Kabanata 4
"Kabutihang Loob ay Nasa Kaniyang Dila"
“Binubuka niya ang kaniyang bibig na may karunungan;
At ang kautusan ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang dila.”
Mga Kawikaan 31:26
Ang pagsasalita ang isa sa pinakaimportanteng aspeto ng pagaasawa at pagpapakita ng katangian ng babaeng makadiyos. Tayo ay nalinlang ni Satanas sa mundo ngayon; Sinasabi sa atin ng mga “counselors” at “marriage experts” na ang kakulangan sa komunikasyon ang nakakasira. Kung hahanapin sa mga Banal na Kasulatan, ano ang makikita mo na sinabi ng Diyos ukol sa pagsasalita? Sundan mo ako, at sabay nating aalamin ang Katotohanan:
Hindi ang kakulangan ng komunikasyon!
Kailangan nating bantayan kung gaano kadami ang ating sinasabi!
Maraming salita. Hindi lang ang kakulangan ng komunikasyon ang nagdudulot ng problema, kundi pag masyadong maraming salita at diskusyon, ang mga paglabag (pagsuway sa Batas ng Diyos) ay hindi maiiwasan. “Ang taong masalita ay malapit sa pagkakasala.” Mga Kawikaan 10:19.
Manatiling Tahimik. Sinasabi sa atin ng karamihan na sabihin at ibahagi ang nasa isip natin, nguniy sabi ng Diyos: “Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan.” Mga Kawikaan 13:3.
Itikom ang bibig. Sa katotohanan, sinabi ng Diyos na ating sanayin ang karunungan at magmukhang marunong sa ating pananahimik. “Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: Pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.” Mga Kawikaan 17:28. “Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama.” Mateo 5:37.
Walang Salita. Kinausap ng Diyos ang mga kababaihan: “Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae; Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot.” 1 Pedro 3:1-2. “Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia.” 1 Corinto 14:34.
Maamo at payapang espiritu. Nakikita ng Diyos na mahalaga ang mga babaeng payapa. Ikaw bai to. “…may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios.”1 Pedro 3:4. “Ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at ang mga pagsalungat ng maling tawag na ‘kaalaman’ - Na palibhasa'y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya.” 1 Timoteo 6:20-21.
Sinabihan tayo ng Diyos na maging maingat sa kung ano ang ating sinasabi!
Ingatan ang iyong bibig. Ilang beses ka na bang napahamak dahil sa mga salitang iyong binitawan? “Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan: Nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay.” Mga Kawikaan 10:31. “May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.” Mga Kawikaan 12:18. “Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan.” Mga Kawikaan 21:23
Anon lumalabas sa iyong bibig? Ang mensaheng ito ay maliwanag. Ano mang sasabihin mo ay mahalaga. “Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.” Mateo 12:37. “Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao.” Mateo 15.11. “…itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita….” Colosas 3:8.
Bigyang pansin ang iyong mga salita. Ang Banal na Kasulatan na ito ay tumutukoy sa dalawang uri ng asawang babae. Alin ka dito? “Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: Nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto.” Mga Kawikaan 12:4. “Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti.” Mga Kawikaan 16:20.
Katamisan sa mga labi. Kung naipahiya mo ang iyong asawa sa iyong mga nasabi (sa kaniya o patungkol sa kaniya) o sa iyong asal sa kaniya, Ang Diyos ay matapat na magbibigay ng paghilom. “Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: Nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.” Mga Kawikaan 17:22. “Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, Matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.” Mga Kawikaan 16:24. “Ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan.” Mga Kawikaan 16:21.
Matuwid na labi. Mayroon bang hindi nalulugod sa magandang salita? “Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; At kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid.” Mga Kawikaan 16:13. “Kayo’y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon.” Efeso 5:19.
Iwanan ang asal bata. Ikaw ba ay nag mature na? O ikaw ba ay mistulang bata na nagsasalita ng mga bagay na nakakasakit ng iba? Isa sa pinakamalaking kasinungalingan na natutunan natin noong ating kabataan ay Masasaktan tayo ng mga patpat at bato, ngunit hindi kailanman ng mga salita. Maaaring hindi pa tayo nakakalimot sa ilang mga salita na nasabi sa atin noong tayo ay bata pa. “Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatuwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata.” 1 Corinto 13:11.
Ang Argumento at alitan ay HINDI maganda para sa kahit na anong kasal!
Iwan ang pagtatalo. Ang kahulugan ng alitan ay ang matagalang pagtitiis para sa kapangyarihan at kataasan. “Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, Kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.” Mga Kawikaan 17:1. ( Ang isang tahanan na mayroong maiingay at magugulong mga bata ay hindi kailanman tahimik. Siguraduhing ang iyong mga anak ay tahimik at sumusunod sa iyo! Tignan ang Aralin 14, “Mga Turo ng Iyong Ina.”) “Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: Kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.” Mga Kawikaan 17:14. “Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit, at tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas.” Mga Kawikaan 18:6.
Ikaw ba ay kontento? “Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.” 2 Corinto 12:10. Ang bersikulong ito ay mistula hindi kayang abutin, ngunit ito ang ating dapat na naisin. Atin tayong tumuloy sa ibang mga bersikulo kasama ang pagsasabuhay nito…
Laging magalak. Ang unang hakbang patungo sa tagumpay ay ang pasalamatan ang Panginoon sa bawat pagsubok. “Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.” Filipos 4:4. Magpatuloy na magpasalamat sa Kaniya ng malakas o sa isip, depende sa pagkakataon.
Nasaktan. “Ang kapatid na nasaktan sa kalooban ay mahirap mabawi kay sa matibay na bayan: At ang gayong mga pagtatalo ay parang mga halang ng isang kastilyo.” Mga Kawikaan 18:19. Huwag hayaan ang iyong sarili na masaktan ng isang bagay na nasabi sa iyo o kung paano ito sinabi; sa halip pakinggan ito ng may bukas na puso.
Huwag sumagot bago makinig. “Ang sumasagot bago makinig, ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.” Mga Kawikaan 18:13. Kung iyong aantalain ang taong nakikipagusap sayo habang siya ay nagsasalita, madalas na magkaroon ng kainitian! Inuulit ko, makinig sa mga taong naglalaan ng panahon na makipagusap sa iyo, at laging makinig sa Katotohanan.
Ang Katotohanan ang magpapalaya sa iyo. “…At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.” Juan 8:32. Minsan, mahirap aminina g Katotohanan sa ating sarili lalo sa ibang tao. Ngunit oras na simulan mo ito, sasangayunan mo na ito ang pinakamalayang karanasan sam undo! Huwag matakot na magsabi ng totoo tungkol sa iyong sarili; gawin mo!
Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit. Makipagkasundo sa iyong asawa at sa iba, lalo na kung sila ay galit. “Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan…” Mateo 5:25. “Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: Nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway.” Mga Kawikaan 20:3. Kadalasan ang taong galit ay sumisigaw at nagmamagaling tungkol sa isang bagay na totoo o may basehan ng katotohanan. Kung ikaw ay may kabababaang loob na sumang ayon sa isang tao, lalo na kung ang taong iyon ay walang kontrol, ikaw ay nagtatamo ng espiritwal na maturity.
Lumakbay ng isa pang milya. Pagkatapos mong sumangayon sa isang tao, may isa pang hakbang; kailangan mong magdagdag sa insulto o kritisismo. “Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal. Kung pilitin ka ng isang kawal na pasanin ang kanyang dala ng isang milya, pasanin mo iyon ng dalawang milya.” Mateo 5:39-41.
Maaaring ito ay imposible o masyadong mahirap paniwalaan; ngunit, hindi lang ako ang tanging babae na kinailangang lumakad sa lakad na ito. Marami sa aming mga asawa ang namumuhay kasama ang ibang babae noong panahong iyon. Umaasa ako, na ito ay makakapagpalakas ng loob mo. Kailangan mong paniwalaan na kaya mong gawin ang hinihingi ng Banal na Kasulatan, kahit ano pa ang iyong maramdaman.
