Kabanata 10 "Iba’t-ibang Pagsubok"
“Ituring ninyong tunay na kagalakan, mga kapatid,
kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang pagsubok,
sapagkat alam ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya
ay nagbubunga ng katatagan.”
Santiago 1:2-3.
Ano ba ang layunin ng Diyos sa ating pagsubok at paghihirap? Marami sa mga Kristiyano ay walang ideya kung bakit hinayaan ng Diyos ang ating pagdurusa. Dahil walang pang-uunawa sa nangyayari, nagtataka pa ba tayo na marami sa Kristiyano ngayon ang madaling sumusuko?
Ang pinaka importanteng bagay na kailangan natin matutunan sa ating pagsubok, paghihirap, pagsusulit at tukso ay ang Diyos ay ang may hawak ng lahat! Ang Kaniyang kamay ang kumukumpas sa mga pagsubok kung tatama ba ito sa atin o hindi. Kung hinayaan Niya ito, ipinapadala Niya ang Kaniyang grasya at awa, upang makayanan natin ang mga ito.
Tukso. Ang mga tukso na nararanasan natin, sabi ng Banal na Kasulatan, ay pangkaraniwan sa tao, ngunit ang Diyos naman ay nagbibigay ng daan upang malusutan ito. “Walang tuksong dumating sa inyo na hindi karaniwan sa tao, subalit tapat ang Diyos, na hindi niya ipahihintulot na kayo'y tuksuhin nang higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay naglalaan ng pag-iwas upang ito'y inyong makayang tiisin.” 1 Corinto 10:13
Ang mga tukso ay nagmumula sa ating sariling mga pagnanasa. Ang Diyos ay hindi tayo tutuksuhin na gumawa ng kasamaan, sa halip ang ating mga pagnanasa ang nanunukso sa atin. “Huwag sabihin ng sinuman kapag siya'y tinutukso, “Ako'y tinutukso ng Diyos,” sapagkat ang Diyos ay hindi natutukso ng masasama, at hindi rin siya nanunukso sa sinuman. Ngunit ang bawat tao ay natutukso ng sarili niyang pagnanasa, kapag siya ay nahila at naakit nito.” Santiago 1:13-14. Kung iisipin natin ang ating pagnanasa, pangkaraniwan ay sexual. Subalit, ang pagnanasa na sinasabi sa Bibliya ay kasakiman sa lahat ng nagpapakain sa iyong katawang panlupa; kasama na ang kung nasusunod ang iyong mga kagustuhan.
Tayo ay nasa Kaniyang Kamay. “Ang lahat ng ito'y pinag-aralan kong mabuti at nalaman kong lahat ng kilos ng matuwid at ng matalino ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, maging pag-ibig o pagkapoot.” Mangangaral 9:1. Kahit na kumukuha tayo mula sa ibang tao, lalo na sa ating mga asawa, ang lahat ng natatanggap natin ay nagmula sa Panginoon.
“Marami ang humahanap ng lingap ng isang tagapamahala, ngunit ang katarungan ay sa Panginoon makukuha.” Mga Kawikaan 29:26
“Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabak, nguni't ang pagtatagumpay ay sa Panginoon.” Mga Kawikaan 21:31
“Ginagawa ang pagsasapalaran sa kandungan; nguni't ang buong pasiya niyaon ay sa Panginoon.” Mga Kawikaan 16:33
“Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: Kumikiling saan man niya ibigin.” Mga Kawikaan 21:1.
Pahintulot sa pagsubok. Ang pinaka nakakagaan na pakiramdam ay ang alam nating si Satanas ay hindi tayo mahahawakan ng walang permiso mula sa Diyos. “At sinabi ng Panginoon kay Satanas, ‘Ang lahat ng pag-aari niya ay nasa iyong kapangyarihan, subalit huwag mo lamang siyang pagbubuhatan ng iyong kamay.’ Sa gayo'y umalis si Satanas sa harapan ng Panginoon.” Job 1:12. Hindi lamang kinailangan ni Santanas ng permiso upang masala si Job, ngunit mayroon siyang tiyak na tagabilin kung hanggang saan lamang siya maaring gumalaw. Si Satanas ay humingi din ng permiso upang masala si Pedro. “Simon, Simon, narito, hiningi ni Satanas na ligligin kayo gaya ng trigo.” Lucas 22:31.
