Kabanata 6 "Isang Babaeng Palatalo"
“Ang laging tulo sa araw na maulan
At ang babaing palatalo ay magkahalintulad:
Ang magibig pumigil sa kaniya, ay pumipigil sa hangin,
At ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis.”
Mga Kawikaan 27:15-16 Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Itanong sa sarili, “Isa ba akong babaeng palatalo?”
Maaaring ang tanong na iyon ay mahirap sagutin sapagkat hindi ka lubusang sigurado kung ano ang isang babaeng palatalo. Kung ating titignan sa Strong’s Concordance, ang salitang palatalo ay “midyan” (mid-yawn) na ngangahulugang paligsahan, isang pakikipag-away, alitan, o isang mahilig makipag-alitan at makipag-argumentong kaluluwa.
Ang iyo bang pakikipag-usap sa iyong asawa ay madalas o maraming beses na nagiging paligsahan upang makita kung sino ang mananalo o makakakuha ng kaniya kaniyang gusto? Ikaw ba ay madalas na manalo? Inaamin ko na ako ay isang babaeng palatalo at madalas akong manalo. Ngunit sa totoo, ako ay natalo! Naipatalo ko ang aking asawa at ang buhay pamilya na mayroon kami! Binalaan tayo ng Diyos sa Knaiyang Salita tungkol sa babaeng palatalo. Sinasabi ng Bibliya na tayo ay nasisira dahil sa kakulangan ng kaalaman (Oseas 4:6). Ikaw ba ay may kamalayan sa mga babala ng Diyos?
Abandunahin ang pakikipag-away. Hayaan mong itanong ko ang tanong na ito: Ikaw ba ay nakikipag-away sa iyong asawa? “Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: Kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.” Mga Kawikaan 17:14. Ngunit ang mundo, at ang mga tinatawag na eksperto sa buhay may-asawa, ay nagsasabing ang isang magandang away ay maganda para sa buhay may-asawa – huwag mong paniwalaan ito!
Puno ng pista at alitan. Mayroon bang alitan sa inyong tahanan? ““Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, Kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.”Mga Kawikaan 17:1. Ikaw ba ay may magiliw at tahimik na babae, na binanggit sa 1 Pedro 3:4, na may malaking halaga sa mat ang Diyos? O ikaw ay babaeng palatalo? Ang iyo bang mga anak ay magalang at masunurin? O ang iyo bang mga anak ay maingay at malupit? Mga ina, titinignan nila ang iyong halimbawa. (Tignan ang aralin 14, “Mga Turon ng Iyong Ina” para sa “Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman….” Oseas 4:6.)
Ikaw ba ay may palaaway na espiritu? “Nguni't tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo. At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin.” 2 Timoteo 2:23-24. Ikaw ba ang taong “alam ang lahat?” Ikaw ba ay may salungat na pahayag para sa maraming bagay na sinasabi ng iyong asawa? Sinabi ng Diyos sa atin na “Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom.” Mateo 5:25. Abangan ang diborsyo sa korte!
Ikaw ba ay mahilig makipag-argumento? “Iaral mo sa mga alipin na sila'y pasakop sa kanikaniyang Panginoon, at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay; at huwag mga masagutin.” Tito 2:9. Ikaw ba ay alipin ng Panginoon? Ikaw ba ay binili niya ng may presyo? Kung gayon ay utang mo sa kaniya ang pagiging kasiya-siya.
Ngayong naunawaan natin ang ibig sabihin ng pagiging palatalo, ating tignan ang sinasabi ng Diyos tungkol rito. Sinabi ng Diyos sa Kaniyang Salita ng 5 beses kung gaano kakila-kilabot ang isang maybahay na palatalo.
Walang likat na tulo. Nagkaroon naba kayo ng sirang gripo na panay ang pagtulo na nakapag pahibang sa inyo? “At ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo.” Mga Kawikaan 19:13. Minsan ang kailangan lang ay isang tao na makakapansin sa pagtulong ito (maaaring isang kaibigan o ang iyong byenan na lalaki) upang mapuna ng iyong asawa ang pagtulong ito, ngunit sa oras na kaniya ng mapansin, ito na lamang ang kaniyang maririnig!
Sa sulok ng bubungan. Hindi ka ba nagtataka kung bakit maraming kalalakihan ang umaalis sa kanilang tahanan at, maraming beses, tumitira kasama ang isang kalapating mababa ang lipad? “Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, Kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.” Mga Kawikaan 21:9.
Disyertong lupain. Sa muli, ang isang lalaki ay pipiliing mamuhay ng walang tubig sa init mg disyerto kaysa mamuhay kasama ang asawang humahamon s aka iya at sa kaniyang autoridad. “Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain, Kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae.” Mga Kawikaan 21:19.
Muli, sa sulok ng bubungan. Ang Diyos ay sadyang matibay sa bersikulong ito na Kaniya itong inulit. Ikaw ba ay nakikinig? ““Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan,Kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.” Mga Kawikaan 25:24.
Sinong makapipigil sa kaniya? Inuulit muli, sinabi ng Diyos ang tungkol sa walang likat na pagtulo ng isang babaeng palatalo. Nakikita mo ba kung paanong ito ay magiging isang tumutulong bubong, na magdudulot sa isang tao upang tuluyang umalis? Ngunit bakit hindi na lang ayusin ng lalaki ang tumutulong bubong? Dahil sinabi ng Diyos na ito ay imposible. Kagaya ng pagpigil sa hangin o paghawak sa langis na tumutulo sa kaniyang mga daliri! “Ang laging tulo sa araw na maulan At ang babaing palatalo ay magkahalintulad: Ang magibig pumigil sa kaniya, ay pumipigil sa hangin, At ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis.” Mga Kawikaan 27:15-16. Imposible!
Kung ating makikita, ang mamuhay kasama ang isang babaeng palatalo ay tila isang bangungot, hindi lang para sa ating mga asawa kundi para din sa ating mga anak. Tayo’y manalangin sa Diyos at humingi ng tawad. Tay orin ay manalangin para sa Kaniyang biyaya upang tayo ay maging ng magiliw at tahimik na kababaihan na mahalaga sa Kaniyang paningin, gayundin sa mata ng ating mga asawa.
Paninirang-puri
Ang kaniyang asawa ay hindi kukulangin ng pakinabang. Isang paraan upang mawalan ng tiwala sa atin ang ating mga asawa ay ang pagusapan siya sa harap ng iba. “Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, At siya'y hindi kukulangin ng pakinabang.” Mga Kawikaan 31:11
Ang mapanirang-puri ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik. Sinabi mo ba sa ibang tao ang kahinaan ng iyong asawa? O, sinabi mo ba sa ibang tao ang isang bagay na ipinagkatiwala nya sa iyo? Tandaan na “At ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.” Mga Kawikaan 16:28.
Ang mapanirang-puri ay nagbubunyag ng mga lihim. Isa sa pinakaraniwang bitag na kinahuhulugan ng mga kababaihan ay ang pakikipagtsismisan sa telepono. Sundin ang utos ng Diyos: “Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: Kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi.” Mga Kawikaan 20:19. Ang Griyegong salita para sa mapanirang-puri sa Strong’s Concordance ay rakiyl (raw- keel) na nangangahulugang manirang-puri, paggawa ng kwento; Mayroon akong kaibigang nagbabahagi ng “prayer concerns” na walang iba kundi tsismis. Sinabi ko sa kaniyana dahil sa aking kahinaan, hindi na kami maaaring maging magkaibigan pa.
Akin siyang bubuwalin. Sa pagkakalarawan ng Diyos sa masamang tao sa aklat ng mga Romans, ang mapanirang puri ay naisasama sa listahan kasama ang tsimis. ( Rom. 1:29-32.) Maaaring hindi alam ng iba na ikaw ay tsimosa, mapanira ng ibang tao, ngunit sinasabi nito na, “Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa ay aking ibubuwal.” Mga Awit 101:5.
Ang mapanirang puri ay mangmang. Hindi mo kailangan ibahagi ang detalye upang manghingi ng prayer request – wag maging mangmang. “At siyang nagpaparatang ay mangmang.” Mga Kawikaan 10:18.
Alisin ang paninirang-puri sa iyo. Atin alisin ang ganitong uri ng pakikipag-usa sa atin. “Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala.” Efeso 4:31.
Siyang nanghihiya sa kaniya. Makikita mo na kapag tinanggal mo ang ganitong klase ng “pagbabahagi” ay wala k ang masasabi sa iyong mga kaibigan. Kung iyong iiwasan ang tukso na balikan ang dati mong pag-uugali, matapat ang Diyos na turuan kang iangat sa halip na hiyain ang iyong asawa. “Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: Nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto”. Mga Kawikaan 12:4.
Huwag pag-usapan ang iyong asawa sa masamang paraan o ibahagi ang kaniyang mga lihim.
Sinabi ng Diyos sa atin:
Na atin siyang ihihiwalay sa kaniyang mga matalik na kaibigan.
Na walang sino mang dapat makisalamuha sa atin – lalong lalo na, ibang Kristiyano.
Na ang pagiging tsismosa ay katangian ng isang masamang tao!
Na ibubuwal tayo ng Diyos!
Na tayo ay kumikilos ng may kamang-mangan.
Pakikipag-usap sa bawat isa sa pamamagitan ng Mga Awit. Sa halip, atin ng iwaksi ang ganitong pag-uugali at magsalita ng “…Na kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon.” Efeso 5:19.
Saan tayo magsisimula?
Ngayong gabi, sa pag-uwi ng iyong asawa, humingi ng tawad sa kaniya sa iyong pagiging palatalo. Huwag ng magsalita ng magsalita sa halip, sabihin sa kaniya sa payak na pangungusap na ikaw ay nahatulan ng Diyos sa iyong pagiging maingay at hilig sa pakikipag argumento, at, sa tulong ng Panginoon, ikaw ay nanalangin na magbago. Bigyan sya ng halik at lumabas ng kwarto! Pagkatapos, ipaliwanag sa iyong mga anak kung paano ka matutulungan ng Diyos na magbago.
Makipagkasundo. Kung hindi mo nais na gawin ang tama, huwag kang babalik sa simbahan. “Kaya't kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo, Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.” Mateo 5:23-24.
Biyaya sa mapagkumbaba. At, siguraduhinh na ikaw ay may kababaang-loob; huwag maging mapagmataas na aminin na ikaw ay palatalong babae. “Ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan.” 1 Pedro 5:5-6.
Ang Ugat ng iyong pagiging Palatalo…Ang iyong Pagpapahalaga sa sarili
“Ngayo'y akong si Nabucodonosor ay pumupuri, at nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit; sapagka't ang lahat niyang gawa ay katotohanan, at ang kaniyang mga daan ay kahatulan; at yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa.” Daniel 4:37.
Bakit napakaraming kababaihan ang palatalo? Tayong mga kababaihan ay palatalo dahil ating tinanggap ang kasinungalingan ng pagpapahalaga sa sarili. Tayong mga kababaihan na Kristiyano ay tumulad sa pag-iisip ng mundo. Ang mga librong ating binabasa, ang mga counselor na ating kinakausap, ang mga guroat klaseng ating dinadaluhan ay hindi nagpapahayag ng Salita ng diyos, na puro at walang kumpurmiso. Binigyan nila tayo ng makamundong pagtanaw sa “Kristiyanismo.”
Ang lason na isinawsaw sa tsokolate ay lason parin! Aking mga kapatid sa Kristo, ang makamundong pananaw ay mas delikado kung ito ay sinawsaw sa Kristiyanismo dahil atin itong kakainin agad! Nalason ang ating mga isipan sa pagiisip na ang “pagmamahal sa sarili” at “pagpapahalaga sa sarili” ay nakakabuti. Sa halip, ito ang mataas na lugar na atiang kinalalagyan bago tayo bumagsak.
Ito ang ugat ng ating palapatol na pag-uugali. Ang isang “alam ang lahat” ay makikipagtalo at gugustuhing makuha ang kanyang nais sa lahat ng paraan, dahil sa tingin niya siya ay tama. Kung siya ay magkamali, ang kaniyang pagpapahalaga sa sarili ay kailangang maprotektahan. Wala ni minsan ang kababaang loob o ang salitang “Patawarin mo ako.” Ang isang babaeng palatalo ay nakondisyon sa pag-iisip na ang paghingi ng tawad ay nakakahiya. Ang kaniyang pagmamahal sa sarili ang magtutulak sa kaniyang umakyat sa kaniyang pedestal, upang bumagsak ng paulit-ulit.
Ano ang gamot? “At nang sila'y dumating sa Mara, ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara, sapagka't mapait: kaya't ang pangalang itinawag ay Mara.” Exodo 15:23. Itinapon ni Moises ang punongkahoy sa tubig, bilang simbolo ng krus sa Kalbaryo. Dapat mo ring itapon ang krus ng iyong kapaitan. Namatay si Kristo upang palayain ka sa lahat ng iyong kasalanan, kasama ang iyong pagiging palatalo, ang iyong hilig sa pakikipag-argumento at ang iyong mapagmataas na pag-uugali.
Eto ang reseta ng Diyos. Sinabi ng Diyos sa atin na kung ating ibababa ang ating mga sarili, hanapin ang Kaniyang mukha at itakwil ang ating masasamang pag-uugali, tayo ay Kaniyang gagamutin. Sa halip, tayo ay nagpapatuloy sa “paglakad sa payo ng masama.”( Mga Awit 1:1) Kung tayo ay “tumitiwala sa tao” (Jer.17:5) tayo ay magdudusa kapalit ng ating ngkasalanan, na isa lamang superficial na paggaling! “At pinagaling ng kaunti ang sugat ng Kaniyang mga tao.” Jeremias 8:11.
Pagmasdan ang lahat ng sikolohiya sa simbahan. Sadyang lubhang delikado para sam ga Kristiyano na unakto na ang pag-iisip ng isang tao o sikolohiya ay naaayon sa Salita ng Diyos. Delikado rin na gamitin ang Saluta ng Ditos upang ipakalat ang kasalukuyang makamundong pananaw sa mga simbahan. “ “Ang propeta na nanaginip, ay magsaysay siya ng isang panaginip; at siyang nagtamo ng aking salita, salitain niya ang aking salita na may pagtatapat. Ano ang dayami sa trigo? sabi ng Panginoon….Kaya't narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na nagsisipagsalita, at nangagsasabi, “Kaniyang sinasabi,” ’ ” Jeremias 23:28, 30, 31. Ano ang pagkakaparehas ng Sikolohiya (dayami) sa Salita ng Diyos (Trigo)?
Sinasanay mo ba at hinihikayat ang iyong mga anak na magkaroon ng pagpapahalaga sa sarili? Ang salitang “pagpapahalaga sa sarili” ay dapat magdulot sa isang Kristiyano nalg kilabot dahil ito ay ibang salitang ipinalit lamang sa salitang “pagmamataas”: Ito ay salita ng lobo sa na nagkukubli sa kasuotan ng isang tupa! Hindi kalaunan, matutunghayan mo na ang bata ay magiging makasarllili na hindi souabgugustujin ng ibang tao. Kalokohan na isipin na kailngan mong mapalaki ang bata na may magandang pananaw sa kaniyang sarili, na kung hindi pa ganoon ang kaniyang naiisop! Mula pagsilang nakuluha na ng bata ang kaniyang gusto sa kaniyang sariling pamamaraan, kung hindi man, siya ay iiyak. Hindi ba magsisigaw ang isang batang may 2 taong gulang at magwawalamkapag hindi masunod ang kaniyang nais?
Pagbuo sa pagpapahalaga sa sarili ng iyong anak. Maraming libro at karamihan dito ay isinulat ng mga Kristiyano para sa Krisyiyano, ngunit karamihan sam ga aral ay hindi aral ng Diyos sa Kaniyang mga Salita. Ating pagmasdan kung ano ang nasasabi ng Diyos tungkol sa ating pagbuo ng pagpapahalaga sa sarili n gating mga anak. Ating tuklasin kung bakit dapat tayo ay maingat sa pagsasabing, “Mayroon akong pride!” at “Ako ay lubos na proud sa iyo.”
Ang pagmamataas ay isang kasalanan. Ang pagmamatass na ipinakita ng anghel na si Lucifer, na hindi kalaunan ay naging si Satanas, ay ang pinakaunang kasalanang nagawa. “Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking (Diyos) inihagis ka sa lupa.” Ezel 28:17. Sinabi ni Satanas na, “Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.” Isaias 14:14. Ngunit, atin paring pinupurinang atong mga anak para sa kanilang kagandahan at atin silang tinuturuang “abuting ang mga hition” at “maniwala sa kanilang mga sarili.”
