Kabanata 9 "Mayumi at Mahinhing Diwa"
Sa halip, pagyamanin ninyo ang gandang natatago sa kaibuturan ng puso, ang gandang walang kupas na likha ng mayumi at mahinhing diwa, at lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.
â1 Pedro 3:4
Ang maingay na mga babae ay karaniwan na ngayon. Ang pagiging maingay ay nangangahulugan ng ânakakainis ang pagiging malakas at mapilit.â Hindi lamang ito tanggap kung hindi ini-engganyo sa media.
Nakakalungkot na ang pag-uugaling ito ay nasa simbahan na rin at taglay ng mga Kristiyano ngayon. Hindi ba kataka-taka na ang antas ng diborsyo sa simbahan ay mas mataas kaysa pambansang antas?
Ang babaeng may âmayumi at mahinhing diwaâ ay tinatawag na basahan. Siya ay pinagsasabihan na ang kanyang asawa ay hindi siya igagalang kung hindi niya ipaglalaban ang kanyang sarili.
Pati ang mga asawang lalaki ay sinasabihan ang kanilang sariling mga asawa na lumaban o ipagtanngol ang kanilang mga sarili, samantalang itinutuloy nila ang diborsyo at naninirahan kasama ang ibang babae. Ang sabi ng Diyos ang mayumi at mahinhing diwa ay mahalaga sa Kanya, at samakatuwid, ito ang tanging daan tungo sa paghihilom at restorasyon.
Subalit, kapag ang asawa ay lumalayo sa katotohanan at nahuhulog sa kasalanan, maririnig mo ang mga Kristiyano, pati na mga pastor, na pinapayuhan ang mga asawang babae na gamitin ang âmadahas na pagmamahalâ kahit na ito ay hindi ayon sa Bibliya at nakakasira ng buhay may-asawa. Isa pa, ito ay nagreresulta sa âmatigas na pusoâ na humahantong sa isang asawang babae na hindi gusto o kayang patawarin ang kanyang asawa. Tanging ang pusong malambot ang kayang magpatawad ng tunay. Sa kabanatang ito, ating hahanapin ang katotohanan tungkol sa madahas na pagmamahal at ang paghilom na nagmumula sa pagpapatawad.
Madahas na Pagmamahal?
Ang pag-ibig ay matiyaga. Ang Diyos ay binigyan tayo ng kahulugan ng pag-ibig. Tingnan mo kung iyong makikita ang salitang âmadahasâ o anumang salita na malapit man lamang ang kahulugan dito. âAng pag-ibig ay matiyaga, at magandang-loob, hindi nananaghili, nagmamapuri, o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas. Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil ang kakayahang magsalita sa ibaât ibang wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan...â (1 Corinto 13:4-8).
Ang talatang ito ay nagpapatunay na walang lugar para sa âmadahas na pagmamahalâ sa buhay may-asawa, sa magkabilang panig. Ang pag-ibig na isinabuhay ni Hesus at nais Niyang gawin natin ay mahirap isabuhay, ngunit hindi kailanman mahirap bilang tugon sa ating iniibig.
Ito ang iniuutos ko. Isa pang popular na pangungusap sa simbahan ngayon ay âAng pag-ibig ay pagpili.â Basahin ang mga sumusunod na talata at tingnan kung sinasabi ng Diyos na maaari nating âpiliinâ na umibig. O kung iniuutos ng Diyos na gawin natin it, bilang taga-sunod ni Kristo? âIto ang iniuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayoâ (Juan 15:17). Mayroon nga tayong pagpipilian: sundin ang Kanyang utos o hindi. Hindi ito ang sinasabi ng mga Kristiyanong Psikolohiya na ating gawin, di ba?
Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway. Ang ating mga kaibigan ay inuudyukan tayo na âingatan ang ating sariliâ o âhuwag mahalin yaong mga mahirap mahalin.â Dapat ba natin silang mahalin o hindi? âNgunit sinasabi Ko sa inyo, mga nakikinig: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyoâ (Lucas 6:27-28).
