Ngayong linggo ay nasasabik akong ibahagi sa inyo ang Prinsipyo #5 Kailangang iisa ang ating isipan.
Kung mayroon mang bagay sa iyong buhay na haharang or pipigil na umagos ang mga biyaya sa iyong buhay, ito ay ang pagkakaroon ng dalawang isipan, na nagdudulot ng pagdududa, na kabaliktaran ng pananampalataya.
Mga Hebreo 11:6— “At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos,[a] sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang tagapagbigay-gantimpala sa mga masigasig na humahanap sa kanya.”
Dahil ang seryeng ito ay kung paano pagpalain sa 2016, at alam natin na ang Tagapagbigay-Gantimpala natin ay ang Diyos, ang paligayahin Siya at paglagay sa ating mga sarili kung paanong tayo ay mabibiyayaan ay nangangahulugang hindi natin pagdududahan o kuwestiyunin ang Kaniyang ninanais na mabiyayaan tayo— ibig sabihin dapat ay iisa lang ang ating pag-iisip.
Tingnan ang makapangyarihan at nakakatalinong prinsipyo at pangako:
“Mga kapatid ko, ituring ninyong buong kagalakan kapag kayo'y nahaharap sa sari-saring pagsubok,
Yamang inyong nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis.
At inyong hayaan na malubos ng pagtitiis ang gawa nito,
upang kayo'y maging sakdal at ganap,
na walang anumang kakulangan.
Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan,
humingi siya sa Diyos na nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat,
at iyon ay ibibigay sa kanya.
Ngunit humingi siyang may pananampalataya na walang pag-aalinlangan,
sapagkat ang nag-aalinlangan ay katulad ng alon sa dagat na hinihipan at ipinapadpad ng hangin.
Sapagkat ang taong iyon ay hindi dapat mag-akala na siya'y tatanggap ng anumang bagay mula sa Panginoon.
Siya ay isang taong nagdadalawang isip, di-matatag sa lahat ng kanyang mga lakad.”
— Santiago 1:2-8.
Ang pagkakaroon ng dalawang isip ay hindi pangkaraniwan naiisip na isang pagkakamali, ngunit sa inyo na nakakaalam at nag-aaral ng Banal na Kasulatan ay nakakaintindi na maaring gumagawa ka na maraming mabubuting bagay, ngunit ang nasasabi sa linyang ito ay — KUNG tayo ay nagdadalawang isip ay HINDI tayo makaka asa na makatanggap ng KAHIT ANO mula sa Panginoon Ito ay tulad ng isa kong PABORITONG kabanata ng Bibliya, kung saan ay nasasaad:
“Kinasusuklaman ko ang mga taong may salawahang kaisipan, ngunit iniibig ko ang iyong kautusan.” Mga Awit 119:113
Pagdadalawang isip: Ano ba ang ugat ng kasamaan na magiging dahilan upang hindi natin matanggap ang mga biyaya mula sa Diyos?
Nang sinulat ko ito ng 2004, sinabi ko na may isang parating tinatanong sa aking ang mga tao ng higit sa ibang katanungan, at tila ikinaiinis ko ito kahit na ilang beses na akong natanong. Ang katanungan, na madalas ibinabato sa akin, ay ganito, “Binasa ko ang mga testimonya sa iyong libro at sa website, ngunit walang isa ang kwentong tulad ng sa akin…” Pagkatapo ay ikukwento na nila sa aking ang kanilang mga kalagayan upang masabi ko kung magkakabalikan pa silang mag-asawa.
Sa totoo lamang, ang una kong reaksyon ay galit. Ako ay agad na magsisisi sa aking galit bago ako sumasagot, ngunit baka (nagbabakasakali lamang) ang galit ko ay isang galit na maka-Diyos? Maaring ang espiritu ng Diyos ang nagagalit sa akin dahil sa mga taong sinasabing Kristiyano sila ngunit nagpapakita ng “maliit na pananampalataya.”
Alalahanin natin ang Mga Awit 119:113 “Kinasusuklaman ko ang mga taong may salawahang kaisipan, ngunit iniibig ko ang iyong kautusan.” Nais ko sanang sumagot ng “Huy, nasa iyo na ang LAHAT ng testimonya ng mga ‘tila’ walang pag-asawang buhay mag-asawa, nasa iyo na rin ang AKING testimonya na ibinahagi at isinapubliko ko sa lahat sa buong mundo, at kung hindi iyon sapat, nais mong pasiguraduhan KO ito sa iyo?”
Nang tawagin ako ng Diyos na maglakbay dito sa lugar na ito, hindi ko mapigilang alalahanin na hindi pa ko NAKAKARINIG ng isang nagkabalikang mag-asawa (nang iwan ng lalake ang kaniyang asawa para sa ibang babae) — wala kahit ISA! Isipin mo, nang nasibihan akong simulan ang aking Lakbay Panunumbalik ay wala akong samahan (na alam ko) na tutulong manghikayat ng mga taong tulad ko: walang librong masisira, walang mga balitang papasok sa aking inbox, walang kasulatang mababasa (wala akong internet sa loob ng sampung taon matapos nito), wala ring videos na magpapatulog sa akon na may mga salitang nagpapasiguro (tulad ng sinabi ni Chelle mula sa Alabama eksaktong bago magkabalikan ng kaniyang asawa).
Subalit, kahit na sa LAHAT ng mga “senyales” na ito para sa maraming kababaihan, hindi pa rin ito sapat at, kailangan kong aminin, ito ay ikinagagalit ko. Alam kong si Hesus ay nagalit, o medyo nabigo, sa Kaniyang mga disipolo nang paulit-ulit silang nagduda. Alalahanin nang sila ay nababahala sa mga bagay ng mudno: pagkain, damit, at iba pa, at sinabi ni Hesus sa kanila sa Mateo 6:30… hindi ba ang Diyos ay pinararamitan ang mga damo sa parang “hindi ba LALO niya kayong bibihisan, O kayong maliliit ang pananampalataya?”
At muli nang sinabi ni Hesus kay Pedro na umalis sa bangka at maglakad sa tubig sa Mateo 14:31 sinabi nang si Pedro ay magsimulang lumubog, “Inabot kaagad ni Jesus ang kamay niya at hinawakan siya, na sinasabi sa kanya, ‘O ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?’”
Sa Mateo 16:4 sinabi ni Hesus, Ang isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng tanda…” At nagpatuloy sa linya 8 “”Kayong maliliit ang pananampalataya....”
Ano ang matututunan natin mula rito? Kung “walang pananampalataya ay imposibleng malugod ang Diyos” at ang mga nagdududa ay hahagupitin “papunta at pabalik” tulad ng isang nakatayo sa pampang ng karagatan.
Kung ikaw ay pinipeste ng pagduda, sasabihin ko sa iyo tulad ng nasabi ko na sa iba, "Maari kang tumayo mula sa buhangin o magdesisyong pumunta sa tubig na sapat ang lalim upang kailanganin mo ang Diyos na itayo ka!” Sa ibang salita, maari kang tumalikod at maglakad palayo sa pakikipagbalikan o magdesisyon na pumunta sa tubig na sapat ang lalim, sa pamamagitan ng RADIKAL na pagbato sa iyong sarili sa bisig ng PANGINOON at panghawakan ang Kaniyang mga prinsipyo, na magpapalutang sa iyo!
Ang pagdadalawang isip ay maaring may iba’t ibang dahilan. Isa ay ang pakikinig sa iba ng mga bagay na “laban” sa iyong pakikipagbalikan. Napakadalas kong makabasa ng mga pag-amin na sila ay “susuko” na, na malamang ay nanggaling sa pakikinig mula sa mga bagay na HINDI nila dapat pinakinggan o binasa! (Ang prinsipyong ito ay nasa Kabanata 1 ng RYM na libro tulad ng marami sa inyo ang nakakaalam.)
Dagdag pa, napansin ko rin na ang pagdadalawang isip ay nanggaling mula sa pagtanggap ng tulong mula sa kanilang pastor, tagapagpayo at ibang samahan ukol sa buhay may-asawa. Ang malaman at paniwalaan ang importanteng prinsipyo ito tungkol sa pagdalawang isip (na may nakakapinsalang kinahihinatnan na “makatanggap ng wala mula sa Diyos”), ay angdahilan kung bakit pinangunahan niya kami na palawakin ang mga paksang ito sa mga aralin ngayon.
Hinihimok ko ang lahat sa inyo na kasalukuyang tumatanggap ng tulong mula sa nabanggit ko sa taas, na hanapin ang Diyos at tanungin Siya kung saan ka ba nakatanim ngayon.
Alam natin mula sa unang aralin sa “pagiging mapalad sa 2019” na tayo ay itatanim ng matatag sa sapa ng katubigan. Kung hindi tayo NATANIM (ngunit palipat lipat ng pinagkukunan ng tubig), tayo ay madaling magdalawang isip.
Ngunit, marahil bago mo itanim ang sarili mo dito, kinakailngan mo makasiguro na “narinig mo mula sa Diyos na gusto Niyang mabuo ang IYONG kasal.”
Kinakailangan kong umamin na ang prinsipyong ito, na napaka importante, ay hindi nabibigyan ng sapat na mapagkukunan. Maaring ang mga nasa pangalawa or sumunod pang kasal ang talagang hinahanap ang Diyos upang makita kung ninanais ba Niya NA mabuo ang kanilang mga kasal. Ang mga taong ito ay madalas tumitigil upang hanapin ang Diyos, upang makita kung ninanais o gagawin ba Niya matapos nilang mabasa ang kabanata sa RYM na libro ukol sa diborsyo at muling pag-aasawa (mula sa Kurso 1). Marahil, dahil ito ay napabayaan, hanggang ngayon, sila ang nakakalamang (dahil sila ay hinikayat na hanapin ang kalooban ng Diyos) kaysa sa mga nasa unang kasal para sa parehong mag-asawa.
Alam ko na ngayon, na kung hindi ko ALAM sa puso ko na gusto ng Diyos na mabalik ang aking buhay may-asawa, hindi ko gagawin, hindi ko magagawang, malagpasan ang huling laban na kinakailangan kong maipanalo sa aking Lakbay Panunumbalik. Naniniwala ako na sumuko na ako kung inisip kong laban ko ito at hindi ng Diyos.
Ngunit, ng UNA kong ginawa ang laban na ito para sa pakikipagbalikan, WALA akong kasiguraduhan. Hangga’t natuto ako kung sino ba ang Diyos, natuto sa puso ni Hesus, at itago ang sapat ng Salita ng Diyos sa aking puso, ay saka ko nalaman ng tunay. At ang paniniwalang ito sa kakayahan ng Diyos at kagustuhan na ibalik ang AKING kasal ay napagtibay nang nakita ko ang pakikipagbalikan ng kaiban kong si Sue, ilang linggo lamang bago ang petsa ng aking diborsyo. Walang kaduda-duda, alam ko ng hinanap ko ang Diyos sa aking Lakbay Panunumbalik at alam ko na ang pakikipagbalikang ito, ang AKING pakikipagbalikan, ay KANIYANG plano para sa aking buhay.
Hayaan mong tapusin ko ito ng hinihikayat ka na maglaan ng oras upang tanunging ang Diyos kung ano ang plano Niya sa buhay mo. Magtiwala ka sa akin, at sa lahat ng nakipagbalikan sa kanilang mga asawa; ikaw ay mangangailangan ng Kaniyang kasiguruhan, hindi mula sa amin, habang ang aming laban ay mapagtibay— lalo na kung malapit ka na sa katapusan.
Pangalawa, upang maiwasan ang pagkaroon ng dalawang isip, itanong sa Panginoon kung SAAN ka Niya nais na makatanggap ng tulong. Kung nakakatanggap ka ng hindi magkatugmang prinsipyo, madali kang “maibabato papunta at pabalik.” Madaling darating ang kaguluhan ng iyong isip at hindi mo maiintindihan bakit. Ang pagduda ay gagapang sa iyo, at agad, makikita mo ang iyong sarili na bumalik sa dati, sa iyong pakikipagbalikan man o sa relasyon mo sa Panginoon (na dati ay kay tatag).
Sa Mga Awit 1:3 makikita natin ang magkataliwas na linya “makatanggap ng wala mula sa Diyos.” “Siya ay gaya ng isang punungkahoy na itinanim sa tabi ng agos ng tubig, na nagbubunga sa kanyang kapanahunan, ang kanyang dahon nama'y hindi nalalanta, sa lahat ng kanyang ginagawa ay nagtatagumpay siya.”
At muli nating nakita sa Jeremias 17:8 “Sapagkat siya'y magiging tulad sa punungkahoy na itinanim sa tabi ng tubig, at gumagapang ang mga ugat sa tabi ng batis, at hindi natatakot kapag dumarating ang init, sapagkat ang mga dahon nito ay nananatiling sariwa; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyo, sapagkat hindi ito tumitigil sa pamumunga.”
Mayroong pamamalagi na kailangang mailugar sa buhay ng isang Naniniwala. Kaya ang ibang pastor ay pinipigilan ang pamimili at palipat lipat na simbahan. Hindi lamang ito dahil gusto nilang manatili ka sa KANILANG simbahan, ito ay dahil rin sa iyong pag-iikot ay madali kang matutukso sa mga atake ng kalaban. Lumilikha ito ng maiikling mga ugat. Sa pamamagitan LAMANG ng puno na MATATAG na natanim ay may kakayahang tumagal sa lakas ng hangin at silakbo sa gitna ng mga bagyo na (hindi kung) darating. Ang puno na MATATAG na naitanim ay makatitiis sa oras na humigit ang temptasyon at ang dahilan ay simple— sila ay SALIGAN.
Noong 2004, kapag nababanggit ko ang desisyong piliin ang samahan ng mga kasal, hindi maiiwasan na, ang mga tao ay nais na sabihan ako ng pagkakaiba ng aming samahan sa ibang mga samahan, ngunit hindi ako nabahala, hangga’t ginabayan Niya ako na magsulat ng isang buong kabanata. Ang dahilan ay hindi masaya ang Diyos sa hindi pagkakaisa, ngunit ang pagkakaisa ng Kaniyang tagasunod. Isa pa, HIGIT NA KAua ng Diyos na gabayan ka “sa oras na hanapin mo Siya ng buong puso.” Ang katanungan ay mabubuod sa “Saan ba ako gugustuhin ng DIYOS?”
Sa katapusan, nakita natin sa Banal na Salita na ang pagdadalawang isip ay NAPAKA maingat nating iwasan; kaya, kailangan nating gawin ang lahat ng ating makakaya upang HINDI magpatalo sa mga temptasyong mapanlinlang.
Ibig nitong sabihin na upang iwasan ang pangkaraniwang pagkasira, maglaan lamang ng oras sa bawat araw upang mag-isip, manahimik at hanapin ang mukha ng Diyos at ang puso ng Panginoon sa linggong ito. Siguraduhin na tatanungin mo Siya kung ikaw ay naligaw sa kahit anong anyo ng pagdadalawang isip. At para sa mga hinahanap pa rin ang pakikipagbalikan sa kanilang asawa— Ayusin ang iyong isyu sa pakikipagbalikan sa iyong isip, puso at makasiguro na gawin ito kasama ang “umiibig sa iyong kaluluwa”-- ang Asawa sa Langit.
Hanapin ang Panginoon at tanungin Siya kung saa ka Niya gustong itanim.
At kung ginagabayan ka ng Diyos sa ibang lugar, ako ay namamaalam na sa iyo.
Kung ang Diyos ay sinasabing manatili ka sa amin, simulan na MATATAG ang pagkatani sa iyo upang ikaw ay magbunga upang mapakain ang mga mas maraming pinadadala ng Diyos sa atin kaysa noon!
Kung ikaw ay may testimonya o ulat papuri na nais mong ibahagi tungkol sa mensahe ngayong linggo, pakiusap na kumuha ng sandali upang PINDUTIN ITO at MAGPASA ng Ulat ng Papuri.