Kabanata 5 "Ang Iyong Unang Pag-ibig"
Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlamig ka na sa akinâ
hindi mo na Ako mahal tulad na dati.
âPahayag 2:4
Iniwan mo ba ang iyong unang pag-ibig? Sino ang iyong unang pag-ibig? Ang iyong asawa ba ang iyong unang pag-ibig? Ang iyong mga anak ba ang una sa iyong buhay, mas una kaysa iyong asawa o sa Panginoon? O ang iyong trabaho ba? Sino ba talaga ang una sa iyong buhay? âAng umiibig sa ama o sa ina nang higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akinâ (Mateo 10:37). Ang Salita sa Pahayag ay nagsasabi: âNgunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlamig ka na sa akinâhindi mo na Ako mahal tulad ng datiâ (Pahayag 2:4).
Ano ang sinasabi sa atin ng Panginoon? Ang sinasabi Niya ay tuwing inilalagay natin ang sinuman o anuman nang una sa ating pagmamahal o relasyon sa Kanya, hindi tayo karapat-dapat sa Kanyang Pag-ibig.
Pagsumikapan nang higit. Dapat mo Siyang unahin sa iyong mga prioridad, una sa iyong araw at una sa iyong puso. âNgunit pagsumikapan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay ng ayon sa Kanyang kalooban, at ipagkakaloob Niya ang lahat ng kailangan ninyoâ (Mateo 6:33).
Duming di hamak. Itanong sa iyong sarili ang mga katanungan na ito: Ang mga bagay ba na inuuna ko ay may halagang panghabang-buhay? Ang gagawin ko ba ngayon ay makakatulong upang madagdagan ang Kanyang kaharian? Ako baây sumusunod sa Kanyang kalooban o nagpipilit gawin ang aking sariling kalooban? Tandaan, ang ating kalooban ay duming di hamak! (Isaias 64:6).
Anong mangyayari kapag inuna mo ang sinuman sa Panginoon? Ano ang gagawin Niya upang ibalik ka sa Kanya? Kung inuna mo ang iyong asawa kaysa Panginoon, kung ganon ang Panginoon ang kumuha ng iyong asawa mula sa iyo. âMga kasama koây Iyong binayaan na ako ay iwan. Binayaan silang mamuhi sa akiât akoây katakutan; Iyong pinalayo pati kasintahaât aking kaibigan, ang tanging natira na aking kasama ay ang kadilimanâ (Awit 88:8, 18). At huwag mong gawing una sa buhay mo ang pagbuo ng iyong buhay may-asawa; dapat mong gawing una ang Panginoon sa iyong buhay!
Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na natin aasikasuhin ang pangangailangan at kagustuhan ng ating asawa? Magkakaroon ba tayo ng ugaling âAng Panginoon ang aming pinagsisilbihan, hindi ikawâ? Tinuturuan tayo ng Diyos ng tamang pagtimbang sa Kanyang Salita. âMga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoonâ (Efeso 5:22). At âMga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, sapagkat iyan ang kalooban ng Panginoonâ (Colosas 3:18). Kapag tayo ay nagpasakop sa ating kanya-kanyang asawa, ginagawa natin ito para sa Panginoon! Kahit na, at lalo na, kapag pakiramdam natin ay hindi karapat-dapat ang ating asawa sa pag-galang na ipinakikita natin sa kanila, mapapanatag tayo sa KAALAMANG tayo ay nagpasakop ng buong loob sa ating asawa para sa Panginoon na karapat-dapat ng ating pagpapasakop sa Kanya at sa Kanyang Salita!
Walang masabi laban sa Salita ng Diyos. Ang Panginoon ay binibigyan pa tayo ng babala na ang hindi pagsunod o pag-galang sa ating asawa ay hindi pag-galang o paglabastangan sa Panginoon at sa Kanyang Salita. â...maging masunurin sa kani-kanilang asawa upang walang masabi laban sa Salita ng Diyosâ (Tito 2:5).
Kalugod-lugod sa Diyos. Kailangan nating hangarin na kalugudan ng Panginoon, sa halip na piliting maging kalugod-lugod sa ating asawa. Pagkatapos ang Panginoon ay hahayaan tayong magkaroon ng pabor sa ating asawa. âKapag ang taoây kalugod-lugod sa Diyos, pati ang kaaway niya ay Kanyang maaayosâ (Kawikaan 16:7). âMagdaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda ngunit ang babaing may takot kay Yahweh ay pupurihin ng balanaâ (Kawikaan 31:30). âSa Diyos mo hanapin ang kaligayahan at ang pangarap moây iyong makakamtanâ (Awit 37:4).
