Kabanata 7 "Kabaitan sa Kanyang Salita"
Ang mga salita niya ay puspos ng kaalaman at
ang turo niya ay pawang katapatan.
âKawikaan 31:26
Ang lahat ay pinapanood kung paano nakikipag-usap ang isang babae sa kanyang asawa, sa kanyang mga anak, at sa iba. Kapag ang babae ay nakikipag-usap ng buong galang at kabaitan sa kanyang asawa at mga anak, ipinapakita niya ang punong katangian ng isang âmaka-Diyos na babae.â Samantala, yaong mga walang pasensya at walang galang ay inilalantad ang kanilang mga sarili bilang mahihina at wala pa sa gulang na mga Kristiyano.
Ang magalang at marahan na pananalita ay isa sa mga mahahalagang sangkap para sa isang mabuting buhay may-asawa at mga matitinong mga anak. Ang kabaitan ay ang punong katangian ng isang âmaka-Diyos na babae.â
Tayo ay nalinlang ng mga âtaga-payoâ at mga tinatawag na âdalubhasa sa buhay may-asawaâ na nagsasabi sa ating na ang KAWALAN ng komunikasyon ang nagdudulot sa pagkasira ng buhay may-asawa. Habang sinasaliksik ang Bibliya, nalaman ko na ang Diyos ay MARAMING sinasabi tungkol sa kung gaano karami ang ating sinasabi, ano ang ating sinasabi, at paano natin ito sinasabi! Sundan ninyo ako at magkasama nating tuklasin ang katotohan:
HINDI ang âKawalanâ ng Komunikasyon!
Ating Bantayan GAANO KARAMI ang Ating Sinasabi!
Maraming salita. Hindi lamang nagdudulot ng problema ang kawalan ng komunikasyon sa buhay may-asawa, kapag maraming pag-uusap at pagtatalakay, ang kasalanan (isang paglabag sa Salita ng Diyos) ay hindi maiiwasan! âAng taong masalita ay malapit sa pagkakasala, ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilalaâ (Kawikaan 10:19).
Laging tahimil. Ang iba ay sasabihan tayo na magsalita tungkol sa nilalaman ng ating isip at ibahagi ang ating iniisip, pero ang sabi ng Diyos: âAng kapos sa kaalaman ay humahamak sa kapwa, ngunit laging tahimik ang taong may unawaâ (Kawikaan 11:12). âAng maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang may matabil na dilaây nasasadlak sa kapahamakanâ (Kawikaan 13:3).
Bibig ay laging tikom. âAng mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikomâ (Kawikaan 17:28). âSabihin mo na lang na âOoâ kung oo at âHindiâ kung hindi; sapagkat buhat na sa masama ang anumang sumpang idaragdag ditoâ (Mateo 5:37).
Hindi na kayo kailangang magpaliwanag. Ang Diyos ay tuwirang nagsasabi sa mga babae na manatiling tahimik. âAt kayong mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. At kung hindi pa naniniwala sa Salita ng Diyos ang sinuman sa kanila, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal. Hindi na kayo kailangang magpaliwanag sa kanila. Sapat nang makita nila ang inyong mapitagang kilos at malinis na pamumuhayâ (1 Pedro 3:1-2). âAng mga babaeây kailangang tumahimik sa mga pagtitipon sa iglesya...â (1 Corinto 14:34).
Mayumi at mahinhing diwa. Itinuturing ng Diyos na lubhang mahalaga sa Kanya ang tahimik na babae. Ikaw ba ito? â...ang gandang walang kupas na likha ng mayumi at mahinhing diwa, at lubhang mahalaga sa mata ng Diyosâ (1 Pedro 3:4). âPakaingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo. Iwasan mo ang mga usapang di nakalulugod sa Diyos at ang pangangatwiran ng lisyang karunungan. Ang mga namamaraling may ganitong karunungan ay nalihis sa pananampalatayaâ (1 Timoteo 6:20-21).
