Kabanata 8 "Mga Babae, Magpasakop"
“Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa,
gaya ng nararapat sa Panginoon.”
Colosas 3:18
Isang araw, may babaeng tumawag sa akin at nagtanong, “Hanggang saan inaasahan ng Diyos na magpasakop ang isang babae sa kaniyang asawa?” Maaaring natanong mo na rin ang parehas na katanungang ito o ayaw mong malamang ang kasagutan dahil alam mong ito ay maka-luma, hindi nauuso sa panahon ngayon.
Ako ay naninindigan para sa aking kasal, hinarap ko ang mga seryosong desisyon na may kinalaman sa pagpapasakop. Hayaan mong gabayan kita sa parehas na paglalakbay na aking pinagdaanan kasama ang Panginoon habang aking hinahanap ang mga Banal na Kasulatan para sa Kaniyang sagot. Una, ating tignan ang dalawang halimbawa ng pagpapasakop na sinabi mismo ng Diyos na sundin ng mga kababaihan:
Hesus
Sumunod sa Kaniyang mga hakbang. “Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya…Na, nang siya'y alipustain, ay hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid.” 1 Pedro 2:21,23.
Pagpapasakop sa parehas na pamamaraan. Pagkatapos tayong sabihan sa 1 Pedro 2 na “sumunod sa Kaniyang mga pamamaraan” inumpisahan sa ika-3 kabanata ng, “Gayon din naman.” Sinasabi niya sa atin na “Gayon din naman” tayong mga babae ay dapat magpasakop sa ating asawa tulad ng kaniyang pagpapasakop sa Diyos, ang kaniyang Diyos Ama. Si Hesus ay nagpasakop sa kapangyarihan ng Diyos Ama at tayo ay dapat na magpasakop sa kapangyarihan n gating mga asawa.
Si Kristo ang pinuno ng BAWAT lalaki. Alam at nauunawaan natin na ang Diyos Ama ay ang namumuno kay Hesus, ngunit paano tayo makasisiguro na ang ating mga asawa (nailigtas man o hindi) ay ang namumuno sa atin? “Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.” 1 Corinto 11:3.
Masuwayin sa Salita. Ngayong nakasisiguro na tayo na ang Diyos ay nakikipag-usap sa mga asawang babae, ano ang Kaniyang ipinag-uutos? “Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae;Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot.” 1 Pedro 3:1-2.
Sarah
Tinawag siyang Panginoon. Habang ikaw ay patuloy na nagbabasa, ito ay nagsasabing, “Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.” 1 Pedro 3:6.
Maaari tayong maging kagaya ni Sarah: 1) sundin ang ating mga asawa kagaya ng ginawa niya, at 2) gawin ito ng hindi “nagpapasindak sa takot.” Ano ang dapat natng katakitan? Ano ba ang hiningi ni Abraham na gawin ni Sarah na magdudulot sa kaniyang matakot?
Sa Genesis 12:11-13 at sa Genesis 20:2, nakita natin kung paanong hiningi ni Abram (na magiging Abraham) kay Sarai (na magiging Sarah) na magsinungaling! Na magkasala! Sinabi ni Abraham sa kaniya na siya ay kaniyang kapatid upang hayaan siyang maging asawa ng ibang lalaki! Sinunod niya ang kaniyang asawa. Ngayon yon ang pagpapasakop!! Hindi lahat ng kababaihan ay matatawag upang magpasakop ng gayon!
Kung iyon lang ang tanging lugar sa Banal na Kasulatan na may kinalaman sa pagpapasakop ng babae sa kaniyang asawa, maaari natin itong balewalain. Ngunit, hindi lang ito ang Banal na Kasulatan tungkol sa pagpapasakop ng babae sa kaniyang asawa. Makikita natin na marami pang masasabi ang Banal na Kasulatan tungkol rito.
Pagpapasakop sa lahat ng bagay. Ang Banal na Kasulatang ito ang nagpapaliwanag ng iyong relasyon sa iyong asawa ay dapat kagaya ng relasyon ni Kristo sa simbahan. “Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon. Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.” Efeso 5:22-24. Hindi ba nakalulungkot na maraming simbahan ang hindi sumusunod kay Kristo at sa Kaniyang mga turo, sa parehas na pamamaraan na hindi pagsunod ng mga kababaihan sa kanilang mga asawa? May pagkaka-halintulad ba?
Mga umaasa sa Diyos. Nasaan ang aking pag-asa noong ako ay nagpasakop sa aking asawa at sinisikap na maging “banal na babae?” “Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, na pasakop sa kanikaniyang asawa.” 1 Pedro 3:5. Ann gating pag-asa at tiwala ay dapat sa Diyos. (Tignan sa Ika-5 Aralin, “Pagkapanalo ng Hindi Nagsasalita,” dahil “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman. Sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman…” Oseas 4:6.)
Paano tayo magtitiwala sa Diyos kung ang namumuno sa atin ay sinasaktan tayo? Sinasabi sa Banal na Kasulatan na, “Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya.” Roma 13:3. Paanong nasabi ng Banal na Kasulatan ang gayon kung alam naman nating ang namumuno sa atin ay hindi tayo tinitignan at inaalagaan? Paanong nagawa ni Sarah na sumunod sa kaniyang asawa? Si Sarah ay lubos na nagtiwala sa Diyos. Hinda nagtitiwala sa kaniyang asawa. Si Abraham ang responsible sa dalawang pagkakataon na napahamak siya sa Pharaoh! Siya ay nagtiwala lamang sa Diyos. “… Mapalad ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang PANGINOON.” Jeremias 17:7. “Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa PANGINOON.” Jeremias 17:5.
Maraming kababaihan ang napapaisip ng, “Mali ang lalaking aking pinakasalan.” Si Sarah ay maaaring nag-isip din ng ganon sa ilang piling pagkakataon; Ako din ay nag-isip nga ganon. Maaari nating ubusin ang ating mga araw sa pag-iisip nga “Paano kaya kung…” Sa halip, tayo ay mapayapa sa bersikulong ito: “Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.” Roma 13:1. Alam ng ating ama kung sino ang ating pakakasalan bago pa ang pundasyon ng mundo. Ito ay Kaniyang gagamitin para sa kabutihan at kung ating ihihinto ang pag-iisip ng “paano kung” at pagtuunan ng pansin ang dahilan ng Diyos para sa ating paghihirap.(Tignan ang Ika-10 Aralin, “Iba’t-ibang Pagsubok,” dahil “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman. Sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman…” Oseas 4:6.)
Noong tinignan ko ang halimbawa ni Kristo at Kaniyang pagpapasakop, Nakita ko ang Kaniyang sitwasyon ay halos katulad ng sa akin. Si Hesus ay nakisalamuha sa mga lalaking hindi makatwiran na luminlang sa Kaniya, nagdulot sa Kaniya upang magdusa, at nagbanta sa Kaniya. “Kayo'y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik… nang siya'y alipustain, ay hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid.” 1 Pedro 2:18, 23. “Kung ang pinuno mo'y magalit sa iyo, huwag kang magbibitiw sa iyong tungkulin, sapagkat maging ang malaking pagkakamali ay mapapatawad kung ikaw ay magiging mahinahon.” Mangangaral 10:4. Malinaw na sinabi ng Diyos na kahit anong pagtrato ang ating tamasahin, kailangan nating manatiling magalang at nagpapasakop.
Lapastanganin ang Salita ng Diyos! Bakit mahalaga na magpasakop tayo sa ating mga asawa? Dahil, kung hindi, ang ating mga gawa ay lumalapastangan sa Diyos! “Na gayon din ang matatandang babae… Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa… pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Dios.” Tito 2:3-5.
