Nang natapos tayo ng nakaraang linggo, nagsimula tayo sa pahayag na:
- Sa pamamagitan ng hindi pagpigil sa kasamaan at sa halip ay yakapin ito—hayaan itong dumami.
Para ang kasamaan ay tuluyang masira, kinakailangan muna nitong dumami.
At sa pagpansin sa mga maling pag-iisip, walang katotohanang mga prinsipyo na tinanggap at tinataguyod hindi lamang ng sambayanan kung hindi pati ng simbahan, na namumuhay ng walang alam tungkol sa Kaniyang mga prinsipyo at sa halip ay sumusunod sa parehong reaksyon sa kasamaan tulad ng ginagawa ng bawat isa sa mundo, ay siyang dahilan kung bakit hindi natin mahikayat ang iba sa Panginoon sa pamamagitan ng ating pamumuhay.
Kung kaya, tulad ng maraming sala, nagsisimula ito sa isip. Ang sapat na kaalaman at pang-unawa lamang ang makatutulong sa atin upang mapaglabanan ang panunubok ng kalaban sa atin na mag-isip ng mga bagay na pangkaraniwan nating agad tinatanggihan.
Kailan tayo pinaka mahina upang pansinin ang mga kaisipang pangkaraniwan naman nating tinatanggihan?
Madalas, ang kalaban ay nakukuhang bigyan tayo ng mga maling kaisipan sa panahon ng pagkaawa sa sarili o kung kailan may nagbibigay sa atin ng pakikiramay sa kung ano ang ating pinagdaraanan― sa oras na may bagay o may taong nang-api o nanakit sa atin. Ang mga pakiramdam na ito ay malalim ang pag-ugat sa PAGMAMATAAS, naniniwala tayong hindi ito karapat-dapat sa atin at utang ng Diyos sa atin ang isang madaling buhay. Talaga? Para bang may utang pang KAHIT ANO sa atin ang Diyos! Kung si Hesus man ay wala ng gawin pang anuman para sa iyo o sa akin, HIGIT pa rin sa KARAPAT-DAPAT ang mayroon tayo sa ating kaligtasan―amen? Kung kaya, bago ka pa lamunin ng ganyang pag-iisip, maging mapaghinala sa pagka-awa sa sarili o depensahan ang iyong sarili, dahil ang ganiyang pagkilos ay siyang aakit sayo at pababa ng pinaka mabilis.
Isa pang patibong sa pagsulong ng maling kaisipan ay ang pananatili nating malapit sa mga makasalanan. Marahil isa itong may paniniwala na naniniwalang ang mamuhay sa kasalanan ay okey lang, o isang tao na inaasahan nating madadala natin sa kaligtasan. Kailangan nating maging nakapa-ingat na hindi tayo masyadong mapalapit o maging kumportable, dahil baka bigla na lang natin hindi matukoy ang mga salit ng kaalaman at “ang puti ay tila itim” at “ang mali tila tama.”
Naintindihan ni Solomon ang katotohanan nang isulat niya ang Mga Kawikaan 14:7, “Umalis ka sa harapan ng isang taong hangal, sapagkat doo'y hindi mo matatagpuan ang mga salita ng kaalaman.” Ngunit, siya mismo ay nilabag ang karunungang ito nang kumuha siya ng mga dayuhang asawa na nagpalayo sa kaniyang puso sa Diyos, na nagdulot na isulat niya ang Eclesiastes. “’Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan’ sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan! Lahat ay walang kabuluhan” sa madaling salita “anong pag-aksaya.”
Sa halip, at lalo na sa iyong lakbay panunumbalik, dapat kang mahiwalay! Maaring ibig sabihin nito ay kinakailangan mong kumain mag-isa, nangangahulugan na handa kang hindi maintindihan ng iba o mabansagang kakaiba. Ngunit magtiwala ka, sulit ito! Mas nanaisin ko na maupo sa aking sasakyan na may musika ng papuri kaysa maupo sa lunchroom at making sab asura, tsismis o kasamaan ng mundo. Noong nagpapagawa pa ako ng aking mga kuko sa salon, nakikiusap akong patayin nila ang telebisyon na parating nagpapadumi sa aking isipan. Kahit ng unang beses ko itong ginawa, lahat ng nasa salon ay nagulat, ginawa nila tulad ng aking pakiusap, at agad nagbago ang paligid. Nang maglaon, kapag papasok na ako sa silid, papatayin na nila ito, ngingiti sila at alam kong sa loob nila ay ninanais din nilang maging malinis ang kanilang kalooban. Tinulungan din ako nito na tunay na maka-usap ang bawat isa.
Gayunpaman, kung nanonood ka pa rin ng telebisyon, bakit hindi gawin ang marahas na hakbang at linisin ang iyong sarili at ang iyong tahanan (siyempre hindi ito naaangkop sa mga kababaihan na ang mga asawa ay nasa bahay), at alisin ito? Ito ay isa lamang sa maraming mga pakinabang ng aking paghihiwalay habang dumadaan sa aking sariling paglalakbay sa panunumbalik. At nang bumalik ang aking asawa makalipas ang dalawang taon, pinayagan niya ang telebisyon na hindi gamitin ng mga bata! Hallelujah!
Kaya, kung ikaw ay hiwalay, huwag hayaan ang telebisyon sa iyong tahanan anuman ang sabihin ng iyong mga anak. Kung ikaw ang espiritwal na pinuno ng iyong tahanan, dapat mong gamitin ang iyong espiritwal na awtoridad — Mga kababaihan, si Hesus ang iyong Asawa, kakampihan ka Niya! Mga kalalakihan, ito ang iyong nararapat na lugar, bilang ulo, kaya maging matatag.
At, kung ang nakakatakdang mga anak mo ay nagbantang aalis, manatiling mapayapa (huwag makikipagtalo) at making, ngunit huwag bumigay sa kanilang pagbanta dahil sa takot. Sa halip, humarap sa Diyos; sabihin mo sa Kaniya na magtitiwala ka sa Kaniya dito (at sa lahat) ng laban.
Paano lumalaban ang SINUMAN sa mga tukso ng kasamaan? Ang sagot ay matatagpuan sa 1 Pedro 3:11. “Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa."
Ang unang hakbang upang iwasan ang temptasyon ay ang pagtalikod sa kasamaan, ibig sabihin, hindi ka tatayo lamang at titingnan ito. Importanteng mai-takda ang gagawin, pangalawa (at mas mahalaga) ay kinakailangan mong may gawing mabuti.
Napakahalaga ng talatang ito sa kabuuan sapagkat naaangkop ito sa napakarami sa atin na natutukosng magsabi ng mga bagay na hindi natin dapat sabihin. Patuloy na sinasabi na dapat nating "pagsikapan ang kapayapaan at manatili rito." Kaya sa bahagi na napakaraming sa ating pilit na nilalabanan, "ating mga dila," binibigyan tayo nito ng isa sa mga lunas at iyon ay upang ihinto ang pakikipag-usap at marahil pati na ang pagtalikod sa tao na maaari nating masabihan ng isang bagay na dapat nating hindi sabihin.
Tumalikod ka lamanag at ibaling ang iyong mata papunta sa langit at tumawag sa iyong kaluluwa para ang Diyos ay tulungan ka. Agad na “gumawa ng mabuti” sa iyong pagbago ng iyong maling mga salita (na hindi mo dapat sabihin o iniisip sabihin) at magtiwala sa Diyos na magsabi ng bagay na mabuti (magbigay ng pagpapala). Maaring ito ay ang masabi ang, “Patawad, nagkamali ako na sabihin iyan. Paki-usap na patawarin mo ako. Ang katotohanan ay….” At paliwangan ang taong ito ng may mabuting salita (ito ang pagpapala na pag-uusapan natin sa susunod na linggo).
Sa sandaling ikaw ay “sumulong” sa “paghanap ng kapayapaan” patuloy na pagsikapan ito. Hayaan ang mga masasakit na salita na masabi ng ibang tao sa iyo at sumang-ayon lamang, sa pagtango na iyong ulo at banayad na sabihing, “Tama ka.” Ito ang paghahanap sa kapayapaan. At, makikita mong hindi na kayo magkalaban, magkakampi na kayo. Ang taong iyan ay galit, masama ang loob o nasasaktan, kaya sa iyong pagsang-ayon sa kanilang pakiramdam at pang-uunawa, maaring mapigilan ang anumang mainit na diskusyon.
Kung hindi ka man sa salita gumagawa ng kasamaan, ngunit sa kung ano ang tinitingnan o pinakikinggan mo, palitan ang mali o masamang binabasa ng pagbasa ng Bibliya. Kung ikaw man ay nagiimbestiga (binabasa ang email ng asawa mo o di kaya ay bagay na pinadala sa iyo na alam mong hindi mo dapat basahin), tumigil at damputin ang iyong Bibliya.
Kung ikaw ay nanonood ng telebisyon, patayin ito at magbookmark ng inspirasyonal na mensahe sa iyong telepono, tulad ng serye ng Panghihikayat o anuman na alam mong tutulungan kang umusad. Kayo na mahilig manood ay nangangailang mamuhunan sa oras ng kalinawan, anuman na makakatulong sa iyo maging mabunga papunta sa iyong mga espiritwal na hangarin. Tamang mga mensahe at tamang pag-iisip ang magdadala sa iyo ng kapayapaan at magbabago ng iyong isip (bukod sa paghasa ng iyong kagustuhan na manood ng mga nakakabuti sa halip ng pagbigay sa iyong laman!).
Maari ka ring mag-online upang magbasa ng mga ulat papuri, at mga nagbalikang mag-asawa; o mas maganda, maghanap ng mga taong nagpaskil ng mga hiling para sa dasal sa ibang sites at ibahagi sa kanila ang pag-asa! Pag-Asa.org.
Ang kinakailangan mong malutas sa iyong isipan ay gaano mo ba gustong mapagpala? Tapos ay linisin ang iyong buhay at baguhin ang iyong buhay sa ganoong antas; at tingnan ang mga biyayang mabubuhos sa iyong buhay!
Sala sa Kampo ni Ai
Ngayong linggo, ang pamilya namin ay inaaral ang libro ni Josue at hindi ko mapigilan na pag-isipan ang prinsipyo ng “sala sa kampo” na nagdulot kay Josue na matalo nang unang lumaban kay Ai.
Ang mga sundalo ay kahanga hangang naipanalo ang laban sa Jericho, ngunit nang tinangka nilang kunin ang Ai, na higit na maliit at hindi mahalagang laban kung ikukumapara, sila ay natalo at kinakailangang tumakbo dahil sa mga nakatagong kasalanan sa kanilang kampo.
Ang iba sa inyo ay patuloy na natatalo sa mga laban at napapagod na, handa na sumuko sa bawat araw. At ngayon naniniwala ako na sinasabi ng Panginoon kung bakit, “Ay, may sala sa kampo!” Maaring isa lang itong kasalanan na paulit ulit Niyang hinahatol sa iyo ngunit hindi mo pa rin ito hinaharap. Maaring ito ay kung ano ay hinahayaan mo sa iyong tahanan sa iyong mga anak.
Gayunpaman, para sa inyo na ang mga asawa ay nasa bahay, wala kang awtoridad na tanggalin ang kasalanan sa iyong bahay, ngunit - tiyak na maaari kang mag-ayuno at manalangin na ipakita ng Panginoon sa iyong asawa o kahit papaano ay umayaw na siya ng sapat dahil sa mga kahihinatnan nito at umaksyon siya at harapin ito. Ngunit para sa inyo na mga espiritwal na pinuno ng inyong tahanan — muli - linisin ang inyong kampo! Sasaktan ka ng kasalanan at babagsak ka! Iyon ang plano ng kalaban. (Daniel 7:25)
Tayo, sa ating mga sarili, ay walang lakas sa kasalanan na umuubos sa atin, ngunit sa Kaniya at sa pamamagitan Niya, maari nating matalo ang mga bagay na ginugulo tayo sa pagtawag sa Kaniya ng tulong! Ang pagtagumpayan ang kaaway na ito sa ating buhay ay mangyayari sa pamamagitan ng pagsisisi, pag-amin at pagtawag sa Diyos ng napakalakas na boses (gusto kong gawin ito sa kotse kapag Siya lang ang nakakarinig sa akin at wala nang iba pa).
Hindi bai to ang paraan ng nagsimula tayo sa ating lakbay panunumbalik? Sa pag-iyak sa Kaniya?
Mga Awit 1:4 “Hindi gayon ang sinumang gumagawa ng masama, ito ay tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay.”
Nakarating tayo sa lambak na ito dahil sa nabigo tayong ibaling ang ating mata at puso sa Isang makapagbibigay ng tunay, malalim na kagalakan. Kaya inialis ng Diyos lahat ng mahalaga sa atin―ang ating asawa at ang ating kasal―upang makuha ang ating atensyon. Lahat ng pinaghirapan natin at lahat ng sinasamba natin (dahil hindi natin sinasamba ang Panginoon) ay kinuha: ang kasamaan ay natangay tulad ng ipa. Ang Diyos, dahil sa Kaniyang mapagkandiling pagmamahal sa atin, inalis ang asawa natin, baka ang tahanan, baka ang mga anak, maaring ang mga kaibigan, at madalas ang ating reputasyon. Ang natitira ay tayo at Siya lamang! Nakakamangha.
Nais ipakita ng Diyos sa atin, at ipinapakita Niya pa rin sa atin, na SIYA lamang ang tunay na kinakailangan natin sa mundong ito upang maging masaya!
“Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.” Mateo 5:3. Mahahanap natin ang langit sa lupa kung makikita lamang natin kung gaano kahirap at hubad ang ating espiritu kung mananalig tayo sa ating makamundong gamit (ang mga bagay na iniisip ng tao na makakapagpaligaya sa kanila) upang mabigyan tayo ng tunay na kasiyahan.
Gayunpaman, kung pinalilibutan pa rin natin ang ating sarili ng kasalanan na walang ibang resulta kundi ang ihiwalay tayo sa Diyos, magsisimula tayong makaramdam katulad ng dati. At ngayon, dahil mahal Niya tayo bilang Kanyang mismong sariling mga anak (na mahal niya tayo upang disiplinahin tayo), aalisin Niya muli ang lahat na patuloy na nakakagambala sa atin upang maaari nating pagtuunan ng pansin ang talagang mahalaga.
Sumang-ayon ka na ba sa katotohanang ito o sinusubukan mo pa rin mabalik kung ano ang kinuha Niya sa iyo (paglapit sa iyong asawa; lalo na sa iyong puso sa halip na naiisin Siya)? O, nagmamaktol ka pa rin sa Kaniyang pagkuha at nangungulila sa nawalang mga bagay o tao?
Napakadaing makita kung bakit tinatawag tayo ng Panginoon na “maliliit na mga bata” dahil ito ang pamamaraan natin kung may ayaw tayo. Patuloy na nanatili sa puso natin ang mga bagay o tao na kinakailangan na nating bitawan at/o nagmamaktol tungkol ditto. Hangga’t hindi natin isinusuko ang lahat sa Kaniya ay hindi natin makukuha ang ang mga nais Niyang ibigay sa atin.
Kailangan mong bitiwan ang kasalanan. Bitawan lahat ng tao at bagay liban sa Kaniya.
At upang gawin iyon, minsan kinakailangan nating itigil ang pagdarasal sa iba. Kahit na minsan ang dasal natin ay nakatuon sa ibang tao.
Ngayong linggo, ituon ang iyon pansin sa Kaniya; ibigay sa Kaniya ang mga tao o bagay na iniintindi mo “ipagkatiwala ninyo sa Kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan” (huwag magalala, hindi Niya ito bibitawan). Madalas sa dulo ng ating pisi at “sumuko” na tayo ay kung kailan kikilos ang Diyos.
Ibigay mo sa Kaniya ang iyong asawa, ang kasal at ang lahat ng tao na nangangailangan ng pagsalba. Tapos, ngayong linggo MAGPASALAMAT KA! Ilaan ang oras sa pasasalamat at pagpupuri sa Kaniya. Ilista ang mga bagay na ginawa Niya para sa iyo at papurihan Siya sa “bawat isa”. Magbigay ng oras upang papurihan Siya (madalas, ang pakikinig sa mga kanta ang siyang maglalabas ng papuri at pagsamba at pasasalamat sa iyong espiritu). Muli tayong magpalalim sa Kaniyang pag-ibig, palibutan natin ang ating sarili nang higit pa at higit tungkol sa Kaniya!
Hanggang sa susunod na linggo, mamuhay sa pagpapala ng Panginoon!
Ngayon ay oras na upang mag…