Kabanata 17 "Mga Babae, Turuan ang mgaKabataang Babae"
Ang matatandang babae ⌠dapat silang magturo ng kabutihan,
upang kanilang maturuan ang mga kabataang babae
na ibigin ang kani-kanilang mga asawa, ibigin ang kanilang mga anak,
maging matino, dalisay, masipag sa gawaing bahay, mabait,
na nagpapasakop sa kani-kanilang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Diyos.
Tito 2:3-5
Sa ating lipunan, ang mga kabataang babae ay naghahanap ng mga âdalubhasaâ upang matulungan sila sa kanilang buhay may-asawa, pangananak at pagsasanay ng kanilang mga anak. Ang mga nakababatang babaeng ito, ay kadalasang, binalewala ang ideya ng pananatili sa tahanan at pagpapasakop sa kanilang mga asawa. Hindi nila nalalaman na hindi nila ginagalang at halos nilalapastangan, ang Salita ng Diyos sa kanilang mga gawa. âMaging matino, dalisay, masipag sa gawaing bahay, mabait, na nagpapasakop sa kani-kanilang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Diyos.â Tito 2:5. (ABTAG2001)
Masisisi mo ba sila? Nasaan ang mga nakatatandang babae na maghihikayat at magtuturo sa mga kabataang babae sa kanilang papel bilang asawa, ina at maybahay?
Ang nakatatandang babae ay nagbabasa ng aklat na ito. Ikaw iyon. Ano man ang iyong edad, ikaw ay nakatatandang babae sa isang tao. Kahit pa ang isang babae na nasa edad bente pataas ay maaaring makaimpluwensya sa isang babaeng tinedyer. At kung hindi tayo maglalaan ng oras na hikayatin at turuan ang mga kabataang babaeng ito, ano ngayon ang kanilang gagawin kundi ang hanapin ang pananaw ng mundo at pamantayan nito?
Tito 2:4-5 SND âUpang maturuan nila [mga nakatatandang babae] ang mga nakababatang babae na mahalin ang kanilang asawa at mga anak,  marunong magpasya kung ano ang nararapat, malinis ang isipan, masipag sa tahanan, mabait, at nagpapasakop sa asawa, upang hindi mapintasan ang salita ng Dios...â
Marami sa inyo ang naghihikayat at nagtuturo sa mga nakababatang babae at hindi ninyo ito alam. Tinturuan mo sila sa pamamagitan ng iyong halimbawa. Ang mga nakababatang babae sa inyong simbahan, sa iyong paligid, sa lugar ng iyon trabaho, at kapamilya (mga anak mong babae, pamangkin at nakababatang kapatid na babae) â lahat sila ay nagmamasid. Ano ang nakikita nila? Ikaw ba ay halimbawa ng isang maka-Diyos na babae o babaeng umaakong siya ay Kristiyano ngunit hindi katulad ng panimulang bersikulo ng kabanatang ito?
2Corinto 3:2 âKayo mismo ang aming sulat na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao.â
2Corinto 3:2 MBBTAG â Kayo mismo ang aming sulat ng rekomendasyon. Nakasulat kayo sa aming puso upang makilala at mabasa ng lahat.â
Ang iyong buhay ay isang kalatas o sulat, na binabasa ng mga babaeng nakakakilala sa inyo at ng mga babaeng hindi ninyo kakilala. Ang buhay mo ba ay nakapagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos?
Kung hindi, ano ang gagawin mo tungkol rito?
 Ano ang dapat na Ituro
Napakaraming mga bagay ang maaari nating ituro sa mga kabataang babae, ngunit binigyan ba tayo ng Diyos ng patnubay o direksyon kung ano ang dapat nating ituro? Hindi iniwanan ng Diyos sa atin ang mga paborito nating paksa o hilig at kagustuhan. Binigyan tayo ng Bibliya ng maliwanag na palatuntunan. Ngunit bago Niya ibigay sa atin ang Kanyang listahan, ibinigay Niya na ang kabuuuan nito sa simula pa lamang, âMagturo ng kabutihan.â At kaniyang ipinaliwanag ng maigi ang ang unang kailangan gamit ang listahan sa Tito 2:3:
dapat silang magturo ng kabutihan, upang kanilang maturuan ang mga kabataang babaeâŚ
na ibigin ang kani-kanilang mga asawa
ibigin ang kanilang mga anak,
maging matino
dalisay
masipag sa gawaing bahay
mabait
na nagpapasakop sa kani-kanilang asawa
[upang] huwag lapastanganin ang salita ng Diyos.
Alamin â Isabuhay - Sabihin
Kung nais mo man o hindi na ang iyong buhay ay mangusap sa ibang tao ay hindi kasama sa iyong pagpipilian. Ang ating mga buhay ay mga sulat na ânakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao.â Hindi ko alam sa iyo, ngunit nais kong ang aking buhay ay ipakita si Hesus. Ang mga tao ay hindi humahanga sa iyong Kristiyanong etiketa o isda sa bamper ng iyong sasakyan. Hindi sila humahanga sa krus na suot mo sa iyong leeg o ang Bibliyang dala dala mo. Sila ay nakamasid sa iyong buhay, iyong pag-uugali at iyong pagmamahal (o kakulangan ng pagmamahal) para sa ibang tao. Dalangin ko na ang mga bersikulong ito ay makapagdulot ng matibay na pananalig sa iyong puso at kukunin mo ang susunod na hakbang patungo sa buhay na bumubulong ng âHesus.â
Upang mabago ang iyong buhay kinakailangan mong gawin ang tatlong bagay na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod:
- Alamin ang Salita ng Diyos.
- Isabuhay ang Salita ng Diyos.
- Sabihin ang Salita ng Diyos.
Alamin Ito
âPagsikapan mong maging karapat-dapat sa Dios, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.â 2 Timoteo 2:15. Hanggat hindi mo nalalaman ang isang bagay ay hindi mo ito isasabuhay. Kung ito ang unang beses mo sa aklat na ito, makikita mong ang kaalaman sa katotohanan ay nagpalaya sa iyo sa maraming bahagi na ikaw ay nakagapos. Hindi ito kapangyarihan ng aklat na ito; ito ay kapangyarihan ng Kanyang Salita.
Minamahal kong kaibigan, kinuha mo na ang unang hakbang patungo sa buhay na maghihikayat ng mga nakababatang kababaihan. Sa pagkuha ng kursong ito, ikaw ay nagsimulang aralin ang Salita ng Diyos habang ito ay may kaugnayan sa mga babae at mga paksang hinaharap ng mga kababaihan. Karamihan sa atin, kung hindi man lahat tayo, ay naitayo ang ating mga bahay sa gumuguhong buhangin. Ang ating opinion at pamumuhay ay hindi bunga ng kaalaman natin tungkol sa iniiisip ng Diyos; sa halip, tayo ay alang malay na kumukuha ng mga gurong nagpapakiliti sa ating mga tenga.
Ngunit ngayon lahat tayo ay nasa parehas na lugar; tayong lahat ay nasa maluwalhating punto ng ating buhay kung saan bukas tayo at naghahanap ng katotohanan. Alam ko dahil hinanap mo ang librong ito kahit pa mayroon itong malakas na pananalig at mahirap lunukin, lalo na sa mundo ngayon. Alam natin na habang ating binabago ang ating kaisipan s ailan sa mga prinsipyo ng Diyos na dati ay wala tayong kaalaman, nakita natin ang matinding pagbabago sa ating mga buhay. Ito ang mgdudulot sa iyo at sa akin na gustuhin pa ang higit rito.
Sa oras na malaman moa ng katotohanan, kailangan mong baguhin ang lumang kaisipan at lumang opinion ng katotohanan. Habang binabasa mo ang librong ito, at ikaw ay gumagawa ng mga 3x5 cards kagaya ng iminungkahi ko, ikaw na ngayon ay tutungo sa bagong buhay na magpapabago ng buhay ng ibang tao.
âHuwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios â kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.â Roma 12:2. Ang pamamaraan ng Diyos ng pagpapabago sa atin ay simple at perpekto. Sinasabi Niya sa atin sa bersikulong ito na sa pamamagitan ng pagbabago ng ating pag-iisip tayo ay magbabago din. Idagdag pa rito, mapapatunayan natin, sa ating pamumuhay, kung ano ang tunay na kalooban ng Diyos para sa isang babae â mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin! Aleluya!