Nararapat sa Panginoon. Paano tayo makikisalamuha sa ating mga asawa? Kagaya ng nararapat sa Panginoon! “Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.” Colosas 3:18. Ang iyo bang pakikitungo sa iyong asawa ay nararapat sa panginoon? Sa madaling salita, ganoon mo rin bang pakikiharapan ang Panginoon kung siya ang nakatayo sa posisyon ng iyong asawa? Nakakalungkot na isipin, hindi ba?
Ang kababaihan ay nalinlang. Ang pinakamahalagang dahilan kaya kailangan nating magpasakop sa kapangyarihan n gating mga asawa ay para sa ating proteksiyon. “Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik. Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva; At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon.” 1 Timoteo 2:11-15.
Dahil sa panahon na ating kinabibilangan, marami sa atin ang nagkaroon ng kahirapan sa pagtanggap sa konsepto ng pagpapasakop. Ngunit, mahal kong kapatid kay Kristo, walang ituturo ang Diyos na hindi para sa kabutihan natin. Ang pagpapasakop ang magpoprotekta sa atin sa pagkalinlang, na magdudulot n ng ating kasiraan.
Ngayong ating binalikan ang mga Banal na Kasulatan, atin ng sagutin ang mga katanungang mayroon ka, gamit ang Karunungan ng Diyos…
Testimonya
Mayroong pahintulot mula sa aking asawang si Dan, na aking ibahagi ang testimony ang pagpapasakop sa inyo. Aming hiling na matuldukan nito, una at higit sa lahat, ang inyong takot sa pagpapasakop sa inyong asawa. Kami ay umaasa na ang aming testimonya ay magpapakita sa iyo na mayroong proteksiyon kung gagawin mo ang matinding paninindigan sa pagpapasakop sa iyong asawa, kahit na siya ay sumusuway sa Salita. Mga Babae, ang pagpapasakop ay naangkop ngayon.
Ang aking asawa noong panahon na iyon ay naliligaw ng landas at nasa pangangalunya. Galit siya at iniinsulto niya ang aking pagpapasakop sa Panginoon at sa kaniya. Isang gabi, noong kami ay nasa byahe kasama ang kaniyang mga ka-trabaho, sinabi niya sa akin na kami ay pupunta sa isang nightclub kung saan may mga sumasayaw ng nakahubo. Pagkatapos, siya ay lumapit sa aking mukha at sinabing, “Kung gayon. Ikaw ba ay magpapasakop?” Siya ay kumbinsidong ako ay sasama, kaya ako ay sumang-ayon. Noong siya ay umalis upang bumili ng ticket, Ako ay nagpunta sa banyo at nagdasal “ng malakas” ng hindi ko pa nagagawa noon. Agad-agad dumating ang Diyos! Nakasalubong namin ang isa niyang kaibigan na nagtanong kung saan kami pupunta. Noong sinabi ng aking asawa, ang lalaking ito ay nagulat ng husto, at binalaan ang aking asawa kung gaano kakila-kilabot ito at huwag na akong pasamahin. Maaari na akong lumutang sa alapaap — ang aking pananampalataya sa Diyos ay tumatayog!
Hindi magpapapigil, kinuha niya ang ticket para sa ibang (hindi masyadong malaswang) palabas. Ngunit ang aking pananampalataya ay sobrang taas, alam king ililigtas ako ng Diyos! Habang kami ang bumibyahe palapit sa aming paroroonan, Ako ay nag-iisip kung paanong pahihintuin ng Diyos ang aking asawa. Ngunit, ako ay nagulat ng kami’y pumasok sa loob, naupo, at nag-order ng inumin. Upang ipaisip sa inyo ang tindi ng pagpapasakop kong ito, ang kabit ng aking asawa ay naupo sa aming lamesa noong kami ay dumating! Nangingilid ang luha sa aking mga mata habang nag-uumpisa na ang palabas, hindi dahil dinala ako ng aking asawa doon, kundi dahil naramdaman kong pinabayaan ako ng Diyos.
Ngunit, mga kapwa babae, ang Diyos ay matapat at tayo ay pwedeng magtiwala sa Kaniya. Noong namatay ang mga ilaw pagtapos ng unang pagtatanghal (na HINDI ko naman nakita dahil sa aking mga luah), ang aking asawa ay bumaling sa akin at nagsabing, “Tumakbo ka! Umalis kana rito!” At ako ay nagpasakop at sumunod, Ako ay tumakbo! Kalaunan kinita ako ng aking asawa sa labas na may luha sa kaniyang mga mata. Sinabi niyang, “Hindi ako makapaniwalang nagawa ko ito sa iyo. Patawarin mo ako. Hindi ko na hihilinging magpasakop at sumunod ka sa ganoong paraan. Ako ay nahihiya sa aking sarili.”
At hindi na niya ginawa. Sa katotohanan, bago pa man kami magkabalikan, inako niya ang trabaho sa pagpoprotekta sa akin mula sa imoralidad ng mundo. May biyaya ang Diyos sa atin tuwing tayo ay nagtitiwala at nagpapatunay n gating pananampalataya sa Kaniya lamang! Kadalasan, inililigtas tayo ng Diyos, ngunit minsan kailangan nating pagdaanan ang “maalab na pagsubok” upang matamo natin ang ating gantimpala! Ang Diyos ay matapat; maaari natin Siyang pagkatiwalaan kahit na ilagay tayo n gating mga asawa sa pagsubok!
Mga Katanungang Nasagot ng Banal na Kasulatan
Ano ang pagpapasakop? Ito ay pagsunod ng hindi nagsasalita, lalo kung ang iyong asawa ay hindi naniniwala sa Salita ng Diyos (1 Pedro 3:1). Hindi ang pang-aalipusta o pananakot sa kaniya. Sinabi sa 1 Peter 3:9 na “Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta; kundi ng pagpapala…”
Ngunit ang pagpapasakop ba ay naaayon pa sa panahon ngayon? “8 Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.” Mga Hebreo 13:8. Sa Mateo 5:18 sinabi ni Hesus na, “Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.”
Hindi ba ang dapat kong gamitin ay “pag-ibig na nagmamatigas”?
Pag-ibig, sinabi sa atin sa 1 Corinto 13, ay mapagpahinuhod, at magandang-loob, hindi nagmamatigas.
Sa 1 Timoteo 2:11 sinabi na hindi dapat nangungutos ang babae sa isang lalaki.
Sa 1 Pedro 2:23 Sinabi na hindi nanakot si Hesus kahit na Siya ay nagdurusa, at sinabi Niya na sundan natin ang Kaniyang mga yapak!
Sa 2 Timoteo 4:4 sinabi na sa mga huling araw tayo ay babaling sa mga katha. Ang paggamit ng “pagmamatigas na pag-ibig” sa ating mga asawa ay katha dahil ang salitang “pagmamatigas” ay wala sa deskripsyon ng pag-ibig sa 1 Corinto 13. Maaaring mahirap para sa atin na tumugon ng pagmamahal sa ating mga asawa kung hindi naman sila kaibig-ibig!
Sa 2 Timoteo 4:3 ay sinabi rin na tayo ay maghahahanap ng mga guro na na sasang-ayon lamang sa ating mga kagustuhan. Masarap sa ating kalamnan ang pagbibigay ng ultimatum at pagkompronta sa ibang tao. Ngunit ang Espiritu ay ang laman ay magkasalungat sa isat-isa, “...at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.” Galacia 5:16. (Para sam as maraming kaalaman sa matigas na pag-ibig basahin ang Ika-3 Aralin ulit, “Magiliw at Tahimik.”)
