Kabanata 17 "Ipagsanggalang"
Humanap Ako ng isang taong
makapaglalagay ng pader upang ipagsanggalang
ang lunsod sa araw na ibuhos Ko ang Aking poot,
ngunit wala Akong makita.
—Ezekiel 22:30
“Mahal na Ama sa Langit, ako ay pumapasok sa aking silid-dasalan, at ngayon na naipinid ko na ang pinto, palihim akong nanalangin sa Iyo aking Ama. At habang nakikita mo ako rito na palihim, gagantimpalaan Mo ako nang lantaran. Nasusulat na lahat ng bagay, kahit anong iyong hilingin sa panalangin, sa iyong pananalig, iyong matatanggap.”
“O Diyos, Ikaw ang aking Diyos; maaga Kitang hahanapin; ang aking kaluluwa ay nangungulila sa Iyo sa tigang at uhaw na lupa, kung saan walang tubig. Panginoon, wala liban sa Iyo upang tumulong sa digmaan ng mga malakas at yaong walang lakas; kaya tulungan mo kami, O Panginoon aming Diyos, dahil kami ay nagtitiwala sa Iyo, at ang Iyong ngalan ay sumasagupa sa karamihan. O Panginoon, Ikaw ang aking Diyos; huwag mong hayaang magtagumpay ang tao laban sa Iyo.”
“Ang Iyong mga mata, Panginoon, ay gumagala sa buong mundo upang pagtibayin yaong mga pusong Iyong-Iyo. Subukan mo ang aking puso.”
“Kung nabubuhay man ako bilang karaniwang tao, hindi ako nakikipaglaban ayon sa pamamaraan ng sanlibutan. Ang sandata ko‚ y may kapangyarihan ng Diyos, at nakapagpapaguho ng mga kuta, at hindi sandatang makasanlibutan. Sinisira ko ang mga maling pangangatwiran. Sinusugpo ko ang lahat ng pagmamataas laban sa Diyos, at binibihag ang lahat ng isipan upang tumalima kay Kristo. At kung lubusan na kayong tumalima, nahahanda akong parusahan ang lahat ng sumusuway.”
“O hayaan na ang kasamaan ng masasamang tao ay magwakas na, ngunit itaas ang mga taong matuwid. Hindi ako matatakot sa masasamang pangitain; ang aking puso ay nakatutok at nagtitiwala sa Panginoon. Ang aking puso ay matatag; hindi ako matatakot, hangga‚ t makita ko ang aking kagustuhan ay mangyari sa kaaway.”
“Hayaang ang aking asawa ay mahalin ang kabiyak ng kanyang buhay, ang ligaya ay lasapin sa mabango n‚ yang kandungan. Hayaan Mo ako mahal na Panginoon na maging mabait at mahinhin, babaing kaakit-akit; hayaang ako‚ y magtaglay ng gandang natatago sa kaibuturan ng puso, ang gandang walang kupas na likha ng mayumi at mahinhing diwa, at lubhang mahalaga sa mata ng Diyos. Sapagkat ang mga kaparaanan ng tao ay nasasaksihan ng Panginoon, Siya ay nagmamasid sa kanyang mga daraanan.”
“Anumang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit. Hinihiling ko sa Iyo, Ama, igapos Mo si Satanas sa Ngalan at sa pamamagitan ng Dugo ni Panginoong Hesukristo. Hinihiling Ko na kalatan Mo ng tinik ang kanyang daanan, at tayuan ng pader sa paligid niya upang hindi niya masumpungan ang kanyang daraanan. Pagkatapos sasabihin Mo sa akin, mahal na Panginoon, ‘Humayo kang muli, at patuloy mong ibigin ang iyong taksil na asawa. Ganumpaman, siya‚ y kakausapin ko nang buong giliw. Ang lalaki ay iiwan ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagka‚ t sila‚ y nagiging iisa.”