Ang Diyos ay Sinasabihan Tayo na Mag-Ingat sa Kung ANONG Sinasabi Natin
Pumipigil sa kanyang dila. Ilang beses ka na bang napasama o napasok sa gulo dahil sa mga salitang iyong sinabi? âAng salita ng matuwid ay nagpapakilala ng kaalaman, ngunit ang dilang sinungaling ay bubunutin namanâ (Kawikaan 10:31). âAng salitang walang taros ay sumusugat ng damdamin, ngunit sa magandang salita, sakit ng loob ay gumagalingâ (Kawikaan 12:18). âAng pumipigil sa kanyang dila ay umiiwas sa masamaâ (Kawikaan 21:23).
Ang lumalabas sa iyong bibig. Itong pangungusap na ito ay malinaw. Ang iyong sinasabi ay NAPAKAHALAGA! âSapagkat ikaw ay pawawalang-sala o parurusahan, batay sa iyong mga salitaâ (Mateo 12:37). âHindi ang pumapasok sa bibig ng tao kundi ang lumalabas ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyosâ (Mateo 15:11). â...itakwil ninyo ang lahat ng ito: galit, poot, at sama ng loob, iwasan na ninyo ang panunungayaw, at malaswang pananalita...â (Colosas 3:8).
Marunong makinig ng payo. Ang Salitang ito ay naglalarawan ng dalawang tipo ng asawa. Alin ka dito? âAng mabait na babae ay karangalan ng asawa, ngunit kanser sa buto ang masamang asawaâ (Kawikaan 12:4). âAng marunong makinig ng payo ay mananagana at mapalad ang sa Diyos ay naglalagak ng tiwalaâ (Kawikaan 16:20).
Nagsasalita tulad ng bata. Ikaw ba ay may sapat ng kaisipan? O ikaw ba ay nanatiling parang bata na nagsasabi ng mga bagay na nakakasakit sa iba? Isa sa mga pinakamalaking kasinungalingan na natutuhan natin nang tayo ay mga bata pa ay âSticks and stones may break my bones, but words will never hurt me.â Marami sa atin ang hindi na naka-recover mula sa mga salitang binitawan sa atin bilang mga bata. âNoong akoây bata pa, nagsasalita ako, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong akoây mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang mga asal-bataâ (1 Corinto 13:11). Panahon na ba para tayo ay MAGKAISIP NA? Huminto sa pagsasabi ng mga bagay na nakakasakit sa iyong asawa, mga anak at sa iyong relasyon sa iba!
Ang nagsasabi ng katotohanan. Sino ang hindi matutuwa sa mabuting salita mula sa isang tao? âAng ibig pakinggan ng hari ay ang katotohanan at ang nagsasabi nito ay kanyang kinalulugdanâ (Kawikaan 16:13). âSama-samang ipahayag ang inyong damdamin sa pamamagitan ng mga salmo, mga imno at mga awiting espirituwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon...â (Efeso 5:19).
Iwasan ang pag-aaaway. âAng simula ng kaguluhaây parang butas sa isang dike na dapat ay sarhan bago ito lumakiâ (Kawikaan 17:14). âAng pagsasalita ng mangmang ay humahangga sa kaguluhan, pagkat ang salita niyaây laging may bantang taglayâ (Kawikaan 18:6). Muli, ang pagtatalo o kaguluhan ay HINDI MABUTI para sa buhay may-asawa (o sa anumang relasyon) kahit na iba pa ang sabihin ng iba!
Madalas na pagtatalo. âAng mga gawa ng laman: pangangalunya, karima-rimarim na pamumuhay, kahalayan, pagsamba ng diyus-diyusan, pangkukulam, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, pagka-inggit...â (Galacia 5:19-20). âSinumang nagtuturo ng iba kaysa rito at di sang-ayon sa salita ng Panginoon Hesukristo at sa mga aral tungkol sa kabanalan ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan at pagbibintang. Mahilig din silang makipagtalo sa mga liko ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan...â (1 Timoteo 6:3-5).
MAKIPAG-AYOS AGAD! Kung mayroon kang problema sa pakikipag-away, sauluhin ang dalawang talatang ito. Ang mga talatang ito TALAGANG nagpabago sa akin! âKung may magsakdal laban sa iyo sa hukuman, makipag-ayos ka sa kanya habang may panahon...â (Mateo 5:25). âAng marangal na taoây umiiwas sa kaguluhan, ngunit ang ibig ng mangmang ay laging pag-aawayâ (Kawikaan 20:3).
Dalawa sa inyo ay magkaisa. Dapat mong subukang humanap ng lugar ng pagkakaisahan sa halip na punto ng pagtatalo sa LAHAT ng bagay na sinasabi ng iyong asawa. Kung wala kang makitang pagkakaisahan o pagkakasunduan, MANAHIMIK at ngumiti! âSinasabi ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo dito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng Aking Amang nasa langitâ (Mateo 18:19).
Masakit sa kalooban. Ang Kawikaan ay pinapahayag sa atin na kung ano ang ating sinasabi ay nagpapasakit sa kalooban ng ating asawa! âAng magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang mahayap na pangungusap ay masakit sa kaloobanâ (Kawikaan 15:4).
Bantayan ang bibig na parang may tapal. Narito ang isang nakakapang-gising na kaisipan: âDi pa ako umiimik, yaong aking sasabihiây alam Mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihimâ (Awit 139:4). âAng sabi ko sa sarili, sa gawaiây mag-iingat at hindi ko babayaang ang dila ko ay madulas; upang hindi magkasala, akoây hindi mangungusap samantalang kalapit ko yaong taong may sukabâ (Awit 39:1). Bantayan ang iyong dila. Ang pag-aanuyo ay ang TANGING paraan upang maligtas sa isang madaldal na bibig! Paniwalaan mo ako, ikaw ay magiging napakahina upang magsalita! Ito ang naging epektibo sa akin! Gawing mo lang itoâmag-anuyo!
Paninirang-puri
Lubos ang tiwala ng kanyang asawa. Isang pang bahagi kung saan dapat nating ingatan ang paraan ng ating pagsasalita, na magreresulta sa pagkawala ng tiwala ng ating asawa, ay ang ating pagsasalita tungkol sa kanya sa iba. âLubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niyaâ (Kawikaan 31:11). Hindi kailanman natin dapat ibahagi sa iba ang mga kahinaan ng ating asawa o sabihin sa iba ang mga bagay na sinabi nila sa atin lamang. Tandaan na âAng mapaghatid-dumapit ay sumisira ng magandang samahanâ (Kawikaan 16:28). Napakaraming mga babae ang nagbabahagi sa akin (at sa iba pang kakilala nila) ng mga kasalanan ng kanilang mga asawa tulad ng pagtataksil, alak, bawal na gamot o pornograpiya. HINDI KO sila pinapakinggan at pinahihinto ko sila agad sa kanilang mga sinasabi. Matanong kita, âIlang tao na ba ang iyong napagsabihan?â
Aking wawasakin! âSiyang naninira sa kanyang kapwaây Aking wawasakinâ (Awit 101:5). Maraming mga babae ang iniisip na lagi nilang nilalabanan ang âkaawayâ samantalang sa totoo ang Diyos ang Siyang laban sa kanila. Kung sinabihan mo ang iba tungkol sa iyong asawa, siniraan mo na siya. Pinangako ng Diyos na Siya ay magdadala ng kasiraan sa iyong buhay. Maaaring mo itakwil ang demonyo hanggang gusto mo, pero ang Salita ay maliwanag. Kailangan mong magsisi at hilingin sa Panginoon na alisin ang kasalanang ito sa iyong buhay at saka mo ito remedyuhan sa pamamagitan ng pagbawi ng iyong sinabi sa lahat ng taong iyong pinagsabihan. Ikumpisal ang iyong sariling kasalanan sa kanila at pagkatapos ibahagi ang lahat ng mabubuting bagay na ginawa (at patuloy pang ginagawa) ng iyong asawa para sa iyo.
Ang mapanira ay nagsasambulat ng mga sikreto. Isa sa mga karaniwang patibong sa mga babae ay ang tsismisan sa telepono, na itinatago bilang pagbabahagi ng mga âhiling na panalangin.â Huminto sa pakikisama sa mga tsismosa. Gawing ang utos ng Diyos: â...DI dapat makisama sa mapaghatid-dumapitâ (Kawikaan 20:19).
Alisin ang paninira o panlalait sa inyo. Ang iba ay maaaring hindi malaman na ikaw ay tsismosa, pero ang Diyos ay alam ang iyong puso. Huwag mong lokohin ang iyong sarili: hindi mo na kailangan magbigay ng mga detalye para ibahagi ang iyong nais ipanalanginâikaw ay hangal o mangmang! âAng naninira sa kanyang kapwa ay isang taong MANGMANGâ (Kawikaan 10:18). Lahat tayo ay dapat alisin sa ating mga sarili o ihinto ang hiling na panalangin, na nagiging paninira lamang. âAlisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit at poot; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait, at mananakit ng damdamin ng kapwaâ (Efeso 4:31).
Makikita mo na kapag inalis o inihinto mo ang ganitong tipo ng âpagbabahagiâ ay wala ka ng masasabi sa iyong mga kaibigan. Nagdulot din ito upang ako ay magkaroon ng bagong mga kaibigan! Kung iyong nilabanan ang tukso na manumbalik sa iyong dating asal o pagkilos, ang Diyos ay magiging matapat upang ikaw ay turuan na puriin ang iyong asawa sa halip na pintasan siya. âAng mabait na babae ay karangalan ng asawa, ngunit kanser sa buto ang masamang asawaâ (Kawikaan 12:4). Sa halip, tayo ay magsimulang â...ipahayag ang (ating) damdamin sa pamamagitan ng mga salmo, mga imno at mga awiting espiritwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoonâ (Efeso 5:19).
Ang matamis na pangungusap. Kung iyong ipinahiya o siniraan na ang iyong asawa sa pamamagitan ng iyong mga sinabi sa kanya o tungkol sa kanya, o sa iyong ugali, ang Diyos ay tapat na maghahandog ng lunas: âAng pagkamasayahin ay mabuti sa katawan, at ang malungkutiây unti-unting namamatayâ (Kawikaan 17:22). âAng magiliw na pangungusap ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog sa katawanâ (Kawikaan 16:24). âAng matamis niyang pangungusap ay awit sa ibang diwaâ (Kawikaan 16:21).
Nakikita ng Diyos! Ang pagbabantay sa ating mga sinasabi, paghikayat sa ating asawa ng walang salita at ang di paghadlang sa nais ng ating asawa ay ang sinasabi ng Salita ng Diyos na dapat nating gawin. Ang Diyos ay nakatutok din sa âasal o ugaliâ sa likod ng ating mga kilos, dahil sa ito ang nagpapakita ng ating puso. â...ang batayan Ko ay di tulad ng batayan ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit puso ang tinitingnan Koâ (1 Samuel 16:7). Ang ugali ng isang maka-Diyos na babae ay ang paggalang sa kanyang asawa, na nagmumula sa isang dalisay na puso.
Mapitagan
Sinabi sa ating na ang respeto ay isang bagay na dapat nating hingin mula sa iba. Sinabi sa atin na dapat tayong magkaroon ng respeto sa ating sarili. Upang matutunan ang totoong kahulugan ng respeto, hanapin natin ang mas malalim na kaunawaan. Ang ating mga asawa ay mahihikayat âdahil sa (ating) magandang asal sapat nang makita nila ang inyong mapitagang kilos at malinis na pamumuhayâ (1 Pedro 3:1-2). Ang salitang respeto ay nangangahulugan sa diksyunaryo ng: âisang espesyal na pagtingin o konsiderasyon na ibinibigay ng isang tao sa ibang taoâ! Ito ay HINDI kung anong hinihingi natin para sa ating mga sarili!
Ayon sa thesaurus, ang respeto ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng paghanga, konsiderasyon; igalang, parangalan, ipagpitaganan, hangaan, pansinin, pahalagahan, itaas. At ang kabaligtaran nito ay pagkapoot, pagsita, at pagpintas. Ating pag-aaralan ang mga salitang ito nang mas mabuti pa.
Konsiderasyon: pagiging maalalahanin tungo sa iba. Ang Hebreo ay nagsasabi sa ating na kailangan nating himukin ang ating asawa at ang iba. Sa pamamagitan ng ating mga kilos, kaya nating silang mapukaw na tayo ay mahalin at magsumikap gumawa ng mabuti. âAt sikapin nating mapukaw ang damdamin ng bawat isa sa pag-ibig sa kapwa, at sa paggawa ng mabutiâ (Hebreo 10:24). Kung ganoon, kapag tayo ay walang konsiderasyon, hinihimok natin ang ating asawa at mga anak na kamuhian tayo at gumawa ng mali!
Ang mga gawa ng laman. Ginagamit natin ang mga kasalanan ng ating asawa upang pagtakpan ang ating kawalan ng respeto para sa kanila. Eto ang listahan ng mga kasalanan na nakalahad sa Galacia. Habang binabasa mo ang mga ito, paki-guhitan ang mga kasalanang karaniwang ginagawa ng mga tao, yaong mga tinatawag nating mga nasa simbahan na totoong kasalanan.
âHindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pangangalunya, karima-rimarim na pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa diyus-diyusan, pangkukulam, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba pang tulad nito. Binabalaan Ko kayo tulad ng una: hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos ang gumagawa ng gayong mga bagayâ (Galacia 5:19-21).
Ngayon, balikan ang listahan at bilugan ang mga kasalanan na madalas na hindi binibigyang pansin sa simbahan, yaong mga karaniwang ginagawa ng mga babae. Ang pagtatakip sa iyong hindi paggalang, batay sa mga kasalanan ng iyong asawa, ay halatang base sa KAPALALUAN o pagtatakip sa iyong sariling pagkakasala sa harap ng isang Banal na Diyos! Maliwanag na tayo ay puno ng kasalanan na sabi ng Diyos ay âhalata o hindi maikakailaâ!
Tingnan ang iyong sarili. Marami ang pakiramdam ay kanilang responsibilidad na parusahan o kutyain ang mga ibang nagkakasala, lalo na ang kanilang sariling asawa. Ang Bibliya ay iba ang sinasabi sa ating at ipinakikita ang kahihinatnan ng mga mapagmataan na mga kilos na ito. Huwag nating kalimutan ang troso sa ating sariling mata. Tandaan na ang lahat na mga kasalanan ay pare-pareho sa Diyos.
Muli, huwag mong hayaang lokohin ka ni Satanas na isipin na ang kasalanan ng iyong asawa ay mas masama kesa sa iyo. âMga kapatid, kung may mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin, at sa ganitong paraaây matutupad ninyo ang utos ni Kristo. Kung may nagpapalagay sa kanyang sarili na siyaây mahalaga gayong hindi naman, dinadaya niya ang kanyang sariliâ (Galacia 6:1-3).
Pagpapahalaga: mataas na pagtingin para sa iba. Maraming mga Kristiyanong psikolohiya na ginamit ang utos ng Diyos âna pahalagahan ang iba ng higit sa ating mga sariliâ at binaluktot ito para turuan tayo na itaas ang ating mga sarili, sa halip na ang iba. Basahin ang buong talatang ito para hayaan ang katotohanan ay palayain ka mula sa pagpapahalaga at pagmamataas, na sumisira sa iyo at sa iyong buhay may-asawa:
âHuwag kayong gagawa ng anumang bagay dahil lamang sa hangad ninyong matanyag, bagkus magpakababa kayo at huwag ipalagay na kayoây mabuti kaysa IBA. Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang sa inyong sarili. Magpakababa kayo tulad ni Kristo Hesus na bagamat Siyaây Diyos, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad Niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipinâ (Filipos 2:3-7).
Igalang ninyo ang namamahala sa inyo. Ang iyong asawa ay namamahala sa iyo. Ginawa mo bang madali o mahirap ang kanyang trabaho? âIpinamamanhik namin, mga kapatid, na igalang ninyo ang mga nagpapagal para sa inyo, ang mga pinili ng Diyos upang mamahala at magturo sa inyo. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig, dahil sa kanilang gawain. Magsama-sama kayong mapayapaâ (1 Tesalonica 5:12-13).
Parangal: mataas na pagtingin. Ating ituturing ang ating asawa na karapat-dapat ng karangalan, parangal na dapat na nating ipinakikita sa kanila. âDapat igalang ng mga alipin ang kanilang panginoon para walang masabi laban sa pangalan ng Diyos at sa ating aralâ (1 Timoteo 6:1).
Walang masabi sa Salita ng Diyos. Alalahanin na sa pamamagitan ng pagpapakita ng parangal sa iyong asawa, karapat-dapat man o hindi na ang kanyang mga kilos ay parangalan, ikaw ay naghahatid ng parangal sa Diyos! Hindi lamang kapag ang iyong asawa ay nasa paligid, ngunit sa lahat ng oras na ikaw ay nagsasalita o nag-iisip tungkol sa kanya. Ang kahihinatnan ng hindi pagpapakita ng ganitong tipo ng respeto ay pagwalang-bahala sa Diyos at sa Kanyang Salita. Sinasabi nating tayo ay mga Kristiyano pero âpinabubulaanan ng ating mga gawaâ! (Tito 1:16). â...maging mabait at masunurin sa kani-kanilang asawa upang walang masabi laban sa Salita ng Diyosâ (Tito 2:5). At âMga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoonâ (Efeso 5:22).
Pagpapawisan o paghihirapan. âHinarap naman ng Diyos si Adan at ganito ang sinabi: âPagkat nakinig ka sa asawang hirang nang iyong kainin yaong bungang bawal; sa nangyaring ito, ang lupang tanimaây aking susumpain magpakailanman. Ang lupaing ito para sa pag-anihan, pagpapawisan mo habang nabubuhayâ (Genesis 3:17). Pagkatapos magkasala ng tao, ang lalaki at babae ay bawat isang binigyan ng kaparusahan; ang babae ay maghihirap sa pagluluwal at ang lalaki ay pagpapawisan ang lupain o trabaho. Bakit ang kaparusahan ng lalaki ay pinamahagian pareho ng lalaki at babae? Bakit natin binili ang ganitong kasinungalingan? Pagmamataas.
Ang babaeng mapagmataas ay ayaw na sinasabihan ng kung ano ang kanyang gagawin o paano niya dapat gamitin ang kanyang pera. Kung siya ang gumagawa ng sariling pera, kung ganon siya rin ang makakapag-desisyon kung paano niya gagastusin ang kanyang pera! Tayo ay madaling mawawala sa ilalim ng kapangyarihan ng ating asawa at sa kalaunan sa kanilang proteksyon o pangangalaga rin.
Isa pa, kapag ang asawang babae ay may ibang trabaho liban sa tahanan at mga anak, hinahati nito ang interes ng mag-asawa at ginagawa tayong malaya sa isaât isa. Binalaan tayo ng Diyos nang Kanyang sinabi na ang tahanang hati ay hindi makakatayo! Ang iyo bang trabaho ang sumira sa iyong buhay may-asawa? (Tingnan ang âThe Ways of Her Householdâ in A Wise Woman Builds Her House: By a FOOL Who Tore Hers Down with Her Own Hands.)
May karapatan. Lahat ng mga babae ay nagnanais na itrato ng kanilang asawa katulad sa mga sumusunod na talata: âKayo namang mga lalaki, pakitunguhan ninyong mabuti ang inyu-inyong asawa, sapagkat silaây mahina, at tulad ninyoây may karapatan din sa buhay na walang hanggang kaloob sa inyo ng Diyos. Sa gayon, walang magiging sagabal sa inyong panalanginâ (1 Pedro 3:7). Sa pamamagitan ng pagsisikap na maging tahimik at mahinahon, at parangalan ang ating asawa, lalo na kapag sila ay maaaring namumuhay ng hindi mabuti, sa mapitagang paraan, ating matatanggap ang biyaya ng pagpaparangal sa atin ng ating kani-kanyang asawa sa pamamagitan ng pagbalik sa ating tahanan!