Ang Pagsunod sa halip na Handog
Ang pagsunod ay higit sa handog. âAng pagsunod sa Kanya ay higit sa handog at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa. Ang pagsuway sa Kanya as kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng uloây tulad ng pagsamba sa diyus-diyusan. Pagkat sinuway mo si Yahweh, aalisin ka sa pagiging hari ng kanyang bayanâ (1 Samuel 15:22-23). âAng paggawa ng matuwid at kalugod-lugod ay higit na kasiya-siya kay Yahweh kaysa mga handogâ (Kawikaan 21:3).
Ang iyong panlabas na anyo. Kahit na ang iyong panlabas na anyo ay nalilinlang ang ibang tao para isiping ikaw ay masunurin, alam ng Diyos ang iyong puso! âHuwag mong tingnan ang kanyang taas at kakisigan. Hindi siya ang hinirang ko. Ang batayan ko ay di tulad ng batayan ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit puso ang tinitingnan koâ (1 Samuel 16:7). Akala ng aking asawa at lahat ng tao na ako ay napakamasunuring asawa. Kahit ako ay nalinlang. Pero alam ng Diyos na ang pag-iwan o pag-abandona sa akin ay siyang aking kailangan. (Sa dagdag na kalakasang-loob tungkol dito, pakinggan o panoorin ang Esther video na makukuha sa tanggapan ng aming ministro.)
Mayroon kwento ng isang batang lalaki na laging sinasabihan ng kanyang ama na âumupo.â Sa wakas ang batang lalaki ay umupo at ang ama ay nangiti. Pero ang batang lalaki ay bumulalas, âNakaupo nga ako sa labas, pero sa loobâako ay nakatayo!â
Madalas tayo ay nakatayo sa loob. Madalas pagkatapos mong gawin ang tamang bagay at sumunod sa plano ng iyong asawa, ikaw ay napapabulalas, âPero hindi ako sang-ayon!â o ang iyong asal ay nagsasabi sa kanya na hindi ka sang-ayon. Nagawa mo ba ito? Ito ba ang uri ng iyong âkunwaringâ pagsunod o pagpapasakop sa iyong asawa?
Aanihin mo kung ano ang iyong itinanim. Kung ikaw ay isang rebelde sa iyong mga magulang bago ka ikinasal, maaaring ikaw ay rebelde pa rin sa iyong asawa. Sukdulan pa nito, ang pinakasalan mo ay isang rebelde. At ngayon ang iyong asawa ay naging mas matinding rebelde mula ng kayo ay ikasal, katulad mo rin. Siya ngayon ay nagre-rebelde laban sa lahat ng matinong pananaw or karunungan at pinagrerebeldehan pati ang kanyang pananagutan o pangako na maging tapat sa iyo!
Walang imposible. âSapagkat ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging marapat sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawaâ (1 Corinto 7:14). Oo, ito ay totoo. Sumunod ngayon at pagmasdan kung paano magiging marapat sa Diyos ang iyong asawa. Mukha ba itong kaiba-iba? Mukha ba itong imposible, dahil sa siya ay masama? Itoây dahil kayo ay isang laman. âKayaât hindi na sila dalawa kundi isaâ (Mateo 19:6). âGayunman, ayon sa panukala ng Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at kailangan din ng lalaki ang babaeâ (1 Corinto 11:11).
Pwede bang ang kalahati ng isang katawan ay pumunta sa isang daan at ang kalahati nitoây pumunta sa kabila? Kahit na kayo ay pumunta sa magkahiwalay na mga daan sa ilang saglit, pasasaan ba at kayo ay pagtatagpuin muli ng Diyos. Ito ay mangyayari âSapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyosâ (Lucas 1:37).
Ang taong tapat. Sa sandaling ikaw ay sumunod, ibabalik ng Diyos ang puso ng iyong asawa. âNaibabaling Niya ito (ang puso) kung saan igawiâ (Kawikaan 21:1). Tandaan, tanging âang taong tapat ay ligtas sa kapahamakanâ (Kawikaan 28:18). Kung iyong sinasabing ayaw mong sundin ang iyong asawa, kung ganon hindi rin niya susundin Siyang nakakataas sa kanya! âSi Kristo ang nakasasakop sa BAWAT lalaki, ang lalaki ang nakasasakop sa kanyang asawa, at ang Diyos naman ang nakasasakop kay Kristoâ (1 Corinto 11:3). Huwag mong ibigay na dahilan na ang iyong asawa ay hindi isang Kristiyano kung kaya hindi mo siya dapat sundin. WALANG Bibliya na nag-uutos sa isang babae na hindi siya dapat magpasakop o sumunod sa isang hindi sumasampalataya!
