Ang Babaeng May Karunungan
Ang Babaeng may Karunungan ay Nagtatag ng Kanyang Bahay
Mula sa MANGMANG na Winasak ang Kanya Gamit ang Sarili nyang mga Kamay
Dedikasyon
Ang workbook na ito ay iniaalay sa aking Diyos at Tagapagligtas, Hesukristo. Salamat at hindi mo ako iniwan. Salamat sa pagiging tapat sa iyong mga pangako, lalong lalo na sa Roma 8:28, âAlam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.â
Sa aking panganay na babae, Tyler, noong ako ay biniyayaan ng Diyos sa pamamagitan mo, Nagumpisa ang aking paglalakbay sa paghahanap kung paano maging Inang Maka Diyos, sa pag asa na ako ay magiging mabuting halimbawang iyong susundan. At sa aking mga anak na babae, Tara at Macy, nawayâ masumpungan ninyo ang âmagiliw at tahimik na espiritu, na kalugod lugod sa paninging ng Diyos.â
Sa aking apat na anak na lalaki, Dallas, Axel, Easton at Cooper, nawayâ mahalin ninyo ang mga babaeng inyong pakakasalan, âSinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, At nagtatamo ng lingap ng Panginoon, âSapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubiâ! Alam kong mamahalin ko ang bawat isa sa aking mga manugang kagaya ng aking pagmamahal sa bawat isa sa inyo.
Ang Kabanata 12 at 15 ay nakalaan para sa aking Ina, Grace McGovern, na yumao upang makasama ang ating Panginoon noong Abril 10, 2000. Ang kanyang halimbawa ng pagmamahal sa bawat isa sa kanyang pitong anak bilang âespesyal na biyayang galing sa Panginoonâ ang naghikayat aa akin na gustuhin magka anak at magtiwala sa Panginoon para sa aking pagkayabong. Ang pagmamahal nya sa pagiging ina ang naghikayat sa akin na mahalin ang aking mga anak. Tama ang aking ina â âang pagibig ay hindi nagkukulang kailanmanâ!
Sa maraming kababaihan na dumulog sa Restore Ministries at tumulong sa pag pagbabago, pag-edit at proofreading ng workbook: sa aking ina, Jo Hurts, Tammy Sutton, Rachel Floyd, Wendy Brayant, Marilyn Danielsin at Sarah Buzzard. Salamat sa inyong lahat! Kayoây sagot sa aming mga dalangin.
 At higit sa lahat, sa aking asawa para sa kanyang pagbalik sa aming tahanan at pagiging pinunong espiritwal sa aming tahanan at ministeryo.   Mas lalo kitang minamahal sa bawat araw.
Pagpapakilala
Ang librong hawak mo sa iyong mga kamay ay hindi inilaan para basahin at isantabi. Ang aking pag asa at panalangin ay makapgbigay ito sayo ng karunungan na iyong kakailanganin para maiiwas kang harapin ang pagtataksil o diborsyo. Para sa inyong nakakuha ng workbook dahil sa rekomendasyon sa How God Can and Will Restore Your Marriage: A Book for Women from Someone Whoâs Been There, Ako ay nakasisiguro na nakita ng Diyos ang inyong puso at sa mga oras na ito ay âmalakas kayong sinusuportahan".
Ito ang panahon para lahat ng kababaihan (at kalalakihan) ay maunawaan na lahat ng kasal ay nasa gumuguhong buhangin, hanggat hindi ito naitatayo sa pundasyon ng Bato na Salita Ng Diyos.
Habang iyong babasahin ang mga susunod na kabanata, ikaw ay malilinawan na ang iyong pagsandal ay dapat sa Diyos lamang, Ang Banal na Kasulatan lamang ang iyong kakailanganin upang mabago ang iyong pagiisip patungo sa paraan ng pagiisip ng Diyos at iyong isantabi ang opinyon ng mundo. Ngayon, iyong gawain na itayong muli ang iyong tahanan sa Batp sa pamamahitan ng pagsasabuhay ng Salita ng Diyos, hind sa pakikinig lamang.
Bago muling itayo, kailangan mayroon kang magandang blueprints. Ang iyong blueprints dapat ay ang Kanyang Salita, na iyong matatagpuan sa mga susunod na pahina. Pagkatapos, kailangan mong mahanap ang Cornerstone kung saan mo ito bubuuin palibot. Ang ating Cornerstone ay ang pagtanggap kay Hesus bilang ating Panginoon, hindi lang tagapagligtas. Atin itong tatalakayin sa ikalawang aralin.
Bilang may bagong pagiisip at ang blueprint ng Panginoon, ngayon ay maitatayo mo ng muli ang iyong tahanan sa halip na may kamangmangan na itayo ito sa gumuguhong buhangin. Para sa inyong nakaupo sa gitna ng kaguluhan dahil ang inyong bahay ay gumuho ng tuluyan (sa pamamagitan ng pagtataksil o paghihiwalay) ay mayroong kalamangan. Kayo ngayon ay may matinding pagnanasa na muling itayo dahil wala na kayong ibang matitirahan. Nandito ako noong aking sinumulan na isulat ang workbook para sa kababaihan. Napakasakit para sa akin, pero sulit ang bawat luhang aking iniyak!
Sa inyong nakatira sa tahanang may kaunting langitngit at paggalaw tuwing nagbabago ang panahon ay komportable, ngunit kukunin ng Diyos ang inyong atensyon o kung hindi man ay hindi nyo hawak ang manual na ito ngayon sa inyong mga kamay. Tandaan, sinabi ni Hesus kapag dumating ang ulan, hindi kung darating ito. At napakalinaw nyang sinabi na ang mga kabahayan na hindi nakatayo sa Batong pundasyon ay guguho, at ang pagguho nila ay magiging matindi! Ang iyong ulan at hangin ay darating sa pamamagitan ng pagtataksil ng iyong asawa, pagkakasakit o pagkamatay sa iyong pamilya, o problemang pinansyal. Gayon pa man, ang Diyos ay matapat; Kanyang gagamitin ang lahat ng paraan upang makuha ang iyong atensyon.
 âNa ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo.â Fil 1:6. Ako ay nakatitiyak na lahat tayo ay magkakaroon ng pagsubok at kapighatian sa ating mga buhay; kayaât ating itayo ang ating mga tahanan sa Batong si Hesukristo at ang Kanyang mga Salita!
âAng Aking Bayan ay Nasira dahil sa Kakulangan ng Kaalamanâ
Kabanata 1 "Sa Batuhan"
âKayaât bawat dumirinig ng Aking mga Salitang ito, at ginaganap,
Ay maitutulad sa isang matalinong tao,
na itinayo ang kanyang bahay sa ibabaw ng bato.
At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang hangin,
At hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak,
Sapagkaât natatayo sa ibabaw ng bato.â
Mat. 7:24-25.
Ang iyong tahanan ba ay nakatayo sa ibabaw ng bato? Ikaw ba ay nakasisiguro? Sapagkat sinabi ng Diyos sa Kanyang Salita na darating ang ulan. Ito ay maaring sa paraan ng pinansyal na krisis, pagkamatay ng mahal sa buhay, pagtataksil, problemang pangkalusugan or suwail na anak. Makakayanan ba ng Kasal mo? Matindi ang pagbagsak ng karamihan sa kasal â sa iyo na ba ng susunod? O di kaya, ito ay bumagsak na ng tuluyan. Mga Kababaihan, ngayon ang panahon itayo nating lahat ang ating mga tahanan sa Bato ni Hesukristo  â Kanyang Salita.
Tayong mga kababaihan ay nagtutungo sa ibaât ibang Bible Studies at napakaraming seminaryo. Pinapagod natin ang ating sarili sa mga Salita, ngunit ang ating tahanan ay wala sa ayos at nagkakagulo. Karamihan sa ating mga asawa ay abala sa libangan, pampalakasan at kanilang trabaho kayaât kaunti nalang o wala na silang panahon para aralin ang Salita ng Diyos. Naisip nyo ba na kung ang inyong kasal ay mauwi sa Diborsyo? Mabuti, pagkat Sinabi ng Diyos, âKaya't ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.â 1Corinto 10:12.
Ang mga paraan ng mundo, na tumagos na sa mga simbahan at sa kanilang mga turo, ay nakakatiyak sa pagguho ng ating pag asa at plano para sa ating mga pamilya. Gusto mo ba talagang malaman kung ano ang sinasabi sa iyo ng Salita ng Diyos bilang babae, asawa at ina? Nabasa mo na ba ang blueprint ng Diyos at hinulma ang iyong tahanan ayon rito? Eto ang ilang mga katanungan na sasagutin sa pamamagitan ng mga Banal na Kasulatan sa mga susunod na aralin:
May mali ba sa diborsyo, lalo na sa ilang piling pagkakataon? Bakit nagreresulta sa diborsyo ang marriage counseling? Bakit maraming kababaihan ang nagpapakita ng ugali at katangian ng isang mabuting asawa patungo sa kanilang mga amo ngunit hindi sa kanilang mga asawa? Kung uunahin mo ang iyong asawa sa iyong buhay, anong mangyayari sa inyong kasal?
Anong kapahamakan ang dulot kung ang isang babaeng maybahay ay punuan ang lahat ng sarili nyang pangangailangan at ang kanyang asawa ay punuan din ang kanyang sariling pangangailangan? Ang iyong pastor ba ang dapat na iyong Pinunong Espiritwal? Bakit ang mga insulto at kademonyohan ay dumadating sa ating buhay, at paanong ito ay nakaugnay sa biyaya ng Diyos? Kung may tao o bagay tayong uunahin sa halip na ang Panginoon, ano ang gagawin ng Diyos upang tayo ay ilapit muli sa kanya? Ang ibang mangangaral ay tinuturuan tayong magalit; tama ba ito?
Mabuting Doktrina? Tayo bilang mga Kristiyano ay nagsisiya sa mga mensahe ng mga pulpito o Kristiyano sa radyo na nagpapaigting sa ating pananampalataya sa Panginoon, ngunit paano ang mga mensahe na nagdudulot ng pananalig? Tayo ba ay tumatakbo palayo sa katotohanan? Karamihan sa mga mangangaral ay nagsasabi sa kanilang kongregasyon o manginginig kung ano ang gusto nilang marinig, ito ay nakakapagbigay ng pinakamalaking mga handog para sa kanilang mga ministeryo.  âSapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip.â 2Timoteo  4:3-4.
Mababangis na Lobo. Binalaan tayo ni Hesus sa mga Pinunong Espiritwal na susubok na tayo ay linlangin. âMag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. . . .â Mateo 7:15-16. Makikita natin ang pinansyal na bunga ng maraming ministeryo, ngunit karamihan sa kanilang mga taga sunod ay nabubulok dahil sa kakulangan sa kaalaman. â Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan; sapagkat itinakwil ninyo ang karununganâŚ.â Oseas 4:6. Sa tuwing kayo ay nakikinig sa mga pinakatanyag na Kristiyanong Mananalita, kayo ba ay nakakasiguro na ang kanilang impormasyon ay base sa mga Banal na Kasulatan, o base sa sikolohiya at ideyang pantao? Alam mo ba ang pagkakaiba? â âAng propeta na nanaginip, ay magsaysay siya ng isang panaginip; at siyang nagtamo ng aking salita, salitain niya ang aking salita na may pagtatapat. Ano ang dayami sa trigo? sabi ng Panginoon.â Jer. 3:28. Nakilala mo ba ang pagkakaiba ng dayami sa trigo?
Nakahanap ng Karunungan. âAnak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng PANGINOON, Ni mayamot man sa kaniyang saway; Sapagka't sinasaway ng PANGINOON ang kaniyang iniibig, Gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.  Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, At ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, At ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto.â Mga Kawikaan 3:11-14. Kung ikaw ay nakarinig ng matinding mensahe na na nagsasabing âPagpapasukob,â o âAng Mapamintas na Babae,â o âPagkapanalo sa Iyong Asawa sa PANANAHIMIK,â tatanggapin mo ba ito ng malugod o tatakbo ka palayo sa katotohanan?
