Kabanata 15 "Mga Turo ng Iyong Ina"
Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama,
at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina;
sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo,
parang kuwintas na may dalang karangalan.”
Mga Kawikaan 1:8-9.
Sa panahon ngayon mayroong maraming usapan tungkol sa kung papaano natin itatama ang ating mga anak sa pamamagitan ng pagpaparusa ng pangangatawan at sobrang kaunti ang tungkol sa pagtuturo, pagssanay, o pagmamahal. Marami ang nagtataka kung anong pamamaraan ng pagdidisiplina sa mga bata ang gagamitin nila. Tiyak na, kung ano ang gumagana at nag-iisang nagdudulot ng masaganang bunga! Sinabi ng Diyos na ang kahit na anong hindi naitayo sa Kaniyang Salita ay nasa gumuguhong buhanginan. Ngunit papaano natin malalaman kung ang pamamaraang ating sinusunod ay nagmula sa Banal na Kasulatan? Malalaman moa ng katotohanan sa pag-alam sa Salita ng Diyos. Ating hanapin sa mga Kasulatan at hanapin ang Katotohanan.
Mahalin ang Iyong Mga Anak
Bilang magulang, kailangan nating disiplinahin muna ang ating mga sarili at simulant ang pagbuo ng matatag na pundasyon ng pagmamahala para sa ating mga anak. Kung tayo ay mabbibigong maglaan ng pagmamahal sa ating mga anak, mararanasan natin ang pagtutol at rebelyon sa ating mga ituturo, pagsasanay at ating pagwawasto. Kung kaya’t, ang pagmamahal ang pundasyon at pagmamahal ang mag-uudyok sa ating mga anak upang tayo ay sundin.
Tayo'y umiibig sapagkat siya ang unang umibig sa atin. Ang pundasyon ng pag-ibig ay matatagpuan sa 1 Juan 4:19: “Tayo'y umiibig sapagkat siya ang unang umibig sa atin.” Tayo ay unang minahal ng Diyos; kaya bilang kapalit, minahal natin Siya. Katulad din, ang ating mga anak ay walang kakayanan magbigay ng pagmamahal ng hindi sila nakararamdam ng pagmamahal. Kapag ako ang unang nagbigay ng pag-ibig sa aking anak, ang aking anak ay matututo ring umibig.
Bilang halimbawa. Binigyan tayo ng Panginoon ng halimbawa na ating dapat sundan. “Sapagkat ukol dito kayo'y tinawag…upang sumunod kayo sa kanyang mga yapak.” 1 Pedro 2:21. Ang pagmamahal na mayroon ang Panginoon para sa Kaniyang Ama ang nagdulot ng Kanyang pagsunod sa Kalooban ng Kanyang Ama. “At kanyang sinabi, ‘Abba! Ama! para sa iyo ang lahat ng bagay ay maaaring mangyari; Ilayo mo sa Akin ang kopang ito; gayunma'y hindi ang nais ko, kundi ang sa iyo.’ ” Marcos 14:36. Ang pag-ibig ang naguudyok sa pagsunod. Habang tayo ay lumalago sa pagmamahal sa Panginoon, tayo ay nauudyok na sumunod sa matuwid na pamumuhay
Ako ay palaging nagtataka kung bakit ang anak ng mga Maka-Diyos na magulang (mga magulang na walang pagdududa ay sumusunod sa Salita ng Diyos ng may disiplina) ay naliligaw. Ito ba ay may kinalaman sa kakulangan sa pagpapahayag ng pagmamahal? Mangyari pa, karamihan sa mga magulang ay nagmamahal sa anak, ngunit naipapahayag ba ito? Paano ba nila tignan ang kanilang mga anak? Naipapahayag ba nila sa mapagmahal na pananalita? Gaano karami ang oras na inilalaan nila sa kanilang mga anak? Ang punto ay: nararamdaman ba ng kanilang mga anak na sila ay minamahal?
Biyaya o sumpa? Sa Ika-12 Araling, “Bunga ng Sinapupunan,” ating natutunan mula sa Salita ng Diyos na ang mga bata ay biyaya, kahit pa sinasabi sa atin ng lipunan na iba. Ngunit ano ba ang iyong talagang pinaniniwalaan sa iyong puso? Hindi ka makapgbibigay ng taos pusong pagmamahal sa iyong mga anak kapag ang tingin mo sa mga bata ay isang sumpa.
Ano ang sinasabi mo sa harap nila? Ano ang sinasabi mo kapag nakatalikod sila? Ano ang ipinapahiwatig ng iyong pag-uugali sa iyong mga anak? Nagsasabi kaba ng isang bagay sa iyong mga anak, at iba naman sa ibang tao, at, sa parehas na pagkakataon, ikinatatakot ang pagkakaroon ng mas maraming anak? . “Sapagkat ang taong iyon ay hindi dapat mag-akala na siya'y tatanggap ng anumang bagay mula sa Panginoon. Siya ay isang taong nagdadalawang isip, di-matatag sa lahat ng kanyang mga lakad.” Santiago 1:7-8.
Ano nga ba ang pag-ibig? Tayo ay pinaliwanagan ng pag-ibig mula sa ating mga libro, pelikula at ating midya. Lahat ay nagsasabi sa atin ng kanya-kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig. Ngunit hindi ba dapat tayo magtungo sa may-akda ng pag-ibig para sa tunay nitong kahulugan? “At kung mayroon akong kaloob ng propesiya, at nauunawaan ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman, at kung mayroon akong buong pananampalataya, upang mapalipat ko ang mga bundok, ngunit wala akong pag-ibig, ako ay walang kabuluhan. At kung ipamigay ko ang lahat ng aking ari-arian, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin,[a] subalit walang pag-ibig, wala akong mapapakinabang. Ang pag-ibig ay matiisin at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi maiinggitin, o mapagmalaki o hambog; hindi magaspang ang kilos. Hindi nito ipinipilit ang sariling kagustuhan, hindi mayayamutin, hindi nagtatala ng mga pagkakamali. Hindi ito natutuwa sa masamang gawa, kundi natutuwa sa katotohanan; Pinapasan nito ang lahat ng bagay, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, inaasahan ang lahat ng bagay, tinitiis ang lahat ng bagay. Ang pag-ibig ay walang katapusan.” 1 Corinto 13:2-8. Malinaw na ang pag-ibig ay higit sa damdamin lamang, tulad ng sinabi sa atin. Ang pag-ibig ay isang pagkilos o reaksyon na ating ginagawa patungkol sa iba. Ating tignan ang mas malalim na kahulugan ng makakapal na sulat na sa mga susunod na Kasulatan.
Matiisin. Ang pagiging matiisin ay isang reaksyon. Ang pagtitiis ay higit na kinakailangan kapag nakikitungo sa mga bata. Kinakailangan lamang nating tignan ang mga magulang na nakikita natin sa pampublikong lugar kasama ang kanilang mga anak upang makita na kaunti na lamang ang taong matiisin. Kung ang mga magulang na ito na napupuno na sa kanilang mga anak sa pampublikong lugar, paano pa sila kikilos kung sila-sila na lamang? Ang mga sumusunod na bersikulo ay ang perpektong preskripsyon para sa isang maybahay at ina na gamitin sa kanyang mga anak. “Mga kapatid, aming isinasamo sa inyo, na inyong pangaralan ang mga tamad, palakasin ang mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging matiisin kayo sa lahat.” 1 Tesalonica 5:14. “At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin.” 2 Timoteo 2:24.
Magandang-loob. Ang kagandahang loob ay malayo ang nararating kapag nakikitungo sa mga bata. “At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin….” 2 Timoteo 2:24. “…maging matino, dalisay, masipag sa gawaing bahay, mabait, na nagpapasakop sa kani-kanilang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Diyos.” Tito 2:5. Kailangan nating kausapin ng may kabaitan at amo an gating mga anak. Kapag sinasanay mo ang iyong anak, mahalagang kuhanin mo muna ang atensyon nila sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang pangalan. Pagkatapos ay maglaan ng oras na tignan sila ng may pagmamahal sa kanilang mga mata at kausapin sila ng maamo. Hindi ibig sabihin nito ay tayo ay nagmamakaawa para sila ay sumunod; ito lamang ay ang kaibahan sa pagsasalita ng malumanay at pag-uutos.
Hindi mainggitin. Tayo ay dapat na may masigasig na kamalayan na ang pagkakaroon ng paborito ay magdudulot ng inggit sa magkakapatid. Kung ang isang bata ay nagpapamalas ng hindi magandang ugali, kinagawian o tulad nito, ito ay magdudulot sa iyong kampihan ang kanyang ibang kapatid. Sa halip. Mahalin ang iyong nababagabag na anak ng sapat upang matulungan siya sa kanyang mga kahinaan. O nakalimutan mo naba na ang sigalot sa pamilya ni Jose ay dulot ng pagpapaborito? “At ang kanyang mga kapatid ay nainggit sa kanya, subalit pinag-isipan ng kanyang ama ang bagay na iyon….” Genesis 37:11.
hindi magaspang ang kilos. Ang magaspang na kilos ay nagging karaniwan na sa marami sa ating mga tahanan, at sa pampublikong lugar. Ang malalaking “eksena” o “paghihiyaw at pagngingitngit” ay nagpapatuloy ng madalas sa halip na ang pagkakaroon ng mahinhin at maamong espiritu na mahal na mahal ng Diyos. Mahalin ang iyong mga anak ng sapat upang makontrol ang iyong espiritu. At pagkatapos, kontrolin naman ang sa kanila hanggang sa maturuan mo na silang kontrolin ang kanilang sarili. “Siyang hindi nagpipigil ng kanyang sarili, ay parang lunsod na winasak at walang pader na nalabi.” Mga Kawikaan 25:28. “Sa halip, ay ang panloob na pagkatao na may kagandahang walang paglipas, ng isang mahinhin at maamong espiritu na napakahalaga sa paningin ng Diyos.” 1 Pedro 3:4.
Ipinipilit ang sariling kagustuhan. Tayong mga kababaihan ay tinatadtad araw-araw ng mga panghihikayat na “gawin ang ating kagustuhan” at magkaroon ng “sariling buhay.” Ilang taon lamang ang nakakaraan matatawag natin ang ugaling ito na “pagiging makasarili at madamot.” Ngunit makasisigurong ang pagiging makasarili ay aani lamang ng kalungkutan at panghihinayang. Sinabi sa Salita ng Diyos na, “Huwag ninyong gawin ang anuman sa pagpapaligsahan o pagmamataas, kundi sa kababaan, ituring na ang iba ay higit na mabuti kaysa inyong sarili….” Filipos 2:3.
**Personal na testimonya ng Tagasalin: “Noong kami ay nagsasama pa ng maayos ng aking asawa, bago magsimula ang aking paglalakbay sa pagpapanumbalik, ako ay sobrang malaya at isang halimbawa ng modernong babae, ngunit sa kabila nito ay nakaasa ako sa aking asawa dahil sa pag-aakalang siya ay mananatili palagi sa aking tabi ano man ang mangyari (isa akong hangal!). ako ay nahikayat ng mga malalapit at nagmamalasakit na tao, lalo na sa trabaho na gawin ang lahat ng aking nais dahil kumikita naman ako ng sarili kong pera, at inakala kong karapat-dapat lang ito para sa akin dahil pinagtrabahuhan koi to! Kahit pa ako ay pagsabihan ng aking asawa na magdahan dahan at mag-ipon, wala akong pakialam! Ginagawa ko ang aking gusto at pipiliin ko kung ano ang magpapasaya sa akin, ganon kasimple. Noong nagsimula ang aking paglalakbay sa pagpapanumbalik, ako ay pinayuhan ng mga kaibigan at kamag-anak na hanapin ang sarili kong kaligayahan at hindi marapat sa akin ang kung ano mang nangyayari sa buhay ko, sinabi pa ng aking ina nab aka mayroong ibang taong nakalaan para sa akin baling araw! Naniniwala ang mga tao na TAYO ay karapat-dapat sa mabubuting bagay sa buhay, at maaari tayong mamili ng magpapaligaya sa atin ngunit pagkatapos mawala ang lahat ng makamundong bagay sa akin at simulant ang paglalakbay kong ito, nabuksan ang aking mga mata sa katotohanang wala akong karapatan sa kahit na ano kundi dahil sa Kaniyang biyaya! Ang Karapatan sa sarili ay isang malalim na hukay na ginagawa mo para sa iyong sarili kapag nagsimula kang maniwala na karapat dapat ka sa mabubuting bagay dahil sa kung ano ka at ang kasiyahan at pagmamahal ay isang bagay na maaari nating malayang piliin. Kung hindi dahil sa Kaniyang biyaya at walang hanggang awa, ako ay patuloy na maniniwala sa kasinungalingang ito at magpapatuloy hanggang sa ako ay nabubuhay. Ngayon, alam ko na ang mas makabubuti, at sa pagmamahal ng aking Makalangit na Asawa at sa Kanyang paggabay, mapapalaki ko na ang aking anak sa katotohanang iminulat sa akin at alam kong, sa pamamagitan Kanyang biyaya at pag-ibig, ang aking anak ay lalaking may utang na loob sa Panginoon para sa lahat ng bagay na mayroon siya dahil wala tayo kung hindi dahil sa Kaniya.
Hindi mayayamutin. Gaano kaiksi ang iyong pisi? Ikaw ba ay mabilis na mapikon? Karamihan ba ng iyong sinasabi ay sa pamamagitan ng malakas na boses? “Ang mainiting tao ay nag-uudyok ng pagtatalo, ngunit siyang makupad sa galit ay nagpapahupa ng gulo.” Mga Kawikaan 15:18. “Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan; At siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan.” Mga Kawikaan 16:32. “Ang matinong pag-iisip ng tao sa galit ay nagpapabagal, at kanyang kaluwalhatian na di pansinin ang kamalian.” Mga Kawikaan 19:11.
