababaihan sa gitna ng galit o pagkainis habang kanilang sinasabi, “Nais ko lamang pagupitan (ang kanilang buhok) ito!” Hindi mahalaga sa Diyos ang ating sinasabi o ginagawa, dahil ito ay ating panlabas na anyo. Ang Diyos ay interesado sa ating puso. Kamusta ang iyong puso? Ang iyong puso ba ay matigas tungo sa iyong asawa o matigas sa iyong paniniwala bilang isang babae? Bawat isa sa atin ay nangangailangang suriin an gating mga puso. “…Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso…” 1 Pedro 3:4.

Unahing linisin ang kalooban. Ang puso ng isang Pariseo ay puno ng pagmamalaki. Ang mga Pariseo ay nagtago ng masasamang saloobin at puso sa likod ng kanilang kasuotan. Ako ay nakatagpo ng mga kababaihang nagsusuot ng mga banal na kasuotan, minsan ay nakatakip sa kanilang ulo. Gayunpaman, taliwas ang panlabas nila sa kalooban. “Mga bulag na Pariseo! Linisin muna ninyo ang loob ng tasa at baso, at magiging malinis din ang labas nito.” Mateo 23:26. Ako ay nabigla sa espritwal na kayabangang ipinapamalas ng mga kababaihang ito sa mga hindi nagdadamit tulad nila, hindi nagtatakip ng kanilang mga ulo, o nagsusuot ng pantalon . Kung iyong hahamakin ang mga hindi nagdadamit ng banal katulad mo, ikaw din ay isang Pariseong tulad ko.

Hinatulan ako ng Panginoon tungkol sa aking “katwiran sa mahabang buhok.” Tila ako ay naging mayabang. Banal ang tingin ko sa mga babaeng may mahahabang buhok.  At ng may panghuhusga sa aking puso, aking minamata ang mga babaeng may maiiksing buhok bilang hindi banal o masasama. Tila, sa aking karanasan sa pakikitungo at pagpapayo, napag-alaman kong ang may mga mahahabang buhok, mahabang bestida, at ang mga ganitong uri ay talagang masama ang kalooban.

Sa oras na tayo ay nanghuhusga ng kapwa dahil sa kanilang panlabas na anyo ay nalilinlang tayo. Ang kasabihang “huwag kang manghusga sa panlabas na anyo” ay tama, “…Huwag mong tingnan ang kanyang mukha…sapagkat itinakuwil ko siya; Sapagkat hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, ngunit ang PANGINOON ay tumitingin sa puso.” 1 Samuel 16:7. Ang ilan sa mga pinakamapagmahal na puso na aking nakilala ay ang mga bagong na Kristiyanong naipanganak muli na pag minsan ay nagdaramit ng mahalay; ngunit, ang kanilang puso ay nag-uumapaw sa pa-ibig ng Panginoon. Ito ang mga kaibigan ni Hesus, huwag nating kalilimutan si Maria Magdalena.

Kahihiyan sa halip na kagandahan. “Sa araw na iyon ay aalisin ng Panginoon ang mga hiyas…Sa halip na maiinam na pabango ay kabulukan; at sa halip na pamigkis ay lubid; at sa halip na ayos na buhok at kakalbuhan;    at sa halip na pamigkis na maganda ay pamigkis na damit-sako; At  kahihiyan sa halip na kagandahan.” Isaias 3:18, 24. Ang pumapasok sa aking isipan tuwing naririnig ko ang kahihiyan ay ang pagpapatattoo.  Ako ay patuloy paring namamangha kung gaano kasikat ito sa mga kabataan. Makikita rin natin ang sa mga bata ang butas “kahit saan”. Ikaw ba ay isang ina na nagbibigay ng pahintulot sa iyong anak na lalaki o babae na magpa tattoo o magpabutas sa katawan?

Kapag sinabi mong hindi sila makikinig sa iyo kahit pa sila ay pigilan mo, kailangan mong lumuhod sa harap ng Panginoon at hilingin sa Kaniyang tulungan kang makuha ang respetong itinapon mo. Ang iyong mga anak ay pinapaligiran di hamak ng mga hangal o hindi nila maiisip na gumawa ng isang bagay na salbahe at permanente. Sila ba ay nasa pampublikong paaralan? May telebisyon ba sa inyong bahay (o ang dapat kong itanomg, MTV, patawarin ako ng Langit!) Ang iyong nga anak ba ay nagpapalipas ng kanilang oras sa bahay ng kaibigan — dapat paba akong magpatuloy? Pakiusap basahin ang Ika-14 na aralin, “Mga Turo ng Iyong Ina” upang makakuha ng kaalaman na kinakailangan upang mailigtas mo ang iyong pamilya mula sa imoral na lipunan.

Kung ang maluwag na kaisipan ng iyong asawa ang dumdungis sa inyong tahanan, kailangan mong itigil ang pagsesermon sa kaniya at hayaan ang Diyos na baguhin ang iyong mister. Basahin ang Ika-5 aralin, “Napanalunan ng Hindi Nagsasalita.” Kung patuloy mo siyang gigipitin, hindi mo siya napapanalunan ng hindi nagsasalita at hindi magalang ang iyong pag-uugali.

Damit pang lalaki o damit pambabae. “Ang babae ay huwag mananamit ng nauukol sa lalaki, ni ang lalaki ay magsusuot ng damit ng babae; sapagkat sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa PANGINOON mong Diyos.” Deuteronomio 22:5. Alam nating lahat na ang pananamit natin ay nagdudulot upang gumalaw tayo ng kakaiba. Mga kababaihan, ano ang inyong sinsuot kapag gumagawa sa bahay, pantalon at blusa ba o bestida na may epron?

Ngunit, sino sa atin ang hindi nagmakaawa sa ating mga asawa na magpunta sa mga pormal na okasyon upang makapagbihis lamang tayo ng maganda? Kapag ang batang babae ay nagsusuot ng bestida, ang kaniyang pagkababae ay lumalabas sa tuwing siya ay umiikot suot ito. Kapag tayo ay nagsuot ng epron, mas nais nating manatili sa kusina at gumawa ng biskwit. Ang damit talaga ang “gumagawa sa tao.”

Mga kababaihan, napansin nyo ba na maraming nakatatandang babae ang nagdadamit kung saan sila komportable? Karamihan, taglay ang kanilang maiiksing buhok, maong na pantalon at ay pangpalakasan na sapatos pang tennis, katulad na ng kanilang mga asawa. Makikita mo ito kahit sa mga magagarang kainan. Ang ating mga pamamaraan ay naipapakita sa ating insinusuot.

Mayroon ding mga kababaihang ang uniporme sa trabaho ay panlalaki, at may kurbata pa. Hindi ba nakapagtataka kung bakit ang kababaihan ang pinagsusuot ng damit ng mga lalaki at hindi sila? Bakit? Dahil ayaw ito ng mga lalaki!

Sinubukan ba ng iyong asawa na ingatan kang magmukhang hangal ngunit itinatwa mo ang proteksiyong ito? Sinabi ba sa iyo ng ibang babae na ang iyong asawa ay makasariling baboy sa pakikialam sa iyo, kung ang Diyos naman talaga ang nag-iingat sa iyo? Mga Kababaihan, ito na ang panahon na tayong mga Kristiyanong babae ay magpasailalim sa proteksiyon; ito ang mga prinsipyo ng Diyos! Kailangan nating sundin ang mga prinsipyo Niya at ituro ito sa ating mga anak at huwga mahiyang magsabi ng Katotohanan sa ating mga kaibigan at pamilya. Kung ang mga Prinsipyong ito ay hindi sinusunod dahil sa hindi nila alam o rebelyon, ngayon ang panahon upang maging kalugod-lugod tayo. “Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tama ang paggamit sa salita ng katotohanan.” 2 Timoteo 2:15. Atin bang iaangat ang mga napapahamak  dahil sa kamangmangan? “Napapahamak ang aking mga mamamayan dahil kulang ang kaalaman nila tungkol sa akin. Sapagkat kayo mismong mga pari ay tinanggihan ang kaalamang ito…” Oseas 4:6. Kung ang iyong asawa ang humihiling sa iyo na magdamit ng hindi naaangkop pakiusap basahin ang Ika-7 aralin, “Ang iyong Mahinhin at Magalang Na Pag-uugali.”

Mainam na kasuotan o sako. “Sa araw na iyon ay aalisin ng Panginoon ang mga hiyas…Sa halip na maiinam na pabango ay kabulukan; at sa halip na pamigkis ay lubid, at sa halip na ayos na buhok ay kakalbuhan; at sa halip na pamigkis na maganda ay pamigkis na damit-sako;  kahihiyan sa halip na kagandahan.” Isaias 3:18, 24. Ang bersikulong ito mula sa Isaias ay tila isang uri ng kasuotan na inaasahang suot natin dapat. Kayo ba ay hindi nagtataka kung bakit hindi nagbabago ng husto ang pananamit ng mga kalalakihan? Dahil hindi nila ito tatangkilikin! Hinahayaan nilang paglaruan ng mga taga disenyo ng damit ang haba ng kanilang kurbata at mga mga sulapa ng kanilang amerikana, minsan nababago ang uri ng tela, ngunit kung gagawin nilang hangal ang itsura ng mga lalaki, hindi nila ito susuotin. Oo, “susuotin” laban sa bibilhin ito; ang mga kahangalang kasuotan na lumalabas para sa mga lalaki, na hindi nasusuot, ay binibili ng mga asawang babae para sa kanilang asawa. Minsan sila ay “pumapayag” at nagsusuot nito, at pagtapos ay mananatili na itong nakatago sa loob ng maraming taon!

Pagbalik sa kaniyang puso. Paano kung nais ng iyong na magkaroon ka ng maiksing buhok o magsuot ng hindi naaangkop na damit? Ikaw ay dapat na manalangin na baguhin ng Panginoon ang kaniyang puso.  “Ang puso ng hari ay nasa kamay ng PANGINOON na parang batis ng tubig; ibinabaling niya ito saanman niya ibig.” Mga Kawikaan 21:1. Manatili sa ilalim ng kaniyang kapangyarihan at tignan kung paano gagalaw ang  Panginoon para sa iyong kapakanan.

Kung susumahin:

Hayaan ang lalaki magpakalalaki. Hindi ikaw ang kaniyang ina, hindi ikaw ang kaniyang konsensya, hindi ikaw ang kaniyang guro, at hindi rin ikaw ang kaniyang espiritu santo! Mahalagang maunawaan mo na:

  1. Ang lalaki ay may ibang reaksyon at pagkilos.
  2. Ang lalaki ay mas pisikal kaysa sa babae.
  3. Ang lalaki ay mas agresibo talaga.

Ating sikapin na maging mas babae. Magsimulang “alisin” ang dating ikaw at “gawin” ang mga bagong pamamaraan na ipapakita sa iyo ng Diyos.

