Kabanata 11 "Kinapopootan Ko ang Paghihiwalay"

 “‘Sapagkat aking kinapopootan ang paghihiwalay,’
sabi ng PANGINOON, ang Diyos ng Israel.”
Malakias 2:16

NEW-COVER-TGL-WW-Front-768x995-1

Bakait napakaraming kasal ng mag-asawa ang nagtatapos sa paghihiwalay? Narinig na natin ang mga istatistika…50% ng mga unang kasal ang nauuwi sa hiwalayan at 80% ng ikalawang kasal ang nauuuwi sa hiwalayan!

Ngunit bakit? “Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato.” Mateo 7:25. Karamihan sa ating mga bahay ay hindi naitayo sa Batong Salita Ng Diyos.

Ang bahay mo ba ay naitayo sa Bato? Kung hindi, katulad mo, at ako, tayo ay mga hangal. “Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak.” Mateo 7:27.

Ang Batong kinakailangan nating pagtayuan ng bahay natin ay ang Kaniyang Salita. “Kaya, hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinagsama nga ng Diyos, ay huwag papaghiwalayin ng tao.” Mateo 19:6. “…at ang dalawa ay magiging isang laman; Kaya't hindi na sila dalawa, kundi isang laman.” Marcos 10:8. “…Ngunit sinasabi ko sa inyo, kapag nakipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, maliban kung ito ay nakikiapid,[a] itinutulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.” Mateo 5:32. “Ito ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya'y nakikiapid, [itinutulak niya ang kanyang asawa na mangalunya][a] at siya'y mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya.” Mateo 19:9. “Sinabi niya sa kanila, “Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang asawa’…” Mark 10:11. “Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, at mag-asawa sa iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya, at ang mag-aasawa naman sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.” Lucas 16:18.

“Kaya kung makikisama siya sa ibang lalaki habang buhay pa ang kanyang asawa, nagkakasala siya ng pangangalunya. Pero kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas tungkol sa mga mag-asawa. At kung mag-asawa man siyang muli, hindi siya nagkakasala ng pangangalunya.” Roma 7:3.

Ang mga Banal na Kasulatan tungkol sa kasal ay sobrang maliwanag.

Pangako

Isang dahilan sa mataas na antas ng hiwalayan ay ang kakulangan sa pangako. Hindi tayo sigurado sa pananatiling kasal. Ito ay iwan na natin ang luma; at maghanap ng bago. Ang tunay na kahihiyan ay kung gaano karaming nasirang kasal at pagsasama ang mayroon sa simbahan, dahil pinahintulutan at tinanggap ng simbahan ang hiwalayan sam ga pagpipilian!

Ang pagtanggap sa hiwalayan bilang isa sa pwedeng pagpilian ay isang dahilan kung bakit mataas ang antas ng hiwalayan sa simbahan. Kapag pinayagan natin ang maling kaisipan o ideya, sinasabi ng Diyos sa atin na. “…natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa. (Ang kahulugan ng pagnanasa ay ang sobrang “pagnanais” sa isang bagay na  ipinagbabawal.)  At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ng kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantong ito sa kamatayan.  Kaya huwag kayong magpadaya, mga minamahal kong kapatid.” Santiago 1:14-16.

Marami ang magsasabing walang masama sa hiwalayan, lalo na sa piling pagkakataon; doon nagmumula ang pagkalinlang.

Panlilinlang

Pagsunod sa Diyos kaysa sa tao. Ang lahat ay mayroong masasabi tungkol sa kasal ng mag-asawa at kung ano ang kaniyang “tingin” na sinasabi ng Diyos tungkol dito sa Kaniyang Salita. Ang “kulay-abong lugar” na kinatatayuan ng maraming tao o Kristiyano ay hindi nagmula sa Banal na Kasulatan.  Ang hiwalayan ay malinaw na isang itim at putting usapin. Ang matigas na pagsandigam ay mahirap at hindi tanyag; kaya napakaraming pastor ang ayaw magkaroon ng malakas na paninindigan laban sa hiwalayan. Ngunit “Kailangang sa Diyos kami sumunod, sa halip na sa mga tao.” Mga Gawa 5:29.

