Kabanata 8 "Mahihikayat ng Walang Paliwanag"
At kayong mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. At kung hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos ang sinuman sa kanila, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal. Hindi na kayo kailangang magpaliwanag sa kanila . . .
â1 Pedro 3:1
Sa kabanatang ito, ating matututuhan mula sa Salita ng Diyos na dahil ang ating asawa ay mas mataas sa atin, ang ating mga salita ay hindi lamang walang silbi, ngunit maaaring mapanganib. Marami sa atin ngayon ang umaani ng âmasamang bungaâ ng walang malay na paghikayat o pagbabala sa ating asawa sa halip na pagtaas ng ating mga suliranin sa Diyos. Matutuhan nating na lahat ng bagay na nais nating sabihin sa ating asawa, dapat muna natin isangguni sa Diyos.
Kapag ang ating asawa ay may ginagawang kontra sa Salita ng Diyos, sinasabi sa ating ng Bibliya na hikayatin ang ating asawa ng âhindi na kailangang magpaliwanag,â sa pamamagitan ng ating magandang asal sa kanila at sa pagpapasakop sa kanila.
Mahikayat ng Walang Paliwanag
Kapag ako ay nababagabag tungkol sa isang bagay, dapat ko bang talakayin sa aking asawa? Hindi.
Hilingin sa Diyos na kausapin ang iyong asawa. Hindi natin dapat talakayin ang ating mga takot o pagkabagabag o pati ang ating mga kagustuhan sa ating asawa. Sa halip, dapat muna tayo pumunta sa pinakamataas; dapat tayong pumunta sa Ating Ama sa Langit at umapila sa Kanya. Hilingin sa Diyos na kausapin ng Panginoon ang iyong asawa (sapagkat ang Panginoon ay diretsahang namumuno sa LAHAT ng lalaki) tungkol sa kung ano ang nasa iyong puso.
Ito ang tamang ayos ng pamumuno: âNgunit ibig kong maunawaan ninyong si Kristo ang nakasasakop sa bawat lalaki, ang lalaki ang nakasasakop sa kanyang asawa, at ang Diyos naman ang nakasasakop kay Kristoâ (1 Corinto 11:3). Sa halip na kunin ang tulong o payo ng iyong asawa, dapat mong hanapin ang mukha ng Diyos. Tapos saliksikin ang Bibliya para sa mga prinsipyo ng Diyos tungkol sa iyong problema na iyong kinahaharap. Patototohanin nito kung ano ang sinabi ng Panginoon sa iyo sa iyong puso. Tandaan ang talatang iyon at panghawakan ito, ISAISIP na ang Panginoon ang may kontrol.
Umalis sa Kanyang Daanan!
Umalis sa kanyang daanan. âMapalad ang taong di naaakit niyong masasama, upang sundan niya ang kanilang payoât maling halimbawa...Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral, ang utos ni Yahweh siyang binubulay sa gabi at araw...â (Awit 1:1-2). Umalis sa daanan ng iyong asawa; wala kang awtoridad sa kanya! Ang pangalawang talata ay sinasabi sa atin kung ano ang ating gagawin; magnilay-nilay sa Kanyang Salita at pabayaan ang ating asawa sa Diyos. Ang Diyos ang dapat Siyang magbago sa iyong asawa; ang iyong asawa ay hindi nga mabago ang kanyang sarili.
Di naaakit. âMapalad ang taong di naaakit niyong masasama, upang sundan niya ang kanilang payoât maling halimbawa...â (Awit 1:1). Kapag nahaharap sa isang asawa ng âhindi naniniwala sa Salita ng Diyos,â may mga baitang ng âpagpapalayaâ ng walang salita. Ang isang babae na yaong asawa ay nasa bahay, pero hindi umuuwi sa oras o hindi na talaga umuuwi, ay dapat âmagpalayaâ ng pagpupulis sa kanyang asawa sa pamamagitan ng curfews, âsobrang daming tanongâ o silent treatment.