  1. Ang iyong espiritu – banayad at tahimik.
  2. Ang iyong pag-uugali – magalang, mapagkumbaba.
  3. Ang iyong pananalita – may karunungan at kabaitan.
  4. Ang iyong pananamit – pambabae.
  5. Ang iyong buhok – pambabae, maaaring mas mahaba (ang elegante ay laging nasa uso!)
  6. Ang iyong pinagkakaabalahan sa loob at labas ng tahanan. Tignan ang listahan ng mga gawain na makikita sa Tito 2 at Mga Kawikaan 31.

Tayo ay Isang Laman

Iiwan ang kaniyang ama at ina. “ ‘ DAHIL DITO, IIWAN NG LALAKI ANG KANYANG AMA AT INA, AT MAGSASAMA SILA NG KANYANG ASAWA; AT SILANG DALAWA AY MAGIGING ISA.”’ Mateo 19:5. “Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Dios.” Mateo 19:6. Hindi tintukoy dito ang pisikal na paglisan, dahil alam naman natin sa Lumang Tipan ang mga pamilya ay nagsasama sama sa iisang bubong. Ang sinasabi ng Banal na Kasulatang ito ay ang paglisang emosyonal at mentalidad. Ito ay ang paglipat ng lalaki ng katapatan mula sa magulang patungo sa kaniyang misis. Nararamdaman mo bang wala ang kalapitan nais ng Diyos para sa pagsasama ninyong mag-asawa? Tila ba ang mga desisyon ng iyong asawa ay base sa nais at hindi nais ng kaniyang mga magulang? Ito ay maaaring dahil ang iyong asawa ay hindi pa napapalaya ng kaniyang mga magulang. Ang isang lalaki ay dapat iwan ang kaniyang mga magulang bago siya maging isa sa kaniyang misis.

Sasama sa kaniyang asawa. “Kaya't iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ang kanyang ina, at pumipisan sa kanyang asawa; at sila'y nagiging isang laman.” Genesis 2:24. “ Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at makikisama sa kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman.” Mateo 19:5. Ang pagpisan ay ipinaliwanag bilang “isang desperadong pagkapit.” Ito ay malinaw na hindi nangyayari ngayon, dahil napakaraming lalaki ang nang-iiwan sa kanilang mga asawa. Ano ang dapat mong gawin kung ang iyong asawa ay nagnanais pa ring makuha ang pagsang-ayon ng kaniyang pamilya na dapat niya ng iniwanan? Ngunit paano ang pag-galang sa iyong ama at ina? Kailangan nating parangalan ang ating mga magulang, kahit pa tayo ay tumanda na at sila ay nagka-edad narin. Ngunit malinaw, sinabi sa Banal na Kasulatan na, tayo ay dapat na magpasakop sa ating asawa at ang mga asawa natin ay dapat tayong parangalan bilang kanilang mga maybahay.

Bigyan siya ng karangalan. “Gayundin naman kayong mga lalaki, maging mapagbigay kayo sa inyu-inyong mga asawa sa inyong pagsasama, na binibigyan ng karangalan ang babae bilang isang mas marupok na sisidlan, yamang sila man ay tagapagmana rin ng biyaya ng buhay, upang walang makahadlang sa inyong mga panalangin.” 1 Pedro 3:7. Kung ang mister ay nahahati mula sa naiisip o nararamdaman ng kaniyang misis o sa naiisip o nararamdaman nga kaniyang magulang, ano ang kailangan niyang gawin? Sino ang kaniyang paparangalan? Sinabi ni Hesus sa atin, at kinuha niya ito mulas sa Genesis, “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at makikisama sa kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman.” Mateo 19:5. Sinabi rin niyang “Kaya, hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinagsama nga ng Diyos, ay huwag papaghiwalayin ng tao.” Mateo 19:6.  Kaya hindi kailanman mali na iyong hangarin na  gustuhing parangalan ka ng iyong asawa o siya ay kumakapit sa iyo.

Ang dahilan kung bakit hindi lubusang kumakapit ang mga lalaki sa kanilang mga asawa ay dahil sa hindi sila pinayagang “umalis” ng kanilang ama at ina. Oo, unalis sila sa bahay, ngunit nananatili silang nakabigkis dahil hindi sila pinapakawalan ng kanilang mga magulang. Bawat kampo ba  ng mga magulang ay nagkasundo noong kayo ay ikasalng asawa mo? Kung hindi, mayroong paring koneksyon na nananatiling nakakabit.

Noong wala si Dan (bago niya ako diborsyohin), naramdaman kong kailangan kong kausapin ang aking mga byenan (sila ay diborsyado nadin). Ako ay humingi ng tawad dahil hindi ko hiningi ang kanilang basbas bago kami maikasal. Hiniling ko na patawarin nila ako dahil hindi ako naging mabuting asawa kay Dan at manugang sa kanila. Pagkatapos ay tinanong ko kung ako ba ay nasa posisyon na pakasalan muli si Dan ay nais kong malaman kung bibigyan ba nila ako ng basbas. Sinabi nila pareho na pumapayag sila at mahal nila ako (ito ang kauna-unahang beses). [Gayunpaman, kapwa nila sinabi sa akin na duda silang magkakabalikan kami muli! Hay, huwag maliitin ang kapangyarihan ng Diyos!]

Kung kayo ay hiwalay at diborsyado, pakiusap sundan ang aking halimbawa. Gayunpaman, kung kayo ay nabiyayaan ng pagkakataon na kasamang manirahan sa bahay ang inyong mister, hayaan siyang gumawa ng hakbang sa kaniyang mga magulang o humingi ng permiso sa kanya na gawin ito. Kung ayaw niya, manalangin sa Panginoon upang kumilos.

Kung may yumao na sa mga magulang, magdasal na putulin ng Diyos ang ugnayang ito at hingin sa Makalangit na Ama ang basbas para sa pagsasama ninyong mag-asawa.

Kung ang iyong nga magulang, lalo ang mga magulang ng iyong mister, ay manatili sa hindi pagsalungat kahit pa matapos ka ng humingi ng tawad sa iyong kasalanan hindi ka nagbigay dangal sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakasal ng laban sa kanilang kagustuhan, maaaring kinakailangan ng iyong mister na gumawa ng mas marahas na hakbang.

Testimonya: Iniwan si Monica* ng kanyang asawa para sa ibang babae, ngunit pagtapos ng halos dalawang tao, purihin ang Panginoon, siya ay bumalik sa kanilang tahanan. Gayunpaman, marami pa ring malalaking pagsubok, na nagmula sa pamilya ng kanyang mister. Ang mga magulang nito ay matigas na tumatanggi sa pamamaraan nila, bilang mag-asawa, sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Ang ina nito ay nagpapadala ng mga matatamis kapag undas, kuneho ng Pagkabuhay at pamaskong regalo na lumuluwalhati kay Santa at ibang regalo na nagbabalewala sa prinsipyo ng kanilang pamilya. Sinubukan ng asawa ni Monica na ipaliwanag ang malakas na paniniwalang Kristiyano sa kanyang hindi nailigtas na ama at Kristiyanong ina, ngunit tila imposible na mangatwiran sa kanyang mga magulang. Idagdag pa rito, kahit pa estado ang layo ng tirahan nila sa isat-isa, mayroong tawag kada linggo mula sa bawat magulang, na nagdudulot upang mawalan ng pag-asa ang asawa ni Monica. Ang mga magulang nito, at kahit pa ang kanyang kuya, ay nagpatuloy sa pagkontrol, pagmanipula at pananakot sa kaniya kahit pa ilang taon na siyang may asawa.

Nagulat at nag-alala si Monica noong sinabi ng kanyang asawa na puputulin na nito ang lahat ng komunikasyon sa kanyang magulang. Pakiramdam nya ay may kasalanan sya ngunit, siniguro ng kanyang asawa na ito ay pansariling desisyon nya at kailangan niyang gawin ito upang mas makapaglaan ng pansin sa kanilang relasyon.

Pagtapos ang halos pitong buwan, inulat ni Monica na siya at ang kayang asawa ay ngaing mas malapit sa pagiging isang-laman kaysa noon. Hindi niya kinwestyon o ginipit ang kanyang asawa na tawagan ang mga magulang nito, o hinayaan ang maling konsensya na nakawan sya ng biyaya ng pagsama ng kaniyang mister sa kanya bilang asawa at misis.

Iisang laman. “Kaya't pinatulog nang mahimbing ng PANGINOONG Diyos ang lalaki, at habang siya'y natutulog, kinuha niya ang isa sa kanyang mga tadyang at pinaghilom ang laman sa lugar na iyon;  at ang tadyang na kinuha ng PANGINOONG Diyos sa lalaki ay ginawang isang babae, at dinala siya sa lalaki.At sinabi ng lalaki, ‘Sa wakas, ito'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman. Siya'y tatawaging Babae, sapagkat sa Lalaki siya kinuha.’” Genesis 2:21-23. “AT ANG DALAWA AY MAGIGING ISANG LAMAN; Kaya't hindi na sila dalawa, kundi isang laman.” Marcos 10:8. “Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Mateo 19:6. Ang pagiging isang laman ay halimbawa kapag tayo ay nakikipagtalik sa ating mga asawa. Ngunit, idagdag pa rito sa pagiging isa sa pisikal, kailagan din nating makipagkaisa sa ating mga asawa sa emosyon, espiritwal at mental.

Ikaw at ang iyong mister ba ay mayroong parehas na ambisyon at direksyon? Maraming babae ang nagpupunta para sa pagpapanumbalik ng kanilang pagsasama sa kanilang asawa dahil sa kanilang mister, dahil siya ay lumisan para sumama sa ibang babae, at nagsasabing ang misis nya ay mayroong ibang a,bishon kaysa sa kanya. Ikaw ba ay nagpapahintullt o nagdudulot ng dibisyon sa inyong tahanan? Ikaw ba ay lumaban sa, nagtulak o nagmanipula sa iyong asawa na habukin ang isang karera o titulo na maaaring magdulot ng dibisyon sa inyong pagsasama? O maaaring ang hindi pagiging kuntento sa kanyang kinikita? Nilikha ng Diyos ang mga babae upang makatulong at kumupleto sa lalaki. Sa oras na mangyari ang kasal, hindi na sila “dalawa kundi isang laman.” Ito ay nangangahulugang mamumuhay na silang magkasama, hindi bilang “magkasama sa silid” kung saan mayroon silang magkaibang buhay. Kung ang iyong asawa ay ang nagsusulong ng dibisyon, magdasal. Si Satanas ay nag-iikot upang maghanap ng lalamuning pagsasama ng mag-asawa. Sa oras na magkaroon ng dibisyom, hindi na ito makatitindig. (Mateo 12:25, Marcos 3:25, Lucas 11:17).

Ito ay karumal-dumal. Ang pisikal na pagiging “isang-laman” ay maaari lamang magawa ng isang babae at lalaki. Mayroong kakulangan sa buhay ng isang babae na mapupunan lamang ng kanyang asawa. Nilikha tayo ng Diyos bilang lalaki at babae upang magkaroon ng bunga ang ating pagsasamama, na magiging mga anak natin. Ang kabaklaan ay kasalanan. Ito ay karumal-dumal sa Panginoon. Kailangan nating baguhin ang ating kaisipan at sumang-ayon sa mga nasusulat sa Banal na Kasulatan. “Huwag kang sisiping sa lalaki na gaya ng pagsiping mo sa babae: ito ay karumaldumal.” Levitico 18:22.  Tayong mga Kristiyano ay kailangang sumang-ayon sa usaping ito upang manindigan sa Katotohanan. Kailangan nating mamuhay ng walang kompromiso, upang maiwasan natin ang salawahang kaisipan. “Kinasusuklaman ko ang mga taong may salawahang kaisipan, ngunit iniibig ko ang iyong kautusan.” Mga Awit 119:113. “…siya ay isang taong nagdadalawang isip, di-matatag sa lahat ng kanyang mga lakad.” Santiago 1:8. “Lumapit kayo sa Diyos, at siya'y lalapit sa inyo. Maglinis kayo ng inyong mga kamay, mga makasalanan, at pabanalin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang pag-iisip.” Santiago 4:8. Hindi maaaring maligamgam tayo sa isang bagay na kasuklam suklan sa Diyos. (Tignan ang Ika 12 Aralin, “Mga Bunga ng Sinapupunan,” dahil “Ang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman; sapagkat itinakuwil mo ang kaalaman… Oseas 4:6.)

Kailangan ng lalaki ang babae. Ang pagsasama ng iisang laman ay nagbubunga ng mga anak. Kailangan ding magbunga ang emosyonal at mental na pagsasama natin, ang laman ng ating mga puso at kagustuhan. Nilikha ng Diyos ang babae na may mga pangangailangan at ang lalaki ding may mga pangangailangan. Ang kakulangan sa ating buhay at sa buhay ng ating mga asawa ay nagdudulot ng trabahong kailangan punuan sa pang-araw araw na pamumuhay.  Kung ating pupunuan ang mga pagkukulang na ito bukod sa ating asawa, unti unting masisira at magkakamali. At habang patuloy nating pinupunan ang kakulangan ng bawat isa, mas lalong masisira ang relasyon. Hindi naglaon makikita nating wala na tayong kinakapitan. Ang mga peminista ay nagtutulak sa ating mga misis na gampanan an gating sariling pangangailangan gayon din an gating mga mister. Naniwala tayo sa kasinungalingang hindi magandang umasa sa isat-isa. Ang pagdepende ang nagging dahilan upang magkasakit tayo ng pagiging palaasa kung saan dapat tayo ay gamutin. “Gayunman, sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae. Sapagkat kung paanong ang babae ay mula sa lalaki…” 1 Corinto 11:11-12. Nilikha ng Diyos ang kakulangan sa atin na mapupunuan lamang (dapat) ng ating mga asawa. Kapag ating nilabag ang pamamaraan ng Diyos, tayo ay aani ng mga bunga. Ang mga lalaki ay ang dapat na tumutustos at ang ating tagapag-tanggol. Sila ang ating espiritwal na pinuno at ama ng ating mga anak. Ang papel natin bilang asawa, na dinesenyo ng ating Lumikha, ay ang maging katulong ng ating asawa sa pagdadalang tao, pag-aalaga at pagtuturo sa ating mga anak. Kailangan tayong magbigay ng ginhawa sa ating mga asawa at anak. Kailangan nating maghanda ng pagkain para sa pamilya at magpanatili ng malinis na tahanan para sa pamilya.

Sa mabigat na paggawa. “At kay Adan ay kanyang sinabi, ‘Sapagkat nakinig ka sa tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punungkahoy na aking iniutos sa iyo na, ‘Huwag kang kakain niyon,’ sumpain ang lupa dahil sa iyo. Kakain ka mula sa kanya sa pamamagitan ng iyong mabigat na paggawa sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.” Genesis 3:17. Pagkatapos ng pagbagsak ng lalaki, ang lalaki at babae ay kapwa binigyan ng parusa; ang babae ay naghihirap sa panganganak at ang lalaki ay sa mabigat na pagtatrabaho. Kaya bakit ang parusa ng lalaki ay pinagsasaluhan na ngayon ng lalaki at babae? Dahil karamihan sa atin ay namumuhay ng mas mataas kaysa sa ating kakayanan. Kung ang misis ay may ibang karera maliban sa kanyang tahanan at mga anak, nagkakahiwalay ang hilig ng mag-asawa at magiging malaya sila mula sa isat-isa. “Ang bawat kahariang nahahati laban sa kanyang sarili ay mawawasak; at ang bawat lunsod o bahay na nahahati laban sa kanyang sarili ay hindi makakatayo.” Mateo 12:25. (Tignan ang Ika-13 aralin, “Mga Pamamaraam ng Kanyang Tahanan,” dahil “Ang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman; sapagkat itinakuwil mo ang kaalaman… Oseas 4:6).

Taga-pagligtas. Kapag ipinagtatanggol nating mga babae ang ating mga sarili dahil nararamdaman nating kaya nating “lumaban para sa ating mga giyera,” bakit natin kakailanganin ang isang asawa? Hindi ba ikaw ang nagsabi sa tinder na pabayaan ka o nagpaalis ng lalaki sa pintuan – malamang, ng mas matapang kaysa sa gagawin dapat ng iyong asawa? Nakalimutan naba ng iyong asawa na magpakalalaki simula ng maikasal kayo? Sino ang tunay na nagsusuot ng pantalon sa pamilya? Sino ang tunay na mas malakas? Kapag sinabi ba ng iyong asawa na maghinay-hinay ka o huminto ka, sinasabi mo ba sa kanyang huwag kang pakialaman, o mas malala? Ngunit ito ay kanyang buhay din. Ang lalaki ang pinuno ng kaniyang asawang babae, upang ingatan sya at ang kanilang mga anak. Kaya ano ang ginagawa ng ating mga asawa kapag tayo ay nagpatuloy sa pakikialam? Sila ay sumusuko, dahil ayaw na nila ng panibagong away! Sila ay namumuhay ng may palaaway na asawa. “Ang patuloy na pagtulo sa araw na maulan at ang babaing palaaway ay magkahalintulad; ang pagpigil sa babaing iyon[a] ay pagpigil sa hangin,  o paghawak ng langis sa kanyang kanang kamay.” Mga Kawikaan 27:15-16. (Basahin muli ang Ika-6 na aralin, “Isang Palaaway na Babae” kung ikaw ay nahihirapan sa parteng ito.)

Magbunga ng masagana sa lupa. Sino ang may kapangyarihan kung kailan at ilan ang dapat na anak sa inyong pamilya? Ikaw ba, ang iyong mga magulang, o byenan? Ilang lalaki ang nagsabi sa iyong sinabi ng kanilang mga misis na ayaw na nilang magkaanak pa? Iyon ang nagging dahilan upang diborsyohin ng lalaki ang kanyang asawa, katulad noong panahon ng Digmaang sibil. Ngunit muli, ang mga kilusang peminista ang nagpabago noon. Maaari na nating patayin ngayon ang ating “pagkakamali” kung pumalya ang ating control sap ag-aanak. Maaaring gawin ni Adan ang lahat ng mag-isa, maliban sa pagpapatupad ng utos na binigay sa kanya upang magbunga at magpakarami, kailangan niya ng asawa. “At kayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami; magbunga kayo nang sagana sa lupa at magpakarami kayo roon.” Genesis 9:7. (Tignan ang Ika 12 Aralin, “Mga Bunga ng Sinapupunan,” dahil “Ang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman; sapagkat itinakuwil mo ang kaalaman… Oseas 4:6.)

Itanong sa kanyang asawa sa bahay. Mga babae, ikaw ba ang pinuno sa espiritwal na mga bagay? Ikaw ba ay tumatakbo upang itanong sa iyong asawa kung ano ang kanyang palagay bilang espiritwal na pinuno, o sinasabi mong, “Bakit ako kailangang magtungo sa kanya? Anong alam nya? Hindi ba ako ang nagpupunta sa mga Bible studies at seminary? Hindi ba ako ang nauupo sa mga pagpupulong sa simbahan.”  “Kilala ang kanyang asawa sa mga pintuang-bayan, kapag siya'y nauupong kasama ng matatanda sa lupain.” Mga kawikaan 31:23. Ngayon tayong mga babae ay nauupo kasama ang mga matatanda sa lupain. Karamihan sa atin ay nauupo sa pagpupulong upang mamili ng pastor na may simpatya sa mga pilosopiya ng peminista.

“Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip.” 2 Timoteo 4:3-4. Tayong mga kababaihan ay nasa labas ng ating tahanan at nakikipag-usap sa mga matatanda at mga pinuno habang ang ating mga asawa ay naiiwan sa bahay at naghahanda ng sarili nilang pagkain at ng mga bata. O, hindi kaya, siya ay nasa malayong lugar malayo sa palaaway na misis at nahuhulog sa isang pakikiapid na relasyon. Habang nagpapatuloy tayo sa pang-aagaw ng mga bagay na mahalaga, binibigyan natin ang asawa natin ng mas maraming oras upang magawa ang mga mas importanteng bagay tulad ng paglalaro o pakikipagkita sa mga “barkada.” Ang mga katanungang espiritwal natin at ng mga bata ay sinasagot ng mga dalubhasa, tulad ng pastor o ng guro sa lingguhang paaralan. Gayunpaman, “Kung may tanong sila, tanungin na lang nila ang kanilang asawa pagdating sa kanilang bahay. Sapagkat nakakahiyang magsalita ang isang babae sa loob ng iglesya.” 1 Corinto 14:35. Atin bang hinikayat ang ating mga asawa na gumawa ng ibang bagay sa halip na espiritwal na pamunuan an gating pamilya?

Ama. Bilang ama, ang ating asawa ay natutulak sa kanilang papel o pinipilit na ibagay ang makapeministang paraan ng pagpapalaki ng anak. Ating kinukutya ang pamamaraan ng pagtrato nila sa mga bata ng madalas, kaya, unti-unti na silang titigil sa “pakikialam.” Ginagawa nating mga baklang ama ang ating mga asawa. Ito ang layunin ng mga peminista. Ang layunin nila ay ang gawinh ang pantay ang pagiging ina at ama: kung kaya’t ito ay naging “pagiging magulang”. Wala na ngayong dahilan upang hindi maging magulang ang tomboy at baklang magkapareha. Kailangan lamang magkaroon ng dalawang “magulang” upang makapag-ampon ng bata, hindi ba?

Ibinigay ng Diyos ang sa mga bata ang ina at ama na may magkaibang katangian. Ang ating mga anak ay nangangailangan ng kapwa magulang upang lumaki silang walang emsoyonal na suliranin. Kung ang papel ay napaghalo at napagsama, sino ang mangangailangan ng ama? “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina… “ Mateo 19:19. Mga kababaihan, pakiusap tignan kung paano kayo nakikialam sa pamumuno at pagkalalaki ng inyong asawa. Kung ang iyong asawa ay mahigpit o may kalakasan sa sa mga bata, huwag pakialaman ang kanyang relasyon sa mga bata o bumawi ng sobra man lang. Alam ng Diyos gamit ang Kaniyang Karunungan  ang Kaniyang ginagawa noong nilikha Niya ang isang ina at ama. Hanapin ang karunungan Niya sa bahaging ito. Huwag sundan ang propaganda na tayo ay nabubusog sa pamamagitan ng midya at ng ibang kababaihang nalinlang na.