“Si Abraham ay umasa, naniwala sa pag-asa, at dahil sa hindi mahina ang kanyang pananalig, hindi nag-alinlangan sa pangako ng Diyos sa pamamagitan ng di paniniwala; ngunit lalo siyang tumibay sa pananalig at pinuri niya ang Diyos. Lubos siyang nanalig na matutupad ng Diyos ang Kanyang pangako.”
“Ligtas na tayo at inaasahan natin ang kaganapan nito. Ngunit ang pag-asa ay hindi pag-asa kapag nakikita na ang inaasahan. Sapagkat sino ang aasa sa nakikita na? Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, ito‚ y hinihintay natin ng buong tiyaga (Roma 8:24-25). Ako‚ y nanalig na bago mamatay masasaksihan ko ang ‘Yong kabutihan na igagawad mo sa mga hinirang. Sa Panginoong Diyos tayo‚ y magtiwala! Ating patatagin ang paniniwala; Tayo ay umasa sa kanyang kalinga! (Awit 27:13-14) Ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh ay magpapanibagong sigla. Ang lakas nila ay matutulad sa walang pagod na pakpak ng agila. Sila‚ y tatakbo nang tatakbo ngunit di manghihina, lalakad nang lalakad ngunit hindi mapapagod (Isaias 40:31).”
“Wala pang narinig na Diyos na tulad Mo, wala pang nakita ang sinumang tao; pagkat ikaw lamang ang Diyos na tumulong sa mga lingkod Mo na buong tiwalang nanalig sa iyo (Isaias 64:4). Tunay na ang pag-ibig Mo at ang Iyong kabutihan, sasaki‚ t tataglayin habang ako‚ y nabubuhay; doon ako sa templo Mo lalagi at mananahan (Awit 23:6). Amen.”
Panalangin para sa mga Nangangalunya
“Hinihiling ko sa Iyo, Ama, igapos Mo si Satanas sa Ngalan at sa pamamagitan ng Dugo ni Panginoong Hesukristo. Hinihiling Ko na kalatan at paligiran Mo ng tinik ang aking asawa upang sinumang may kagustuhan o pagnanasa sa kanya ay mawawalan ng pagkagusto o pagnanasa at siya‚ y iwanan o layuan. Ang aking panalanging ito ay batay sa uto ng Iyong Salita na ‘Anumang pinagsama o binuklod ng Diyos, walang sinumang makapaghihiwalay. Pinasasalamatan kita, Ama, sa pagdinig at pagsagot sa aking panalangin. Amen.”
“Dahil dito, kakalatan Ko ng mga tinik ang kanyang daraanan; paliligiran Ko siya ng pader nang hindi siya makalabas. Hahabulin niya ang kanyang mga mangingibig ngunit hindi niya aabutan. Sila‚ y kanyang hahanapin ngunit hindi niya masusumpungan. Kung magkagayon, sasabihin niya, ‘Babalik ako sa aking unang asawa, sapagkat higit na mabuti ang kalagayan ko noon sa piling niya kaysa ngayon. . . .Ngunit masdan mo, siya‚y muli Kong susuyuin, dadalhin Ko siya sa ilang, kakausapin nang buong giliw . . .at ipalilimot Ko na sa (kanya) ang mga pangalan ng Baal, at hindi na ito mababanggit pang muli . . .At sinabi sa akin ni Yahweh, ‘Humayo kang muli at patuloy mong ibigin ang iyong taksil na asawa bagaman siya‚y nakikipag-ibigan sa iba . . ..” Mula sa Oseas 2.
