Kabanata 7 "Malinis at Magalang"
“sapat nang makita nila [ng iyong sariling asawa] ang
inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay.”
1 Pedro 3:1-2
Talaga bang nauunawaan natin ang tunay na kahulugan ng pagiging malinis? Totoong hindi na ito napag-uusapan sa panahon ngayon. At ang pagiging magalang sa sinoman, bukod sa ating mga sarili, ay nawala ng tuluyan sa ating pag-iisip. Umpisahan natin sa paghahanap sa Salita ng Diyos upang mahanap kung gaano kahalaga ang pagiging “malinis” at “magalang”:
Malinis
Ano ang malinis?
Mayroong tatlong mga sanggunian sa pagiging malinis sa Banal na Kasulatan. Ating tignan ang dalawa na tumutukoy sa mga kababaihan:
Nang makita nila inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay. “Kayo namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. Sa gayon, kung mayroon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal. Kahit hindi na kayo magpaliwanag pa sa kanila, sapat nang makita nila ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay.” 1 Pedro 3:1-2.
Na gayon din ang matatandang babae, ay maging magalang sa kanilang kilos.. Mangagpakahinahon, mangagpakalinis…” Tito 2:3,5.
Ipinaliwanag ng Strong’s Concordance ang salitang malinis bilanb: kalinisan, inosente, may kababaang-loob, perpekto, dalisay. Ang Webster’s Dictionary naman ay nagpaliwanag sa malinis sa dalawang pamamaraan: 1. Inosente sa imoral na pakikipagtalik (fornication); inosente sa paraan ng pagsasalita (basahin muli ang aralin 4, “Kabaitan ay nasa Kaniyang Dila.”) 2. Pananamit, may kababaang-loob, may pagpipigil, dalisay, unadorned.
Sa Webster’s Thesaurus naman ay nagpaliwanag sa kalinisan bilang: malinis, tunay, walang puri, walang kapintasan, inosente, tapat, walang dungis, birhen, walang bahid. Ngayon hahanapin natin at pag-aaralan, at titignan ang mas malalim na kahulugan ng mga salitang ito na nagpapaliwanag sa kalinisan. Una, anon ga ba ang sinasabi sa Banal na Kasulatan tungkol sa pagiging inosente na nangangahulugan na walang kasalanan? Ating tignan ang Daniel.
Daniel
Dahil wala siyang kasalanan. Si Daniel ay mabuting halimbawa ng pagiging inosenteng tao. Tayo ay nakakaalam na ang kaniyang buhay ay pun ing pagsubok, ngunit dahil inosente siya iniligtas siya ng Diyos. “Ang Dios ko'y nagsugo ng kaniyang anghel, at itinikom ang mga bibig ng mga leon, at hindi nila ako sinaktan; palibhasa'y sa harap niya ay nasumpungan akong walang sala; at gayon din sa harap mo, Oh hari, wala akong ginawang kasalanan.” Daniel 6:22. Ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan sa walang kapintasan (na nangangahulugan na walang sala)? Ating tignan si Job.
Job
Walang kapintasan, may takot sa Diyos at tumalikod sa kasamaan. Si Job ay halimbawa ng walang kapintasang tao na nagbibigay kasiyahan sa Diyos. “At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka't walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan.” Job 1:8.
Ano ang sikreto sa walang kapintasang pamumuhay ni Job? Siya ay may takot sa Diyos. Tay orin, ay dapat na matakot sa Diyos higit sa lahat, “Ngunit ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya'y pupurihin.” Mga Kawikaan 31:30.
Si Job ay tumalikod sa kasamaan. “At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti.” 1 Pedro 3:11. Kung ikaw ay tatalikod sa kasamaan, kailangan mo itong palitan ng kabutihan. (Tignan sa aralin 5, “Napanalunan ng Hindi Nagsasalita,” dahil “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalama…” Oseas 4:6) Samakatuwid, si Job ay biniyayaan ng Diyos. “Mapalad silang sakdal sa lakad,” Mga Awit 119:1. Tayo rin ay bibiyayaan kung ating sasanayon ang tatlong bagay na ito: pamumuhay ng walang kapintasan, may takot sa Panginoon at pagtalikod sa kasamaan.
Alam naman natin ang mga hirap na pinagdaanan ni Job. Mayroon siyang asawang hindi sumusuporta sa kaniya. Naaalala mo ba, sinabi niya kay Job na “isumpa ang Diyos at mamatay!” Kung ang ating mga asawa ay hindi tayo sinusuportahan o tutuksuhin tayong talikuran ang ating rekasyon sa Panginoon, huwag nating hayaang mabuwag tayo nito. Huwag nating payagan na maapektuhan nito ang ating lakad pananampalataya. Paano naman ang walang kapintasang buhay ni Paul?
Paul
Dahil sinabi sa atin ng Banal na Kasulatan na si Paul ay namuhay ng walang kapintasan, ating tignan kung ano ang kaniyang mga ginawa at sinabi, “At ito'y idinadalangin ko[Paul], na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala; Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo.” Filipos 1:9-10. Ang tunay na kaalaman ay ang kaalaman kung ano ang nakakabuti. Hindi na trivia na ang mundo ngayon ay masyadong napupuno ng mga bagay. Hindi ang kaalaman sa kasamaan na binibigay ng mga dyaryo sa atin. At hindi ang droga o sex education na kinamumulatan n gating mga anak. Kundi ang kaalaman sa Banal na Kasulatan; kaalaman kung ano ang kabutihan. Sinabi din ni Paul na kailangan natin ng “lahat ng pagkakakilala” sa kaalamang iyon. Aaralin natin ang lahat ng pagkakakilala sa araling ito mamaya.