Testimonya

Pabayaan mong ibahagi ko sa iyo ang ilan sa karunungan na binuksan ng Panginoon sa mga mata ko. Noong ang aking anak ay nagbibinata pa lamang, napansin kong masyado syang isip bata para sa kanyang edad. Napakabait niyang bata, masunurin at matalino. Gayunpaman, siya ay isip bata. Ibinahagi ko ito sa aking kaibigan na mayroong walong anak at sinabi niyang mayroon din siyang dalawang anak na isip bata. Idagdag pa rito, kapwa kami nagmula sa malalaking pamilya kung saan mayroong isa o dalawang nakatatanda na lumaking isip bata. Noong araw na iyon sa parke ay nanalangin kami para sa karunungan.

Mga kababaihan, matapat ang Panginoon. Pagkatapos ng isang linggo o mahigit pa binuksan ng Panginoon ang aking mga mata sa problema. Sa lahat ng pagkakataon, napansin natin na silang mga isip bata ay naprotektahan/at o naingatan mula sa kanilang mga ama. Aking hinarangan ang aking asawa mula sa kanyang posisyon bilang ama, na nagdulot ng lamat sa kanilang samahan ng aking anak. Pagkatapos, ako ay bumawi sa pagkukulang ng aking asawa sa aming anak. Kadalasan, nararamdaman kong masyado siyang mahigpit o hindi patas. Ngunit mga kababaihan, alam ba ninyong hindi nagkakamali ang Diyos? Kailangan ng anak ko ang higpit na iyon upang lumaki siyang maayos.

Noong nalaman ko na ang aking pagkakamali, natagpuan kong nakaluhod ako sa harap ng Panginoon upang humingi ng tawad at patnubay. Hinayaan ng Panginoon na huwag na akong mamagitan sa galit ng aking asawa, na lagi kong hinahadlangan. Sa unang okasyon, noong ako ay nagpasintabi, hindi alam ng aking asawa ang dapat gawin. Natakot akong naghigpit siya ng sobra, ngunit nanatili siyang kalmado. Maraming pagkakaton, pagkatapos matulog ng mga bata, sa akin niya ibubunton ang kaniyang galit dahil pinigilan ko siyang pagalitan ang kaniyang anak. Noong nagsimula siya isang gabi (pagtapos akong imulat ng Panginoon sa aking pagkakamali), ako ay umalis, at tinawag mula sa higaan ang aking anak. Noong ako ay sumunod sa kapangyarihan ng aking asawa at karunungan ng Diyos, inalis nito ang bigat sa aming pagsasama naming mag-asawa.

Idagdag pa rito, sa halip na padaliin ang buhay ng aking anak, katulad ng ginagawa ko sa nakalipas, naging matigas ako tulad ng kanilang ama. Sa wakas ay sumusunod ako sa pamumuno ng aking asawa. At noong inakay ako ng Panginon, masaya kong inamin ang lahat ng aking pagkakamali sa aking asawa at anak.

Sa loob ng isang taon o wala pa nangyari ang milagro. Ang anak ko ay hindi lamang nagmature sa pag-iisip, ngunit napupuri pa dahil ditto! Siya ay napili ng dati naming alkalde na magkaroon ng espesyal na palabas sa telebisyon tungkol sa pag-aaral sa tahanan. Pagkatapos ay hiniling sa kanyang magkaroon ng posisyon sa board ng pag-aaral sa tahanan, na unang beses na nangyari sa estado ng Florida para sa isang estudyante. Sa pagtatapos ng taon para sa piging ng kanyang grupo sa paglangoy, pinatayo sya ng kanyang maestro upang purihin ang kanyang pagiging “responsible”. Ibinahagi ko lamang ito upang makita niyo ang kamangha-manghang  Diyos at ang Kaniyang perpektong pamamaraan.

Sinong makakatagpo ng isang butihing babae? ikaw ba ay taga-sunod ni Kristo? Bilang Kristiyano, sumusunod ka ba sa Salita ng Diyos? “Sinong makakatagpo ng isang butihing babae? Sapagkat siya'y higit na mahalaga kaysa mga batong rubi. Ang puso ng kanyang asawa, sa kanya'y nagtitiwala, at siya'y hindi kukulangin ng mapapala. Gumagawa siya ng mabuti sa kanya at hindi kasamaan sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay. Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at kusang-loob ang kanyang mga kamay ay nagtatrabaho. Siya'y gaya ng mga sasakyang dagat ng mangangalakal, nagdadala siya ng kanyang pagkain mula sa kalayuan. Siya'y bumabangon samantalang gabi pa, at naghahanda ng pagkain para sa kanyang pamilya…Hindi siya natatakot sa niyebe para sa sambahayan niya,  sapagkat ang buo niyang sambahayan ay nakadamit na pula.” Mga Kawikaan 31:10-15, 21. Maraming babae ang natatawa at nagsasabing, “Ah, oo, kung makakatagpo ka ng asawang ganyan!”

Mga kababaihan, atin nga bang pinagmasdang maigi ang buhay natin at ng ating mga anak at nagtanong kung ano ang nangyari? Hinayaan ba nating hikayatin tayo ng ating mga kaibigan na piliin an gating trabaho o bumalik sa paaralan kapalit ng pagiging “maybahay sa tahanan”? kailangan ng ating mga asawa ng makikini sa kanila at misis na mag-aalaga ng mga pisikal nilang pangangailangan, tulad ng pagluluto at pagaayos ng kanilang damit. Kailangan nila tayo upang ayusin ang tahanan at alagaan, palakihin, turuan at gabayan ang kanilang mga anak. Ito ay nasa Salita ng Diyos. Hindi ko ito opinion! Kung ating gagawin ang ating nabasa sa mga Salita sa Mga Kawikaan 31, papaano pa tayo magtatrabaho sa labas ng tahanan, maglingkod sa iba o bumalik sa kolehiyo?

Huwag pagkaitan ang isa’t-isa. Kung ikaw ay nakisama na sa mga peministang pamamaraan ng pag-iisip ang nagging Malaya na sa iyong mga tungkulin bilang maybahay at ina, malamang ikaw din ay malayo na sa pagiging isa sa iyong asawa. “Subalit, dahil sa mga nangyayaring pakikiapid, ang bawat lalaki ay magkaroon ng kanyang sariling asawa, at bawat babae ay magkaroon ng kanyang sariling asawa. Dapat ibigay ng lalaki sa asawa ang karapatan nito, gayundin naman ang babae sa kanyang asawa. Sapagkat ang babae ay walang karapatan sa kanyang katawan, kundi ang asawa, at gayundin ang lalaki ay walang karapatan sa kanyang sariling katawan, kundi ang asawa. Huwag pagkaitan ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan ng ilang panahon, upang maiukol ang mga sarili sa pananalangin, at pagkatapos ay muli kayong magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa kakulangan ng pagpipigil sa sarili.” 1 Corinto 7:2-5

Kung mayroong problema sa parteng ito, dapat nating alamin ang pinagmulan. Ang ating tahanan at papel ay wala sa disenyo ng Diyos. Kapag tinatanggihan natin ang mga paanyayang matalik ng ating asawa, tayo ay nagbubunganga, at sa tuwing pinapayagan nating magkagulo ang ating tahanan na magdudulot ng pagod sa ating asawa, bakit pa tayo mabibigla kapag siya ay bumigay na sa kahinaan at mga tukso? “Sapagkat ang mga labi ng mapangalunyang babae sa pulot ay tumatagas, at ang kanyang pananalita kaysa langis ay madulas/” Mga Kawikaan 5:3. “Sa maraming mapanuksong salita kanyang nahikayat siya, sa malumanay niyang labi siya'y kanyang nahila. Pagdaka ay sumusunod siya sa kanya, gaya ng toro na sa katayan pupunta.” Mga Kawikaan 7:21-23.

Siyang pipigil sa kaniya. Maraming lalaki ang ayaw komprontahin ang kanilang mga misis: karamihan sa kanila ay ayaw ng komprontasyon. Alam nilang kapag nagsimula silang magpakita ng control ay magkakaroon ng pagtatalo. Tandaan ang palaaway na babae. “Ang patuloy na pagtulo sa araw na maulan at ang babaing palaaway ay magkahalintulad;  ang pagpigil sa babaing iyon ay pagpigil sa hangin o paghawak ng langis sa kanyang kanang kamay.” Mga Kawikaan 27:15-16.

Ang ilan sa atin na tumigil na sa pagkontrol at pagmanipula ay nakatatagpong nasa dulo na tayo ng pisi. Marami sa atin ang nais na maging mabuting katuwang kaya gingawa natin ang lahat para sa ating mga asawa. Tayo ay gawa ng gawa. Ito, sa totoo lamang, ay nagnanakaw ng mga biyayang para sa kaniya at nagtatanggal ng kanyang pakalalaki. Tayo ang gumagawa ng desisyon, lahat ng Gawain sa bahay at bakuran, at tumutulong sa pagkakitaan. Tapos tayo ay nagugulat na habang marami siyang oras, siya ay nakatatagpo ng mabait at mahinang babae na aalagaan.

Kapag inagaw natin ang bagay na dapat ay ginagawa ng ating asawa, dapat tayong magdasal sa Panginoon na baguhin ang sitwasyon. Kapag tayo ay nananalangin, maraming beses tayong makatatagpo ng maliliit na sakuna kung saan kailangan tayo iligtas ng ating asawa. Gayunpaman, magandang bagay ito kung hindi natin siya nanakawan ng papel upang maging taga-pagligtas. Huwag subukang ayusin o sabihin sa kanya kung paano ito aayusin – pabayaan itong mag-isa! Dapat nating maunawaan na ang sakunang ito ay nangyari dahil tayo ay maling gumaganap sa papel na hindi atin, hindi nilikha para gawin natin. Gayunpaman, hindi ikaw ang dapat na magdulot ng sakuna; maghintay na kumilos ang Panginoon – tigilan ang pagmamanipula!

Sino ang Dapat na Espiritwal na Pinuno?

Isang katanungang lagging sinasambit ng maraming kababaihan ay “Sino ba dapat ang na espiritwal na pinuno dahil ayaw naman ng asawa kong gawin ito?” o maraming babae ang nagsasabing “Kailangan kong maging pinunong espiritwal sa bahay dahil hindi naman Kistiyano ang asawa ko!” Bakit maraming lalaki ang nakakalimot sa kanilang posisyon bilang pinuno ng kanilang pamilya?