Sa talatang ito, ang Diyos ay lalong malinaw. Sinisita pa Niya yaong mga minamahal lamang ang kaibig-ibig: âNgunit ito naman ang sabi Ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo...kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi baât ginagawa din ito ng mga publikano?â (Mateo 5:44-46).
Huwag kayong maghiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sa aklat na nagsasabi sa ating tungkol sa pagiging âmarahasâ sa ating asawa, sinasabihan tayo na kumumpronta, gumawa ng krisis. Sa madaling salita, gumawa ng paraan sa pamamagitan ng ating sariling mga kamay. Ano ang iniuutos sa atin ng Diyos na dapat gawin? â...magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian, at laging manalangin...Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyoâidalanging pagpalain at huwag sumpain...Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa lahat ng panahon. Hanggaât maaari, makisama kayong mabuti sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, âAKIN ANG PAGHIHIGANTI, AKO ANG GAGANTI,â sabi ng Panginoonâ (Roma 12:12, 14, 17-19).
Hindi Siya nagbanta. Maaari mong tanungin ang iyong sarili, âBakit ko kailangang magtiyaga sa ganitong paghihirap, at hindi lamang magkaroon ng satispaskyon ng paghihiganti?â Basahin ang paliwanag ng Diyos para sa iyong mga paghihirap.
âAng pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Kristo ay magtiis para sa inyo, binigyan Niya kayo ng halimbawang dapat tularan...nang Siyaây alipustain, hindi Siya gumanti. Nang siyaây pahirapan, hindi Siya nagbanta. Nanalig Siya sa Diyos na makatarunganâ (1 Pedro 2:21-23).
Daigin mo ng mabuti ang masama. âKaya, kung nagugutom ang iyong kaaway, pakanin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon, mapapahiya siya sa kanyang sarili. Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masamaâ (Roma 12:20-21).
Mapalad ang mga mapagpakumbaba. Kung hindi mo ilalagay ang bagay sa iyong sariling mga kamay at magkaroon ng âmarahasâ kapamaraanan, ang iba (kahit mga Kristiyano), ay sasabihin sa iyo ng ikaw ay isang basahan. Subalit, hayaan mong ipaalala ko sa iyo kung sino ang sabi ni Hesus na âmapaladâ: âMapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyosâ (Mateo 5:5). Pinili ni Hesus na ibuwis ang sarili Niyang buhay at hinayaang ang Kanyang mga kaaway na dakipin Siya. Susundin ba natin ang Kanyang mga yapak o hindi?
Maging matuwid sa paningin ng Diyos. Ang mga tao ay maaari pang ipaalala sa iyo tungkol sa kung kailan ibinalibag ni Hesus ang mga mesa sa Templo. Gagamitin nila itong halimbawa para sabihin sa inyo na mayroon kang âkarapatanâ na magalit sa iba. Ang sabi ng Diyos, Siya ay selosong Diyos. Pwede rin ba tayong maging seloso kung ganon? â...Matuto kayong makinig, dahan-dahan sa pagsasalita, at huwag agad magagalit. Sapagkat ang galit ay DI makakatulong sa tao upang maging matuwid sa paningin ng Diyosâ (Santiago 1:19-20).
Kaya hindi ninyo magawa ang ibig ninyong gawin. Kung mayroon tayong pagnanasa na gawin o sabihin ang isang bagay sa iba na hindi mapagpakumbaba, kung ganon tayo ay namumuhay sa laman at hindi sa Espiritu. âIto ang sinasabi Ko sa inyo: ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at huwag ninyong susundin ang pita ng laman.â
âSapagkat ang mga pita ng laman ay laban sa mga ninanasa ng Espiritu, at ang mga ninanasa ng Espiritu ay laban sa mga pita ng laman. Magkalaban ang dalawang ito, kaya hindi ninyo magawa ang ibig ninyong gawin...Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpigil sa sariliâ (Galacia 5:16, 17, 22-23). âGawin ninyo sa iba ang ibig ninyong gawin nila sa inyoâ (Lukas 6:31).