Paano ko gagawin ang mga hinihingi ng Diyos?
Paano ko gagawin lahat ng hinihingi ng Panginoon na gawin ko bilang asawa sa mundo ngayon? Sa pamamagitan ng Biyaya! At paano ka magkakaroon ng biyaya? Sa pagpapakumbaba ng iyong sarili. Sa Santiago 4:6 sinabi rito na, “Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.” At sa 2 Corinto 12:9 sinabi rito na, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.” At oo, salungat sa hangal na opinyon ng mundo, ang mga kababaihan ay mahina kumpara sa kalalakihan. “Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina….” 1 Pedro 3:7.
Ating pasalamatan ang Diyos para sa proteksiyon na binibigay Niya sa atin sa tuwing tayo ay sumusunod sa Kaniya at nagpapasakop sa ating mga asawa! Sa halip na makipag-talo upang makaalis sa proteksiyon ng kapangyarihan n gating mga asawa, ating purihin ang Panginoon dahil pinili tayong maging babae.
Pagpapasakop. Upang matulungan tayong “bumitiw” sa ating takot na magpasakop, maaaring makatulong kung ating titignang mabuting halimbawa si Sarah. Ako ay naaakusahan ng pagtuturo ng “pagpapasakop sa kasalanan.” Kahit na ang salitang iyon ay katunog ng Banal na Kasulatan, ito ay kathang-isip lamang. Ngunit ang kahulugan sa likod ng mga salitang iyon ay makikita sa buhay ni Sarah. Masasabi ko sa inyo ng buong katapatan na ito ay maingat na paglalakbay at nakatuon ang maraming panahon sa paghahanap nga Katotohanan. Sinabi ng Diyos na. “Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.” (Mateo 7:7) at “Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat.” Santiago 1:5.
Maraming Kristiyano at mga relihiyosong pinuno ang hindi sumasang-ayon sa aking mga tinuturo sa pagpapasakop, ngunit napatunayan kong nakatulong ito sa akin na magpursige na hanapin ang katotohanan. Habang aking ninanamnam ang Mga Salita, at sa aking sukdulang pagsunod sa aking natutunan, mas lalo kong naituturo ang pagpapasakop ng may katapangan. Mga kababaihan, natagpuan ko na ang kakulangan sa pagsunod ay ang ugat ng pag-iral ng isang babaeng mapamintas. Hindi kung kailan at kung ano ay iyong dapat pagpasakupan; ang “espiritu ng rebelyon” ang mananaig kung hindi ka magtitiwala ng husto sa Diyos para sa result ang iyong pagpapasakop.
Ang tunay na biyaya ay nagmumula sa pagtitiwala sa Diyos, hindi pagtitiwala sa pamumuno ng iyong asawa, dahil “Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad, Nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.” Mga Kawikaan 16:9. Ikaw at ako ay kailangang “Magtiwala sa Panginoon” at hindi “sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig.”(Jeremias 17:5) Kailangan maging handa tayo sa paghahanap ng Katotohanan sa Salita ng Diyos. Ako ay personal na namuhay at nagsulat ng mga testimony ang aking pagsaksi sa Katotohanan ng Banal na Kasulatan. Marami rin akong nakitang “masamang bunga” na nagmula sa mga kumontra sa Katotohanan ng buong pagpapasakop. “Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila…” Mateo 7:16. Ang piling pagpapasakop ay hindi pagpapasakop; ito ay rebelyon! At ang rebelyon ay pangkukulam! “Ang pagsuway sa kanya ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo'y tulad ng pagsamba sa diyus-diyosan.” 1 Samuel 15:23.
Kahit na sinong babae na nagpoprotekta sa kaniyang sarili sa pagpapahayag ng diwa ng pagsuway ay hindi magkakamit ng buong proteksiyon mula sa Diyos o hindi makakakita ng tunay na biyayang inilaan ng Diyos para sa kaniya! At ang mas nakalulungkot, ang isang rebeldeng misis ay maaaring hindi kailanman makita ang kaniyang asawa na nagpapasakop sa nakatataas sa Kaniya, si Hesukristo.
Si Sarah ba ay Nagpasakop sa Kasalanan?
Ang pagsunod ba ni Sarah ay pagpapasakop sa kasalanan? Hindi, si Sarah ay hindi nagkasala. Si Abraham lang, na nakatataas kay Sarah, ang nagkasala. Noong hiningi nito na magsabi siya ng mababaw na kasinungalingan (syempre, ang mababaw na kasinungalingan ay kasinungalingan parin, at ito ay kasalanan), sumunod si Sarah, at bilang result ang kaniyang pagsunod sa kaniyang asawa, pinrotektahan siya ng Diyos.
Kagaya ng aking nasabi, mahalaga para sa ating mga kababaihan na maunawaan ang utos na ibinigay sa atin bilang babae. “Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.” 1 Pedro 3:6.
Kailangan nating hanapin ang Katotohanan sa Salita ng diyos upang tayo, bilang mga babae, ay magkaroon ng kaalaman sa Katotohanan, “….Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita, Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan.” 2 Timoteo 3:6-7.
Hindi tayo dapat makipagtalo sa Banal na Kasulatan. Kailangan “na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot.” (1 Pedro 3:15) At, kailangan nating tandaan na “Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo. Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.” 1 Pedro 3:16-17.
Mga pagtatalo tungkol sa salita. Kung tinuruan ka o sinabihan ng iba ng bagay na salungat sa Banal na Kasulatan, tandaan na “Kung nagtuturo ang sinuman ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga tunay na salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa pagiging maka-Diyos, siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita.” 1 Timoteo 6:3-4.
Lahat tayo ay dapat na maging maingat sa pagsunod sa mga Salita ng Diyos at, sa ating halimbawa, ituro sa iba ang Kaniyang mga utos. “Kaya't sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit. Sinasabi ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.” Mateo 5:19-20. Nabibilang rito ang iyong mga anak na babae, mga manugang na babae, kapatid na babae, at nanay, maging ang iyong mga Kristiyano at hindi-Kristiyanong kaibigan.
Eskriba at Pariseo. Tinukoy ni Hesus na bulag na mga lalaki ang mga Pariseo, ipokrito, anak ng demonyo, sa kanilang pagsisikap na hulihin o bitagin si Hesus sa Kaniyang sinabi. Sinabi rin Nya na ang mga Pariseo ang humadlang sa mga potensyal na mananampalataya, nagpilipit sa Banal na Kasulatan, nagkaroon ng katwiran sa sarili sa harap ng mga tao, matuwid sa panlabas at bulag sam ga espiritwal na na bagay. Ang mga Eskribo ay mahusay sa mga legal na usapin. Tinukoy niya ang mga ito na mayroong panlabas na katwiran, pagtuturo ng walang kapangyarihan,at pagkuwestiyon kay Hesus at sa kanyang kapangyarihan. Ibinulgar sila ni Hesus, hinatulan, at tinwag na mga hangal. Huwag hayaang ang ating mga buhay ay maging katulad ng mga Eskribo at Pariseo. Hayaang maging bukas ang ating mga puso sa paghahanap sa Katotohan.
Ibig lamang nila. Madaling makakatagpo ng isang tao na magsasabi sa iyo ng iyong gusto lamang marinig. “Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip.” 2 Timoteo 4:3-4. Tayo ba ay namumuhay sa panahon kung saan ang mga babae ay hindi kayang tiisin ang mabutng doktrina? Ikaw ba ay babaling sa kathang-isip?
Kung gusto mo malaman ang Katotohanan, lumakad kasama ko at muli nating hanapin ang Salita na tumutukoy sa pagsunod ni Sarah.