Narito ang ilan sa mga panuntunan sa Bibliya kung paano makakatanggap ng parangal:
Sa pamamagitan ng pagiging mahinhin. âAng babaing mahinhin ay nag-aani ng kapurihanâ (Kawikaan 11:16). Sumagot ng may kahinhinana sa ANUMANG sinasabi sa iyo LAGI sa lahat ng tao! Huwag magpumilit! Tandaan, ikaw ay anak ng Hariâkumilos bilang isa! Ang mga nasa kaharian ay hindi kailanman nagpapakita ng masamang damdamin o magwala sa sobrang galit. Isaisip si Prinsesa Diana na nakadanas ng lahat ng uri ng masasaklap na sakit mula sa buhay may-asawa, pero di mo kailanman nakita siya na nagwala o gumawa ng eksena.
Sa pagkakaroon ng kababaang-loob. âAt ang kababaan ay nagbubunga ng karangalanâ (Kawikaan 15:33). Sa pagiging mapagpakumbaba. âNgunit kababaan ang daan ng buhay na sakdal dilagâ (Kawikaan 18:12).
Pagpitagan: isang damdamin ng malaking paggalang o respeto, pagmamahal, lubos na paghanga, at pagtingin; upang katakutan. Maraming mga babae ang hindi gumagalang o nagpapakita ng pitagan sa kanilang asawa. Paano tayong mga Kristiyanong babae ay hindi bibigyang pansin ang Bibliya? âMga babae, igalang ninyo ang inyu-inyong asawaâ (Efeso 5:33).
Pahalagahan: bigyan ng magandang pagkilala; mahalin, katuwaan, unawain; pahalagahan (lalo na ang nasa mga pangako sa kasal), pangalagaan ng may pagmamahal, panatilihing buhay (ang emosyon). Nagsalita tayo tungkol sa paggawa ng mga bagay ng mula sa puso. Kung ang iyong asawa ay hindi isa sa iyong mga kayamanan, ang iyong puso ay wala sa kanya. âSapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong pusoâ (Mateo 6:21).
Minsan kapag nawala natin ang isang bagay o panandaliang hindi makita, doon natin nababatid kung gaano kahalaga ito sa atin. Kinailangan pa bang mawala ang iyong asawa upang iyong mabatid kung ano ang mayroon ka? Ganito ang nangyari sa akin!
Paano mo matutulungang maghilom ang espiritu at emosyon ng iyong asawa? Makipag-usap ng magiliw at mahinahon sa iyong asawa tuwing binibigyan ka ng Panginoon ng pagkakataon na makausap siya. âAng magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, nguhit ang mahayap na pangungusap ay masakit sa kaloobanâ (Kawikaan 15:4).
Ang biyayang ito ay maaaring mapasa-iyo. âLahat ng araw ng masama ay batbat ng kahirapan, ngunit ang walang dalamhati ay masaya araw-arawâ (Kawikaan 15:15). Kung ang iyong puso ay masaya, maaakit mo ang iyong asawa pabalik sa inyong tahanan, sapagkat siya ay lumisan upang humanap ng kaligayahan. Kapag siya ay umalis kung nasaan man siya ngayon, may matatagpuan ba siyang ligaya pagbalik sa kanyang sariling tahanan kasama ka at ang inyong mga anak?
Eto ay isang babala. Bantayan kung ano ang iyong sinasabi tungkol sa iyong asawa. Ang kahihiyan ay isang kanser sa emosyon. âAng mabait na babae ay karangalan ng asawa, ngunit kanser sa buto ang masamang asawaâ (Kawikaan 12:4). Ang kanser o pagkabulok ay nangangahulugan ng pagkasira sa pamamagitan ng pagkain ng uod. âNgunit pagkatapos mong magpasasa sa alindogâhapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugodâ (Kawikaan 5:4).
Magandang balita. HUWAG KAILANMAN magsalita sa iyong asawa tungkol sa iyong mga problema, takot o pagkabalisa sa kanyang mga kasalanan (pakikiapid, alak o bawal na gamot), tungkol sa iyong kaperahan o tungkol sa nalalapit na diborsyo, dahil âNagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita ay may dulot na kasiglahanâ (Kawikaan 12:25). Tuwing ang iyong asawa ay makikipag-usap sa iyo, DAPAT siyang umalis na magaan ang pakiramdam, hindi nanghihina ang loob.
Nagpapagaling. Ang iyong salita ay may dalawang magka-ibang epekto; ano ang iyong pipiliin? âAng salitang walang taros ay sumusugat ng damdamin, ngunit sa magandang salita, sakit ng loob gumagalingâ (Kawikaan 12:18).
Masayahing puso. Magkaroon ng masayahin o maligayang puso. âAng pagkamasayahin ay mabuti sa katawan at ang malungkutiây unti-unting namamatayâ (Kawikaan 17:22).
Laging nakangiti. Hayaan ang iyong mukha ay ipakita ang ligaya na nasa iyong puso. âAng taong masayahin ay laging nakangiti, ngunit ang may hilahil ay wari bang nakangiwiâ (Kawikaan 15:13). Ating pag-aralan pa ang tungkol sa pagiging masaya at maligaya.
Magalak LAGI. Sa ating sitwasyon, parang imposible na maging masaya. Paano tayo maaaring maging masaya o maligaya? âMagalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko: magalak kayoâ (Filipos 4:4). At kailan tayo magagalak? âMagalak kayong LAGIâ (1 Tesalonica 5:16). Sa Kanya tayo magagalak. Ito ang PINAKAMALAKAS na sandata ng ating espiritwal na pakikidigmaâPAPURIHAN ang Panginoon kapag ang kahirapan ay dumarating sa atin!!
Kaya mo bang gawin anuman nang walang tutol at pagtatalo? Ikaw ba ay umaangal, tumututol o nakikipagtalo ng walang patid tungkol sa iyong sitwasyon sa iba o sa iyong asawa? Kung ito ay iyong ginagawa, ikaw ay hindi nagpapasalamat! âGawin ninyo ang LAHAT ng bagay nang walang tutol at pagtataloâ (Filipos 2:14).
Natutuhan mo na ba ang sikreto? Maaari nating isipin na sa ating kalagayan ay may dahilan tayo para umangal. Sa halip, dapat tayong matutong masiyahan. â...Natutuhan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagayan. Naranasan ko ang maghikahos. Naranasan ko rin ang managana. Natutuhan ko nang harapin ang anumang katayuan: ang mabusog o magutom, ang kasaganaan o kasalatanâ (Filipos 4:11-12).
Ang Kabaligtaran ng Respecto ay Galit, Pagsisi o Pagsita
Nagalit ka ba sa iyong asawa? Sinisi mo ba siya sa mga nakalipas na pagkabigo? Sinita mo ba siya kung saan siya nagpunta o kung ano ang sinabi niya? Ngayon ang panahon upang BAGUHIN ang iyong pag-iisip. Basahin nang paulit-ulit ang kabanatang ito hanggang sa mapunit na ang mga pahina at mapigtal na ito. Gumawa ng 3x5 tarheta para sa bawat Salita o talata na kumutya sa iyong espiritu. Ilagay mo ang mga ito sa iyong bag at basahin araw-araw. âPagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohananâ (2 Timoteo 2:15).
Sa pagtatapos. Lahat tayo ay magsumikap muna na maging matalino sa pamamagitan ng pananatiling tahimik. Pagkatapos, siguraduhing kapag ating binuksan ang ating mga bibig, ito ay may karunungan, kabaitan, respeto at pagpipitagan. Hayaang ang ating mga salita ay maging magiliw at mahinahon. Tayo ay maging âkarangalanâ sa ating asawa sa paraan ng ating pagtanggap sa pagsubok na ito sa ating buhay, na magiging âmahalaga o kanais-naisâ sa paningin ng Diyos!
Personal na pangako: buksan ang aking bibig ng may karunungan at kabaitan. âAyon sa aking natutunan mula sa Salita ng Diyos, ipinapangako ko na manatiling tahimik, maghintay bago ako sumagot at maging magiliw sa aking bawat salita. Ipinapangako ko rin na magpamalas ng mapitagang ugali tungo sa aking asawa dahil ito magsisilbing halimbawa sa iba at magbibigay parangal sa Diyos at sa Kanyang Salita.â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.