“Ang dapat ay maging tapat sa asawang minamahal, at ang tangi mong pag-ibig, iukol sa kanya lamang. Kung ikaw ay may anak sa babaing di asawa, walang buting idudulot, manapa nga ay balisa. Anak mo‚ y dapat lumaki nang ikaw ay matulungan upang hindi do‚ n sa iba iasa ang buhay. Kaya nga ba‚ t mahalin mo ang kabiyak ng iyong buhay, ang ligaya ay lasapin sa mabango n‚ yang kandungan. Mabait siya at mahinhin, babaing kaakit-akit. Ligaya mo‚y nasa kanya sa pitak ng kanyang dibdib. Sa ibang babae ay huwag ka sanang paakit, ni huwag mong papansinin makamandag n‚yang pag-ibig. Ang paningin ng Diyos sa tao‚ y di iniaalis, laging nakasubaybay, bawat oras, bawat saglit.” Mula sa Kawikaan 5:15-21.
“Lumayo ka sa babaing masama ang pamumuhay, ni huwag kang lalapit sa pinto ng kanyang bahay. Baka dangal mo‚y sirain at angkinin niyong iba, sa kamay ng masasama ay mamatay kang maaga. Ang yaman mo‚ y uubusin ng taong di mo kilala, mga pinagpaguran mo, makikinabang ay iba. Kung magkagayon, wakas mo ay anong saklap, walang matitira sa iyo kundi buto‚ t balat.” Mula sa Kawikaan 5:8-11.
“Huwag mong hayaang ang iyong puso ay malihis sa kanyang mga kaparaanan, dahil sa ang puso ay parang tubig sa kamay ng Panginoon; at nababaling Niya ito kung saan igawi. Huwag malihis sa kanyang landasin. Hindi na mabibilang, nabuwal sa kanyang yapak. Sa bahay niya‚ y nagmumula ang landas ng kasawian. Bawat isa‚y humahangga sa lagim ng kamatayan. Ang pangangalunya ay parang patibong, ang mga hindi nagbibigay-lugod kay Yahweh ang nahuhulog doon. Ang masamang babae ay mapanganib na patibong, tiyak na mamamatay ang mahulog doon.” Mula sa Kawikaan 7, 22, 23.
“Ang mag-isip mangalunya ay isang taong mangmang, sinisira ang sarili, buhay niya at pangalan. Ang babaing nangangalunya ay laging nakaabang tulad ng magnanakaw, at sinumang maakit niya ay natututong magtaksil. Ang taong lumayas sa kanyang tahanan ay tulad ng ibong sa pugad lumisan.” Mula sa Kawikaan 6, 27.
“Ganito naman ang ginagawa ng babaing nagtataksil: makikipagtalik, pagkatapos ay magbibihis saka sasabihing wala siyang ginagawang masama. Pagkat labi ng patutot ay sintamis nitong pulot, at ang kanyang mga halik kasiyahan nga ang dulot. Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog; hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod. Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan. Ang landas na tinatahak, pabulusok sa kalaliman. Pagkat di niya siniyasat daang patungo sa buhay, ang daan niya‚y liku-liko, hindi mo rin nalalaman.” Mula sa Kawikaan 5, 30.
“Hindi ba ninyo nalalaman, kayong mga mangangalunyang lalaki at babae na ang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya ang sinumang makikipagkaibigan sa sanlibutan ay kaaway ng Diyos.” Mula sa Santiago 4.
“Huwag kayong makikisama sa mga taong gumagawa ng mga bagay na walang ibinubungang kabutihan˜mga bagay na dulot ng kadiliman. Sa halip ay ilantad ninyo sila at ang kanilang mga gawa. Sapagkat kahiya-hiyang banggitin man lamang ang mga bagay na ginagawa nila nang lihim.” Mula sa Efeso 5:11-12.