Kung ang asawang babae ay nalaman na ang kanyang asawa ay may ibang babae, dapat siyang âmagpalayaâ sa pamamagitan ng hindi pagsunod o pagkumpronta sa kanya at paggamit sa oras na ito bilang wake-up call o itutulak niya ang kanyang asawa upang iwanan o hiwalayan siya. Kung sa puntong ito, siya ay umalis, at siya ay nagpatuloy sa paghadlang sa halip na âmagpalaya,â malamang pursigihin ng kanyang asawa ang diborsyo, sa pag-aakalang ito ang paraan para huminto ang asawa sa paghabol sa kanya. Subalit, kung patuloy siya sa paghabol, ang lalaki ay pakakasalan ang ibang babae.
Kung patuloy siya sa pagkapit o paghabol, sa halip na âmagpalaya,â kung ganon malamang ang kanyang dating asawa ay magkakaroon ng NAPAKATIBAY na pangalawang buhay may-asawa. May mga personal akong nakilalang mga babae na yaong mga asawa ay nagpakasal ng muli, pero patuloy pa ring pumipirma gamit ang apelyido ng kanilang asawa sa mga Christmas cards o thank-you notes! Isa pa, sa ganitong maling pananaw sa kanilang sitwasyon, wala silang pakundangan na magpatuloy ng sekswal na relasyon. Bihira kang makakita ng diborsyo kapag ang lalaking asawa ay kumbinsido ng pwede siyang magkaroon ng dalawang asawa.
Madalas, ang babaeng asawa na hindi nagpapalaya ay makikita ang kanyang dating asawa at ang bago nitong may-bahay na mapipilitang magkaroon ng sarili nilang anak, umaasang ito ang makakapagtulak sa dating may-bahay o asawa na palayain na siya. May ilang babae ang sumusulat sa akin na galit na galit sa Diyos dahil hindi Niya sinara ang sinapupunan ng ibang babae. Pero nalimutan nila na hindi nila sinunod ang mga prinsipyo sa Bibliya tungkol sa pagpapalaya at pagkakaroon ng mahinahon at tahimik na espiritu. Minsan, kapag ang lalaki ay diniborsyo ang ibang babae or pangalawang asawa, hindi siya bumabalik sa kanyang unang asawa, sa halip naghahanap siya ng bago para mapaligaya siya! (Upang palakasin ang iyong loob, paki-basa ang testimonya sa hulihan ng Kabanata 12 âHumiling sa Diyosâ tungkol sa isang babae na buong pagkukumbabang pinalaya ang kanyang asawa, HINDI nagalit sa Diyos, at nagkaroon ng buong buhay may-asawa muli pagkatapos magpakasal muli ng kanyang asawa!)
Lubayan siya at magdasal! Maaari mong matulungang maghilom ang iyong tahanan sa pamamagitan ng iyong mga dasal. âKaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isaât isa, upang kayoây gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwidâ (Santiago 5:16). Kapag ikaw ay nagsalita, NAPAKAIMPORTANTE na iyong piliing mabuti ang iyong mga salita!
Ibalik, SA PAMAMAGITAN NG DASAL LAMANG, ang direksyon ng iyong asawa sa Diyos. Dapat mo ding maunawaaan na ikaw ay hindi responsible sa kung ano ang ginagawa ng iyong asawa; sagutin niya ang kanyang mga kilos o aksyon sa Diyos. âNatutukso ang tao kapag siyaây naakit at napatangay sa sariling pitaâ (Santiago 1:14). Itikom ang iyong bibig; tapos huwag hadlangan ang iyong asawa.
Ang mga babae ay nais itrato ang kanilang asawa na parang isa sa kanilang mga anak. Itong tipo ng parang nanay na pag-uugali ay magpapalayo sa kaninumang lalaki at nagtatanggal ng kanilang pagkalalaki. Tapos kapag may isang babaeng dumating na tinuturing siya bilang lalaki, iiwanan niya ang kanyang asawa para sa babaeng ito.
Magkaroon ng tamang ugali. âAng bawat taoây pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamamahalang hindi mula sa Diyos at ang mga pamahalaan umiiral ay itinatag ng Diyos. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa mga itinakda ng Diyos; at lalapatan ng parusa ang sinumang lumalabanâ (Roma 13:1-2).
Ang iyong asawa ay ang itinakda ng Diyos upang mamahala sa iyo. Ang iyong pagre-rebelde sa kanyang pamamahala o awtoridad ang nagbigay-daan sa iyong sitwasyon ngayon. Sumunod at magpasakop NGAYON at pagmasdan kung paano ibabalik ng Diyos ang puso ng iyong asawa pabalik sa iyo at inyong tahanan habang iginagalang mo ang Salita ng Diyos.