Hindi ko ikinahihiya. Huwag sundin ang sinasabi ng kahit na sinong tao; sundan ang Diyos, at sumunod sa Kanya dahil Siya lamang ang tangi nating pag-asa para sa kaligtasan. Huwag subukan at gawing komplikado ang Kaniyang Salita sa pagsisikap na hanapin ang “tingin mong ibig Niyang sabihin.” Ang Kaniyang ibig ay ang Kaniyang Sinabi mismo! Ang karamihan sa mga mas liberal o nakauungos na simbahan ay binago ang milagro no Hesus. Ang isang babaeng pastor ang nagsabinsa kanyang sermon na ang milagro ng tinapay at isda ay isa lamang aral patungkol sa “pagbibigay” at wala ng iba. Sinabi niyang ang maliit na batang lalaki ang unang nagbahagi ng kanyang pagkain; at ang iba ay nagsimula nading ilabas at ibahagi ang pagkaing kanilang itinatago! Pakiusap manindigan sa mga turo ng Diyos kahit pa ano ang sikat o gaano karami ang tao sa simbahan ang nakipaghiwalay at nagpakasal muli. “Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya.” Roma 1:16. Pakiusap, kung ang mga kasal ay dapat maisalba o maipanumbalik, kailangan nating tumayopara sa Katotohanan!

Nauuwi lamang sa pag-aaway. Pakiusap huwag makipagtalo sa isyu ng hiwalayan. Ang bawat tao ay may responsibilidad na magsabi, magturo, at isabuhay ang Katotohanan. Ang Espiritu Santo ang bahala sa paghatol at ang Panginoon ang magbabalik ng puso. “Iwasan mo ang mga hangal at walang kabuluhang pakikipagtalo sapagkat alam mo namang nauuwi lamang iyan sa mga pag-aaway. Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, sa halip ay dapat siyang maging mabait sa lahat, mahusay magturo at matiyaga. Mahinahon niyang itinutuwid ang mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sila'y bigyan ng Diyos ng pagkakataong magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan at malaman nila ang katotohanan. Sa gayon, maliliwanagan ang kanilang isip at makakawala sila sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila upang kanilang sundin ang kagustuhan niya.” 2 Timoteo 2:23-26.

Sa kanilang bunga. Makikita natin ang “bunga” ng mga nasa simbahan na pumayag na mga butas at sa pang aabuso sa kumakalat na eksepsyon para sa hiwalayan. Makikita nating nagsimula ito sa butas ng “hindi pagiging tapat o pangangalunya” hanggang sa magpatuloy sa hiwalayan para na lamang sa kahit ba anong dahilan! Ito ay humanay sa nangyari sa usapin ng pagpapalaglag…panggagahasa, sekswal na pamamagitan sa mag kamag-anak, at ang estado ng kalusugan ng ina ay nasa 1% na lamang sa dahilan sa pagpapalaglag na nagaganap – 99% ay para sa kapakanan ng kaginhawahan na lamang! Ang hiwalayan dahil sa pangangalunya ay para narin sa kaginhawahan ngayon. “Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa.” Mateo 7:16 “Sinasabi ninyong mabuti ang punongkahoy kung mabuti ang kanyang bunga at masama ang punongkahoy kung masama ang kanyang bunga, sapagkat sa bunga nakikilala ang puno.” Mateo 12:33. Makikita natin ng malinaw ang masamang bung asa napakaraming nasirang kasal at mga pangako.

Ang mga Katanungan

Tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan. Bakit mahalaga na maunawaan natin at sundin ang Batas ng Diyos tungkol sa pag-aasawa? Mahalaga dahi lang mga pamilya ay nasisira, at, kapag walang pamilya, an gating bayan ay mawawalan ng panalangin. At tayong mga Kristiyano ang dapat sisihin para sa pagkasira n gating bayan. Hindi natin maibabaling ang sis isa iba dahil sa pangako ng Diyos sa mga Kristiyano. Na “kung ang mga mamamayan ko na Aking tinawag ay magpakumbaba, manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ang kanilang kasalanan, at pagpapalain ko ulit pagpapalain ang kanilang lupain.” 2 Cronica 7:14. Tanggapin na natin, ang mga kasal ng mga Kristiyano ay nasisira tulad ng parehas na antas sa buong mundo. Bakit? Dahil “Napapahamak ang aking mga mamamayan dahil kulang ang kaalaman nila.” Oseas 4:6. Nalinlang ang mga Kristiyano at sumusunod na sila ngayon sa pamamaraan ng mundo, sa halip na sa pamamaraan ng Diyos.

