Ating ipagpatuloy an gating naiwan ng may pang-unawa na, Una, Nais ng Diyos na mabiyayaan tayo. At kung ito AY totoo na nais ng Diyos na mabiyayaan tayo, kung gayon bakit hindi lahat ng naniniwala ay pinagpapapala?
Ang aking pagkakaintindi ay ang sagot sa parehas na dahilan na HINDI lahat ay nailigtas. Dahil hindi lahat ay “naniniwala sa Panginoong Hesukristo” at sinabi ng Diyos sa atin na nais Niya na “Hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi.” At kung nabasa na ninyo ang Naipanumbalik Na Kasal na libro o ang Isang Babaeng may Karunungan o ang Isang Lalaking May Karunungan na mga libro alam mong kailangan mo munang makamit ang mga kondisyon ng Diyos upang matamasa ang Kanyang pangako. Sa kasamaang palad, madalas natin nakakalimutang may kondisyon, kaya nandito ako upang ipaalala sa inyo ang ikatlong prinsipyo.
Ikatlong Prinsipyo Upang pagpalain, kailangan mo muna Siyang mahalin ng sapat upang sundin Siya.
Hindi ko ito sinabi, Siya ang nagsabi nito sa Juan 14:15. Sinabi ni Hesus na, ““Kung ako'y inyong minamahal ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.”
Sa maniwala kayo o hindi, noong oras na sinimulan ko ang paglago ng pagmiministeryo (tulad ng inutos ng Panginoong gawin ko noong inilatag Niya sa aking puso na pamunuan ang ministeryo muli noong 2004), ako ay nakakita ng ilang kabigla-biglang mga bagay. Natagpuan kong karamihan sa sumanib sa aming pagsasama ay hindi tinupad ang kanilang mga pangako. Noong panahong iyon, upang makasali sa Samahang Pagpapanumbalik naming ay kinakailangan na magbasa ng libro na nabigong basahin ng ilan kahit pa nangako silang gagawin noong sila ay sumali. Doon ko din lamang tiningnan kung ang mga tao ba ay nagbabasa ng kanilang Bibliya araw-araw, mayroong tahimik na oras at ibang mga bagay na kinakailangan pang sundin upang mabiyayaan ng naipanumbalik na pagsasama na palagi nilang binabanggit na makamit.
Ang pagbubunyag na ito ay dumating bilang sagot sa aking panalangin. Sa tag-init noong 2003, palagi akong “umiiyak” sa Diyos at nagtatanong kung BAKIT ang ibang kasal ay naipapanumbalik at ang iba naman ay hindi— dahil pinaalala ko sa Kanya na wala siyang kinikiligan na tao tulad ng naipaliwanag sa Mga Gawa 10:34. At tuladng aking inaasahan, ang Diyos ay matapat na ibinunyag ang maraming mga bagay sa akin, sa paglalabas ng maraming usapin na pinag-ugatan.
Ang kawili-wili, hindi lang ako ang nag-iisang may ganitong katanungan. Marami sa inyo ang nagtatanong ng parehas na bagay kapag kayo ay lumiliham sa opisina naming o kapag napag-uusapan ang inyong Paglalakbay sa Panunumbalik kasama ang inyong ePartner at posibleng kapag kayo ay lumuluha sa Diyos ng mag-isa.
Ang pagsunod sa Kanyang mga batas ay isa mismong prinsipyo at dahil sa isa ito sa mga batas ng Diyos ay nangangahulugang, sa pagkakaaalam ninyo, na ang pagsunod ay hindi dapat opsyonal. Ang bawat batas ng Diyos ay inilagay sa posisyon noong Kanyang ginawa ang kalawakan. Tulad ng batas ng grabidad, walang ibang paraan para makaligtas sa mga kahihinatnan. Kung kayo ay tatalon, kayo ay babagsak. Hindi tayo nalilito doon. Kaya bakit tayo sobrang nalilito at nagtatala kapag hindi natin nakikita ang mga biyaya—kahit pa tayo ay nagdarasal at naniniwala para sa kanila at ALAM naman nating nais ng Diyos na mabiyayaan tayo?
Kaya kapag hindi dumating ang ating biyaya sa oras na inaasahan natin, nagsisimula nating kwestyunin kung nais ba ng Diyos na mabiyayaan tayo o hindi. Muli, walang kwestiyon na nais Niyang mabiyayaan kayo sa lahat ng posibleng paraan, ngunit kapag nilabag moa ng Kanyang mga prinsipyo o Kanyang mga batas, hindi ka Niya maaaring mabiyayaan. Ganoon kasimple.
Ilang taon na ang nakakaraan ay ibinahagi ko sa ministeryo na noong nagsimula akong mamuno sa ministery muli noong 2003, ipinahayag ng Diyos sa akin ang MARAMING bagay sa aking puso na sinabi Niyang kinakailangang magbago para dumaloy ang Kanyang Biyaya at Pagpapahid, papasok at sa pamamagitan ko. Ang ilan sa Kanyang mga sinabi ay tila imposible na makamit. Ngunit isa-isa ay nakompleto habang hinihingi ko sa Kanyang tulungan ako, sa umpisa sa pamamagitan ng paglalaan ng mas maraming oras kasama Siya. Hindi sa pamamagitan ng pagtatrabaho o paghihirap ngunit sa pag-upo ng tahimik kasama Siya nagsimulang mangyari ang mga bagay.
Ito ang prinsipyong bigong intindhin ng mga mananampalataya kaya sila ay sumusulat sa aming opisina o sinasabi sa ibang kayang makarinig. Hindi nila naiintindihan kung paano o bakit hindi nangyayari ang mga bagay tulad ng kanilang inaasahan. Tulad n pagkumpisal ng kasalanan o paghingi ng tawad mula sa isang tao. Kahit pa gawin nila ito ng may tamang puso, ang taong nais mong gawan ng tama ay maaaring hindi rumesponde ng maayos sa iyo—ngunit hindi na mahalaga kung paano sila rumesponde. Ang prinsipyo ay ang nakita ng Diyos ang iyong puso noong pinili mong sundin ang Kanyang mga batas sat sundan ang Kanyang prinsipyo. At ito ang mahalag at makapagbabago at magbibigay biyaya sa iyo!
Ang pagiging masunurun ay mahirap gawin. Noong una kong sinimulang isulat ang seryeng Paano Pagpapalain, lagi kong hinahahap ang Panginoon, at sinasabing hahanapin ko Siya araw-araw upang malaman ko kung ano ang nais nyang ipagawa sa akin tungkol sa mga ayaw sumunod at hindi tumutupad sa kanilang mga pangako. At sinasabi ko sa Kanya mismo na “Ano pang saysay ng pananatili ng mga tao sa aming pagsasama na umaasang maipanumbalik ang kanilang kasal, kung alam Mo at ako na hindi naman ito maipapanumbalik. Parang nagiging parte ako ng panlilinlang.”
At doon ko binuksan ang Bibliya sa bersikulong ito sa Malakias 3:18 “Malakias 3:18 “Muli ninyong makikita ang pagkakaiba ng mabuti at ng masama, ng taong naglilingkod sa Diyos at ng hindi naglilingkod sa kanya.” Pagkatapos kong mabasa ito, nagpatuloy ako sa pagbabasa at natagpuan ko ang aking sarili sa pinaka pamosong bersikulo sa Malakias 3:10-11, “‘Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at sa gayo'y subukin ninyo ako ngayon,’ sabi ng Panginoon ng mga hukbo. ‘Tingnan ninyo kung hindi ko bubuksan para sa inyo ang mga bintana ng langit, at ibubuhos ko sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan.Aking sasawayin ang mananakmal alang-alang sa inyo, kaya't hindi nito sisirain ang mga bunga ng inyong lupa; at ang inyong puno ng ubas sa parang ay hindi mawawalan ng bunga,’ sabi ng Panginoon ng mga hukbo.”
Kung ganoon ay WALANG pagdududa noon, at WALANG pagdududa ngayon, na marami sa inyo ang nakikipaglaban sa mananakmal na nag-iinit at patuloy na sumisira sa inyo sa pananalapi, at tiyak na tatapusin ang paninira sa inyong kasal, sa iyong asawa at iyong pamilya. Kaya inuulit kong itanong sa iyo, ano ang iyong ginagawa upang pigilan siya?
Ang katotohanan ay wala kang magagawa kundi ang magtungo sa pook ng lubusang pagsuko at pagsunod sa Kaniyang prinsipyo. Hindi lamang ang mga nais mong sundin o ang mga nananawagan sa iyo. Ngunit ang mga pinakamahihirap. Dahil ang mga prinsipyong ito na pinakamahihirap ang ginagamit ng kalaban upang mapigilan kang gawin.
Ang ikalawang katotohanan ay wala kang magagawa kung wala Siya. Kaya tigilan mo na ang pagsisikap. Sa halip, katulad ng aking sinabi kanina, maglaan ng mas maraming oras kapiling Siya. Ang pagbabago ay hindi mangyayari sa pamamagitan ng gawa o pagsisikap kundi sap ag-upo ng tahimik kasama Siya. Doon nangyayari ang mga bagay-bagay. Doon tayo nagbabago. Doon tayo nagtutungo mula sa Kaluwalhatian patungo sa Kaluwalhatian. Doon aapaw ang mga biyaya sa ating mga buhay—at aapaw sa mga malalapit sa atin. Ngayon, oras na para.,,