At huwag mong gawing dahilan ng iyong kasalukuyang pagrerebelde ang pagiging wala ng iyong asawa, at ng pagsabing paano mo susundin ang isang taong wala? Sundin mo kung ano ang ALAM mo na dapat mong gawin at kung ano ang dapat mong ginawa noong siya ay nandiyan pa! Kung hindi mo matandaan, hilingin sa Panginoon na panumbalikin sa iyong isip LAHAT ng mga bagay na gusto ng iyong asawang gawin mo noong ikaw ay hindi nakikinig o sumusunod. Tapos gawin mo ang mga ito. Hindi ito tungkol sa pagkakita ng iyong asawa sa mga pagbabago, ngunit ang pagkakita ng Diyos na ikaw ay nagbago na.
Nagtitiis ng parusa kahit walang kasalanan. At paano kung ang aking asawa ay malupit o mabagsik? âIgalang ninyo at sundin hindi lamang ang mababait kundi pati malulupit. Sapagkat kalulugdan ng Diyos ang nagtitiis ng parusa kahit walang kasalanan, bilang pagsang-ayon sa Kanyang kalooban. Maipagkakapuri kaya ang magtiis ng parusa kung ito ay dahil sa paggawa ng masama? Hindi! Ngunit pagpapalain kayo ng Diyos kung kayoây maparusahan sa paggawa ng mabutiâ (1 Pedro 2:18-20). Ang Salita ay tuloy na nagpapahayag na tayong mga babae ay dapat tularan ang halimbawa ng Panginoon at ng Kanyang buhay. Sinabihan Niya tayo na sundan ang Kanyang mga yapak, katulad ng ating mga mababasa sa mga sumusunod.
âKung mahal mo Ako . . . Sumunodâ
Pagkatapos mong gawing una ang Diyos sa iyong buhay, at magsimulang sundin yaong may mga kapangyarihan sa iyo, dapat mong isantabi ang maling doktrina na nagsasabing, âikaw ay naligtas ng kaluwalhatian, kaya talagang PWEDE na magkasala, dahil tayo ay hindi na nasa ilalim ng Batas.â Ating saliksikin ang Bibliya:
Ang iyong mga gawa ba ay pinabubulaanan Siya? âAng sabi nilaây kilala nila ang Diyos, ngunit itoây pinabubulaanan ng kanilang mga gawa. Silaây kasuklam-suklam at suwail at di nararapat sa anumang mabuting gawainâ (Tito 1:16).
Ginagawa mo ba ang sinasabi ng Kanyang Salita? âTinatawag ninyo akong âPanginoon, Panginoon,â ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi koâ (Lucas 6:46). âAno ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? Hindi! Tayoây patay na sa kasalanan kayaât hindi na tayo dapat mamuhay sa pagkakasala.â âNgayon, gagawa ba tayo ng kasalanan dahil sa wala na tayo sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob ng Diyos? Hindi!â (Roma 6:1-2, 15).
Ang pananampalatayang walang gawa ay patay. âMga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siyaây may pananampalataya, ngunit hindi naman niya pinatutunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng gayong pananampalataya?â âPatay ang katawang hiwalay sa espiritu; gayon din naman, patay ang pananampalatayang hiwalay sa mga gawaâ (Santiago 2:14, 26). Ang mabubuting gawa ay ang âmga bungaâ ng ating kaligtasan. Ito ang mga tanong na dapat ninyong itanong sa iyong mga sarili:
Ang mga gawa ko ba ay pinabubulaanan na sinusundan ko ang Panginoon?
Ang kagandahang-loob ba ng Diyos ay nagbibigay ng lisensya sa akin na magkasala?
Ako ba, bilang isang nananampalataya, ay gumagawa ng mabuti?
