Kabanata 13 "Ang Ministeryo ng Pakikipagkasundo"

“Lahat ng ito ay mula sa Diyos,
na tayo'y pinagkasundo niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo,
at ibinigay niya sa amin ang ministeryo ng pakikipagkasundo.
2 Corinto 5:18

NEW-COVER-TGL-WW-Front-768x995-1

Ang lahat ng nagbabasa ng gawaing aklat na ito ay kasalukuyang nasa “hindi maayos” na kasal o may suliranin sa buhay may-asawa. Kapag ang iyong kaibigan o kapamilya ang nagbahagi ng detalye, ikaw ay makararamdam ng kawalang pag-asa, walang magawa at sobrang galit sa “ibang tao.” Ikaw ay nagdarasal para sa iyong kaibigan o kapamilya, sinusubukang pakalmahin sila at mag-alok ng kahit na anong klase ng tulong, ngunit ano ba ang talagang dapat mong gawin? Ang pagkawasak ng pagsasama ng mag-asawa ay tila dumarating ng isang epidemya sa atin; ano ang ating dapat gawin? Dapat ba natin silang tulungan?  At kung “oo” ang sagot, paano tayo magmiministeryp sa mga nawasak, mga galit at/o mga nasasaktan?

Ibinigay ng Diyos sa atin ang ministeryo ng pakikipagkasundo. Ibinigay ng Diyos sa ating lahat (ang mga umangkin na ang Panginoong Hesus ang kanilang Taga-pagligtas) ang ministeryo ng pakikipagkasundo sa 2 Corinto 5:18-19 ay sinasabing: “Lahat ng ito ay mula sa Diyos, na tayo'y pinagkasundo niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay niya sa amin ang ministeryo[a] ng pakikipagkasundo. Samakatuwid, kay Cristo ay pinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan at ang kanyang sarili,[b] na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pakikipagkasundo.

Maraming mga bersikulo tayong aaralin sa leksiyong ito na nagpapatunay na tayo ay dapat na tumulong sa mga lumalapit sa atin, ngunit tayo din ay dapat maging SOBRANG maingat na tulungan sila sa pamamagitan ng mga patnubay ng Banal na Kasulatan. Noong ako ay nasa kalagitnaan ng mga pagkawasak at pagguho ng pagsasama naming mag-asawa, lahat, at sinasabi kong lahat, ay mayroong opinion. Hindi nagtagal ay nalaman kong ang mga payo ng ibang taon ay maaaring magdulot ng mas lalong pagkasira.

Natuklasan kong ang mga nagmamalasakit na kapamilya na nag-aalala para sa akin, ang aming mga anak (kahit kay Dan) ay nagbibigay ng payo sa akin, na aking sinunod at nagdulot ng lalong pagkasira ng aking buhay may-asawa. Noong ako ay napuno na sa mga resulta ng pagsunod sa opinion ng ibang tao (na nakuha nila sa mga kaibigan o palabas sa telebisyon tulad ni Oprah Winfrey) ay nagpasya ako sa isa, na hindi na sabihin sa iba ang tungkol sa aking sitwasyon, at ikalawa, siguraduhing ang lahat ng aking gagawin ay nakalinya sa Salita ng Diyos. Ito ang dalawang pinakamahalagang pundasyon ng aming ministeryo.

Kahit pa, noong ipinatawag akong Diyos sa ministeryo ay talagang masasabi ko ng buong katapatan na marami akong nagawang pagkakamali habang maraming lumalapit sa akin upang humingi ng tulong. Magkaibang bagay ang paglapit sa Panginoon para sa iyong sarili, ngunit mas malaking responsibilidad na tumulong o gumabay sa iba. Ako ay nagkaroon ng pangako sa mga kababaiang aking miniministeryuhan na akin lamang sasabihin sa kanila ang aking nagawa o gagawin kung ako ay maihaharap sa parehas na sitwasyon AT kung ito ay sang-ayon sa Banal na Kasulatan.

Tinuturing kong pribilehiyo ang magkaroon ng pagkakataon sa kabanatang ito na maibahagi ang aking mga pagkakamali sa inyo, kasama ang mga ipinakita ng Panginoon sa akin, habang akin Siyang sinasangguni, na nagdulot ng maraming bunga sa mga kababaihan na may-asawa sa aking ministeryo.

Maraming lalaki at kababaihan ang nakakaalam ng aming ministeryo at ipinapadala ang kanilang mga kapamilya at kaibigan sa amin, at tama naman, ngunit mayroong ibang tao na ikaw lamang ang magkakaroon ng pagkakataong makausap. Katulad ng pastor ng iyong simbahan na tinawag upang magbahagi ng magandang balita sa mga naliligaw, ikaw din, ay dapat na maraming kaalaman upang akayin ang iba patungo sa pagpapanumbalik.

Kami ay mga sugo para kay Cristo. Para kanino tayo nagtatrabaho kapag nagpadala ang Panginoon sa atin? Tayo ay mga sugo para kay Cristo. “Kaya't kami ay mga sugo para kay Cristo, yamang ang Diyos ay nananawagan sa pamamagitan namin. Kami'y nananawagan sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Diyos.” 2 Corinto 5;20. Ang isang sugo ay ipinaliwanag bilang isang “madipomasyang opisyal na may pinakamataas na ranggo ipinadala bilang isang tagapamagitan para sa isang tao.” Tayo ay katawan ni Cristo sa ating pakikipagharap sa taong ipinadala ng Panginoon sa atin. Ang posisyong ito ay “pang-matagalan,” na nangangahulugang tayo ay tinawag upang tulungan ang taong itong magtagumpay ang pagsasama nilang mag-asawa. Gayunpaman, aking natutunan, ang ating posisyon ay hindi para tayuan ang kanilang personal na ugnayan kay Hesus bilang kanilang “Tagapagligtas,” o akuin natin ang posisyon ng nakababatang Espiritu Santo kapag , dahil ito ang makahahadlang sa daan patungo sa kanilang pagpapanumbalik.

Kaya ang mabuting balita ay hindi ka NAG-IISA sa iyong pagnanais o magtutungo ka ng walang tulong. Ang hindi masyadong magandang balita ay mangangahulugan itong aasa kang lalo sa Espiritu Santo para sa patnubay sa halip na sa iyong sarili. Kailangan mong malaman ang mga prinsipyo ng Diyos sa halip na magpatuloy sa pakikipag-usap sa iyong isipan at iyong mga ideya. “Sapagkat ang aking mga pag-iisip ay hindi ninyo mga pag-iisip, ni ang inyong mga pamamaraan ay aking mga pamamaraan, sabi ng Panginoon. Sapagkat kung paanong ang langit ay higit na mataas kaysa lupa, gayon ang aking mga pamamaraan ay higit na mataas kaysa inyong mga pamamaraan, at ang aking mga pag-iisip kaysa inyong mga pag-iisip.” Isaias 55:8-9.

Upang maging epektibo sa ministeryo, kinakailangan mong baguhin ang iyong kaisipan sa pamamgitan ng Salita ng Diyos, Kaniyang mga ideya at ang Kanyang mga prinsipyo. Kailangan mong itigil ang pagsasabi sa kanya “kung ano ang ginawa ng iyong kaibigan” o “kung ano ang narinig mo sa isang palabas sa telebisyon.” Kahit ilan sa mga Kristiyanong aklat na nababasa mo tungkol sap ag-aasawa ay maaring pumuno ng ideya o pamamaraan sa iyong isipan na walang dudang makasisira sa kanilang pagsasamang mag-asawa sa halip na paghilumin ito. “Sinugo niya ang kanyang salita, at pinagaling sila, iniligtas niya sila sa kapahamakan.” Mga Awit 107:20. Ang hiniling ng Panginoong gawin mo ay, bilang KANIYANG sugo, ay katawanin Siya, Kaniyang mga turo, sa espiritu ng Kaniyang pagmamahal at awa, gamit ang Kaniyang Salita.