Kilala ang kanyang asawa. Nagnanai ang mga Kristiyanong babae na maging pinunong espiritwal ang kanilang mga asawa. “Kilala ang kanyang asawa sa mga pintuang-bayan, kapag siya'y nauupong kasama ng matatanda sa lupain.” Mga Kawikaan 31:23. Ang ilan sa mga Kristiyanong babae, gayunpaman, ay nagdesisyong nais nilang maging pinuno; ang pilosopiya ng peministang ito na nagwasak sa bayan ay siya ding wawasak sa simbahan. Kapag ang isang babae ay pumasok sa simbahan, at tumutupad sa sarili nilang espiritwal na pangangailangan, ang mga lalaki ay naiiwan upang habulin ang sarili nilang mga hilig. Kapag naiiwan ang lalaki, tayong mga kababaihan ay naiiwan sa kamay ng mga malalayang pastor. Ngayon tayo ay nagging bilanggo. “Sapagkat mula sa mga ito ang mga pumapasok sa sambahayan, at binibihag ang mga hangal na babae na punô ng mga kasalanan, at hinihila ng mga iba't ibang pagnanasa, na laging nag-aaral at kailanman ay hindi nakakarating sa pagkakilala ng katotohanan.” 2 Timoteo 3:6-7. Ang simabahan ngayon ay napupuno ng mga mahihinang kalalakihan at matitigas na ulong kababaihan. Ito ang nakahadlang sa mabisang pamamaraan naming bilang simbahan dahil ang mga tunay na lalaki, Kristiyanong lalaki, ay NAWAWALA SA EKSENA!

“Kayo ang asin ng lupa; ngunit kung ang asin ay tumabang, paano maibabalik ang alat nito? Wala na itong kabuluhan, maliban sa itapon sa labas at tapakan ng mga tao.” Mateo 5:13. Ibalik ang pag-aaral ng Bibliya sa inyong mga tahanan. At, baguhin natin ang pagaaral ng ating Bibliya upang magtuon pansin sa dapat na gawain ng isang asawa, ina at maybahay. Tandaan mga kababaihan; higit sa kalahati ng sambahayan sa Amerika ay gumuguho. Tayo ba ay magpapatuloy sa paglubog ng ating ulo sa kumunoy? Maghihintay kaba hanggang sa bumagsak ang sa iyo? Mga kababaihan, pabayaan ang karunungang Bibliya at pilosopiya sa iyong asawa. Ang labis na kaalaman natin sa Bibliya ang sumisira sa ating pamilya dahil sinisindak nito an gating mga asawa.  Mga kababaihan, mula sa araw na kinain ni Eba at ng mga sumunod na henerasyon ang bunga na “magdudulot ng karunungan sa kanya,” tayo ay nagutom na sa “karunungan.” Subalit, ang gutom na ito ay makasisira tulad ng ginawa nit okay Eba at sa mga henerasyong sumunod sa kanya. Mga babae, ngayon ang panahon upang umalis tayo sa simbahan; at pagkatapos ay, maghintay sa ating mga asawa na akayin tayo. Kung lagi kang tumatakbo sa simbahan habang nananatili ang iyong asawa sa tahanan, anong dahilan ang meron siya upang magtungo sa simbahan? Paano niya nanaisin na unahan ka, Ginang na Maka-espiritwal?

Alam kong ganito mag-isip ang maraming lalaki. Ang aking asawa ay may parehas na saloobin noong siya ay bumalik sa aming tahanan. Inabot ng anim na taon ng pagtitiwala sa Panginoon bago Niya ako hinayaang mapasama sa pinakamahusay na simabahan sa buong mundo!

Una, nagpapalit-palit ng simbahan ang aking asawa sa buong lungsod at sa bawat denominasyon. Sa wakas, tila nawalan ng gana, nanatili nalang siya sa simbahan sa tahanan. Ako ay nawalan ng maraming kaibigan sa pagkakataong ito na nag-aakusang tinalikuran ko na dahil hindi na ako nagsisimba. Kahit pa mahirap ang simbahan sa tahanan ng maraming taon, ito ang ginamit ng Diyos upang maibalik muli ang Salita sa aking asawa. Ako ay nakontento na kaya hindi ko na ninais pang bumalik s simbahan. (Bakit napakahirap sa ating sumunod sa ulap tuwing ito ay gumagalaw?) Pagkatapos, apat na taon ang nakalipas, mayroong malaking pagbuhos sa simbahan na dalawang milya lamang ang layo sa aming tahanan. Gayunpaman, sinabi sa akin ng aking asawa na hindi sya pupunta. Maraming kababaihan ang napaisip na kabaliwan na hindi ako magpuntan mag-isa tulad nila. Ako ay nililibak nila dahil sa aking matinding pagsunod na ito, na hindi man lang nagpumilit o ipinaalalang paulit-ulit hanggang sa mapagod siya. Kinailangang magdasal ako ng dalawang taon upang kumilos ang Diyos para sa akin. Ngunit kaluwalhatian! Ang Diyos ay kamangha-mangha at kapag sya ay kumilos ay talagang makapangyarihan!

Sa unang gabi na kami ay nagpunta, siya ay tumakbo sa altar bago pa nagkaroon ng pagtawag sa altar. Hindi lamang kami dumalo sa unang gabing iyon, kundi nagnais ang asawa kong sumapi sa simbahan! Ngayon kami ay mga miyembro na at nasa simbahan ng tatlong beses sa isang linggo – ang aming pamilya ay sumasakop sa isang upuan! Hindi lamang iyon, ngunit kami ay dumadalo din sa mga pagpupulong ng isang beses sa isang linggo at siya ay nakikipagkita sa mga kalalakihan sa isang grupong may pananagutan. Mga kababaihan, hindi man lamang nakapukaw ng pansin sa inyo ito kung kayo ay may maka-Diyos na asawa. Ngunit ang asawa ko ay nangalunya! Ito ay tunay na milagro sa buhay sapagkat ako ay nagtiwala sa Diyos ng sapat upang maghintay sa Kaniyang kumilos para sa aking asawa. Anong saysay ng nasa simbahan ako at nasa bahay lamang ang aking asawa na nanonood ng pampalakasan o pelikula? Karamihan sa mga babae (lahat halos liban sa isa) ay dumadalo sa mga serbisyo ng mag-isa hindi kasama ang kanilang mga asawa. Mahal kong kapatid, igagalang ng Diyos ang iyong katapatan sa Kaniyang Salita kung ikaw ay susunod mula sa iyong puso.

Si Cristo ang ulo ng bawat lalaki. si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, hindi lamang ng Kristiyanong lalaki. Kung ito ang iyong dahilan kaya mo kinukuha ang espiritwal na pamumuno basahin ang 1Corinto 11:3, “Ngunit nais kong maunawaan ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, at ang Diyos naman ang ulo ni Cristo.”

Magturo o mamuno sa mga lalaki. Tayong mga kababaihan ay sobrang mang-mang, ipinagmamalaki natin o sinasabi sa ating mga asawa na dapat silang gumawa ng oras sa pagbabasa ng Bibliya natin. Tayo ay nalulugod sa pagbabasa ng mga walang saysay na libro at magasin! Ito ay pansariling katwiran! “Hindi ko pinapayagan ang mga babae na magturo o mamuno sa mga lalaki, kundi dapat silang manahimik.’ 1 Timoteo 2:12. “Mga bata ang umaapi sa aking bayan; mga babae ang namumuno sa kanila.O bayan ko, inililigaw kayo ng inyong mga pinuno, nililito nila kayo sa daang inyong nilalakaran.” Isaias 3:12

Sino ang pinuno ng inyong tahanan? Kapag ang mga babae ang siyang namumuno sa tahanan, walang ibang aasahan kundi kaguluhan. Kung ang nanay mo ang namuno sa inyong tahanan habang lumalaki ka, malamang na ganito rin ang pamamalkad na sundin ng iyong pamilya. Bilang Kristiyanong babae ng may mabuting konsensya, hindi mo maaaring hayaan na magpatuloy ito. Ngayon, huwag kang umuwi sa inyong bahay at utusan ang iyong asawa na mamuno nalang bigla. Magsimula lamang sa pagtutuon ng pansin ng iyong isip at lahat ng gawa sa dapat na gawin ng isang asawa, ina at maybahay.

Magpatuloy na manalangin sa Espiritu Santo na gabayan ka. Magtanong habang ikaw ay nagpapatuloy sa pagsulong sa paggawa, “Ano ang nais mong gawin kong sunod, Panginoon?” Ayusin ang iyong pamamahay, ayusin ang iyong mga anak, at ayusin ang iyong mga prayoridad at pabayaan ang iyong asawa sa Panginoon. Kung ano ang gawin o hindi niya gawin ay wala ka ng pakialam at hindi mo responsibilidad! Binibigyan tayo ng Diyos ng maraming Gawain sa ating mga anak, ating tahanan at ating ministeryo (pagtuturo sa mga nakababatang kababaihan kung “ano ang tama”). Mga kababaihan, ito ang bunga ng hardin. Ngunit ang iniisip lamang natin ay ang ipinagbabawal na bunga, pagtuturo o pagsasakilos ng kapangyarihan sa ating mga asawa.

Magpasakop sa inyong asawa sa lahat ng bagay. Tayo bilang mga babae ay hindi makakapili kung kalian natin nais na magpasakop sa ating mga asawa. “Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa gaya nang pagpapasakop nʼyo sa Panginoon… magpasakop ang mga babae sa asawa nila sa lahat ng bagay.” Malinaw sa Banal na Kasulatan na inilagay ng Diyos na pinuno ang lahat ng mister sa papel nila sa tahanan.

Walang taong makapaglilingkod nang sabay sa dalawang amo. Kapag ang mga bagay ay wala sa ayos at kinuha natin ang control sa ating mga relasyon sa ating mga asawa, di magtatagal ay kasusuklaman at kamumuhian nila tayo. “Walang taong makapaglilingkod nang sabay sa dalawang amo. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o kayaʼy magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa.” Mateo 6:24. Makikita mo ang prinsipyong ito sa buhay kapag ang isang bata, na dating nakikinig sa kaniyang magulang, ay nag-aral sa paaralan. Bigla nalang, ang maamong batang ito ay sasabihin sa iyo ang sinabi ng kanyang guro, at ngayon ay ikaw na ang may mali. Ipinapadala natin ang ating mga anak sa kolehiyo, dala an gating pera (sabi nga sa sticker sa bumper, at kapag sila ay umuuwi tuwing bakasyon sa iskuwela at tincturing tayong probinsyanong mang-mang. (Tignan ang Ika-14 na aralin “Mga Turo ng iyong Ina” sa pag-aaral sa tahanan at ang mga katanungang kailangan mong ipagdasal muna bago ipadala ang iyong mga anak sa kolehiyo sapagkat “Ang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman; sapagkat itinakuwil mo ang kaalaman… Oseas 4:6.)