Kailangan nating matutunan kung paano maging mahinahon kapag tayo ay nasasaktan at nabibigo. “Tulad ng singsing na ginto sa nguso ng baboy, gayon ang isang magandang babae na walang dunong.” Mga Kawikaan 11:22. Ang maharlika ay tinturuang kontrolin ang kanilang emosyon sa publiko. Mga kababaihan, tayo ay anak ng Hari; dapat tayo ay kumilos ng naaayon sa presensya ng ibang tao at turuan ang ating mga anak na ganito rin ang gawin.
Pinapasan nito ang lahat ng bagay. Inaasahan ng Diyos na pasanin natin ang mga bigat gamit ang Kaniyang tulong. Ang pasanin ng isang ina pag minsan ay halos hindi na makayanan. Ito ang oras na kailangan ng tumakbo patungo sa Kaniya. “Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan, samakatuwid baga'y ang Diyos na siyang aming kaligtasan. (Selah)” Mga Awit 68:19. “Sapagkat ito'y kapuri-puri, kung dahil sa pagkakilala sa Diyos ay nagtiis ang sinuman ng sakit habang nagdurusa nang hindi nararapat.” 1 Pedro 2:19.
Pinaniniwalaan ang lahat ng bagay. Upang sundin ang Kasulatan kapag nagsasanay, nagdidisiplina o tinatama ang ating mga anak, kinakailangan ng pananampalataya. Subalit, purihin ang Diyos! Mayroon tayong taglay na pangako galling sa Kanya na hindi tayo mabibigo! “…Sapagkat sa puso ang tao'y nananampalataya kaya't itinuturing na ganap, at sa pamamagitan ng bibig ay nagpapahayag kaya't naliligtas.” Roma 10:10. Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang bawat sumasampalataya sa Kanya ay hindi malalagay sa kahihiyan.” Roma 10:11. Ang mga may-akda at mga tagagawa ay nagsasabi sa ating ang pagsunod sa kanilang mga direksyon o pagbili ng kanilang produkto ang magpapabago ng ating buhay. Magtiwala sa ating Lumikha at ang May-akda ng ating bhay upang matanggap ang Kanyang pangako!
Inaasahan ang lahat ng bagay. Ang ating pag-asa para sa ating mga anak ay dapat nasa Panginoon. Habang atin Siyang sinusundan sa kanyang Salita at nananampalatayang tatapusin Niya ang Kanyang sinimulan sa atin at sa ating mga anak, alam na ito ay Kanyang tatapusin. Ito ang ating pag-asa! “Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan: Nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala.” Mga Kawikaan 10:28. “Alamin mo na gayon sa iyo ang karunungan; kung ito'y iyong matagpuan, mayroong kinabukasan, at ang iyong pag-asa ay hindi mahihiwalay.” Mga Kawikaan 24:14.
Tinitiis ang lahat ng bagay. Ang pagiging ina ay minsan napakahirap. Kapag nararamdaman nating nasa dulo na tayo ng ating mga pisi, hinihikayat tayo ng Diyos na kumapit sa Kanya. “ Subalit ang magtiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.” Mateo 24:13. “Kayo nama'y kapopootan ng lahat dahil sa aking pangalan, ngunit ang makapagtiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.’ Marcos 13:13.
Ang pag-ibig ay walang katapusan. Ito ang ating pinakadakilang pangako: ang pag-ibig Niya para sa atin at an gating pag-ibig para sa isat-isa, lalo pa sa ating mga anak, ay walang katapusan! “Ang pagkamuhi ay nagbubunsod ng alitan,ngunit tinatakpan ng pag-ibig ang lahat ng pagsuway.” Mga Kawikaan 10:12. “Mas mabuti ang hayag na pagsaway,kaysa nakatagong pagmamahal.” Mga Kawikaan 27:5. “Sino ang Diyos na gaya mo… siya'y (Diyos) nalulugod sa tapat na pag-ibig.” Mikas 7:18. Sa tuwing hindi ako sigurado kung paano tatratuhin ang aking mga anak, pinipili kong gantihan ng pag-ibig dahil ako ay may taglay na pangakong ito ay walang katapusan!
Paano ko maipapahayag ang aking pagmamahal sa aking mga anak?
Maraming ina ang nagbibigay sa kanilang mga anak ng materyal na kayamanan, ngunit iba ang kailangan ng mga bata. Ikaw ang kailangan nila!
Iyong oras. Ang pinakamahalagang bagay na iyong maibibigay sa iyong mga anak ay ang iyong oras. Kapag may gusto tayong tao, o may minamahal tayo, nais nating ilaan ang ating oras sa kanila. Saan nauubos kadalasan ang iyong oras? Saan ang antas ng halaga ng iyong mga anak sa iyo? Kapag ikaw ay naghintay para magkaroon ng panahon para sa iyong mga anak, maaaring hindi na sila bata noon! Ipapakita nila ang utang na loob nila sa iyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaunti o walang oras na mailalaan makasama ka. Ano ba ang mas mahalaga sa isang batang lalaki o babae? Alam nating nag-aaksaya tayo ng mahalagang oras sa mga bagay na walang kabuluhan ilang taon mula ngayon. Mayroong malaking gantimpala sa paglalaan ng oras kasama ang ating mga anak. Ito ang pinakamahalagang puhunan na pwede mong gawin. Ikaw ay mamumuhunan sa kanilang kinabukasan at kabukasan mo rin.
Tumitig sa kanilang mata. “Aking ipapaalam at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran.Papayuhan kita na ang aking mga mata ay nakatitig sa iyo.” Mga Awit 32:8. Kailangan natin silang turuan at gabayan ang ating mga anak gamit an gating mata. Subalit paano natin ito magagawa kung ang ating oras ay nauubos sa paghahatid sa ating mga anak sa napakaraming aktibidad? Kahit pa manatili tayo upang manood, maraming beses na tayo ay mas naeengganyo sa matagalang pakikipagdaldalan sa ibang ina. Ang ating pamumuhay ay laging madalian, nakakabahalang, sobrang puno o sobrang nakakapagod.
Kapag wala ang ating mga anak dahil sa pag-aaral, pampalakasan, araling pang musika at iba pang mga aktibidad, paano natin sila ngayon matuturuan o magagabayan? Kailangan nating maglaan ng oras na tignan sila sa kanilang mga mata, ipakita ang ating pagmamahal para sa kanila at turuan sila. Alam dapat nila na sila ay ating paborito! “Ako'y bantayan mo, ang paborito mong anak…” Mga Awit 17:8. Lahat ng aktibidad at taelento na tila nagpapanatili sa ating abala ay panandalian lamang; kung kaya’t, mayroon lamang silang pannadaliang halaga. “…Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.” 2 Corinto 4:18.
Iyong haplos. Ang iyong haplos ay sobrang mahalaga. Mayroon itong nakagagamot at nakakaaliw na kapangyarihan.
Isaalang-alang ang mga bersikulong ito:
“Noon ay dinadala sa kanya maging ang mga sanggol, upang kanyang hawakan sila…” Lucas 18:15.
“At dinadala nila sa kaniya ang maliliit na bata, upang sila'y kaniyang hipuin…” Marcos 10:13.
“At dinala nila sa kanya ang isang lalaking bulag at ipinakiusap sa kanyang hipuin siya.” Marcos 8:22.
“Pinagsikapan ng lahat na siya'y mahipo, sapagkat may kapangyarihang nanggagaling sa kanya at pinagaling niya ang lahat.” Lucas 6:19.
“Ngunit sinabi ni Jesus, “May humawak sa damit ko! Naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa Akin.” Lucas 8:46.
Ang unang haplos. Ang desisyon na magpasuso ay desisyong ginagawa ng karamihan sa mga kababaihan sa unag pagdalaw nila sa doktor pagtapos manganak. Makikita nating ang pagpapasuso ay hindi lamang para sa pagkain ngunit para din sa unang haplos ng iyong sanggol. Ang mga kompanyang gumagawa ng gatas ay kinakailangan na ngayong magsabi ng katotohanan ayon sa batas na ang gatas ng ina ang pinakamabisa para sa sanggol. Bilang ina, nais natin ang pinakamainam para sa ating mga sanggol. Dahil sa dating kamalian ng mga nars, dahil sa ginusto nating makabalik sa pagtatrabaho, o dahil lamang nais nating “iwan” ang sanggol pag minsan, pinipili natin ang paggaya ng gatas at pansamantalang pagpapasuso para sa ating mga sanggol. Maraming pagkakataon na ang sarili nating mga ina o mga kaibigan ang naghihikayat sa ating magpasuso sa bote. Bilang nakatatandang babae, nais kong hikayatin ang mga nakababatang kababaihan na mgpasuso ng kanilang mga sanggol, dahil ang nakatatandang kababaihan ay dapat na “….upang kanilang maturuan ang mga kabataang babae na ibigin ang kani-kanilang mga asawa, ibigin ang kanilang mga anak….” Tito 2:4.
Kailangan ba nating aliwin ang iba? “Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng mga kaawaan at Diyos ng lahat ng kaaliwan;na umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian, upang maaliw natin ang nasa anumang kapighatian, sa pamamagitan ng kaaliwan na inialiw sa atin ng Diyos.” 2 Corinto 1:3-4. Ang natural na tugon ng isang ina na ang sanggol o anak ay umiiyak ay ang aliwin ito. Dumadating at umaalis ang mga dalubhasa, kasabay ang mga rekomendasyon nila kung paano tutugon sa umiiyak na bata. Sa kasalukuyan tayo ay nasaabihan na turuan ang ating mga anak na aliwin ang kanilang sarili, upang maturuan silang mag-isa.
Inaaliw ng mga bata ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagyakap sa isang laruang hayop, pag-ugoy sa kanilang sarili, pagsuso sa kanilang mga hinlalaki o daliri, o pagkuha ng tsupon. Ang mga batang mayroong pangangailangan na nahadlangan ay “hindi maawat” ng tuluyan o sa tamang panahon. Ito ay magdudulot sa mga binigyan ng “kahalili” sa kalooban ng Diyos na makaramdam ng hindi katiyakan. Ang mga batang ito ay sususo ng mas matagal. Kung ikaw ay maglalaan ng panahon na tignan ang nasa paligid mo, mapapansin mong hindi lamang ang mga sanggol ang sumususo ng kanilang hinlalaki kundi, mga batang nasa elementarya at mga mas matanda pa! Ito ngayon ay pangkaraniwan at katanggap-tanggap sa mga paaralan sa panahon ngayon! Ito ay dapat ng babala sa atin na mayroong lumihis sa perpektong plano at disenyo ng Diyos. Ang pamamaraan ng Diyos ay perpekto palagi.
Kailangan ba nating pakinggan at pansinin ang iyak ng ating mga anak o hindi? Tayo ba ay nagmamakaawa sa Diyos at hinihiling sa Kanyang pakinggan tayo, aliwin tayo at tulungan tayo? “Dinggin mo, Oh PANGINOON, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig: Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.” Mga Awit 27:7. “Pakinggan…habang ako'y dumaraing ng tulong sa iyo….” Mga Awit 28:2. “…pakinggan mo ang aking daing; Huwag kang tumahimik sa aking mga luha….” Mga Awit 39:12. Huwag nating balewalain ang pagtangis ng mga anak natin sa atin! Nais ba nating ang mga “dalubhasa” o nakatatandang mga kalalakihan ang bumalewala sa ating mga daing at mas makabubuti para sa ating dumaing – ng mag-isa? Siyempre hindi! Kahit pa walang umubra kapag sinubukan mong aliwin ang iyong anak, mararamdaman parin ng iyong anak ang iyong pagmamahal. WALANG may gusting marinig ang kanyang asawa na magsabi ng kababawan tulad ng “Ah, kasi buntis ka lang” o di kaya ay “masama lang angaraw mo ngayon” o di naman ay “Panahon lang talaga ngayong buwan.” Nais natin ng pang-unawa at pang-aaliw. Nais natin ng yakap sa bisig ng ating mga asawa.
Ang mga pamamaraan ng isang ina ay nagbabago. Ibat-ibang sikologo at mga dalubhasa sa mga bata ang nagsasabi sa atin ng ibat-ibang bagay. Ating tignan ang kanilang payo sa “liwanag” ng Kasulatan upang makita ang Katotohanan. At ng tayo ay maitayo sa matibay na Batong pundasyon.
Ang haplos kapag oras ng paliligo. Sa ating mundo kung saan nagmamadali ang lahat, hindi na natin madalas na napapaliguan ang ating mga anak. Makikita natin ang mga batang ito sa pamilihan, hindi napapaliguan at hindi naaalagaan. Ang pagpapaligo, kapag hindi minamadali, ay magbibigay sa kanila ng oras na kumalma at huminahon. Kapag ating nililinis ang ating mga anak ng “may pagmamahal”, makatutulong ito upang maramdaman nilang sila ay minamamahal. Pagkatapos maligo, napakalambot ng bata at napaka tamis ng amoy kaya natural na atin silang niyayakap palapit sa atin. Mga ina, ang mga anak natin ay nangangailangan ng hindi nagmamadaling pagmamahal mula sa atin. At sa oras na ikaw ay tapos nang hawakan sila o magbasa ng aklat sa kanila, ibigay sila sa kanlungan ng kanilang Ama upang hikayatin ang mapagmahal na paghaplos mula sa kanya. Hindi mo sila mabibiyaan ng mas magandang regalo kaysa rito.
Lumaki na sila. Maaaring nababasa mo ito at naiiisip na huli na ang lahat dahil lumaki na ang iyong mga anak. Hindi, hindi kailanman huli ang pagpapakita ng pagmamahal. Magsimulang mahalin ang mga anak mong lumaki na. Magsimula sa iyong pananalita. Ito ba ay mapagmahal, mapagtanggap at mapag-aruga? Ilatag ang saligan sa pamamagitan ng mapagmahal na yakap at ang pagsasabing “Mahal kita,” ano man ang kanilang edad.
Masyado na silang malaki. Walang sinoman ang masyado nang Malaki upang mangailangan ng pagsuyo at banayad na paghawak. Kung sila ay nagbibinata at nagdadalaga na, magsimula sa malambing na pagsiko, pagkamot sa kanilang likod, mapagmahal na pagpisil sa kanilang bisig, o mabilisang yakap. Bigyan sila ng ngiti gamit ang iyong mga mata at purihin sila para sa bagay na kanilang nagawa. Hingin sa Diyos na gumawa ng perpektong pagkakataon upang makapagsabi ng isang bagay na mabuti, mapagmahal at totoo.
Pagsisisi. Ikaw ba ay nakagawa ng kamailan o mayroon ka bang mga pinagsisisihan sa iyong pagiging magulang? Ibinahagi mo ba ang mga pagsisising ito sa iyong mga lumaki ng anak? Ito ay nakakapagpakumbaba ngunit sobrang may gantimpala. “Ang kapalaluan ng tao ang sa kanya'y magpapababa, ngunit magtatamo ng karangalan ang may mapagpakumbabang diwa.” Mga Kawikaan 29:23. Kung ang iyong pamilya ay nangangailangan ng paggaling, mayroong espiritwal na sangkap. “Kaya't ipahayag ninyo sa isa't isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Ang panalangin ng taong matuwid ay makapangyarihan at mabisa.” Santiago 5:16.
Siguro dapat ay magsimula kang umamin sa iyong malapit na kaibigan tungkol sa iyong mga kabiguan, upang kapwa ninyo itong mapaliguan ng panalangin. Magdasal para sa pagkakataon, para sa tamang salitang dapat sabihin at para sa puso ng iyong anak na tumanggap upang making. Maging handing pakinggan ang mga sakit na nararamdaman nila. Sinabi ng Diyos sa atin na, “Ang kaibigang nasaktan ay higit pa sa lunsod na napapaderan, ang di pagkakaunawaan ay mas matibay pa kaysa isang tarangkahan.” Mga Kawikaan 18:19. Ngunit huwag panghinaan ng loob, sinabi sa Mga Kawikaan 10:12 na “Ang pagkamuhi ay nagbubunsod ng alitan,ngunit tinatakpan ng pag-ibig ang lahat ng pagsuway.” At sa 1 Pedro 4:8 na “ Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.” Siguraduhing tatanggapin ang lahat ng responsibilidad. Maaaring mas makabubuting balikan ang Ika-3 at Ika-4 na aralin, “Banayad at tahimik na espiritu” at “Kabaitan sa Kanyang Dila” bago kayo magkita.
Mapagmahal na disiplina. Maaari rin nating ipahayag ang ating pagmamahal sa ating mga anak sa pamamagitan ng mapagmamahal na pagdidisiplina. “Ang lahat na aking iniibig ay aking sinasaway at dinidisiplina. Ikaw nga'y magsikap, at magsisi.” Apocaplipsis 3:19. Ang ating mga anak ay nangangailangan ng ating pagdidisiplina upang mahalin din sila ng iba. Narinig na nating lahat ang kasabihang: Siya ang klase ng anak na ina lamang nya ang magmamahal. Ang isang batang walang disiplina, napakagulo at walang sariling (o magulang na) pagkontrol ay nagawan ng hindi magandang serbisyo ng kanyang mga magulang. Ito ay lubusang nakakahiya lalo na para sa kanyang ina. “ng pamalo at saway ay nagbibigay ng karunungan, ngunit ang batang pinababayaan, sa kanyang ina ay nagbibigay-kahihiyan.” Mga Kawikaan 29:15. Kinakailangan ng ating mga anak na sanayin sila upang sila ay maging responsableng matatanda. Ang lahat ng ito ay nangangailangan ng oras, pasensya at kabaitan. Kinakailangan mong pasanin ang lahat ng bagay, paniwalaan ang maraming bagay, asahan ang maraming bagay at tiisin ang maraming bagay, ngunit ang ganitong klase ng pag-ibig ay walang katapusan!
Para sa mas maraming impormasyon mayroong Aklat Gawain, Pagtuturo sa Tahanan para sa Kaniya! na makukuha sa aming ministeryo.
Ang Ating Pundasyon para sa Pagdidisiplina Ay sa Kanyang Salita Dapat
Para sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay. Ang disiplina ay tinukoy ng 90 beses sa Lumang Tipan noong dinidisiplina ng Diyos ang Kaniyang mga anak at kapag ang mga anak ng Diyos ay nagdidisiplina ng kanilang mga anak. Ang Disiplina ay matatagpuan ng 36 na beses sa Mga Kawikaan, kadalasan halos ay tumutukoy sa ugnayan ng isang magulang sa kanyang anak. Kung nais nating maging mahusay sa mga bersikulo sa pagsasanany ng ating mga anak, dapat nating basahin at lagyan ng tanda ang mga bersikulong ito sa Mga Kawikaan bilang pundasyon ng ating pagsaanay sa ating mga anak. “ Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.” 2 Timoteo 3:16-17. Habang nakikita natin ang mga sumunod na bersikulo, ang pagdidisiplina ay kasangkapan para sa pagpapanumbalik, sa halip na pagkondena, upang maibalik ang tao sa tamang lugar nito sa espiritwal.
Upang malaman ang lahat ng nasa kanyang puso. Ang pagwawasto ay hindi laging nangangahulugang pagbibigay ng sakit o pagkabigo. Bilang isang ina, kailangan nating isabuhay ang disiplinadong pamumuhay upang maidisiplina ng wasto at maitama ang ating mga anak. Dapat tayo ay disididong mapanalunan ang bawat salungatan gamit ang pagpipigil ng ating sarili at hindi “pagbigay” o kalgtaan ang kanilang pag-uugali at kilos.“ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kagandahang-loob, kabutihan, katapatan, kaamuan, at pagpipigil sa sarili. Laban sa mga ito ay walang kautusan.” Galacia 5:22. Ikaw ba ay naging pabaya sa pagwawasto dahil ayaw mo talagang maabala?“…ipinaubaya ito sa kanya ng Diyos, upang subukin siya at upang malaman ang lahat ng nasa kanyang puso.” 2 Cronica 32:31.
Ang iyong salita ay katotohanan. Makikita nating pinapangunahan palagi ng Diyos ang Kanyang pisikal na parusa sa Pagsasabi muna ng Kanyang Salita. “Ang kabuuan ng iyong salita ay katotohanan; at bawat isa sa iyong matuwid na batas ay nananatili magpakailanman.” Mga Awit 119:60. Ito ay tinatawag na pagdidisiplina. Ipinaliwanag ng diksyonaryo ang pagdidisiplina bilang “pagsasanay na inaasahan na magbunga ng isang natatanging karakter o huwarang pag-uugali.” Bilang magulang kailangan nating gamitin ang disiplina o pisikal na pagpaparusa upang mabago ang nakasananayng pag-uugali ng bata at magdulot ng pagbabago sa kanyang pagkatao.
Ano ang pumipigil sa atin para sundin ang Salita ng Diyos?
Hindi alam ang mga Kasulatan. Ating responsibilidad na alamin ang Kasulatan ng husto upang hindi tayo malinlang. “Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang anumang dapat ikahiya, na gumagamit nang wasto sa salita ng katotohanan.” 2 Timoteo 2:15.
Maliligaw siya. Ang kakulangan sa tamang tagubilin mula sa Salita ng Diyos sa ating mga klase sa Lingguhang Paaralan o mula sa pulpit ay nagdudulot ng pagsikad ng karamihan sa mga masuwaying kabataan. “Siya'y mamamatay sa kakulangan ng disiplina, at dahil sa kanyang kahangalan ay naliligaw siya.” Mga Kawikaan 5:23.
Kakulangan ng kaalaman. Tayo ay nagkukulang ng Biblikal na kaalaman upang maayos na sanayin at disiplinahin an gating mga anak. “Ang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman.” Oseas 4:6.
Bumaling sa walang kabuluhang pag-uusap. Maraming Kristiyano ang sumusunod sa mga tanyag na “dalubhasa” ng kapanahunan nila. Gayunpaman, sinabi sa atin sa Kasulatan na hindi natin sila dapat bigyan ng pansin. “…atasan ang ilang tao na huwag magturo ng ibang aral, ni huwag bigyang-pansin ang mga alamat at walang katapusang talaan ng lahi, na nagiging sanhi ng mga haka-haka… Ang ilan ay lumihis mula rito at bumaling sa walang kabuluhang pag-uusap….” 1 Timoteo 1:3-4,6.
Kathang-Isip. Sinabi sa atin na hahanapin natin ang “nais” nating marinig. “Sapagkat darating ang panahon na hindi nila matitiis ang wastong aral; kundi, sa pagkakaroon nila ng makakating tainga, ay mag-iipon sila para sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling pagnanasa; at tatalikod sa pakikinig sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at babaling sa mga kathang-isip.” 2 Timoteo 4:3-4. Ilan sa mga sikat na kathang-isip na laganap sa mga Kristiyanong libro at tanggap ay ang mga teorya ng pagdidisiplina sa mga Kristiyano:
Ang batang may malakas na loob. Kapag naghahanap sa Kasulatan, makikita mong walang ginawang pagkakaiba ang Diyos sa pagitan ng mga iba’t-ibang personalidad tulad ng malakas ang loob, malungkot, leon, atbp. Para sa pagdidisiplina, pagsasanay at pagtuturo sa mga bata. Talaga namang ang batang hindi marunong mamaluktot ay dapat pakitunguhan ng may pag-iingat at baka malimutan natin ang Salita ng Diyos. Dapat tayo ay maging sobrang maingat sa kagustuhang dagdagan ang Salita ng Diyos. “Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong matupad ang mga utos ng PANGINOOON ninyong Diyos na aking iniuutos sa inyo.” Deuteronomio 4:2.
Isang bagay na maling laging sinasabi sa atin ay huwag sirain ang “espiritu” ng isang bata. Ngunit ang dahilan ng parusang ito ay wasakin ang “espiritu” ng rebelyon. Kapag sinabi mo sa isang batang huwag gawin ang isang bagay at ginawa nila ito, kailangang maparusahan ang rebelyon. Ang pananakot ay hindi makakasira ng “espiritu” ng rebelyon. Sa totoo lang, ang madalas na pananakot ay lalong magpapatindi ng espiritu ng rebelyon. Kailangan parusahan gamit ang pamalo. Huwag “manakot.” Kailangan mong laging panindigan ang iyong sinasabi at isakatuparan ang parusa pagtapos mong magbigay ng babala. Kung hindi, ikaw ay nagsisinungaling lamang sa iyong anak! “Nakabalot sa puso ng bata ang kahangalan, ngunit inilalayo ito sa kanya ng pamalo ng pagsaway.” Mga Kawikaan 22:15.
Sinasadyang pagsuway. Isa pang maling paniniwala ay matatagpuan sa mga sikat na libro tungkol sa disiplina ay ang dapat lang natin disiplinahin any ang “sinasadyang pagsuway.” Kahit pa, makikita natin ng malinaw sa kasulatan na ito ay hindi Totoo. Ang “kahangalan” ay isang dahilan upang maparusahan, halimbawa kung ang bata ay nakalimot na gawin ang isang bagay na sinabing gawin niya. “Nakabalot sa puso ng bata ang kahangalan, ngunit inilalayo ito sa kanya ng pamalo ng pagsaway.” Mga Kawikaan 22:15. Ngunit bakit natin dapat yakapin ang isang kamalian at hindi matatagpuan sa Kasulatan? Ito ba ay dahil nais nating marinig ang isang bagay na hindi totoo tungkol sa pagdidisiplina ng mga bata? Ito baa ng ating takot?
Ang takot sa tao ay naglalatag ng bitag. Ngunit kung tayo ay magdidisiplina sa paraan na sinasabi sa atin ng Kasulatan, paano naman ang HRS at pang-aabuso sa mga bata? Muli, ating tignan ang Kasulatan para sa Katotohanan. “Ang takot sa tao ay naglalatag ng bitag, ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay maliligtas.” Mga Kawikaan 29:25.
Huwag ninyong katakutan ang pagkutya ng mga tao. Ano ang maaaring sabihin ng mga tao (kapamilya o kamag-anak)?“Makinig kayo sa akin, kayong nakakaalam ng katuwiran, ang bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan. Huwag ninyong katakutan ang pagkutya ng mga tao, at huwag kayong mabalisa sa kanilang mga paglait.” Isaias 51:7. (Ang panglalait ay ipinaliwanag bilang berbal na pag-atake. Ang pagkutya naman ay bilang paninisi, kahihiyan o paninira.) hindi tayo dapat mabahala tungkol sa mga berbal na pag-atake o sa mga taong sumusubok na hiyain o siraan tayo. “At ikaw, anak ng tao, huwag kang matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman ang mga dawag at mga tinik ay kasama mo, at nauupo ka sa mga alakdan. Huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manlupaypay man sa kanilang harapan, sapagkat sila'y mapaghimagsik na sambahayan.” Ezekiel 2:6.
Huwag kang magdagdag sa kanyang mga salita. Isantabi ang “mga teorya” at pagwawastong “pamamaraan” sa panahon ngayon, halimbawa “pang-iisnab,” “pagbabartolina” o pagtanggal ng mga pribilehiyo sa halip na pamamalo. “Huwag kang magdagdag sa kanyang mga salita, baka sawayin ka niya at masumpungang sinungaling ka.” Mga Kawikaan 30:6.
Kanyang pamamaraan. Gumawa ng kasunduan sa Diyos na susundin mo ang Kanyang pamamaraan anoman ang sabihin ng mundo.
Ang Katotohanan tungkol sa Pagdidisiplina
Ating tignan ang mga particular na Kasulatan para sa karunungan:
Kapag pinarusahan mo ang iyong anak pinapatunayan mo sa kanyang mahal mo siya. “Ang hindi gumagamit ng pamalo ay napopoot sa anak niya, ngunit ang umiibig sa kanya ay matiyagang dumidisiplina.” Mga Kawikaan 13:24. Ipinaliwanag ko sa aking mga anak na hindi ko dinisiplina ang ibang bata, kundi ang aking mga anak lamang. Ito ay dahil sa mahal ko sila sa katulad ng pamamaraan ng aming Ama sa Langit at Kaniya lamang dinidisiplina ang mga sa Kanya. “Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang kanyang minamahal, at pinarurusahan ang bawat itinuturing na anak.” Hebreo 12:6.
Ang panahon upang magparusa ay mula sa simula. Huwag hintayin na baguhin ang iyong anak mula sa mali niyang pamamaraan. “Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa.” Mga Kawikaan 19:18. Idinagdag sa Ang Salita ng Diyos na bibliya na, “Kung hindi mo siya itutuwid, ikaw na rin ang nagpahamak sa kanya.” Ito ay nangangahulugang kapwa sa murang edad at sa maagang hindi pagsunod. Napakarami ng nag-iisip na hindi mo kaya o hindi dapat sanayin ang isang sanggol na gawin ang tamang bagay. Gayunpaman, ikaw ay mamamangha kung ano ang kayang unawain ng isang batang nasa murang edad pa lamang. Ang pinakamahirap na baliin ay pag-uugali (o kilos) ang isang bata o nakatatandang kabataan na pinahintulutan mong kawilihan nila. Pigilan at parusahan ang masamang pag-uugali sa unang beses palang nilang gawin ito.
Ang karunungan at turo ay hinahamak ng hangal. Makikita nating hindi natin dapat na sirain ang “kalooban” ng bata, ngunit kailangan nating sirain ang “espiritu” ng rebelyon. Ngunit papaano natin masasabi kung ito ay kalooban o ang espiritu ang sumuko? Kung ang bata ay magpapamalas ng kahit na anong uri ng pagkagalit, pagkapoot o pang-uuyam pagkatapos maparusahan, ito ay nangangahulugang may espiritu ng rebelyon paring naiiwan!“Ang takot sa Panginoon ang pasimula ng kaalaman; ang karunungan at turo ay hinahamak ng hangal.” Mga Kawikaan 1:7.
Hindi siya mamamatay. Ang panandaliang sakit ay makakatulong para sa pangmatagalang pagbabago ng karakter. Sino ang mas malakas at mas determinado? Ikaw o ang iyong anak? “Huwag mong ipagkait sa bata ang saway,kung hampasin mo siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.” Mga Kawikaan 23:13. Sa buhay, kailangan nating harapin ang sakit “para sa isang panahon” upang tamasahin ang nais ibigay ng Diyos para sa atin pang-habambuhay.
Ano ang benepisyo ng tamang pagwawasto sa ating mga anak? Ang tunay na benepisyo ng pagpaparusa ay espiritwal. “Kung siya'y hahampasin mo ng pamalo, mula sa Sheol ang kanyang kaluluwa'y ililigtas mo.” Sa Ang Salita ng Diyos (SND) ay sinabing, “Ang tamang pagpalo ay hindi niya ikamamatay kundi makapagliligtas pa sa kanya sa kamatayan.” Mga Kawikaan 23:14
Sa uulitin, kapag iyong pinarusahan ang isang bata, pinapatunayan mo sa kanyang mahal mo siya. “Ang hindi gumagamit ng pamalo ay napopoot sa anak niya, ngunit ang umiibig sa kanya ay matiyagang dumidisiplina.’ Mga Kawikaan 13:24.
Ang layunin ng pagpaparusa ay ang iwasto ang direksyon ng buhay. “Ang latigo'y para sa kabayo, ang bokado'y para sa asno, ang pamalo naman ay sa mangmang na tao.” Mga Kawikaan 26:3. Huwag gumamit ng latigo dahil hindi naman kabayo ang anak mo, o sinturon dahil hindi naman sya asno. Upang masundan ang Kasulatan kailangan gumamit tayo ng “kahoy’ na pamalo sa puwetan. Gumamit tayo ng paglipat na nagdulot ng tunay na pagsisisi. “Ang pamalo at saway ay nagbibigay ng karunungan, ngunit ang batang pinababayaan, sa kanyang ina ay nagbibigay-kahihiyan.” Mga Kawikaan 29:15. Ang pag-iwas sa pagpaparusa ay magdudulot ng kahihiyan sa iyo bilang ina. Lahat ng Kasulatan ay malinaw tungkol sa kaparusahan: ang pamalo ang tanging “lunas” para sa rebelyon. Ang ibang “pamamaraan” ay magagamit pagkatapos ng pamamalo, ngunit ito ay bihirang kakailanganin at dapat gamitin ng malimit at may pag-iingat.
Ang ministeryo ng pagkakasundo. “Ikaw ay ibabartolina!” Maraming magulang ang naniniwala at nagsasanay sa pamamaraan ng pag babartolina. Sa itinalagang oras na ito ang bata ay “nasa kulungan ng aso,” o parang ganoon na nga. Ngunit hindi ito Nasusulat. Kailangan nating gamitin ang pisikal na pagpaparusa (ang pamalo) at pagkataos ay sanayin ang ating mga anak na humingi ng tawad. Pagkatapos tayo ay magpatawad! “Lahat ng ito ay mula sa Diyos, na tayo'y pinagkasundo niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay niya sa amin ang ministeryo ng pakikipagkasundo.Samakatuwid, kay Cristo ay pinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan at ang kanyang sarili, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pakikipagkasundo.” 2 Corinto 5:18-19.
Patawarin at aliwin siya. Ipakita ang pagmamahal para sa kanila pagtapos. “…patawarin siya at aliwin, baka siya ay madaig ng labis na kalungkutan. Kaya't ako'y nakikiusap sa inyo na papagtibayin ninyo ang inyong pag-ibig sa kanya.” 2 Corinto 2:6.
Paggamit ng Pamalo:
Ang umiibig sa kanya ay matiyagang dumidisiplina. Mahal mo ba ang iyong anak ng sapat upang gamitan siya ng pamalo? “Supilin mo ang iyong anak, habang may pag-asa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa ikapapahamak niya.” Mga Kawikaan 19:18. “Ang hindi gumagamit ng pamalo ay napopoot sa anak niya, ngunit ang umiibig sa kanya ay matiyagang dumidisiplina.” Mga Kawikaan 13:24. At, “Ang lahat na aking iniibig ay aking sinasaway at dinidisiplina. Ikaw nga'y magsikap, at magsisi.” Apocalipsis 3:19.
Maraming mga magulang ang pinapabayaan ang kanilang anak na makalusot sa hindi nito pagsunod dahil sa nagkukulang sila sa pagsasabi sa mga ito kung ano ang inaasahan sa kanila at hindi naniniwalang ito ay patas. Sa halip sila ay panay babala, babala at babala lamang. Kapag sinabihan mo ang iyong mga na kailangan nilang gawin ang isang bagay o hindi nila dapat gawin ang isang bagay, tignan kung mayroong sanggunian sa iyong tinturo sa Bibliya. Kung mayroong tiyak na Kasulatang nababagay, buksan ngayon ang Bibliya at hayaan sila (o ikaw) na basahin ito ng malakas. Mga kababaihan, ito ang isang magandang dahilan upang malamang ang Salita!
Ang iyong layunin sa paggamit ng pamalo (ang pamalit) ay upang maihalintulad ang pagkakasala sa sakit. Ang pinakamahalagang bagay ay ang alam ng bata, sa pamamagitan ng iyong mga kilos, na ikaw ay hindigalit sa kanya, sa halip ay kinamumuhian mo ang kasalanan. Hindi ba ito rin ang tulad na pamamaraang ginagamit ng Ama natin sa Langit? Dinidisiplina tayo ng Diyo ngunit hindi siya tumitigil na magmahal sa atin.
Kapag tinawag mo ang isang bata para lumapit sa iyo, at pinili niyang huwag sumunod, ang pasimpleng paglakad patungo sa kanya at ang pagtapik sa likod ng kanyang maliit na binti ang magdudulot sa kanya upang gumalaw. Kapag sinabihan ang isang batang huwag sumigaw upang manghingi ng inumin o kahit na ano pagtapos mo siyang ihiga sa higaan, ito ay katulad ng paglakad papunta sa kanya, pagtatakip ng kumot sa kanya at paglagay ng pamalit. At yumuko, halikan muli siya at sabihin sa kanya ng may kabaitan at pagmamahal na huwag ka ng tawagin muli. Kapag ang dalawang bata ay sinabihang huwag mag-away, ito ay tulad lamang ng paglapit sa kanila at bigyan sila ng mabilisang pamalit. Hindi kinakailangang sumogaw, magalit o magpaliwanag!
Kung sila ay magugulat, maaari kang magpaliwanag pagkatapos mong gamitin ang pamalo. Napakaraming mga magulang ang naguubos ng oras na makipagtalo sa kanilang mga anak. Mga ina, ang iyong pamilya ay hindi isang demokrasya. Ang Diyos gamit ang walang hanggan Niyang karunungan ay gumuhit ng linya ng kapangyarihan dahil may dahilan. Huwag maliitin ang iyong kapangyarihan sa pamamagitan ng berbal na pakikipagtalo sa iyong mga anak. At huwag hintayin hanggang sa ikaw ay magalit. “Isang mabuting gamot ang masayang puso, ngunit ang bagbag na diwa, sa mga buto'y tumutuyo.” Mga Kawikaan 17:22. Kapag ikaw naghintay, umaasang sila ay lalapit, o susunod, o hihinto kung ano mang ang kanilang ginagawa. Napakalaki ng tyansang ikaw ay magagalit lamang. Sa halip, kung ikaw ay gagamit ng pamalo (o pamalit) na magdudulot ng sakit na walang pagkaantala, mapapanatili mong maligaya ang iyong mukha.
Kayo'y nalungkot tungo sa pagsisisi. Ang paggamit ng pamalo ay upang magdulot ng pagsunod at pagsisisi. “Ngayon, ako'y nagagalak hindi sapagkat kayo'y nalungkot, kundi sapagkat kayo'y nalungkot tungo sa pagsisisi, sapagkat kayo'y pinalumbay nang naaayon sa Diyos, upang kayo'y huwag magdusa ng kalugihan sa pamamagitan namin.” 2 Corinto 7:9. “Kung siya'y hahampasin mo ng pamalo, mula sa Sheol ang kanyang kaluluwa'y ililigtas mo.” Mga Kawikaan 23:14. Kung sa puntong ito ay nais mong sabihin sa akin na ang iyong mga anak ay hindi na susunod sa pamalit o kahit na anong pisikal na pagwawasto – kung gayon ay hindi ka nagpapatupad ng sapat na ganito o hindi ito ganoon katindi! Kailangan mong sigurduhing ito ay makakasakit.
Maraming magulang ang takot sa pangmatagalang pagkasira, o sila ay takot na sila ay maging mapang-abuso. Lahat ng bata ay kinakailangan makaramdam ng ‘buong epekto” ng pamamalo ng isang beses upang lagi nilang galangin ang pamlait at ang kanilang mga magulang. Ang pang-aabuso ay nag-ugat sa galit. Kapag ito ay “pinutol mo mula sa ugat” sa bawat pagkakataon sa halip na balewalain ang hindi tamang pag-uugali, hindi ka kailanman hahantong sa pang-aabuso. Ang pang-aabuso ay tumataas dahil ang mga magulang ay nahinto sa paggamit ng corporal na pagpaparusa sa kanilang mga anak. Sa oras na ang anak ay naubos na ng husto ang pasensya ng kanyang magulang (dahil lahat ng ibang pamamaraan ay hindi umubra), ang mga nagkagutay-gutay na magulang ay tutugon sa pamamagitan ng kawalan ng kontrol.
Mula sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kanyang bibig. Minsan ay mahalagang manghingi ng “Patawarin mo ako para sa….” Dahil “Ang isipan ng matalino ay nagbibigay-bisa sa kanyang pananalita, at sa kanyang mga labi ay nagdaragdag ng panghikayat.” Mga Kawikaan 16:23. “Ang mabuting tao mula sa mabuting kayamanan ng kanyang puso ay nagbubunga ng kabutihan. At ang masamang tao mula sa masamang kayamanan ay nagbubunga ng kasamaan. Sapagkat mula sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kanyang bibig.” Lucas 6:45. Ito ay dapat na tapat ng walang bahid ng pag-iimbot, galit o panghihimok. Kung ang bata ay magrebelde sa iyong kapangyarihan, sa pagtangging sumunod sa iyong kagustuhan ng may tamang puso, kung gayon ay ulitin ang pamalit hanggang sa maramdaman nila ang “buong epekto” nito.
Maligaya ka sana. Kailangan mong makakita ng tunay na pagsisisi.“…sumimangot si Cain at labis ang kanyang galit. Kaya tinanong siya ng Panginoon, “Ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nakasimangot? 7 Kung mabuti lang ang ginawa mo, maligaya ka sana. Pero mag-ingat ka! Dahil kung hindi mabuti ang ginagawa mo, ang kasalanan ay maghahari sa iyo. Sapagkat ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nagbabantay sa iyo para tuklawin ka. Kaya kailangang talunin mo ito.” Genesis 4:5-7. Kung ikaw ay sobrang natatakot na sumunod, at pabayaang ang maling galit nila sa iyon bilang makapangyarihan, makikita mo baling araw ang kanilang pait sa iyo ang magdudulot ng pagkasira ng inyong pagsasama.
Inyong patawarin siya at aliwin. Sa oras na masira ang rebeldeng espiritu ng iyong anak, papagtibayin muli ang pagmamahal sa kanya. Yakapin siya o ikandong., kung hindi sila masyadong matanda o mabigat. “Kaya't ako'y nakikiusap sa inyo na papagtibayin ninyo ang inyong pag-ibig sa kanya.” 2 Corinto 2:8. “Para sa gayong tao, ang kaparusahang ito ng nakararami ay sapat na. Bagkus, inyong patawarin siya at aliwin, baka siya ay madaig ng labis na kalungkutan.” 2 Corinto 2:6-7. Sa puntong ito, hindi na kinakailangang “ibartolina sila,” “papuntahin sa kanilang kwarto,” “kuhanin ang mga pribilehiyo nila” o gumamit ng ibang klase ng pagpaparusa.
Papagtibayin ninyo ang inyong pag-ibig sa kanya. Pagkatapos gumamit ng pamalo sa iyong anak, siguraduhing ipakita ang pagmamahal para sa kanya.“Kaya't ako'y nakikiusap sa inyo na papagtibayin ninyo ang inyong pag-ibig sa kanya.” 2 Corinto 2:8. Huwag itama o gamitin ang “pamamalo” sa harap ng mga hindi kabilang sa pamilya. Hindi natin dapat hiyain ang ating mga anak habang hinihiya din ang mga nakamasid habang ginagawa ito. “Lahat ng inyong ginagawa ay gawin ninyo sa pag-ibig.” 1 Corinto 16:14. “Ang pantas sa puso ay tinatawag na taong may pang-unawa, at nagdaragdag ng panghikayat ang kaaya-ayang pananalita.” Mga Kawikaan 16:21. Ang pag-ibig ay mahalagang pundasyong maipapakita sa iyong anak. “ng layunin ng utos kong ito ay magmahalan sila. At magagawa lang nila ito kung malinis ang kanilang puso at konsensya, at kung tunay ang pananampalataya nila.” 1 Timoteo 1:5. Siguraduhing ang iyong pag-uugali sa kanila ay nagpapatunay na lahat ay napatawad at kinalimutan na.
Babala: kung ikaw bilang ina ay dumaan sa tamang hakbang ng pagwawasto, kung gayon ay walang dahilan upang parusahan sila sa ikalawang pagkakataon “kapag dumating na ang kanilang ama.” Kung nais mong malaman ng iyong asawa ang problema na naganap sa maghapon, gawin ito ng pribado. Kahit ang ating korte ay hindi nagpapahintulot na litisin ang sinoman ng dalawang beses para sa parehas na kasalanan.
Kaligayahan at Kapahingahan. Ang Salita ng Diyos ay totoo. Ikaw ba ay nagtitiwala sa Kanya o pinagkakatiwalaan mo ang payo ng mundo o babala ng mundo? “Supilin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya kapahingahan;ang iyong puso ay bibigyan niya ng kasiyahan.” Mga Kawikaan 29:17.
Gumawa ng Pangako
Huwag maghintay ng matagal. Magsimulang sanayin at disiplinahin ang iyong anak habang bata pa sila. Huwag maghintay na itama ang maling pag-uugali. Gumalaw kaagad sa oras na nagsimula na ang hindi pagsunod o ang ugaling pasalungat.
May-akda ng rebelyon. Naaalala mo ba na ang may-akda ng rebelyon ay si Satanas. Ang Diyos ang may-akda ng disiplina at kapangyarihan. Sino ang iyong paglilingkuran? Sino ang paglilingkuran ng iyong anak?
Magpalahi ng paggalang. Ang disiplina ay nagpapalahi ng paggalang para sa iyo at sa lahat ng nasa kapangyarian. Higit pa rito, ang kakulangan sa tamang pagwawasto ay nagpapalahi ng hindi paggalang para sa iyo at lahat ng nasa kapangyarihan.
Ipahayag ang inyong mga kasalanan. Ang pagwawasto ng magulang ay panandalian lamang; mayroon ka lamang kaunting taon! Kaya’t magsimula ng maaga habang malambot pa ang luwad. Huwag maghintay hanggat kailangan mo na ang malaking maso upang tanggalina ng konkreto na. kung malalaki na ang iyong mga abak at hindi mo sila dinisiplina at sinanay sa paraan ng Bibliya, magkakaroon ka ng sobrang sakit ng puso at gabing walang tulog. Angiyong kawilian ay nasa pagdarasal. Ang Diyos ay Diyos ng mga milagro. Aminin ang kakulangan mo sa pagsunod sa Kanyang mga Salita an ang Kanyang pamamaraan sa iyong nakatatandang anak. “ Kaya't ipahayag ninyo sa isa't isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Ang panalangin ng taong matuwid ay makapangyarihan at mabisa.” Santiago 5:16.
Lakas at pangako. Mangangailangan ng lakas at pangako sa parte mo, ngunit ang resulta ay walang katumbas na halaga! Magbayad ngayon o manalangin mamaya!
Pagsasanay. Ang pagpapalaki ng bata upang maging Makadiyos pag siya ay tumanda ay nangangailangan ng higit pa sa disiplina – ito ay mangangailangan ng pagsasanay. “Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran”? Mga Kawikaan 22:6. Ang bersikulong ito ang nagsasabing sanayin siya sa daan na dapat niyang lakaran, hindi ang “hindi dapat” niyang lakaran. Maraming beses ay inuubos natin ang ating oras sa pagsasabi sa bata na ang salitang “hindi” o kung ano ang hindi dapat gawin, sa halip na gamitin ang panahon upang magsanay. Sa pagsunod sa Salita ng Diyos, maiiwasan mo ang pangangailangan na magdisiplina. Sanayin ang bata kung ano ang dapat na gawin!
Kakulangan ng kaalaman. Sinabi ng Kasulatan sa atin na “Ang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman.” Hoseas 4:6. Ang iyong mga anak ba ay nawawasak dahil kulang sila sa kaalaman ng dapat nilang gawin? (Para sa mas maraming impormasyon basahin at gawi ang Manggagawa sa Tahanan. Ito ay makakatulong na magbigay sa iyong mga anak ng MALIWANAG na direksyon na magreresulta sa hasang-hasang mga bata na papupurihan ng mga tao!)
Anoman ang itinanim ng tao. Ipinapadala natin an gating mga anak sa paaralan o Lingguhang paaralan upang makakuha sila ng kaalaman, ngunit ibinigay sila sa atin ng Diyos. Sila ba ay natututo mula sa dapat nating ituro, kung tayo ay maglalaan ng oras? Ating pakatandaan, “Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Dios ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.” Galacia 6:7.
Sa daan na dapat niyang lakaran. Kung hindi natin sila sasanayin at didisiplinahin, totoong pwede nating akuin na: “Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran.” Mga Kawikaan 22:6.
Iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata. Samakatuwid, kung nais nating akuin ang pangako sa Mga Kawikaan 22:6, kailangan nating turuan at sanayin ang ating mga anak. Tulungan silang iwanan ang mga bagay ng pagkabata habang sila ay lumalaki na. “Nang ako'y bata pa, nagsasalita akong gaya ng bata, nag-iisip akong gaya ng bata, nangangatuwiran akong gaya ng bata. Ngayong ganap na ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.” 1 Corinto 13:11. Turuan at sanayin sila sa mga ganitong klase ng karakter.
Pagtatrabaho ng may Kasipagan
Turuan silang magtrabaho ng may kasipagan. Ang kasipagan ay pagiging masigasig, kasiyahan, kagalakan, kaluguran, debosyon at pananabik. Tulungan ang iyong mga anak na pag-aralan ang magagandang katangian sa pagtatrabaho. Bigyan sila ng mga gawaing kailangan nilang gawin araw-araw. Ang mga babaeng may iisa o dalawang anak lamang ay mas madalas na hindi na kinakailangan ang tulong ng kanilang mga anak sa gawaing bahay o gawaing hardin. Sa hindi pagtuturo sa kanilang gawin ang “kanilang” parte,hindi mo isinasaalang-alang ang kinabukasan ng iyong mga anak.
Kagustuhan at pangangailangan. Kapag hiningi mo ang tulong ng isang bata ay ipinapakita mo sa kanyang siya ay gusto mo at kinakailangan. Mayroong kabanata sa Manggagawa sa Tahanan na makatutulong na ipatupad ang Sistema sa iyong mga anak na nagpanatili sa ayos ng aking tahanan sa loob ng mahigit 20 taon!
Responsibilidad! Ang pagtatrabaho ay nagtuturo sa kanilang mahalin ang kung anong mayroon sila at maturuan sila ng responsibilad! Kung kanilang pagsisikapan ang mayroon sila, aalagaan at mamahalin nila ang lahat ng ibibigay ng Diyos sa kanila sa hinaharap. Inoobliga namin an gaming mga anak na bayaran ang kanilang unipormeng pampalakasan o mga bayarin sa kanilang mga sinasalihan, kurikulum sa paaralan, mga reteyner ng ngipin at karamihan sa kanilang mga damit. Ngayong malalaki na ang aking mga anak ay Malaki ang utang na loob nila sa araling ito. Ipinaalala nga nila sa akin ang puntong ito noon lamang nakaraang linggo – nakakamangha!
Nagtatrabaho ng may Pakinabang
Trabaho. Bigyan ng trabaho ang iyong mga anak sa pamamagitan ng paglalaan ng mga trabaho kung saan sila kikita ng pera. Ito ay dapat mas mataas at higit kaysa sa karaniwan nilang ginagawa.
Habang sila ay bata pa. Simulan sa paghahanap sa loob ng bahay ng mga bagay na maaari nilang gawin. Hindi ka dapat na maghintay na sila ay tumanda na; magsimula habang sila ay bata pa. binabayaran naming ang mga mas nakababata naming mga anak ng mga kutkutin o pribilehiyo o maliit na halaga para sa isang mabuting pagtatrabaho.
Sa labas. Sunod, habang sila ay lumalaki, maari na nilang simulan ang pagtatrabaho sa hardin, sa garahe, o sa kotse. Ang labas ay isang hakbang pagkatapos silang maging mahusay sa mga responsibilidad sa loob.
Sa kapaligiran. Sa wakas, pagtapos nila sa loob patungo sa labas at sila ay nagtatrabaho ng maayos, silaay handa ng magtrabaho sa kapaligiran. Maari silang maghugas ng sasakyan, gumawa ng trabaho sa hardin, magpakain ng hayop, maglabas ng basura sa kalsada at tumulong sa mas nakakatandang babae sa gawaing bahay. Bilang kanilang magulang, tignan ang pangangailangan sa iyong kapaligiran.
Tandaan: siguraduhing ang pagtulong sa iyo o sa kapitbahay ay hindi laging para sa pera – sila ay dapat na matulungin sa iyo, sa mga balo at sa mahihirap.
Perang kanilang kinita. Ano ang gagawin nila sa perang kanilang pinaghirapan? Mahalagang huwag mong itigil ang proseso ng pagtuturo sa oras na sila ay kumita ng pera. Kailangan mo silang turuan kung paano gagastusin ang perang kanilang kinita.
Kagustuhan ng mga bata. Ang pinakamalalang bagay na maaari mong gawin ay ibigay ang lahat ng kagustuhan ng iyong mga anak. At, huwag palitan ang mga bagay na kanilang nawala o nasira, o nanakaw – kung ito ay dahil sa kanilang pagiging iresponsable.
Madadala nila ito sa kanilang pagtanda. Ano man ang ituro mo sa kanila tungkol sa perang kanilang kinita ay madadala nila hanggang sa kanilang pagtanda. Nais mo bang umasa sila sa iyo sa oras na dapat ay mag-isa na sila?
Ang Diyos ang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan. Unang-una, magbigay ng ikapu! Turuan ang iyong mga anak na ang Diyos ang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan. Hinihiling lang ng Diyos na magbigay tay ng 10% sa Kanya at atin na ang natirang 90%! Ang pagbibigay ikapu ay ginagawa sa lahat ng bagay na pinagkakitaan. Ang pagbibigay ay hindi ginagawa kung ang bata ay nakakakuha ng pera bilang regalo mula sa ibang tao.
Itabi ang 10%. Itabi! Turuan ang batang magtabi ng susunod na 10%.
Pangangailangan sa hinaharap. Sunod ay bayaran ang mga pangangailangan. Tignan ang pangangailangan nila sa hinaharap katulad ng sinabi sa itaas (bayarin, mga kagamitan o mga damit) o posibleng regalo para sa kaarawan, araw ng mga Ina, atbp.
Pagtuturo ng tamang pagbili. Panghuli, ang bata ay maaaring gumasto para sa kanyang mga “kagutushan.” Ang babala rito ay ang pagtuturo ng tamang pagbili. Ito ay magagawa lamang kung IKAW ay gumagamit din ng tamang pagbili. Ang PINAKAMAINAM na paraan upang magsimula ay ang bilhin lamang ang iyong kailangan at gagamitin, gawin ang Ika-2 Kabanata, “Pagtatapon ng kalat” sa librong Manggagawa sa Tahanan. Noong inalis ko ang LAHAT ng aking mga binili ngunit hindi ginamit, binago nito ang kaugalian ko sa pagbili at ganoon din ang ginawa sa hindi mabilang na kababaihang nagkaroon ng parehas na resluta.
Kanyang sariling pera. Huwag pahintulutan ang mga laruan, laro o libro na mayroong masamang impkuwensya sa iyong anak dahil lamang gamit niya ang “sarili niyang pera.” At, huwag sila payagang bumili ng mga damit na nagrerebelde (mga bagay na hindi mo bibilhin para sa kanila) dahil lamang sa pera nila ito.
Ang pinakamainam na bilhin. Tulungan ang iyong anak na bumili ng mga bagay na magtatagal, mahanap ang pinakamainam na bilhin at huwag magpadala sa mga “usong” bagay.
Kaayusan
Turuan silang maging maayos. Kailangang sanayin ang isang bata na maging maayos, ngunit hindi mo sila matuturuan ng bagay na hindi mo natutunan sa sarili mo! Ang aking ina, Kaawan nawa siya ng Diyos, ang pinakamagulong taong nakilala ko. Noong ako ay ikinasal ay wala akong ideya kung papaano aayusin ang aking tahanan at mapatakbo ito ng maayos. Kung kayo ay nahihirapan sa bahaging ito, mayroong pag-asa. Isinulat ko ang karamihan sa mga ideya kung papaano mapapanatili ang aking bahay at pamilya (na mayroong siyam na tao) na tumakbo ng maayos. Kumuha ng kopya ng Manggagawa sa Tahanan: Pagsusulit sa Oras na Mayroon Ka. Ang isang babae na nagmamay-ari ng lahat ng aking libro ay nagsabi sa kanyang kaibigan na “Ang Manggagawa sa Tahanan ay ang PINAKAMAHUSAY na librong aking nabasa at ito ay tunay na gumana!” Boca Rotton, Florida.
Sa anomang paraan nila naisin. Maging masipag sa pagpapanatiling maayos ng kanilang mga kwarto. Maraming ina ang nag-iisip na dahil ito ay “kanilang kwarto” ay maaari nila itong panatilihin sa paraang nais nila, basta mananatiling sarado ang pinto.
Kanilang tahanan. Samakatuwid, ang iyong mga anak na babae ay mapapanatili ang kanilang tahanan sa ganoong pamamaraan!
Pinayagang mapanatili ang kanyang kwarto. Maraming babae ang pumapayag na maging burara ang mga anak nilang lalaki. sa aking palagay ay hindi ka magugustuhan ng iyong magiging manugang kapag ang iyong anak na lalaki ay pinayagan mong panatilihin ang kanyang kawarto!
Babala: Maging maingat sa pagpapalaki ng “ugaling mapang-angkin” tungkol sa kanilang kwarto at kanilang mga kagamitan. Kailangan mo silang turuan at ipamalas sa iyong mga anak na “wala tayong pag-aari.” Tayo ay mga katiwala sa lahat ng ipinagkatiwala ng Diyos sa atin.
Paano ito gawin. Turuan sila kung paano gagawin ang mga Gawain at atupagin na hininging gawin nila.
Gawin ng tama. Gumawa ng magkasama sa simula; at kinalaunan, kapag kanilang napagsanayan na ang kakayanan, tignan paminsan-minsan ang kanilang gawa upang masigurong ito ay nagagawa ng tama.
Napakaganda ng lahat. Maraming eksperto ang nagsasabing masisira natin ang pagpapahalaga ng mga anak natin sa kanilang sarili kung hindi natin sasabihing “ang lahat ay napakaganda.” At pagkatapos na sila ay wala na sa kanilang mga kwarto ay atin ng “aayusin” ang mga nalampasan nila o nagawang mali. Ang mga bata ay nais at nangangailangan ng katotohanan mula sa atin. Huwag matakot na itama sila. Siguraduhin lamang na ito ay pinag-uugatan ng pagmamahal, hindi ang kagustuhan patunayan sa kanila na sila ay talunan.
Buuin ang pagtatangi. Ayaw mong buuuin ang pagtatangi ng iyong anak. (kung hindi ka pa naniniwala, basahin ang Ika-6 na aralin sa Kababaang loob laban sa Pagpapahalaga sa Sarili.)
Pagnanais na mapabuti. Mahalagang sanayin sila ng may kagustuhang “maging mas mapabuti.” Ito ay dapat na patuloy na proseso. Ang paggawa ng bagay ng tama ay dapat na inaatim natin, hindi ito dapat iakatalo.
Handa ng inspeksyunin, Ginang. Mayroon akong mga anak na nagsasabing “Handa ng inspeksyunin, Ginang.” Pagkatapos ay aking ituturo ang mga bagay na kanilang nalagpasan. At ako ay muling babalik upang tignan muli ito.
Maghanda ng maaga. Turuan silang maghanda ng maaga sa pamamagitan ng paghahanda ng lamesa sa gabi bago mag-almusal, paghahanda ng mga damit para isuot kinabukasan, pag-aayos ng kanilang mga bag pampalakasan pagtapos malinis at matuyo ang mga ito, at pagbabalik sa ma gamit sa pinto upang kuhanin kapag sila ay palabas na ng pinto. Makakakita ng mga payo tungko dito sa Manggagawa sa Tahanan: Pagsusulit sa Oras na Mayroon Ka.
Gawaing-bahay
Ibaba ang iyong mga inaasahan. Kapag nagtatrabaho kasama ang mga bata, ang pasensya ay kinakailangan talaga, kasabay ang pagbababa ng iyong mga inaasahan kumpara sa inaasahan natin sa ating sarili.
Pamumuhunan sa hinaharap. Mas madali ngayon sa iyong gawin ang lahat, ngunit, sa pamamagitan ng pagsasanay sa iyong mga anak, ikaw ay namumuhunan sa hinaharap – para sa iyo at sa kanila.
Huwag basta lamang pumulot ng kalat nila. Turuan silang mapanatiling malinis at maayos ang inyong tahanan. Tawagin sila (sa kwarto o sa bahay) kapag may naiwan silang bagay na wala sa ayos. Huwag basta lamang pumulot ng kalat nila!
Mahirap ang maging mapagpasensya. Ang kanilang pagdalo sa iyo sa kusina ay maaaring makatulong din. Babala: huwag mamuhunan dito kapag ang hapunan ay huli na o ikaw ay may inaasahang bisita – magiging mahirap na magng pasensyoso!
Sanayin ang iyong mga nakababatang anak na lalaki. Sanayin ang mga batang lalaki na maglaba. Ang gawaing bahay ay hindi lamang pambaba dahil karamihan sa mga lalaki ay namumuhay mag-isa bago sila magpakasala. Terible kapag ang isang ina ay hindi sinanay ang kanyang nakababatang anak na lakaki. Hindi ba mamahalin ka ng husto ng iyong mamanugangin kapag siya ay nanganak sa kanilang panganay at napanatili ng kanyang asawa na malinis ang tahanan at wala ng labahan? Ang mga batang lalaki na nagkakaedad 9 hanggang 10 ay medaling matututunan ito. Kung ikaw ay maghihintay kapag sila ay nagbibinata na, ikaw ay naghintay ng matagal. Huwag hintayong sila ay mga binata na bago ituro ang mga gawaing ito. Ang rebelyon ay nagpapakita ng matigas na ulo nito, lalo na kapag ikaw ay mayroong maliit o walang kontrol sa kanila noong sila ay bata pa.
Ang pinakamadaling paraan upang “sabihin” sa iyong nakatatandang anak (at karamihan sa mga maliliit din!) ay ang pagpapatupad ng pamamaraan ng 3x5 na kard mula sa Manggagawa sa Tahanan. Ang mga kabataan ay ayaw ng napagsasabihan kung ano ang dapat nilang gawin. Ang paraang ito ay pagsasabi sa kanila ng hindi pagsasabi sa kanila.
Mungkahi: Bitawan ang titulong “tinedyer” mula sa iyong bokabularyo. Ito ay nagmumungkahi ng rebelyon. Sila ay mga “nakababatang kalalakihan” o “nakababatang kababaihan” at ikaw ay umasang ganito dapat sila aasta.
Espiritwal
Pag-usapan ang tungkol sa Diyos. Kausapin ang iyong mga anak ng tungkol sa Diyos, iyong Panginon, at kung papaano siya nagiging bahagi ng iyong pang-araw araw na buhay.
Panalangin sa Araw-araw. Manalangin kasama sila tungkol sa kanilang pangangailangan at mga takot. Hilingin sa kanilang magdasal para sa iyong pangangailangan, lalo na kapag mayroong krisis pampamilya. Ang panalangin sa araw-araw ay ang pinakamabisang lunas sa araw-araw na suliranin.
Ibahagi ang iyong mga pagsubok. Hindi mo “isinasaksak sa kanilang lalamunan” ang pagbabahagi ng iyong mga pagsubok sa kanila at kung papaano ka tinulungan ng Panginppn na malagpasan ang lahat ng ito. Huwag itago ang lahat ng iyong pinagdadaanan bilang nakatatanda kapag sila ay hindi handa sa buhay. Ngunit, huwag din makampante ay ibahagi ang mga detalye na hindi pa dapat nila kaharapin bilang mga bata.
Babala: May tenga ang mga bata at naririnig nila ang lahat! Mag-ingat sa iyong sasabihin sa kanilang harapan at lalo na bantayan ang iyong dila akapag ikaw ay nasa telepono. Ang iyong mga anak ay hindi mo matalik na kaibigan. Kinakailangan nilang maging magulang ka nila at protektahan sila habang sila ay bata pa!! huwag ibahagi ang takot sa iyong mga anak.
Makita ang iyong kagalakan! Isabuhay ang iyong pananampalataya! Maging mahinahon at tahimik. Hayaang makita nila ang iyong kagalakan sa Panginoon! Isang bagay na aking ginagawa sa aking maliliit na mga anak araw-araw ay ang tulungan silang isuot ang sandata ng Diyos. Turuan silang isabuhay ito katulad ng pagsusuot ng bawat piraso ng sandata. Ang aking mga maliliiit na anak na lalaki ay dating gumagawa ng knilang mga sandata at salakot. Sinasabi nila ng malakas, “Ito ang aking espada ng espiritu – ang Salita ng Diyos!” “Ako ay nakasuot ng sandalyas ng kapayapaan, kaya ako ay ang magiging tagapamayapa kapag nakakakita ako ng kaguluhan!” “Ito ang ang kalasag ng aking pananampalataya, upang aking masapol ang lahat ng umaapoy na tunod ng diyablo na ipinupukol niya sa akin!”
Akayin sila sa Panginoon sa murang edad. (Huwag pabayaan ang biyayan ito sa isang guro sa Lingguhang paaralan o sa ibang tao.) kapag natutunan nila mula sa iyong ang Diyos ay isang MAPAGMAHAL na Diyos, sa pamamagitan ng pakikitungo mo sa kanila, ang iyong mga anak ay magnanais ng parehas na relasyon sa Panginoon katulad ng sa iyo sa Kaniya at sa kanila.
Pagtatago ng Salita ng Diyos sa kanilang mga puso. Hayaan silang sauluhin ang mga Kauslatan araw-araw. Sa pagtatago ng Salita ng Diyos sa kanilang mga puso magkakaroon sila ng pundasyong kakailanganin nila para sa isang dakila at maka-Diyos na pagkatao. Makakakita ng ilan sa mga payo sa pagsaulo ng Bibliya sa Mga Manggagawa sa Tahanan at Pagtuturo sa Tahanan para sa Kaniya na makukuha mula sa aming ministeryo.
Pagdidisiplina at pagsasananay. Sa pagsunod sa Salita ng Diyos sa pagdidisiplina, pagasanay at pagwawasto ng iyong mga anak, ikaw ay nagpapamalas ng halimbawa para sa kanila na kanilang gagawin sa iyong magiging mga apo.
Paggalang
“Igalang mo ang iyong ama at ina.” Efeso 6:2. Ito ang dapat na pangunahing Kasulatan na dapat masaulo ng mga batang may edad na 2 o 3.
Sundan ang iyong halimbawa. Maging maingat kung papaaano ka nakikipag-usap sa iyong mga magulang sa harap ng iyong mga anak: ang iyong mga anak ay susunod sa iyong halimbawa. Siguraduhing ituring at kausapin ang iyong mga magulang sa paraang nais mong ituring ka rin kapag ikaw ay tumanda na.
Purihin ang mga batang walang galang. Huwag hayaan ang iyong mga anak na mawalan ng galang sa ibang nakatatanda. Kapag pinayagan mo ang telebisyon sa iyong tahanan, tinuturuan mo silang maging rebelled. Ang hindi paggalang sa mga nakatatanda ay binibigyang diin sa lahat ng palabas na kanilang napapanood at pelikulang nakikita. Sadyang pamoso ngayong panahong ito na purihin ang mga batang walang galang.
Pagsagot. Pinapayagan mo bang sumagot sa iyo ang iyong mga anak? Kapag sila ay sumagot ng higit sa “Opo, Ginang” o “Hindi po, Ginoo” sila ay sumasagot.
Huwag itong pahintulutan. Agad-agad; paluin sila. Huwag pumayag na sila ay sumagot. (Basahin ang Ika-4 na aralin, “Kabaitan sa Kaniyang Dila.”)
Opo, Ginang. Sanayin silang sumagot sa iyo ng “Opo, Ginang?” o “Opo, Nanay?”
Maghintay hanggang sa mapayapa na ang mga bagay. Huwag silang sigawan kapag sila ay sumasagot dahil ito ay magdudulot sa kanilang sigawan kang muli. Marahan na paluin sila, at ipaliwanag na ang “pagsagot’ ay hindi na muli maaaring mangyari.
Ikaw ay sinungaling. Kapag ginawa nilang muli ito at hindi mo sila pinarusahan, ikaw ay sinungaling at kasuklam-suklam sa Diyos. Sa oras na sinisindak moa ng iyong mga anak at hindi mo ginagawa ang paninindak na ito, ikaw ay sinungaling. Palitan ang paninindak ng mga babala at gawin ito! (Basahin ang Ika-4 na aralin, “Kabaitan sa Kaniyang Dila,” dahil “Ang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman; sapagkat itinakuwil mo ang kaalaman….” Hoseas 4:6.)
Ilang beses kang tatawag? Huwag kang tatawag ng dalawang beses. Alam ng mga bata kung ilang beses kang papaya na tawagin sila. Lahat ng bata ay naghihintay na magpunta dahil alam nila kung kalian ka “sasabog.”
Papunta na ako! Turuan silang sumagot sa iyong unang tawag ng “Papunta na ako!” Ito ay magsisimula sa iyong pagtuturo sa iyong batang anak ng pagsasabi ng,”Papunta na ako, Inay,” at pagkuha sa kanyang kamay at pagdala sa kanya pabalik sa iyo, at pagouri sa kanya habang ginagawa ito.
Biglang hindi nakakalakad. Kung sila ay “nanghina sa kanilang tuhod” at biglang hindi makalakad, makakatanggap sila ng mahinang pagtapik.