Daigin ang lahat ng masama ng mabuti. Ang iyong reaksyon sa masama kapag ito ay dumating ay nagsasabi sa Diyos, sa ibang nakakakita at sa iyong asawa kung ano TALAGA ang nasa iyong puso. âHuwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masamaâ (Roma 12:21). Ito ay mangyayari pero maaari kang maging handa, â...sapagkat alam ninyo na lalong magiging matatag ang inyong pananampalataya matapos ninyong mapagtagumpayan ang mga pagsubok na iyanâ (Santiago 1:3).
Kunin ang pagkakataon na ito upang magbigay ng biyaya ng kabaitan sa iyong asawa: â...huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, ipanalangin ninyong silaây pagpalain yamang hinirang kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyosâ (1 Pedro 3:9). Kapag kayo ay sumang-ayon sa insulto o masakit na salita at pagkatapos nagsukli ng mabuting pangungusap o biyaya, ito ay makakapagpabago ng iyong sitwasyon sa isang IGLAP!
Subalit, karamihan sa mga babae ay ginagamit ang kanilang lakas sa pagtatanggol sa kanilang mga sarili o sa pagtalakay sa isyu. Habang sinusubukan nilang paakuin sa kanilang asawa ang responsibilidad sa kung anong nangyari, nabibigo silang makita ang pagbabago ng kanilang sitwasyon. âKUNG PAANONG WALANG IMIK ANG TUPA NA DINADALA SA PATAYAN O ANG KORDERO SA HARAPAN NG MANGGUGUPIT, GAYON DIN NAMAN, HINDI SIYA NAGBUKA NG KANYANG BIBIGâ (Mga Gawa 8:32).
May mga babae na nag-email sa akin na nais malaman kung ano ang pumipigil sa kanilang restorasyon. Pero kapag narinig ko ang kanilang mapanghamak at mapanuring ugali, alam ko na kung bakit! Kaya mo bang buong pagpapakumbabang tanggapin ang aking sinasabi? Kung hindi, nagtataka ka pa ba bakit pinili ng iyong asawa na iwanan ka? âAng matalinong babae ay nagtatatag ng kanyang bahay. Ngunit ang tahanaây nawawasak dahil sa kamangmanganâ (Kawikaan 14:1).
(Para palakasin ang iyong loob, paki-basa ang testimonya sa hulihan ng Kabanat 12, âHumiling sa Diyosâ tungkol sa isang babae na buong pagkukumbabang pinalaya ang kanyang asawa, HINDI nagalit sa Diyos, at nagkaroon ng buong buhay may-asawa muli pagkatapos magpakasal muli ng kanyang asawa!)
Magpursigi sa pagmamahal sa hindi kaibig-ibig! Kapag minahal at iginalang mo ang iyong asawa, kahit na siya ay hindi kaibig-ibig, hindi mabait, at nagkakasala, pinapakitaan mo siya ng walang-kondisyon na pagmamahal. âKung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi baât ginagawa din ito ng mga publikano?â (Mateo 5:46). Ibigay sa Diyos ang iyong mga hinanakit. Tutulungan ka Niya na mahalin ang iyong asawa kung iyong hihilingin sa Kanya.
Ang ministro ng pagkakasundo. Bilang mga anak ng Diyos, tayo ay mga ambasador ng pag-ibig ng Diyos at ito ang magpapalapit sa iba sa Panginoon. âSa pamamagitan ni Kristo, ibinilang Niya akong kaibigan di na kaaway at hinirang Niya ako upang panumbalikin sa Kanya ang mga tao...at nililimot Niya ang kanilang mga kasalanan. At ipinagkatiwala Niya sa akin ang balitang itoâ (2 Corinto 5:18-20).
Ikaw ba ay nagbibilang? Binabalik-balikan mo ba sa iyong isip ang mga kasalanan at pagkukulang ng iyong asawa habang ipinagsasabi mo sa iba ang kanyang mga kasalanan? Tandaan, ang pagpapatawad ng Diyos ay bago tuwing umagaâang sa iyo rin ba?
Ang ating unang misyon. Ang iyong ugali ay maaaring, âBakit ako mangangaral sa aking asawa na isang makasalanan?â Dahil sa ibinigay ng Panginoon ang ating asawa at mga anak bilang ating unang âmisyonâ bago tayo maging tunay na mabisa sa iba.
Tayo, syempre, ay nais pangunahan ang Diyos bago tayo maging tunay na handa at mangaral sa kanilang nasa simbahan, sa ating mga kapitbahay at sa tanggapanâhabang pinababayaan natin ang ating ministro sa tahanan! Kung hindi mo pa nahihikayat ang iyong asawa at mga anak sa Panginoon, paano mo mahihikayat ang iba pa?
Napakaraming mga babae ang kumukilos na parang mga biktima na kailangang makisama o mamuhay kasama ang isang hindi nananampalataya. Pero, sila mismo ang nagpapalayo sa kanilang asawa at mga anak sa Panginoon. Ang Pariseo na dumadalo sa mga serbisyo at pagkatapos ay kumilos ng arogante at espiritwal ay humadlang sa iba upang naisin na magkaroon ng relasyon sa Panginoon! Ikaw ba ito?
Nais ng Diyos na tayo ay matuto ng kakuntentuhan BAGO Niya baguhin ang ating asawa. Kung ikaw ay patuloy sa pagdaing at pagreklamo sa iyong sitwasyon, kung ganon, maging handang manatili dito! Ating makikita sa buhay ni Pablo: âSinasabi ko ito hindi dahil sa kayoây hinahanapan ko ng tulong. Natutuhan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagayan. Naranasan ko ang maghikahos. Naranasan ko rin ang managana. Natutuhan ko nang harapin ang anumang katayuan: ang mabusog o magutom, ang kasaganaan o kasalatan.â Nagpatuloy si Pablo sa pagsasabi (ang talatang madalas mo marinig), âAng lahat ng itoây magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Kristoâ (Filipos 4:11-13). Mananatili ka sa paghihirap hanggang MATUTUHAN mong masiyahan o makuntento ditoâtapos!
Nilikhang Kakaiba
Nilikha para sa lalaki. Mga babae, mahalaga na ating hanapin ang karunungan, talino at pang-unawa mula sa Salita ng Diyos upang lubos na malaman kung paano tayo nilikha at kung bakit tayo nilikha. Ang 1 Corinto 11:8-9 ay nagsasabi, âSapagkat di mula sa babae ang lalaki kundi ang babae ang nagmula sa lalaki. At hindi rin nilalang ang lalaki para sa babae kundi ang babae para sa lalaki.â
Habang tayo ay kumikilos tungo sa perpektong plano ng Diyos sa ating mga buhay, ating maisasabuhay ang masaganang buhay na ipinangako ng Diyos sa Kanyang Salita. Ang ating mga buhay ay sumasalamin ng Salita ng Diyos, sa halip na ipagkanulo ito. At ang pinakaimportante, ang iba ay maaakit o mapapalapit kay Kristo dahil sa testimonya ng ating mga buhay.
Angkop na Kasama at Katulong niya. âAng tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap. Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niyaâ (Genesis 2:20). Ang mga pangungusap na ito ay talagang hindi matanggap ng mga feminists. Hindi mo rin ba ito matanggap?
Kailangan ng babae ang lalaki. âGayunman, ayon sa panukala ng Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at kailangan din ng lalaki ang babae. Kung nagmula man sa lalaki ang babae, ang lalaki namaây isinisilang ng babae; at mula sa Diyos ang lahat ng bagayâ (1 Corinto 11:11-12).
Nilikha ng Diyos ang mga lalaki at mga babae ng may magkakaibang pangangailangan. Ang mga puwang sa ating mga buhay at sa buhay ng ating mga asawa ay lumilikha ng isang tipo ng working gear o puzzle. Habang ating pinupunuan ang mga puwang ng ating mga sarili lamang o di kasali ang ating mga asawa, ang gear ay kumakalas. Lalo nating pinupunuan ang ating mga pangangailangan o habang pinupunuan ng ating mga asawa ang kanilang mga pangangailangan na labas sa buhay may-asawa, ang ating relasyon ay kumakalas hanggang sa wala ng natira upang panghawakan.