Ang kabutihan ng Diyos. Kasinungalingan na isipin na ang pagkumpronta at pagiging masama at matigas ay makakapagpabago sa isang tao. Kung ito ay totoo, bakit ginamit ng Diyos ang kabaitan upang hikayatin tayo sa pagsisisi. Ang mga makasalanan ay hindi nag-uumpisang tanggapin ang Panginoon dahil sa iniisip nila na sila ay pipintasan o pupulaan, hindi ba? âO hinahamak mo ang Diyos, sapagkat Siyaây napakabuti, mapagpigil at mapagpaumanhin? Hindi mo ba alam na binibigyan ka Niya ng pagkakataong magsisi at magbagong-buhay kaya napakabuti Niya sa iyo?â (Roma 2:4).
Hindi ninyo makikita ang Panginoon. Isa pang napakaimportanteng dahilan para sa iyong mayumi at mahinhing diwa sa pakikitungo sa iyong asawa (o sa iba) ay dapat nating hayaang makita ng iba si Kristo sa atin. âMagpakabanal kayo at sikaping makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay ng ganitoâ (Hebreo 12:14).
Huwag isipin na pwede kang kumilos ng mabait sa iyong asawa, pero kumilos ng sobrang sama sa iyong mga anak, magulang o kasama sa trabaho. Ang Diyos ay nagmamasid at Siya ang magpapabalik ng puso ng iyong asawa. Walang naitatago sa Kanya. Huwag nating kalimutan na tinitingnan Niya ang ating mga puso; samakatuwid, kahit na sinisikap mong kontrolin ang iyong galit, Siya ay tumitingin ng mas malalim pa! Dapat kang âmamatay sa sarili.â
Ibinilang Niya tayong kaibigan. Tayo ay maging mga ambasador o sugo ni Kristo sa pagkakasundo. âAng Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Kristo, ibinilang Niya akong kaibiganâdi kaawayâat hinirang Niya ako upang panumbalikin sa Kanya ang mga tao. Ang ibig kong sabihin, ang taoây ibinibilang ng Diyos na Kanyang kaibigan sa pamamagitan ni Kristo, at nilimot na Niya ang kanilang mga kasalanan. At ipinagkatiwala Niya sa akin ang balitang ito. Kaya akoây sugo ni Kristo; parang ang Diyos na rin ang namamanhik sa inyo sa pamamagitan ko: makipagkasundo kayo sa Diyosâ (2 Corinto 5:18-20).
Baka kayo naman matukso. Ang mga sumusunod na talata ay babala sa atin kapag tayo ay hindi mahinahon sa iba kapag sila ay nagkasala sa atin. âMga kapatid, kung may mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman matukso. Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin, at ganitong paraaây, matutupad ninyo ang utos ni Kristoâ (Galacia 6:1-2).
Magagalit sa iyo si Yahweh at ikaw ay Kanyang parurusahan. Maraming babae ang naging lubhang masaya na makita ang kanilang asawa âmapala ang nararapat sa kanilaâ kapag ang Diyos ay pinarusahan sila ng pinansyal na paghihirap o iba pang pagsubok. Pagkatapos, makikita nila ang kalagayan ng kanilang asawa na nagbabago o bumubuti. Bakit ito nangyayari? âHuwag mong ikagalak ang pagbagsak ng iyong kaaway ni ang kanyang kapahamakan. Pag ginawa mo iyon, magagalit sa iyo si Yahweh at ikaw ang parurusahanâ (Kawikaan 24:17-18).
Isagawa ang Salita. Importante na ating matutunan ang katotohanan at sumang-ayon sa ating nababasa sa Bibliya, subalit hindi tayo titigil doon. âMamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung itoây pinakikinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili...Ngunit ang nagsasaliksik at patuloy na nagsasagawa ng kautusang sakdal at nagpapalaya sa taoâat hindi isang tagapakinig lamang na pagkatapos ay nakalilimotâang taong iyan ang pagpapalain ng Diyos sa lahat niyang gawainâ (Santiago 1:22, 25). âAng nakakaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagkakasalaâ (Santiago 4:17).
Mga taong walang matuwid na patakaran. Ang Diyos ay binababalaan tayo na hindi natin dapat pakinggan o sundan ang mga taong nagsasabi sa atin ng mga bagay na taliwas sa Bibliya. âSikapin ninyong mamuhay ng payapa, walang dungis at kapintasan. Alalahanin ninyong kaya nagtitimpi ang Panginoon ay upang bigyan kayo ng pagkakataong maligtas. Iyan din ang binanggit ng kapatid nating si Pablo na taglay ang kaalamang kaloob ng Diyos nang siyaây sumulat sa inyo...may ilang bahagi sa kanyang liham na mahirap unawain, at binibigyan ng maling kahulugan ng mga mangmang at mahihina. Ganyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga Kasulatan, anupat ipinahahamak nila ang kanilang sarili. Ngayong itoây alam na ninyo, mga kapatid, dapat kayong mag-ingat upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang matuwid na patakaran. Sa gayon hindi kayo matitinag sa inyong mabuting kalagayan. Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, magpatuloy kayo sa paglago sa kabutihan at pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo...â (2 Pedro 3:14-18).
Ang marahas na pagmamahal ay mali at lubos na taliwas sa mga aral at halimbawa ni Hesus. Sa halip, tayo ay matuto mula sa Kanya na inilalarawan ang Kanyang Sarili bilang âmaamo at mababang-loob.â âPasanin ninyo ang Aking pamatok, at mag-aral kayo sa Akin; Akoây maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang Aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay Ko sa inyoâ (Mateo 11:29-30).
Kapatawaran
Tanging ang babaeng may pusong maamo at mahinahon ang makakapagpatawad sa kanyang asawa. Subalit, maraming mga babae ang nalinlang at hindi pinatawad ang kanilang mga asawa dahil hindi nila lubos na naiintindihan ang masamang kahihinatnan ng kanilang kawalan ng pagpapatawad. Ating saliksikin ang Kasulatan upang makita kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa pagpapatawad sa iba. Ito ang ilang mga katanungan na ating dapat itanong:
T: Bakit ko kailangang patawarin ang aking asawa at ang ibang nadadamay?
Pinatawad ka rin ni Kristo. Tayo ay nagpapatawad dahil ang Diyos ay pinatawad tayo. âSa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaât isa, at magpatawaran, tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Kristoâ (Efeso 4:32).
Ang mahal na dugo ng tipan. Ibinuhos ni Hesus ang Kanyang dugo para sa kapatawaran ng mga kasalananâpati na ang kasalanan ng iyong asawa! âAyon sa Kautusan, halos lahat ng bagay ay nililinis sa pamamagitan ng dugo, at walang kapatawaran ng kasalanan kung walang pagbububo ng dugoâ (Hebreo 9:22). âSapagkat ito ang dugo ng tipan, ang Aking dugo na mabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalananâ (Mateo 26:28).
Ipadama ninyo sa kanya na siyaây mahal pa rin ninyo. Upang maibsan ang kalungkutan ng nagkasala. â...Patawarin na ninyo siya at aliwin upang hindi naman tuluyang masiraan ng loob. Kaya ipinamamanhik Kong ipadama ninyo sa kanya na siyaây mahal pa rin ninyoâ (2 Corinto 2:7-8).
Upang hindi tayo mapaglalangan ni Satanas. Pwedeng gamitin ni Satanas ang kawalan ng pagpapatawad laban sa iyo upang makalamang. âAng pinatawad ko, kung mayroon man, ay pinatawad ko alang-alang sa inyo, sa harapan ni Kristo, upang hindi tayo mapaglalangan ni Satanas. Hindi lingid sa atin ang ibig niyang mangyariâ (2 Corinto 2:10-11).
Hindi rin KAYO patatawarin ng inyong Ama. Ang sabi ng Diyos, hindi Niya tayo patatawarin kung hindi natin patatawarin ang iba. âSapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hind rin kayo patatawarin ng inyong Amaâ (Mateo 6:14-15). âGayon din ang gagawin sa inyo ng akign Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatidâ (Mateo 18:35).
T: Ngunit hindi ba dapat ang nagkasala ay magsisi kung ako ay magpapatawad?
Ama, patawarin mo sila. Yaong mga nagpako sa krus kay Hesus ay hindi kailanman humingi ng kapatawaran; ni hindi rin sila nagsisi para sa kanilang mga ginagawa o ginawa. Kung tayo ay mga Kristiyano, tayo ay tagasunod ni Kristo; kung ganon, tayo ay susunod sa Kanyang halimbawa. âAma, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawaâ (Lucas 23:34).
Nang si Esteban ay binabato, sumigaw siya bago pa man siya namatay, âPanginoon, huwag mo na po silang panagutin sa kasalanang ito!â (Mga Gawa 7:60). Kaya mo bang gawin anumang mas madali dito?!
T: Ngunit gaano kadalas ako inaasahan ng Diyos na magpatawad?
Pitumpung ulit ng pito. Maraming mga babae ang napapabulalas, âPero ang asawa ko ay ginawa na ito sa akin dati, sa kabuuan ng aming buhay may-asawa!â Nang tinanong ni Pedro kung ilang beses siya dapat magpatawad, ang sabi ni Hesus sa kanya, âHindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit ng pa nitoâ (Mateo 18:22). Iyan ay apat na daan at siyamnapung (490) beses para sa isa o kaparehong kasalanan!
Hindi Ko gugunitain pa. Ang pagpapatawad ay nangangahulugan ba na lilimutin ko na ang kasalanan, kahit pa sa isang pagtatalo, kahit sa diborsyo? âSapagkat patatawarin ko sila sa kanilang maling gawain at hindi Ko gugunitain pa ang kanilang mga kasalananâ (Jeremias 31-34). âKung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din Niya inalis sa atin ang ating mga kasalananâ (Awit 103:12). âHuwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, ipanalangin ninyong silaây pagpalain yamang hinirang kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyosâ (1 Pedro 3:9).
Maging handa; si Satanas ay susubukang panumbalikin ang nakaraang pagkakasala sa iyong isipan kahit na pagkatapos mong magpatawad. Kapag nangyari ito, dapat kang magpatawad muli. Maraming mga babae na ang mga asawa ay nagtaksil sa kanila, kahit na bumalik na ang kanilang asawa sa kanilang tahanan, ang nakaranas ng âflashbacks,â halos tulad ng âespiritwalâ na digmaan. Sabi nila, kinailangan nilang patuloy na magpatawad, minsan araw-araw pa.
T: Paano ko makakayanang magpatawad katulad ng iniuutos ng Diyos sa Kanyang Salita?
Diyos lamang. Tanging diyos lamang ang makakatulong sa iyo na gawin ito. Dapat mong ipagpakumbaba ang iyong sarili at hingin ang Kanyang biyaya o grasya. âHindi baât Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?â (Marcos 2:7).
Humingi. â...Hindi ninyo nakakamtan ang inyong minimithi, sapagkat hindi kayo humihingi sa Diyosâ (Santiago 4:2). Hilingin sa Diyos na patawarin ang iyong asawa sa pamamagitan mo habang ikaw ay sumusunod sa Kanya. (Para sa karagdagang tulong kung paano mo talagang mapapatawad ang iyong asawa, kunin ang aming testimony tape para pakinggan kung paano ginawa ng Diyos ito para sa akin!)