Paghahayag natin sa ating mga kasalanan. “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” 1 Juan 1:9. Ang pagpapahayag ay maganda para sa kaluluwa; ginagawa nitong banal ang ating kaligtasan. “Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig….” Filipos 2:12.
Pawiin ang patuloy na alitan. Lagi bang mayroong alitan sa inyong tahanan? “Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman…pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit, kasakiman, pagkainggit…” Galacia 5:19-21. “Kung ang sinoma'y nagtuturo ng ibang aral, at hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, at sa aral na ayon sa kabanalan;Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala. Pagtataltalan ng mga taong masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan….” 1 Timoteo 6:3-5.
Hindi masagutin. “Nguni't tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo. At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin.” 2 Timoteo 2:23-24. “Iaral mo sa mga alipin na sila'y pasakop sa kanikaniyang Panginoon, at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay; at huwag mga masagutin.” Tito 2:9.
Makupad sa pagkagalit. Narinig mo ang ibang nagsasabi na, dahil si Hesus ay nagalit at tinaob ang mga lames asa templo, tayo rin ay pwedeng magalit. Ngunit ang sabi sa Banal na Kasulatan, “Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit; Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.” Santiago 1:19-20.
Napagkasunduan niyong dalawa. Kailangan ninyong hanapin ang punto ng pagkakasunduan kaysa hindi pagkakasunduan. “Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.” Mateo 18:19.
Ang Diyos ay nagpapakatiyak kung paano tayo sasagot!
Ikaw ba ay nagiisip kung paano ka sasagot? Kung ang galit at panibugho ay nakatuon sa atin, sinabi sa atin ng Diyos na ang ating magiging sagot ay dapat ikalulugod Niya bilang Kristiyano. “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Mga Kawikaan 15:1. “Tinitimbang ng matuwid kung ano ang sasabihin, ngunit di na iniisip ng masama ang kanyang sasalitain.” Mga Kawikaan 15:28.
Ikaw ba ay sumasagot bago mo marinig? Ilang beses ka na bang sumagot bago mo marining kung ano ang sinasabi ng kausap mo? “Ang sumasagot bago makinig, Ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.” Mga Kawikaan 18:13. “Pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo, At ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto.” Mga Kawikaan 25:15.
Makuntento – HUWAG bumulong o magreklamo!
Walang pagbulong o pagtatalo. Kahit na hindi natin ituloy ang pakikipag away sa isang tao, maaari nating ipagpatuloy ang pagbulong o pakikipagtalo sa ating isip o sa likod ng taong ito. “Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.” Mga Kawikaan 26:20. “Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo.” Filipos 2:14.
Matutong makuntento. “Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan.” Filipos 4:11. “…mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.” Mga Hebreo 13:5. (Ang aking namayapang Lola Brown ay isang babaeng nagpamalas ng bung ang pagiging kuntento. Hindi mahalaga kung ano ang kaniyang ginagawa, pagkukuskos ng sahig gamit ang kaniyang mga kamay at tuhod at iba pang gawain, siya ay masaya. Hindi siya nagreklamo. Sinabi niya na hindi niya kailanman naisip kung saang lugar siya nararapat o kung ano dapat ang kaniyang ginagawa.) “Datapuwa't ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan.” 1 Timoteo 6:6.
Huwag kang manira ng diwa. Sinabi sa atin ng Mga Kawikaan na kung ano ang kayang gawin ng ating mga salita sa diwa n gating mga asawa. “Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: Nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.” Ang kahulugan ng kabuktutan ay “katigasan ng ulo.”
Ang iyong dila: maliit ngunit nakamamatay!
Pinagniningas ng impierno. “Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap, at nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy!At ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno.” Santiago 3:5-6.
Parehong pagpupuri at panglalait. “Ngunit wala pang nakakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng kamandag na nakamamatay. Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa panlalait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos. Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid. Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat?” Santiago 3:8-11. Ngunit salamat sa Panginoon dahil “walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” Lucas 1:37.
Ako ay hindi magsasalita. Ito ay isang maingat na pagiisip: “Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, Nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo.” Mga Awit 139:4. “Ang sabi ko sa sarili, sa gawai'y mag-iingat, at hindi ko hahayaang ang dila ko ay madulas; upang hindi magkasala, ako'y di magsasalita.” Mga Awit 39:1.
Ano ang naiisip ng Diyos sa isang sinungaling na dila?
Kasuklamsuklam sa Kaniya. Wala tayong kaalam alam kung paano naaapektuhan ng ating pagsisinungaling ang ating testimonya bilang mananampalataya. “Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: Nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.” Mga Kawikaan 15:4. “May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila…” Mga Kawikaan 6:16-17.
Anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon. Tayo ay magpatuloy sa pagbabasa bg maraming bersikulo sa Mga Kawikaan na nagsasabi sa atin ng tungkol sa pagsisinungaling. “May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, At mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo….” Mga Kawikaan 6:16-18.
Ama ng kasinungalingan. Ayaw natin na magsinungaling dahil ang demonyo ang ama ng kasinungalingan! “Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.” Juan 8:44.
Ano ang kinalaman ng salita sa pang aabuso?
Tumatawag ng hampas. Ilang beses na ba nating sinagad ang ating mga asawang lalaki sa pamamagitan ng ating mga malupit na salita at matalim na mga sagot? “Nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.” Mga Kawikaan 10:8. “Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit, At tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas.” Mga Kawikaan 18:6.
Nagiingat ng kaniyang bibig. “Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: Nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.” Mga Kawikaan 13:3. Kung ikaw ay mabilis manghusga, manliit at hamunin ang iyong asawa, ikaw ay patungo sa mga hampas. Sa halip, manahimik. “Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: Nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit.” Mga Kawikaan 15:1.
Kung ating susumahin:
- Bantayan kung gaano kadami ang nasasabi mo - kapag maraming salita ang pagtatalo ay hindi maiiwasan. Sa halip, hayaang ang pakikipagusap mo ay “Oo, oo” o “Hindi, hindi” – ano mang sobra ay magdadala ng kasamaan.
- Pagingatan ang iyong sinasabi – sa iyong salita ikaw ay huhusgahan at sa iyong salita ikaw ay mapaparusahan! Mga asawang babae, magpasakop sa inyong asawang lalaki, upang kung sila ay hindi masunurin sa Salita, sila ay mababago ng walang salita sa pamamagitan ng iyong malinis at magalang na asal.
- Kung paghilom ang kinakailangan, tandaan ang masayahing puso ay mabuting gamot, magagandang salita ay isang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at nakakapagpagaling ng buto, at katamisan sa pakikipagusap ay nakakadagdag ng panghihikayat.
- Huwag makipagtalo – sumang ayon sa kalaban agad!
- Magisip bago sumagot. Magbigay ng mahinahong sagot, magnilay (pansamantala) kung paano ka dapat sumagot, at huwag sumagot bago ka makinig, dahil ito ay kahangalan at kahihiyan!
- Gamitin ang panahon upang matutunan kung paano maging kontento. Ang pagiging kuntento ay isang katangiang inaaral. Kailangan mong aralin na maging kuntento sa kahit na anong sitwasyong mayroon ka.
- Paglalakad sa Espiritu. Ano mang madali para sa atin na gawin sa laman, ay galing sa laman. Ano mang mahirap gawin at nangangailangan ng lakas ng Espiritu Santo, ay paglalakad sa Espiritu. “Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman…sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.” Galacia 5:16-17.
Ating lahat sikapin na magmukhang matalino sa pananatiling tahimik.
Sunod, ating siguruhin na kung ating bubuksan ang ating mga bibig
Ito ay may karunungan, kabaitan at pagbubuhay.
Hayaang ang ating mga salita ay maging matamis at malumanay.
Hayaan tayonv maging “korona” sa ating mga asawa at
“mahalaga” sa paningin ng Diyos.
Personal na pangako: Na bubuksan ang aking bibig ng may karunungan at kabaitan. “Mula sa aking mga natutunan sa Salita ng Diyos, ako ay nangangako na mananatiling tahimik, maghintay bago ako sumagot, at maging matamis sa lahat ng aking salita.”
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.