Pagsisisi at Kaligtasan. “Ngayon, ako'y nagagalak hindi dahil sa kayo'y nalungkot, kundi dahil ang inyong kalungkutan ang nagdala sa inyo sa pagsisisi. Sapagkat kayo'y nalungkot nang ayon sa kalooban ng Diyos, upang kayo'y huwag dumanas ng kalugihan sa pamamagitan namin. Sapagkat ang kalungkutang ayon sa kalooban ng Diyos ay nagbubunga ng tunay na pagsisisi tungo sa kaligtasan, ngunit ang kalungkutang ayon sa sanlibutan ay nagbubunga ng kamatayan.” 2 Corinto 7:9-10. Hinayaan ng Diyos ang ating kalungkutan upang dalhin tayo sa pagsisisi. Kapag sinubukan natin ang ating mga asawa (o ang iba) na magsisi dahil sa ginawa nila, hindi ito magdadala ng tunay at busilak na pagsisisi.
Kailangan natin ng biyaya. “Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan.’ Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo. Dahil dito, maligaya ako sa aking kahinaan, sa mga panlalait sa akin, sa mga pasakit, pang-uusig at sa mga paghihirap alang-alang kay Cristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Dios.” 2 Corinto 12:9-10. Paano ba natin matatanggap ang biyayang kailangan natin? Sa pamamagitan ng pagpapakumbaba.
“Ang Diyos ay sumasalungat sa mga mapagmataas, subalit nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.” Santiago 4:6.
“Sapagkat ang bawat nagmamataas sa kanyang sarili ay ibababa, ngunit ang nagpapakababa sa kanyang sarili ay itataas.” Lucas 18:14
“Mapapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang lupa.” Mateo 5:5
“Ang kapalaluan ng tao ang sa kanya'y magpapababa, ngunit magtatamo ng karangalan ang may mapagpakumbabang diwa.” Mga Kawikaan 29:23. Ang pangangalandakan ng iyong kahinaan, pag-amin sa iyong mali at pananatiling mapagkumbaba ang magbibigay daan para sa Espiritu Santo na mamuhay sa atin. Ito ang paraan upang makuntento kahit anupaman ang iyong pinagdaraanan.
Matutong makuntento. Nakikita natin na kailangan nating matuto makuntento sa iba’t ibang karanasan natin na hinayaan ng Diyos. “Hindi sa nagsasalita ako dala ng pangangailangan, sapagkat aking natutunan ang masiyahan sa anumang kalagayang aking kinaroroonan. Marunong akong magpakababa, at marunong din akong magpakasagana; sa bawat bagay at sa lahat ng bagay ay natutunan ko ang lihim sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.” Filipos 4:11-12
Matutong sumunod. Kahit si Hesus ay natutong sumunod mula sa Kaniyang paghihirap. “Bagama't siya'y isang Anak, siya'y natuto ng pagsunod sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang tiniis.” Mga Hebreo 5:8
Siya ang tatapos sa atin. “Ako'y panatag sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa ay siyang magtatapos nito hanggang sa araw ni Jesu-Cristo.” Filipos 1:6. Sa oras na simulan Niya ang mabuting gawain sa iyo, sa iyong asawa o mga mahal sa buhay, tatapusin Niya ito.
Tayo ang magiging ginhawa para sa iba. Hindi sapat na tanggapin lamang natin ang binigay ng Diyos na pagkalinga; tayo ay naatasan na magbigay ng kaginhawaan sa iba, anupaman ang kanilang pinagdurusahan! “Diyos ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa lahat ng ating paghihirap, upang maaliw natin ang nasa anumang paghihirap, sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin mula sa Diyos.” 2 Corinto 1:3-4.