Pagsama ng may kusang loob. Sa oras na kaya na nilang sabihin ang mga salitang “Papunta na ako, Inay,” alam nilang ito ay kanilang ideya, at sila ay patakbong magtutungo ng kusang loob.
Ikaw ba ay masyadong tamad? Huwag silang tawagin kung ikaw ay masyadong tamad upang kuhanin sila pagtapos ng iyong unang pagtawag. Tandaan: ang naantalang pagsunod ay hindi pagsunod! Ituro ang respeto para sa ibang tao sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iyong sinasabi sa kanila.
Ibatay ang bawat aralin sa Pundasyon ng Kasulatan. Huwag magsalita ng hindi maganda tungkol sa iba at huwag pumayag na gawin ito ng iyong mga anak. Sinsusubok kong ibatay ang bawat aralin sa mga Kasulatan. Maraming Kasulatan ang patungkol sa paksang paninira ng puri.
Magpakita ng respeto. Ipakita ang respeto para sa gamit at pag-aari ng ibang tao. Ang pamumuhunan sa ibang tao ang makapagtuturo nito. Tulungan silang maghanap ng mga oportunidad na makatulong sa isa sa inyong mga kapitbahay sa kanilang tahanan. At, maari mo rin silang patulungin sa kanilang mga kapatid sa paglilinis ng kanilang mga kwarto, pag-aayos ng bisikleta, o sa mga gawaing bahay.
Kaugalian
Pagpapakilala sa kanilang sarili. Turuan ang iyong mga anak ng magalang na paraan ng pagpapakilala ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng “Nagagalak akong makilala ka” ng may ngiti (at pakikipagkamay para sa mga lalaki). Nakita ng aking mga anak na babae ang pelikula ni Shirley Temple kung saan siya ay tumungo. Ginagawa nila ito kapag sila ay ipinakikilala sa isang kakilala ng kanilang lola. Ang mga nakatatandang kalalakihan ay lubhang natuwa ditto at ipinamalita sa maraming mga tao ang kaibig-ibig, mababait na batang babae na nag-aaral sa tahanan.
Wastong pag-uugali sa telepono. Ituro sa kanila ang tamang pag-uugali sa telepono. Hayaan silang ipakilala an kanilang mga sarili at magtanong ng, “Sino po ang tumatawag, pakiusap?” pagtapos ay turuan silang takpan ang telepono, at umalis upang tawagin ka – at huwag kang tawagin ng pasigaw!
Makipagtitigan sa mata. Tignan sila sa kanilang mga mata upang matuto din silang gawin ito. Ang hindi pagtitig sa mata ay makaapekto sa kung paano tatanggapin ng ibang tao ang kanilang sinseridad. Mararamdaman ng mga taong makakasalamuha nila na hindi sila tapat, mapanlinlang o hindi komportable.
Pinapahintulutan mo ba ang iyong mga anak na ikaw manggambala? Ikaw ba ay nagpapalakas ng kanilang pangggagambala sa pagpapahintulot sa iyong mga anak na kunin ang kanilang gusto kapag sila ay nanggambala? Huwag pumayag na sila ay manggambala kapag ikaw o ang ibang tao ay nagsasalita. Turuan silang:
Tumayo ng tahimik. Turuan silang tumayo sa tabi mo ng tahimik. Pagtapos ng saglit na paghihintay, umalis saglit at itanong sa kanila ng tahimik kung ano ang kanilang kailangan. Ang aking mga maliliit na anak ay inilalagay ang kanilang mga kamay sa aking braso upang makuha ang aking atensyon, ng hindi nagasalita.
Umalis at muling bumalik. Kung sila ay manggagambala, paalisin sila at pabaliking muli at gawin ang iyong sinabi – paulit-ulit hanggat kinakailangan!
Huwag makinig. At huwag pakinggan ang nais nila o ikaw ay nagpapalaki ng panggagambala!
Maghintay hanggat wala ka ng ginagawa. Habang sila ay tumatanda, ang panahon ng kanilang paghihintay ay dapat na sinusukat. Sa oras na sila ay 6 na, kailangan nilang maghintay hanggang wala ka ng ginagawa, maliban na lamang kung ito ay oras ng kagipitan. Oo, sila ay maaaring “mag-iwan sayo ng maliit na sulat.” Kapag sila ay sasagutin mo na, siguraduhing “umalis ng may paumanhin” sa taong kinakausap mo!
Ang tamang pag-aasal ay pang habambuhay. Huwag gamitin ang salitang “hanggat ikaw ay nasa pamamahay ko dapat ay….” Hindi ba nais mo na makabuo ng isang Maka-diyos na anak na lalaki at babae? ang mabuting pag-uugali ay dapat na pang habambuhay. Mahalagang mbuo ang karakter ng iyong anak, at hindi lamang patigilin ang tawag ng laman.
Huwag. Huwag magsasalita ng hindi maganda tungkol sa iyong mga anak, kahit kailan! Huwag silang tatawaging pilyo o mas malala pa. huwag sabihing hihintayin mong makapag-aral na sila o sila ay Malaki na. aanihin mo ang iyong itinanim. Ang ganitong pag-uugali ay babalik din sayo kinalaunan. At, magkakaroon ka ng pilyong anak sa kamay mo ngayon!
Pag-aaral sa Tahanan
Maraming tao ang nag-iisip na kakaiba na aking tinuturuan ang aking mga anak sa bahay. Alam ng panginoon na ito ay hindi isang pangako lamang kundi isang matibay na paniniwala. Kahit pa hindi natin naiisip s aating sarili na “tagapagturo sa tahanan” dahil hindi tayo angkop sa karaniwang hulma, HINDI natin dapat ibaling an gating mga anak s aibang tao upang maturuan. Ano mang paghihirap ang aming hinarap sa 16 na taon na pagtuturo sa aming mga anak, ang BIYAYANG aming inani ay mas MATIMBANG kaysa sa kahit na anong pagsubok na aming kinaharap.
Sa ibaba ay ilan lamang sa aking mga dahilan at matibay na paniniwala kung bakit ko tinuturuan ang aking mga anak sa tahanan. Kung hindi mo natuturuan ang iyong mga anak sa tahanan, ako ay umaasang pagtapos mo itong mabasa ay makararamdam ka ng isang bagay na dapat mong ipanalangin kasama ang iyong asawa. Simula ng ang kabanatang ito ay unang isinulat ay nagdulot ito ng maraming katanungan mula sa mga magulang na nagtuturo sa kanilang mga anak sa kanilang tahanan, AT dahil kapwa ako at si Dan ay mayroong puso para sa mga magulang na nagtuturo sa kanilang mga anak, kami ay naglathala ng isang librong aralin, Pagtuturo sa Tahanan para sa Kaniya! na matatagpuan ninyo sa aming website na EncouragingBookstore.com.
At iyong ituturo nang buong sikap. Ibingay ng Diyos ang iyong mga anak sa iyo upang sanayin sila hanggang sa sila ay tumanda. Bilang nakatatanda, kailangan nilang malaman, kasama ang mga bagay na espiritwal, kung papaano magbasa, magsulat at magbilang. Kinakailangan lamang buksan ang telebsiyon at balita, basahin ang dyaryo o kumuha ng magasin upang makita na ang mga nakatapos ng mataas na paaralan ay wala ng mga ganitong klase ng kakayanan. Ang malalaking kompanya ay kinakailangang gumastos ng pera upang magturo ng mga pahabol na klase sa ating mga kabataan dahil hindi nila natutunan ang mga simpleng bagay na ito sa loob ng mahigit 12 taon sa paaralan. “At iyong ituturo nang buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasabihin sa kanila kapag ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, kapag ikaw ay lumalakad sa daan, at kapag ikaw ay nahihiga, at kapag ikaw ay bumabangon.” Deuteronomio 6:7.
Pinagkalooban sila ng Diyos ng kaalaman at katalinuhan. Ikaw ay naglaan ng maraming taon sa pagtuturo sa batang ito ng tamang asal at karunungan, at pagkatapos ay babaguhin ng paaralan ang lahat ng kanilang natutunan. At higit pa rito, tuturuan nilang lumaban ang iyong anak sa iyo at sa kanilang mga kapantay. Hindi kailanman makakatayo si Daniel kung hindi siya nasanay ng kaniyang mga magulang noong siya ay maliit pa lamang. Sinasabi natin sa Kasulatan sa Daniel 1:17 na nagsasabing: “Tungkol sa apat na mga binatang ito, pinagkalooban sila ng Diyos ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan. Si Daniel ay mayroong pagkaunawa sa lahat ng pangitain at mga panaginip.”
Magpasiya sa iyong sarili. Katulad ng lahat ng pangako, mayroong mga kondisyon na kinakailangang matugunan. Ang kondisyon ng Diyos, na nakamit ng mga kabataang ito ay, manatili silang walang dungis. “Ngunit ipinasiya ni Daniel na hindi niya durungisan ang sarili…” Daniel 1:8. Kung ating pananatilihing walang dungis katulad ng ginawa ng mga magulang ng mga kabataang ito, ngayon ay maaari na tayong magtiwalang ibibigay ng Diyos ang pangangailangan ng ating mga anak.
Itanong ang mga katanungang ito sa iyong sarili: kung ang iyong mga anak ay napapalibutan ng kasamaan, sila ba ay mananatiling walang dungis? Ang kaalaman ba ng mundo ay mas mahalaga kaysa sa kondisyon ng kanilang kaluluwa? Nais mo bang matutunan ng iyong mga anak ang ibang relihiyon? Ang Sekular na humanism ay itinuturo sa lahat ng mga pampublikong paaralan at inihahahalo sa bawat paksa na kanilang kinukuha. “Sapagkat aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kanyang bibig.’ Hoseas 2:17.
Aming mga araw. Naisip mo bang ang mga araw na inilaan sa paaralan laban sa kanilang oras sa tahanan kasama ka, kanilang ama, at mga kapatid? “…ang aming mga araw sa lupa ay gaya ng anino…” 1 Cronica 29:15
Ang kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos. Nais mo bang ang kanilang mga kaibigan ay manguna sa kanilang buhay? Nais mo bang ang kanilang mga kaibigan ang mga taong nais nilang lugurin? Hindi ba dapat ikaw at ang Panginoon ang una sa kanilang mga buhay? Hindi mo ba nais na lugurin nila ang Diyos higit sa lahat? “Kaya't sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos.” Santiago 4:4
Ang mga bagay na palihim nilang ginagawa ay kahiya-hiyang sabihin. Alam naman nating lahat ang mga problema sa paaralan: pamimilit ng mga barkada, droga, pakikipagtalik, pag-inom at karahasan. Hindi lamang an gating mga anak ay mulat sa kasamaang ito, kundi ang mga paaralan mismo ang nagtuturo ng kasamaan sa ating mga anak! Nagtuturo sila sa inyong mga anak ng tungkol sa AIDS, kabaklaa, pagpigil sa pagbubuntis, pagsusumbong sa mga magulang para sa pang-aabuso, atbp. “At huwag kayong makibahagi sa mga gawa ng kadiliman… Sapagkat ang mga bagay na palihim nilang ginagawa ay kahiya-hiyang sabihin.” Efeso 5:11-12.
Lumayo. Sa halip, turuan silang “…lumayo siya sa masama at gumawa ng kabutihan.” 1 Pedro 3:11. Isang nakakatawang kwento: Noong si Cooper, ay limang taong gulang pa lamang, ay nag-aaral bilang maging maginoo (noon gang kanyang mga kapatid na babae at ako ay nagbibihis), siya ay lumalayo at magsisimulang kumanta gamit ang tono ng “Dixie,” “Tumingin palayo, tumingin palayo, tumingin palayo, Maka-Diyos na lalaki!”
Umalis ka sa harapan ng isang taong hangal. Ating sundin ang Salita ng Diyos kapag Siya ay nagbabala, “Umalis ka sa harapan ng isang taong hangal, sapagkat doo'y hindi mo matatagpuan ang mga salita ng kaalaman.” Mga Kawikaan 14:7.
Baka siya mabuwal. Nais mo bang ang iyong asawa ay nagtatrabaho sa isang aliwan o isang lugar kung saan talamak ang imoralidad, droga, karahasan at alak? Gaano katagal niya maiisip na kaya niyang “tumayo” bago siya maapektuhan? “Kaya't mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya mabuwal.” 1 Corinto 10:12.
Ang masasamang kasama ay nakakasira ng mabuting pagkatao. Ang iyong mga anak ay mayroong kaunting lakas upang labanan ang masamang impluwensya kaysa sa isang nakatatandang lalaki o babae. “Huwag kayong paloloko, Ang masasamang kasama ay nakakasira ng mabuting pagkatao.” 1 Corinto 15;33.
Maging sanhi ng pagkatisod ng isa sa maliliit na ito. Kung ilalagay mo ang iyong mga anak sa isang kapaligiran na may kasamaan at makasisir sa kanilang magandang asal, hindi ba ikaw ang tinutukoy ng Kasulatang ito? “Hindi maaaring di dumating ang mga kadahilanan ng pagkatisod, subalit kahabag-habag ang sinuman na pinanggagalingan niyon. Mabuti pa sa kanya na bitinan ang kanyang leeg ng isang batong panggiling, at ihagis siya sa dagat, kaysa siya ang maging sanhi ng pagkatisod ng isa sa maliliit na ito.” Lucas 17:1-2.
Ito ang ilan pa sa mga benepisyo ng pagtuturo sa iyong mga anak sa tahanan:
Turo ng iyong ina. Dahil ikaw ang guro ng iyong anak, makasisiguro kanga ng iyong anak na lalaki o babae ay matututo ng lahat ng kinakailangan niyang malaman. Hindi mo kailangang magturo sa 30 bata, kaya maaari kang maglaan ng oras na ipaliwanag sa bawat bata ang ano mang hindi niya nauunawaan. Hindi mo kinakailangang magpatuloy sa leksyon hanggat hindi sya dalubhasa sa naunang kakayanan. Ito ay pagtuturo ng nakatuon sa isang tao, ang isang pamamaraan kung saan nangunguna ang lahat ng bata. …At huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina; sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo.” Mga kawikaan 1:8-9.