Pagsunod ni Sarah
Ang sagot sa katanungang “Hanggang saan dapat nagpapasakop ang babae sa kaniyang asawa?” ay matatapuan sa buhay ng isang babae, ang natatanging babae, na tinukoy ng Diyos bilang at8mg halimbawa ng pagpapasakop, si Sarah. (1 Pedro 3:6) Atng tignan ng mabuti ang lahat ng mga sanggunian kay Sarah at ang kaniyang relasyon sa kaniyang asawang si Abraham.
Tinukoy si Sarah sa Bibliya ng 59 na beses! Sa mga sangguniang iyon ay tatlong beses lamang siyang inutusan ni Abraham na may gawin para sa kaniya. Tandaan, siya ang dapat nating halimbawa ng pagsunod sa ating mga asawa.
Sa Genesis 12:11 Sinabi ni Abram kay Sarai kung gaano siya kaganda at ng pumasok sila sa Egipto, sinabi niya sam ga Ehipcio na ito ay kaniyang kapatid na babae upang siya ay mabuhay. Ito ay kasinungalingang may bahid ng katotohanan dahil ito ay kaniyang “kapatid sa ama”. Sinabi rito na si Abram ay “tinuring ng mabuti” para sa kapakanan niya (Sarai). Siya ba ay nagkasala dahil siya ay nagsinungaling o siya ay inosente dahil siya ay inutusan lamang ng nakatataas sa kaniya na magsinungaling?
At sa Genesis 12:17, “…At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan”. Sinabi din na “t dahil kay Sarai” tinanong ng Faraon si Abram (hindi si Sarai) kung bakit niya nagawa ito sa kanila. Si Abram ang may pananagutan sa huli. At siya'y kanilang inihatid sa daan, at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang pagaari. At sa Genesis 17:15-21 sinabi sa atin ng Salita na si Sarai ang at “magiging ina ng mga bansa” at “ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.” Sa uulitin, si Abram ang tanging may pananagutan sa kaniyang mga inutos sa kaniyang asawang si Sarai at ito ay biniyayaan sa kaniyang pagsunod.
Sa Genesis 18:6-15, nakita natin na hiningi ni Abraham kay Sarah (Binigyan na sila ng Diyos ng mga bagong pangalan) na umalis at gumawa ng cakes para sa mga bisita. Makikita nating sinunod muli ni Sarah ang kaniyang asawa at gumawa ng cakes.
Sa maniwala kayo o hindi, sa Genesis 20:2-18, “At sinabi ni Abraham tungkol kay Sara na kaniyang asawa, Siya'y aking kapatid; at si Abimelech na hari sa Gerar, ay nagsugo at kinuha si Sara.” Sa pagkakataong iyon, hindi hininging magsinungaling si Sara; iniligtas siya ng Diyos palabas sa sitwasyong iyon. Ngunit, siya parin ay kinuha bilang asawa ng ibang lalaki! Ngunit sa Ika-5 bersikulo, makikita natin na nagmamakaawa ang Hari sa Diyos para sa kaniyang buhay. Sa Ika-6 na bersikulo makikita ang proteksiyon ng Diyos para kay Sara noong sinabi niya na sa Hari na, “kaya't hindi ko ipinahintulot sa iyong galawin mo siya.” Ang Salita ng Diyos ang nagsabi sa atin na si “Sara ay sumunod kay Abraham, at tinawag siyang Panginoon” at “Hindi tayo dapat magpadaig sa takot” anoman ang hingiin n gating mga asawa na gawin natin. Pinrotektahan ng Diyos si Sara at ganoon din ang gagawin niya sa atin!
Para patunayan ng husto na hindi tayo responsible kung ating susundin ang ating mga asawa, makikita matin sa Ika -9 na bersikulo na noong naghanap ng masisisi ang hari, si Abraham ang kaniyang sinisi. “Nang magkagayo'y tinawag ni Abimelech si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Anong ginawa mo sa amin?.. Ginawan mo ako ng mga gawang di marapat gawin.” At sa Ika-12 bersikulo naman, ipinaliwanag ni Abraham ang kasinungalingang may bahid ng katotohanan (na isa paring kasalanan). At sa Ika-13 bersikulo naman, nilinis ni Abraham si Sarah sa kaniyang mga pagkakasala. Inamin niya sa Hari na kaniyang ideya ang panlilinlang sa kaniya. “Ito ang magandang kalooban mo na maipakikita sa akin; sa lahat ng dakong ating datnin, ay sabihin mo tungkol sa akin, Siya'y aking kapatid.” Ngayon tignan, sa Ika-16 na bersikulo, biniyayaan ng Diyos si Sarah. Sinabi ng Hari kay Sara na nagbigay ito ng isang libong putol na pilak sa kaniyang kapatid upang sa harap ng lahat ay nagbangong puri siya. Si Sara muli ay iniangat sa dahil sa kaniyang pagiging walang malay ng sinabi sa Ika-18 bersikulo na, “Sapagka't sinarhang lubos ng Panginoon ang lahat ng bahay-bata sa bahay ni Abimelech, dahil kay Sara, na asawa ni Abraham.” Kung tayo ay susunod, kagaya ng ginawa ni Sarah, tayo din ay poprotektahan, malilinis din ang ating pangalan sa mga bagay na inutos sa ating gawin, at mabibiyayaan!
Ang susunod na bersikulo, Genesis 21:1, nasasabing “At dumalaw ang Panginoon kay Sara, ayon sa sinabi niya, at ginawa ng Panginoon kay Sara ang ayon sa kaniyang sinalita.” “Sinubok” ng Panginoon ang pagsunod ni Sara upang malaman kung siya ay karapat-dapat na maging in ang Ipinangakong maraming bansa. Maaari din tayong makasiguro na susubukin din ng Diyos ang ating mga Puso.
Ngunit ang biyaya ni Sara mula sa Diyos ay hindi pa natatapos at makikita natin sa Genesis 21:12, “sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kaniyang tinig…!’ ” Sinabi ng Diyos kay Abraham na gawin ano man ang sabihin ni Sara na kaniyang gawin kay Hagar, dahil si Sara ay nalungkot sa ugali na pinakita ni Hagar. Kahit pa pinangunahan ni Sara ang Ditos sa pamamagitan ng pagpapadala kay Hagar kay Abraham upang madaliin ang Kaniyang pangako sa kaniya, iwinasto ito ng Diyos! Nakita natin ang katibayan sa Genesis 21:14 noong pinaalis ni Abraham si Hagar at Ishmael.
Upang Sumunod
Sa Banal na Kasulatan mayroong walong ibat-ibang salita sa pagsunod. Mayroong tatlo mula sa Mga Hebreo mula sa Lumang Tipan, at 5 sa griyego mula sa Bagong Tipan. Tanging ang salitang Hupaku (5219 sa Strong’s Concordance), binibigkas bilang hoop a ku o, ang ginamit sa mga kababaihan na may kinalaman sa pagsunod sa kanilang mga asawa. Ang kahulugan ng salitang pagsunod ay: ang makinig, na magpasailalim sa kapangyarihan ng mas nakatataas, ang makinig ng mabuti; sa pamamagitan ng implikasyon sa pakikinig o pagsunod s autos ng nakatataas. Ang salitang pagsunod ay matatagpuan sa 1 Pedro 3:6 noong inutusan ang mga kababaihang sumunod, kagaya ng ginawa ni Sarah kay Abraham. Ito ay matatagpuan din sa:
Roma 6:17 noong sinabi na tayo ay kailangang maging alipin at sumunod mula sa puso (tignan dins a Genesis 21:1).
1 Pedro 1:22 at inulit na sinabi na kailangan nating sumunod mula sa puso.
At sa Mga Hebreo 11:7 noong sinunod ni Abraham ang pag-alis papuntang Canaan (Genesis 12:5).
Sa ilan, na kumontra sa aking malakas na paninindigan sa pagpapasakop sa ating asawa. Ay gumamit ng ibang mga sanggunian sa Banal na Kasulatan upang patunayan na hindi natin kailangang sumunod kagaya ni Sarah. Ngunit, sila ay gumagamit ng ibang salita, kagaya ng salitang PEITHO (3982) pie tho na nangangahulugang mangumbinsi sa pamamagitan ng pakikipagtalo, upang patahimikin, upang manghimok. Ngunit ang salitang it ay hindi ginagamit sa relasyon ng isang mag-asawa.
At, ang salitang PEITHARCHEO (3980), pie thar ke o, na nangangahulugang panghihimok ng namumuno (mahistrado). Ito ay nasa Mga Gawa 5:29, noong sumagot at sinabi ni Pedro at mga apostol na, “Sa Diyos kami dapat sumunod, at hindi sa tao.” Ngunit muli, ang salitang ito sa pagsunod ay hindi gingamit sa relasyon ng mag-asawa.
Ang ika-apat na salita para sa pagsunod ay ang SHAMA (8085) na nangangahulugang makinig, isaalang-alang at makilala. Ang salitang ito para sa pagsunod ay ginamit na sanggunian sa Daniel noong siya ay umapela na hindi kumain ng pagkain mula sa lames ang hari. Maraming nanghikayat sa mga kababaihan na gamitn ang pagsunod na ito upang umapela sa kanilang mga asawa; ngunit, ang Salita ng Diyos ay hindi gumamit ng kahit na ano sam ga salitang ito ng pagsunod bilang sanggunian sa relasyon ng mag-asawa.
Ating Balikan
Ating dinaanan ng magkasama ang Mga Salita upang malaman ang katotohanan sa pagpapasakop sa ating mga asawa. Ating balikan ang ating mga napag-alaman:
1. Ang tanging babae sa Banal na Kasulatan na ginawang halimbawa ng pagsunod upang tularan ng mga kababaihan ay si Sara.
2. Iningatan ng Diyos si Sara dahil siya ay nagpasakop “sa Panginoon” sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniyang asawa at pagtitiwala sa Kaniya para sa proteksiyon. (Efeso 5:22).
3. Tanging tatlong sanggunian sa Banal na Kasulatan ang nagsabing may inutos na gawin si Abraham kay Sara: ang gumawa ng cake, ang “mag half-lie,” sa pagsasabing siya ang kaniyang kapatid, at ang maging asawa muli ng Faraon.
4. Si Abraham ay ang responsible sa lahat ng nagawa ni Sara noong siya ay sinusunod nito.
5. Pagkatapos ng kaniyang pagsunod sa ika-2 pagkakataon, “naalala” ng Diyos at biniyayaan si Sara ng Kaniyang pangako na anak na lalaki sa kabila ng kaniyang katandaan.
6. Ito ang 5 sanggunian na nagpapakita na si Abraham (at Sara) ay biniyayaan at iningatan dahil kay Sara:
a. Sa Genesis 12:16, “At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya.”
b.Sa Genesis 20:6 sinabing, “kaya't hindi ko [Diyos] ipinahintulot sa iyong galawin mo siya.”
c.Sa Genesis 20:14-16, ang asawa ni Abraham ay ibinalik kasama ang mga regalo ng tupa at mga baka, mga aliping lalake at babae. Pinahintulutan din niyang tumahan si Abraham kung saan niya magalingin at nagbigay siya ng isang libong putol na pilak upang “malinis si Sara”!
d.Sa Genesis 20:18, sinarhang lubos ng Panginoon ang lahat ng bahay-bata sa bahay ni Abimelech, “dahil kay Sara”.
e.Sa Genesis 21:12, Pinaalis si Hagar kasama si Ishmael dahil sinabi ng Diyos kay Abraham na makinig kay Sara at gawin ano man ang sabihin nito tungkol kay Hagar.
7. Si Abraham ang dapat na nag-ingat kay Sara; gayunpaman, iningatan ng Diyos si Sara dahil siya ay sumunod sa kaniyang asawang si Abraham.
Tayo ngayon ay hindi na dapat matakot magpasakop dahil mayroon tayong proteksiyon mula sa Diyos. “Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon; Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.” Mga Awit 115:11.
Ang tanging humahadlang sa iyong pagpapasakop ngayon ay ang rebeldeng espiritu. “Sapagka't ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagka't dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka….” 1 Samuel 15:23. Kapag tayo ay nagsimula ng magpasakop mula sa puso at alisin ang rebelyon mula sa ating gawa at pag-uugali, darating ang mga problema upang tayo ay “subukin.” Ngunit, andiyan ang Diyos na naghihintay upang tayo ay tulungan: “Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon, At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.” Mga Awit 34:17. (Tignan ang Aralin 10, “Iba’t-ibang Pagsubok,” dahil ““Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman. Sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman…” Oseas 4:6.)
Si Eba at ang tukso
Ating pinag-aralan ang buhay ni Sara upang makita ang pagpapasakop sa tunay na buhay. Nakita natin sa kaniyang buhay ang biyaya at proteksiyon. At alam nating itinaas si Sara sa aklat ng 1 Pedro dahil sa kaniyang sukdulang pagpapasakop sa kaniyang asawang si Abraham. Ngunit para bigyan tayo ng mas malalim na pag-unawa, makatutulong na pag-aralan ang buhay ni Eva, upang makakuha tayo ng mas maraming karunungan.
Anong alituntunin sa pagpapasakop ang sinuwat ni Eba na nagdulot nga “Ang Tukso”?
Pagdududa sa Diyos at pag-kwestiyon sa Kaniyang Salita. “At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?” Genesis 3:1. Kung alam lamang niyang “Bawa't salita ng Dios ay subok: Siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya.” Mga Kawikaan 30:5. Kung alam lang ni Eba at ginamit ang bersikulong ito, maaaring nailigtas tayo mula sa maraming sakit!
Pagdadadagdag sa Kaniyang Salita. “At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami: Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay. ” ’ ” Idinagdag niya na hindi niya ito dapat “hipuin.” Tuwing tayo ay nagdadadag sa Salita mg Diyos, ito ay sumusuway sa Banal na Kasulatan at isinasalang tayo sa pagkakasala. “Huwag mong daragdagan ang kanyang salita sapagkat pagsasabihan ka niya bilang isang sinungaling.” Mga Kawikaan 30:6.
Pakikinig sa boses ni Satanas. “At sinabi ng ahas sa babae, 'Tunay na hindi kayo mamamatay! Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama. '” Huwag nating kalilimutan na si Satanas ay sinungaling. “Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.” Juan 8:44.
Tignan mo ang kasamaan. “At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain…” Genesis 3:6. Ano ang kaniyang dapat na ginawa? “At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti.” 1 Pedro 3:11. Matuto tayo sa kaniyang pagkakamali at sa halip, gawin ang ginawa ni Job… “Ako'y nakipagtipan sa aking mga mata…” Job 31:1. Sinabi ni Hesus sa atin kung gaano kaimportante ang ating mga mata saating kinabukasan: “At kung ang mata mo ang makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno.” Mateo 18:9.
Maging sanhi upang madapa ang iba. “at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain. At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.” Genesis 3:6-. “Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa.” Roma 14:13. “Mabuti ang huwag…ni gumawa ng anoman na katitisuran ng iyong kapatid.” Roma 14:21.