Ang pagdisiplina ng ating Ama. Maraming beses ang ating paghihirap ay isang pagdisiplina mula sa ating Ama sa Langit dahil sa hindi pagsunod sa isa sa Kaniyang mga batas. “Anak ko, huwag mong ipagwalang-bahala ang pagtutuwid ng Panginoon; huwag manghina ang iyong loob kung ikaw ay kanyang sinasaway; sapagkat ang minamahal ng Panginoon ay kanyang itinutuwid, at ang bawat itinuturing na anak ay hinahagupit.” Magtiis kayo alang-alang sa pagtutuwid. Mga anak ang turing sa inyo ng Diyos; Gayundin naman, dinidisiplina tayo ng Diyos para sa ikabubuti natin, upang tayo'y maging banal ding katulad niya.” Hebreo 12:5-10
Ang disiplina ay isang biyaya. Kapag sinunod natin ang halimbawa ng mga propeta sa Bibliya, matutulungan tayo nito na magtiis sa kabila ng ating paghihirap. “Mga kapatid, alalahanin ninyo ang mga propetang nagpahayag sa pangalan ng Panginoon at gawin ninyo silang halimbawa ng pagtitiyaga sa gitna ng pagdurusa. Alalahanin ninyong itinuturing nating pinagpala ang nanatiling matatag sa gitna ng pagtitiis. Narinig ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at inyong nakita ang layunin ng Panginoon, kung gaano kalaki ang kanyang habag at kagandahang-loob.” Santiago 5:10.
Ang tumanggap ng biyaya. Sa oras na nangyari ang kasamaan sa atin o naibato ang mga insulto sa atin, kailangan nating magtiis, nang hindi ito binabalik, upang matanggap ang ating biyaya. Kailangan natin maalala na ang mga insulto at kasamaan ay dinala sa ating buhay upang mabigyan tayo ng “pagkakataon” na tumanggap ng biyaya. “Huwag ninyong gantihan ng masama ang gawang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila sapagkat ito ang dahilan ng pagtawag sa inyo, at kayo'y tatanggap ng pagpapala.” 1 Pedro 3:9. “Subalit magdusa man kayo dahil sa paggawa ng mabuti, pinagpala kayo. Huwag kayong matakot at huwag kayong mag-alala sa maaari nilang gawin sa inyo.” 1 Pedro 3:14.
Ang pagdidisiplina ay maaring nakakalungkot. Ang pagidisiplina ay hindi masaya habang nangyayari ito. Subalit, ang mga natuto sa Kaniyang pagdisiplina ay nakakaalam sa gantimpala ng pagiging matuwid. “Lahat ng disiplina habang dinaranas ay tila hindi kanais-nais kundi masakit; subalit pagkatapos, ito ay magdudulot ng mapayapang bunga ng katuwiran sa mga sinanay dito.” Hebreo 12:11.
Magsisimula ito sa mga Kristiyano. Bakit kailangan magsimla ito sa mga Kristiyano? Dahil ang mga makasalanan, pasaway na Kristiyano ay hindi makakatawag ng iba para lumapit sa Panginoon. Uulitin ko, ito ang “kalooban ng Diyos” kung bakit tayo nagdurusa. Kinakailangan nating hayaan ang ating sarili na magdusa (kadalasan sa kamay ng iba) sa pamamagitang ng pagbigay ng ating sarili sa Diyos. “Panahon na upang simulan ang paghuhukom, at ito'y magsisimula sa sambahayan ng Diyos. At kung sa atin ito nagsisimula, ano pa kaya ang magiging wakas ng mga hindi sumusunod sa ebanghelyo ng Diyos? Kaya nga ang mga nagdurusa dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ay dapat ipagkatiwala ang kanilang sarili sa tapat na lumikha at magpatuloy sa paggawa ng mabuti.” 1 Pedro 4:17-19.
Ang kapangyarihan ng ating pananampalataya. Ang ating pananampalataya ang nagbubukas sa pinto ng mga himala. Ngunit kinakailangan mong maniwala na Siya ay may kakayanan at huwag magkaroong ng pagdududa sa iyong puso. “Sumagot si Hesus sa kanila, “Manalig kayo sa Diyos. Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, na sinumang magsabi sa bundok na ito, ‘Mabunot ka at maitapon sa dagat,’ mangyayari ang sinabi niya kung siya'y naniniwala at walang pag-aalinlangan sa puso. Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, paniwalaan ninyong tinanggap na ninyo at mangyayari nga iyon sa inyo.” Marcos 11:22-24.
Ang Diyos sa Kaniyang Salita ay nagsabing tayo ay magdurusa. “Sinabi na namin ito sa inyo noong magkasama pa tayo na tayo'y uusigin, at alam ninyong ganito nga ang nangyayari ngayon. Kaya't nang hindi na ako makatiis, nagpadala na ako riyan ng sugo upang alamin ang kalagayan ng inyong pananampalataya sa Panginoon. Nag-aalala akong baka nalinlang na kayo ng diyablo at mawalan ng saysay ang aming mga paghihirap.” 1 Tesalonica 3:4-5. Huwag kang susuko! Huwag hayaan ang satanas na nakawin ang himala na mayroon ang Diyos para sa iyo kung ikaw ay magtitiis at magwawagi!
Kasama ang Diyos. “Hindi ito kayang gawin ng mga tao, ngunit ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” Mateo 19:26. “Tumingin si Jesus sa kanila at sinabi, “Hindi ito kayang gawin ng tao; ngunit kaya ng Diyos. Sapagkat lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” Marcos 10:27. Walang anuman (WALA KAHIT ISA) ang imposible sa Diyos. Kumilos kasama ang Diyos. At dahil hindi Siya namimili sa sangkatauhan, Ang ginawa Niya sa iba ay gagawin Niya rin para sa iyo!
Ang iyong sasabihin. “...matatag nating panghawakan ang ating ipinapahayag.” Hebreo 4:14. Kailangan nating masabi ang sinasabi ng Diyos sa Kaniyang salita, nang walang pag-imbot, na may pag-asa sa ating mga labi. “Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa naglalagablab na pugon at mula sa inyong kapangyarihan. Kung hindi man niya kami iligtas, hindi pa rin…” Daniel 3:17-18. Maghintay sa panahon na kinakailangan mong magbigay pahayag. Ikaw ay matatanong, kung puno ka ng kaligayahan sa Diyos sa gitna ng iyong pagdurusa! “Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo.” 1 Pedro 3:15. Kapag tinanong, siguraduhing sasagutin ang nagtanong ng may paggalang, pagrespeto at kahinahunan. Huwag makipagtalo sa Salita ng Diyos!
Bigkisan ang iyong isip at manatiling maayos. “Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong mga isipan para sa dapat ninyong gawin. Maging mahinahon kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo.Ang salitang mahinahon dito ay nangangahulugan na magkaroon ng malinaw na pag-iisip; malinaw ang isip kung paano tatayo at malayuan ang kahihinatnan ng pagdadalawang isip.
Maging maligaya. Kaya nating maging maligaya sa ating paghihirap dahil alam natin na ito ay nagbibigay ng tibay na magbibigay kakayahan sa atin upang tapusin ang ating hinaharap. “Ituring ninyong tunay na kagalakan, mga kapatid, kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang pagsubok, sapagkat alam ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng katatagan. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y dumating sa hustong gulang, ganap at walang kakulangan. At kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat. Ngunit ang humihingi ay dapat magtiwala at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na hinihipan ng hangin at itinataboy kahit saan.” Santiago 1:2-6. Alam nating ang ating pananampalataya ay sinusubukan. Ang takot at pagdududa ay papasok sa isipan; wag itong pansinin! Sa halip, sipin lamang ang mabubuting mga bagay. Kung nagdududa ka, mahihirapan kang tumayo at ang mga pagsubok ay lalong hihirap. At tandaan, magkakaroon ng maraming pagsubok, ang iba ay panghinahin ang hirap at ang iba ay magulo lamang. Kinakailangan nating “pasalamatan Siya” para sa lahat ng ating pagsubok, tulad ni Job.
Magalak. “Magalak kayong lagi sa Panginoon. Muli kong sasabihin: Magalak kayo. Makilala sana ng lahat ng tao ang inyong kahinahunan. Ang Panginoon ay malapit nang dumating. Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, sa halip ay idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan tungkol sa lahat ng mga bagay, sa pamamagitan ng panalangin at pagsamong may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos, na higit pa sa kaya nating maunawaan, ang magbabantay sa inyong mga puso at mga pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Kahuli-hulihan, mga kapatid, anumang bagay na totoo, anumang bagay na kagalang-galang, anumang bagay na matuwid, anumang bagay na malinis, anumang bagay na kanais-nais, anumang bagay na kahanga-hanga, kung may anumang kahusayan, at kung may karapat-dapat parangalan, ang mga bagay na ito ang isipin ninyo. Ang mga bagay na inyong natutuhan o tinanggap at narinig o nakita sa akin ay patuloy ninyong isagawa; at ang Diyos ng kapayapaan ay sasainyo.” Filipos 4:4-9. Malinaw na karamihan ng mga pagsubok ay naipapanalo o natatalo sa isipan. Sundin ang payo ng Panginoon para sa kapayapaan sa gitna ng pagsubok. Magalak sa ginagawa Niya. Isipin ang mga bagay na ito, sabihin ang mga bagay na ito, at pakinggan lamang ang mga bagay na ito. (Kadalasan ang mga malalapit nating kaibigan ay tatawag upang sabihin kung ano ang ginagawa ng ating asawa; hindi ito “magagandang balita” at, kadalasan, ay hindi nakaka-ibig, dalisay o tama, kaya huwag pakinggan!)
Ang Pananampalataya ay HINDI nakikita. Gustong malaman ng iba kung ano na ang nangyayari sa oras na ikay ay may pinagdaraanang pagsubok sa buhay. Naghahanap sila ng mga pangitain na bumubuti ang mga bagay bagay. Kailangan nating maalala na ang Banal na Salita ay malinaw; ang pananampalataya ay hindi nakikita! Sagutin ang kanilang katanungan, “ang Diyos ay kumikilos!” “Kaya't hindi kami pinanghihinaan ng loob; bagaman ang aming panlabas na pagkatao ay nabubulok, binibigyan naman ng panibagong lakas sa araw-araw ang aming panloob na pagkatao. Sapagkat itong magaan at pansamantalang paghihirap ang naghahanda sa atin para sa walang hanggang kaluwalhatian na hindi maihahambing sa anuman. Sapagkat hindi namin pinagmamasdan ang mga bagay na nakikita, kundi ang mga bagay na hindi nakikita, sapagkat ang mga bagay na nakikita ay pansamantala lamang, subalit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.” 2 Corinto 4:16-18.
Hindi nakikita! Kapag nararanasan natin ang sinasabi ni Pablo na “magaang paghihirap,” maari pa rin nitong wasakin ang ating mga puso. Ipaalala mo sa iyong sarili ang pinaka importanteng katotohanan: ang mga paghihirap na ito pansamantala lamang. Hindi lamang sa panamantala ito ngunit ito ay gumagawa ng napakagandang bagay para sa iyo sa kaluwalhatian. Alalahanin, ang paghihirap ay pansamantala lamang pero ang benepisyo nito ay pang matagalan! “Ngayon, ang pananampalataya ay pagiging tiyak sa mga bagay na inaasahan at paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita.” Mga Hebreo 11:1.
Hindi sa nakikita. Karamihan sa mga tao ay naniniwala lamang sa oras na nakikita nilang mayroong nangyayari — hindi ito pananampalataya! “Sapagkat lumalakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng aming nakikita.” 2 Corinto 5:7.
Tingnan ang mga nangyayari. Nang si Pedro at tiningnan ang kaniyang paligid ay lumubog siya, at ikaw rin. “Sinabi niya, “Halika.” Kaya't bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig papalapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin ni Pedro ang hangin, natakot siya. At nang siya'y nagsisimula nang lumubog ay sumigaw siya, “Panginoon, iligtas mo ako!” Kaagad iniabot ni Hesus ang kamay niya at hinawakan si Pedro, at sinabihan, “Ikaw na maliit ang pananampalataya! Bakit ka nag-alinlangan?” Mateo 14:29-31.
Para sa ating pagsubok. Ito marahil ang pinaka importanteng aralin sa ating laban para sa ating pamilya at mga asawa: ang maipasa ang ating pagsubok. Ang pagsubok sa ating pananampalataya ay ang paniniwala sa Kaniyang Salita at hindi maabala sa ating emosyon o maling mga direksyon. “Ituring ninyong tunay na kagalakan, mga kapatid, kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang pagsubok, sapagkat alam ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng katatagan. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y dumating sa hustong gulang, ganap at walang kakulangan.” Santiago 1:2.
Pagsubok sa apoy. “Sa ganito kayo'y nagagalak, bagama't ngayon sa sandaling panahon ay kailangan ninyong magdanas ng iba't ibang pagsubok, upang ang kadalisayan ng inyong pananampalataya na mas mahalaga kaysa gintong nasisira, bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay mauwi sa kapurihan, kaluwalhatian at karangalan sa pagpapakita ni Jesu-Cristo.” 1 Peter 1:6-7. Marami na ang nabigo sa pagsubok at tinuloy ang paglakad sa disyerto tulad ng lakad ng mga taga Israel. Ang patunay ng iyong pananampalataya ay mas mahalaga kaysa sa ginto.
Panatilihin ang pananampalataya. Huway maghanap ng ibang plano kung nahihirapan; huwag kumompromiso mula sa iyong sinimulang gawin. Si satanas ay kilala sa pagdala ng bago (ngunit mali) na solusyon sa ating mga pagsubok; ito ang ating pagsusulit. “Nakipaglaban ako ng mabuting pakikipaglaban, natapos ko na ang aking takbuhin, iningatan ko ang pananampalataya. Kaya't mula ngayon ay nakalaan na sa akin ang putong ng katuwiran…” 2 Timoteo 4:7-8.
Humingi sa Diyos ng isang babae ng tatayo kasama mo. Humanap ng ibang makakatuloy sa iyong laban at hindi iyuyuko ang iyong pangako. “Ang dalawa ay mas mabuti kaysa isa; sapagkat sila'y may mabuting gantimpala sa kanilang pagpapagod. Sapagkat kung sila'y bumagsak, ibabangon ng isa ang kanyang kasama; ngunit kahabag-habag siya na nag-iisa kapag siya'y bumagsak; at walang iba na magbabangon sa kanya. Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila; ngunit paanong maiinitan ang nag-iisa? At bagaman ang isang tao ay maaaring magtagumpay laban sa iba, ang dalawa ay magtatagumpay laban sa isa. Ang panaling may tatlong pisi ay hindi agad napapatid.” Eclesiastes 4:9-12. Dahil ang panaling may tatlong pisi ay hindi agad napapatid, humanap ng dalawang iba na tatayo sa iyong laban, hihikayatin ka at mapapanatili kang matatag sa direksyon ng iyong pananampalataya. Ito ay ilan sa mga halimbawa na makikita sa Banal na Salita.
Moses, Aaron at Hur. “Subalit ang mga kamay ni Moises ay nangalay, kaya't sila'y kumuha ng isang bato at inilagay sa ibaba, at kanyang inupuan. Inalalayan nina Aaron at Hur ang kanyang mga kamay, ang isa'y sa isang panig, at ang isa'y sa kabilang panig; at ang kanyang mga kamay ay nanatili sa itaas hanggang sa paglubog ng araw.” Exodo 17:12. Tingnan din sina Shadrach, Meshach at Abed-nego sa libro ni Daniel Kabanata 3.
Pablo Lucas at Timoteo. Nang si Pablo ay nasa kulungan, mayroon siyang dalawang lalakeng katulong na hikayatin siya. Nang si Demas ay umalis, ipinatawag ni Pablo si Timoteo. Sinabi na si Demas ay umalis dahil nabilaukan siya sa Salita dahil sa mga bagay na makamundo. Ang susunod na mga salita ay magsasabi sa atin kung bakit: “Ang napahasik sa mga tinikan ay iyong nakikinig ng salita; ngunit ang kabalisahan ng sanlibutan at ang daya ng mga kayamanan ay sumasakal sa salita at iyon ay nagiging walang bunga.” Mateo 13:22. Ang Banal na Salita ay tiyak na nagsasabi na ang “pagkabalisa” at dahil sa mga “kayamanan”. Kaya’t huwag tayong mag-alala sa mga nangyayari sa ating paligid o mahibang sa pera o pag-aari. Kalangan nating magtiwala na “Ang Diyos ang magbibigay ng lahat ng ating pangangailangan” kung ang ating mga asawa ay hindi nagtatrabaho at “mukhang” hindi sapat ang pera. Marami ang nahulog sa bitag mula sa pananampalataya dahil sila ay nasakal sa Salita.