Ating mga anak na Babae
Ang pagtulong sa ating mga anak na babae na manatiling dalisay, at paghikayat sa ibang nakababatang kababaihan na gawin ang halimbawang ito, ay ang importanteng misyon dapat ng isang Kristiyanong Kababaihan ngayon.
Ang walang-dungis ay nangangahulugang “walang-bahid.” Ang pagmamahal na nararanasan ng mga kababaihan sa Awit ng mga Awit sa Bibliya ay ang result ang kaniyang pangako na pagiging walang-dungis. Hindi mo ba nanaisin ang ganoong uri ng pagmamahal para sa iyong mga anak na babae at ibang mahalagang nakababatang babae sa iyong buhay! Sa Awit ng mga Awit 6:9 ay sinasabing, “Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang…” Siya ay espesyal at siya ay bukod tangi (banal). Hindi ba’t siya ay pinakikitunguhan sa espesyal na pamamaraan?
Si Hesus – walang sala, inosente at walang dungis. Ang ating halimbawa bilang Kristiyano, “tagasunod ni Kristo,” ay si Hesus mismo na ipinakilala na “inosente at walang-dungis.” “Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal (Hesus), walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan…” Mga Hebreo 7:26.
Birhen. Ang birhen ay isang babaeng hindi nagalaw. Ang mga pari sa Lumang Tipan ay kumukuha ng mga birhen dahil sa “karumihang” maidudulot nito sa kanilang mga anak. “At siya'y [mga pari] magaasawa sa isang dalagang malinis - At huwag niyang dudumhan ang kaniyang mga binhi sa gitna ng kaniyang bayan….” Levitico 21:13.
Sa panahon natin ngayon, ang pagkabirhen ay halos wala na. Tayong mga Kristiyano ay sumunod sa mundo at ibinaba ang ating moralidad. Ang isang babae ay hindi dapat galawin! Hindi ibig sabihin nito na kung ang babae ay hindi ibinigay ang “lahat”. Ang kahulugan ay “hindi nagalaw.” Ito ay tila imposible kung ang babae ay may karelasyon.
Mga babae, ang pakikipagrelasyon ay naimbento sa 20th-century. Bilang ina, pag-isipang muli ang idey ng pakikipagrelasyong ito. Ating iangat ang pakikipag-relasyon sa liwanag ng Banal na Kasulatan. Ating tignan ng mabuti ang mga bulok na resulta ng mapangahas na kasanayang ito. Ating hikayatin ang idea ng “panliligaw” sa ating mga anak na babae at ilaan ang kaniyang sarili hanggang sa kaniyang pag-aasawa.
Ang Kabutihan ay nangangahulugan ng kahusayan. Ang kabutihan at kahusayan ay mga salitang napagbabaliktad sa Banal na Kasulatan. Si Ruth ay halimbawa ng isang mahusay. At mabuting babae sa bibliya. “At ngayon, anak ko, huwag kang matakot; gagawin ko sa iyo ang lahat na iyong sinasabi, sapagka't buong bayan ng aking bayan ay nakakaalam na ikaw ay isang babaing may bait.” Ruth3:11.
Kahit noong panahon ng Mga Awit. ang isang mahusay, o mabuting asawa ay mahirap masumpungan; ngayon, tila mas mahirap na ito. Kailangan natin ng mga nakababatang mabubuting kababaihan para pakasalan ng ating mga anak na lalaki at mabubuting may edad na kababaihan na magtuturo sa mga nakakabatang kababaihang ito. “Isang mabait na babae sinong makakasumpong?” Mga Kawikaan 31:10.
Bakit gugustuhin ng lalaki ang isang mabuting babae? Dahil “Ang mabait ( o mahusay) na babae ay putong sa kaniyang asawa…” Mga Kawikaan 12:4.
Tinawag tayo ng Diyos upang maging babaeng may kabutihan at kahusayan. Tayo ay dapat walang-dungis, walang-kasalanan at walang-kapintasan. Ang mundo, tila ba, ay pilit tayong pinaniniwala na ang mga Kalalakihan at kababaihan ay pareho lamang; ngunit hindi! Sinasabi ng mundo sa atin na ang mga babaeng asawa ay dapat gumayak na parang isang kalapating mababa ang lipad – bago at pagtapos ng kasal. Ito, ang sinasabi ng mundo, ay magdudulot sa ating mga asawa na hindi mangalunya. Sa mga naniwala sa kasinungalingan ito ay umasta na paramg kalapating mababa ang lipad ay napatunayan na kabaliktaran ito ng katotohanana! Nagdulot ito sa kanilang mga asawa na mauhaw para sa mga babaeng parang kalapating mababa ang lipad!
Ang Babaeng Mapangalunya
Ano ang bunga ng ating panggagayasa mga kalapating mababa ang lipad at ang kanilang pamamaraan? Hindi ba mas maraming kalalakihan ang nangangalunya ngayon kaysa noon? Hindi ba angpangangalunya ay talamak na kahit sa mga simbahan? Kung tayo ay bibili at magsusuot mg ,ga damit na katulad ng saproatitusyon o magasin, kung tayo ay magpose para sa mga litratong magmumukha tayong modelo ng malaswang magas, hindi ba tayo ituturing na kalapating mababa ag lipad? Ang mga kababaihang ito ay nasasaktan; sila ay ginagamit, hindi minamahal, ng mga lalaking nakapalibot sa kanila. Sinabi sa Santiago 4:4, “Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.”
Sa susunod na ikaw ay matukso na bumili ng damit na isusuot ng isang kalapating mababa ang lipad. O akitin ang iyong asawa tulad ang pang-aakit ng kalapating mababa ang lipad, itanong sa iyong sarili kung hindi ikaw ang naghihikayat sa kaniyang magtaksil. Ating iwan ang makamundong pag-iisip. Kahit ang mga kababaihan sa mundo ay nalilinlang.
Kung ikaw ay nahulog sa bitag na ito, hindi mo pagdududahan na mayroon ka ring taglay na katangian ng babaeng nangangalunya. Itanong sa sarili ang mga katanungang ito:
Ang iyo bang mga salita ay malambing at nakagagaling? Sinasabing “Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, Matalas na parang tabak na may talim sa magkabila.” Mga Kawikaan 5:4. (Tignan ang Ika- 4 na aralin, “Kabutihan sa Kaniyang Dila,” para sa “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman…” Oseas 4:6.)
Ang iyo bang mga daan ay matatag, binuo sa batong pundasyon? “Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; Ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman.” Mga Kawikaan 5:6.
Ang iyo bang hangarin ay “bumigay” o “makakuha” sa iyong asawa? “Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita,Hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi.” Mga Kawikaan 7:21.
Ikaw ba ay magiliw at tahimik? “Siya'y madaldal at matigas ang ulo; Ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay.” Mga Kawikaan 7:11. (Tignan ang Ika-13 Aralin, “Ang Pamamaraan ng Kaniyang Tahanan” para sa “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman…” Oseas 4:6.)
Ikaw ba ay may kababaang-loob; aamin ka ba sa iyong mga pagkakamali? “Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae;Siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig, At nagsasabi, Hindi ako gumawa ng kasamaan.” Mga Kawikaan 30:20.
Kung iyong nasumpungan, sa pamamagitan ng mga katanungang ito, na ikaw ay katulad ng kalapating mababa ang lipad o babaeng nangangalunya kaysa sa mahusay o walang bahid na babae, ngayon ang panahon para magkumpisal. “Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.” Santiago 5:16.
Maaaring mahusay na magkumpisal sa ibang babae na makakaunawa ng iyong pagsisisi. Kung ikaw ay mangungumpisal sa iyong asawa, ikaw ay maaaring maguluhan. Maaari niyang sabihin sa iyo na gusto ka niya sa kung ano ka ngayon – kaakit-akit, mapamuri, mapang-akit – dahil siya ay “At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan.” (Mga Kawikaan 5:22)
Kabutihan
Bilang babaeng maka-Diyos, maging maingat sa iyong pinagsasabi, lalo na sa iyonh asawa. Huwag mo siyang utusang tumingin sa babaeng malaswa ang kasuotan o maganda; hinihikayat mo siyang magkaroon ng libog. Kung ikaw ay magsalita ng mga malalaswang bagay na iyong nabasa sa pahayagan o napanood o narinig sa balita, ikaw ang dudurog sa Banal na Espiritu sa iyo at sa iyong asawa. Hayaang ang iyong mga salita ay mayroong kalinisan at paggalang, “Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan, Nguni't ikaw, ay humihigit sa kanilang lahat.” Mga Kawikaan 31:29. Ang anak na babaeng tinutukoy sa Mga Kawikaan 31 ay nakagawa ng mabuti kaysa sa kaniyang mga kapatid na babae. Bakit? Dahil “Ang lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan:Nguni't ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya'y pupurihin.” Mga Kawikaan 31:30.
Idagdag sa iyong pananampalataya, kabutihan. “Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman.” 2 Pedro 1:5. Makikita natin na ang pundasyon ng kabutihan ay pananampalataya, ating pananampalataya sa Panginoon na nagligtas sa atin sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya. Kapag tayo ay nagkamit lamang ng pananampalataya saka lamang tayo magkakaroon ng kabutihan. Sunod sa kabutihan ay laalaman. Ang kaalaman ang tutulong sa iyo na malaman kung anong Banal na Kasulatan ang iyong sasandalan. Ang isang malinis na buhay ay dalisay ay walang-kasalanan. Sinabi ng Diyos na dapat tayong magkamit ng tatlong malinis na bagay:
Ang takot sa Panginoon. “Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man.” Mga Awit 19:9.
Malinis na mga kamay. “At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal? Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso.” Mga Awit 24:3-4.
Isang malinis na puso. “Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios….” Mga Awit 51:10. Kung ikaw ay mayroong malinis na puso bago humarap sa Panginoon ay maaari kang tumanggap nga mga biyaya ng Diyos: Siya ay magiging mabuti sa iyo. “Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis (dalisay) sa puso!” Mga Awit 73:1.
Tamang Pagpapasya
Ang Tamang Pagpapasya ay isang aksiyon na nagmula sa pag-iingat. Ating tignan ang ibang salitang maaaring mas pamilyar sa atin. Ng sa gayon ay mas maunawaan nating mabuti ang tungkol sa pagpapasya at pagiging maingat. Ang pagiging maingat sa thesaurus ay nangangahulugang : alisto, maingat, may konsiderasyon, marunong kumilala, mabait, makabuluhan, pinag-isipan, matalini, kakaiba, lalo na sa pagsasalita.
Pang-unawa at karunungan. Dahil sa buhay ni Jose na puno ng pagsubok at kapighatian, nagkaroon siya ng pang-unawa at karunungan. “Kaya't sinabi ng Faraon kay Jose, “Ang Diyos ang nagpakita sa iyo ng lahat ng ito, kaya't wala nang hihigit pa sa iyo sa karunungan at pang-unawa.” Genesis 41:39.
Sumagot ng maingat. Nakita ni Hesus ang puso ng taong ito dahil sa maingat niyang pagsagot. “At nang makita ni Jesus na siya'y sumagot na may katalinuhan, ay sinabi niya sa kaniya, Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios. At walang tao, pagkatapos noon na nangahas na tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.’ ” Marcos 12:34.
Nagbibigay ng tamang pagpapasiya. Sinabi sa atin na ang pag-aaral ng Mga Kawikaan, ating matutunan ang tamang pagpapasiya. “[ang Mga Kawikaan]… Mabibigyan nito ng talino ang mga walang karanasan, at ang mga kabataa'y matuturuang magpasya nang tama.” Mga Kawikaan 1:4. Basahin ang Mga Kawikaan araw-araw, isang kabanata sa bawat araw ng buwan (i.e., sa ika-12 ng buwan, basahin ang Ika-12 kabanata ng Mga Kawikaan).
Ang mabuting pagpapasiya ay mag-iingat sa iyo. Sa pamamagitan ng mabuting pagpapasiya, ikaw ay protektado. “Kabaitan ay magbabantay sa iyo, Pagkaunawa ay magiingat sa iyo: Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan…” Mga Kawikaan 2:11-12.
Buhay sa iyong kaluluwa. Ang Mabuting pagpapasiya ay buhay sa iyong kaluluwa. “Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan; Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa, At biyaya sa iyong leeg. Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, At ang iyong paa ay hindi matitisod.” Mga Kawikaan 3:21-23.
Bigyan ng atensiyon ang kaalaman ay pang-unawa. Ang pundasyon ng mabuting pagpapasiya ay kaalaman at pang-unawa. Kung ito ay iyong nakamit na, magagamit mo na ang mabuting pagpapasiya. “Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa: Upang makapagingat ka ng kabaitan, At upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman.” Mga Kawikaan 5:1-2.
Pagtuturo o pamumuno sa kalalakihan. At ang mabuting pagpapasiya ay makakatulong sa iyong sanayin ang iyong mga labi na itabi ang karunungang natutunan sam ga Banal na Kasukatan, lalong lalo na sa iyong asawa. “Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.”1 Timoteo 2:12. (Para sam as malalim na kaalaman, tignan ang Ika- 4 na aralin, “Kabutihan sa Kaniyang Dila,” para sa “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman…” Oseas 4:6.)
Ang babaeng walang mabuting pagpapasiya. Ang mga sumusunod ay pambihirang larawang dapat mong pagnilayan kung ang iyong mga salita at gawa ay kulang sa mabuting pagpapasiya. “Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy, Gayon ang magandang babae na walang bait.” Mga Kawikaan 11:22.
Magalang
Ngayon ating natutunan kung ano ang kahulugan ng pagiging malinis, kailangan din nating maunawaan ang tunay na kahulugan ng paggalang. Sa mundo ngayon sinasabi sa atin na kailangan nating hingiin mula sa ibang tao at mayroon dapat tayong paggalang sa ating mga sarili.
Ating simulang tignan ang mga salitang kahawig upang maunawaang mabuti ang mas malalim na kahulugan ng salitang respeto. Ang kahulugan ng respeto ay: espesyal na pagpapahalaga o konsiderasyon na pinanghahawakan mo para sa ibang tao;
Ang salitang respeto sa thesaurus ay ipinaliwanag bilang: paghanga, konsiderasyon, pagpapahalaga, karangalan, paggalang, paghanga, pagpapahalaga, pagpansin, premyo, kayamanan, panindigan, pahalagahan. Ang kabaliktaran nito ay pagka-uyam, paninisi, at pamumuna. Ating aaralin ang mga salitang naka bold ng mas malalim:
Tayo ay magkaroon ng konsiderasyon. Ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa pagkakaroon ng konsiderasyon? Ang pagkakaroon ng konsiderasyon ay ipinaliwanag bilang pagiging maalalahanin sa kapwa. Sinasabi sa atin sa Hebreo na kailangan nating hikayatin ang ating mga asawa at ibang tao. Sa pamamagitan ng ating salita at gawa, mahihikayat natin silang mahalin tayo at sikaping gumawa ng kabutihan. “At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa.” Mga Hebreo 10:24.
Hayag ang mga gawa ng laman. Ito ang listahan ng mga kasalanan sa Galacia. “At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo…na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.” Basahin muli at guhitan ang mga kasalanan na kadalasang ginagawa ng mga lalaki – mga tunay na kasalananang ating tinatawag sa simbahan. Sunod, bilugan naman ang mga pagkakasalang ating binabalewala sa simbahan – mga kasalanang kadalasang nagagawa ng mga kababaihan. Galacia 5:19-21.
Pagpapanumbalik sa pamamagitan ng mahinahong espiritu. Maraming kababaihan ang nakakaramdam na kanilang responsibilidad na parusahan o ikastigo ang ibang taong nagkakasala, lalong-lalo na ang kanilang mga asawa. Iba ang sinasabi sa Banal na Kasulatan at ipinapakita sa atin ang kahihitnatnan ng mapagmataas na mga aksiyong ito. Huwag nating kalimutan ang dum isa sarili nating mga mata. Tamdaan, lahat ng pagkakasala at kasalanan ay pareho lang sa Diyos. Huwag hayaang maloko k ani Satanas sa pag-iiisp na ang kasalanan ng iyong asawa ay mas matindi kaysa iyo. “Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad[a] ninyo ang kautusan ni Cristo. Kung inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili.” Galacia 6:1-3.
Ituring ninyong higit ang iba kaysa sa inyong mga sarili. Ikaw ba ang nagulat na sinasabi sa Banal na Kasulatan na magkaroon tayo ng pagpapahalaga at mataas na pagtingin para sa ibang tao? Ang ating mundo ay itinuring ang utos ng Diyos na “pahalagahan ang iba kaysa sa ating mga sarili” at binali ito na ating iangat ang ating sarili, kaysa iba, “Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao. At nang siya'y maging tao.” Filipos 2:3-7.
Pahalagahan sila ng husto. Ang ating mga asawa ay nagtatrabaho para sa atin at namumuno sa atin. Pinapadali o pinapahirap mo ba ang kaniyang trabaho bilang ulo ng tahanan? “Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain.. Makitungo kayo sa isa't isa nang may kapayapaan.” 1 Tesalonica 5:13. Kung ikaw rin ay nagtatrabaho at pakiramdam mo ay hindi kana kasakop sa utos na ito, balikan ang Ika-13 Aralin, “Mga Pamamaraan ng Kaniyang Tahanan,” dahil “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman…” Oseas 4:6.)
Karapat-dapat sa buong kapurihan. Ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan patungkol sa kapurihan? Ang Kapurihan ay ipinaliwanag bilang mataas na pagtingin sa ibang tao. Kailangan natin bigyan ng mataas na pagpupuri ang ating mga asawa. “Ang lahat ng mga alipin na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan, upang ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag malapastangan.” 1 Timoteo 6:1. Kung hindi natin bibigyan ng pagpapahalaga ang ang mga namumuno sa atin, kagaya ng ating mga asawa, ating pastor, ating mga amo o ating mga magulang, ang pangalan ngDiyos at ang doktrina n gating pananampalataya ay lalapastanganin ng iba.
Alipin ni Hesukristo. Tuwing ating nababasa ang tungkol sa pagiging alipin ng ating mga asawa, ang “pagkamakasarili” sa kalooban natin ay nagpupuyos - kasabay ang buhok sa ating mga batok. Mga kababaihan, tayo ay alipin ng Panginoon. “Si Pablo na alipin ni Jesucristo…” Roma 1:1. Sinasabi sa bersikulo na, “Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon.” Efeso 5:22. Ito ay nangangahulugang pagsisilbihan natin ang Panginoon kung tayo ay nagpapasakop sa ating mga asawa. Alam nating ang Diyos mismo ang nagsabi na walang ibang Diyos bukod sa Kaniya. Hindi niya ito binai sa pamamagitan ng ating mga asawa. Magpasakop; gawin ito para sa Panginoon!
Pinapasinungalingan ng kanilang mga gawa. Tandaan na sa pagpapakita ng kapurihan sa ating mga asawa, nagbibigay tayo ng kaluwalhatian sa Diyos. Ang kapalit ng hindi pagpapakita ng ganitong paggalang ay nagbibigay ng kahihiyan sa Diyos at sa Kaniyang Salita. “Ang sabi nila'y kilala nila ang Diyos, ngunit ito'y pinapasinungalingan ng kanilang mga gawa. Sila'y kasuklam-suklam, suwail at hindi nababagay sa gawang mabuti.” Tito 1:16. “…kailangan ding.. mabait, at masunurin sa kanilang asawa upang walang masabi ang sinuman laban sa salita ng Diyos nang dahil sa kanila.” Tito 2:5. At “Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon.” Efeso 5:22.
Dangal
Bigyan siya ng karangalan. Tayong mga kababaihan, ay nagnanasa na tayo ay tratuhin n gating mga asawa kagaya ng sa Bersikulong ito: “Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal sa inyong mga panalangin.” 1 Pedro 3:7. Sa pamamagitan ng pagpupursigi na magkaroon ng tahimik at magiliw na pagkatao at pagbibigay karangalan sa ating mga asawa sa pamamagitan ng malinis at magalang na pamamaraan natin, makakamit natin ang biyayang pagkakaroon ng asawang magbibigay ng karangalan sa atin at uunawain tayo. Eto ang ilan sa mga panuntunan kung paano magkakamit ng karangalang ating minimithi:
Sa pagiging mabait. “Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan.” Mga Kawikaan 11:16.
Paggalang at pagsunod ng mula sa puso. “Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.” Mateo 15:8.
Sa Pagpapakumbaba, “At sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.” Mga Kawikaan 15:33.
Sa Pagpapakumbaba “At bago ang karangalan ang pagpapakumbaba.” Mga Kawikaan 18:12.
Sa uulitin, sa pagpapakumbaba. “Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: Nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan.” Mga Kawikaan 29:23.
Ang asawang babae ay dapat na may paggalang sa kaniyang asawang lalaki. Ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa paggalang? Ang paggalang ay ang pagkakaroon ng malalim na pagrespeto, pagmamahal, pagkamangha, at mataas na pagtingin; upang matakot. Karamihan sa atin ang hindi nagpapakita ng paggalang sa ating mga asawa. Paanong tayong mga Kristiyano ang bumalewala sa mga Banal na kasulatan? “at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa.” Efeso 5:33.
Nasaan ang iyong yaman? Ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa pagpapahalaga? Ang Pagpapahalaga ay tinukoy bilang pagkakaroon ng kanais- nais na pagkilala; upang mahalin, tamasahin, pahalagahan, unawain; ituring na yaman (lalong lalo na sa marriage vow); upang alagaan at mahalin; upang isabuhay (sa emosyon). Napag-uusapan natin ang paggawa ng mga bagay mula sa puso. Kung ang iyong asawa ay hindi mo ituturing na isa sa mga kayamanan mo, ang puso mo ay wala sa kaniya. “Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.” Mateo 6:21.
Minsan kung mawawala sa atin ang isang bagay o pansamantalang maligaw ito, makikita natin kung gaano ito kahalaga sa atin. Kailangan bang mawala ang iyong asawa, kagaya ng sa akin, upang ituring mo siyang kayamanan? O, para sam ga nananalangin sa Panginoon na maipanumbalik ang kanilang buhay may-asawa, kailangan bang mawala ang inyong mga asawa upang mapagtanto ninyo kung ano ang mayroon kayo? Ganon ang nangyari sa akin!
Ang magiliw na salita. Paano mo aalagaan ang iyong asawa sa espiritwal na paraan at buhayin ang kaniyang emosyonal na kalooban? Kausapin siya ng may lambing at may lumanay. “At Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban.” Mga Kawikaan 15:4. Ang biyayang ito ay mapapasaiyo. “Lahat ng araw ng mahirap ay puno ng pakikipagbaka, ngunit ang masayahin, saganang piging ang kagaya.” Mga Kawikaan 15:15.
Ito ang paka-ingatan. Tignang mabuti ang sinsabi mo tungkol sa iyong asawa at kung paano mo siya itama sa presensya ng ibang tao (o sa pribado). Ang Hiya ay isang emosyonal na kanser. “Ang mabuting babae ay karangalan ng asawa, ngunit kanser sa buto ang masamang asawa.” Mga Kawikaan 12:4. Ang kanser ay tinukoy na pagkabulok; pagkabulok na kinain ng mga uod. Ito ay kamangha-mangha pagkat sinabing “Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, Matalas na parang tabak na may talim sa magkabila.” Mga Kawikaan 5:4.
Kabigatan sa puso. Kung ang iyong asawa ay may problemang pinansiyal o problem sa trabaho, isang mabuting salita ang makakapaghikayat sa kaniya. (Patawarin naw ang langit kung ang kabigatan ng kaniyang loob ay dahil sa iyo.) Tandaan, ang iyong asawa ay hindi mo katulong; ikaw ang sa kaniya. Ibigay mo ang lahat ng iyong problema at pag-aalala sa Panginoon. “Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot Nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya.” Mga Kawikaan 12:25.
Ang dila ang pantas. Ang iyong dila ay may dalawang magkasalungat na epekto. Ano ang iyong pipiliin? “May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: Nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.” Mga Kawikaan 12:18. Ang kagalingan ay nagmula din sa masayahing puso. “Ang masayang puso ay mabuting kagamutan Nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.” Mga Kawikaan 17:22.
Isang masayang puso. Hayaang makita sa iyong mukha ang saya na nasa iyong puso. “Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha Nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.” Mga Kawikaan 15:13.
Masaya at Maligaya
Ating aralin ang tungkol sa pagiging masaya at maligaya. Ang ligaya ay tinukoy bilang masaya at pagsasaya. Ang saya ay tinukoy (bilang) mabuting babae, maaliawalas, mahalaga, malambing, mapagpasalamat at kaaya-aya,
Magalak kayong lagi. Ngunit minsan, sa ating mga kalagayan tayo ay nalulungkot. Paano tayo magiging masaya o maligaya? “Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.” Filipos 4:4. Kailang tayo magagalak? “Mangagalak kayong lagi.” 1 Tesalonica 5:16. Ano ang kailangan nating ipagpasalamat? “Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.” 1 Tesalonica 5:18. Ikaw ba ay nagpapasalamt sa Diyos tuwing maiiisip mo ang iyong asawa? Sinabi ni Pablo na, “Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala.” Filipos 1:3.
Sumang-ayon kaagad. Ang mga sumusunod na Banal na Kasulatan ay hindi sinasabing ang iyong asawa ang iyong kalaban; sinsasabi nito na sumang-ayon ka sa lahat kaagad, kahit sa iyong mga kalaban. “Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan.” Mateo 5:25. Tandaan, “Mapapalad ang mga mapagpayapa!” (Mateo 5:9)
Walang pagrereklamo. Ikaw ba ay nagrereklamo? Ikaw ba ay umuungot at nagrereklamo ng tahimik? Kung gayon, ikaw ay walang utang na loob! “Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang reklamo at pagtatalo.” Filipos 2:14.
Aralin ang lihim. Maaari nating isipin na dahil sa ating kalagayan, tayo ay may dahilan upang umungot. Ating aralin ang pagiging kontento. “…sapagka't aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan. Marunong akong magpakababa… at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.” Filipos 4:11-12. AMEN AT AMEN !
Pagka-uyam, Paninisi , Pamimintas
Ang kabaliktaran ng paggalang ay ang pagka-utam, paninisi at pamimintas. Ikaw ba ay nauuyam sa iyong asawa? Sinisisi mo ba siya sa kaniyang mga dating pagkakamali? O pinipintasan mo ba ang kaniyang pinupuntahan o sinasabi? Kung gayon, dapat mong BAGUHIN ang iyong isip upang maunawaan kung sino ang taga-pamuno ng pamilya. (Tignan sa ika-9 na aralin “Angkop na Katulong” dahil “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman…” Oseas 4:6.)
Pagmamahal at Paggalang
Ang Praktikal na Pagganap
Maraming kababaihan, sa madalas na pagkakataon ng hindi nila nalalaman, ang lumilikha sa “kakulangan sa pagkalalaki” na kanilang kinaaayawan. Sinasabi ng Banal na Kasulatan na “Ang matalinong babae ay nagtatatag ng kanyang bahay, ngunit winawasak ng isang mangmang ang sariling tahanan.” (Mga Kawikaan 14:1) Narinig ko kung paano ikuwento ng mga kababaihan sa kanilang mga kaibigan ang kanilang mga asawa. Hindi nila alam na sa pagsasalita ay “winawasak nila” ang kanilang mga asawa, ang kanilang mga tahanan. Naiiisp nila na ang paghamon sa kanilang mga asawa ay ang magdudulot dito na magsumikap pa ng husto.
Gaano tayo katawa-tawa at kahangal! Sinabi ng Diyos na naglalaho ang mga tao dahil sa kakulangan sa kaalaman. Tayong mga babae ay nasisira dahil sa kakulangan ng kaalaman. Agin. Nararamdaman natin na kung tayo ay may katigasan, yon ang ating motibasyon. Sa kabaliktaran! Sinasabi ng Banal na Kasulatan na ang matamis niyang pangungusap ay panghikayat sa iba. (Mga Kawikaan 16:21) at “sapagka't ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan” (1 Pedro 4:8). At may taglay tayong pangako na “Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man…!” 1 Corinto 13:8. Kaya tayo ay magsimula sa pagmamahal!
Ang Pag-ibig ay isang pandiwa; ito ay isang aksiyon. Tanyag ang mga linyangbating naririnig tulad ng “Mahal kita ngunit….hindi ko kayang mabuhay ng wala ka…Ayoko pang magpakasal,” etc. At, “Hindi na kita ‘iniibig,” na mistulang “mahiwagang sumpa” na nakapailalim sa iyo. Ating tignan ang May-Akda ng pag-ibig at ang Kaniyang depinisyon sa 1 Corinto 13:4-8: “Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan; Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man.
Ikaw ba ay mapag-pasensiya sa iyong asawa?
Ikaw ba ay nagpapakita ng kabaitan sa gawa at salita?
Ikaw ba ay naiinggit sa kaniyang buhay, kung ano ang kaniyang posisyon bilang ulo ng pamilya?
Kailangan mo bang magmalaki sa iyong asawa o maging arogante tungkol sa mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa iyo? Ang Pagmamataas ay nangyayari bago ang pagbabsak. Basahin muli ang Ika-6 na Aralin, “Ang Mapamintas na Babae.”
Ikaw ba ay kumikilos ng hindi tama sa harap ng iyong asawa? Sa madaling salita, pagkilos sa paraan na hindi mo ipapakita sa iyong mga kaibigan?
Ipinaglalaban mo ba ang gusto mong mangyari?
Naalala mo ba ang mga panahong nakagawa ng masama laban sa iyo ang iyong asawa at ito ay isinumbat mo sa kaniya upang ikaw ay manalo sa mga pagtatalo ninyo? Anong sinabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa pagpapatawad?
Ikaw ba ay nagagalak sa mga maling gawain o sa tamang gawain?
Pinapasan mo ba ang bigat ng mga bagay ng hindi nagrereklamo?
Ikaw ba ay naniniwala sa mga sinasabi ng iyong asawa, o ikaw ay nagdududa?
Ikaw ba ay umaasa ng para sa ikabubuti niya?
Ikaw ba ay nagtitiyaga sa lahat ng pagsubok na ibinigay ng Diyos sa iyong buhay, kahit ang mga ito ay dulot ng iyong asawa?
Ang diborsiyo ba ay napag-isipan mo o nasabi mo na?
Kung ikay ay sumagot ng “oo” sa kahit na anong katanungan sa taas, kailangan nating hingiin sa Diyosna ilagay sa ating mga puso ang pag-ibig na manggagaling lamang sa Kaniya – agape love, pagmamahal na walang pasubali. Kung hindi natin maipapakita ang ganitong klaseng pagmamahal, nakakalungkot man ang Katotohanan ay sinasabing, “Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw. At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan. At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.” 1 Corinto 13:1-3.
Tayong mga kababaihan ay gustong makarinig ng salitang “Mahal Kita!” At sigurado akong gusto ring marinig iyon ng ating mga asawa. Ngunit ang mas mahalaga sa kanila ay kung paano natin sila igalang; ito ang nagpapakita ng ating pagmamahal. Kagaya ng pagsasabi ng iyong anak na mahal ka niya ngunit hindi niya sinusunod ang iyong kagustuhan. Hindi ba’t mas mainam magkaroon ng anak na masunurin! Ang nagpapakita ng pagmamahal sa iyo?
Paggalang
Itanong sa sarili ang mga katanungang ito upang malaman kung ginagalang mo ang iyong asawa:
Itinatanong mo ba kung anong oras siya makakauwi? Naglaan kaba ng curfew niya?
Binibigyan mo ba siya ng pribadong oras para sa kaniyang pag-iisip at kung kailan at saan siya nagpupunta? O tinatanong mo sa kaniyang: “Ano ba ang iniisip m?” O “Saan ka pupunta?”
Ikaw ba ay mahigpit at kailangan niyang umuwi sa oras ng pagkain? “Kailangang andito kana bago tayo kumain ng hapunan.”
Minamatyagan mo ba ang kaniyang checkbook at ang kaniyang paggastos? “Anong binili mo? Para saan ito?”
Ikaw ba ang kaniyang Espiritu Santo o ang kaniyang nanay? “Mahal, alam mo dapat ganito….”
Binibigyan mo ba siya ng “payong hindi niya hinihingi” o pangungutya? “Sa palagay ko…blah, blah, blah…!”
Naramdaman mo ba na ang mga katanungang ito ay nagbunyan kung paano mo hindi ginagalang ang iyong asawa? Ibinunyag ba nito ang lalaking gusto mong maging siya? Gamitin ang mga katanungang ito upang alalayan ka sa iyong pag-uugali at pagturing sa iyong asawa. Mga kababaihan, kung inyong sinasabi na,”Hindi siya dapat na galangin,” may sasabihin ako sa inyong lihim. Kung ituturing niyo siya bilang katulad ng lalaking gusto ninyong makita, pinahihintulutan mong maging ganon siya! Ito pa ang ibang pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang sa kaniya:
Sa pakikinig sa kaniya.
Sa paghinto sa kung ano man ang iyong ginagawa at pagtingin sa kaniya.
Sa pamamagitan ng hindi paggambala sa kaniya.
Sa pamamagitan ng pagtango at pakikipagtinginan sa mga mata niya.
Sa paggamit ng magagandang salita, hindi pag-irap o pag-buntong hininga.
Sa pagtuturo sa iyong mga anak na wag gumambala.
Sa pagsagot sa kaniya nga “Oo, ating” sa halip na “Oo, pero”
Sa paraan ng iyong pakikipag-usap sa kaniya.
Sa hindi pagsasalita ng alam mong hindi niya ikagugusto.
Sa pagsasalita ng maiksi.
Sa hindi pagsesermon sa kaniya.
Sa hindi pagmumuryot at pagrereklamo.
Sa pagtanggap sa kaniya kaysa sa baguhin siya.
Kung kaniyang sasabihing aalis siya, huwag siyang tanungin, magmukmok, o magalit. Sa halip, sabihin sa kaniyang “Maghihintay ako sayo” at halikan siya.
Pumunta kung saan niya gusto: sporting events, byahe, etc. Kung ayaw mo, mayroong may gusto!
Igalang ang kaniyang mga desisyon.
Huwag makipagtalo o kwestiyunin ang kaniyang awtoridad, sumimangot o patunayang mali siya. Tandaan, si Eva ay lubusang nalinlang.
Magkaroon ng interes sa kaniyang mga kagustuhan.
Iaappreciate kung ano ang kaniyang ginagawa; pasalamatan siya! Ito ang kabaliktaran ng expectations.
Ang iyong pag-iitsura tuwing andiyan siya ay nagpapakita ng iyong paggalang sa kaniya. Ikaw ba ay nagme make-up? Inaayos mo ba ang iyong buhok? Ayaw ba niya sa mga kasuotan mo?
Ipamigay ang mga damit na hindi niya gusto; upang hindi ka na matuksong isuot ang mga ito – lalo ang mga maninipis na pantulog!
Tumawa sa kaniyang mga biro; kung hindi, mayroon ibang gagawa!
Gumawa ng listahan.
Gumawa ng listahan ng kaniyang mga mabubuting asal at magsimulang sabihin sa kaniya kung paano mo siya hinahangaan. Siya ba ay tapat, malambing, mabait, nakakaaliw, magaling makinig, mahusay magbigay sa pamilya, mahusay magtrabaho, matipid o magaling na tagapag-tanggol? Kung hindi ka makakita ng magandang katangian, hingiin sa Diyos na ipakita sa iyo.
At, balikan ang mga panahon na unang tumibok ang iyong puso sa kaniyaat tandaan ang mga katangiang mayroon siya noon. Maaaring manumbalik ang iba sa iyong mga nararamdaman noon. Sabihin sa kaniya ang iyong naaalala. “magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong!” (Lucas 11:9) Kung hahanapin mo ang kabutihan sa bawat tao (iyong asawa), ito ay masusumpungan mo.
Si Marabell Morgan ay nagsulat ng libro ilang taon na ang nakakaraan na tinaag na Total Woman. Sinabi niya rito na upang iparamdam sa lalaki sa buhay mo na sila ay mahal mo, gawin mo itong apat na “A’s” – Accept (Pagtanggap), Admire (Paghanga), Adapt (Pakikibagay), Appreciate (Pagpapahalaga) sa kaniya. Sa aking palagay, ito ay tumutukoy sa karamihan sa ating pagkukulang, hindi ba? (Hindi ko kayo hinihikayat na basahin ang librong ito dahil ito ay nagtuturo ng paggawa ng mga bagay ayon sa laman kaysa sa Espiritu.)
Ang aking panghuling mensahe ay ito…kung ikaw ay makakakuha ng resulta mula sa iyong asawa, hindi ito gagana. Sa halip, kailangan mo itong gawin “ayon sa Panginoon.” Kailangan mo itong gawin dahil magbibigay ito ng karangalan sa Diyos. Siya ang naglagay sa iyong asawa sa ibabaw mo. Kung hindi mo igagalang ang iyong asawa, hindi mo din iginagalang ang Salita ng Diyos. Lahat ng hindi mo gusto sa ginagawa ng iyong asawa o sa kaniyang itsura ay dapat mong ibigay sa Panginoon. Kung ang laban ay sa Kaniya sigurado ang panalo! Igalang ang Diyos sa pamamagitan ng paggalang sa iyongasawa. Huwag subukang lugurin ang iyong asawa; hayaan ang iyong motibo ay ang magalak ang Panginoon sa pamamagitan ngboagbibigay ng paggalang at pagrespeto s autos ng Diyos. “Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.” Mga Awit 37:4.
Personal na pangako: Ang magpakita ng malinis at magalang na pag-uugali sa aking asawa. “Base sa aking mga natutunan mula sa Salita ng Diyos, aking sisikapin na maging malinis sa aking pamumuhay. Akin ding isasabunay ang magalang na pag-uugali sa pakikitungo sa aking asawa dahil sa halimbawang aking ihahalintulad sa iba at ang karangalang maibibigay nito saDitos at sa Kaniyang Salita.”
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.