Kahit pa ako ay nabiyayaang “lakarin ang lakad,” at nagkaroon ng naipanumbalik na pagsasama sa aking asawa, at mayroong isang dekadang pagmiministeryo sa mga pagsasamang gumuguho, masasabi ko ng tapat na wala akong makamundong ideya kung ano ang gagawin kapag may lumapit at nagtanong sa akin para sa tulong tungkol sa nabibigo at nasira nilang buhay may-asawa. Ilang beses akong nakiusap sa Panginoon na tulungan ako na malaman kung ano ang dapat gawin, at sabihin o hindi sabihin sa babaeng ito na nasasanta at desperado? Maliban nalang kung ikaw ay lubusang umaasa sa Espiritu Santo ng may kababaang loob sa iyong isipan, at ALAM MONG ikaw ay walang kakayanang matulungan ang taong ito ng hindi ka Siya kumikilos sa iyo, ikaw ay magdudulot ng pagbagsak sa taong nais mong matulungan sa gitna ng mga atake ng kalaban sa kanilang buhay at pagsasamang mag-asawa. Sa Lucas 17:1-2 ay nagbibigay ng babala si Hesus na, “Hindi maaaring di dumating ang mga kadahilanan ng pagkatisod, subalit kahabag-habag ang sinuman na pinanggagalingan niyon. Mabuti pa sa kanya na bitinan ang kanyang leeg ng isang batong panggiling, at ihagis siya sa dagat.”’ Kaya pakinggan ang turo na iyong iniaalok o ang simpatyang iyong ibinibigay kung ikaw ay hindi buo at kumpletong naglilingkod sa Panginoon.

Isang katitisuran sa akin. Sinabi sa Mateo 16:23 na “Ngunit lumingon siya [Hesus] at sinabi kay Pedro, ‘Layuan mo ako, Satanas! Ikaw ay isang katitisuran sa akin; sapagkat hindi mo iniisip ang mga bagay ng Diyos, kundi ang mga bagay ng tao.’” Isang mga paraan upang lubos na mwasak ang iyong kaibigan o kapamilya ay ang pagkabigong maunawaan ang mga dahilan sa pagkasira ng kanilang kasa o ang kumuha ng panig sa kahit kanino sa usaping ito. Mag-umpisa tayong pag-usapan ang mga dahilan sa pagkasirang ito.

Ano ang mga Nagdudulot upang Masira ang isang Kasal?

Kapag iyong binasa ang librong Paanong Kaya at Gagawin ng Diyos na Ipanumbalik ang Iyong Buhay May-asawa, na sadyang kailangang basahin sa araling ito, mapapansin moa gad na magsisimula ito sa pag-aaliw. Ang pag-aaliw ay nagmula sa katotohanang pinahintulutan ng Diyos ang sitwasyong ito para sa kanilang ikabubuti, upang maakit Niya sila palapit sa Kaniya. At bilang sugo, kinakailangan mong tulungan silang hanapin ang daan patungo, o pabalik, sa Kaniya. Wala ka sa posisyon na agawan Siya ng pwesto, ngunit ibalin sila sa Kaniya para sila ay magiliw. Para sa iba, ito ay bagay na napakahirap gawin. Maaaring ikaw ay nabigyan ng regalo ng awa, ngunit kung ang regaling ito ay hindi kontrolado ng Espiritu Santo, maaari nitong lalong makasakit sa nais mong matulungan.

Dapat tayong mang-aliw, ngunit “sa pamamagitan ng kaaliwan na inialiw sa atin ng Diyos.,” hindi bukod o sa halip ng Diyos. Sa 2 Corinto 1:3-5 ay sinabing ganito: “Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng mga kaawaan at Diyos ng lahat ng kaaliwan; na umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian, upang maaliw natin ang nasa anumang kapighatian, sa pamamagitan ng kaaliwan na inialiw sa atin ng Diyos. Sapagkat kung paanong sumasagana sa atin ang mga pagdurusa ni Cristo, sa pamamagitan ni Cristo ay sumasagana rin sa atin ang kaaliwan.”

Kaya ang pinakauna, pangunahin at pinakaimportanteng dahilan ng pagsubok na ito na nangyari ay dahil nais ng Panginoon na gamitin ang Krisis bilang daan upang maakit ang tao sa Kaniya o pabalik sa Kanya. Ito ang dapat na nangunguna sa iyong kaisipan at ang layuning ito ang dapat na mauna sa kahit na ano at lahat ng makakusap mong manghihingi ng tulong sa iyo. Hindi upang mapalapit ka sa kanila (kahit na ito ang kadalasang nangyayari) at hindi upang mapalapit sila sa kanilang mga asawa (kahit pa ito rin, ay kadalasang nangyayari habang sila ay nababago sa imahe ng Panginoon), ngunit para sa nag-iisang dahilan ng pagkakaroon ng mas malalim at mas nagtatagal na ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng napakasakit, at kadalasang mahabang, pagsubok. Kung napalampas moa ng pinakamahalagang dahilan ikaw ay makahahadlang sa pagkilos ng Panginoon. Maaari mong gawin ang lahat upang subukang “ayusin” ang problema at makahanap ng solusyon para sa kanila. Kailangan mong iwasan ang tuksong ito at sa halip ay tulungan silang hanapin ang Panginoon para sa Kaniyang solusyon, Kaniyang pang-aaliw at Kaniyang patnubay.

Nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman. Ang ikalawang dahilan kaya nangyari ang kaguluhang ito ay makikita sa Oseas 4:6. Sinasabi ritong, “Ang aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman.” Karamihan sa atin ay pinapasok ang pag-aasawa ng hindi nalalaman o nauunawaan ang mga prinsipyo ng pag-aasawa. Kung kaya’t, tayo ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman. Upang mas mapalawig ang prinsipyong ito, kung tayo ay walang kaalaman o kulang ang kaalaman sa kung ano ang dapat gawin o hindi dapat gawin kapag dumating ang krisis sa isang pagsasama ng mag-asawa, mas lalo nating masisira ito.

Para matulungan mo ang iba kinakailangan mong malaman ang mga prinsipyong ito sa sarili mo. Alam mo ba? Inaral mo ba upang maipakita sa iyong sarili “Humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang anumang dapat ikahiya, na gumagamit nang wasto sa salita ng katotohanan”? (2 Timoteo 2:15). Kung gayon,  “Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang anumang dapat ikahiya, na gumagamit nang wasto sa salita ng katotohanan.” 2 Timoteo 2:15. Ang aklat araling ito, kasama ang aklat ng Ipanumbalik ang Iyong Buhay May-asawa, ay makakatulong sa iyo. Gayunpaman, kung gagamit ka ng ibang materyales, sa muli, maging maingat na ito ay naitayo sa at hindi basta sumisipi lang ng Banal na Kasulatan.

Maraming may-akda ang mahilig na sumipi ng Banal na Kasulatan upang mapatunayan ang kanilang punto; gayunpaman, ang prinsipyong ito ay dapat na naitayo sa Banal na Kasulatan upang mamantili ito sa pagkakatayo kapag dumating ang mga pagsubok. “Kaya't ang bawat nakikinig sa mga salita kong ito at ginaganap ang mga ito ay matutulad sa isang matalinong tao na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Bumagsak ang ulan, at dumating ang baha. Humihip ang mga hangin at hinampas ang bahay na iyon, ngunit hindi iyon bumagsak, sapagkat itinayo sa ibabaw ng bato.” Mateo 7:24-25.

Dapat ding patunayan ng may-akda ang mga ito sa pamamagitan ng bunga. Kahit pa nais mong paniwalaan ito o hindi MARAMING huwad na propeta sa mundo ngayon. At marami rito ang mayroong maraming tagasunod, maaring ikaw din. Binalaan tayo ni Hesus sa Mateo 7:15-22, “Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na lumalapit sa inyo na may damit tupa, ngunit sa loob ay mga ganid na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Nakakapitas ba ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan? Gayundin naman, ang bawat mabuting puno ay mabuti ang bunga, ngunit ang masamang puno ay masama ang bunga. Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at mamunga ng mabuti ang masamang puno. Bawat puno na hindi mabuti ang bunga ay pinuputol, at itinatapon sa apoy. Kaya't makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga..”

Gayunpaman, kung hindi mo alam ang Salita sa sarili mo, madali kang malilinlang. Habang mas lalo kong nalalaman ang Salita, mas lalo kong nalalaman ang mga kamalian ng mga may-akda. May mga nabasa akong mga may-akda na maaaring napalayo, ngunit kung wala akong matibay na kaalaman sa Salita, tatanggapin ko ito bilang Katotohanan. Pag-aralang alamin ang Salita ng Diyos ng mainam upang malaman ang pagkakamali sa iyong nabasa at sa iyong paniniwalaan. Pagkatapos, ganitin ang Salita ng madalas kapag nagmiministeryo sa ibang tao. Bakit? dahil…

Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagpapanauli ng kaluluwa;

Ang patotoo ng Panginoon ay tiyak,  na nagpapatalino sa kulang sa kaalaman.

Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso;

Ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata.

Ang pagkatakot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailanman:

Ang mga kahatulan ng Panginoon ay totoo at lubos na makatuwiran.

Higit na dapat silang naisin kaysa ginto,  lalong higit kaysa maraming dalisay na ginto;

Higit ding matamis kaysa pulot at sa pulot-pukyutang tumutulo.