Ang mga feminists ay nagtulak sa marami sa ating upang punuan ang ating sariling mga pangangailangan at hayaan ang ating mga asawa na asikasuhin ang kanilang mga sarili. Pinaniwalaan natin ang kasinungalinga na hindi mabuti na maging dependent sa isaât isa. Ang salitang âco-dependentâ ay naghikayat sa marami na magpumiglas o lumay sa halip na pahalagahan ang pagiging isang laman. Nilikha ng Diyos ang puwang sa bawat isa sa atin na tanging ang ating asawa ang (at dapat) pumuno. Kung ang pagiging co-dependent ay mali, kung ganon, paano mo ipapaliwanag ang salitang ito? âGayunman, ayon sa panukala ng Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at kailangan din ng lalaki ang babae. Kung nagmula man sa lalaki ang babae, ang lalaki namaây isinisilang ng babae; at mula sa Diyos ang lahat ng bagayâ (1 Corinto 11:11-12).
Bilang mga Kristiyano, dapat nating baguhin ang ating mga isip upang umakma sa Salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ang katotohanan! âHuwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyosâkung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya, at talagang ganapâ (Roma 12:2). Ang pamumuhay sa katotohanan ay talagang hindi magiging madali at ito ay halos parang kabaliwan sa una sa kanilang makakapuna ng pagbabago sa iyo. Pero sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang Salita, madali nating mauunawaan at maaani ang pabuya ng ating pagsunod. Tayo bilang mga Kristiyano ay sumusunod at naniniwala, kahit na hindi nating nakikita ang pagbabago o naiintindihan ang utos. Ito ang pananampalataya na ating ipinapahayag bilang mga sumasampalataya.
Lahat tayo ay nakaranas kung paano ang kaparaanan ng mundo ay nagapi tayo dahil pinilit nating gawin ang mga bagay na hindi tayo inilikha upang gawin at kumilos sa paraang hindi tayo ginawa upang ikilos. Atin munang tingnan kung paano at bakit tayo nilikha sa umpisa.
Marami sa atin ang gustong mabuting mga katulong kaya ginagawa natin ang lahat para sa ating mga asawa at inaalisan sila ng biyaya at tinatanggal ang pagkalalaki mula sa kanila. Tayo ang gumagawa ng lahat. Tayo ang gumagawa ng mga desisyon, gumagawa ng lahat sa bahay at sa bakuran at tumutulong upang kumita. Tapos tayo ay nagugulat na sa lahat ng kanyang libreng oras, nakakatagpo siya ng ibang babae na tila kailangan at gusto siya.
Magsimulang tingnan ang mga dapat mong gampanan na nilikha ng Diyos bilang espesyal at kakaiba. Humingi sa Panginoon ng paggabay at pang-unawa sa lahat ng gawain na iyong kasalukuyang ginagampanan. Kung may kinuha kang isang bagay na dapat ang iyong asawa ang gumagawa, magdasal na ang Panginoon ay babaguhin it. Maraming beses, ang mga maliliit na sakuna kung saan dapat iligtas ka ng iyong asawa, ang magdudulot ng pagbabago. Pero huwag kang gumawa ng krisis ng sinasadya: maghintay sa Panginoon; ihinto ang pagmamanipula!
Hindi rin importante kung ang iyong asawa ay wala na sa inyong tahanan. Daan-daang mga babae ang pumaling sa Panginoon sa parteng ito, at ang kanilang mga asawa ay umaasikaso ng mga pera, pagpapaayos ng kotse, ng bakuran, pagkumpuni sa bahay, at iba pa. HUWAG kailanman maliitin ang Diyos!!
Personal na pangako: magdasal sa ating Ama sa halip na magmadaling kausapin ang ating asawa. âAyon sa aking natutunan mula sa Salita ng Diyos, ipinapangako ko na hayaan ang Diyos na kumilos sa aking asawa sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu. Sa halip, aking âhuhugasan ang aking mga kagustuhan at pangangamba sa panalanginâ sa pamamagitan ng paghanap sa Kanyang mukha. Alam ko na ang tanging paraan upang mahikayat ang aking asawa na maging matuwid, lalo na sa aking kasalukuyang kalagayan, ay sa âhindi pagpapaliwanagâ at sa aking magalang at mapagkumbabang espiritu.â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.