“Ito ay sapagkat kahit na namumuhay kami sa laman, hindi kami nakikipaglaban ayon sa laman. Ito ay sapagkat ang aming mga sandata sa labanang ito ay hindi pantao. Subalit ito ay makapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos na makakapagpabagsak ng matitibay na kuta. Ibinabagsak nito ang mga pag-iisip at bawat matataas na bagay na nagtataas sa kaniyang sarili laban sa kaalaman ng Diyos. Dinadala nitong alipin ang bawat kaisipan patungo sa pagsunod kay Kristo.” Mula sa 2 Corinto 10:3-5
“Ako ngayon ay nagagalak, hindi dahil sa napighati kayo, subalit dahil sa napighati kayo patungo sa pagsisisi. Ito ay sapagkat napighati kayo ayon sa kaparaanan ng Diyos upang hindi kayo mawalan ng anuman. Ito ay sapagkat ang kapighatiang mula sa Diyos ay nagdudulot ng pagsisising patungo sa kaligtasan at hindi dapat pagsisihan. Ang kapighatiang mula sa sanlibutan ay nagdudulot ng kamatayan.” Mula sa 2 Corinto 7:9-10.
“Ang lahat ng mga bagay ay sa Diyos. Sa pamamagitan ni Hesukristo dinala niya tayo upang ipagkasundo sa kaniya. At ibinigay niya sa atin ang gawain ng paglilingkod para sa pakikipagkasundo. Papaanong sa pamamagitan ni Kristo ay ipinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan sa kaniyang sarili, na hindi niya ibinibilang sa kanila ang kanilang mga pagsalangsang. Ipinagkatiwala niya sa amin ang salita ng pakikipagkasundo. Para kay Kristo, kami nga ay mga kinatawan na waring ang Diyos ang namamanhik sa pamamagitan namin. Nagsusumamo kami alang-alang kay Kristo na makipagkasundo kayong muli sa Diyos.” Mula sa 2 Corinto 5:18-20.
“Narito,inihagis Ko siya sa isang higaan. Ang mga nangangalunya sa kaniya ay ihahagis Ko sa isang dakilang paghihirap, kung hindi sila magsisisi sa kanilang mga gawa.” Mula sa Pahayag 2:22.
“Ipahayag ninyo ang inyong mga pagsalangsang sa isa‚ t isa. Manalangin kayo para sa isa‚t isa, upang gumaling kayo. Ang mabisa at taimtim na panalangin ng taong matuwid ay higit na malaki ang magagawa.” Mula sa Santiago 5:16.
“Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit ang kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.” Mula sa Kawikaan 28:13.
“Sa gayunding paraan magkakaroon ng kagalakan sa langit sa isang makasalanang nagsisi. Ang kagalakang ito ay higit pa kaysa siyamnapu't-siyam na mga matuwid na hindi kailangang magsisi.” Mula sa Lucas 15:7.
“Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kahit ako man ay hindi hahatol sa iyo. Humayo ka at huwag nang magkasalang muli.” Mula sa Juan 8:11.
Panalangin upang Mabuo
“Dinggin ang aking panalangin, O Panginoon, buksan ang tenga sa aking pag-iyak, huwag manahimik sa aking mga luha. Mga pagluha ko‚ y may talaan ka nang ingat. Pagkat ako ay naghihirap at nangangailangan, hayaang Panginoon ay bigyang pansin ako. O aking katulong at Tagapagligtas˜Yahweh, aking Diyos, h‚ wag ka nang magluwat!” Mula sa Awit 56 at 40.
“Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigang kasalo ko sa tuwina‚ t sa anuman ay karamay; ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kaaway. Kaya kong mabata at mapagtiisan, kung ang mangungutya ay isang kaaway; kung ang maghahambog ay isang kalaban, kayang-kaya ko pang siya‚ y pagtaguan! Ang mahirap nito‚y tunay kong kasama, aking kaibigang itinuturing pa! Kau-kausap ko sa bawat sandali at maging sa templo ay kasamang lagi.” Mula sa Awit 41 at 55.
“Pigilin ang di matuwid sa kanilang mga gawa, yaon namang mabubuti ay bigyan ng gantimpala. Sa kanilang bitag na umang sa akin, ang nahuli‚ y sila. Usigin mo sila, O Diyos, sa pamamagitan ng kanilang mga gawain, hayaan sila‚ y bumagsak! Sa karamihan ng kanilang mga pagkakasala, itakwil sila dahil sa sila‚y naging palalo at di sumunod sa Iyo. Hayaang sila ay magdamdam ng labis sa kanilang kahihiyan. Ang lahat ng aking kaaway ay lubos na mapapahiya. H‚ wag Mong tutulutang ako ay malupig; ang mga masama ay dapat magahis, upang sa libingan sila mananahimik. Sa Iyong pagiging matuwid, ako ay iligtas.” Mula sa Awit 7, 9, 31
“Ang masamang balak nilang iniisip, di magtatagumpay (Mula sa Awit 21). Makita Ka lamang ay nagsisiurong ang aking kaaway, dahilan sa takot, sila‚ y nadarapa, hanggang sa mamatay. Alaala nila sa balat ng lupa‚y pinawi mong lubos (Mula sa Awit 9). Hindi magluluwat, sila‚ y mapaparam, kahit hanapin mo‚ y di masusumpungan. Ngunit ang maamo ay matitiwasay, at magiging ganap ang kapayapaan (Mula sa Awit 37:10-11).”
“Panginoong Diyos na aking kalasag . . .Sa aking paghimlay, ako‚ y mapayapa. Pagkat Ikaw, Yahweh, ang nangangalaga (Mula sa Awit 4). Maghandog sa Diyos ng sakripisyo ng pagpapasalamat, at tumawag sa Kanya sa araw ng kaguluhan. Ikaw ay Kanyang ililigtas, at Siya ay Iyong igagalang.”
“Maging matatag at hayaang iyong puso‚ y maging matapang, kayong mga umaasa sa Panginoon. Maging tila pastol at pasanin sila magpakailanman. Ako ay nawalan na ng pag-asa kung hindi ako nanalig na bago mamatay, masasaksihan ko ang kabutihan ng Panginoon. Sa Panginoong Diyos tayo ay magtiwala! Ating patatagin ang paniniwala; tayo ay umasa sa Kanyang kalinga!” Mula sa Awit 27.
“Sapagkat ang iyong naging kasintaha‚y ang may likha sa iyo, siya ang Makapangyarihang si Yahweh; Ililigtas ka ng Diyos ng Israel, Siya ang Hari ng lahat ng bansa. Israel, ang katulad mo ay babaing bagong kasal, iniwan ng asawa, batbat ng kalungkutan. Ngunit tinawag kang muli ni Yahweh sa Kanyang piling.” Mula sa Isaias 54:5-6.
Nawa‚ y Pagkalooban Ka ng Diyos ng Tagumpay!
Personal na pangako: makipaglaban sa pamamagitan ng Espiritu para sa aking asawa at sa aking buhay may-asawa. “Batay sa aking natutunan mula sa Salita ng Diyos, ipinapangako ko makipaglaban sa pamamagitan ng Espiritu kaysa ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa pamamagitan ng pita o laman. Kinikilala at alam ko na kapag ako ay nakikipaglaban sa pamamagitan ng laman, ako ay natatalo sa Espiritwal na labanan. Samakatwid, ipinapangako ko na gagamitin ko ang aking lakas, oras at buhay-kaisipan sa Espiritwal na pakikipaglaban para sa aking buhay may-asawa at pamilya.”
Kung ang iyong buhay may-asawa ay nabuo na sa pamamagitan ng aklat o ministrong ito, paki-sulatan lang kami upang aming mailagay sa aming website at mailathala sa aming aklat ng mga testimonya. Ating ibigay sa KANYA ang papuri na nararapat lamang sa Kanya at ating ipahayag sa mundo kung ano ang ginawa ng Diyos sa ating mga buhay upang mahimok o mapalakas ang loob ng iba. “Nagtagumpay sila laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan . . .” (Pahayag 12:11).
TulongMayAsawa.com
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP m