Sa sulat nang nakaraang linggo, nangako ako na tapusin ko ito sa kung ano ang nakakahadlang sa biyaya ng Diyos at ngayong linggko ay uusad na sa kung ano ang MAGPAPARAMI ng iyong biyaya! Ngunit, ayon sa kagustuhan ng Panginoon, nasobrahan ako ng higit na pagnanais sa Panginoon, kaya tumigil tayo doon!

Inaasahan kong nakilala mo ang Panginoon sa isang malakas na paraan sa iyong paghanap sa Kaniya sa mas malalim na paraan.

Ano ang hahadlang sa mga pagpapala ng Diyos: kasamaan.

Santiago 4:17 FSV—
“Kaya sinumang nakaaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa, ibibilang itong kasalanan niya.”
ABTAG2001—
“Kaya't ang sinumang nakakaalam ng paggawa ng mabuti ngunit hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kanya.”

Ayon sa linyang ito, maari nating tukuyin kung ano ang kasamaang kasalanan— sa atin, ang kasamaan ay ang kasalanan sa tuwing tayo ay: “tumatanggap” ng maling kaisipan sa ating mga isip, hinahayaan ang kasamaan sa ating tahanan, o bumibigay sa kung ano man ang alam nating mali sa ating buhay.

Minsan ang kasamaan ay isang bagay sa ating buhay na hindi natin nalalaman — na sa huli tayo ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman.

Tinukoy ng Noah's 1928 Webster's Dictionary sa paraang: “Pag-alis mula sa mga patakaran ng banal na batas; masamang disposisyon o kasanayan; imoralidad; krimen; kasalanan; pagkakasala; ang masamang asal na kasamaan sa pangkalahatan ay nangangahulugang masasamang gawain.

Ang kasamaan ay nagpapahiwatig ng mga masasamang bagay na ating isinasagawa, sa madaling salita, paulit-ulit.

Huwag kalumutan kung gaano kaimportante ang hindi pag-gawa ng kasamaan o paglabag sa batas, dahil sa sinabi ni Hesus sa linyang ito: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng ‘Panginoon, Panginoon’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang nagsasagawa ng kagustuhan ng aking Amang nasa langit. At sasabihin ko naman sa kanila, ‘Kailanma'y hindi ko kayo nakikilala. ‘LUMAYO KAYO SA AKIN, KAYONG MGA GUMAGAWA NG KASAMAAN!’” Mateo 7:21,23

Subalit, ang kasamaan din ang nagpapahayag o nagsisiwalat ng korupt na disposisyon o katangian ng puso.

Sa tuwing tayo ay "umaalis" o nawawalay sa mga prinsipyo na itinatag ng Diyos, sa mga banal at hindi nababagong mga batas ng daigdig, sa huli ay dinaranas natin ang mga bunga nito. Kahit na tayo ay ignorante sa batas ay MAAARING magdusa pa rin sa mga bunga nito.

Ngayong linggo, marami akong naririnig na kababaihang nagsimulang hanapin ang Panginoon tungkol sa kung ano ang humahadlang sa kanilang pakikipagbalikan at sa mas malalim na relasyon sa Panginoon. Nakakamangha, isinawalat ng Diyos sa bawat isa sa kanila na ito ay kasalanan.

Isang babae, na diborsyada, ay umamin na sa wakas ay napagtanto niya na siya ay nagkakasala, hindi sa pamamagitan ng kombiksyon, ngunit sa pamamagitan ng mga nakakawasak na mga kinahinatnan. Ito ay kapag siya ay nalugmok na sa ilalim ng kawalan ng pag-asa, at siya ay sumigaw sa Panginoon. Kaagad, Siya ay lumapit upang tulungan siya, ngunit kasabay nito, pinaalala sa kanyang isip ang mga kasalanan na nagdulot ng pagkawasak na humantong sa kawalan ng pag-asa.

Ang babaeng ito ay namahay kasama ang kaniyang asawa, na “naisip” niya ay sagot sa kaniyang dasal, ngunit ang katotohanan ay ang babae o lalake na hindi na kasal sa mata ng batas ay nagkakasala kung siya ay nakikipagtalik sa kaniyang dating asawa.

Ang pinakadakilang biyaya, na kailanman ay hindi dapat kalimutan, ay mayroon tayong mapagmahal at mapagpatawad ng Tagapagligtas na agad ay handang magpatawad at linisin tayo! Dahil dito, hindi na tayo dapat inaabala ng pagkakasala o kahihiyan o anumang negatibong emosyon na nagpapabigat sa ating damdamin.

Ang babaeng ito ay nagsisi, nagpakumbaba, at “tinalikuran ang masasamang pamamaraan” tulad ng sa 2 Cronica 7:14 kung saan naipangako sa atin na “Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.” Ibig sabihin nito ay hindi lamang ang puso mo ang pagagalingin, kundi pati ang iyong tahanan.

Isang babae naman ang umamin sa kung ano ang sinabi ng Panginoon sa kaniyang isipan, isang bagay na ginagawa niya bago siya napalapit sa RMI. Nang ang asawa niya ay unang umalis ay nasangkot siya sa kulto, kahit ano upang maibalik lamang ang kaniyang asawa. Hindi siya sigurado kung ito ang nakakahadlang sa kaniyang daan dahil nagsisi na siya sa Panginoon nang may kasamang mga pagluha.

Kung kaya, nang pinaala sa kaniya ng Panginoon tungkol dito, handa siyang magsisi sa kaniyang asawa dahil karamihan dito ay sangkot siya. Kahit na hindi niya n akikita ang kaniyang asawa, alam niyang kung nais ng Panginoon, ang kanilang landas ay magtatagpo.

Nang sinagutan niya ang kaniyang form ng sumunod na beses. sinabi niya na “ito ay tapos na.” Isiniwalat ng Panginoon sa kaniya matapos ang kaniyang pitong araw na pag-ayuno, na sinira na NIYA ang kaniyang paghawak sa kaniyang buhay. Muli siyang humingi ng pagkakataon sa Panginoon ng pagkakataon na makausap ang kaniyang asawa, ngunit kinumpirma ng Panginoon na ang ginawa niya ay sapat na.

Alalahanin, tumitingin ang Diyos sa puso at sa iyong pagpapaubaya sa Kaniyang pamumuno at Kaniyang kagustuhan kahit na gaano man ito nakakatakot. Madalas, tulad ni Abraham, gagabayan Niya tayo tungo sa kabundukan, titingnan tayo na ialay “anuman” sa altar, at madalas, may-awang pipigilan tayo bago natin maibaba ang kutsilyo!

Sinabi ng Jeremias 17:9-10, “Ang puso ay mandaraya kaysa lahat ng bagay, at lubhang napakasama; sinong makakaunawa nito? “Akong Panginoon ay sumisiyasat ng ag-iisip, at sumusubok ng puso, upang ibigay sa lahat ang ayon sa kanilang mga lakad, ayon sa bunga ng kanyang mga gawa.”

Ang pagsunod, kahit anuman ang kapalit, kahit na gaano ka katakot na gawin ito— ay nagpapakita ng ating puso.

Nakakalungkot, alam ko na may dalawang kababaihan na nakikipaglaban pa rin sa “paggawa ng tama.” May mga lalake sila sa kanilang tahanan, at tila hindi nila mapaalis. Kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon at pakiramdam mo ay naiipit ka— tanungin lamang sa Diyos kung ano ang gagawin mo at gawin ito! Huwag magkakamaling magtanong sa iba, o hayaan ang ibang malaman ang iyong binabalak gawin. Kung tama ang puso mo, Siya mismo ang magsisiwalat kung paanong malilinis kahit na ang pinaka masama mong nagawa. Madalas, sasabihan ka lamang Niya na maghintay at magtiwala sa Kaniya hanggat linisin Niya ito nang walang tulong mula sa iyo. ?

Nang ang isa sa aming ministro ay binahay sa silong ang kaniyang dating asawa, salamat na lamang sa Panginoon, pinaalis niya agad ito nang napagtantong hindi ito tama! Ngayon siya ay makapangyarihang ministro na ginagamit ng Diyos upang matulungan ang iba na nasa parehong sitwasyon. Isang babae mula sa South Africa ang sa wakas handa nang gawin ang lahat anuman ang halaga, sa pamamagitan ng pagsabi sa kaniyang dating asawa na hindi na siya maaring sumiping dito dahil sila ay diborsyado na at dalawang buwan lamang ang nakalipas, ang kanilang buhay may-asawa ay nabuo na!

Ang kasamaan ay madalas pumapasok sa ating puso kung, alam man natin o hindi, “nagtayo tayo ng tolda patungong Sodom.” Agad mong makikita ang sarili mo na hindi lamang iniisip magkasala, ngunit namumuhay ka na rito! Ito ay kasing-simple ng pagmasid sa iyong asawa at/o kasal sa halip na masidhing pagtingin sa mukha ng Panginoon.

Ikaw ba ay nakatingin patungong Sodom?

Ano ang pinapanood mo sa telebisyon?

Anong mga pelikula ang pinapanood o pinupuntahan mo?

Ano ang hinahayaan mong makita ng mata at isip mo?

Ito ay magbabalik sa atin sa kaso ng pagkaroon ng dalawang isip. Maaring panoorin mo ang serye ng Mahikayat Ka na makatutulong sa iyo na ibaling ang iyong mata sa Panginoon, ngunit hinahayaan mong ang “basura” ay manatili sa iyong isip sa panunood mo ng telebisyon o sa telepono.

Maaring tapat ka sa pagbasa ng Bibliya, pagbasa ng RYM o Ang Marunong na Babae o Ang Marunong na Lalake, ngunit tinitingnan mo ang mga bagay na dapat ay iniiwasan mo na. Kung ikaw ay napepeste sa temptasyong ito, magnilay ka sa linyang ito at sundin ang halimbawa ni Job 31:1 na alam nating biniyayaan ng Diyos ng higit sa kapanipaniwala.

Magpatuloy na at mag-selah tayo rito, at sa susunod na linggo ay magbabahagi ako ng isang kamangha-manghang prinsipyo na hindi ko pa naririnig ang sinumang mangangaral o pahayag ng manunulat na Kristiyano, na humahadlang sa atin na makita ang kasamaan na nagawa sa atin upang tuluyang masira! Ngayon ay oras na upang ...