Ang Kanyang Layunin. Alam mo ba ang pagkakaiba ng pananalig at paghatol? Si Satanas ay nagdadala sa atin ng paghatol â pagiisip na nagbibigay sa atin ng kawalan ng pag asa. Ang Panginoon ay nagbibigay sa atin ng pananalig sa ating espiritu para ipamulat sa atin na may mga bagay sa ating buhay na kailangan nating baguhin. Lahat ng konsensya ay hindi masama. Bagkus, dapat tayong makaramdam ng konsensya kapag tayo ay nakakagawa ng masama. Kung ang tao ay hindi nakakaramdam ng konsensya o pagsisisi sa kanyang mga kasalanan, bakit sya magtitika? Kahit na ang kawalang pag asa na dulot ng paghatol ay magagamit sa kabutihan kung tayo ay hihingi ng tulong sa Diyos para sa pag asa. âAlam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.â Roma 8:28. Alam ba ninyo na sa maraming pagkakataon, magdudulot ang Diyos ng mga kahirapan sa ating buhay upang mapalakas ang ating relasyon sa kanya? Ang Diyos ang nagdala ng madaming pagsubok sa buhay ni Jonah upang mailabas ang pagiging masunurin nya, at ang Diyos ang bumulag kay Saul upang baguhin sya sa Makadiyos na si Paul. Mahalaga pa bang alamin kung saan nanggaling ang mga kahirapang ito kung hahayaan naman natin na ang bawat kapighatian na baguhin tayo ayon sa anyo ng Panginoon?
Aking Pamamaraan, aking Pagiisip. Ang mga nakasulat sa mga susunod na aralin ay maaring bago sa iyo. Marami sa katotohanang ito ay bihira, kung sakali man, na itinuturo ng mga pulpito, pinaguusapan sa Kristiyanong Istasyon sa radyo, o nasusulat sa mga Kristiyanong libro. âSapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.â Isaias 55:9. Ang mga aral na ito ay madaling makikita sa mga Banal na Kasulatan, pero kadalasang kinakaligtaan, binubuhusan, o kinuha sa labas ng konteksto para mapanindigan ang kasalungat na opinyon o maging ang kasalanan. âAng lahat ng salita ng Diyos ay mapananaligan; at siya ang kanlungan ng mga nananalig sa kanya.  Huwag mong daragdagan ang kanyang salita sapagkat pagsasabihan ka niya bilang isang sinungaling.â Mga Kawikaan 30:5-6.
Ang bagbag at nagsising puso. Ang iyong puso ba ay bagbag at may pagsisisi? Ito ay marahil upang makatanggap ng Katotohanan. âAng mga hain sa Dios ay bagbag na loob: Isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.â Mga Awit 51:17. Ito ay matabang lupa kung saan sinabi ng Panginoon na magbubunga ng mayayabong na prutas. â Pakinggan nga ninyo ang talinghaga tungkol sa manghahasik. Kung ang sinoman ay nakikinig ng salita ng kaharian, at ito'y hindi niya napaguunawa, ay pinaroroonan ng masama, at inaagaw ang nahasik sa kaniyang puso. Ito yaong nahasik sa tabi ng daan.  At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita at pagdaka'y tinatanggap ito ng buong galak; Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka'y natitisod siya. At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; nguni't ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao'y nagiging walang bunga.  At ang nahasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga, ang ila'y tigisang daan, ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.â Mateo 13:18-23.
Hindi ito narinig. âSubalit pinagpala kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga! Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig.â Mateo 13:15-17. Kakailanganun mo ng âtenga para makinigâ, ibig sabihin ay pakikinig at kagustuhan makakuha ng kunpletong karunungan na kayang ihandog ng Bibliya.
Pagbubulaybulay sa umaga at gabi. Kailangan mong baguhin ang iyong pagiisip, na ipantay ito sa sinasabi ng Diyos sa lahat ng bagay. Karamihan ay nakaasa sa kung ano ang sikat ayon sa pamantayan ng mundo o sumusunod sa tinatawag na na âdalubhasaâ sa larangan. Wag nating kalimutan na ang Diyos ang ating tagapaglikha. Hindi ba niya alam kung paano pakibagayan ang bawat pangyayari o relasyon na Kanyang ginawa? â Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng PANGINOON; At sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; At anomang kaniyang gawin ay giginhawa.â Mga Awit 1:2-3.
Kanyang Salita ay Katotohanan. Si Satanas ay susubukang tuksuhin kang tanggihan kung ano ang nakasulat sa workbook na ito. Susubukan nyang gumawa ng pagkakawatak sa pamamagitan ng pagiisip mo o pagsasalita na sumasalungat sa may akda. Una, hindi mahalaga kung ano ang sinusulat o sinasabi ng may akda. Ang mahalaga ay kung ano ang sinabi ng Diyos, dahil Siya ang May Akda at Lumikha ng buhay. Ikalawa, dapat nating tandaan na si Satanas ay susubukang pahinain ang loob mo; Pagkakawatak ang isa sa mga paborito nyang taktika. Kung hindi ka naniniwala sa mga nakasulat sa mga aralin na ito, may tatlo kang pagpipilian: 1) Maaari kang makipagusap sa sinomang kakilala mo na sasang ayon sa iyo. 2) Maaari mo lamang kunin kung ano ang gusto mo at ipasa ang ang iba kagaya ng sa handaan. 3) maaari mong hanpin ang katotohanan. âPakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.â Juan 17:17. Pakiusap piliin mong hanapin ang katotohanan. Walang dapat ikatakot sa katotohanan; sa halip ito ang magpapalaya sa iyo. âKung patuloy kayong susunod sa aking turo, kayo nga'y tunay na mga alagad ko.32 Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.â Juan 8:31-32. Inuulit ko, kung kayo ay may katanungan tungkol sa materyal na ito, hinihikayat ko kayong hanapin ang Salita upang makita ang katotohanan.
Hanapin at iyong Matatagpuan. âGayon ma'y hanapin ninyo ang kaniyang kaharian, at idaragdag sa inyo ang mga bagay na ito.â Lucas 12:31. âKaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.â Lucas 11:9. Gamitin ang inyong concordance; hayaang gabayan ka ng Panginoon sa lahat ng katotohanan. Kabisaduhin ang isang taludtod at pagnilayan ito ng paulit ulit sa iyong isip. Darating ang araw na parang may ilaw na magbubukas sa isang madilim na kwarto; at malalaman mo ang katotohanan! Sulit ba ang pagod? Mayroon ka bang panahon? âKaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, Upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.â Mga Awit 90:12. Kung Siya ang una nating hahahanapin, pinapangako Nya na ibibigay nya sa atin ang lahat.
Gutom at Pagkauhaw. Kung tayo ay mga mananampalataya, kung tayo ay Kristiyano, gayon ang ating layunin sa mundo ay luwalhatiin ang Panginoon sa lahat ng ating ginagawa, Hindi ba iyon ang ginawa ni Hesus sa Kanyang buhay? At, kung tinatawag natin ang sarili nating Kristiyano, tayo ay dapat na sumusunod kay Kristo. Tayo nga ba? Paano natin sinusunod si Kristo? Marahil sinubukan mo ng sundan si Kristo ng maraming beses noon, pero ikaw ay nadapa at hindi na makabangon. Kung bubuksan mo ang iyong puso sa Diyos at patuloy na magbabasa ng mga Banal na Kasulatan na makikita sa mga susunod na aralin, ang Kanyang Salita ay magdudulot sa iyo ng pagkagutom at pagkauhaw para sa Kanya at sa Kanyang katotohanan.
Ang Kanyang Salita. Ang Banal na Kasulatan ng Diyos ay ang pinakaimportanteng Salita sa mga susunod na pahina; pakiusap huwag ninyo itong laktawan. Ang Kanyang Salita ay Nakakapaghilom. âSinugo niya ang Kaniyang Salita, at pinagaling sila, At iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.â Mga Awit 107:20. Ang Kaniyang Salita ay ilaw na magliliwanag sa kadiliman. âAng Salita mo'y ilawan sa aking mga paa, At liwanag sa aking landas.â Mga Awit 119:105. Ang Kaniyang Salita ay Katotohanan. âAng kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; At bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.â Mga Awit 119:160.
Gawin mo na lang! Oras na maumpisahan mong maunawaan at tanggapin ang katotohanan sa Diyos, kailangan mong isabuhay ang mga Salita. âSapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumitingin sa salamin, at pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at kinakalimutan ang kanyang anyo.â Santiago 1:23-24. Kailngan mong isabuhay kung ano ang iyong natutunan, o kailanman ay hindi magkakaroon ng pagbabago sa iyong buhay!
Masigasig para sa kung anong mabuti? Hayaang ang alalahaning ito ang mangibabaw sa iyong pag iisip: ang mga turo sa workbook ay isinulat ng isang masigasig (isang panatiko). Naging ganoon ako nung ako ay ibinalik sa sulok ng aking buhay. Naging ganoon ako noong ako ay lumulubog at naghahanap ako ng bagay o tao na makakapgligtas sa akin. âDatapuwa't pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya, at nang siya'y malulubog, ay sumigaw, na nagsasabi, âPanginoon, iligtas mo ako!ââ Mateo 14:30. Naging ganoon ako noong nakakita ako ng malaking puwang sa aking buhay na nagbibigay sa aking puso ng sakit dahil sa aking kadeperaduhan na mapunan ang pagkukulang na ito. Kung nandito ka ngayon sa iyong buhay, ikaw rin ay magiging masigasig. Sumunod ka ng masigasig â at magliw!
Ang masigasig na pagtuturo ay kailangan ng may masigasig na pagsunod. âAt sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung masigasig kayo sa paggawa ng mabuti?â 1 Pedro 3:13. âAng lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at magsisi.â Apocalipsis 3:19. Itinawag ni Hesus ang ganoong klase ng masigasig na pagsunod sa kanyang pagtuturo habang Siya ay naglakad sa mundo. âAt kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan.â Mateo 18:8. Aking masasabi na ito ay mga masisigasig na pagtuturo mula sa Panginoon.
Tara, sumunod ka sa Akin. âAt pagtitig sa kaniya ni Jesus, ay giniliw siya, at sinabi sa kaniya, Isang bagay ang kulang sa iyo: yumaon ka, ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ibigay mo sa dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin. Datapuwa't siya'y nahapis sa sabing ito, at siya'y yumaong namamanglaw: sapagka't siya'y isang may maraming mga pagaari. At lumingap si Jesus sa palibotlibot, at sinabi sa kaniyang mga alagad, âKay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan!ââ Marcos 10:21-23. Kagaya ba tayo ng mayamang lalaki, na hindi sumusunod kay Hesus? Ilang beses ka na ba Niyang tinawag, pero ikaw ay nakatali sa mga bagay ng mundo kaya pinili mong hindis siya sundan? Wag mong palampasin ito ngayon; tinatawag Niya ang iyong pangalan.
Isantabi ang bawat pagkagambala. âKaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natinâŚ.â Hebreo 12:1. âAng gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.â Roma 13:12. ââŚAt inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdarayaâŚ.â Efeso 4:22. Kailangan mong baguhin kaagad ang iyong buhay at mangako sa sarili na susunod kay Hesukristo. Kailan ang susunod na pagkakataon na ikaw ang Kanyang tatawagin? Ito na ba ang huli mong pagkakataon? Ngayon pagnilayan mo ang berskikulong ito: âNi hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala.â Santiago 4:14. Gawing may bilang ang bawat pagkakataon, araw araw.
Maligamgam. Para sa inyong nagsasabi na kayo ay may masayang tahanan, itong workbook ay maaring maging masyadong masigasig dahil wala namang makakapagpaganyak sa inyong magbago. âAlam ko ang mga ginagawa mo. Alam kong hindi ka malamig ni mainit. Mabuti pa sana kung ikaw ay malamig o mainit. Ngunit dahil ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig, isusuka kita.â Pahayag 3:15-16. Ikinagagalit ng Diyos ang mga maligamgam na Kristiyano. Ikaw ba ay nag aalab para sa Kanya? Ano ang kailangan Niyang gawin sa iyong buhay para ikaw ay lumapit patungo sa Kanya at sa Kanyang Salita? Alam ko kung ano ang nawala para sa akin!
Mapagpakumbabang-loob. Ang mga mahihirap ay walang wala; kung kayaât mas madali para sa kanila na iwan ang lahat para sundan Siya at ang Kaniyang Salita. âSumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha.â Lucas 4:18. Ikaw ba ay bangkaroteng espiritwal? âMapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.â Mateo 5:3. Kung ikaw ay bangkaroteng pinansyal, ikaw ay masigasig na nagdarasal para makahanap ang iyong asawa ng trabaho o mas mainam na trabaho upang iyong mabayaran ang inyong mga singil at mapakain ang iyong pamilya, pero paano naman ang espiritwal na pagkain na kailangan mong ibahagi sa iyong mga anak?
Itinayo ang kaniyang bahay sa buhangin. Ating harapin, karamihan sa atin ay nagtayo ng ating bahay sa lumulubog na buhangin ng mga turo ng mundo. Hinahanap natin ang lahat ng kasalungat sa buhay at turo ng Panginoong Hesukristo! Alam mong bilang lang ang panahon bago gumiba ang iyong bahay ng mga baraha. Nakita natin ang mga pahiwatig; nakita natin ang ibang Kristiyanong kasal na nagiba. Anong kasiguraduhan na ang iyo ay maninindigan? Ang mga kababaihan na nakahanap at nakapagbasa ng manual na ito kung saan ang kanilang tahanan ay tuluyan ng nagiba, âat matindi ang paggiba netoâ, ay mayroong kalamangan. Dahil sila ay wala ng matitirahan, kanilang pinupulot ang mga piraso ng kalat at nagsisimulang bumuo muli. Wala silang ibang pagpipilian; Ginawa ng Diyos ito para sa kanila. âAng bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan.  Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak.â Mateo 7:26-27. Umpisahang muling itayo ang iyong bahay, paunti unti, kahoy sa kahoy, sa Batuhang si Hesukristo. Gamiting lamang ang kaniyang salita bilang inyong blueprints. Hayaang ang workbook na ito ang maghikayat sa iyo at tulungan kang maliwanagan sa mga lugar na may kinalaman sa iyong pinagdadaanan at sitwasyon sa iyong buhay.
Wag kang matakot sa kanila; alalalahanin ang Panginoon. At siya'y nagsalita sa harap ng kaniyang mga kapatid, at ng hukbo ng Samaria, at nagsabi, Anong ginagawa nitong mahihinang Judio? magpapakatibay ba sila? mangaghahain ba sila? wawakasan ba nila sa isang araw? kanila bang bubuhayin ang mga bato mula sa mga bunton ng dumi, dangang nangasunog na ang mga yaon?. . . . Kahit ba noong sila ay nagtatayo â kung ang soro ay tumalon dito, mababasag niya ang inyong batong dingsing pabagsak!â â Nehemias 4:2. Asahan ang panlilibak at panunukso habang iyong inumpisahan na buuing muli ang iyong bahay. Basahin ang buong kabanata ng Nehemiah para sa pagganyak at paghahanda.
Markahan sa iyong Bibliya ang mga mga sipi na nagpapaliwanag kung ano ang kanilang ginawa para magtagumpay laban sa mga pumipigil sa kanila. Una, sila ay nagdasal noong sila ay inumpisahan na kutsain at binigyan sila ng Diyos ng direksyon kasama ang âpagiisip na magtrabaho.â Sumunod, nagtayo sila ng mga depensa, araw at gabi. Alam din nila ang kanilang mga kahinaan at nagtayo ng iba pang depensa sa mga bahaging iyon. (Tunog giyera diba? Para sa mas maraming kaalaman sa Espiritwal na Pakikipaglaban na iyong hinaharap araw araw, tignan ang ikalimang aralin, âNaipanalo sa Katahimikan,â dahil âAng aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman. . . .â Hosea 4:6.)
Ang mga pinuno ay kinailangan ding makipaglaban sa takot ng mga pinapamunuan nila. Kakailanganin mo ng kalakasang espiritwal para hikayatin ang iyong mga anak pag sila ay nagumpisa ng matakot. âAt ako'y tumingin, at tumayo, at nagsabi sa mga mahal na tao, at sa mga pinuno, at sa nalabi sa bayan: âHuwag kayong mangatakot sa kanila: inyong alalahanin ang Panginoon, na dakila at kakilakilabot, at ipakipaglaban ninyo ang inyong mga kapatid, ang inyong mga anak na lalake at babae, ang inyong mga asawa at ang inyong mga bahay.â Nehemias 4:14. Sa Makatuwid, nakita ng kalaban na ang Diyos ang nakipaglaban para sa Israel. Ang ating kalaban ay ang demonyo, o ang mga nagtatrabaho para sa demonyo, ay makikita din ang Diyos âSapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.â Efeso 6:12.
Payuhan kita gamit ang Aking mga mata. Ipagpapatuloy mo ba ang pagsunod ng may masigasig na pangakong kinakailangan? Hindi natin kayang baguhin ang ating mga sarili. Tayo ay makasalanan; ang ating katuwiran ay wala kundi mistula basahan. Kung hahayaan natin ang Diyos na gumawa sa atin, uumpisahan Niyang baguhin ang kalooban natin. âAking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo. Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa: Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila, Na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.â Mga Awit 32:8-9.
Naaayon sa Kaniyang layunin. Ang Diyos ay dumating sa atin sa eksaktong oras ng ating pangangailangan. Hahayaan niya tayong makarating sa punto ng pagbabago sa ating buhay (gamit ang ibaât ibang pagsubok) upang matuto tayong sumandal sa kaniya. Sa oras ng pagkabalisa ay hahanapi natin Siya, at hahayaan Niyang Siyaây matagpuan. Sa panahon lang ng pagkasira nagkakaroon ng pagbabagong pang habambuhay. Maaari natin Siyang purihin sa lahat ng bagay dahil mayroon tayong kasiguraduhan na âgumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya,  silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.â Roma 8:28. Makikita natin mula sa passage na ito na ang ating mithiin ay dapat na naaayon sa kanyang layunin. Ano nga ba ang Kaniyang layunin para sa ating buhay? Karamihan sa atin ay pamilyar sa Roma 8:28, pero upang tuluyang maunawaan ang kaniyang layunin kailangan natin patuloy na magbasa, â Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na magingkatulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman niya. Ano ang ating sasabihin sap mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?â Roma 8:29-31.
Ipinagdadamot ka ba ng iyong mga gawa sa Kanya? Mahal mo ba siyang talaga na sasapat para Siya ay iyong sundin, kahit ikaw ay maging masigasig? Tayo ba ay mas nagaalala sa ating layunin o sa Kaniyang layunin para sa bawat sitwasyon sa ating buhay? Nasaan ang iyong puso? Maraming pagkakataon kung kailan dumadating ang pagsubok sa ating buhay, tayo ay sumusunod upang maging komportable o maprotektahan ang ating sarili sa kung ano man ang nakakapanakit sa atin. Ngunit kung magpapatuloy ang pagsubok at paghihirap, doon natin nakikita ang pangangailangan para sa permanenteng pagbabago. Nakakabuo tayo ng pagiisip, na nagbubunyag ng mga dahilan kung bakit hinayaan ng Diyos ang mga pagsubok. Maaari, ito ay para sa ating kaligtasan o kaligtasan ng mahal natin sa buhay; ngunit, nakasisiguro, ang pagsubok na ito ay para sa pagkabanal natin upang ang ating mga gawain ay hindi na siya pagkaitan. âAng sabi nila'y kilala nila ang Diyos, ngunit ito'y pinapasinungalingan ng kanilang mga gawa. Sila'y kasuklam-suklam, suwail at hindi nababagay sa gawang mabuti.â Tito 1:16.
Aking pusong bato. Habang tayo ay naghihintay para sa araw ng ating kasiyahan, hinihikayat tayo ng Diyos na maging tiyak sa ating buhay panalangin. Gusto niya tayong dalhin sa puntong tayo ay umiiyak ng husto sa Kaniya. Kailan ka darating sa ganitong punto? Ikaw ba ay iiyak sa oras ng pagkalito o kailangan pang umabot sa punto ng pagkawala ng mahal sa buhay sa kamatayan? Maaaring ang takot ay dala ng banta na maaaring mawala ang minamahal upang makarating k asa ganoong punto. Posibleng ang pagkasira ng iyong kasal ang makakapagpaiyak sa iyo patungo sa Diyos. Kailangan nating tanuning ang ating mga sarili, gaano katigas ang aking puso? âBibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.â Ezekiel 36.6. Ikaw ba ay handang hingiin sa Diyos ang pagbabagong ito, âano man ang kinakailanganâ? Sinabi ng Diyos na kung ikaw ay hihingi, ikaw ay makakatanggap. âHumingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.â Mateo 7:7.
Nagpapatigas ng leeg. Kung tayo ay tunay na Kristiyano, tagasunod ni Kristo, tayo ay may pagnanais na mapalapit sa Kaniya. Ikaw ba ay nangungulila sa Kaniya? O ikaw, sa kabilang banda, ay pinapalibutan ang iyong sarili ng mga bagay na papatay sa kagustuhang iyon? Kung ganoon. Ikaw ay Kristiyanong hindi nag aalab para sa Diyos, ngunit tumalikod. âAng tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad: at masisiyahang loob ang taong mabuti.â Mga Kawikaan 14:14. Nakuha mo na ba ang iyong kagustuhan o kailangan mong mawasak? Â âAng madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan.â Mga Kawikaan 29:1.
Bagbag at nagsisising puso. Maaari mong sabihin sa iyng sarili na marami kang ginagawa para sa Panginoon. Marami kang oras na inaaksaya sa simbahan o mga ibat ibang komite. Akala mo ito ay tunay na sakripisyo at nagpapatunay na ikaw ay nasa tamang lugar kasama ang Diyos. âSapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita. . . Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.â Maga Awit 51:16.Â
Pagkalumbay na ikapagsisisis. Upang makapagsisi at tumalikod mula sa maligamgam na buhay na ating isinabuhay, tayo ay kailangan manghingi ng tawad. âNgayo'y nagagalak ako, hindi dahil sa inyong pagkalumbay, kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na ikapagsisisi; sapagka't kayo'y pinalumbay sa paraang ukol sa Dios, upang sa anoman ay huwag kayong mangagkaroon ng kalugihan dahil sa amin. Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay.â 2 Corinto 7:9-10.Â
Gumigiba ng maling haka at bawat bagay na matayog. Ano ang nakakapagpahiwalay sa iyo sa karunungan ng Diyos? Ano ang pumipigil sa iyo na basahin ang Kaniyang Salita araw araw? Kung hindi una ang Diyos sa buhay mo, ano? Ang iyong pamilya? Ang iyong hanapbuhay? Crafts? Telebisyon at katuwaan? Ano ang nagpapanatili sa iyong maging abala upang pigilan ka kahit sa pagbibigay ng kahit na dalawang isip sa Diyos?  âGinagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang matutong sumunod kay Cristo.  Kapag lubos na ang inyong pagsunod, nakahanda kaming parusahan ang lahat ng mga ayaw sumunod.â 2 Corinto 10:5-6.
Ipagtapat ang iyong kasalanan sa isaât isa. Sa mga hinayaan ang sarili nilang na mahatulan ay handa ng magdala ng pagbabago sa kanilang buhay. Kung ikaw ay handa na, magsimula sa pagtatapat. âKaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.â Santiago 5:16. Kung ikaw ay hindi sugatan, maaaring ibinaba niyo na ang mga pahinang ito o ipinagpatuloy ang pagbabasa upang patunayan sa iyong sarili na ikaw ay mabuting Kristiyano na iyong sinasabi. Sa kasamaang palad, alam natin pareho na hindi nito mababago ang iyong buhay at hindi makakapasok sa iyong puso. Ito ay bahagyang tatakbo pababa sa iyong buhay kagaya ng tubig sa likod ng pabo.
Huwag magulat sam ga mabibigat na pagsubok. Ang mga pahinang ito ay isinulat ng isang sugatan. Ginagamit kadalasan ng Diyos ang mga tao sa ating buhay upang tayo ay mawasak. Maaaring kainisan lang sa umpisa; hanggang ito ay humanting na sa tuluyang pagkabigo. Tayo ba ay lumalapit sa Kaniya sa ganitong pagkakataon o pinapatigas natin ang ating mga puso at leeg? Sinusubukan ng Diyos na tayo ay baguhin, hulmahin. âMga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:Â Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.â 1 Pedro 4:12.
Kadalasan ay hindi natin gusto ang sitwasyon o taong nagdadala ng pagsubok sa ating buhay dahil hindi natin makita na ang Diyos ang nasa likod nito. Nagiging masalimuot at galit tayo sa tao o pangyayari na Kaniyang ginagamit. Sinusubukan nating sirain ang relasyong ito, upang malaman na sinusundan lang tayo. Mahal kong mananampalataya, ang Panginoon ay sinusubukan tayong baguhin, dahan dahan sa simula, hanggang sa nagiging matigas na ito. (Tignan ang aralin 10, âIbaât ibang Pagsubokâ, âAng aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin ka namang itatakwilâŚ.â Oseas 4:6)
Inilayo ang mangliligaw at kaibigan. Madalas kinakailangan na tanggalin ng Diyos ang kaibigan o minamahal upang maging una Siya sa ating buhay. Maaaring nasa malamig na kasal tayo o hiwalay o diborsyado. Ang ating mga anak, magulang, ay maaaring hindi tayo kinakausap. Posible na ang ating mga kapatid ay hindi rin nakikipagusap sa atin. âMangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin, At ang aking kakilala ay sa dilim.â Mga Awit 88:18. âIyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay, Sa mga madilim na dako, sa mga kalaliman.  Lubhang idinidiin ako ng iyong poot, At iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. *Selah. Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko; Iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila: Ako'y nakulong at hindi ako makalabas.â Mga Awit 88:6-8.
*Selah ay kadalasang makikita sa libro ng Mga Awit upang tanungin ang mambababasa na magisip at magnilay kung ano ang kanilang nabasa. Sundin ito sa pamamagitan ng pagninilay kung ano ang nakasulat sa Psalmist. Basahin ulit kung kinakailangan. Bakit ka nagmamadali?
Makikita nila ang Diyos. Paano ko makikita ang Panginoon? Una, kailangan mo ng karanasan ng pagkasilang muli; pagkatapos, uumpisahan Niya ang paglilinis ng iyong kalooban. Kung hindi natin iintindihin ang pamamaraan ng Diyos, tayo ay panghininaan ng loob at madaming pagdududa ang papasok sa ating isipan. âPinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.â Mateo 5:8. Gusto ng Diyos na maging una sa ating mga puso. (Tignan ang susunod na aralin, âAng iyong Unang Minahal,â dahil âAng aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalamanâŚ.â Oseas 4:6.) Gusto Niyang isalamin ng ating buhay si Hesukristo.
Nangaliwanagan sila. Gusto mo bang masalamin sa iyo ang pagmamahal at liwanag ng Panginoon? Ngayon mismo, aking kapatid kay Cristo, ang iyong pagkakataon; wag mo itong sayangin.Wag kang tumalikod; gawin ito ngayon. Lumapit sa Kaniya at sa Kaniya lamang. Gawin ito ngayon! âSila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.â Mga Awit 34:5. Napansin mo ba ang iyong mukha ngayon? Ito ba ay bumagsak? âAt sinabi ng Panginoon kay Cain, âBakit ka naginit?  at bakit namanglaw ang iyong mukha? Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, di ba ikaw mamarapatin? at kung hindi ka gumawa ng mabuti, ay nahahandusay ang kasalanan sa pintuan at sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasĂĄ, at ikaw ang papanginoonin niya.â Genesis 4:6. Kamusta ka? Kung ikaw ay hindi maayos sinasabi ng Diyos na, ânahahandusay ang kasalanan sa pintuan.â Marahil, hinayaan mo ng makapasok ang kasalanan.
Magdasal ngayon. âAno man ang kinakailangan para palambutin ang aking puso sa mga araling ito, Gawin mo PanginoonâŚâ
Praktikal na Aplikasyon
Nakikinig ng Salita ngunit hindi sumusunod. âSapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumitingin sa salamin;  Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa.â Santiago 1:23-24.
Laban sa Iyo, Iyo lamang, Ako ay nagkasala. Upang maibuo muli sa Batuhan, kailangan nating tanggapin ang ating mga kasalanan sa harap ng Diyos. Maliban kung maintndihan natin na tayo ay makasalanan, hindi tayo makakahakbang pasulong. Habang iyong binababasa ang mga araling ito, ikaw ba ay naliwanagan sa iyong mga pagkakasala o gumawa ka ng mga dahilan at nanisi ng ibang tao? Aking minamahal, kung ginagaya mo ang mundo sa pamamagitan ng pag rationalize ng iyong mga kasalanan at paggamit ng mga dahilan at paninis isa ibang tao (lalong lalo sa iyong asawa) ng kaniyang pagkakamali at pagkukulang, ikaw ay siguradong patungo sa espiritwal na kamatayan. Imbis na tumingin sa ibang tao na nadapa sa ilang mga lugar, tignan ng mabuti ang iyong sarili.