Gagawin niya ito. Inuulit ko, ikaw ba ay kumikilos bilang personal na Espiritu Santo ng iyong asawa? Ipinamumukha mo ba ang iyong kabanalan? Nagtagumpay kaba sa pagpapaniwala sa iyong asawa ng kamangmangan niya sa mga bagay na banal? Mas alam mo ba ang Bibliya mo kaysa sa nais na malaman ito ng iyong asawa? O mas malala, ang mga anak mob a ay mas mahusay sa mga Banal na Kasulatan kaysa sa kanilang ama? Tayo, bilang mga ina ay naniniguro na ang ating mga anak ay nasa Lingguhang paaralan o Kristiyanong paaralan. Ngunit tayo ay nagkukulang na maunawaan na kapag ang ating panangailangan sa mga turo para sa espiritwal na pangangailangan ay pinupunan ng maraming Pag-aaral ng Bibliya upang maungusan ang ating mga asawa, ang nakukuha ng ating mga anak ang kanilang espiritwal na pangangailangan sa Lingguhang paaralan, pinapalitan natin ang ating asawa ng isang huwad. Wala ng dahilan an gating mga asawa upang kailanganin niyang matuto ng kahit na ano sa Banal na Kasulatan.

Sa halip, alam nya ang lahat ng kanyang paboritong pangkat sa pangkalakasan. Sa halip na basahin ang kanyang Bibliya, makikita siyang nagbabasa ng pahayagan o pahina ng pangkalakasan. Kung iniisip mo na masyado ng huli ang lahat upang maungusan niya kayo at pamunuan ka at ang iyong mga anak, nagkakamali ka. Dahil tinawag ng Diyos ang lalaki na pamunuan ang tahanan, gagawa Siya ng paraan.

Gayunpaman, dapat nating ipaagtapat ang ating kasalanan sa pagpalit sa papel ng ating asawa bilang espiritwal na pinuno. “Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isaʼt isa ang mga kasalanan nʼyo at ipanalangin ang isaʼt isa para gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.” Santiago 5:16. Ipagyabang ang mga kahinaan mo sa ibang babae. “Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo.” 2 Corinto 12:9. At higit sa lahat, magtiwala sa Panginoon. “Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya.” Mga Awit 37:5.

Paghuhugas ng tubig sa Salita. Gaano kahalaga na mapasailalim ng Salita ng Diyos an gating asawa at ibahagi ang Salitang iyon sa atin? “Mga asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyong mga asawa, gaya ni Cristo na nagmahal sa iglesya, at ibinigay ang kanyang sarili alang-alang sa kanya; upang kanyang pakabanalin siya, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa salita, upang kanyang maiharap sa kanyang sarili ang isang maluwalhating iglesya, na walang batik, o kulubot, o anumang gayong bagay, kundi siya ay maging banal at walang dungis.” Efeso 5:25-27. Inuulit ko, huwag bungangaan ang iyong asawa. Mas makabubuting huwag siyang kausapin na basahan ka. Ito ang magdudulot sa kanyang magrebelde. Ang panggigipit ay kailangang manggaling sa taas, sa nakatataas sa kanya. (Tignan ang Ika-5 aralin, “Napanalunan ng Hindi Nagsasalita” kung nais mong makakita ng tunay na pagbabago sa iyong asawa, sa pamamaraan ng Diyos.)

Makipot na pintuan. Mga babae, kayo ay dumaan sa makipot na pintuan at itigil ang panonood o pagpayag sa iyong mga anak na manood ng telebisyon. Itigil ang pagbabayad sa iyong lingguhan o buwanang bayarin sa Hollywood sa pamamagitan ng mga sinehan o arkilahan ng pelikula, upang itigil na nila ang paggawa ng mga pelikulang sumisira sa ating pamilya at bayan. Kung ang iyong asawa ang mahilig sa telebisyon – magdasal! (Muli, tignan ang Ika-5 aralin, “Napanalunan ng Hindi Nagsasalita” kung nais mong makakita ng tunay na pagbabago sa iyong asawa, sa pamamaraan ng Diyos.) “Pumasok kayo sa makipot na pintuan, dahil maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon.” Mateo 7:13. Para sa mga “nagsasabing” sila ay Kristiyano ay itinigil na ang panonood ng telebisyon at pagpunta sa sinehan, ititigil na ng Hollywood ang paggawa ng mga nakakasuklam pelikula! Tayong mga kababaihan ay dapat magkaroon ng espiritwal na pakikidigma laban sa mga kakila-kilabot na pagkagumon na gumapos sa iyo, sa iyong asawa at/o mga anak.

Babala: Isang babae ang nagbahagi sa akin ng isang bagay na kanyang ipinagmamalaki. Ang kanyang asawa at mga nakatatandang  anak na lalaki ay nanonood ng isang nakakasuklam palabas sa telebisyon. Sinabi ng babaeng ito sa kanyang asawa at mga nakatatandang anak na lalaki na para silang nasa kinder at nagmungkahi na “parang guro” nab aka may ibang mas magandang maaaring panoorin. Nilipat niya ito at nakakita siya ng isang may karismang mangangaral at ginantimpalaan ng isang malaking ngiti ang kanyang pamilya. Ang kanyang tatlong anak na lalaki at asawa ay umalis at nagtungo sa kanilang sariling mga kwarto. Mga kababaihan, ito ay bastos na pag-uugali! Ang nakalulungkot ay sinasabi ng asawa ng babaeng ito sa lahat ang kanyang paghihirap at kanyang plano na diborsyohin siya.

Ibinahagi ko sa kanyang ang kanyang ginawa ay hindi tagumpay ngunit isang makasariling pangangatwiran. Walang sinoman ang mapapanalunan ng isang Pariseo. Ibinahagi ko sa kanya na sinimulan ko ang giyera laban sa telebisyon sa pamamagitan ng pagdarasal at pag-aayuno. Kinailangan din akong magpasakop at magpakita ng paggalang sa aking asawa (kahit pa iniisip ng lahat na hindi sya karapat-dapat dito) upang matanggal sa pamilya ko ang polusyong hatid ng telebisyon.

Pagpapakita ng kabanalan sa harap ng mga tao. Kayo ba ay nagsisimba kahit pa nasa bahay lang ang inyong asawa? “Mag-ingat kayo na huwag ninyong gawin ang inyong kabanalan sa harap ng mga tao upang makita nila; Sapagkat kung gayon, wala kayong gantimpala mula sa inyong Ama na nasa langit.” Mateo 6:1. Ang ating mga gawa ay dapat nanggaling sa umaapaw mula sa kalooban natin. Ikaw ba ay “nag-aangat ng iyong sarili” dahil ikaw ay mas banal sa iyong asawa? Hiniya mo na baa ng iyong asawa sa simbahan? Gumana naman baa ng ganitong pamamaraan? Sumasama na ba siya sa iyo? Paano ka umaasang mapupuri mo ang Diyos? “Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.” Mateo 5:16.

Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Ano ang bunga ng pagsasabi mong ikaw ay Kristiyano? “Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga.” Mateo 7:16. Ikaw ba ay nagbubungangang hindi gingagampanan ng asawa mo ang pagiging espiritwal na pinuno ng inyong pamilya? Ipinapakita mo bang nagbabasa ka ng Bibliya sa harap ng iyong asawa? Kung gayon ikaw ay nagbubunga ng tinik, hindi prutas.

Ikumpara ang oras ng iyong pagbabasa ng magasin, libro, o panonood ng ibang bagay sa oras na ikaw ay napapaloob sa Salita. Anong gagawin mo patungkol dito? May napupulot ka ba sa mga nababasa mo sa workbook na ito? May nakikita bang pagbabago sa iyo sa pamamagitan ng pagbabasa nito? “Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumitingin sa salamin, at pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at kinakalimutan ang kanyang anyo. Ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Diyos sa lahat ng kanyang gawain. Siya ang taong gumagawa at hindi siya katulad ng nakikinig lamang at pagkatapos ay nakakalimot.

Magpigil ng kanyang dila. “Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso.” Santiago 1:26. Kailan ang huling pagkakataong nagbitaw ka ng masasakit na salita sa iyong asawa? Sinasabi ng Diyos na wala kang kabuluhan. Mga babae, kontrolin ang mapanakit na dilang iyan! (Pakiusap basahin ang Ika-4 na aralin, “Kabaitan sa Kanyang Dila” at basahin muli!)

Ang Relasyon ng Mag-Asawa

Hindi dapat tayo ang espiritwal na pinuno ng ating mga tahanan. Tintukoy ng Diyos ang lalaki tulad ng Kanyang pagtukoy sa Kanyang Sarili. Kailangang magkaroon tayo ng parehas na uri ng relasyon sa ating mga asawa tulad ng relasyon ni Hesus sa Kanyang Iglesia. Ating hanapin ang Kaniyang Salita para sa maraming pamamaraan na matulad sa samahan natin kay Kristo ang pagsasama nating mag-asawa.

Ang ulo. “Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya…” Efeso 5:23. “Ngunit nais kong maunawaan ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, at ang Diyos naman ang ulo ni Cristo.” 1 Corinto 11:3. Natutunan natin sa Ika-8 aralin, “Mga asawa, Magpasakop,” ang kahalagahan ng ating kapangyarihan sa tahanan. Natutunan din natin ang benepisyo ng pagpapasakop sa ating asawa, para sa proteksyon natin at ng ating mga anak. Ikinumpara sa Banal na Kasulatan si Kristo bilang ulo ng iglesya sa ating mga asawa bilang ating mga ulo. Sa kahit na anong matagumpay na kompanya o, lalong lalo na, sa military, mayroon dapat na tamang pinuno o lider. Dapat nating pabayaan ang ating asawa na mamuno! Huwag kaliligtaan ang puntong ito. Dapat hayaan silang mamuno. Pabayaan ang iyong asawa na gumawa ng mga solusyon sa mga problemang lumalabas sa inyong tahanan.

Ang tagapagligtas. “Sapagkat ang lalaki ang siyang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na ulo ng iglesya na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.” Efeso 5:23. Ang lalaki ang kailangang tagapagligtas ng katawan. Iniisip nating mga babae na tayo ang tagapagligtas. Ngunit kapag mayroong pinansyal na suliranin, o kahit na anong suliranin, ang lalaki ang dapat na “magliligtas ng araw.” Maraming mga asawang babae ang tumatakbo upang humanap ng trabaho o gumawa ng pinansyal na plano. Ito ay nagnanakaw sa iyong asawa ng biyaya. Kapag ang lalaki ang gumawa ng plano, malaya tayong sumunod ng maligaya. Kapag ang babae ang nagplano, walang kaayusan ang tahanan.

Tayong mga babae ay dapat gumanap sa papel natin bilang nagpapasakop sa ating mga asawa. Sila ang dapat na ulo ng tahanan at tagapagligtas ng katawan. Sa totoo lamang, mas gusto nating mga babae na sabihan ang ating mga asawa na dumistansya. Mga babae, kapag nakakita ng problema, ibigay ito sa inyong asawa! Itigil ang pagpapaulit-ulit ng iyong pamumuno at pagliligtas! Eto ang ilan sa mga maiiksing testimonya mula sa mga kababaihan na sumunod sa prinsipyong ito ng hindi nalalaman ng kanilang mga asawa.

Unang testimonya: Ang aking asawa ay hindi disiplinaryo sa aming tahanan. Siya ay mabuting lalaki; ako ang nakakatakot, matapang na nanay. Isang araw nagpasya akong hayaan ang prinsipyong pagpapahintulot sa aking asawa na mamuno. Kinailangan kong magpigil sa aking sobrang kapangyarihan hanggat magsimula ang mga kaguluhan. Pinanatili kong laging nasa control ko ang mga bata. Kung kaya, hindi kailanman napansin ng aking asawa ang problema sa aming tahanan. Sa totoo lamang ay napapagod na akong mag-isang magpakatanda sa bahay. Sinundan ko ang yapak ng asawa kong hindi pagdidisiplina, pagtatama, o pagsasanay sa halos isang taon. Ako ay nagmasid habang ang mga bata ay wala sa ayos. Pinanatili kong kalmado ang lahat, kaya hindi naiintindihan ng asawa ko kapag ako ay humihingi ng tulong sa kanya sa pagdidisiplina sa mga bata. Noong sila ay wala na sa ayos ay nagulat siya! Ngunit, ito ang nagdulot upang siya ay kumilos. Sa unang pagkakataon, ibinagsak niya ang kanyang paa, at pinalo sila ng hindi ko hinihinging gawin niya! Ito ang kailangan ng aking mga anak. Ngunit ang pinakamahalaga, ako ay naibsan ng kabigatan ng pagiging solong taga disiplina, na nag-iwan sa akin ng mas maraming oras upang maglibang, makipaglaro at mahalin ang aking mga anak tulad ng ginagawa ng aking asawa noon. Ngayon kami ay “magkasama” ng nagpapalaki ng aming mga anak. Mayroon naring balanse saw akas na aking pinapangarap.

Ikalawang testimonya: Lagi kong pinagtatakpan ang kagaspangan ng aking awtoritaryan na asawa sa pamamaraan niya sa pakikitungo sa aming mga anak. Pakiramdam ko ay kinakailangan ko silang ingatan mula sa kanilang ama, lalo na yong pakiramdam kong lagi nyang pinag-iinitan. Ang hindi ko nalalaman ay hindi lamang sa hinahadlangan ko ang magaspang niyang pamamaraan, ngunit pati narin ang pagmamahal ng mga bata sa kanya. Sa oras na narinig ko ang prinsipyong ito, nagpasya akong subukan ang pagsunod sa kanyang pamumuno. Ang aking pagsusulit ay dumating noong sinabi ng aking asawa sa aming anak na lalaki na magtabas ng aming damuhan. Madalas ay pinapaalalahanan ko siya hanggat gawin niya ito, ngunit ngayon ay pinili kong hindi magsalita. Ang aking anak na lalaki ay natulog ng gabing iyon ng hindi tinatabas ang damuhan. Noong 11:30 ng gabi bumalik ang kanyang ama sa pakikipagpulong at nagtanong kungbakit hindi natabas ang damuhan. Sa halip na magdahilan at ipagtanggol siya, sinabi ko na lamang na, “Hindi ko alam.” Pinabangon siya ng aking asawa sa higaan at pinagtabas ng damuhan sa dilim ng gabing iyon. Umiiyak ang aking anak ng buong panahong iyon, at patago, ako rin. Ngunit nagbago ang mga bagay; nagging malapit ang anak kong lalaki sa kanyang ama. At, ang anak ko ay nagging responsible sa pag-iisip, na nagtanggal ng malaking alalalahanin sa akin.

Ikatlong testimonya: Hindi mahusay ang aking asawa sa pagsusustento sa aming pamilya. Lagi akong tumutulong sa kanya kapag nawawalan siya ng trabaho o kami ay kinakapos sa pamamagitan ng pagbalik ko sa trabaho. Isang araw, mula sa sobrang kapaguran, ako ay nagpasyang ako ay susunod sa kanyang pamumuno at manahimik kapag lumala na ang mga bagay.

Nakakabaliw na ang mga nangyari at hindi parin niya nais na mamuno, ngunit determinado akong manatili. Lumala ang mga bagay at nagalit na siya. Lagi ko siyang tinutulungan kapag siya ay nagagalit, ngunit sa pagkakataong ito ay nalala ko ang Banal na Kasulatang, “Hayaan mong maparusahan ang taong magagalitin, dahil kapag tinulungan mo siya, uulit-ulitin lang niya ang kanyang ginagawa.” Mga kawikaan 19:19. Masyado siyang nasanay sa lagi kong pagsalo sa mga krisis na hindi niya alam kug paano lusutan. Sa halip na may gawin, ako ay nanalangin para sa kanya. Ipinagdasal ko ang mga Banal na Kasulatang nagsasabing ang asawa ang magbibigay at ang bunga ng sipag habang ako ay nananatiling tahimik. Bigla-bigla, kumilos ang aking asawa. Ito ay nakamamangha!

Ngayon ako ay malaya nang pagtuunan ng pansin ang mga bata at ang aming tahanan. Pinalaya ako nito upang alagaan ang asawa ko ng husto kaysa sa ginagawa ko noon. Sa aking palagay ay naipon ang aking poot sa kanya ay matagal ng namamahay sa akin. Masyado akong nagging abala sa trabaho, pag-aalaga sa aming pamilya, at pagpapanatili ng tahanan. Ang hindi ko alam ay ito ang nagdudulot ng distansya sa aming mag-asawa. Ngayon ay kaya ko ng ipakita ang pasasalamat ko sa kanya. Ang lahat ng ito ay nagpalabas sa kahanga-hangang lalaki na hindi ko alam ay naroroon! Paminsan-minsan ay bumabalik ako sa pagiging ulo at tagapagligtas ng aming tahanan kapag hindi kumilos ng mabilis ang aking asawa, o sa tingin ko hindi niya nahahawakan sa tamang pamamaraan, ngunit sinusubok kong matutunan na ang mga sitwasyong ito ay hindi ko na problema. Kapag hindi siya kumikilos o hindi nya nahahawakan ng tama ang mga ito, ito ay sa pagitan na nila ng Panginoon. Ang Panginoon ang kanyang Pinuno, hindi ako.

Nilikha upang magbuhat ng mga pasanin. Ang iyong asawa ay nilikha upang pasanin ang mga problema ng pamilya; tignan na lamang ang kanyang malapad at mamasel na balikat kumpara sa iyong balikat. Tayong mga babae ay nagsikap na gayahin ang mga balikat na ito sa paggamit ng sapin sa balikat! Ang mga lalaki ay nilikha upang magtrabaho sa gitna ng panggigipit. Maaaring iniisip mong hindi kakayanin ng asawa mo ang panggigipit na ito, dahil ikaw ang lagging tagapagligtas ng iyong asawa.

Ang mga babae, sa kabilang banda, ay nilikha upang pamahalaan ang maraming bagay sa isang pagkakataon. Kaya nating patakbuhin ang tahanan kasama ang pagpapanatili nito at bantayan ang mga batang may ibat-ibang edad, pagkatao at pangangailangan: ang pagkain, ang paglilinis, ang tuloy-tuloy na paglilinis at ang mahigpit iskedyul ng pamilya. Mga babae, tila ba kaya nating gawin ang lahat. Ngunit habang tayo ay nagpapanggap na ginagawa natin ang lahat, ano ang ginagawa ng ating mga asawa? Madalas na naglalaro! Naglalaro ng pampalakasan, nagtatrabaho sa kanilang mga hilig o nagpapakasaya lamang!!!!

Maging isa. “ Dahil dito iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman.” Efeso 5:31. “Kaya dapat mahalin ng lalaki ang asawa niya tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Sapagkat ang nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili….” Efeso 5:28. “Kaya kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili.” Efeso 5:33. Narinig na natin ang salitang “isang laman” ng madalas ng hindi nauunawaan ang ibig nitong sabihin. Sa pamamagitan ng pagtingin sa relasyon ng Panginoon sa kanyang Ama at ang relasyon natin sa ating asawa, makikita nating nagkukulang tayo sa mahalagang pangunawa dito.

Maging Banal. Mga babae, ang ating mga asawa ay mayroong malaking papel sa pagpapabanal sa atin na makikita natin sa mga susunod na Banal na Kasulatan: “Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Cristo sa kanyang iglesya. Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya  upang maging banal ito matapos linisin sa pamamagitan ng bautismo sa tubig at ng salita ng Dios. Ginawa niya ito para maiharap niya sa kanyang sarili ang iglesya na maluwalhati, banal, walang kapintasan, at walang anumang bahid o dungis.” Efeso 5:25-27.  Ito ay makapangyarihan na Katotohanan sa Bibliya na kaunti lamang ang nakakaunawa. Kailangan nating mga babae na maging banal (malinis) habang binabasa at ibinabahagi ng ating mga asawa ang Banal na Kasulatan sa atin. Binabasa ba ng asawa mo sa iyo araw-araw ang Salita ng Diyos? Paano nalilinis ng simbahan ang katawan mula sa kasalanang nagnanais na makapasok rito? Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Salita ng Diyos. Sa mga babae ay ganoon din.

Testimonya: Ang aking asawa ay laging natatakot sa kanyang responsibilidad sa bahaging ito. Nalaman namin ang kamangha-mangha at magandang solusyon sa pangangailangan ng pamilya na maging bahagi ng Salita sa araw-araw. Ang aming pamilya ay umuupong magkakasama, lahat kaming siyam tuwing umaga, na ang apat na nakatatanda ay nagbabasa kasama naming at ang mga hindi nakakabasa ay nauupo at nagsasagot ng palaisipan o nagkukulay. Ang pamamaraang ito ng pakikinig sa isang CD sa isang araw at pagbabasa kasabay nito ay maaaring magdala sa iyo sa buong Bibliya sa loob lamang ng 62 araw! Ang pinagsamang pakikinig kay Alexander Scourby at pagbabasa sa Bibliya ng tama at pagbabasa kasabay nito ay sobrang makapangyarihan, hindi maipaliwanag.

Pagmamahal. “Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Cristo….” Efeso 5:25. “Kaya dapat mahalin ng lalaki ang asawa niya ….” Efeso 5:28. “Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa at huwag ninyo silang pagmamalupitan.” Colosas 3:19. Dahil napasok na ng peminista ang simbahan ng mga kasinungalingan, nagkaroon ng “paghahalo” sa mga papel at utos na ibingay sa lalaki at babae. Patuloy tayong nakakarinig sa sinasabi ng iba na inutos ng Diyos ang lalaki at babae na mahalin ang isa’t-isa. Ang “utos” na ito ay ibinigay lamang sa lalaki. Sa totoo lamang,  ang tanging sanggunian kung saan hinikayat ang babae na mahalin ang kanyang asawa ay ibinigay sa Tito. Ang mga nakatatandang babae ay hinihikayat na magturo sa mga nakababatang kababaihan na mahalin ang kanilang asawa at mga anak. Sinabi sa Deuteronomio 4:2 na “Huwag ninyong dadagdagan o babawasan ang mga utos na ibinigay ko sa inyo…” Ibig bang sabihin ditto na hindi dapat mahalin ng babae ang kanyang asawa? Siyempre hindi! “…at lumakad kayo sa pag-ibig, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa atin at ibinigay ang kanyang sarili para sa atin.” Efeso 5:2. Ang pangunahing obligasyon ng babae ay ang pagrespeto at pagsunod sa kanyang asawa. Pagmamahal, tunay na pagmamahal, ay susunod. Kung ikaw ay nagkukulang sa walang kondisyong pagmamahal para sa iyong asawa, magsimula sa pagrespeto at pagsunod sa kanya at tignan kung ano ang gagawin ng Diyos sa iyong puso.

Dapat na igalang. “… At kayong mga babae, igalang nʼyo ang inyong asawa.” Efeso 5:33. “…kapag nakikita nila (asawang lalaki) ang dalisay at magalang ninyong (asawang babae) pag-uugali.” 1 Pedro 3:2. Ang paggalang sa asawa at ama ay kinakailangan sa ating pamilyang Kristiyano. Mga ina, nagtataka tayo kung bakit walang galang ang ating mga anak sa pakikipag-usap sa atin ngunit wala naman tayong masamang nakikita sa pag-uugali sa ating asawa. Sa halip na paggalang, mayroong ugaling nagpaparaya lamang sa ulo ng ating tahanan. Ang mga asawang lalaki at ama ay araw-araw na hinahamak at nililibak ng kanilang mga asawang babae, at ito ay katanggap-tanggap! Kailangan nating tigilan ito agad-agad. Maaaring malalim ang pinagmulan nito. Kung tayo ay tumutulong sa ating asawa sa pagtataguyod ng pamilya, maaaring napapasama tayo sa labas kasama ang ibang palaaway na kababaihang nagdadaldalan, bumubulong at nagrereklamo laban sa kanilang mga asawa. Magdasal na tanggalin ka ng Diyos sa ganoong kapaligiran at ibalik ka sa tahanan. Kung ang iyong mga anak ay nasa pampublikong paaralan, wala kang panalangin na igalang. Kahit karamihan sa mga kabataang aking nakasalamuha na nasa pribadong paaralan ay nagpapakita ng kabastusan sa kanilang mga magulang. Bakit hindi sila ibalik sa tahanan upang maturuan? Kung ang inyong pamilya ay nanonood ng telebisyon o mga bidyo, maaari mo itong ituring na tape sa pagsasanay. Siguraduhin na ang ipalalabas ay ang pag-uugali at asal na nais mong “Makita” sa tahanan.

Nagpapasakop. “Kaya kung paanong nagpapasakop ang iglesya kay Cristo, dapat ding magpasakop ang mga babae sa asawa nila sa lahat ng bagay.” Efeso 5:24. “ Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.” Colosas 3:18. “Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa gaya nang pagpapasakop nʼyo sa Panginoon.” Efeso 5:22. “maging matino, dalisay, masipag sa gawaing bahay, mabait, na nagpapasakop sa kani-kanilang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Diyos.” Tito 2:5. Ang asawang lalaki ang dapat na mamuno sa lahat ng bagay. Maaari nilang “ipamahagi” ang ilan sa mga Gawain, ngunit ang papel ng lalaki ay maging ulo, at tayong mga babae ay dapat magpasakop sa kanila. Hindi tayo nararapat na magpasailalam sa kapangyarihan ng ibang lalaki, (hal. Amo, o Guro sa Lingguhang paaralan o kahit pa ng Pastor. Tignan ang Ika-13 aralin, “Pamamaraan sa Kanyang Tahanan” dahil ““Ang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman; sapagkat itinakuwil mo ang kaalaman… Oseas 4:6.)

Ang ating mga asawa ang dapat na huli at pangwakas na may kapangyarihan sa mundo para sa atin at sa ating mga anak. Tandaan: ang problema sa pananalapi ay isa sa malaking dahilan ng diborsyo. Mga babae, ibalik ang mahalagang pamumunong ito sa kanila. Ang mga mag-asawang nagpaubayang ang lalaki ag dapat na mamuno sa kanilang tahanan at humahawak ng salapi ay walang binanggit na iba kundi papuri. Inulat nilang nawala ang kanilang pag-aaway dahil sap era. Ipagdasal ito at hintayin kung ano ang gagawin ng Diyos. Maaaring nais hawakan ng iyong asawa ang iyong libro ng cheke. Ipagdasal na “maibsan” ka sa bigat na ito. Kung tingin mo ay ireesponsable ang iyong asawa, tandaan: problema ng Panginoon yan, hindi sayo! Ang ating pamamaraan ay dapat nakalulugod sa Panginoon.

Inihandog ang Kanyang sarili. “Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Cristo sa kanyang iglesya. Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya…” Efeso 5:25. Ang mga Peminista ay sinira ang eksena ng “kabalyero sa nagniningning na sandata”. Ngunit, dito sa Banal na Kasulatan, makikita natin ang kaparehong maginoong lalaki na ihahandog ang kanyang sarili para sa kanyang asawa at mga anak. Ikinararangal at ginagalang mo ba ang sakripisyo ng iyong asawa para sa inyong pamilya at ipinapaikita ito sa iyong mga anak.  “Ninanakawan mo ba ng biyaya ang iyong asawa” kapag ikaw ang laging “nagliligtas ng araw”? Mga kababaihan, maging abala at ipagdasal ang iyong asawa na pamunuan ang inyong sambahayan. Hikayatin siyang manatili ng madalas, hindi bilang bisita, kundi bilang namumunong imahe.

Patuloy na isali ang iyong asawa sa mga desisyon na kinakailangan gawin at maliliit na sakuba na nagpapatuloy ng madalas. Ibigay ang pasanin sa kandungan ng iyong asawa. Ito ang magdudulot sa iyong maging marahan, tahimik at magpakababae. Kailangan mong gawin ito ng marahan at magpasakop sa kanyang mga desisyon ng may masayang palakpak at panghihikayat. Gawin ito ng may mapag-alagang pag-uugali na alam mong nawala na dahil sa pagkuha ng kanyang papel ng matagal na panahon. Mga kababaihan, ito ang dahilan kaya maraming panahon ang iyong asawa upang “maglaro.” Itigil ang pang-aagaw ng papel, itigil ang panghihinanakit dito at gumawa ng paraan tungkol dito!

Pagtustos at pagkalinga. “Ngunit kung ang sinuman ay hindi kumakalinga sa kanyang kamag-anak, lalung-lalo na sa kanyang sariling sambahayan, tinanggihan niya ang pananampalataya at siya'y masahol pa sa hindi mananampalataya.” 1 Timoteo 5:8. Kung ikaw ay nagtatrabaho o nagpahintulot o lumahok sa “paggastos dahil sa paggawa,” kinakailangan mong talikuran ito at magbago. Ginagamit ni Satanas ito upang magtagumpay  sa kanyang layunin na mahati ang inyong tahanan at nakawan kayo ng biyaya. Itigil ang paglalaro sa kanyang panig. Baguhin ang kaisipan bihagin ang kaisipan sa pagsunod lamang kay Kristo. Ang bahaging ito ay nasakop ng mas malalim sa Ika-13 aralin, “Ang Pamamaraan sa Kanyang Tahanan.” Ang araling ito ang sumasagot sa mga katanungang mayroon ka kung ang iyong asawa ang may kagustuhang ikaw ang magtrabaho, ngunit ang puso mo ay nais manatili sa tahanan.

Pakiusap unawain na ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit hindi maligaya ang mga kababaihan at naiinis ay dahil hindi tayo tinuturing na pantay sa mga lalaki. ito ay dahil pinipilit nating gampanan ang papel na hindi naman idinisenyo para sa atin. Kung ang kapwa lalaki at babae ay nagtatrabaho, sinong naiiwan sa tahanan? Mga kababaihan, ang tahanan na pinaghirapan mo at ng iyong asawa at pinagkaalipinan ay walang laman! Ang “maliliit na biyaya” ay inaalagaan at tintuturuan ng mahinang katulad mo. Hindi kataka-taka na ikaw ay nakakaramdam ng pagkainis at pagkawalang silbi?

Nagpapakain sa atin. Alam nating ang ating mga asawa ay dapat na “magdala ng pagkain” ngunit mayroong espiritwal na pagkain na kinakailangan natin at ng ating mga anak! “…walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya…” Efeso 5:29. Ang pagpapakaing ito ay mula sa Salita ng Diyos. Mga babae, pinaramdam natin ang kakulangan ng ating mga asawa sa kanila sa bahaging ito. Maraming lalaki ang hindi alam kung saan sila magsisimula. Dapat tayong manalangin sa Panginoon na palakasin at gabayan ang ating mga asawa; ipagdasal ito araw-araw! Aatakihin ni Satanas ang iyong asawa sa bahaging ito dahil alam niya kung gaano ito kahalagaupang pamunuan ang pamilya. Ipaparamdam nya sa iyong asawa na wala siyang kwenta, walang kakayanan, at mangmang. Gagamit siya ng mga kaguluhan sa iyo at sa iyong mga anak upang mapigilan ang oras ng pagbabasa ng Salita ng Diyos. (Manalangin sa pagkakataong masabi sa iyong asawa ang tungkol sa paggamit ng Bibliya sa tape o CD upang pamunan ang kanyang pamilya sa Bibliya – gagana ito!) Dahil ang ating mga asawa ay nagkulang sa bahaging ito, nilagay natin sa ating mga kamay ang pag-ayos ng problema. Kinukuha natin ang ating pangangailangan sa pagpunta sa maraming Bible studies, seminars at Sunday school. Ang mga anak natin ay ipinapadala sa Sunday school at pinagbabakasyon sa Bible schools upang marinig ang paulit ulit na kwento taon taon; upang lumiban lamang sa mga simbahan ng mas maaga.

Mga babae, si Sara ay nagdesisyong ayusin ang problema sa pamamagitan nila ni Hagar! Ang inyong pamilya ba ay nasa sitwasyong Hagar? Maaring napakaliit ng pakiramdam ng inyong asawa bilang espiritwal na pinuno ng kanyang pamilya sapagkat alam mo ang lahat! Kaya ngayon ikaw at ang iyong mga anak ay umaalis patungong simbahan at siya ay naiiwan sa bahay upang maglaro ng golf.

“Sinong makakatagpo ng isang butihing babae?
Sapagkat siya'y higit na mahalaga kaysa mga batong rubi.
Ang puso ng kanyang asawa, sa kanya'y nagtitiwala,
at siya'y hindi kukulangin ng mapapala.
Gumagawa siya ng mabuti sa kanya at hindi kasamaan
sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay.
Mga Kawikaa 31:10-12.

Pansariling Pangako: Na makapaglaan ng puwang sa Espiritu Santo na akayin ang aking asawa. “Mula sa aking natutunan mula sa Salita ng Diyos, Ipinapangako ko ang aking asawa, ang kanyang paumuno at espiritwalidad sa Iyo; at ako ay maghihintay ng matiyaga sa Iyo upang kumilos. Ibabalik ko ang papel ng pamumuno sa aking asawa sa lahat ng bagay upang hindi masira ang iyong Salita.”

Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.

Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.