Kailanmaây hindi Ko kayo nakilala. Marami ang naniniwala na pwede kang mamuhay sa anumang paraan na nais mo at pagkatapos ay makakapasok sa langit kapag namatay. Ito ba ay totoo? âHindi lahat ng tumatawag sa Akin, âPanginoon, Panginoon,â ay papasok sa Kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng Aking Amang nasa langit. Pagdating ng huling Araw, marami ang magsasabi sa akin, âPanginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa Inyong Pangalan!â At sasabihin Ko sa kanila, âKailanmaây hindi Ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa Akin mga mapaggawa ng masama!ââ (Mateo 7:21-23). Ang sagot, kung gayon, ay âhindi!â
Ipagtapat ang iyong mga kasalanan. Kung ito ang kaisipan na mayroon ka, bago mo natutunan ang mga Salita, gawin mo kung ano ang sinasabi ng mga Salita: âKaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isaât isa, upang kayoây gumaling...â (Santiago 5:16).
Pagsunod sa Kanyang Salita
âKarunungaây umaalingawngaw sa mataong lansangan. Tinig niyaây nangingibabaw sa lugar ng pamilihan. Itoây lumalampas sa mataas na mga muog, ang ugong niyaây naririnig sa pintuan nitong lunsod: âTaong mangmang, walang hustong kaalaman, hanggang saan ka tatagal sa aba mong kalagayan? Hanggang kailan pa mananatili sa iyong kamangmangan? Kailan mo pa iisiping maghanap ng kaalaman? Ang payo Ko ay pakinggan nyo at dinggin ang Aking saway. Sasainyo ang diwa Ko at aking kaalaman. Patulong nga itong Aking sa inyo ay panawagan.â
âNgunit hindi ninyo pansin pati Aking mga kaway. Winalang-bahala nyo ang Aking mga payo, ayaw ninyong bigyang-pansin, pagunita Ko sa inyo. Dahil dito, kayoây Aking tatawanan, kapag kayoây napahamak, nasadlak sa kaguluhan. Kapag kayo ay hinampas ng bagyo nitong buhay, dinatnan ng kahirapan, ipu-ipo ang larawan. At kung datnan kayo ng hapis at dalamhatiây pag-itingan.â
âSa araw na yaon ay di Ko pakikinggan ang inyong panawagan, hahanapin ninyo Ako ngunit di masusumpungan, pagkat itong karunungan ay di ninyo minamahal, kay Yahweh ay di natakot nang may lakip na paggalang. Inyo pa ngang tinanggihan itong Aking mga payo, itinapong parang dumi itong paalala Ko. Kaya nga, inyong aanihin ang bunga ng iyong gawa, at kayo ay uusigin ng nasa nyong ubod sama. Katigasan ng ulo ang papatay sa mangmang. Sa dusa ay masasadlak sa kawalan ng kaalaman. Ngunit ang makinig sa Akin, mananahan ng tiwasay, mabubuhay nang payapa, malayo sa katakutanâ (Kawikaan 1:20-33). Hanapin ang karunungan!
Ang pagsunod ay mula sa puso. â...naging masunurin sa aral na tinanggap ninyoâ (Roma 6:17). At muli, âang batayan Ko ay di tulad ng batayan ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit puso ang tinitingnan Koâ (1 Samuel 16:7).
Ang pagsunod ay kailangang subukan. âHuwag ninyong pagtakhan at ituring na di pangkaraniwan ang mabibigat na pagsubok na inyong dinaranasâ (1 Pedro 4:12). Ang pagsunod ay lumilinis ng iyong kaluluwa. âNgayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan...â (1 Pedro 1:22).
Ang pagsunod ay nagbibigay ng testimonya ng kung sino ang iyong Ama. âSubalit inutusan ko silang sumunod sa akin upang silaây maging Aking bayan at Ako naman ang Diyos nila. Sinabi Kong mamuhay sila ayon sa ipinag-uutos Ko, at silaây mapapanuto. Ngunit hindi sila tumalima; ayaw nilang makinig sa Akin. Sa halip, ginawa nila ang balang maibigan at lubusang nagpakasama, sa halip na magpakabutiâ (Jeremiah 7:23-24).
Ang iyong di pagsunod ay pinapupurihan ang masasama. âAng masama ay PINUPURI ng masuwayin sa batas, at kalaban nila ang mga taong sa tuntunin nanghahawakâ (Kawikaan 28:4). Ang mga panalangin ng palasuway ay hindi diringgin. âAng taong ayaw sumunod sa kautusan, ang dalangin niya ay di pakikingganâ (Kawikaan 28:9).
Ang ating Halimbawa ng Pagsunod ay si Hesus
Siya ay masunurin hanggang kamatayan. âSiyaây nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krusâ (Filipos 2:8). âBagamat Siyaây Anak ng Diyos, natutunan Niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiisâ (Hebreo 5:8).
Siya ay masunurin at mapagpasakop sa Kanyang kapangyarihan. âAma Ko, kung maaariây ilayo Mo sa Akin ang saro ng paghihirap na ito. Gayunman, huwag ang kalooban Ko kundi ang kalooban Mo ang mangyari. Ama Ko, kung hindi maiaalis ang sarong ito nang hindi Ko iinumin, mangyari ang Iyong kaloobanâ (Mateo 26:39, 42).
Ang ating pagpapasakop sa may kapangyarihan sa atin. âMga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon...kung paanong nasasakop ni Kristo ang iglesya, gayon din naman ang mga babaeây dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawaâ (Efeso 5:22, 24). âSapagkat walang pamamahalang hindi mula sa Diyos at ang mga pamahalaang umiiral ay itinatag ng Diyosâ (Roma 13:1).
Ang sikreto sa tagumpay. âTapat ang pag-ibig, siyaâng umaakay sa tumatalima sa utos at tipan. Ang Iyong pangako, O Yahweh, ay tupdin, sa mga sala koây Iyong patawarin. Ang tumatalima sa Panginoong Diyos, ang landas ng buhay, kanyang matatalos, uunlad ang buhay, at ang mga supling, mamumuhay itong ligtas sa lupain. Sa tumatalima, Siyaây kaibigan, at tagapagturo ng banal na tipanâ (Awit 25:10-14).
Ibabaling sa mga alamat ang pansin. Sa halip na hanapin ang katotohanan, marami ang gustong sumang-ayon sa kanilang mga maling ideya o desisyon ang iba. âMangangalap sila ng mga gurong walang ituturo kundi ang mga bagay lamang na gusto nilang marinig. Ibabaling nila sa mga alamat ang kanilang pansin at hindi na nila pakikinggan ang katotohananâ (2 Timoteo 4:3-4).
Pagsunod sa Kanyang Salita. âHâwag kang tumulad sa iyong kabayo o sa iyong mola, na para tumigil ay kailangan pang hatakin ang rendaâ (Awit 32:9). Kung hindi ka susunod, tutuwirin ka Niya. âPinagdusa ako at pinarusahan nang labis at labis, ngunit ang buhay ko ay di Niya pinatid. Aking sinasabing di ako papanaw, mabubuhay ako upang isalaysay ang gawa ni Yahweh na Panginoon koâ (Awit 118:18, 17).
Ang Diyos ay tapat sa Kanyang Salita. âKung ang mga anak niya ay di pakikinggan at ang Kautusaây hindi iingatan, kung gayon, daranas sila ng parusa sa ginawa nilang kasamaan, silaây hahampasin sa ginawang salaâ (Awit 89:30-32). Kung patuloy ka sa iyong rebelyon sa Salita ng Diyos o sa pamamahala ng iyong asawa, patuloy kang parurusahan ng Diyos.
Basahin at dasalin ng malakas ang Awit 51.
âAkoây linisin, sala koây hugasan, at akoây puputi nang walang kapantay. Sa galak at tuwa ako ay puspusin; at muling babalik ang galak sa akin. Ang kasalanan koây Iyo nang limutin, lahat kong nagawang masamaây pawiin. Isang pusong tapat sa akiây likhain, bigyan Mo, o Diyos, ng bagong damdamin. Sa Iyong harapaây hâwag akong alisin. Ang Espiritu mo ang papaghariin. Ang galak na dulot ng âYong pagliligtas, ibalik at ako ay gawin Mong tapat. Kung magkagayon na, aking tuturuang sa Iyo lumapit ang makasalanan. Hindi Mo na nais ang mga panghandog; sa haing sinunog, di Ka nalulugod. Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbabaât pusong mapagtapat.â
Nawaây ang Diyos ay sumainyo habang kayo ay nagsusumikap na mas maging katulad ni Kristo!
Personal na pangako: gawing una ang Panginoon sa aking buhay. âBase sa aking mga natutunan sa Bibliya, ipinapangako ko na gawin ang lahat ayon sa Panginoon. Ipapakita ko sa Panginoon ang aking paninindigan sa Kanya at ang aking pagsunod sa Kanyang Salita sa pamamagitan ng pagsunod o pagpapasakop sa mga taong may kapangyarihan sa akin, lalo na ang aking asawa.â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP matapos ang iyong Pagbuo, SIGURADUHIN na ibuhos ang iyong puso sa BAWAT aralin.