Kinalulugdan ng Diyos ang mababang-loob. Paano ko makakamtan ang pagpapala ng Diyos na aking kailangan? âKinamumuhian ng Diyos ang palalo, at kinalulugdan Niya ang mababang-loob. Kaya nga pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahonâ (1 Pedro 5:5-6).
Ipinagpakumbaba ang kanilang puso. Paano ko makakamtan ang pagpapakumbaba? âAng dahilan nitoâsilaây naghimagsik, lumaban sa Diyos; yaong pagpapayo ng Kataas-taasan ay hindi sinunod. Nahirapan sila, pagkaât sa gawain silaây hinagupit; sa natamong hirap, nang silaây bumagsak ay walang lumapit. Sa gitna ng hirap, sa Panginoong Diyos sila ay tumawag; at dininig naman yaong kahilingan na sila ay iligtasâ (Awit 107:11-13). âNagdaramit-luksa at nag-aayuno; akoây humihibik na yuko ang uloâ (Awit 35:13). Minsan, maaaring sa pamamagitan ng karamdaman o sakit ka Niya pinatatahimik at pinagpapakumbaba. Huwag mo labanan itoâito ang Diyos kumikilos.
Makipagkasundo ka muna sa kanya. Kailan ko kailangan patawarin yaong mga nakasakit sa akin? Hindi ba dapat na mapawalang-sala muna ako? âKayaât kung naghahandog ka sa Diyos, at maalala mo na may sama ng loob sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Saka ka magbalik at maghandog sa Diyosâ (Mateo 5:23-24). Kung hindi mo pa napatawad ang iba, lalo na ang iyong asawa, kailangan mong humingi ng kapatawaran.
Sama ng loob. Ang hindi pagpapatawad sa isang tao ay nagdudulot ng sama ng loob. Ang kahulugan ng sama ng loob ay âlason!â âAlisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit at poot...â (Efeso 4:31). Ang hindi pagpapatawad sa iba ay maapektuhan ka, hindi ang ibang tao! âWalang makikihati sa kabiguan ng tao, gayon di naman sa ligayang nadarama nitoâ (Kawikaan 14:10). âSa Iyo ay walang lingid na isipan at damdaminâ (Awit 44:21).
Isang kapatid na minasama. Siguraduhin na sundin ang mga patakaran sa Kasulatan. Nakarinig na ako sa marami na nagsabi na ang mga bagay ay lalong napasama nang sila ay humingi ng kapatawaran, o wala itong mabuting naidulot. Pwede akong magsalita base sa karanasan. May mga pagkakataon, nang ako ay huming ng kapatawaran sa iba, nasabi ko ito sa maling paraan at lalong minasama ang ibang tao. âTiyak na ipagtatanggol ng matulunging kaibigan, ngunit kapag inaway mo, ikaw ay tatalikdanâ (Kawikaan 18:19).
Hindi upang magbigay-lugod sa mga tao. Alalahanin na maaari mong malinlang ang iyong asawa, ngunit ang Diyos ay alam ang iyong mga motibo at ang iyong puso. â...ngunit puso ang tinitingnan Koâ (1 Samuel 16:7). â...na parang si Kristo ang pinaglilingkuran. May nakakakita man o wala, ganyan ang gawin ninyo, hindi upang magbigay-lugod sa mga tao, kundi dahil kayoây lingkod ni Kristo at kusang-loob na gumaganap sa kalooban ng Diyosâ (Efeso 6:5-6).
Bawat salitang walang kabuluhan. Ihanda ang bawat salita na iyong sasabihin! Bawat salita na iyong sasabihin ay kailangang maingat na piliin. âWalang saysay sa mangmang ang lahat ng bagay, ang layon ay ipakitang mayroon siyang nalalamanâ (Kawikaan 18:2). âSa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat salitang walang kabuluhan na sinabi niyaâ (Mateo 12:36).
Subukang isulat ang iyong mga sasabihih. Pagkatapos, basahin ng malakas ang iyong isinulat, ilagay mo ang iyong sarili sa mga paa ng ibang tao at pakinggan sa kanyang pananaw. Ito ba ay nag-aakusa sa pandinig? Hilingin sa Diyos na ilagay ang tamang mga salita sa iyong bibig at magsalita sa pamamagitan mo.
Masalita. âAng taong masalita ay malapit sa pagkakasala, ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilalaâ (Kawikaan 10:19). Sabihin lamang kung ano ang iyong ginawa; huwag nang dagdagan ng, Nung ginawa mo ito, ito at ito, kaya ako naman ay...
Hindi Siya nagbanta. Kung ang isang tao ay nag-umpisang hamakin ka, huwag mong ibuka ang iyong bibig, puwera na lamang para makiayon. âNang Siyaây alipustain, hindi siya gumanti. Nang Siyaây pahirapan, hindi Siya nagbanta...â (1 Pedro 2:23).
Bawat salitang walang kabuluhan. Ang Alibughang Anak ay hinanda ang kanyang mga salita pagkatapos niyang magdesisyon na bumalik sa kanilang tahanan. âBabalik ako sa kanya, at sasabihin ko, Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alilaâ (Lucas 15:18-19).
Siguraduhin na ang iyong mga salita ay matamis at mabuti TUWING ikaw ay may pagkakataon na makita ang iyong asawa! Tandaan, âAng matamis niyang pangungusap ay awit sa ibang diwaâ (Kawikaan 16:21). At, âAng magiliw na pangungusap ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawanâ (Kawikaan 16:24).
T: Paano ko makasisiguro na ako ay tunay na nagpatawad na?
Malalaman mo at magkakaroon ka ng kumpiyansa na ikaw ay tunay na nagpatawad kapag ang iyong kasalanan at kahinaan ay naging napakalaki sa iyong mga mata na hindi mo na makita ang mga kasalanan ng iyong asawa at ang kanyang mga kahinaan. Ikaw ay magiging bulag sa kanyang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap na pagkukulang.
Kapag ang mga babae ay sumusulat o nagsasalita tungkol sa ANUMAN na ginagawang mali ng kanilang asawa, doon ko nalalaman na malayo pa sila sa restorasyon. Napakarami na umaasam ng restorasyon ay hindi nakakakita ng pagbabago dahil hindi nila inako ang buong pananagutan para sa mga kasalanan na nagawa sa buhay may-asawa na nagdulot ng paghihiwalay, diborsyo o pakiki-apid.
Sila, sa pagkakamali, ay gustong âibahagiâ ang kanilang parte dito, na hahantong sa kanilang kasiraan. Si Hesus ay inako ang buo at kumpletong pananagutan at binalikat LAHAT ng ating mga kasalanan. Tayo din ay dapat akuin lahat. Pagkatapos, bilang mga nananampalataya, maaari nating hanapin ang Panginoon at ilapag ang mga kasalanan sa buhay may-asawa natin sa paanan ng krus, ng may kaalaman na ang utang ay natubos na.
Isa pa, kung ikaw ay naiinis pa rin sa kung ano ang sinasabi ng iyong asawa, ginagawa at hindi ginagawa, o mas malala, ikaw ay nagagalit, kung ganon hindi ka pa nagpapatawad. Ang galit ay isang nakamamatay na kundisyon ng puso, na lumalabas sa pagsubok.
Personal na pangako: naisin at pagsumikapan na maging mayumi at mahinahon. âBase sa aking natutuhan sa Kasulatan, ipinapangako ko na gawin lahat na aking natutunan sa pamamagitan ng pagiging mabilis makinig at mabagal sa pagsasalita; patawarin yaong mga nagkasala sa akin at gawin ang aking makakaya upang makipag-ayos sa kanila na aking nagawan ng kasalanan.â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP m