Kabanata 2 "Ang Iyong Unang Pagibig"
âNguni't mayroon akong laban sa iyo,
na iyong iniwan ang iyong unang pagibig.â
Apocalipsis 2:4.
Iniwan mo ba ang iyong unang pagibig? Sino ang una mong pagibig? Ang iyong sanggol, iyong anak, iyong asawa ang una mong pagibig? Sino ba ang talagang una sa iyong buhay? âAng umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.â Mateo 10:37. Ang Banal na Kasulatan sa Apocalipsis ay nagsasabing: âNguni't mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig.â Apocalipsis 2:4.
Maruming basahan. Tanungin sa sarili ang mga sumusunod na katanungan. Ang mga bagay ba na iyong inuuna ay mayroonh walang hanggang halaga? Ang ginagawa mo ba ngayon ay makakatulong sa pag angat ng Kaniyang kaharian? Ikaw ba ay naghahahanap sa Kaniyang katuwiran? Tandaan, ang ating katuwiran ay parang maruming basahan. (Isaias 64:6)
Ano ang sinasabi ng Panginoon sa atin? Sinasabi niya na sa oras na inuna natin ang kahit na sino o ano man bago ang pagmamahal o relasyon natin sa Kaniya, tayo ay hindi karapatdapat sa pagibig Niya.
Hanapin muna. Kailangan natin Siyang unahin sa ating mga prayoridad; una sa ating araw at una sa ating puso. âDatapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.â Mateo 6:33.
Ano ang mangyayari kung may tao tayong inuuna bago ang Panginoon? Ano ang kailangan Niyang gawin upang hikayatin ka palapit sa Kaniya? Ilan sa atin ay inuuna ang ating mga asawa kayaât kinuha ng Panginoon sa atin ang ating mga asawa! âIyong inilayo sa akin ang kakilala ko; Iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila: Mangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin, At ang aking kakilala ay sa dilim.â Mga Awit 88:8-18.
Ibig ba sabihin ay hindi na tayo magmamalasakit para sa pangangailangan ng ating mga asawa? Tayo ba ay dapat magkaroon ng paguugaling âAng Panginoon ang aking pinagsisilbihan, hindi ikaw?â Ang Diyos ay may perpektong balanse na itinuro sa atin sa mga sumusunod na Banal na Kasulatan: âMga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon.â Efeso 5:22. At, âMga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.â Colosas 3:18. Tayo ay nagpapasakop sa ating mga asawa dahil mahal natin ang Panginoon. Maraming beses na ang ating mga asawa ay hindi karapat dapat sa ating mapagmahal na pagpapasukob; gayonpaman, ang Panginoon ay laging karapat dapat na makatanggap ng pagsukob sa Kaniyang Salita!
Na ang Salita ng Diyos ay hindi lapastanganin. Ang Panginoon ang nagbigay sa atin ng babala na ang hindi pagsunod o paggalang sa ating asawa ay hindi din paggalang, o paglapastangan, sa Panginoon at sa Kaniyang Salita! Ang balanse ay ang paggalang sa Panginoon sa pamamagitan ng pagsunod at pagpapasukob sa ating mga asawa. ââŚpasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Dios.â Tito 2:5. Ang Biblia.
Nakakapagpalugod sa Panginoon. Kailangan nating subukang maging kasiya siya sa Panginoon, sa halip na sa ating mga asawa; ng sa gayon ang Panginoon ang magdulot sa atin na paboran tayo ng ating nga asawa. âPagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, Kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati, ng kaniyang mga kaaway.â Mga Kawikaan 16:7. âAng lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan: Nguni't ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya'y pupurihin.â Mga Kawikaan 31:30. âMagpakaligaya ka naman sa Panginoon; At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.â Mga Awit 37:4.
Pagsunod Kaysa Paghahain
Ang pagsunod ay mas maigi kaysa sa paghahain. âNarito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake. Sapagka't ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagka't dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil kaâŚ.â 1 Samuel 15:22-23. âGumawa ng kaganapan at kahatulan Ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain.â Mga Kawikaan 21:3.
Testimonya: Marami akong nakitang kababaihan na mga âmartirâ at ako ay laging natatakot na ako ay magiging ganoon din. Dahil hindi ko alam kung bakit o paano naging ganon ang ibang kababaihan, may posibilidad din na Ako, ay mahulog sa parehas na bitag. At nangyari nga sa akin. Subalit ngayon natagpuan ko na ang kasagutan â hindi tayo sumunod, tayo ay naghain!
Sinasabi sa akin ng aking asawa na âmagdahan dahan lang,â âmagpahinga,â o âiwanan na yan para kinabukasan,â pero hindi ko ginawa! Iyon ay pagrerebelde! Lagi akong nangangatwiran sa pagsagot ng: âHindi niya alam kung gaano karami ang trabahong aking dapat gawin,â o âHindi niya nauunawaan kung ano ang kailangan para patakbuhin ang bahay na ito, o alagaan ang mga batang ito,â o âPaano ako maaidlip? Sino ang titingin sa mga bata habang ako ay natutulog?â
Tama ako! Hindi niya alam â pero alam ng Diyos! At Siya ang aking proteksiyon at ang proteksiyon ng aking mga anak. At ang Diyos sa Kaniyang kataas taasang kapangyarihan ang naglagay sa iyong asawa sa ibabaw mo bilang iyong proteksiyon. Nilagay ng Diyos ang ating mga asawa sa ibabaw natin para aa ating pisikal na proteksiyon, ating emosyonal na proteksiyon, at ating espiritwal na proteksiyon, âSapagkaât walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihangyao'y hinirang ng Dios. Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot⌠Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo.â Roma 13:1-4. (Tignan ang Aralin 8, âAsawang Babae, Sumailalim,â dahil âAng aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalamanâŚ.â Oseas 4:6. At para sa dagdag kaalaman sa iyong asawa bilang iyong espiritwal na tagapagtanggol, tignan ang Aralin 9, âKatulong na Angkopâ sa ilalim ng seksyon ng âSino ang dapat na Pinunong Espiritwal?â At huwag palalampasin ag mga testimonya!) Paghahain, imbes na pagsunod ang naging dahilan kung bakit ako naging martir!
Ang Iyong panlabas na kaanyuan. Maraming kababaihan ang nagsusuot ng balabal sa ulo, palda lamang, at iba pang mababang loob na mga karamitan, pero sila ay nagrerebelde sa kanilang puso. Kahit na ang iyong panlabas na kaanyuan ay makakapanlinlang ng ibang tao sa pagiisip na ikaw ay nagpapasukob, alam ng Panginoon ang nasa iyong puso! âHuwag mong tingnan ang kaniyang mukha⌠sapagka't aking itinakuwil siya; sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso.â 1 Samuel 16:7. Ang aming ministeryo ay nakatanggap ng tawag mula sa isang babae na dogmatiko tungkol sa mga kababaihang may mababang loob na pananamit (siya ay naghohome school ng kaniyang mga anak). Gayonpaman, siya ay lulong sa pangangalunya sa isang lalaking may asawa. âAng puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?â Jeremias 17:9.
Mayroong kwento ng isang batang lalaki na patuloy na pinapakiusapan ng kanyang ama na âumupo.â Sa wakas ang batang lalaki ay umupo na at ang kanyang ama ay napangiti. Pero ang batang lalaki ay agad sumigaw, âMaaaring nakaupo ako sa panlabas, pero sa loob koâ Akoây nakatayo!â Maraming beses na tayo ay nakatayo sa kalooban. Maraming beses na pagkatapos natin gawin ang tama at sumang ayon sa plano ng ating mga asawa tayo ay nagsusumigaw, âpero hindi Ako sumasang ayon!â Minsan ang ating paguugali ang nagsasabi sa kaniya na hindi tayo sumasang ayon. Ito, mga kababaihan, ay rebelyon.
Ating aanihin kung ano ang ating itinanim. Kung ikaw ay isang rebelde sa iyong mga magulang bago ka ikasal, ikaw ay maaaring rebeldeng may asawa. (Rebelde, sabi nga ni Bill Gothard, ânaghahanap ng katulad nila.â Sa aking palagay ito ang pamamaraan ng Diyos para masigurong pareho kayong yoked!) At maaaring ang iyong asawa ay naging malala simula ang ikasal kayo. Maaaring ang iyong asawa ay nagrerebelde laban sa magandang karunungan. Maaaring ang rebelyon niya ay dinala siya sa pagrerebelde sa kanyang pangako na maging matapat sa iyo, kagaya ng kaso ng mga naiiwang naninindigan sa pagtitiwala na mabuong muli ang kanilang mga kasal.
Walang imposible. Kung ang iyong asawa ay nagrerebelde laban sa Panginoon, ano ang iyong gagawin? Kung ikaw ay mananampalataya, ikaw ay magsisimulang sumunod. âSapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa.â 1 Corinto 7:14. Ito ang katotohanan. Sumunod ngayon at tignan kung paano gawing banal ng Panginoon ang iyong asawa. Ito ba ay tila kakaiba? Ito ba ay tila imposible, dahil âmasyado siyang masamaâ? Ito ay posible dahil kayo ay iisang laman. âKaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman.â Matthew 19:6. âGayon man, ang babae ay di maaaring walang lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae.â 1 Corinto 11:11. Maaari bang ang kalahati ng katawan ay pumunta sa isang lugar at ang kalahati ay sa kabilang lugar? Kung gayon, mahal kong kapatid, ikaw ay manalig dahil ââŚAt kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siyaang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.â Mga Hebreo 11:6.
Siya na lumakad ng matuwid. Oras na ikaw ay sumunod, Babaguhin ng Diyos ang puso ng iyong asawa. ânaibabaling Niya ito (puso) kung saan igawi.â Mga Kawikaan 21:1. Tandaan, tanging âAng lumalakad ng matuwid ay maliligtas.â Mga Kawikaan 28:18. Maraming kababaihan ang nagsasabi na ayaw nilang sundin ang kanilang mga asawa; kung gayon, wag kayong magulat na ayaw din niyang sundin ang nakapaibabaw sa kaniya! âna ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.â 1 Corinto 11:3. Huwag kang magbigay ng katwiran na ang iyong asawa ay hindi Kristiyano kaya, hindi mo siya kailangang sundin. Hanapin sa Banal na Kasulatan ang ang pagkakabukod ng ganoong kadahilanan; wala ito roon.
Kayoây magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik. Sapagka't ito'y kalugodlugod, kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis ang sinoman ng mga kalumbayan, na magbata ng di matuwid. Sapagka't anong kapurihan nga, kung kayo'y nangagkakasala, at kayo'y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni't kung kayo'y gumagawa ng mabuti, at kayo'y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito'y kalugodlugod sa Dios.â 1 Pedro 2:18-20. Napatuloy ang Salita upang sabihin na tayo ay may halimbawa sa Panginoon at sa Kaniyang buhay. Tinawag Niya tayo upang sundang ang Kaniyang mga hakbang at makikita natin ito sa ibaba. (Kung ikaw ay nasa isang abusadong sitwasyon makakahanap ka ng tulong sa Aralin 4, âKabaitan sa Kaniyang Dilaâ.
Kung Mahal Mo Ako
Sa ilalim ng Batas. Pagkatapos mong unahin ang Diyos sa iyong buhay at umpisahan na sundin ang mga may kapangyarihan na namumuno sa iyo, kailangan mo ngayong iwaksi ang maling doktrina na nagsasabing âAko ay iniligtas ng biyaya, kaya AYOS lang na magkasala, dahil hindi ako sumasailalim sa Batas.â Hanapin natin ang mga Banal na Kasulatan tungkol sa katotohanan:
Ikinakaila mo ba Siya sa pamamagitan ng iyong mga gawa? âSila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.â Tito 1:16.
Ginagawa mo ba kung ano ang sinasabi ng Kaniyang Salita? âAt bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?â Lucas 6:46.
Magpapatuloy ba tayo sa pagkakasala? âAno nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan?â âAno nga? mangagkakasala baga tayo, dahil sa tayo'y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari!â Roma 6:1-2,15.
Pananampalataya na walang mga gawa ay patay. âAnong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan? âŚSapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.â Santiago 2:14-26. Magandang gawain ang âbungaâ ng ating conversion. Ngayon, tanungin ang sarili ng nga katanungang ito:
Ang akin bang mga ginagawa ay nagtatanggi na ako ay sumusunod sa Panginoon?
Ang biyaya ba ay nagbibigay sa akin ng lisensyang magkasala?
Dahil Ako ay naniniwala, ako ba ay walang mabuting gawa?
Magpahayag ng kasalanan. âMangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling.â Santiago 5:16.
Kailan maây hindi ko kayo nangakilala. Marami ang naniniwala na maaari kang mabuhay kung paano mo man naisin at ikaw ay makakapasok sa langit sa oras na ikaw ay mamatay; ito ba ay totoo? âMarami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, âKailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.â â Mateo 7:22-23.
Pagsunod sa Kaniyang Salita
âKarunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; Kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako; Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; Sa pasukan ng mga pintuang-bayan, Sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita: Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, At ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman?  Magsibalik kayo sa aking saway: Narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo; Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: Aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;  Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, At hindi ninyo inibig ang aking saway:  Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: Ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; Pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.â
âKung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; Hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, At hindi pinili ang takot sa Panginoon. Ayaw sila ng aking payo; Kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, At mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos,At ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila. Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay.At tatahimik na walang takot sa kasamaan.â Mga Kawikaan 1:20-33.
Ang pagsunod ay galing sa puso. ââŚkayo'y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo.â Roma 6:17. At muli, ââŚsapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso.â 1 Samuel 16:7.
Ang pagsunod ay kailangang subukin. âHuwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin.â 1 Pedro 4:12.
Ang pagsunod ay nakakapaglinis ng iyong kaluluwa. âYamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan.â 1 Pedro 1:22.
Ang pagsunod ay magbibigay ng testimonya kung sino ang iyong Ama.  âInyong dinggin ang aking tinig, at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan; at magsilakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos ko sa inyo, sa ikabubuti ninyo.Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi nagsilakad sa kanilang sariling mga payo at sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso, at nagsiyaong paurong at hindi pasulong.â Jeremias 7:23-24.
Ang Iyong hindi pagsunod ay nakakapagpapuri sa kasamaan. âSilang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama: Nguni't ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila.â Mga Kawikaan 28:4.
Ang panalangin ng hindi sumusunod ay hindi pinapakinggan. âSiyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, Maging ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.â Mga Kawikaan 28:9.
Si Kristo ang Ating Halimbawa
Sumunod Siya hanggang sa kamatayan. âSiya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.â Filipos 2:5-11.
Natuto ng pagtalima. âBagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis.â Mga Hebreo 5:7-10.
Siya ay sumusunod at nagpapasukob sa nakatataas sa Kaniya. âAma ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig moâŚAma ko, kung di mangyayaring makalampas ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban.â Mateo 26:39, 42.
Kailangan natin magpasukob sa nakatatataas. âMga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa PanginoonâŚDatapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.â Efeso 5:22, 24. âSapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.â Roma 13:1.
Ang sikreto patungo sa tagumpay. âLahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng Kaniyang tipan at Kaniyang mga patotoo.  Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon, Iyong ipatawad ang aking kasamaan, sapagka't malaki.  Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin. Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; At mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain.  Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya.â Mga Awit 25:10-14.
Hinatulan ang Sarili. Sa Kasamaang palad, marami ang tumututol o nakikipagtalo sa tunay na kahulugan ng mga turo ng Panginoon â kung saan sinasabi ng Diyos na kanilang ikasisira. âNguni't ilagan mo ang mga hangal na usapan, at ang mga pagsasalaysay ng lahi, at ang mga pagtatalo, at pagtataltalan tungkol sa kautusan; sapagka't ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan. Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo; Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala at siya'y hinahatulan ng kaniyang sarili.â Tito 3:9-11.
Pagbaling ng pansin sa kathang isip. Sa halip na hanapin ang Katotohanan, gusto nilang sumang ayon sa mga maling ideya o desisyon. âSa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig; sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip.â 2 Timoteo 4:3-4.
Kamangmangan sa kaniya. Maaaring nagkakaroon ka ng kaguluhan sa pagunawa ng lahat ng sinasabi ng Banal na Kasulatan, ngunit nakatitiyak ako na hindi mo ito maiintindihan hanggat hindi mo ito sinisumulang sundin. âNguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu.  Nguni't ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagayâŚâ 1 Corinto 2:14-15.
Magsilakad ayon sa Espiritu. âBibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.â Ezekiel 36:27. âSinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.â Galacia 5:16. âKung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.â Galacia 5:25.
Magkaroon ng sariling disiplina sa pagsunod sa Kaniyang Salita. âHuwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa: Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila, Na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.â Mga Awit 32:9.
Pagsunod upang Mailigtas Tayo sa Ating mga Pagsubok
Tandaan na ang tanging lumalakad ng matuwis ang maililigtas. âAng lumalakad ng matuwid ay maliligtas: Nguni't siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla.â Mga Kawikaan 28:18.
Pinagmamasdan ng Diyos at pinagpapapala ang iyong ginagawa. âSapagka't ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.â Mga Awit 62:12.
Tingnan ang Iyong kahangalan. âNguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan.  Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya.â Mga Awit 85:8-9.
Karunungan ang kailangan. âNguni't ang lumakad na may kapantasan, ay maliligtas.â Mga Kawikaan 28:26.
Makinig at matakot. âSinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili: Nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin.â Mga Kawikaan 13:13.
Hanapin at sundin ang karunungan. âSiyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang: Nguni't ang lumakad na may kapantasan, ay maliligtas.â Mga Kawikaan 28:26.
Kung hindi ka susunod, ikaw ay Kaniyang Ididisiplina. âPinarusahan akong mainam ng Panginoon; Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan. Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, At magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.â Mga Awit 118:18, 17.
Matapat ang Diyos sa Kaniyang Salita. âKung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, At hindi magsilakad sa aking mga kahatulan; Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, At hindi ingatan ang mga utos ko; Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang; At ng mga hampas ang kanilang kasamaan.â Mga Awit 89:30-32.
Ating iyuko ang ating mga ulo at dasalin ang Mga Awit 51 ng malakas. â Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, At linisin mo ako sa aking kasalanan. Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: At ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin. Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; At magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.  Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: At alalayan ako ng kusang espiritu. Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo. Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob; isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.â
Nawaây sumaiyo ang Diyos sa kagustuhan mong maging katulad ni Kristo!
Personal na pangako na unahin ang Panginoon sa aking buhay. âMula sa aking natutunan sa mga Banal na Kasulatan, ako ay nangangako na gagawin ang lahat sa ngalan ng Panginoon. Ipapakita ko sa Panginoon, at sa iba ang aking pangako sa Kaniya sa pamamagitan ng aking pagsunod sa Kaniyang Salita, at higit sa lahat, sa pagpapasukob sa aking asawa.â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.