“Ang pagpapahalaga sa sarili” ay kasinungalongang binuo sa pamamagitan ng pagbali ng Banal na Kasulatan. Ginamit ni Satanas ang Banal na Kasulatan noong kaniyang tinukso si Hesus sa disyerto; at ito ay gingamit niya magpahanggang ngayon. Binabali niya ito ng bahagya sa pamamagitan ng paggawa diyo bilang half truth. Ngunit alam natin na ang lahat ng half truth ay isang kasinungalongan, maliban kung ating kalilimutan si Abraham at Sarah (“siya'y aking kapatid” Gen. 12:19).
“Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” (Mateo 22:39) Sa mga mayroong degree sa Sikolohiya ay susubuking sabihin sa iyo na ang bersikukong ito ay nangangahulugang mahalin mo muna ang iyong sarili bago ka magmahal ng ibang tao. Sa madaling salita, “ang pagmamahal sa sarili” ay kinakaingan muna dahi lang ilan sa atin, o karamihan sa atin, ay galit sa ating sarili. Ito ba ay Katoyohanan o kasinungalingan? Ito ay kasinungalingan! Bakit? Dahil ito ay sumasalingat sa Salita ng Diyos.
WALANG TAONG namumuhi! “Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan…” Efeso 5:29. Sa halip, itinuro sa atin ng Diyos na ang may kababaang loob ay pagpapalain. Kailangan nating isaisip na mas mahalaga ang ibang tao kaysa sa sarili natin. Ang mga taong nag-iisip o nagbabantang magpapatiwakal ay sinasabi ng mundong galit sa kanilang mga sarili, ngunit ito ay salungat sa salita mg Diyos. Tandaan, sinabi ng Diyos, “Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan!”Ang mga taong nag-iisip magpatiwakal ay ayaw ng makaranas ng sakit. Ang nararamdaman nilang sakit ay sobra na kaya mas gugustuhin nalang nilang tapusin ito.
Kung mayroong “espiritu ng pagkamatay” sa inyong tahanan, tignan kung ang kasalanang ito ay naipasa mula sa isang miyembro ng iyong pamilya. Ang isang taong nagbabantang magpapatiwakal ay nanghihingi ng tulong. Tulungan sila sa pamamagitan ng pagmamahal at ng Katotohanan. Hikayatin silang isaulo ang mga Banal na Kasuoatan na nag-uugnay sa pagmamahal ni Kristo para sa kanila at ang normal na pansamantalang uri ng pagsubok. Gusto ni Satanas na maramdaman nilang wala ng pag-asa — bigyan sila ng pag-asa! (Tignan ang Aralin 10, “Ibat-ibang Pagsubok.”) at palakasin ang loob nilang manalangin ng “may pasasalamat,” at magpasalamat sa Diyos para sa lahat, kasama ang mga pagsubok, “lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti.” (Roma 8:28)
Pagkamakasarili o pagyayabang. “Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili.” Filipos 2:3. “Pinagpala ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
Ang mahuhuli ay mauuna. Tinuturuan natin ang ating mga anak na ang pagiging una ang kanilang dapat na prayoridad at hindi natin magagalak ang sinoman kung hindi natin magagalak ang ating mga sarili. Ang Katotohanan ay, “Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahúhulí na mauuna.” Mateo 19:30. “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” Marcos 9:35. Tulungan ang iyong anak na magkamit ng Maka-Kristong pag-uugali sa pamamahagi ng mga bersikulong ito sa halip na magkagulo sa makamundong paniniwalamg ating naririnig.
Sinabi ng mundo sa atin na magsalita ng maganda sa ating mga sarili ngunit sinabi ni Hesus na, “Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.” Mateo 23:12.
Matuto mula kay Nebucadnezar; ang kaniyang apo ay hindi. Si Nebucadnezar (tignan sa umpisa ng section ng Banal na Kasulatan), na nagmamalaki sa kaniyang kapangyarihan at kayamanan, ay ginaya sa bak asa lupain at kumain ng damo. Ang kaniyang apo ay nalalaman ang pagpaparusa sa kaniyang ito ng Panginoon; ngunit, sinundad niya parin ang pamamaraan ng kaniyang lolo, “At bagaman alam ninyo ito, Haring Belsazar, hindi kayo nagpakumbaba. Sa halip, nagmataas kayo…” Daniel 5:22-23.