Babaling sa mga aral na gawa-gawa lamang. Paano natin malalaman na tayo ay nalilinlang tungkol sa kasal at hiwalayan? Alam natin sapagkat ayaw nating marinig ang Katotohanan. “Sapagkat darating ang panahon na ayaw nang makinig ng mga tao sa tamang aral. Sa halip, hahanap sila ng mga gurong magtuturo lamang ng gusto nilang marinig para masunod nila ang kanilang layaw. 4 Hindi na nila pakikinggan ang katotohanan at babaling sila sa mga aral na gawa-gawa lang ng tao.” 2 Timoteo 4:3-4.  Tayo ay naghahanap ng mga makamundong solusyon tungkol sa mga nasirang pagsasama ng mag-asawa, hiwalayan at pagpapakasal muli. “Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios.” 1 Pedro 2:9. Kapag kayo ay nanindigan para sa inyong kasal, lalo na sa kaso ng pangangalunya o pang-aabuso,tatawagin kayong kakatwa ng mga tao!

Upang hindi ninyo magawa ang mga bagay na nais niyong gawin. Ang Kaniyang Salita ay hindi nagbabago; ang Salita ng Diyos ay ang kabaligtaran ng mga pilosopiya ng mundo at mahirap na inti dhin at unawain. “ Sapagkat ang taong hindi nagtataglay ng Espiritu ay hindi kayang tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal.” 1 Corinto 2:14. At sinasabi ditong “Subalit sinasabi ko, lumakad kayo ayon sa Espiritu, at huwag ninyong bigyang-kasiyahan ang mga pagnanasa ng laman… upang hindi ninyo magawa ang mga bagay na nais ninyong gawin.” Galacia 5:16-17. Sa uulitin, makikita nating agad ang “bunga” ng lahat nga mga Kasal ng Kristiyanong nawasak dahil sa paniniwala sa kasinungakingan. Subalit, “Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Nakakapitas ba ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan? Gayundin naman, ang bawat mabuting puno ay mabuti ang bunga, ngunit ang masamang puno ay masama ang bunga.” Mateo 7:15-17. Ating siyasatin ang maraming Banal na Kasulatan upang makita kung saan tayo nais na manindigan ng Diyos tungkol sa kasal.

 Mga Katotohanan sa Banal na Kasulatang Dapat Panindigan

Asawa sa pamamagitan ng tipan. Ang kasal ay dapat na tipanan ng dugo. Sa gabi pagkatapos ng kasal, ang isang tipanan ng dugo ay magaganap kapag napag-isa na ng mag-asawa ang kanilang kasal. “Ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo.” 1 Corinto 11:25. “Tinatakpan ninyo ang dambana ng Panginoon ng mga luha, ng pagtangis, at ng pagdaing, sapagkat hindi na niya nililingap ang handog, ni tinatanggap na may kasiyahan sa inyong kamay.  Gayunma'y inyong sinasabi, “Sa anong dahilan?” Sapagkat ang Panginoon ay saksi sa pagitan mo at ng asawa ng iyong kabataan, na ginawan mo ng kataksilan, bagaman siya'y iyong kasama, at iyong asawa sa pamamagitan ng tipan.” Malakias 2:13-14. “Hindi ko sisirain ang aking kasunduan sa kanya, at hindi ko babawiin ang aking ipinangako sa kanya.” Mga Awit 89:34. “Lahat ng landas ng Panginoon ay wagas na pag-ibig at katapatan, para sa mga nag-iingat ng kanyang mga patotoo at kanyang tipan.” Mga Awit 25:10.

Hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang kasal ay pang habambuhay. Sinasabi natin ang ating pangakong hanggang sa kamatayan hindi tayo mapaghihiwalay ngunit talaga bang sineseryoso natin ito? “ Kaya, hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinagsama nga ng Diyos, ay huwag papaghiwalayin ng tao.” Mateo 19:6. “…at ang dalawa ay magiging isang laman!’ Kaya't hindi na sila dalawa, kundi isang laman.” Marcos 10:8.

Sapagkat aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon. Sinabi ng Diyos na Kinapopootan nya ang hiwalayan! Ngunit ang ibang babae ay kumbinsido na ang Diyos ang nagtulak sa kanilang makipaghiwalay! Una, sinabi Niyang, “Sapagkat aking kinapopootan ang paghihiwalay.”(Malakias 2:16) at hindi Siya nagbabago.  “Si Jesu-Cristo ay hindi nagbabago. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at magpakailanman.” Mga Hebreo 13:8. Kahit na para sa iyo, sa iyong kaibigan o iyong kapatid na babae…. “Tunay ngang nauunawaan ko na walang kinikilingan ang Diyos.” Mga Gawa 10:34.

Itinakda ko kayong makapangasawa ng isang lalaki. Tayo ay buhay na halimbawa ni Kristo at ng Kaniyang Simbahan, ang nag-iisang asawa ng isang lalaki. “Ako'y nakakaramdam sa inyo ng maka-Diyos na panibugho, sapagkat kayo'y itinakda kong mapangasawa ng isang lalaki, na kayo'y maiharap ko kay Cristo.” 2 Corinto 11:2-3. “…asawa ng isang babae…” 1 Timoteo 3:2. “…Italaga mo ang mga taong walang kapintasan; isa lamang ang asawa….” Tito 1:6.

Nagkakasala ng pangangalunya. Ang pagpapakasal muli ay hindi kasama sa “pagpipilian”; ito ay “pangangalunya”! “…Ngunit sinasabi ko sa inyo, na ang bawat nakikipaghiwalay sa kanyang asawang babae maliban sa pakikiapid, ay nagtutulak sa kanya sa pakikiapid; at ang sinumang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.” Mateo 5:32.  “At sinasabi ko sa inyo: sinumang ihiwalay ang kanyang asawang babae, maliban sa pakikiapid ang dahilan, at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya.[a] At ang mag-asawa sa babaing inihiwalay ay nagkakasala ng pangangalunya.” Mateo 19:9. “Sinabi niya sa kanila, “Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang asawa….”” Marcos 10:11. Ang bawat humihiwalay sa kanyang asawang babae at nag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya, at ang nag-aasawa sa babaing hiniwalayan ng kanyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.” Lucas 16:18.

Tatawagin siyang nangangalunya. “Kaya nga, kung siya'y makikipisan sa ibang lalaki habang nabubuhay pa ang asawang lalaki, siya'y tatawaging mangangalunya; ngunit kung mamatay ang asawang lalaki, siya ay malaya na sa kautusan, at siya'y hindi isang mangangalunya kung siya man ay makipisan sa ibang lalaki.” Roma 7:3. “Walang sariling bait siyang nangangalunya, ang gumagawa niyon ay sarili ang sinisira.” Mga Kawikaan 6:32. “Kapag ang isang lalaki ay mangalunya sa asawa ng kanyang kapwa, ang lalaking nangalunya at ang babaing nangalunya ay parehong papatayin.” Levitico 20:10. “Binigyan ko siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikuran ang kanyang pakikiapid, ngunit ayaw niya. Kaya nga bibigyan ko siya ng malubhang sakit, pati ang mga kasama niya sa pangangalunya. Daranas sila ng matinding kapighatian kung hindi nila pagsisisihan at tatalikuran ang kahalayang ginawa nila sa piling ng babaing iyan.” Pahayag 2:21-22.

Patutunayang sinungaling ka. Ano ang pagbubukod tangi na sugnay? Una sa lahat, kakauntimg kasal sa simbahan ang nagtatapos dahil sa pangangalunya, kahit pa ito ang tamang “pagbubukod.” Sinabi sa bersikulong, “…ngunit sinasabi ko sa inyo, kapag nakipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, maliban kung ito ay[nangangalunya, nakikiapid, karumihan sa moralidad  o  kahalayan], itinutulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya; at sinumang makipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.” Mateo 5:32. Sa ibang bersyon ng Bibliya, ang mga salitang pangangalunya, pakikiapid, karumihang moralidad at kahalayan ay pinagpapalit-palit na para bang iisa lang itong salita. Hindi ito ganon.

Ang “pagbubukod tanging” sinasabi ni Hesus ay tungkol sa pakikiapid, karumihang moralidad at kahalayan. Ito ay porneia (4202) bago pa maganap ang kasal. Ang salitang pangangalunya, ay tumutukoy pagkatapos ng kasal, ay (3429) Moichao  sa Strong’s Concordance sa Griyego o orihinal na lenggwahe. Ang salitang pangangalunya o moichao (3429 pagkatapos) at porneia (4202 bago) ay dalawang magkahiwalay at magkaibang kasalanan. Kung kaya’t, hindi mo maaaring hiwalayan ang iyong asawa dahil sa dahilan ng pangangalunya, karumihang moralidad o kahalayan. Ang paghihiwalay ay at pinapayagan lamang para sa pakikiapid kapag natuklasang hindi na birhen ang babae sa gabi ng kanyang kasal.

Ang isa pang kagiliw-giliw na notasyon ay matatagpuan sa kahulugan ng 4202. Ang may-akda ay umaminh nagdagdag siya ng kanyang sariling salita. Sinabi niyang, “Ang mga salitang ito ay idinagdag upang isama ang ‘pangangalunya’ at ‘kahalayan sa magkakamag-anak’ para mas madaling maunawaan ang pakikiapid (Porneia).” Sinasabi niyang ang pangangalunya ay dinagdag sa kahulugan ng salitang porneia. Ngunit sinabi ng Diyos sa Kaniyang salita na, “Huwag mong daragdagan ang kanyang salita sapagkat pagsasabihan ka niya bilang isang sinungaling.” Mga Kawikaan 30:6.

Hayaan nyong sumipi ako sa mga tala ng Strong’s sa ilalim ng Mga Palatandaan na Ginagawa at Plano ng Aklat: “Panaklong…nagsasaad ng salitang ibinigay kasama ang pangunahing salita kung saan ito idinugtong at ang kaunging salitang nagpapaliwanag ay idinagdag upang mauri ito.” Sa uulitin, hindi dapat “….daragdagan ang kanyang salita sapagkat pagsasabihan ka niya bilang isang sinungaling.” Mga Kawikaan 30:6.

Kasinungalingan at kawalang ingat. Mag-ingat tungkol sa iyong sinasabi na Sinabi ng Diyos sa iyo. “Ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na ginagamit ang kanilang mga dila at nagsasabi, ‘Sinasabi ng Panginoon.'Ako'y laban sa kanila na ang propesiya ay mga sinungaling na panaginip na nagsasalaysay ng mga iyon, at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan at kawalang-ingat.” Jeremias 23:31-32. “Sapagkat aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon.” Malakias 2:16. Hindi sinasabi ng Diyos sa ating salungatin ang Kaniyang mga Salita! Hindi Siya nagbabago.

At, mag-ingat din sa iyong sasabihin tungkol sa hiwalayan o pagpapakasal muli; maaari itong magdulot sa isang hiwalayan o pagpapakasal muli. “Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito!.... Mas mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat.” Mateo 18:7,6.

Kung ikaw ay naniwalang ang hiwalayan ay maaari sa piling pagkakataon, ikaw ay nalinlang. “At hindi nakapagtataka! Sapagkat maging si Satanas man ay nagpapanggap na anghel ng liwanag.” 2 Corinto 11:14. Kapag nakakaramdam kang magsalita o gumawa ng kahit na ano, siguraduhing ito ay nakabatay sa Banal Na Kasulatan. “Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato. Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. 27 Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak.” Mateo 7:24-27.

Pagkatapos mong matiyak ang Banal na Kasulatan, tignan kung gaano ka kapursigido tungkol dito. Ang pagnanasa ng laman ay masarap na pakiramdam sa laman. Kapag ikaw ay mayroong pagmamadali sa likod ng iyong ginagawa, hindi mo kailangan ng biyaya ng Diyos upang maisakatuparan ito. “Sapagkat ang ninanasa ng laman ay laban sa nais ng Espiritu, at ang nais ng Espiritu ay laban sa ninanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito, kaya hindi ninyo magawa ang gusto ninyong gawin.” Galacia 5:17.

Paano Kung

Paano kung ang aking asawa ay hindi tapat at gumawa ng pangangalunya, ngayon ay maaari ko na ba siyang hiwalayan? Hindi. Sinabi sa Kaniyang Salita na maaari ka lamang makipaghiwalay para sa dahilan ng pakikiapid, na nakita natin, ay pagtatalik bago pa ang kasal. Ito ay bago pa ang nakatakdang araw. Ang pakikiapid at pangangalunya ay magkaibang kasalanan. Kung parehas sila ay dapat parehas din silang kasama sa iisang bersikulong, tulad nitong Banal na Kasulatang ito: “…ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya….” 1 Corinto 6:9.

Ang hiwalayan para sa dahilang pakikiapid ay pinahihintulutan lamang bago ang nakatakdang araw, tulad kina Maria at Jose. “Si Jose na magiging asawa niya…kaya ipinasya niyang hiwalayan na lang si Maria nang palihim.” Mateo 1:19. Ang mga salitang fiancé at may kasunduan pakasal ay hindi ginagamit noong panahong ito sa kasaysayan. Si Jose ay tinalaga bilang kanyang asawa dahil siya ay nakatakdang ikasal kay Maria. Pinayagan siyang hiwalayan ito dahil bago pa mangyari ang kasal, dahil ang hiwalayan ay pinapayagan para sa kaso ng pakikiapid. Sa mga bersikulong sumunod dito, ipinaliwanag na ang hiwalayan ay dapat na maganap bago ang kasal! “Si Maria…ay nakatakdang ikasal kay Jose. Pero bago pa sila ikasal, nalaman ni Maria na buntis siya…” Mateo 1:18. Ang pinakahuling pagkakataon na maaaring maganap ang hiwalayan ay ang araw bago ang gab ing kasal, kapag nalaman na ang babae ay hindi na birhen.

Maaari bang magpakasal ang kahit na sino? “Ang babaing may asawa ay nakatali habang nabubuhay ang kanyang asawa. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siyang makakapag-asawa sa kanino mang ibig niya, lamang ay sa Panginoon.” 1 Corinto 7:39. Para sam ga kababaihang biyuda na, mahalagang malaman na ang tunay na kapag dumating ang “Tamang Lalaki” siya ay biyudo narin o hindi naikasal kailanman. Huwag magpakasal sa lalaking hiwalay din. Tandaan, ibibigay ni Satanas ang kanyang pinakamainam sa umpisa pa lamang. Paghihintayin ka ng Panginoon at saka Niya ibibigay ang Kaniyang pinakamainam? “Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan ang kanyang daan.” Mga Awit 37:34.

Kung mayroon sa inyong nakakaala, ng kahit na anong hadlang, kung bakit hindi kayo maaaring magsamas a Matrimonya, maaari niyo ng amininin ito. At makampanteng, kapag mayroong taong pinagsama ng liban sa pinapayagan ng Salita ng Diyos, ang kanilang kasal ay hindi ayon sa batas. (“The Marriage Service,” C.R. Gibson Co.)

Paano kung ako ay nasa ikalawa (o ikatlong) kasal na? Una, humingi ng tawad sa Diyos,  hindi na mahalaga kung ito ay bago ka pa mailigtas o hindi. Hindi ka magiging mabisa sa iyong lakad Kristiyano kung hindi ka aamin sa mga dati mong pagkakasala. “Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti.” Mga Kawikaan 28:13. “Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan.  Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.” 1 Juan 1:8-9.

Hindi niya alam ito. “Binigyan ko siya ng panahon upang makapagsisi; ngunit ayaw niyang magsisi sa kanyang pakikiapid. Akin siyang iniraratay sa higaan at ang mga nakikiapid sa kanya ay ihahagis ko sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisi sa kanyang mga gawa.” Apocalipsis 2:21-22.

Kapag sinabi mong wala kang nagawang kasamaan, pinatunayan mo na ang iyong konsensiya. “Ganito ang lakad ng babaing mapangalunya. Siya'y kumakain, at bibig niya'y pinupunasan,  at nagsasabi, “Wala akong nagawang kasamaan.’” Mga Kawikaan 30:20. Kapag hindi ka nagsisi, magkakaroon ka ng katangian ng babaeng nangangalunya. “Sapagkat ang mga labi ng mapangalunyang babae sa pulot ay tumatagas, at ang kanyang pananalita kaysa langis ay madulas;  ngunit mapait na gaya ng halamang lason sa bandang wakas, tabak na may dalawang talim ang siyang kasintalas… Hindi siya tumatahak sa landas ng buhay; ang kanyang mga lakad ay di-panatag, at hindi niya ito nalalaman.” Mga Kawikaan 5:3-4, 6.

Huwag matakot umamin sa pagkakamali; hindi tayo sumasailalim sa batas – purihin ang Diyos! “Kapag ang isang lalaki ay mangalunya sa asawa ng kanyang kapwa, ang lalaking nangalunya at ang babaing nangalunya ay parehong papatayin.” Levitico 20:10. “Kaya't ipahayag ninyo sa isa't isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Ang panalangin ng taong matuwid ay makapangyarihan at mabisa.” Santiago 5:16. “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” 1 Juan 1:9.

Huwag ang kalooban ko, kundi ang kalooban Mo. Pagkatapos mong umamin, isantabi ang iyong kalooban at hingiin sa iyong Makalangit na Ama ang Kaniyang kalooban tungkol sa nais Niyang gawin mo. Maraming iba na nasa ikalawa (o mga sumunod) na kasal ang haharap sa mahirap na gawaing ito. Mayroong ibang nakakuha ng kasiguraduhang nais ng Diyos na manatili sila sa kasalukuyang kasal nila at gamitin ang kanilang buhay bilang testimonya laban sa hiwalayan. Ang iba naman ay nakikitang nagugunaw ang kanilang pagsasama sa kasalukuyan nilang asawa dahil sila ay ginamit ni Satanas noong sinira nila ang dating kasal ng kanilang kasalukuyang asawa. “Ang magnanakaw ay dumarating lamang upang magnakaw, pumatay, at pumuksa. Ako'y pumarito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang may kasaganaan.” Juan 10:10. Dapat kang magtiwala sa Kaniya. Nais Niyang bigyan ka ng masaganang buhay, hindi peke. Pakiusap, manalangin ng ganito na lamang, “Ama, kung loloobin mo, ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” Lucas 22:42.

Wala bang humatol sa iyo? Ngunit mapapatawad ba ang pangangalunya kahit kailan? Oo. Sinabi ni Hesus sa babaeng nahulinh nangangalunya, “May humatol ba sa iyo?... Hindi rin kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala.” Juan 8:10-11. Ngunit dapat mo munang aminin ang iyong mga kasalanan at huwag hiakayatin ang ibang magkasala tulad mo. Sa totoo lamang, hindi lamang hindi basehan ang pangangalunya sa hiwalayan , kundi basehan din sa pagpapatawad na ipinakita ni Kristo sa Juan 8:10 sa itaas. Mayroon din tayong halimbawa sa libro ni Oseas ng isang lalaking nagpatawad sa kaniyang asawang nangalunya. “Sinabi ng Panginoon sa akin, “Umalis ka at ipakita mong muli ang pagmamahal mo sa iyong asawa kahit na nangangalunya siya.” Oseas 3:6. At sa 1 Corinto 6:9-11, noong tinukoy ng Diyos ang mga nangangalunya at nakikiapid sinabi Niyang, “At ganyan nga ang ilan sa inyo noon. Ngunit nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan at ibinukod na kayo ng Dios para maging kanya; itinuring na kayong matuwid dahil sa Panginoong Jesu-Cristo at sa Espiritu ng ating Dios.” Tayo ay nilinis ng sa pamamagitan ng  pagpapatawad mg Kaniyang dugo.

Ngunit papaano ang mga pastor na nagsasabing sapat na dahilan ang pangangalunya sa pakikipaghiwalay? “Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ 28 Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.” Mateo 5:27-28. Kung totoong ang pangngalunya ay sapat na dahilan para makipaghiwalay, kung gayon karamihan sa mga kababaihan ang dapat hiwalay na sa kanilang mga asawa dahil karamihan sa kanila ay nagnasa sa litrato ng mga kababaihang nakikita nila sa telebisyon o magasin?

Magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit napakaraming simbahan at nga pastor ang nagsasabing ang paghihiwalay ay tama sam ga piling sitwasyon at ang pagpapakasal muli ay maaari kung tama ang mga dahilan. “Kaya't sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit.” Mateo 5:19.

Hindi ko kayo kilala. Papaano ako makasisigurong ang mga turong ito ay tama at ang karamihan sa mga turo ng simbahan ay mali? “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’ Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.” Mateo 7:15, 22-23. Hindi ba karamihan sa mga pamilya sa inyong simbahan ay nagugunaw at ang mga kasal ay nasisira? Ito ang masasamang bunga ng mga bulaang propeta.

Pakikipag-away sa Diyos. Maraming pastor ang “may malalim na pakiramdam” ng katotohanan tungkol sa kasal, ngunit ayaw nilang “makasakit” ng kahit na sino, lalong lalo na ang mga “miyembro ng simbahan” na nasa ikalawa o ikatlong kasal na nila. “Ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya't sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos..” Santiago 4:4.

Kung ang isang pastor o simbahan ay nanindigan laban sa pakikipaghiwalay at pagpapakasal muli sila ay sasabihang “ligal” o “mapanghusga.” At ang mga nagnanais na gawin ang gusti nila ay lilipat sa ibang simbahan upang marinig ang nais nilang marinig (para masunod ang kanilang layaw). “Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. 4 Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip.” 2 Timoteo 4:3-4.

Lumayo kayo sa akin. Ang pakikipaghiwalay ay pagsuway s autos ng Diyos. Hindi dahil isang tagapagturo ang isang tao, o sa ibang uri ng ministeryo o simbahan, hindi ito nangangahulugang sumusunod siya sa Diyos. Sinabi ni Hesus ay sundin ang kalooban ng Kaniyang Ama sa langit! Ating basahin muli ang bersikulong ito: “Marami ang tumatawag sa akin ng ‘Panginoon’, pero hindi ito nangangahulugan na makakapasok sila sa kaharian ng langit. Ang mga tao lang na sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang mapapabilang sa kanyang kaharian. Marami ang magsasabi sa akin sa Araw ng Paghuhukom, ‘Panginoon, hindi baʼt sa ngalan nʼyo ay nagpahayag kami ng inyong salita, nagpalayas ng masasamang espiritu at gumawa ng maraming himala?’ Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!’ ” Mateo 7:21-23.

Ang babae ay nakatali. Maaari mong itanong, “Dahil ako ay ‘malayang muli,’ hindi ba maaari na mag-asawa akong muli o makipag kit asa iba at hilingin sa Diyos na patawarin ako?” Un asa lahat hindi ka malaya. Ang isang taong hindi naikasal kailanman ang tanging malaya. “Ang babae ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito.” 1 Corinto 7:39. “Kaya kung makikisama siya sa ibang lalaki habang buhay pa ang kanyang asawa, nagkakasala siya ng pangangalunya. Pero kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas tungkol sa mga mag-asawa. At kung mag-asawa man siyang muli, hindi siya nagkakasala ng pangangalunya.” Roma 7:3. Ikalawa, aanihin mo ag iyong itinananim. “Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.” Galacia 6:7.

Ang kaniyang lakad ay di-panatag. Kung iyong babalewalain ang mga bersikulong ito, magkakaroon ka ng parehas na kapalaran sa babaeng nangangalunya: kapaitan, matalim na salita, lakad ay hindi panatag, maingay, rebelde, at hindi niya ito nalalaman man lang! “Ngunit mapait na gaya ng halamang lason sa bandang wakas, tabak na may dalawang talim ang siyang kasintalas. Ang kanyang mga paa sa kamatayan ay palusong;   ang kanyang mga hakbang ay nakahawak sa Sheol. Hindi siya tumatahak sa landas ng buhay; ang kanyang mga lakad ay di-panatag, at hindi niya ito nalalaman.” Mga Kawikaan 5:4-6. “Siya'y (babaeng nangangalunya) matigas ang ulo at maingay, ang kanyang mga paa ay hindi tumitigil sa bahay.” Mga Kawikaan 7:11.

Wala akong nagawang kasamaan. Kapag buonang iyong loob na pumasok sa kasalanan, ang iyong budhi ay mapapaso. “Ganito ang lakad ng babaing mapangalunya: Siya'y kumakain, at bibig niya'y pinupunasan, at nagsasabi, “Wala akong nagawang kasamaan.” Mga Kawikaan 30:20. Inuulit ko, ikaw ay nagnanais na pumasok sa pagkakasala. “Ang nakakaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagkakasala.” Santiago 4:17. Inilalagay mo ang sarili mo sa lugar na paghihigantihan ka ng Diyos. “Sapagkat kung sinasadya nating magkasala, matapos nating tanggapin ang lubos na pagkakilala sa katotohanan, ay wala ng natitira pang alay para sa mga kasalanan. Gaano pa kayang higpit na parusa sa akala ninyo, ang nararapat sa kanila na yumurak sa Anak ng Diyos? Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kanyang bayan. Isang kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Diyos na buháy.” Mga Hebreo 10:26-31.

Sa pagsasara ng isang mahirap na usapin, dahil sa bigat ng kasalanan ng simbahan, ating tignan ang matigas na pahayag na isinulat ni Paul kay Timoteo: “Kung nagtuturo ang sinuman ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga tunay na salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa pagiging maka-Diyos, 4 siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at masasamang hinala. 5 Mahilig din siyang makipagtalo sa mga taong baluktot ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan.” 1 Timoteo 6:3-5.

“Kung mahal nʼyo ako, susundin nʼyo ang aking mga utos.” Juan 14:15

Gumawa tayo ng pansariling pangakong

Manatiling kasal

At hikayatin ang ibang gawin din ito.

Personal commitment: To remain married and encourage others to do the same. “Based on what I have learned from God's Word, I recommit myself to my marriage. I will humble myself whenever necessary and take all the steps as a ‘peacemaker’ in my marriage. I will not cover my transgressions nor cause another to stumble. I will devote my lips to spreading God's Truth on marriage in a gentle and quiet manner.”

Pansariling pangako: Na manatiling kasal at hikayatin ang ibang gawin din ito. “Mula sa aking natutunan galing sa Salita ng Diyos, aking ipinapangakonh muli ang aking sarili sa aking kasal. Magpapakumbaba ako kung narararapat kapag kinakailangan at gagawin ang lahay ng hakbang bilang ‘tagapag-panatili ng kapayapaan’ sa aking buhay may-asawa. Hindi ko pagtatakpan ang aking mga paglabag o magdudulot sa ibang mabuwag din. Aking ilalaan ang aking labi sa pagpapakalat ng Katotohanan ng Diyos tungkol sa kasal sa  malumanay at tahimik na pamamaraan.”

Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.

Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.