Bukod dito'y binalaan ang iyong lingkod sa pamamagitan nila;

Sa pagsunod sa mga iyon ay may dakilang gantimpala.

Sinong makakaalam ng kanyang mga kamalian?  

Patawarin mo ako sa mga pagkakamaling di nalalaman.

Ilayo mo rin ang iyong lingkod sa mga mapangahas na pagkakasala.  

[Hayaang ito ang maging iyong panalangin]

Huwag mong hayaang ang mga iyon ay magkaroon ng kapangyarihan sa akin. Kung gayo'y magiging matuwid ako,

At magiging walang sala sa malaking paglabag.

Nawa'y ang mga salita ng bibig ko, at ang pagbubulay-bulay ng aking puso

Ay maging katanggap-tanggap sa paningin mo,  O Panginoon, ang aking malaking bato at manunubos ko.” Mga Awit 19:7-14.

Pagkuha ng Panig

Kapag ikaw ay nakinig sa bagay na nangyari sa pagitan ng dalawang tao ay natural na kumuha ng panig ng pinakinggan mo ng kwento. Gayunpaman, binalaan tayo ng Mga Kawikaan na, “Ang unang naglalahad ng kanyang panig ay parang matuwid, hanggang sa may ibang dumating at siya'y siyasatin.” Mga Kawikaan 18:17. Maniwala kayo sa akin, hindi lahat ng iyong naririnig ay ang lahat nga tungkol doon. Noong una akong iniwanan ni Dan ay tila walang kwestyon kung sino ang may kasalanan. Sa dami ng tao na ako ay nagministeryo ay hindi ako KAILANMAN nakakita ng sitwasyong may iisang panig lamang kahit pa “mukhang” ganoon ito sa simula. Maging pagtataksil man ito o pang-aabuso, o alcohol o droga sa panig ng lalaki, hindi KAILANMAN ako nakakita ng sitwasyon kung saan inosente ang babae sa pagkakasala na nakadagdag upang lalong mawasak ang isang pagsasama.

Sa puntong ito ay mukhang lohikal na magtungo at making sa kabilang panig ng kwento. Ginagawa ito ng mga tagapayo sa pagdadala ng bawat panig upang “ipaglaban” ito sa kanilang presensya habang sila ay nagiging taga-awat. Ang pamamaraang ito ay hindi ko imumungkahi, at sa totoo lang, ako ay tumatangging maging kabahagi nito. Isang beses na napasama ako sa mabigat na suliraning ito noong ako ay ipinatawag upang katagpuin ang isang babaeng nasa piitan. Noong ako ay dumatin andoon din ang kanyang asawa. Ang babaeng ito ay puno ng pagmamataas dahil sa maling pag-aakala na nandoon ako upang husgahan kung sino ang tama o mali. Ako ay nagpasyang umalis na lamang. Ginawa ko ito base sa Banal na Kasulatan. “Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.” Juan 3:17. Kung hindi isinugo ng Diyos si Hesus upang HUSGAHAN ang mundo, ako ay nakasisigurong hindi din Niya ako ipinadala (o ikaw din)!

Huwag hayaang mamagitan sa sitwasyon na kailangan mong husgahan ang nagawa ng kahit na sino. Hindi ito ang dahilan kung bakit ako o ikaw ay tinawag. Sa halip, tayo ay dapat mag ministeryo ng katotohanan at mang-aliw habang isinasangguni natin sa Panginoon na gabayan tayo. Ito ang nagtulak sa akin sa isa sa maraming aralin na aking natutunan sa lugar ng pagmiministeryo.

* HUWAG makinig sa galit, ngunit aliwin at pakinggan ang mga nagsasabi ng kanilang sakit na nararamdaman at pagkirot.

Kapag may sumusulat o ako ay tinatawag upang magministeryo sa aking sariling simbahan, ako ay tumatanggi na pakinggan ang galit. Hindi lamang walang silbi ang magministeryo sa isang tao na nasa ganitong kalagayan ang emosyon, ito din ay nakakahawa! Sa Mga Kawikaan 22:24-25 ay nagbabala na, “Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin, at huwag kang sasama sa taong bugnutin; baka matutunan mo ang kanyang mga lakad, at ang kaluluwa mo ay mahulog sa bitag.”

*HUWAG makinig sa paninirang puri. Ako ay tumatangging makinig sa ginagawa ng asawa ng isang babae.

Idagdag rito sa hindi pakikinig sa isang taong galit, ako din ay tumatangging making sa mga detalye sa maraming kadahilanan: una, upang pigilan ang tao sa pagbabahagi ng detalye ng pagkawasak. Sa Mga Awit 101:5 ay nagbabala na, “Ang lihim na naninirang-puri sa kanyang kapwa  ay aking pupuksain;  Ang taong may mapagmataas na tingin at may palalong puso  ay hindi ko titiisin.” Kapag pinabayaan kong magpatuloy ang isang tao sa pagbabahagi ng paninirang puri na mga detalye tungkol sa kanilang mga asawa, ako ay nagpapaubaya na tuluyan silang mawasak. Ako ay naglagay ng bitag sa kanilang paanan. Ito ay maaaring mahirap na unawain para sa iyo dahil sa ganitong pamamaraan nagaganap ang pagpapayo, at bukod sa tayo ay interesado at gusting making sa mga detalye. Hindi nga ba ito ang dahilan kung bakit kayo nanonood ng mga teribleng palabas kung saan bawat isang tao ay naninirang puri ng kaniyang pamilya at mga kaibigan upang masaksihan ng buong mundo? Ito ang mga bagay na HINDI natin dapat pakinggan sa maraming kadahilanan. Ito ang ilan sa mga iyon:

1. Sapagkat ang mga bagay na palihim nilang ginagawa ay kahiya-hiyang sabihin. Efeso 5:7-13: “Kaya't huwag kayong makibahagi sa kanila;sapagkat kayo'y dating kadiliman, subalit ngayon ay liwanag sa Panginoon. Lumakad kayong gaya ng mga anak ng liwanag (sapagkat ang bunga ng liwanag ay nasa lahat ng mabuti, matuwid at katotohanan) na inaalam kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon. At huwag kayong makibahagi sa mga gawa ng kadiliman na walang ibubunga, kundi inyong ilantad ang mga ito; Sapagkat ang mga bagay na palihim nilang ginagawa ay kahiya-hiyang sabihin, subalit ang lahat ng mga bagay na inilantad sa pamamagitan ng liwanag ay nakikita.” Kung kaya’t, huwag makibahagi sa kanila kapag sila ay sumubok na magsabi ng detalye ng nangyayari sa kanilang buhay may-asawa.

2. Dahil ito au maghihiwalay sa iyo sa kabilang panig ng mag-asawa. “Ang mandarayang tao ay nagkakalat ng kaguluhan, at ang mapagbulong ay naghihiwalay sa matatalik na magkaibigan.” Mga Kawikaan 16:28. “Ang nagpapatawad ng kasalanan ay humahanap ng pagmamahalan, ngunit ang nagpapaulit-ulit sa usapin ay naghihiwalay ng magkakaibigan.” Mga Kawikaan 17:9. Ilang ulit kong ng narinig, bago pa ako magkaroon ng pagkakataong pigilan ang isang tao sa aming simbahan, ang mga bagay tungkol sa kaniyang asawa na isa sa aming mga pastor, isang nakatatanda o malapit na kaibigabn namin ni Dan? Sa bawat pagkakataong ako ay nahihirapang tignan ang kanyang asawa sa dati kong pagtingin ditto. Nagkakaroon ako ng problema sa hindi pag-iisip ng negatibo tungkol sa taong iyon dahil sa ibinahagi ng kanyang asawa sa akin. At pakiramdam ko ang aking mukha ay laging nagpapahiwatig ng “Alam ko ang lahat ng tungkol sa iyo!”

Kapag ating ipinareha ang lalaki sa babae o mga kababaihan sa kapwa babae bilang ePartners sa aming minsiteryo. Amin silang binabalaan ng tungkol sa pagbabahagi ng detalye dahil sa mga dahilang sinabi sa itaas. Kung ikaw ay nahulog sa bitag na ito ng kalaban, una ay pahintuin ang taong sumsubok na magbahagi, at ikalawa, maging matapat na manalangin para sa kanilang asawa. Walang ibang mabisang pamamaraan upang hilumin ang mga nakamumuhing damdamin, na makukuha mo kapag nakarinig ka ng mga ganitong ulat, sa halip na magdasal para sa iyong bagong kaaway. sa Mateo 5:44, 46 ay sinasabing, “Ngunit sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang umuusig sa inyo [o ang mga taong minamahal ninyo]… Sapagkat kung umiibig kayo sa mga umiibig lamang sa inyo, anong gantimpala mayroon kayo? Hindi ba gayundin ang ginagawa maging ng mga maniningil ng buwis?”