Ilang beses nating SINUBOK na baguhin ang atig sarilo? At sa bawat pagkakataong sumusubok tayo ay nabibgi at natatalo. Dinaragdagan natin ng maraming pagkatalo ang atng buhay habang sinsusubok nating baguhi ang ibang tao, na mayroong mataas ng antas ng kabiguan. Ang pamamaraan ng Diyos ay iba. Ang Kaniyang pamamaraan ay malayo sa ating pamamaraan at mga dahilan.
Isaias 55:9 âSapagkat kung paanong ang langit ay higit na mataas kaysa lupa, gayon ang aking mga pamamaraan ay higit na mataas kaysa inyong mga pamamaraan, at ang aking mga pag-iisip kaysa inyong mga pag-iisip.â
Mga Kawikaan 3:5 âMagtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.â
Ang tanging paraan upang mabago an gating sarili ay ang baguhin, o ibahin, ang ating pag-iisip. Ang tanging paraan upang baguhin ang buhay ng iba ay ang mamuhay kasama sila sa pagmamaha na matiyaga, mabait, atbp. Tulad ng aking nabanggit noon, gamit ang 3x5 na pamamaraan ng kard ay sadyang gumagana. Alam ko dahl sa aking isipan ay mayroong daang Kasulatan na pumalit sa aking mga iniiisip at sa dating pamamaraan ng aking pag-iisip. At, ng walang sipag mula sa akin, ang aking buhay ay nagsimulang magbago dahil sa mga Kasulatang binabasa ko ng paulit-ulit. Maraming babae na ngayon ay may naipanumbalik ng pagsasama ang nagsabi sa akin na ang paraang ito ang nagpabago ng kanilang buhay. Idagdag pa rito, marami ang sumusulat upang sabihin sa aking kanilang nasira na ang kanilang mga libro, sa pagbabasa ng mahigit na 50 na bases! Paglalagay ng sobra ng Salita ng Diyos sa iyong isipan ang magdudulot ng napabagong buhay!
Isabuhay Ito
Sa oras na nabago na ang iyong kaisipan sa isang partikular na prinsipyo, ang iyong buhay ay natural na magpapamalas ng pagbabago. Idagdag pa rito, kinakailangan din nating naisin na magkaroon ng pagbabagong kinakailangan at hindi makompromiso ang kalooban ng Diyos na nagtungo at nanatili na sa ating mga kaispan. Ang pagbabago ay magpapakita sa mga paraan ng ating pagkilos at pagganti sa mga bagay, mga prayoridad sa ating mga buhay maging ating mga hangarin at layunin. Lahat ng mga bagay na ito ay magsisimulang magpamalas ng ating nabagong paraan ng pag-iisip. Gayunpaman, kapag tayo ay nanatiling nakakapit sa ating mga lumang gaawai o pakikipagkaibigan na hindi sumasang-ayon sa ating bagong kaisipan, tayo ay mahuhulog sa malalim na bitag ng pag dadalawang-isip.
Santiago 1:6-8 âNgunit humingi siyang may pananampalataya na walang pag-aalinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay katulad ng alon sa dagat na hinihipan at ipinapadpad ng hangin.Sapagkat ang taong iyon ay hindi dapat mag-akala na siya'y tatanggap ng anumang bagay mula sa Panginoon. Â Siya ay isang taong nagdadalawang isip, di-matatag sa lahat ng kanyang mga lakad.â
Kapag nagpatuloy tayo sa pakikisalamuha sa mga taong hindi natin kaparehas mag-isip o kumapit tayo sa taing mga dating Gawain, ang pagdududa ay papasok sa ating isipan. Magsisimula tayong magduda kung totoo ang prinsipyo. Sa halip, hindi dapat tayo mag alinlangan na dalhin ang ating bagong kaisipan sa susunod na hakban sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagbabago sa ating buhay na idinulot sa ating gawin ng Espiritu Santo.
Sa kasamaang-palad, marami ang nakagagawa ng pagkakamali ng pagaalinlangan sa pagsunod sap ag-aakay ng Espiritu Santo sa hindi paggawa ng pagbabago sa kanilang mga buhay. Sa kalagitnaan ng pag-aalinlangang ito, matatagpuan natin ang ating sarili sa estado ng pagdadalawang-isip. Ang kasamaang palad na estadong ito, sa paniniwala ko, ay pinamumuhayan ng maraming Kristiyano ngayon. Ito ang dahilan kung bakit hindi nila natatanggap ang masaganang biyayang mula sa Diyos at hindi namumuhay ng masaganang buhay na Kaniyang ipinangako. Sinabi mg Diyos sa atin na ang mga nagdadalawang-isip ay WALANG dapat asahan sa Diyos. Ito ay magsisimula sa pagkatuklas sa katotohanan, at pagkabigong isabuhay ang katotohanang ito.
Madalas naming itong nakikita sa aming ministeryo. Kapag nadiskubre ng isang tao ang totoo tungkol sa pagtitiwala sa Diyos sa isang partikular na bahagi ng kanyang buhay, sapamamagitan ng pagbabago ng kanyang kaisipan, siya ay magakakaroon ng malakas na paniniwala. Ngunit dahil sa takot, ang rebelyon o kawalang pagpapahalaga, siya ay nabibigong isaayos ang kanyang buhay sa lakas ng kanyang paniniwala. Di naglaon, mayroon ng disenyo ng kabiguan at pagkalitong susunod: ang prinsipyo ng âpagdadalawang-isipâ ngayon ay naisasabuhay.
Sa puntong ito, maraming babae ang nagtatanong sa akin kung ano ang dapat nilang gawin sa bagong tuklas nilang malakas na paniniwala kapag ang kanilang mga asawa ay hindi pa nakikibahagi sa malakas na paniniwalang ito. Ditto papasok ang prinsipyong âNapanalunan ng Hindi Nagsasalitaâ. Kapag ikaw ay maingat na HINDI nagmamanipula at hininto ang pagsubok na makuha ang iyong sariling kagustuhan sa iyong pamamaraan, kung naipakita mo sa iyong asawa ang marahan at tahimik na diwang nagnanais at may kagustuhang sumunod sa kanyang pamumuno, ngayon kapag may sitwasyong dumating ay hindi mo lamang maibabahagi ang iyong bagong tuklas na pananalig sa iyong asawa, ngunit dahil sa mahinahon mong diwa, magnanais din siyang tularan ang iyong bagong tuklas na pananalig.
Kung ikaw ay nagbago ng radikal at kamangha-mangha sa iyong kaugalian at pakikitungo sa iyong asawa, an iyong asawa, tulad ng nabanggit ko sa simula ng aklat na ito, ay magnanais na magkaroon ng kpya para sa mga kalalakihan. Ito ang magdudulot sa iyo ng perpektong posisyon para ang iyong pamilya ay magin âkalatas na binabasa ng lahat.â Ang iyong positibong impluwensya ay magkakaroon ng radikal na dulot sa mundong kinabibilangan mo kapag hindi lamang ikaw ang nagbago, ngunit ang pagbabagong ito ay nabubo sa buhay ng iyong asawa at mga anak. Ito ay palaging nangyayari sa aking buhay at sa aming ministeryo â naway mangyari ito sa iyong buhay!
Sabihin Ito
Sa oras na nagbago na ang iyong isipan at ang buhay mo ay nagpapakita ng pagbabagong ito, magsisimula ang Diyos ng iyong pagministeryo sa ibang kababaihan. Ang pinakadakilang pangangailangan sa ngayon ay ang ministeryuhan ng mga babae ang kapwa nila babae. napakaraming kabataang babae ang nagpupunta sa seminaryo upang maging babaeng tagapangaral. Sa aking personal na opinion, hindi ako interesado sa ano mang sasabihin nila. Ako ay interesado sa isang babae na namuhay ng buhay na tinawag sa aking ipamuhay ko (bilang asawa, ina at maybahay) at nagawa ito ng matagumpay. Ayoko ng isang taong magtuturo ng dapat kong gawin; nais kong magkaroon sila ng matibay na tulay sa ibabae ng malalalim na ilog at lambak na kanilang napagadaanan mismo.
Noong aking hinarap ang pag-aalaga para sa aking amang maysakit na malapit ng yumao, ako ay tumingin sa isang nakatatandang babae na nag-alaga sa kanyang maysakit na ina. Alam kong alam niya ang aking nararamdaman at ang hirap na aking kinahaharap. Dahil alam kong nagawa niya ito at hindi lamang basta nairaos ngunit mas mahalaga para sa akin ang tibay ng loob at halimbawang magawa ang mahirap na gawaing ito. Hindi ko masasabi sa inyo kung ilang beses na ang kanyang halimbawa ay nakatulong sa aking magpatuloy, hindi lamang upang mairaos ang pag-aalaga sa aking ama, ngunit muli noong ako ay nag-aalaga sa aking ina na malapit ng yumao. Napakakaunti ng mga taong mamumuhay ng radikal, buhay na bumubulong ng âHesus.â Ngunit ang mga taong ito ang mga taong magpapabago ng takbo ng mundo ng hindi nila nalalaman.
Sisimulan ng Diyos ang iyong ministeryo, kadalasan, sa iyong tahanan at pamilya, mga kaibigan, simbahan at komunidad. Kinalaunan, kung ikaw ay magpapatuloy sa paglago, palalakihin ng Diyos ang iyong teritoryo. Sino ba ang mangangarap na kaya ng Panginoon na dalhin ang nagdadalamhating taong katulad ko at pahintulutan akong magministeryo sa buong mundo? Hindi kailanman ako!
2 Cronica 16:9 âSapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nagpaparoo't parito sa palibot ng buong lupa, upang ipakita ang kanyang kapangyarihan alang-alang sa kanila na ang mga puso ay tapat sa kanya.â
Hinahanap ka ng Diyos. Nais Niyang gamitin ka. Ang isang taong tulad mo ay maaaring magpabago ng libo-libong buhay kung hahanapin mo lamang ang katotohanan, umalis ka sa lugar kung saan ka komportable, hayaan ang pananalig mong baguhin ka at magsimulang isabuhay ang iyong bagong tuklas na mga prinsipyo. Ang Diyos na ang bahala sa iba.
Hindi ko alam sa iyo, ngunitnais kong itanong ng Diyos sa demonyo na isaalang-alang ako tulad ng kay Job. Nais kong dalhin ng Diyos ang isang takot na babaeng ito na nagtatago sa likod ng kompyuter at gawin siyang âmagiting na mandrigmaâ tulad ni Gideon. Nais kong magkaroon ng pananampalataya tulad ni Abraham at maging kaibigan ng Diyos. Nais kong magkaroon ng puso tulad ng Diyos tulad ni David at maglakad kasama ang Diyos tulad ni Enoc na nagkaroon ng kasiyahan habang ginagawa ito. Nais kong magkaroon ng karnungan tulad ni Solomon upang makapagministeryp sa mga kababaihan sa mundo.Nais kong mamuno tulad ni Moises at mailigtas ang mga tao ng Diyos mula sa pagkakatali nila sa kamunduhan at dalhin sila sa ilang patungo sa Lupang Ipinangako. Nais kong ang aking buhay ay maging kaaya-aya sa Diyos na nang dahil sa akin ang aking mga anak ay mabibiyayaan tulad ng mga anak at lahi ni David.
Maari mong sabihing âimposible,â ngunit alam kong ito ay possible. Sinabi ng Diyos at naniniwala ako. Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, âSa mga tao, ito'y hindi maaaring mangyari ngunit hindi sa Diyos; sapagkat sa Diyos ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari.â Marcos 10:27.
Mga Bunga!
Mateo 7:20 âMakikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Nakakapitas ba ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan?â Mateo 7:20 âKaya't makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga.â
Papaano ka mahahanap ng mga nakababatang kababaihan? Mahahanap ka nila sa pamamagitan ng iyong mga bunga! Kapag ang mga babae ay nagtutungo sa akin para sa personal na tulong sa pagsasanay ng kanilang mga anak, sinasabi ko sa kanilang maghanap ng mga babae sa kanilang simbahan na mayroong mababait na anak. Nandoon sila, ngunit minsan, mahirap silang hanapin. Ito kadalasan ang mga batang nakaupo sa simbahan kasama ang kanilang mga magulang sa halip na pumunta sa simbahan ng mga bata, ngunit hindi mo sila mapapansin dahil hindi sila nanggagambala. Hindi mo sila mapapansin dahil hindi sila tumatakbo takbo kasama ang ibang bata paakyat at pababa sa mga pasilyo. Ngunit kapag nahanap mo sila, malalaman mo ito.
Kahit pa aking nasira ng husto ang pagsasama naming mag-asawa dahil sa wala akong alam sa mga prinsipyo ng buhay may-asawa, ako ay naging mabuti sa aking pagiging magulang at ngayon ay MARAMI akong inaning bunga. Kami ay kadalasang napupuri para sa aming mga anak at sa kanilang mga asal. Ito ang aking bunga sa baaging ito ng aking mga anak.
Ang mga kabataang babae ay kinakailangang makakita ng masayang babae upang NAISIN nilang magkaroon ng tintaglay nito. Ito ay isang makapangyarihang kasangkapan s apag-eebanghelyo. Ang aking nakatatandang kapatid na babae na kamakailan lamang naging makapangyarihang, umaalab na Kristiyano ang nagsabi sa akin na ako ang pinakamalakas na impluwensya na nagdala sa kanya sa Panginoon. Sinabi niyang may katapatan, âNais ko kung anong mayroon ka!â Sinabi niyang nakita niya ang aking mga anak, aking buhay at mga biyayang nasa buhay ko at nasabing, âBakit hindi ako!â at pagkatapos ay kinausap ko siya at napagtanto niya kung Sino ang nasa sentro ng buhay ko at Sino ang nagbibigay ng mga biyayang ito. Ito ay isang pag-eebanghelyo!
Napakaraming kababaihan ang nangungusap at nangangaral sa kanilang mga kapamilya hanggat sa sila ay mamutla na, at nagtataka kung bakit ayaw nilang tanggapin ang Panginoon o kahit na alin sa aming mga payo. Ngunit kung hindi tayo masaya, miserable ang buhay may-asawa, may maruming tahanan at umaastang nahuhumaling at ninenerbyos sa lahat ng pagkakataon, sino ang magnanais ng ating iniaalok? Gayunpaman, kung ikaw ay namumuhay, ng hindi LIGTAS sa mga pagsubok, ngunit sa halip ay may mga biyayang sumusunod sa isang babaeng nagpupuris sa Panginoon sa kalagitnaan ng mga pagsbok na ito, ito ang buhay na kaiingitan.
Hindi ito mangyayari sa isang gabi lamang. Ito ay proseso. Para sa akin, ako ay nagsimula bilang isang HIBANG, isang tanga, isang hibang â ngunit nagdulot ng âpagkahibang para sa Panginoon!â Ang Diyos sa kanyang walang hanggang karunungan ay âKundi pinili ng Diyos ang mga bagay na kahangalan sa sanlibutan upang kanyang hiyain ang matatalino. Pinili ng Diyos ang mga bagay na mahihina sa sanlibutan upang kanyang hiyain ang malalakas.â 1 Corinto 1:27.
Itinigil ko na ang pakikipagdebate o pagsisikap na ipaunawa sa kanila kung bakit ko ginawa ang bagay na aking ginawa. Kinompronta nila kami sa dami ng anak na patuloy naming ginagawa, sa paraan ng pagdidisiplina nila sa amin, an gaming desisyon na turuan ang aming mga anak sa tahanan sa halip na ipadala sila sa paaralan, sa aking paninindigan sa âpiling ng aking asawangâ nangangalunya, at ang hindi naming pagpayag na makipagrelasyon ang mga tinedyer naming anak na nasa edad bente na ngayon. Ngunit hindi nagtagal ay nakita kong hindi ko sila makukumbinsi sa aking mga sinasabi; kailangan kong isabuhay ng matagal ito upang magdulot ng bunga.
Jeremias 17:7-8 âMapalad ang tao na nagtitiwala sa Panginoon, at ang pag-asa ay ang Panginoon. Sapagkat siya'y magiging tulad sa punungkahoy na itinanim sa tabi ng tubig,at gumagapang ang mga ugat sa tabi ng batis,at hindi natatakot kapag dumarating ang init, sapagkat ang mga dahon nito ay nananatiling sariwa;at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyo,sapagkat hindi ito tumitigil sa pamumunga.â
Pagtupad sa Tawag sa Iyo
Noong naipanganak ang ikaapat kong anak ako ay nasa edad tatlumpo. Ang batang ito, isang babae, ang magpapabago ng aking buhay magpakailanman. Alam kong baling araw ay titinan niya ako at tutularan habang siya ay nagdadalaga. Alam kong kinakailangan ko ng tulong. Noong nadiskubre ko ang sipi sa Tito 2 tungkol sa ânakatatandang babae na nagtuturo sa mga nakababatang babaeâ nagtungo ako sa aking pastor at nagtanong sa kanya kung saan ako makatatagpo ng ânakatatandang babaengâ magtuturo sa akin. Ang sagot niya sa akin ay simple, âHindi ko alam.â Kung may babaeng magtutungo sa inyong pastor ngayon, at magtanong ng parehas na katanungan, ano ang kanyang isasagot?