Naakit sa sarili niyang kasakiman. Kailangan bang sisihin si Eb asa pagkakasala ni Adan? “Hindi mangyayari na di dumating ang mga kadahilanan ng pagkakatisod; datapuwa't sa aba niyaong pinanggalingan.Mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato, at siya'y ihagis sa daga.” Lucas 17:1-2. Ngunit, “Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat.” Santiago 1:14. Mayroong tamang balanse para dito. Kung tayo ang nagdudulot sa pagkadapa at pagkakasala ng ating mga asawa, tayo ang responsable. Sa kabila nito,ang ating mga asawa ang mananagot sa Panginoon para sa kanilang mga pagkakasala. At habang tayo ay nasa paksa, tandaan na kung ang iyong asawa ay patungo sa pagkakasala, umalis sa kaniyang daraanan! (Mga Awit 1:1) At saka, sinabi sa atin na huwag magsalita sa kaniya ng tungkol rito! (1 Pedro 3:1).
Mga Kahihinatnan
Ang unang bunga ay ang pandaraya. “At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako'y kumain.” Genesis 3:13. “At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang.” 1 Timoteo 2:14.
Ang sumpa. Sinabi niya sa babae, “Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo.” Genesis 3:16. Ang kahulugan ng at ay mahalaga. Ito ay nagsasabing: gayunpaman, o ngunit. Ang iyong “sumpa” ay hindi ang pagka Panginoon sayo ng iyong asawa. Hayaan mong ulitin ko ito. Ang sinasabi rito ay, “Dahil ikaw ay nagkasala, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; gayunpaman, ngunit, dapatpuwat, akin kang iingatan sa pamamagitan ng paglalagay sa iyong asawa bilang iyong panginoon upang hindi ka na madaya pang muli.” Nakikita ng Diyos na ang mga babae ay mangangailangan ng espesyal na pangangalaga laban sa pagkalinlang. Tayong mga kababaihan ay may kakayahang gumawa ng desisyon base sa ating nararamadaman dahil tayo ang puso ng “iisang laman”.
Iyong taga-pangalaga. Samakatuwid, tayo ay mayroong proteksiyon habang tayo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng ating mga asawa. “Ang mga babae ay dapat matuto nang tahimik at nagpapasakop. Hindi ko pinapayagan ang mga babae na magturo o mamuno sa mga lalaki, kundi dapat silang manahimik. Sapagkat unang nilalang si Adan bago si Eva, at hindi si Adan ang nadaya kundi si Eva ang nadaya at nagkasala.” 1 Timothy 2:11-14.
Iisa kay Cristo Hesus. Ngayon kung kailan sinabi sa atin na tayo ay magpasakop sa lalaki, hind isa kahit sinong lalaki, o lahat ng kalalakihan. Tayo ay kailangang magpasakop sa ating mga asawa. Kailangan din nating magpasakop sa mga kalalakihan (o kababaihan) na namumuno sa lahat, kagaya ng ating mga amo sa trabaho, pulis, atbp. Maraming Kristiyano ang nadarapa sa lugar na ito kung saan nagtuturo ang mga kababaihan sa kalalakihan. Kung ang babae ay itinawag upang magturo, hindi niya dapat maging estudyante ang kaniyang asawa. Dumating si Hesus upang tayo ay mamuhay sa ilalim ng Kaniyang biyaya; huwag tayong maging legalistic. “Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.” Galacia 3:28.
Isang paalala: ang terminong “help meet” ay mula sa KJV Bible. “Helper suitable” ay mula sa NAS at NIV Bible. “Helper comparable” ay mula sa NKJV at “helper meet (suitable, adapted, complementary) para sa kaniya” ay mula sa Amplified version. (Gen. 2:18)
Ating ikalawang proteksiyon. Ang ating mga asawa ang ating punong taga pangalaga; ngunit, sinasabi sa Bibliya na tayong mga kababaihan ay mayroong karagdagang proteksiyon: “Ngunit maliligtas ang babae sa pagsisilang ng sanggol, kung magpapatuloy siya[a] sa pananampalataya, pag-ibig, kabanalan at maayos na pamumuhay.” 1 Timoteo 2:11-15. Ang salitang maililigtas ay mula sa NAS Bible, sa KJV ang salita ay “saved,” isinalin mula sa salitang sozo, na nangangahulugang: upang mailigtas, protektahan o hilumin, o panatalihing ligtas. Sa uulitin, makikita natin na kailangan nating sundin ang ating mga asawang walang takot (1 Pedro 3:6), tayo rin ay kailngang magbuntis at magsilang ng sanggol sa pananampalataya. Ang Pananampalataya, sa ating pagkakaalam, ay ang kabaliktaran ng takot. (Tignan ang Ika-12 Aralin, “Bunga ng Sinapupunan.”)
Isa pang kamangha-manghang bunga ng pagkain ni Eva ng prutas ay noong sinabi sa kaniya ng Diyos na ang kaniyang “pagnanais” ay para sa kaniyang asawa. Ang salitang pagnanais ay isinalin mula sa salitang tshuwqah (8669), na tinukoy bilang: pangungulila sa isa; pagnanais. Nguni tito ay kinuha mula sa salitang shuwq (7783), na nangangahulugang “habulin”. Alam nating mas maraming kababaihan ang naninindigan para sa kanilang nabubuwag na kasal at mga hindi matapat na mga asawa kaysa sa mga kalalakihan. Hindi ba nakamamangha na mayroong isang tanyag na awitin (bago pa baguhinng feminism ang paraan n gating pag-iisp) na tinawag na “Stand By Your Man”?
Pagsisi ni Adan kay Eba. Kung kayo ay nagtataka kung bakit kayo sinisisi ng inyong mga asawa, ganoon na talaga simul ang umpisa ng sangkatauhan! “At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.” Genesis 3:12. Pinapayuhan ang ating mga asawa na”… Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila.” Colosas 3:19. At, “Pag-ingatan ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba.” Mga Hebreo 12:15. At dahil sa pagkahilig ng mga lalaki na sisihin ang kanilang mga asawang babae, binigyan tayo ng Diyos ng proteksiyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng alituntuning ating dapat sundin: “Kayo namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. Sa gayon, kung mayroon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal. Kahit hindi na kayo magpaliwanag pa sa kanila, sapat nang makita nila ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay…Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos.” 1 Pedro 3:1-2,4.
Ang kaniyang pagkakamali. Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan, “Dahil nakinig ka sa iyong asawa, nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga….” Genesis 3:17. Bakit ba ang kaniyang hindi pagsunod at ang pagkalinlang kay Eba? Ang huling beses na Inutos na ipinagbawal ang pagkain ng bunga ay nabanggit apat na bersikulo bago pa man nilikha si Eba! Ngunit, hindi siya sumunod sa kapangyarihan ng kaniyang asawa noong siya ay kumain ng ipinagbabawal na bunga. Gayunpaman, hindi siya tuwirang sumuway s utos ng Diyos, dahil ito ay ibinigay kay Adan bago pa man likhain si Eba. Kaya ang pagkakasala ay ipinasa mula kay Eba patungo kay Adan. Si Eba ay hindi sinasadyang nagkasala; siya ay nalinlang! Alam ni Adan ang kaniyang ginagawa noong kaniyang kunin ang bunga at kainin. Ang kaniyang pagbagsak ang ang kaniyang pakikinig sa kaniyang asawa. Nakita din nating naipasa kay Abraham noong hiningi ni Sara na kaniyang kunin si Hagar upang maisakatuparan ang pangako ng Diyos na pagkakakaloob ng anak. “At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai.” Genesis 16:2. Itanong sa iyong sarili kung ikaw ba ang “nagbibigay boses” sa tukso upang gumawa ng kasalanan ang iyong asawa. Alam kong ako ay guilty sa bagay na ito. Ito ay mahusay na paraan sa pagpapabagsak ng iyong tahanan, kapwa kong mga kababaihan!
Ang Kaniyang sumpa! “sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang; Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” Genesis 3:17-19. Ikaw ba ang “nagpapagal”, sumasalo sa kaniyang parusa ng pagtatrabaho sa sarili mo? Ang sumpa ng pagpapagal ay inilaan para sa iyong asawa. (Tignan sa Ika-13 Aralin, “Ang Pamamaraan ng Kaniyang Pamamahay” upang maibsan sa “pagod” na hindi mo kailangang saluhin.)
Ngayon ating tignan ang ibang kababaihan sa Bibliya upang makakuha ng kaalaman mula sa kanilang tungkulin bilang asawa. Ating titignan ang maganda at masamang halimbawa.
Abigail
Ano ang alam natin tungkol kay Abigail? “ang pangalan ng kaniyang asawa ay Abigail: at ang babae ay matalino, at may magandang pagmumukha…” 1 Samuel 25:3.
Siya ay nagkulang sa bait. Ating makikita habang ating pinag-aaralan ang Banal na Kasulatan na si Abigail ay nagkulang sa bait. “Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy, Gayon ang magandang babae na walang bait.” Mga Kawikaan 11:22. “Ang lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan:Nguni't ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya'y pupurihin.” Mga Kawikaan 31:30.
Ang Patotoo ni Abigail. Nagsimula ito sa 1 Samuel 25 noong nalaman natin ang sitwasyon. Isang grupo ng kalalakihan ang matapat na nangalaga sa mga kawan ng tupa at kambing; walang hayop ang nawala. Noong narinig ng mga kalalakihan na ang kaniyang asawa ay naggugupit ng balahibo ng kaniyang mga tupa, nagpadala si David ng sampung kalalakihan at minungkahi na sila ay bayaran para sa trabahong kanilang ginawa, na nararapat lamang. Ngunit si Nabal (asawa ni Abigail) at nang-insulto sa kanila at sa kanilang pinuno at nagsabing wala siyang obligasyon na sila ay bayaran sa kahit na anong paraan. Nagalit dito si David, at pinagbalakan niyang patayin si Nabal at lahat ng kalalakihan sa kaniyang tahanan. Noong narinig ni Abigail ang plano ni David, siya ay kumuha ng limang tupa at madaming pagkain at nagmadaling makipagkita kay David. Maraming mangangaral ang gumamit kay Abigail bilang mabuting halimbawa na atin dapat na sundin; ngunit siya ay lumabag sa Banal na Kasulatan.
Anong alituntunin ang nilabag ni Abigail? Ang paglabag ni Abigail sa maraming alituntunin sa Banal na Kasulatan ang nagdulot sa pagkamatay ng kaniyang asawa. Ito rin ang nagdulot sa kaniya upang maging “isa lamang” sa maraming asawa ni David.
Ang lalaki ang ulo ng kaniyang asawang babae. Unang mga pahayag na ating makikita ay, “At sinabi niya sa kaniyang mga bataan, Magpauna kayo sa akin; narito ako'y susunod sa inyo. Nguni't hindi niya isinaysay sa kaniyang asawang kay Nabal.” 1 Samuel 25:19. Si Abigail ay hindi nagbigay sa kaniyang asawa ng tamang posisyon nito sa kanilang buhay may-asawa at inilagay ang hustisya sa kaniyang mga kamay. Kaniyang nilabag ang alituntunin na “Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa…na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.” Efeso 5:23. Hinayaan dapat niyang maging “taga-pagligtas” ang kaniyang asawa sa sitwasyong iyon, “Ang…katigasan ng ulo'y tulad ng pagsamba sa diyus-diyosan.” 1 Samuel 15:23. Ang katigasan ng ulo ay ipinaliwanag bilang: hindi pagsunod sa may kapangyarihan, rebelyon, talamak na pagsalungat sa nakatataas, at katigasan ng ulo sa pagsunod sa kontrol.
Pagpapasakop sam ga malulupit. Siya ay nangatwiran sa kaniyang panghihimasok sa pamamagitan ng pagtingin sa ginagawa ng kaniyang asawa: “… ang lalake ay masungit at masama sa kaniyang mga gawa…” 1 Samuel 25:3. Hindi natin maaaring idahilan ang ating pagsuway dahil sa ginagawa ng mga nakatataas sa atin; malinaw na sinabi sa Salita. “magpasakop kayo sa inyong mga amo at igalang ninyo sila, hindi lamang ang mababait at mapagbigay kundi pati ang malulupit.” 1 Pedro 2:18. “Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan.” Mga Kawikaan 13:3.
Siya ay nagdulot ng parusa sa kaniyang sarili. “Sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa.” Roma 13:1-2. Noong kaniyang nalamang may kapahamakan, dapat niyang sinabi ng may paggalang ang kaniyang mga saloobin sa kaniyang asawa. Ito ay tinatawag na pagpapasa-Diyos na lamang. “Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman: Nguni't ang puso ng mangmang ay hindi gayon.” Mga Kawikaan 15:7. “Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa:Nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw.” Mga Kawikaan 12:26. Kung si Nabal ay nagpatuloy sa katigasan ng kaniyang ulo, siya ay dapat na umiyak sa Diyos, hindi kay David, para sa awa.
Siya ay nakialam sa gulong hindi naman ipinagkaloob sa kaniya. Sa pamamagitan ng pagkuha sa hustisya sa kaniyang mga kamay, nilimitahan niya ang posibilidad ng Diyos na harapin ang kaniyang asawa at sitwasyon. “Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya,Ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga.” Mga Kawikaan 26:17.
Kanyang nilabag ang alituntunin sa 1Pedro 3. Alam kong si Abigail ay ipinanganak bago pa man naisulat ang 1 Pedro; ngunit, ang kaniyang paglabag ang nagpatunay na hindi natin dapat tignan si Abigail bilang bida tulad ng sinasabi ng iba. Hindi iginalang ni Abigail ang kanyang asawa, hindi niya ito “napanalunan sa hindi pagsasalita”, at hindi niya it tinawag na Panginoon (kagaya ni Sarah kay Abraham). Kung iginalang ni Abigail ang kaniyang asawa, siya ay napangalagaan ng Diyos kagaya ng ginawa niya kay Sarah. “…At pinagpakitaan nito [Faraon] ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya [Sarai]…” Genesis 12:16. At, “At dumalaw ang Panginoon kay Sara, ayon sa sinabi niya, at ginawa ng Panginoon kay Sara ang ayon sa kaniyang sinalita.” Genesis 21:1.
Siya ay kabulukan sa kaniyang mga buto. Si Abigail ay hindi lamang nakialam sa kapangyarihan ng kaniyang asawa ngunit hiniya pa ito. “Isinasamo ko sa iyo, na ang aking panginoon [David] ay huwag makitungo sa lalaking ito na hamak, sa makatuwid baga'y kay Nabal; sapagka't kung ano ang kaniyang pangalan ay gayon siya: Nabal ang kaniyang pangalan, at ang kamangmangan ay sumasakaniya…” 1 Samuel 25:25. “Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa:Nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto.” Mga Kawikaan 12:4. Tinawag niyang “panginoon”si David at ang kaniyang asawang “walang hamak”. Ang mangmang ay isang pag-uugali na nagmula sa kamangmangan.
Siya ay mapag-malaki. Ipinaalam niyang kaya niyang panghawakan ang sitwasyon sa ibang pamamaraan kaysa sa kaniyang asawa. Si Abigail ay naudyok ng kaniyang pagmamataas: “…nguni't akong iyong lingkod, hindi nakakita sa mga bataan ng aking panginoon, na iyong sinugo.” 1 Samuel 25:25. Ngunit, wala siya sa posisyon upang gawin ito. Ang kaniyang posisyon ay nararapat na “Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan.” Mga Kawikaan 31:12. At “Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya.” Mga Kawikaan 31:11.
Hiya ang pumatay sa kaniyang asawa. Ang paglabag ni Abigail sa mga alituntunin ng Banal na Kasulatan ang nagdulot ng pagkamatay ng kaniyang asawa. “…na isinaysay ng asawa niya sa kaniya [Nabal] ang mga bagay na ito, at nagkasakit siya sa puso, at siya'y naging parang isang bato. At nangyari, pagkaraan ng may sangpung araw, at sinaktan ng Panginoon si Nabal, na anopa't siya'y namatay.” 1 Samuel 25:36-38. “Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot…” Mga Kawikaan 12:25. “Nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.” Mga Kawikaan 12:18
Ang kaniyang asawa ay namatay ng may kabigatan sa puso. Ang pagtataksil ang ikinamatay ng asawa ni Abigail at ito ay bunga ng kaniyang mga gawa. Siya ay naniwalang siya ay mas mahusay sa paghawak sam ga ganitong delikadong sitwasyon.
Ang bunga. “Maaaring” siya ay nagtagumpay sa kanyang mga binalak, ngunit sa huli ay inani niya ang kaniyang itinanim. “Bubunutin ng Panginoon ang bahay ng palalo.” Mga Kawikaan 15:25.
Nawala ang proteksiyon ni Abigail. Nawala ang proteksiyon na ibingay ng Diyos sa kanya, kaya, “Sinugo kami ni David sa iyo, upang kunin ka na maging asawa niya.” 1 Samuel 25:40. Ito ay hindi biyaya. Siya ay namuhay bilang itinapon kasama si David at ang kaniyang unang asawa sa Philistia (1Samuel 27:3). Siya (at ang unang asawa ni David) ay kinuha bilang bilanggo ng mga Amalecita sa saglit na panahon (1 Samuel 30:5). Hindi naglaon, siya ay naging isa lamang sa anim na asawa ni David, at isa lamang sa maraming asawa sa Herusalem. (2Samuel 5:13).
Alam natin sa Banal na Kasulatan kung gaano ka miserable si Leah sa kaniyang buhay may-asawa dahil alam niya kung gaano kamahal ng kaniyang asawang si Jacob si Rachel. (Genesis 29) Maiiisip ba natin kung isa tayo sa anin na asawa? Alam natin ang tungkol kay David at
Sarai
Ang boses ni Sarai. “At sinabi ni Sarai kay Abram, ‘Narito, ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya. At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai.” Genesis 16:2. “Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila Nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan.” Mga Kawikaan 21:23. Ang pagkakamali ni Sarai ay nagdulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan sa pagitan ng mga Hudyo at Islam magpahanggang-ngayon!
Pangunguna sa Diyos. “kinuha ni Sarai na asawa ni Abram, si Agar na taga Egipto, na kaniyang alila…. at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya. At siya'y sumiping kay Agar, at naglihi: at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin.” Genesis 16:3-4. Sa tuwing pinapangunahan natin ang Diyos, at nabuo ang isang “Ishmael”, ating kinamumuhian ang ating nilikha sa pag-aapura.
Kasamaan para sa kasamaan at insulto para sa insulto. “At sinabi ni Sarai kay Abram, Ang aking pagkaapi ay sumaiyo: idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan; at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin: ang Panginoon ang humatol sa akin at sa iyo. Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap.” Genesis 16:5-6. Ngayon ating makikita dito na si Sarai ay patungo sa paggawa ng panibagong paglabag. Sinabi sa 1Pedro 3:9 na: “Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta; kundi ng pagpapala.” Noong siya ay nagtungo sa kaniyang asawa upang magreklamo sa gulong kaniyang ginawa, siya ay hinikayat nito na magdesisyon ayon sa laman. Tandaan, “Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang.” Mga Kawikaan 10:19. Inuulit ko, kung kayo ay mayroong problema,huwag tumakbo sakahit na sino maliban sa Diyos!
Nagkamali si Sarah; datapwat, si Sarah, kagaya ng sinabi sa atin, ay ang ating halimbawa ng masunuring asawa: “Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan…5 Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, na pasakop sa kanikaniyang asawa.” 1 Peter 3:6,5. Napakabuti ng Diyos. Nagkaroon si Sarah ng malaking pagkakamali, ngunit binaliktad ng Diyos ang sitwasyon sa oras na nilugo ni Sarah ang Panginoon. Ako din, ay nagkaroon ng malaking pagkakamali. Hindi ko alam ang asal ng isang mabutng maybahay. Ngunit noong nagsimula akong sumunod sa Salita ng Diyos at sa Panginoon, binaliktad Niya ang pangyayari at ako ay Kaniyang itinaas! Ito ay gagawin nya rin para sa iyo. Sa iyong pagsunod sa kanyang mga alituntunin ng may kalinisang loob, mas marami siyang biyayang ipagkakaloob sa iyo!
Ang asawa ni Job
Ang “katuwang” ni Job? “Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka. Nguni't sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Job 2:9-10. Kawawang Job, nawala ang lahat sa kaniya at nagkaroon siya ng mga bukol sa katawan. Ngunit ang tuksuhin siya ng kaniyang “katuwang” upang magkasala sa kaniyang bibig, iyon ay sobra na! Naalala ko ang unang pagkakataon na ipinanganak ko ang aking panganay na lalaki sa ospital. Ako ay determinado na ilabas siya sa “natural” na pamamaraan ng walang gamot. Ngunit, kada ilang minuto na dumadaan, bumabalik ang nurse kung gusto ko ba ng gamot para sa kirot. Pakiramdam ko ay naglalakad ako sa mainit na disyerto at may paulit ulit na nagtatanong kung gusto ng ng baso ng malamig na tubig. Sa pakiramdam ko ay gusto ko siyang dambahin. Ngunit, hindi ko ginawa. “Ito nga pala ang “lumang Erin” na iniwan ng aking asawa! Papuri sa Diyos! Binago Niya ako!
Alam ni Job na kahangalan ang sinasabi ng kaniyang asawa. “Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan:Nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay.” Mga Kawikaan 10:31. Nakakalungkot para kay Job na kinuha ng Panginoon ang lahat sa kaniya maliban sa kaniyang asawa. Ang Diyos ay maaaring nagpapatawa! “Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti.” Mga Kawikaan 16:20. Binigyang pansin ni Job ang kaniyang mga salita at siya ay nabiyayaan. “Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.” Mateo 12:37. Hindi ba nakakapagtaka na hindi ipinakilala sa pangalan ag asawa ni Job? Kilala natin siya sa kaniyang hangal na komento. Hindi ko gusto na maalala ako sa ganitong pamamaraan, kayo ba? Sa halip…
Tayo ay sumunod kagaya ng ginawa ni Sarah ng hindi nagpapadala sa takot
Personal na pangako: Ang magpasakop sa aking asawa kagaya ng sa Panginoon. “Mula sa aking mga natutunan sa Salita ng Diyos, ako ay nangangako na susunod sa aking asawa upang ang Salita ng Diyos ay hindi malapastangan.”
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.