Wala kayong MABUTING maidudulot sa iyong kaibigan o kamag-anak kung kayo ay magsasabi ng masama laban sa kanilang mga asawa. Huwag pahintulutan ang kalabang hilahin ka sa marumi niyang gawa at makatulong na wasakin ng babaeng ito ang kanyang sariling tahanan! Kapag ikaw ay nakinig sa detalye hindi mo maiiwasang mapoot laban sa nagkakasala. “Pakaingatan ninyo na baka ang sinuma'y mahulog mula sa biyaya ng Diyos; baka may ilang ugat ng kapaitan ang sumibol at bumagabag sa inyo at mahawa nito ang marami.” Mga Hebreo 12:15. Isang beses ay narinig ko sa seminar ni Bill Gothard na ibinibigay lamang ng Diyos ang Kaniyang BIYAYA sa taong nasa kalagitnaan ng kasamaan, hindi sa mga saksi o sa mga di kalaunang makaririnig ng tungkol sa kawalan ng katarungang ito. Dapat ay maging SOBRANG maingat tayong huwag manghusga ng isang sitwasyon o kahit pa nasaksihan natin ito. Wala tayong kakayanang tignan ang puso ng bawat isang tao, o ang kalagayan na nagdulot ng ganoong pangyayari.

Nang lahat ng ito ay nasa isipan PAANO tayo makatutulong?        

  • Pakinggan ang sakit.
  • Aliwin sila sa kalagitnaan ng sakit na nararamdaman nila.
  • Patahimikin ang kanilang kaluluwa at dila.
  • Ipanalangin sila at manalangin kasama sila.
  • Palakasin ang kanilang loob na ibahagi ang kanilang sariling pagkukulang.
  • Ituro sila sa Katotohanan mula sa Salita, at ipakilala sa kanila ang prinsipyong mula sa pagpapanumbalik at libro ng Babaeng may Karunungan.
  • Maglakad kasama sila, sa tabi nila, patungo sa pagpapanumbalik — una sa kanilang pagpapanumbalik sa Diyos, sunod sa pagpapanumbalik sa kanilang mga asawa.

Pakinggan ang mga sakit. “Inyong aliwin, inyong aliwin ang aking bayan,’ sabi ng inyong Diyos.” Isaias 40:1. Kung inaliw ka kailanman ng Diyos sa kahit na anong bagay, kung gayon ay may kakayanan ding aliwin ang iyong kaibigan at kapamilya sa kahit na anong pinagdaraanan nila ngayon. Sapagkat Siya ang “umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian, upang maaliw natin ang nasa anumang kapighatian, sa pamamagitan ng kaaliwan na inialiw sa atin ng Diyos.” 2 Corinto 1:4. Iyon ay dahilan kung bakit ka dumaan sa iyong pinagdaanan, upang magkaroon ng pakikiramay na aliwin ang ibang taong kinakailangan mahanap ang Panginoon sa kalagitnaan ng kanilang sakit. Hindi mo kinakailangan malaman kung ano ang nagging sanhi ng sakit na ito, ngunit kaya mong makilala ang matinding paghihirap ng kanilang sakit na nararamdaman.

Patahimikin ang kanilang kaluluwa at dila. Sa oras na pinayagan mo silang ibahagi ang kirot at sakit nila (hindi ang kanilang galit), ngayon ay patahimikin sila sa pagmamahal. Hindi ba sa ganitong pamamaraan ka pinakitunguhan ng Panginoon? O, ang pag-ibig ng Panginoon — na alam nating nagmamalasakit Siya sa atin! Sabihin sa kanila at ipaalala sa kanilang (o sabihin sa kanila sa unang pagkakataon) na mahal sila ng Panginoon. Sa oras na ibahagi nila sa unang pagkakatain ang kanilang mga kirot, maaari na silang pahintuin. Huwag hayaang paulit ulit nilang hukayin at ito ay magdudulot ng mas maraming sakit. Kadalasan sa ikalawang “pag-uulit” ito ay magdudulot ng pamumuong galit. Ito ang oras para ikaw naman ang magsalita. Sa oras na sinabi mo sa kanilang mahal mo sila, at mahal sila ng Diyos, huminto at manalangin oara sa kanila (at sa karunungan para gabayan sila).

Kung sila ay kasama mo, at hind miniministeryuhan sa telepono, siguraduhing yakapin sila o hawakan sila sa iyong mga bisig. Alam moa ng pakiramdam ng walang nagmamahal at mag-isa. Ang paghawak ay isang makapangyarihang pamamaraan upang maabot ang mga nasasaktan at ilapit sila sa Tagapag-ligtas. Si Hesus ay maraming nahawakan, lalo pa ang mga nakakaramdam na sila ay marumi. Kung ikaw ay taong hindi sanay “humawak”, hingin sa Panginoong turuan ka na maging kanyang sugo at biyayaan ka ng ganoong kakayanan.

Noong sinimulan ko ang ministeryong ito noong 1990, hindi ako ang taong natutuwang yumakap o hawakan ang mga tao sa labas ng aking pamilya; hindi ako pinalaking ganoon, o ganon ang aking likas na katangian. Maaaring ganito ka rin. Ngunit ang Diyos ay mayroong pamamaraan na baguhin an gating kinalakihan at bigyan tayo ng Kaniyang likas na katangian. Hindi lamang ako nagkaroon ng pagkakataong yakapin at hawakan ang mga nasaktan at marurumi at minsan ay mabaho, ngunit kamakailan lamang ako ay binigyan ng “balabal” ng isang halik na para sa kapatid. Ito ay nangyaring biglaan noong may isang makapangyarihan at kilalang babae sa aming bansa ang yumakap sa akin, hinalikan ako sa pisngi at nagsabing ako ay mahal niya.

Di nagtagal, ako ay nakakilala ng isang babaeng sawi sa pag-ibig sa altar na bumaba upang manalangin. Niyakap ko siya, hinalikan at sinabi sa kanyang mahal ko siya, bago ko pa nalaman kung ano ang aking ginagawa! Kung ano mang pader ang nasa kalooban ko — takot, pagkailang sa sarili o kakulangan sa pakikiramay — ang halik ng makapangyarihang babae na handing yakapin at mahalin ako tulad ng balabal ni Elias na itinapon sa balikat ni Eliseo. O, ibibigay din ng Panginoon sa iyo, ang mahalagang balabal na itp na hindi maaaring gawin o, sa halip ito ay ang mga bisig at halik mismo ng Nag-iisang nagsugo sa akin at sa iyo – ang Hari ng mga hari!

[Personal na Testimonya ng Taga-salin: noong ako ay nagsusumikap kung ano ang dapat gawin noong nagsisimula ako sa aking paglalakbay sa pagpapanumbalik, ako ay napaniwalang ang kakulangan sa komunikasyon ang dahilan kung kayat nasira ang pagsasama naming mag-asawa. Siniraan ko ang aking asawa at humingi ako ng payo sa aking mga kaibigan at kapamilya at lahat ng aking kakilala at sila ay nakuha kong “kumampi sa akin”. Noong nalaman ko ang mga prinsipyo sa ministeryong ito, ako ay namulat sa katotohanang ang aking ginawa ay lubos na NAKADAGDAG SA PAGKASIRA ng aking buhay may-asawa, pag-alis KO sa AMING tahanan, at pagtutulak ko sa aking asawa sa ibang babae, at paninirang puri ng ibang tao sa kanya dahil ako ang nagsimula ng lahat. Ngayon na ako ay nakatirang muli kasama siya (hindi pa naipapanumbalik ang aming pagsasama ngunit PURIHIN ANG DIYOS gumawa Siya ng paraan upang makabalik ako sa aming tahanan!), kahit pa tinalikuran at inihingi ko ng tawad ang lahat ng aking pagkakamali, kahit pa akuin ko ng buo ang responsibilidad sa pagkasira ng aming pagsasama, hindi ko na mapipigilan ang pagkasira ng kanyang pangalan at reputasyon at ito, mga minamamahal kong babaeng ikakasal, ang dating inaakala kong nararapat sa kanya ngunit ngayon, nakakasakit ng husto sa aking puso at dumudurog sa akin dahil sa akin nagsimula ang lahat. “Mahirap hanapin ang mabuting asawa. Higit pa sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala sa kanya ng kanyang asawa, at wala na itong mahihiling pa sa kanya… Nagsasalita siya nang may karunungan, at nagtuturo nang may kabutihan.” Mga Kawikaan 31:10-11,26.  ]

Manalangin

Inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig. Ang isang babae na tinawag upang maging “ministro ng pakikipagkasundo” ay dapat na isang babaeng madasalin. Hindi ka lamang dapat magdasal para sa mga babaeng iyong miniministeryuhan, ngunit magsalita din ang Panginoon sa pamamagitan mo. Gaanong mapanganib at mayabang na paniwalaang sa isang minute na mayroon tayong karunungan sa ating mga sarili. Kait pa tayo ay may malawak na kaalaman sa Bibliya at naiuugnay sa ating ministeryo, paano natin talagang malalaman kung ano ang nangyayari sa likod ng eksena sa buhay ng babaeng ito?