Ang pagmamataas ay masama – at magdudulot sa Diyos na pakumbabain ang iyong loob. Maaaring maisip mo na ang mga bagay na pinagdadaanan mo ay nakakahiya, ngunit sinadya ito ng Diyos para sa iyong kabutihan. Hindi niya gustong hiyain ka; Nais niyang magkaroon ka ng kababaang-loob. “Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasama…pagmamayabang.” Marcos 7:21. “Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang PAGMAMALAKI sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.” 1 Juan 2:16. Ang pagmamalaki ay hindi mula sa Diyos!
Ang nagmamataas ay ibababa. “Sapagkat ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.” Lucas 14:11. Sinasabi natin sa iba na magsalita ng maganda tungkol sa kanilang sarili upang maglagay lamang ng pain sa kanilang mga paa! “…di man lamang makatingin sa langit…Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.” Lucas 18:14. Sinasabi natin sa iba na tumayo at magmalaki!
Bakit ka nagmamayabang? “Paano kayo nakakahigit sa iba? Hindi ba't lahat ng nasa inyo'y ibinigay lamang sa inyo ng Diyos? Kung gayon, bakit ninyo ipinagyayabang iyon…. 1 Corinto 4:7.
Sa halip, kailangan nating mamatay sa ating sarili. “Sapagkat namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo.” Colosas 3:3. “…Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.” 2 Corinto 5:15.
Sa isip ng Diyos. “Ngunit hinarap siya ni Jesus at sinabihan, “Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.’ ” Mateo 16:23-24.
Si Paul ay naging mabuting halimbawa kung paano natin uunahin si Kristo. “Sapagkat para sa akin, ang buhay ay para kay Cristo at ang kamatayan ay pakinabang.” Filipos 1:21.
Habang ating pinabababa ang ating sarili, ang Diyos ay malayang iangat tayo. “…kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y maglingkuran: sapagka't ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan…” 1Pedro 5:5-6. “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba…Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.” Santiago 4:6,10. “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.” Filipos 4:13. Itaas si Kristo bukod sa iyong sarili.
Si Hesus ang dapat nating halimbawa. Lagi nating tignan ang ating Panginoon, sa lahat ng bagay, at sa araan ng Kaniyang pagdaan sa mundo. “Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip [kababaang-loob], na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan.” Filipos 2:5-9.
Gayon din si Daniel. “…sapagka't mula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa, at magpakababa sa harap ng iyong Dios, ang iyong mga salita ay dininig: at ako'y naparito alangalang sa iyong mga salita…” Daniel 10:12.
Ano ang maaari nating gawin kung tayo ay naging mapagmataas?
Matuto mula sa Panginoon. “Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso…” Mateo 11:29.
Magpamuri sa Panginoon. “Datapuwa't ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon. Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.” 2 Corinto 10:17-18.
Huwag purihin ang iyong sarili. “Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; Ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi.” Mga Kawikaan 27:2.
At kung hindi magkakaroon ng kababaang-loob sa sarili?
“Sa aba nila na pantas sa kanilang sariling mga mata, at mabait sa kanilang sariling paningin.” Isaias 5:21.
“Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.” Mga Kawikaan 26:12.
“Sapagka't kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya.” Galacia 6:3
“Tunay na hindi didinggin ng Dios ang walang kabuluhan, Ni pakukundanganan man ito ng Makapangyarihan sa lahat.” Job 35:13.
“Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi: at nalalantang gaya ng dahon kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin.” Isaias 64:6.
“Siyang may sakim na diwa ay humihila ng kaalitan: Nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay tataba. Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang: Nguni't ang lumakad na may kapantasan, ay maliligtas.” Mga Kawikaan 28:25-26.
“Kaya't sinabi niya sa kanila, ‘Kayo ang nagpapanggap na matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.’ ” Lucas 16:15. “At ikaw ay pinapangumbaba niya, at pinapagdamdam ka niya ng gutom…” Deuteronomio 8:3.
Nakakita ka na ba ng Banal na Kasulatan kung saan intinuturo ng Diyos na ating buuin ang ating pagpapahalaga sa sarili? Ikaw ba ay nakahanap ng Banal na Kasulatan kung saan tinuruan tayo ng Diyos na turuan ang ating mga anak na magkaroon ng pagpapahalaga sa sarili? Tayo ba nagiging mapagmataas sa kung ano ang ating nagawa, o narating? Ano ang maidudulot ng ating pamumuri sa ibang tao, lalong lalo na sa ating mga anak?
Personal na pangako: Isantabi ang aking mga mapamintas na pamamaraan. “Base sa aking mga natutunan mula sa Salita ng Diyos, ako ay nangangako ma babaguhin ang akong pag-iisip at maging taga-tupad ng mga Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasantabi ng aking mapamintas na pag-uugali.”
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.
Ulat sa Papuri ng Ebanghelismo
“At kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila. Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at kayo'y magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagka't siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama. Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain. Lucas 6:32, 35-36 ABTAG 1978
Mahal na nobya, naaalala mo pa ba kung sino ka bago pa man ang iyong paglalakbay upang magkabalikan kayo sa iyong asawa? Naaalala ko ... Napakasungit ko at napakapalaaway. Palaging nagtatalo. Palaging nais na "manalo" sa pamamagitan ng pakikipaglaban. Palaging magulo.
May isang babae sa aking pamilya na ganito ang ugali. Hindi ko ito sinusulat upang isiwalat ang kanyang kasalanan. Sinusulat ko ito upang ibahagi kung paano binuksan ng aking Mahal na Panginoon ang aking mga mata at binigyan ako ng pagmamahal para sa babaeng ito. Ilang araw mula ngayon ay magkikita ang maraming myembro ng pamilya para magdiriwang kaarawan. Naiintindihan ko kung bakit hindi siya inimbita, ito’y dahil napakahirap niyang pakisamahan. Ang kanyang masamang pag-uugali ay nakakasira ng kasayahan. Na halos kaming lahat nahahawa at nagiging masungit na rin. Peru sinabi sa akin ng aking Mahal na tanungin siya kung bakit hindi siya naimbitahan. Nalungkot ako para sa kanya dahil alam kong nararamdaman niya ang kawalang saysay at hirap ng kanyang buhay. At "wala sila" tulad ng sabi sa kabanata 6 ng Paghahanap ng Masaganang Buhay .
Sa mga nakaraang buwan, nagtext ako sa kanya at ang ang sinabi niya na dapat sana ay inaaway niya iyong at sinabi niya sa akin na hindi kaya ang tumugo tulad ng aking pagtugon. Sa sandaling iyon, ipinakita sa akin ng aking Minamahal na oras na upang ibahagi sa kanya ang Ang Maalam na Babae. Hindi ako sigurado kung nabasa niya ito, ngunit kamakailan lamang ay sinabi sa akin ng kanyang ina na inalok siya nitong pagandahin ang kanyang mga kuko at kapag sila ay magkasama, mabait na siya at hindi na siya nagrereklamo tungkol sa kanyang asawa, ito ay isang himala. Binago ng Aking Minamahal ang kanyang puso!
Salamat mahal kong Asawa sa maliit na pagbabago sa babaeng ito. Hindi ako nag-aalinlangan na mayroon kang kapangyarihan na baguhin siya nang buong-buo para sa iyong kaluwalhatian. Mahal, salamat din na binago mo ako at pinuno mo ako ng pagmamahal at simpatya kahit sa mga hindi kanais-nais. Mahal kita Minamahal.
Magandang nobya, sa pagpapatuloy mo ng iyong paglalakbay, ipapakita sa iyo ng Panginoon ang mga kababaiha na maaring mong pakitaan ng iyong sympatiya at taniman ng mga binhi ng iyong patotoo. Hinihikayat kita na panatilihing bukas ang iyong mga mata para sa mga sandaling ito at payagan ang iyong Minamahal na gamitin ka para sa Kanyang kaluwalhatian. Mahal ko patuloy lang dahil araw-araw ay unti-unti tayong pinabuti!
~ Rut Ester sa Puerto Rico