Sapagkat papasok sa iyong puso ang karunungan. Maaari kang maglaan ng oras sa pagtuturo ng “akademya” sa halip na aksayahin ang oras sa pagtuturo ng pagpipigil ng pagbubuntis, pang-aabuso sa kabataan, paggamit muli ng mga bagay o pagsamba sa “inang kalikasan.” Ang kanilang oras ay magagamit ng tama. Maaari rin silang magkaroon ng kakayanang maging pinuno dahil ibinukod ng Diyos ang mga napili Niyang mamuno, tulad ni Abraham, Jose, Moses, Juan Bautista at Hesus. “Sapagkat papasok sa iyong puso ang karunungan, at magiging kaaya-aya sa iyong kaluluwa ang kaalaman.’ Mga Kawikaan 2:10.
Hanapin muna ninyo ang kanyang kaharian. Maaari mong unahin ang pagbabasa ng Bibliya at pagsasaulo nito. Kapag inuna mo ang pinakamahalagang mga paksang ito, maaari mong angkinin ang Kasulatang: “Ngunit hanapin muna ninyo ang kanyang kaharian[a] at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.” Mateo 6:33. Huwag kalimutan ang librong Pagtuturo sa Tahanan ay mayroong mahusay na pamamaraan upang magsaulo ng mga Kasulatan.
Kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa. Ang iyong layunin para sa mga babae mong anak ay dapat na iba sa iyong layunin para sa mga lalaki mong anak. Bawat isa sa mga batang babae ay dapat na makapagturo sa kanilang mga anak at makatulong sa kanilang asawa. Dapat mo silang hikayating huwag habulin ang kanilang karera, na maglalagay sa kanilang pagsasamang mag-asawa sa alanganin. Gamitin ang Mga Kawikaan 31 bilang gabay.“At purihin siya ng kanyang mga gawa sa mga pintuang-bayan.” Mga Kawikaan 31:31. Ngunit ang pinakamahalaga, maaari mong gabayan ang iyong mga anak na magkaroon ng “…ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos.” 1 Pedro 3:4. Ang maamo at mapayapang diwa ay matutunan lamang mula sa iyong halimbawa. At isa pa, hindi ako naniniwalang ang ganitong diwa ay isa sa mga layunin ng pampublikong paaralan!
Walang espiritu. Ang aking layunin para sa aking mga anak ay magkaroon ng magiting na diwa, kasabay ang pagkatuto ng kasipagan at malakas na wastong asal sa pagtatrabaho. “Patay ang katawang walang espiritu.” Santiago 2:26.
Kanyang itataas kayo. Kapwa ang iyong mga anak na babae at lalaki ay kinakailangang matuto na ipamuhay ang kanilang buhay para sa Panginoon. “Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at kanyang itataas kayo.” Santiago 4:10.
Makakapuksa ng kaluluwa. Ang daan upang akayin ang buhay ng ating mga anak ay hindi sa kolehiyo o magandang trabaho kung saan magkakaron sila ng maraming salapi. Isang bagong pagsisiyasat ang nagsabi na, ang mga nagsasabing Kristiyano (ating mga anak lalaki at babae) at nagtungo sa kolehiyo (sekular at mga Kristiyanong kolehiyo), 80% sa kanila ang tumalikod sa kanilang pananampalataya! Ang mas malala pa ay 40% lamang ang mga bumalik sa Diyos. Mga magulang, ang digri sa kolehiyo ba ay mas mahalaga kaysa sa kaluluwa ng iyong anak habambuhay? “At huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan, ngunit hindi nakakapatay ng kaluluwa, kundi katakutan ninyo siyang makakapuksa ng kaluluwa at ng katawan sa impiyerno.’ Mateo 10:28.
Pupunuan ng aking Diyos. Maraming besesay ang “pagmamalaki” ng mga magulang ang nagdulot upang kanilang ipadala ang kanilang mga anak sa kolehiyo. Babala sa lahat ng kolehiyo, lalo na kapag ito ay malayo sa tahanan. Maaaring ikaw ay nagbabayad para sa kahanga-hangang anak mong lalaki (o babae) na madala ng tukso at iba pang kasalanan tulad ng pag-ino m at droga. Hindi iniwan ni Hesus ang Kaniyang mga magulang hanggang Siya ay 30! Maraming maling pagtuturo ang itinanim sa isipan ng mga kabataan kahit pa sa mga Kolehiyong Biblikal at nagdulot ng “masamang bunga” kinalaunan sa buhay. Ang kawili-wili, si Charles Darwin, ang ama ng ebolusyon, ay mayroong digri sa teolohiya! “At pupunuan ng aking Diyos ang bawat kailangan ninyo ayon sa kanyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.” Filipos 4:19. Babala: Ako ay personal na kumausap sa mga kababaihang may mga asawang natuto ng hindi mailarawang, at malalaswang, teorya mula sa kanilang mga propesor sa Biblikal na Kolehiyo.
Bilangin ang aming mga araw. Ang pinakamahalagang benepisyo ay ang “DAMI,” hindi ang kalidad, ng oras na inilalaan mo kapiling ang iyong mga anak. Naaalala mo bang sinasabi ng mga nakatatanda kung “gaano kabilis lumipad ang oras,” at “samantalahin ang iyong mga anak habang sila ay bata pa”? kunin ang paying ito, dahil sila ay tama. Hindi ako makapaniwala kung gaano kabilis ang panahon noong maliliit oa ang mga nakatatanda kong anak. Hindi ko na maibabalik pa ang oras na iyon. Nais kong balikan ang bawat segundong kasama ko ang aking mga anak ng hindi pinagsisihan ang pnahong aking nasayang. “Kaya't turuan mo kami na bilangin ang aming mga araw, upang kami ay magkaroon ng pusong may karunungan.” Mga Awit 90:12.
Benepisyo ng Pagtuturo sa Tahanan
Sagana sa kagalakan. Kapag ikaw ay naglaan ng oras sa pagtuturo, pagsasanay, pagdidisiplina at pagwawasto ng iyong mga anak ay mag-aani ng masaganang na kagalakan.
Mga batang may maayos na pagkilos. Ang paglalaan ng oras sa pagbuo ng mga batang may maayos na pagkilos ay magdudulot ng papuri mula sa ibang tao, sa halip na kahihiyan. At, ang iyong mga anak ang iyong testimonya at saksi sa ibang tao, kasama mo man sila o hindi na.
Wala nang higit na makapagpapaligaya sa akin. Kapag ikaw ay naglaan ng oras sa “pagtuturo, pagsasanay,” magkakaron ng mas kaunting panahon para sa pagwawasto. Hulihin ang masamang pag-uugali agad-agad. Tandaan, “Ang pamamalo sa oras ay makakatipid sa oras!” magkakaron ka rin ng katuwang, at hindi pabigat. Ngunit ang pinakamahalaga ay ang kanilang malakas na pananampalataya. “Wala nang higit na makapagpapaligaya sa akin kundi ang marinig ang balitang namumuhay ayon sa katotohanan ang aking mga anak.” 3 Juan 1:4.
Matigas na pagmamahal. Kung minahal mo sila ng sapat upang masanay sila ng maaga, hindi mo kakailanganing gumamit ng “matigas na pagmamahal” sa kanila kapag sila ay naging tinedyer na. ang “Matigas na pagmamahal” ay kinakailangan ng mga magulang na hindi nagdisiplina at nagsanay s akanilang mga anak habang ito ay mga bata pa. sila ay takot na gumamit ng pamalo dahil hindi sila natatakot sa Salita ng Diyos, sa halip ay natatakot sa tao. At oo, iminumungkahi ko ang “matigas na pagmamahal” para sa mga kabataan kahit pa hindi ako sumasang-ayon dito para sa samahan ng mag-asawa. Ang mga magulang ay inuutusang parusahan at kontrolin ang kanilang mga anak:gayunpaman, hindi ang asawang lalaki o babae ay tintuturuang rumesponde sa asal ng kanilang kabiyak ng kahit na ano bukod sa pagmamahal at respeto.
Babala: “Ang Matigas na pagmamahal” ay hindi kailanman maaaring gamitin sa iyong asawa. Ito ay hindi naaayon sa kasulatan at ang mga kahihinatnan ay sadyang nakapipinsala! Tignan ang Paanong Kaya at gagawin ng Diyos na Ipanumbalik ang Iyong Pagsasama sa Iyong Asawa: Mula sa Isang Taong Nanggaling na Roon upang matutunan ang bunga ng taong sumubok na nito!
Pagmamahal at paggalang para sa iyo. Kapag ikaw ay nagmahal, nagturo, nagsanay at nagdisiplina s aiyong mga anak, sila ay magiging parte parin ng buhay mo kahit pagkatapos nilang maikasal. Dahil itinuro mo sa kanila ang pagmamahal at paggalang para sa iyo, pipiliin nilang mapalapit sa iyo kahit pa sa pagtanda nila.
Pagsuportang pinansyal sa kanila. Isa pang biyaya ay ang hindi mo na pagsuportang pinansyal sa kanila sa kanilang buhay nakatatanda kapag sila ay sinanay mong magtrabaho ng maayos at may kasipagan.
Magpakita ng interes ngayon. Huwag maghintay na kausapin ang iyong mga anak; kapag nagpakita ka ng interes sa kanila ngayon, magpapakita din sila ng interes sayo kinalaunan.
Personal na pangako: na mahalin, turuan, sanayin, disiplinahin at gumamit ng pamalo sa aking anak ng may kasipagan. “Mula sa kaing natutunan galling sa Salita ng Diyos, ako ay nangangakong susunod sa plano ng Diyos para sa mga magulang na naiguhit sa Mga Kawikaan. Lagi kong tatandaan na ang mga batang ito ay sa Panginoon at ipinagkatiwala lamang sa akin. Ako ay nandito upang sila ay sanayin at disiplinahin ng may pagmamahal upang sila ay maging handing magserbisyo sa Diyos at magnais at magkaroon ng kakayanang sundin Siya.”
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.
Mga magagandang nobya, nais kong ibahagi sa iyo kung paano naging matapat sa akin ang aking Minamahal nang sundin ko ang prinsipyo ng Kabanata 5 na “Nanalo Nang Walang Salita.”
Nakatira ako ngayon malapit sa aming pamilya at nakikita na nang madalas ng aking mga anak ang kanilang mga lolo't lola. Nakakatuwa ang biyenan kong babae. Madaldal siya at kung minsan ay naiilang mga tao sa kanya. Alam ko na ang pagtira ko malapit sa aming pamiya ay kinailangan kong sanayin ang aking sarili na gampanan ang lahat ng mga prinsipyo ng RMI at mga alituntunin sa Bibliya.
Sa mga nakaraang linggo, pagkatapos kung makasama ang aking anak na lalaki, ay sinabi ng aking biyenan sa aking EH na ang aming anak ay hindi nagsasalita at nangangailangan ng speech therapy. Sinabi din sa akin ng EH kung ano ang kanyang sagot kanyang puna at nagpapasalamat ako na ang kanyan sagot ang siya ring paniniwala ko. Nagkasundo kami. Purihin ang Diyos! Pagkainis ang aking unang naramdaman. Sinuri ko ang aking pakiramdam at ipanagwalang bahala ko nalang. Tapos iniisip kong mabuti kung ang sinabi niya ay may merito. Kinausap ko ang aking HH na kung maari ay ipaalam sa akin kung may dapat akong gawin. Ang punang ito ay SOBRANG mahirap para sa akin. Patuloy binabagabag ang aking isipin. Sa tuwing maramdaman ko ito, ay isinsuko ko nalan sa aking HH. Sa loob-loob ko kay gusto kung kausapin siya. Nais ng aking HH na manahimik ako, kaya't nanatili nalang akong tahimik at hinintay Siya upang malutas ito.
Ang aking Mahal ay napaka-tapat dahil sa araw na ito binantayan niya ang aking mga anak habang wala ako sa bahay, ang aking anak ay napaka-madaldal, ginagaya ang mga sinasabi ng mga cartoons, kumakanta, at nagpapakitang-gilas. Ginawa iyon ng Aking Mahal sa harap niya at hindi ko na kailangang magsalita pa.
Hindi ako pinalaki na Manalo Nang Walang Salita. Ang aking likas na ugali ay palaging ipagtanggol ang aking sarili. Ngayon, ginagawa ko ang aking makakaya upang ipaubaya nalang sa aking HH at siya na ang magtanggol sa akin. Hindi naging madali para sa akin na gawin ito ngunit , ngunit palaging ito ay napakasaya.
Aking Mahal, Patuloy mong akong pinahanga. Patuloy mong ipinapakita sa akin ang mga bagay kung saan ginagawa Mo ang lahat para sa ikabubuti ko. Ang hindi magandang komentong ito ay naging ulat ng papuri. Salamat na ma-ipaubaya Ko sa iyo ang lahat ng aking mga alalahanin at ikaw ang bahala. Ang galing Mo!
Mahal kong mga nobya, ang manalo ng walang salita ay kabaliktaran sa kung ano ang tinuturo ng karamihan. Napakakonti lang ang gumagawa nito. Gayunpaman, sinabi Niya na gawin natin ito. Hinihimok ko kayo na makinig sa Kanyang sinasabi. Subukan ang prinsipyong ito. Isagawa ito. Ito ay magbibigay ng karunungan sa’yo at magbibigay ito ng pagkakataon sa ating HH upang maipakita niya ang kabutihan na maidulot nito. Magagalak kang malaman na inaalala Niya ang iyong mga hinaing. Magtiwala ka sa Kanya.
“Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae; Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot.” 1 Pedro 3: 1-2 ADB1905
“Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios. 1 Pedro 3:4 ADB1905
~ Rut Ester sa Puerto Rico