Ang nakalulungkot, karamihan sa mga nakababatang kababaihan ang hindi alam na sinasabi sa Bibliya na kung saan sila makakakuha ng tulong, at kahit pa makakuha sila, mahahanap kaba nila? Nasa puso ko simula noong araw na bumagsak ang aking tahanan na maging nakatatandang babae na tutulong sa mga nakababatang kababaihan na puksain ang pagguho ng kanilang mga tahanan. Nakagawa ako ng napakaraming pagkakamali na maaaring maiwasan kung mayroon lamang isang maka-diyos na babaeng handing magpakita sa akin kung ano ang sinasabi sa Bibliya at magmahal sa akin ng sapat upang sabihin sa akin na ako ay nakagagawa ng isang matinding pagkakamali, tulad ng aking pagiging palatutol, na nagdulot na masira ang aking buhay may-asawa. At upang palalain ang mga bagay-bagay, karamihan sa mga nakababatang babaeng ito ay ayaw makinig sa kahit na kanino tungkol sa kahit na ano. Naghahanap sila ng mga âdalubhasaâ sa pagsasanay ng mga bata sa halip na isang babaeng mayroong mga anak na may mbaubuting asal. Nakikinig sila sa mga palabas upang makakuha ng âpayoâ mula sa mga hangal, mayayabang na babae na nasa mundo at sumusunod sa nakamamatay na payo tungkol sa kanilang mga asawa.
Ang aklat na ito, pakiramdam ko, ay isa lamang sa mga paraang ibingay ng Diyos sa akin upang ibigay ang mga ânais ng aking puso.â Ang aking Ministeryo, at malaking bahagi nito, ay inilalaan sa pagtulong sa mmga desperadang kababaihan na nakatuklas sa pangangaliwa ng kanilang mga asawa kasama ang kanilang pinakamatalik na kaibigan, tumira kasama ito o naghain ng diborsyo. Ang aking puso sa loob ng maraming TAON ay nakalaan upang kahit papaano ay mapigilanang sakit at dalamhating kinailangan kong harapin. Sa halip na naghihintay na dumating ang problema, kailangan nating gampanan ang tawag sa ating buhay bilang ânakatatandang babaeâ at imbitahan ang mga kababaihang ating kakilala na aralin ang Isang Babaeng May Karunungan.
Maraming grupo ang ipinanganak kapag mayroong dalawang magkaibigan ang mayroong parehas na pag-iisip ang magdadaan sa aklat na ito. At magugulat ka, makakakilala sila ng isang taong mangangailangan ng impormasyon at iimbitahan nila ito sa susunod. Ang kanilang grupo ay lalago mula sa sabi-sabi at ang bunga ay kamangha-mangha: ang mga babae ay naililigtas, ang mga pagsasama ay naipapanumbalik, at ang mga babae ay umaalis sa kanilang mga trabaho at nag-aalaga ng maliliit nilang mga anak. Di naglaon, matatagpuan nilang sila na ang nakatatandang babaeng nag MIMMINISTERYO sa tunay na pangangailangan ng mga kababaihan sa simbahan nila, sa kanilang kapaligiran at sa kanilang mga kaibigan.
Ang pamamaraan ng Diyos ay hindi kadalasang nangyayari sa grupo ng mga director o sa pamamgitan ng boto. Ang Kaniyang paraan ay nagsisimula sa isang kababaihan, tulad mo o maaaring ng iyong kaibigan, nanagnanais magkaroon ng mas higit na Diyos sa kanilang buhay. Nais nilang ang kanilang buhay ay maging iba at natisod sila sa Isang Babaeng may Karunungan, na matatagpuan nilang kakaiba sa lahat ng kanilang nabasa o narinig. Ang mensahe nito ay mahirap lunukin, ngunit di magtatagal ay may âkapayapaangâ mangingibabaw. Sila ay magbabago pang habambuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos at sa mga prinsipyo at pangako ng Kaniyang Salita.
Ang Diyos ba ay naglagay ng bigat sa iyong puso para sa mga babae sa iyong buhay, simbahan at komunidad? Kung gayon ay hihikayatin ko kayong simula ang pagdarasal para sa pagbubukas ng inyong tahanan para sa mga babaeng ipapadala ng Panginoon sa iyo. Kung mayroon kayong VCR at takure pang kape, handa na kayong magisimula na baguhin ang mundo sa inyong paligid. Ito ang maaaring unang hakbang sa iyong ministeryo na abutin ang mga kababaihan gamit ang ebanghelyo at hilumin ang mga nagdadalamhati sa simbahan. Gagampanan mo ba ang tawag ng Panginoon sa iyong buhay?
Hindi Ako Mapapahiya
Nangangako ang Diyos na kapag tayo ay tumingin sa Kaniya, at nagtiwala sa Kaniya, kung ating susundin ang Kanyang mga utos kung papaano mamuhay at itakda ang ating mga mukha bilang batong kiskisan, hindi pagpayag na ang makompromiso ng mga kritisimo at kontroberysa ang alam nating tama, tayo rin ay, hindi mapapahiya.
Mga Awit 34:5 âSila'y tumingin sa kanya, at naging makinang, at ang kanilang mga mukha ay hindi mapapahiya kailanman.
Mga Awit 119:6 âKung gayo'y hindi ako mapapahiya, yamang itinuon ko sa lahat ng iyong mga utos ang aking mga mata.â
Mga Awit 127:5 âMapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan,hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan, kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.â
Isaias 50:7 âSapagkat tinulungan ako ng Panginoong DIYOS, kaya't hindi ako napahiya;
kaya't inilagay ko ang aking mukha na parang batong kiskisan, at alam ko na hindi ako mapapahiya.
Hindi madali ang daan bilang isang makapangyarihang Kristiyanong babae sa ngayon at sa pagsunod sa mga pamamaraan ng Panginoon at Kanyang Salita, ngunit ito ay may gantimpala. Hindi ito ang pamumuhay ng isang ârelihiyosongâ buhay. Ang pagiging relihiyoso ay nagdudulot ng pagtaboy sa mga tao mula sa Diyos sa halip na manapanalunan sila. Ito ay pamumuhay ng isang mapamungang buhay nanagsisimula sa pagbabago ng kaisipan na susundan ng pagkamatay sa sarili. Ito ay buhay na nagpapakita sa pamamagitan ng iyong pagkinang ng pag-ibig ng Panginoon at pagpapamalas ng mga bunga ng isang buhay na inialay sa pagmamahal sa Kaniya. Ito ay ang pagsasabuhay ng ebanghelyo, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. âSapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo; sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa Judio at gayundin sa Griyego.â Roma 1:16. Sasamahan mo ba ako?Â
âHuwag mong ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon,
ni sa akin na bilanggo niya;
kundi makipagtiis ka alang-alang sa ebanghelyo
ayon sa kapangyarihan ng DiyosâŚâ
2 Timoteo 1:8 Â
Nawaây ang Iyong Buhay ay Maghikayat at Magturo sa Mga Kabataang Babae!
Personal na pangako: Ang gawing kalatas ang aking buhay upang makapag-bigay ng kaluwalhatian sa Diyos. âMula sa aking natutunan mula sa Salita ng Diyos, ako ay nangangakong mag-aaral, mamumuhay at sasabihin ang katotohanan sa mga nakababatang kababaihan sa aking buhay. Ako ay magsisimula sa tahanan at lalabas mula doon patungo sa kung saan ako aakayin ng Panginoon.
Aking isasara ang kabanatang ito sa pagsasabi ng Juan 21:25.
âMarami pa ring ibang mga bagay na ginawa⌠kung susulating isa-isa, sa palagay ko, kahit sa sanlibutan mismo ay hindi magkakasiya ang mga aklat na isusulat.â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.