Humingi ng gabay mula sa Diyos sa iyong mga pagsubok. “Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala, at huwag kang manalig sa sarili mong pang-unawa. Sa lahat ng iyong mga lakad siya'y iyong kilalanin, at itutuwid niya ang iyong mga landasin.” Mga Kawikaan 3:5-7. Tawagin natin Siya para sa lakas, lumapit sa Kaniya sa oras ng pangangailangan. Hayaan Siyang idisiplina tayo, subukan tayo, at subukin tayo. Magalak sa lahat ng pagkakataon sa lahat ng bagay, hindi lamang sa mabubuting bagay, pati na rin sa mga pagsubok na dinaranas natin. Hayaang ang pag-asa ang magtikom sa ating bibig at manatili ang ating isipan. Parating alalahanin ang pinagdaraanan natin ay Kaniyang kalooban at ito ay makakabuti para sa atin!
Sila'y galak na galak sapagkat minarapat ng Diyos na sila'y magdanas ng
kahihiyan alang-alang sa pangalan ni Hesus!
Mga Gawa 5:41
Wala siyang [ang babaeng Kawikaan] pangamba bukas na daratal.
Proverbs 31:25.
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos
para sa mabuti
kasama ang mga nagmamahal sa kanya,
silang mga tinawag ayon sa
kanyang layunin.
Roma 8:28.
Pangakong pansarili: Na isaalangalang lahat na KAGALAKAN sa oras na humaharap sa pagsubok. “Mula sa natutunan ko sa salita ng Diyos, pinapangako ko na hayaan ang pagsubok sa aking pananampalataya upang maging matatag. At hahayaan ko ang katatagan na may perpektong resulta, upang maging perpekto at buo, walang pagkukulang.”
Ito ay ilan sa mga Banal na Salita na maari mong
basahin kung ikaw ay may pinagdaraanang pagsubok:
Ang Diyos ang bahala, hindi ang tao at hindi ang Satanas.
- Ang katarunang ay sa Panginoon makukuha. (Mga Kawikaan 29:26)
- Mula sa Panginoon ang sagot. (Mga Kawikaan 16:1)
- Ibabaling ng Panginoon ang puso. (Mga Kawikaan 21:1)
- Ang kanilang gawa ay nasa kamay ng Diyos. (Mangangaral 9:1)
- Nagawa Mo (Diyos). (Awit 44:9-15)
- Pinayapa Niya (Diyos) ang bagyo. (Awit 107:1-32)
- Inalis Niya (Diyos) ang mangingibig at kaibigan (Awit 88:8, 18)
Ano ang ginagawa ng mga pagsubok para sa atin?
- Ang kapangyarihan ni Hesu-Cristo ay nasa atin. (2 Corinto 12:9-10)
- Upang matuto tayong makuntento. (Filipos 4:9)
- Upang makatanggap tayo ng gantimpala. (2 Timoteo 4:7-8)
- Upang hindi tayo magkukulang. (Santiago 1:2-4)
- Upang maaliw natin ang iba. (2 Corinto 1:3-4)
- Upang lubos na matapos ang sinimulan Niya sa atin. (Filipos 1:6-13)
- Upang maibalik ang minamahal natin. (Filemon 1:15-16)
- Upang makatanggap ng awa. (Hebreo 4:15)
- Upang matutong sumunod. (Hebreo 5:7-8)
- Upang maging matatag. (Santiago 1:2-4)
- Upang matanggap ang korona ng buhay. (Santiago 1:12)
- Upang mapatunayan ang ating pananampalataya. (1 Pedro 1:6-7)
- Upang masundan ang Kaniyang mga hakbang. (1 Pedro 2:21)
- Upang makibahagi sa Kaniyang paghihirap. (1 Pedro 3:13)
- Upang maperpekto, makumpirma, mapagtibay at maitatag. (1 Pedro 5:10)
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.