Deuteronomio 18:18 “Ako'y hihirang para sa kanila ng isang propeta na gaya mo mula sa kanilang mga kapatid at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya at kanyang sasabihin sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya.”

Isaias 51:16 “At inilagay ko ang aking mga salita sa bibig mo, at tinakpan kita sa lilim ng aking kamay upang mailadlad ang mga langit,  at upang maitatag ang lupa, at sinasabi sa Zion, ‘Ikaw ay aking bayan.’”

Jeremias 1:9 “Pagkatapos ay iniunat ng Panginoon ang kanyang kamay at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig.”’

Nang may buo at kumpletong pag-asa sa Diyos kung papaano at ano ang sasabihin natin sa mga kababaihang may problema sa buhay may-asawa, maaari nating hayaan ang Diyos na magsalita sa pamamagitan natin; nang sa gayon ay hindi tayo mag-isa, ngunit isang tagapaghatid mensae ng Nag-iisang nagsugo sa atin.

Samahan silang manalangin. Maaaring nakagugulat ito sa iyo, ngunit maraming kababaihan, kahit pa sa simbahan, ang hindi komportableng manalangin ng malakas. Ang iba ay hindi alam kung paano manalangin talaga. Ito ay parte ng iyong ministeryo – ang magturo sa iba kung paano magdasal. Gayunpaman, kung hindi ka madasaling tao ay mahihirapan kang pamunuan ang iba. Siguraduhing kapag ikaw ay nanalangin kasama sila ay ikaw ay maingat na hind imaging mabulaklak o masyadong makaespiritwal. Ito ay magdudulot sa kanilang makaramdam na hindi sila makakapagdasal ng “ganoon kahusay.”

Mahilig akong mananalangin ng maiksi at medaling dasal sa simula, at huminto at hinging mananalangin din sila. Kung sila ay nag-aalinlanagan. Hikayatin sila sa pamamagitan ng pagsasabing ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Diyos o Panginoon; ganoon lamang, kung paano sila nakikipag-usap sa akin. Maraming mag-aalinlangan sa maiksing panahon (ang iba ay mahabang panahon) ngunit nananatili akong tahimik at hayaan silang kuhanin ang uang hakbang. Sa oras na nagsimula ng mabuksan ang puso nila at sila ay patungo na sa isang espesyal at malapit na lakad kasama ang Panginoon. Ang pinakapaborito kong biyaya ay dumarating kapag ako ay nakahikayat ng mga hindi pa nakapagdasal kailanman; ang mga kababiaang ito ang magdarasal ng pinakamalambing, tulad ng isang batang panalangin na kadalasang nagpapaluha sa akin.

“Kaya't ipahayag ninyo sa isa't isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Ang panalangin ng taong matuwid ay makapangyarihan at mabisa.” Santiago 5:16.

Manalangin para sa kanila. Kadalasan, kinakalimutan nating manalangin. Sinasabi nating nagdarasal tayo para sa iba, ngunit mas madalas din ay nakakalimutan natin. Ang pinakamabisang lunas ay doon mismo, sa pagkakataong iyon, ay manalangin para s aiyong kaibigan, iyong kapamilya, iyong katrabaho o sa babae sa simbahan. Walang ibang makaaantig sa puso ng isang tao kundi ag marinig ang isang tao na nagdarasal sa Diyos o humahawak sa langit para sa kanila. Kapag ako ay nalalapitan sa labas ng simbahan ng isang taong humhinging ipagdasal ko o ibang tao, sa kasalukuyan ang ginagawa ko ay ang kuhanin ang kanilang mga kamay at sinasabing “Manalangin kami.” Wala akong pakialam kung sino ang nasa paligid o sa iniisip ng ibang tao.

Kinalaunan, ipapaalala muli sila ng Panginoon sa aking isipan, ngunit baka sakali lamang, nagtatago ako ng maliit na kuwaderno at sinsulat kung sino ang napangakuan kong ipagdasal para maidagdag ko sila sa aking mga listahan ng dapat ipanalangin.

Hindi kami tumigil ng pananalangin para sa inyo. Ang pamamagitan ng “pag-akay” ng espiritu ay kamangha-mangha kapag Siya ay matapat na naglagay ng isang babae sa iyong puso na dapat mon ipanalangin, ngunit tayo ay dapat ding maging masipag tayo at matapat na manalangin para sa kaniya sa araw-araw. Mahilig akong gumawa ng 3x5 na cards kung saan nakasulat ang pangalan niya. Nagdaragdag ako ng mga particular na bagay na kanyang ibinahagi sa akin gamit ang lapis upang ako ay maging matapat sa aking pangakong manalangin para sa kaniya. Ang ibang babae ay gusting nagtatabi ng kwaderno ng mga panalangin. Ano mang pamamaraan, siguraduhing huwag kalilimutang manalangin para sa mga ipinadala ng Diyos sa iyo.

“Kaya't mula nang araw na aming marinig ito, hindi kami tumigil ng pananalangin para sa inyo at sa paghiling na kayo'y punuin ng kaalaman ng kanyang kalooban sa buong karunungan at pagkaunawang espirituwal, upang kayo'y lumakad nang nararapat sa Panginoon, na lubos na nakakalugod sa kanya, namumunga sa bawat gawang mabuti, at lumalago sa pagkakilala sa Diyos. Nawa'y palakasin kayo sa buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kanyang kaluwalhatian, para sa lahat ng katatagan at pagtitiyaga na may galak;  na nagpapasalamat sa Ama, na ginawa niya tayong karapat-dapat na makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan.” Colosas 1:9-12.

Lumakad sa isang Paraan na Karapat-dapat

Ang bersikulong inyong nabasa sa Colosas ay isang kamangha-manghang balangkas kung papaano kayo mananalangin para sa bawat kababaihan na ipinadala ng Diyos sa inyo. Ating tignan ng mabuti, at malapitan ang bersikulong ito upang makakuha ng magagandang pananaw kung ano ang nais matupad ng Diyos sa kanyang buhay habang ginagabayan mo siya sa lakad niya patungo sa panunumbalik.

Upan itanong kung ikaw ay:

  • Para sa paghiling na kayo'y punuin ng kaalaman ng Kanyang kalooban sa buong karunungan at pagkaunawang espirituwal…
  • Upang kayo'y lumakad nang nararapat sa Panginoon, na lubos na nakakalugod sa Kanya, namumunga sa bawat gawang mabuti, at lumalago sa pagkakilala sa Diyos…
  • Palakasin kayo sa buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng Kanyang kaluwalhatian, para sa lahat ng katatagan at pagtitiyaga…
  • May galak na nagpapasalamat sa Ama, na ginawa niya tayong karapat-dapat na makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan.” Colosas 1:9-12.

Ito ay kagiliw-giliw na ang unang linyang, “para sa paghiling na kayo'y punuin ng kaalaman ng Kanyang kalooban sa buong karunungan at pagkaunawang espirituwal,” ay naglalaman din ng parehas na parehong sangkap sa pagtatatayo ng bahay sa Mga Kawikaan: “Sa pamamagitan ng karunungan ay naitatayo ang bahay; at naitatatag sa pamamagitan ng kaunawaan; Napupuno ang mga silid sa pamamagitan ng kaalaman, ng lahat ng mahahalaga at kaaya-ayang kayamanan.” Mga Kawikaan 24:3-4.

Magturo Ng Kabutihan

Malinaw na dapat mong turuan ang mga kababaihang iyong miniministeryuhan na simulang baguhin ang kanilang kaisipan sa pamamaraan at mga utos ng Diyos,. Walang ibang mas mabisang pamamaraan kundi ang katagpuin sila ng madalas at daanan ang seryeng ito kasama siya sa oras na siya ay dumaraan sa “krisis.” (Ito ang dahilan kung bakit ginawa ang aklat na Ipanumbalik ang Iyong Buhay May-asawa: ang alisin sa krisis ang buhay may-asawa.) Kung ikaw ay maingat na gumawa ng panalangin at pagtuturo ng iyong mga pangunahing layunin para sa inyong mga pagtitipon, ito ay magbabawas ng sobrang paninirang puri, awa sa sarili, pakikipagtalo at/o kontrobersya. Pangunahan ang inyong mga pagpupulong sa pagsisimula ng isang panalangin at magyungo sa ministeryo ng pagtuturo. Makikita mong mayroon na lamang kaunting oras para makipagdaldalan, bulungan, pagrereklamo at paninirang puri.

“Sabihan mo rin ang matatandang babae na maging magalang sa kanilang asal, hindi mapanirang-puri, ni paalipin man sa alak; dapat silang magturo ng kabutihan, upang kanilang maturuan ang mga kabataang babae na ibigin ang kani-kanilang mga asawa, ibigin ang kanilang mga anak, maging matino, dalisay, masipag sa gawaing bahay, mabait, na nagpapasakop sa kani-kanilang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Diyos.” Tito 2:3-5. Isang malaking tungkulin na magturo at maghikayat sa isang babae sa lahat ng ipinatawag na gawin natin, ngunit ngayon ito ay kasing dali ng pagiimbita ng iyong kaibigan sa iyong tahanan, paggawa ng kape at panonood ng “Mahikayat” ng mga bidyos. Maraming kababaihan ang nakakaramdam ng kakulangan na mag-akay ng isang babae sa Panginoon o akayin siya na maging Maka-Diyos na babae; gayunpaman, KAHIT na sinong babae ay maaaring buksan ang kaniyang tahanan at mag-imbita ng ibang babae upang maglaan ng ilang oras kasama siya sa loob ng isang beses sa isang linggo. (Para sa mas maraming kaalaman kung paano magtuturo, tignan ang Ika-15 Aralin, “Mga kababaihan, Hikayatin ang Nakabababatang Kababaihan.”)

Kung kayo ay hindi komportableng makipagkita kasama siya ng mag-isa (o alam mong hindi siya komportableng makipagkita ng mag-isa kasama ka), kung gayon ay manalangin na makakuha ng ilan sa iyong mga kaibigan o kaniyang mga kaibigan ng isang beses sa isang linggo. Maaari itong planuhin ng may pagkain, na kadalasang nagdadala ng tao. Gamitin lamang ang bala sa bidyos upang gawin ang aralin. Maraming babae na nangununa sa mga klase ay nakatatagpong nakakapanobago dahil hindi sila ang “masamang tao” o ang “maka-espritwal na tao” sa pagsasabi ng Katotohanan. Ako, na nasa bidyo ang maaari nilang pagbuntunan ng galit. At kung sila ay magagalit, tandaang sumang-ayon lamang sa kanila. Subukang intindihin kung ano ang pinanggalingan nito. Magpunta sa kanilang panig. Ito ay mula sa mga kasulatan at ang tanging dahilan upang sila ay patuloy na magbalik.

Sinabi sa Mateo 5:25 na, “Makipagkasundo ka agad sa nagsakdal sa iyo, habang kasama mo pa siya sa daan; baka ibigay ka ng nagsakdal sa iyo sa hukom, at ibigay ka naman ng hukom sa tanod, at ipasok ka sa bilangguan.”

Sinabi sa Mga Kawikaan 18:19 na, “Ang kaibigang nasaktan ay higit pa sa lunsod na napapaderan, ang di pagkakaunawaan ay mas matibay pa kaysa isang tarangkahan.”

At sa wakas, sa Mga Kawikaan 16:21 ay sinabi sa atin na, “Ang pantas sa puso ay tinatawag na taong may pang-unawa, at nagdaragdag ng panghikayat ang kaaya-ayang pananalita.”

Kung ikaw ay “pantas sa puso” ikaw ay may pang-unawa. Kadalasan ang mga babaeng sumasalungat sa katotohanan ay mga mananampalatayang namumuhay sa rebelyon o hindi tunay na naipanganak-muli na mananampalataya. Kinakailangan ang kapangyarihan ng Espiritu Santo upang matulungan kang matiyak kung ikaw ba ay sasang-ayon o magiging malambing o tahasang ideklara ang katotohanan. Dahil ikaw ay nasa misyon ng Diyos, Siya ay matapat hanggat ikaw ay nagtitiwala na ikaw ay gagabayan Niya. Maging maingat lamang na “huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.” Mga Kawikaan 3:5-6.

Gayunpaman, lahat tayo ay nakagagawa ng kamalian.  Hindi makatotohanang maniwala na hindi ka makakagawa ng maling bagay at magalit kung ikaw ay dapat na sumang-ayon at kabaliktaran nito. Ang gagawin mo sa tuwing ikaw ay magkakamali ang magpapakita kung tunay kang may katangian ka ng babaeng maka-Diyos o ikaw ay nagpapadala lamang sa agos. “Sapagkat ang matuwid ay makapitong nabubuwal at bumabangon na naman…” Mga Kawikaan 24:16. Sa pinakamaagang pagkakataon, magtungo sa kanya at aminin ang iyong pagkakasala. Huwag hintaying dumating ang kalaban at gamitin ang iyong kayabangan upang mahuli ang isang mahina ang kaluluwa. Sinabi sa Mateo 5:23-24 na kung gaano ito kahalaga. “ Kaya't kung maghahandog ka ng iyong kaloob sa dambana, at doon ay naalala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anumang laban sa iyo, iwan mo roon sa harap ng dambana ang kaloob mo, at humayo ka; makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at saka ka magbalik at maghandog ng iyong kaloob.”

Binalaan tayo sa Mga Kawikaan 28:13 ng panganib na dala ng pagtatakip sa ating mga kasalanan, at nagbigay ng pangako sa isang mananatiling tapat na aminin na siya ay nakagawa ng isang pagkakamali. “Siyang nagtatakip ng kanyang mga pagsuway ay hindi sasagana, ngunit ang nagpapahayag at tumatalikod sa mga iyon ay magtatamo ng awa.”

Pagkatapos mong kausapin siya ng pribado, kung mayroong ibang nakasaksi ng iyong kamalian, kung gayon ay dapat lamang siguraduhing sabihan din sila. Dahil aking natutunan ang napakalaking biyaya ng “magmamalaki na may galak sa aking kahinaan” susubukan kong hanapin ang mga pagkakataon na sabihin sa iba ang aking kamalian.“Ngunit siya'y nagbibigay ng higit pang biyaya. Kaya't sinasabi, “ANG DIYOS AY SUMASALUNGAT SA MGA MAPAGMATAAS, SUBALIT NAGBIBIGAY NG BIYAYA SA MGA MAPAGKUMBABA.’” Santiago 4:6. “Subalit sinabi niya sa akin, ‘Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.’ Ako'y lalong magmamalaki na may galak sa aking kahinaan, upang ang kapangyarihan ni Cristo ay manatili sa akin.” 2 Corinto 12:9.

Gagamitin ng demonyo ang pagmamalaki natin. Sa halip na hikayatin tayong ibahagi ang ating mga kamalian at kahinaan, pipilitin niya tayong ibahagi an gating mga “tagumpay” sa iba na sa huli ay pupurihin tayo sa “mabuti nating gawa.” Binalaan tayo sa Mga Kawikaan 29:5 na, “Ang taong kunwari'y pumupuri sa kanyang kapwa, ay naglalatag ng lambat sa kanyang mga paa.” Gustong gusto nating tinitingala tayo ng mga tao; ang masaklap, ito ay isa lamang bitag. Samakatuwid, kapag ikaw ay magbabahagi ng tagumpay sa kahit na kanino siguraduhing ito AY GAWA PANGINOON! Kung kinakailangan mong magmalaki, ipagmalaki Siya!

Ikaw ay dapat na lubos at tuluyang NAKAASA sa Panginoon para sa lahat ng bagay na iyong gagawin, bawat hakbang na iyong kukunin. Bilang pinuno at guro, ikaw ay mananagutan para sa lahat ng ipinadala ng Panginoon sa iyo. “Mga namumuno sa inyo… sila'y matamang nagbabantay alang-alang sa inyong mga kaluluwa bilang mga mananagot.” Mga Hebreo 13:17.

Ating basahin muli ang panimula nating bersikulo, sa 2 Corinto 5:18-19: “Lahat ng ito ay mula sa Diyos, na tayo'y pinagkasundo niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay niya sa amin ang ministeryo ng pakikipagkasundo. Samakatuwid, kay Cristo ay pinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan at ang kanyang sarili, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pakikipagkasundo.”

Ang iyong pangunahing tampulan bilang “ministeryo ng pakikipagkasundo” ay DAPAT na akayin ang iyong kaibigan o grupo ng mga kababaihan upang makipagkasundo sa Panginoon. Pagkatapos ng isang dekada ng pagmiministeryo sa mga may krisis sa buhay may-asawa, mayroong isang bagay lamang na kumbinsido ako at ito ay ang problemang mag-asawa ay walang iba kundi problemang espiritwal na naipahahayag lamang sa isang kasal. Samakatuwid, ang ating layunin, iyo at akin ay, bilang mga “ministeryo ng pakikipagkasundo,” ay kinakailangang puntahan ang ugat ng lubos na problema: tignan ang pinagmulan ng kanilang pagkawasak, na ang desperado nilang pangungulila sa malapit at matalik na relasyon sa Panginon. Tayo ay magsisimula sa pagpapahintulot sa Diyos na gumana sa atin habang hinihikayat Niya ang mga nasira at desperadong kababaihang matagpuan Siya sa isang bago, malalim at kahanga-hangang paraan. “Kaya't kami ay mga sugo para kay Cristo, yamang ang Diyos ay nananawagan sa pamamagitan namin. Kami'y nananawagan sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Diyos.” 2 Corinto 5:20.

Ang salitang nananawagan ay “pagmamakaawa sa isang tao ng paulit-ulit.” Ang bersikulong ito ay nagpatuloy sa pangalawang ulit: “Kami'y nananawagan sa pangalan ni Cristo…” Bagaman ang babaeng iyong miniministeryuhan ay mag-iisip na dapat ang kanyang asawa ang kinakailangang makipagkasundo sa Diyos, ang katotohanan ay nais Niya muna siya! Sa madaming ng pagkakataon, ang babaeng nais ng Panginoon na abutin sa kalagitnaan ng krisis sa buhay may-asawa. Ang babaeng ito, naniniwala ako, ang “puso” ng relasyon ng mag-asawa at ang “puso” ang kinakailangang ibaling sa Diyos muna bago bumalik ulo (ang asawang lalaki). Gayunpaman, ang matigas na puso ay hindi maipapanumbalik; kinakailangan itong mawasak.

Pagkawasak

Ang babaeng nasa krisis ng buhay may-asawa ay maaaring galit o wasak. Minsan, makikita moa ng parehas na emosyong ito, na kadalasan nangangahulugang ang galit ay unti unting nasisira, ngunit hindi pa ng lubusan. Pagkatapos ng ilang taong pagsubok kong tulungan ang mga kababaihan sa parehong kategorya, ako ay nagpasyang hindi ako magmiministeryo sa isang babae na hindi pa nakararating sa lugar ng lubos na kawasakan dahil sa tatlong dahilan:

  1. Wala naman talagang punto. Ano man ang aking sabihin, o ibahagi sa kaniya, kahit pa ang mga dating sakit na aking pinagdaanan at pagiging totoo tungkol sa aking kamalian at kakulangan, hind niya ako maririnig. Ang aking mga salita ay hindi makakapasok sa kanyang pusong batong nagpapamalas ng galit. “Kung ang sinuman ay may pandinig ay making.” Apocalipsis 13:9. Hindi siya magiging interesado sa aking nais sabihin.

Sa puntong ito siya sumusubok na makakuha ng kahit na sinong pakikinggan ang kanyang panig at kakampi sa kanya. Sapagkat darating ang panahon na hindi nila matitiis ang wastong aral; kundi, sa pagkakaroon nila ng makakating tainga, ay mag-iipon sila para sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling pagnanasa…” 2 Timoteo 4:3.

  1. Kung ilalaan ko ang aking oras at pagsisikap na magministeryo sa mga babaeng may matitigas na puso at galit sa kanyang asawa, galit sa Diyos dahil sa pagpapahintulot nitong mangyari ang ganito sa kanya, at ngayon ay galit din sa akin sa pagsubok kong tulungan siya sa paraang hindi niya gusto, ako ngayon ay mapapagod, at hindi na ako magiging malaya upang magministeryp sa isang babae na wasak at may pagnanais na magamot. “Ngunit sinasabi ko sa inyo, masdan ninyo ang inyong paligid[a]at inyong tingnan ang mga bukid na mapuputi na upang anihin.” Juan 4:35. Mayroong napakaraming puso na mapuputi na upang anihin; huwag magkamaling sumubok na mag-ani ng isang kaluluwa bago pa ito mahinog.

  2. Ang aking pagsuway o pagsasalita ay magdudulot mas lalong ikagagalit niya. Sa Mga Kawikaan 29:1 ay binalaang tayong, “Ang madalas na sawayin ngunit ang ulo ay matigas,ay biglang mababali, at wala nang lunas.” Ito ang parehas na dahilan kung bakit sinasabi naming sa mga kababaihang huwag na magpatuloy sa paghahabol sa kanilang mga asawa — dahil hindi maiiwasang ito ay magdudulot ng tuluyang pagkasira ng kanilang pagsasama. Ito rin ay para sa iyong pakikisama sa iyong kaibigan, kapamilya o katrabaho. Ang Diyos lamang ang TANGING nag-iisang makapagpapabaling ng pusong bato at baguhin ito at gawing pusong laman. “Bibigyan ko sila ng isang puso, at lalagyan ko sila ng bagong espiritu. Aalisin ang batong puso sa kanilang laman, at aking bibigyan sila ng pusong laman…” Ezekiel 11:19.

Mga Pakana ng diyablo. “Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma ng Diyos upang kayo'y makatagal laban sa mga pakana ng diyablo.” Efeso 6:11. Ang pakana ay ipinaliwanag bilang “isang malihim at tusong pagpaplano, na may pakay na magdulot ng pagkasira o peligro; isang maparaang plano ng ma isasagawa.” Ang pakanang ito ng diyablo upang ikaw ay makaramdam na may dapat kang gawin pa (magsalita ng mas marami, mas mamilit) upang mapabago ang iyong kaibigan. Walang halaga ng pakikipag-usap ang makakapagpawasak sa kaniya. Ito ay trabaho ng Panginoon. Siya ang magdudulot ng mga pag-ikot ng mga pangyayari, mas maraming sitwasyo kung saan may ibubunyag Siya, o mas maraming krisis upang madala siya sa lugar kung saan kakailanganin SIYA nito. Huwag humadlang sa daanan ng Diyos.

Higit sa kanyang sarili. Sa karagdagan, huwag hayaang kumbinsihin ka ng diyablo na ang iyong tawag bilang ministeryo ay higit pa kaysa rito. “Sapagkat sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na ibinigay sa akin, na ang bawat isa sa inyo ay huwag mag-isip sa kanyang sarili nang higit kaysa nararapat niyang isipin; kundi mag-isip nang may katinuan, ayon sa sukat ng pananampalataya na ipinamahagi ng Diyos sa bawat isa.” Roma 12:3. Tayo ay mga sugo ng Panginoon, walang labis, walang kulang. Nakakatawa para sa Estados Unidos o ibang sugo ng pamahalaan na simulan ang pagkilos sa kanyang sarili sa halip na sa ngalan ng pangulo o ibang pinuno ng bansang kaniyang kinakatawan.

Ang isang sugo ay ang “nagpupunta sa pagitan” na gumagamit ng kaniyang kakayanan upang maipagkasundo ang dalawang panig na “magkalaban” sa isat-isa. “Kaya't kami ay mga sugo para kay Cristo, yamang ang Diyos ay nananawagan sa pamamagitan naming;  Kami'y nananawagan sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Diyos.” 2 Corinto 5:20.

Pagpapagaling

“Kanilang pinagaling nang bahagya ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, ‘Kapayapaan, kapayapaan’; gayong wala namang kapayapaan.” Jeremias 6:14.

Pagpapagaling ng bahagya. Sa tuwing ating kukuhanin ang pwesto ng dakilang Manggagamot o pagbibigay ng pamahid na gamot maliban sa Salita ng Diyos, gagamutin natin ng bahagya lamang ang iba. “Magmumukhang” sila ay nagamot, ngunit sa kalooban ang kanser ay lalong lalala. Tinanong sa atin sa Jeremias 8:22 na, “Wala bang pamahid na gamot sa Gilead? Wala bang manggagamot doon? Bakit nga hindi pa naibabalikang kalusugan ng anak na babae ng aking bayan?” Mayroong pamahid na gamot sa Salita ng Diyos; mayroong Manggagamot, kaya bakit ang espiritwal na kalusugan ng mga tao ng Diyos, ang mga Kristiyano, ay nasa kalunos-lunos na kondisyon? Dahil ibinaling natin sa pilosopiya ng sangkatauhan, ibinaling ang ating pokus sa isipan ng tao, sa pag-iisip, sa halip na sa kanyang espiritu. Kahit pa totoong ang kaisipan ay ang sentro ng ating pagkalikha at pag-uugali, at kahit pa ang kaluluwa ng isang tao, ang espiritu parin ang maiiwan. Ang espiritu ay ang sentro ng ating pagiging nilikha at pangangailangan sa Diyos at sa Kaniyang Salita.

Ngunit siya'y sumagot, “Nasusulat, ‘HINDI SA TINAPAY LAMANG MABUBUHAY ANG TAO, KUNDI SA BAWAT SALITANG LUMALABAS SA BIBIG NG DIYOS.’” Mateo 4:4.

Ang lakdawan o limitahan ang Salita ng Diyos mula sa isang babaeng nawasak ay ang gutumin ang kanyang kaluluwa mula sa kalusugang kinakailangan niya. At tulad ng isang taong gutom sa pangangatawan, ang tubig o pagkain ay ibinibigay ng dahan-dahan ngunit patuloy hanggat kaya na nilang pakainin ang kanilang sarili. Una ang mga likido, at sa susunod ay laman naman: “Gaya ng mga sanggol na bagong silang ay mithiin ninyo ang malinis na espirituwal na gatas, upang sa pamamagitan nito'y lumago kayo tungo sa kaligtasan.” 1 Pedro 2:2.

Pinagaling sila ng Kaniyang Salita. Sinabi sa Mga Awit 107:20 na “Sinugo niya ang kanyang salita, at pinagaling sila, iniligtas niya sila sa kapahamakan.” Dapat mong gamitin ang Kaniyang Salita kapag sumusubok na gamutin ang nasasaktan at sawi sa pag-ibig. Walang ibang makakagawa nito. Wala kundi ang puro, walang nabagong Salita ng Diyos lamang ang makagagawa. Huwag itong buhusan ng tubig; ito ay dapat ibigay sa buo nitong kalakasan upang makapagdulot ng milagrong kagalingan na tanging Siya lamang ang makagagawa. Ito ang dahilan kung bakit napakaraming kababaihan ang sumusulat sa amin tungkol sa kamangha-manghang pagbabagong dulot ng pagpapanumbalik naming aklat (o ibang libro mula sa amin) sa kanilang mga buhay, ito ay dahil HALOS Banal na Kasulatan lamang ito; ang paggaling nila sa kalooban ng kanilang espiritu, ang nagdudulot ng pagbabago. Kapag sinamahan ng “mga salita ng aking testimonya,” ito ay makapangyarihang dobleng suntok na nagpapawalang bias ng mga atake ng masama habang pinapakalma nito at inaamo ang kanilang kaluluwa.

Pinabayaan

Ang isang babaeng napabayaan at tinanggihan ay nangangailangn ng pagmamahal, pang-unawa, at kadalasan ay ating panahon. Gayunpaman, ang ating layunin ay dapat na, sa muli, ay ipakilala siya o ipakilalang muli sa nag-Iisang “hindi siya iiwan, o pababayaan man” (Hebre 13:5). Hindi tayo maaaring laging andyan para sa kaniya, o subukan man lamang natin. Dahil kapag nangyaring nakaasa siya sa atin, sa halip na sa Panginoon, nagdulot tayo ng mas masama sa halip na kabutihan sa kaniya. Dapat nating ibahagi sa kanya ang makapangyarihan at nakaaaliw na prinsipyong: “Sapagka't tinawag ka ng PANGINOON na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios.” Isaias 54:6.

Sabihin sa kaniya, “ Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa [sa ngayon]; ang PANGINOON ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.” Isaias 54:5. Kapag kanyang tuluyang nahanap ang “mangingibig ng kaniyang kaluluwa” wala na siyang kakailanganin pa — hindi ikaw at hindi din ang kanyang asawa, dahil “At pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.” Filipos 4:19. Kapag ang “pangangailangan” ay nawala na mula sa babaeng minsan ay “namanglaw ang kalooban” siya ay magmumukhang “nagliliwanag” sa kanyang asawa at ang kanyang puso ay babalik sa kanya.

Hindi Binibilang ang Kanilang Kamalian Laban sa Kanila

Juan 3:17 “Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.”

Mateo 7:1-2 “Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagka't sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.”

Lucas 6:37 “ At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain.”

Nang mayroong ministeryo ng pakikipagkasundo, kinakailangan mong tanggalin ang lahat ng klase ng panghuhusga maaaring magkaroon ka ng awa para sa babaeng iyong miniministeryuhan, ngunit kapag ikaw ay tumigil doon at hinusgahan ang kanyang asawa, maaari napalampas mo ang dahilan kung bakit ka ipinatawag.  Maaaring trabaho mong makinig sa kanyang mga sakit ngunit hindi ka dapat manghusga ng kahit na sino sa kanila. Maniwala ka sa akin, imposibleng magawa mo ito. Ang tanging paraan upang magawa ito ay ang pagkakaroon ng “isipan ng Cristo” na “gunagalaw ng may-awa.” Nakita sila ni hesus ng higit sa kanilang mga pagkakasala, kanilang mga luha at mga pagdurusa. Sa pamamagitan lamang Niya, habang ang Kaniyang espiritu ay nasa atin, matatagpuan natin at maisasakatuparan ang mahusay na komisyon.

Wala tayo sa posisyon upang malaman kung sino ang mas nagkamali. Sa halip tayo ay tinuruang magministeryo ng Salita ng Diyos sa pamamaraan ng pag-akay sa mga babae sa nag-Iisang nakakagaling, nakapagbabago at makakapagpanumbalik sa kanya.

At saw akas, bago magtapos ang kabanatang ito, hayaan ninyong ibahagi ko ang isang babala. Siguraduhing kayo ay magmiministeryo sa KABABAIHAN lamang. Ang tanging lalaking maaari ninyong ligtas na pagministeryuhan ay kamag-anak: anak na lalaki, iyong kapatid, o iyong ama. Wala sa mga ito ang hindi kadugo. Ang diyablo ay NAPAKA linaw. Nakakita ako ng mga kababaihang nahuli sa pangangalunya at hindi pagiging tapat noong sila ay sumubok na tumulong sa isang malapit na kaibigan o kapamilya na hindi naman kadugo. At huwag palkasin ang loob na ito ay “hindi kailanman” mangyayari sa iyo. Walang sino man sa atin ang makapangingibabaw. Dahil lamang sa biyaya ng Diyos kaya ikaw at ako ay hindi napasubo sa hindi pagiging tapat dahil maliban sa Kaniya wala tayong magagawa!

Sa Pagwawakas

Tayo ay mga sugo Niyang nagpadala sa atin. Tayo ay nagliligtas sa pagitan ng babaeng nasa kalagitnaan ng pagkabalisa at pagkawasal. Tayo ay nagdarasal “ng nakatayo sa gitna ng puwang” upang makakita Siya ng nagiisang nandoon. Kailangan natin silang abutin, ibalik muli, o pabalikin, sa Kanilang Tagapagligtas. Kinakailangan natin silang arugain sa pamamaraan at payo ng Panginoon, pagtuturo ng mabuti at tama.

Hindi natin sila dapat husgahan kahit pa ang kanilang mga asawa. Hindi natin dapat agawan ng posisyon ang nag-Iisang nagsugo sa atin. Hindi natin sila dapat pagalingin ng bahagya sapamamagitan ng pagbibigay ng pilosopiya ng tao o paghuhugas sa katotohanan at kapangyarihan ng Kaniyang Salita. Hindi natin dapat subuking magministeryo sa mga kababaihang galit parin at hindi nawasak, ngunit mag-iwan ng espasyo para sa Diyos upang matapos Niya ang Kaniyang nasimulan.

Isang mataas na pagtawag ang pagiging sugo ni Cristo sa ministeryo ng pakikipagkasundo. Isang mahirap at masakit ngunit sobra ang gantimpala. Kapag pinili mong maipadala sa mga larangan ng digmaan ng pakasira ng isang pagsasama ng mag-asawa ilalagay moa ng iyong sarili sa lugar kung saan ikaw ang unang makasasaksi ng milagro. Ito ay isang trabahong aking inirerekumenda ng mahigpit.

At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi,

“Sinong susuguin ko,

at sinong yayaon sa ganang amin?”

Nang magkagayo'y sinabi ko,

“Narito ako; suguin mo ako!”

Isaias 6:8

Personal na Pangako: Ang kilalanin at tanggapin ang ministeryo ng pakikipagkasundo. “Mula sa aking natutunan sa Salita ng Diyos at sa pagmamasid sa lumalalang epidemya ng hiwalayan at diborsiyo na nagaganap sa mundo ngayon, ako ay nangangako at isinusuko ang aking kalooban upang magawa ang pagnanasa ng Panginoon kapag ako ay nagging Kaniyang sugo. Ako ay mananatiling matapat na magbibigay ng pag-asa sa pamamagitan ng “Hope card” at handing ilaan ang aking oras na gabayan sila sa nag-Iisang makagagamot at makakapagpanumbalik.”

Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.

Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.