Kung ikaw ay nasa malakas na pananalig, pakiusap tumigil na ngayon, lumuhod, at hingin na Espiritu Santo na ipakita sayo at panaligin ka sa iyong kasalanan sa harap ng Diyos. Hingin sa Kaniya na ipakita sa iyo ang iyong mga pagkakasala at kung sino ang iyong mga nasaktan. Umpisahan sa pagdadasal nito:
âMaawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang. Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka. Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; At magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.  Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.â
âIbalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: At alalayan ako ng kusang espiritu. Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; At ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo. Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan: At ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran.  Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; At ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan. Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: Wala kang kaluguran sa handog na susunugin.  Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: Isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.â Mga Awit 51:1-17.
Pag amin sa iyong kasalanan. Oras na aminin natin ang ating kasalanan sa harap ng Diyos, kailangan din nating aminin na tayo ay nagkulang at aminin ang kasalanan natin sa bawat isa. Muli, kung ang iyong konsensya ay nasasapawan, babawasan mo ang iyong kasalanan, at hindi ka magkakaroon ng tagumpay sa iyong buhay! âKaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.â Santiago 5:16.
Pinagaling sila ng Kaniyang Salita. Nasa Salita ng Diyos ang ating pagbabago at paghilom. âSinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, At iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.â Mga Awit 107:20. Kailanga nating umpisahang baguhin ang ating mga isip. Gamit ang 3x5 cards, isukat ang mga bersikulo mula sa araling ito na magdulot sa iyo ng malaking pananalig sa iyong puso. Gawin din ang mga ito sa mga susunod na aralin. Itago ang mga cards na ito sa iyong pitaka at dalhin palagi uwing ikaw ay hinikayat ng Espiritu Santo. Kung hindi ka niya hinihikayat, ipinalangin mo ito.
Sa Diyos. Hindi tayo dapat makipaglaban sa laman. Kailangan nating makipagtulungan âsa Diyos,â gumalaw sa kaniyang direksyon, at gamitin ang Kaniyang Espiritu para gawin kung ano ang ating kailangang gawin. âHindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.â Marcos 10:27. âDatapuwa't sinabi niya, Ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios.â â Lucas 18:27. Kahit anong uri ng plano ay makakapagpagal sa atin at magpapasuko. âAng nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan.â Galacia 6:8. Ang paglaban sa laman ay nagdudulot ng pansamantalang pagbabagong panlabas laban sa permanenteng pagbabagong pangkalooban. ââŚ.sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na HINDI nangakikita ay walang hanggan. 2 Corinto 4:18.
Ang pagbuwal ng matuwid na tao. Ilagay sa kamalayan na ang pagkabuwal at kabiguan ay darating, ngunit kailangan mong muling tumayo. âSapagka't ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uliâŚ.â Mga Kawikaan 24:16. Lahat tayo ay mabubuwal, ngunit kung ano ang iyong gagawin kung ikaw ay mabuwal ang makapapagpahiwalay sa matuwid at hindi matuwid! Ang kabuuuang ikasampung aralin ng librong ito ay nakalaan upang maging alerto tayo sa mga pagsubok ng Buhay Kristiyano. Pero sa ngayon, dapat magkamalay tayo na hawak tayo ng lubid ng kasalanan natin hanggang sa kamuhian natin ito na tayo ay iiyak sa Diyos ng paulit ulit upang maiwaksi natin ang tukso ng mga ito. âAng sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan.â Mga Kawikaan 5:22. Inuulit ko, kailangan nating makipagtulungan âsa Diyos,â dahil alam nating mas alam nya ang makabubuti. âSa aba niya, na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya âisang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa! Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya, âAnong ginagawa mo?â â Isaias 45:9.
Ipagmamalaki ang aking mga kahinaan. At sa wakas, oras na matamasa natin ang matamis na tagumpay sa âpamamagitan ni Kristoâ, kailangan nating ibahagi ang ating testimony sa lahat ng ipadadala Niya sa ating buhay. Madali para sa iba na ibahagi si Hesukristo bilang kanilang tagapagligtas sa bawat taong makakausap nila. Kung nag aalab kang ganoon para s asa Panginoon, purihin ang Diyos! Ang Iba ay nabibigong ibahagi ang kanilang pagkaligtas sa kahit na kanino; ito ay kanilang sikreto ng Panginoon. Walang pagdududa, magpapadala ang Diyos ng mga kababaihan sa iyong buhay upang buksan ang pinto para iyong ibahagi kung ano ang ginawa ni Kristo para sa iyo. â..Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takotâŚ.â1 Pedro 3:15. Iyo bang bubuksan ang iyong bibig? âMapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, Na tinakpan ang kasalanan! Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto, Dahil sa aking pagangal buong araw.â Mga Awit 32:1-3. Ating sanayin ang ating mga labi na ibahagi ang kapangyarihan ng Diyos laban sa mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapakumbaba ng ating sarili at pagmamalaki ng ating mga kasalanan. âAt siya'y nagsabi sa akin, âAng aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.â Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang Kapangyarihan ni Cristo.â 2 Corinto 12:9.
Hayaang ang Kapangyarihan ni Kristo ang Mamahay sa AkinâŚAmen at Amen!
Pansariling Pangako: na umpisahang buuin o muling ibuo ang aking tahanan sa Bato. âMula sa aking natutunan mula sa Salita ng Diyos, ako ay nangangako na ikukumpisal ang aking pagiging maligamgam patungo kay Kristo at gawin ang mga tamang hakbang para baguhin ang aking isipan. Pinapangako ko na hahayaan ko ang Panginoon na gumawa sa akin upang aking matamo ang matamis na tagumpay sa aking makasalanang buhay. Nangangako din ako na ibibigay ko sa Diyos ang papuri at parangal na dapat sa Kanya sa pagbabahagi ng aking testimony asa iba.â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.