Kabanata 16 "Mga Susi ng Langit"
Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi
ng kaharian ng langit. . .
âMateo 16:19
Ibinigay ni Hesus ang mga susi ng langit upang âipagbawalâ ang kasamaan at âipahintulotâ ang kabutihan. âIbibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit; ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langitâ (Mateo 16:19).
Tanggalin ang masama. Humanap ng talata tungkol sa kung ano ang nais mong matanggal. Kailangan mo munang gapusin ang âtaong malakas,â o ang espiritu na may kapit sa taong ipinagdarasal mo. Hanapin ang talatang maaari mong dasalin. âWalang makapapasok sa bahay ng isang taong malakas . . .malibang gapusin muna niya ang taong iyon. . .â (Marcos 3:27).
Palitan ang masama ng mabuti. Ito ay napakahalaga! âKapag lumabas na mula sa tao ang isang masamang espiritu, itoâ y gumagala sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kung walang matagpuan ay sasabihin nito sa sarili, âBabalik ako sa bahay na aking pinanggalingan. Pagbabalik ay matatagpuan niyang malinis na ang bahay at maayos. Kaya, lalabas siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung masasama kaysa kanya, at papasok sila at maninirahan doon. Kayaâ t sumasama kaysa dati ang kalagayan ng taong iyonâ (Lucas 11:24-26).
Kung nabigo kang palitan. Kung nabigo kang palitan kung ano ang iyong tinanggal o inalis, ito ay mas sasama pa kaysa noong bago ka nagdasal. Kailangan mo laging palitan ang isang bagay na masama ng isang bagay na mabuti. Ito ang isang dahilan kung bakit marami sa mga nagpapapayat ay lalong tumataba. Ang sabi ng mga dalubhasa, dapat silang huminto sa pagkain ng lahat ng masama, o subukang huwag na kumain kahit ano. Ngunit hindi nila pinalitan ito ng mabuting bagay, katulad ng pagdarasak, paglalakad, pag-eehersisyo, o pag-kain ng mga bagay na mabuti para sa kanila. Isa pang halimbawa ay kung ang isang tao ay may malangis na mukha. Kinukuskos niya ito ng sabon o kaya ay nilalagyan ng alkohol upang matuyo ang langis. Pagkatapos ng ilang oras, ito ay mas malangis pa kaysa dati! Ayon sa mga dermatologists, dapat mong palitan ang langis na inalis mo ng kaunting lotion.
Palitan ang kasinungalingan ng katotohanan. Ang katotohanan ay matatagpuan lamang sa Kanyang Salita. Maliban na lamang kung ang iyong narinig, nabasa o kung ano ang sinabi sa iyo ng isang tao ay tugma sa prinsipyo sa Salita ng Diyos, ITO AY KASINUNGALINGAN!
Palitan ang âbisig ng lamanâ ng âPanginoon.â Palitan ang pagtitiwala sa âbisig ng lamanâ (ikaw, isang kaibigan, o sino pa man) ng tiwala sa Panginoon. âSa wakas, magpakatibay kayo sa pamamagitan ng inyong pagkakaisa sa Panginoon at tulong ng dakilang kapangyarihan niyaâ (Efeso 6:10).
Palitan ang pagtakbo ng pagtakbo sa Kanya! âAng Diyos ang lakas natin at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhanâ (Awit 46:1). Tumakbo sa aklat ng Mga Awit! Magbasa ng Mga Awit (at Mga Kawikaan) araw-araw. Basahin ang Mga Awit na tugma sa kasalukuyang araw ng buwan at idagdag ang 30 hanggang sa huli, pagkatapos basahin ang tugmang Kawikaan (sa ika-limang araw ng buwan, iyong babasahin ang Awit 5, 35, 65, 95, 125 at Kawikaan kabanata 5). Isang madaling paraan upang matandaan ito ay ang pagsulat sa dulo ng bawat Awit, kung saan ang susunod mong babasahin (sa ilalim ng ika-anim na Awit, isulat ang 36, sa ilalim ng 36, isulat ang 66. Kapag nakarating ka na sa 126, isulat ang Kawikaan 6). Dahil sa ang Awit 119 ay napakahaba, ito ang inilalaan para sa ika-31 ng buwan.
Bilang miyembro ng ating Restoration Fellowship, maaari kang pumunta sa ating Araw-araw na Debosiyonsa ating website. Magpunta sa TulongMayAsawa.com upang sumali!
Palitan ang pag-iyak sa iba ng pag-iyak sa Kanya! Ipinangako Niya na diringgin ka at itataas ka agad! Ngunit kailangan mong umiyak o tumawag! Huwag mong isipin sa iyong sarili, âEh, hindi naman ako tinulungan ng Diyos noon!â Kung hindi Siya tumulong, ito ay dahil lamang sa hindi mo hiningi ang tulong Niya. âHumingi kayo, at kayoâ y bibigyan; humanap kayo, at kayoây makasusumpong . . .â (Mateo 7:7).
Paghahanda para sa Digmaan
Isuot ang iyong baluting mula sa Diyos araw-araw katulad ng nakalahad sa Efeso 6:10-18.
Ang mga lalang ng diyablo. âSa wakas, magpakatibay kayo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa Panginoon at sa tulong ng dakilang kapangyarihan Niya. Isuot ninyo ang baluting kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga lalang ng diyabloâ (Efeso 6:10-11). Tandaan kung sino talaga ang tunay na kaaway: si Satanas, hindi ang iyong asawa.
Ang baluting kaloob ng Diyos. âSapagkat ang kalaban natiâ y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan, at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang itoËang mga hukbong espiritwal ng kasamaan sa himpapawid. Kayaât isuot ninyo ang baluting mula sa Diyos. Sa gayon, makatatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng masamang araw na iyon, at pagkatapos ng inyong pakikipaglaban ay matatag pa rin kayong nakatayoâ (Efeso 6:12-13). Dapat mong paglabanan ang takot na nagdudulot sa iyo upang tumakbo o sumuko; tumayong matatag at, kapag nagawa na ang lahat, manatiling matatag na nakatayo. Ang Awit 37 ay isang mabuting panalangin kapag ikaw ay sinasalanta ng takot.
Tumayong matatag. âKayaâ t maging handa kayo; gawin ninyong bigkis ang katotohanan . . .â (Efeso 6:14). Ang mga tao ay nag-uusap tungkol sa âpaghakbang ng may buong pananampalataya.â Mas pinakamabuti ngang huminto sa pagkilos at tumayo lamang ng buong tatag! Ito ang maaaring kaibahan ng pagtitiwala at pagtukso sa Diyos. Minsan, ang pakiramdam natin, tayo ay may ginagawang âhakbang ng pananampalataya,â ngunit ating lamang inihahagis ang ating sarili sa bangin, katulad ng sinabi ni Satanas na gawin ni Hesus.
Maraming beses, hindi tayo dapat gumawa ng âhakbangâ ng pananampalataya, sa halip ay isang âpanindiganâ sa pananampalataya. Ang ating mga paniniwala ay dapat tayong pahintulutan na âmanindiganâ para sa kung ano ang tama. Kung tayo ay kikilos, maaari tayong mahulog sa bangin. Kung ang Diyos ay nagdadala ng kasawiang-palad sa ating mga buhay, ang ating paninindigan ay ang testimonya. Pero, katulad ng iyong makikita mamaya sa leksyon na ito, minsan tayo ay inuutusang humakbang at lumakad sa ibabaw ng tubig, katulad ni Pedro. Ang pang-unawa ang kailangan dito. Isang alituntunin na maaaring makatulong ay ang pagmamadali. Madalas, ang ating âlamanâ ang naghahatid ng pagmamadali, ang Diyos ay madalas na nagsasabing maghintay.
Ang Kanyang pagkamatuwid. â. . .itakip sa dibdib ang baluti ng pagkamatuwid . . .â (Efeso 6:14). Ang Diyos ay nangungusap tungkol sa Kanyang pagkamatuwid, hindi ang iyo. Sinasabi Niya sa atin sa Kanyang Salita na ang pagiging matuwid ay parang maduming basahan (Isaias 64:6).
Lumakad sa kapayapaan. âAt isuot ang panyapak ng pagiging handa sa pangangaral ng Mabuting Balita ng pakikipagkasundo sa Diyosâ (Efeso 6:15). Maaari mong panghawakan ang pangako sa Mateo: âMapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo!â Maging mapayapa o makipagkasundo sa LAHAT NG TAO sa LAHAT ng oras!
Ang kalasag ng pananalig. âTaglayin ninyong lagi ang kalasag ng pananalig kay Kristo, bilang pananggaâ t pamatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng masamaâ (Efeso 6:16). Dapat mayroon kang pananaligËhindi sa iyong sarili o sa isang tao katulad ng hukomËpananalig sa Diyos, sa Kanya lamang! Ang kalagayan ay walang kinalaman sa pananalig. Paniwalaan ang Kanyang salita lamang para sa katotohanan tungkol sa iyong sitwasyon.
Helmet ng kaligtasan. âIsuot ninyo ang helmet ng kaligtasan . . .â (Efeso 6:17). Dapat kang maligtas; dapat kang maging isa sa mga anak Niya upang talagang maipanalo ang mahirap na digmaang espiritwal. Ito ay kasing-dali lamang ng pakikipag-usap sa Diyos ngayon mismo. Sabihin mo lamang sa Kanya sa iyong sariling mga salita na kailangan mo Siya, ngayon. Hilingin mo sa Kanya na gawing totoo ang Kanyang Sarili sa iyo. Ibigay mo sa Kanya ang iyong buhay, ang buhay na magulo, at hilingin mo sa Panginoon na gawin itong bago.
Sabihin mo sa Kanya na gagawin mo kahit anong hilingin Niya, dahil Siya ang Panginoon mo na. Hilingin mo sa Kanya na âiligtas kaâ mula sa iyong sitwasyon at sa walang-hanggan na naghihintay para sa mga taong hindi tinanggap ang Kanyang alay na buhay na walang hanggan. Pasalamatan mo Siya para sa Kanyang kamatayan sa krus, ang kamatayan na ikinamatay Niya para sa iyo. Maaari mo ngayong paniwalaan na hindi ka mabubuhay mag-isa; ang Diyos ay lagi mo nang makakasama at ikaw ay mabubuhay nang walang hanggan sa Langit.
Tabak ng kaloob ng Espiritu. â. . .Kunin ninyo ang tabak na kaloob ng Espiritu, samakatwid, ang Salita ng Diyosâ (Efeso 6:17). Ito mismo ang itinuturo namin: gamitin ang Kanyang Salita para sa digmaan na maipapanalo. Kapag ang digmaan ay sa Panginoon, ang tagumpay ay sa atin! Isulat sa 3x5 na papel ang mga Kasulatan na iyong kailangan sa iyong pakikidigma. Dalhin mo ang mga ito sa lahat ng oras sa iyong bulsa. Kapag nakaramdam ka ng atake mula sa kalaban, katulad ng takot, basahin mo ang mga talata na tungkol sa takot. (Tingnan ang Roma 8:15 at Awit 23 para sa mga napakagandang mga talata upang maibsan ang takot.) Umiyak at tumawag sa Diyos. Tumayong matatag sa pananampalataya. âIhinto ang labanan, Ako ang inyong Diyos, dapat na malamanâ (Awit 46:10).
Manalangin sa lahat ng pagkakataon. âManalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espirituâ (Efeso 6:18). Manalangin mula sa kaibuturan ng iyong Espiritu. Magkaroon ng panahon ng panalangin tatlong beses isang araw (katulad ng ginawa ni Daniel). Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit siya ay ipinatapon sa kweba ng mga leon. Huwag mag-alala, ngunit tandaan na kahit na ikaw ay parang ipatapon sa kweba ng mga leon, isasara ng Diyos ang mga bunganga ng mga leon!
Laging maging handa. âKayaât lagi kayong maging handa, at patuloy na manalangin para sa lahat ng hinirang ng Diyosâ (Efeso 6:18). Ipanalangin ang isang tao na kilala mo tuwing ang takot ay sumasaiyo. âKayaât buong galak na ipagmamapuri ko ang aking kahinaan upang palakasin ako ng kapangyarihan ni Kristo. Dahil kay Kristo, walang halaga sa akin kung ako maây mahina, kutyain, pahirapan, usigin, at magtiis. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako malakasâ (Corinto 12:9-10). Pagkatapos mong ipanalangin ang ibang tao, tawagan mo sila at sabihin mo sa kanila.
Ipanalangin yaong mga umuusig sa iyo. Sinabi rin ng Diyos na ating ipanalangin ang ating mga kaaway, lahat sila. Ipanalangin mo sila at hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung ano ang nais Niyang gawin mo upang pagpalain ang mga ito. Noong pagkatapos lamang ipanalangin ni Job ang kanyang mga tinatawag na kaibigan nang ibinalik ng Diyos ang lahat ng nawala kay Job. âAng kabuhayan ni Job ay ibinalik ni Yahweh sa dati, nang ipanalangin nito ang tatlong kaibigan. Dinoble pa ni Yahweh ang kayamanan ni Jobâ (Job 42:10). âNgunit ito naman ang sabi Ko: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.â At sinabi Niya kung bakit: âupang kayoây maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langitâ (Mateo 5:44-45).
Alamin ang Salita ng Diyos
Ang Kanyang Salita ay hindi babalik ng hindi dala ang Kanyang nasa. Dapat mong malaman at matutunan ang Salita ng Diyos. Kailangan mong tukuyin at hanapin ang mga banal na pangako ng Diyos. Ang mga prinsipyong ito ay mula sa Kanyang Salita at kapag ating binigkas ang Kanyang Salita sa panalangin, hindi ito babalik ng hindi dala ang Kanyang nasa.
Iyan ang kanyang pangako sa iyo! âGanyan din ang Aking mga Salita, magaganap nito ang lahat Kong nasaâ (Isaias 55:11). Ang kanyang kagustuhan ay ang iyong madaig ang mga kasamaan sa mundong ito. Kailangan mong gawin kung ano ang ginagarantiya ng Diyos mismo. Huwag tanggapin ang anumang imitasyon o peke.
Saliksikin ang Kanyang mga prinsipyo sa iyong Bibliya. Hanapin ang pang-unawa. Ang sabi ng Diyos, kung ikaw ay maghahanap, iyong matatagpuan. Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng karunungan. Ang pagtingin ng mas malalim sa mga kahulugan ay magbibigay sa iyo ng mas mabuting pang-unawa. âKayaât sinasabi Ko sa inyo: Humingi kayo, at kayoây bibigyan; humanap kayo at kayoâ y makasusumpong; kumatok kayo at ang pintoâ y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatokâ (Lucas 11:9-10). At kapag alam mo na kung ano ang gagawin, maaari mo na itong gawin sa iyong buhay. âSa pamamagitan ng kaalaman, naitatayo ang isang bahay, at itoây naitatatag dahil sa kaunawaan. Ang loob ng tahanan ay napupuno ng lahat ng magagandang bagay sa pamamagitan ng karununganâ (Kawikaan 24:3-4).
Basahin ang Kanyang Salita ng may kaligayahan. Markahan ang mga talata sa iyong Bibliya. âSa Diyos mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap moâ y iyong makakamtanâ (Awit 37:4). Gumugol ng oras na markahan ang mga talata para madali mong mahanap ang mga ito sa panahon ng pangangailangan (o kapag ginagabayan ang ibang tao sa katotohanan). Sa Lucas 4:4-10, ano ang isinagot ni Hesus nang sinubukan siyang tuksuhin ni Satanas? âNasusulat . . .sapagkat nasusulat . . .nasusulat . . .â Gumamit ng dilaw na krayola o iba pang kulay para sa ibaât ibang mga pangako.
Sauluhin. Pagnilay-nilayin gabiât araw. Sauluhin ang mga pangako na iyong nahanap upang ang mga banal na katibayan ng mga ito ay bumaon sa iyong kaluluwa. Dapat mong matutunan ang mga pangako ng Diyos kung nais mong umasa sa Kanya lamang. âNagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral. Ang utos ni Yahweh siyang binubulay sa gabi at araw; ang katulad niyaây isang punongkahoy sa tabing batisan, sariwa ang dahoâ t laging namumunga, at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpayâ (Awit 1:2-3).
Kahit na gaano kasama ang dating ng bagay-bagay, ang Diyos ang may kontrol. Ang ating kaaliwan ay sa ating kaalaman na ang Diyos ang may kontrol, hindi tayo at lalo ng hindi si Satanas. âSimon, Simon! Makinig ka! Hiniling ni Satanas at ipinahintulot naman sa kanya, na kayong lahat ay subukin. Subalit idinalangin ko na huwag lubusang mawala ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, patatagin mo ang iyong mga kapatidâ (Lucas 22:31-32).
Pagsubok. Alam ni Hesus ang magiging resulta, pero si Pedro ay kinailangan pa ring dumaan sa âpagsubokâ upang maging handa para sa plano ng Diyos sa kanyang buhay. Ikaw ba ay magiging handa kapag ikaw ay tinawag Niya? âAt dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayoâ y maging ganap at walang pagkukulangâ (Santiago 1:4).
Pakikidigmang Espirituwal
Bihagin ang iyong kaisipan. Ang iyong digmaan AY maipapanalo o matatalo sa iyong isip. âSinusugpo ko ang lahat ng pagmamataas laban sa Diyos, at binibihag ang lahat ng isipan upang tumalima kay Kristo. At kung lubusan na kayong tumatalima, nahahanda akong parusahan ang lahat ng sumusuwayâ (2 Corinto 10:5-6). Huwag hayaang laruin ka ng kaaway sa kanyang kamay. Huwag pansinin ang mga masasaman kaisipan. Bihagin mo ang mga ito!
Ang Lakas ng Tatlo
Dalawa o tatlo na magkasama. Humanap ng dalawa pang BABAE na mananalangin kasama mo. âNangawit na si Moises kaya sina Aaron at Hur ay kumuha ng isang bato at pinaupo roon si Moises habang hawak nilang pataas ang mga kamay nito hanggang sa lumubog ang araw . . .kapag nakataas ang mga kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita; kapag nakababa, nananalo naman ang mga Amalecita (ang kaaway)â (Exodo 17:11-12).
Humanap ng dalawa pang babae na hahawak sa iyo pataas para hindi ka masyadong mapagod. Manalangin at hilingin sa Diyos na tulungan kang makahanap ng dalawa pa na pareho mo ng kaisipan. Makakahanap ka ng Kasamang Pampasigla sa aming website.
Ang lakas ng tatlo. âKung ang nag-iisaâ y maaaring magtagumpay laban sa isa, lalo na ang dalawa. Ang lubid na may tatlong pilipit ay di agad malalagotâ (Mangangaral 4:12).
Upang itayo ang isa. âAng dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila. Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa pagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwalâ (Mangangaral 4:9-10).
Nariyan Siya kasama ninyo. âSapagkat saan man may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nilaâ (Mateo 18:20). âWalang anu-anoây napalundag si Haring Nabucodonosor. Pamanghang itinanong niya sa kanyang mga tagapayo, âHindi baâ t tatlo lamang ang inihagis sa apoy? âOpo, kamahalan, sagot nila. âBakit apat ang nakikita kong lalakad-lakad sa apoy at hindi nasusunog? At yaong isa, ang tingin koâ y diyos!â (Daniel 3:24-25). Hindi ka kailanman nag-iisa!
Pagkakaisa. âSinasabi Ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo dito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langitâ (Mateo 18:19). Kapag ikaw ay nakikipagbuno sa kapayapaan tungkol sa isang bagay, tawagan mo ang isang tao na naniniwala sa iyo at manalangin nang nagkakaisa.
Ipangsanggalang. âHumanap Ako ng isang taong makapaglalagay ng pader upang ipangsanggalang ang lunsod sa araw na ibubuhos Ko ang Aking poot, ngunit wala Akong makitaâ (Ezekiel 22:30).
Ipanalangin ang isaâ t isa. âKaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isaâ t isa, upang kayoâ y gumaling. Malaki ang nagagawa ng taong matuwidâ (Santiago 5:16). Isa pa, ang pagtatapat o pangungumpisal sa isang kapareho mo ng pag-iisip na babae ay ang pinakamagaling na paraan upang makamtan ang dalisay na puso.
Magtapat o mangumpisal. Alam ni Esdras kung ano ang gagawin kapag nananalangin: âSamantalang si Esdras ay bagbag-puso at lumuluhang nananalangin sa harapan ng bahay ng Diyos . . .â (Esdras 10:1). Ipagpatuloy ang pagtatapat ng katotohanan.
Kailan ka susuko sa pananalangin? Hindi kailaman! Mayroon tayong napakagandang halimbawa ng katotohanan na kapag walang sagot sa ating panalangin, hindi ibig sabihin nito ay tinanggihan na ng Diyos ang ating hiling.
Napakalaki ng iyong pananalig. Ang babaeng Cananeang ay nagpatuloy sa pagmamakaawa kay Hesus upang pagalingin ang kanyang anak na babae. Ang resulta: â. . .Kayaât sinabi sa kanya ni Hesus, âNapakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo. At noon diâ y gumaling ang kanyang anakâ (Mateo 15:28). Kapag tayo ay nananalangin para sa isang bagay na malinaw na ayon sa kalooban ng Diyos at parang ito napakikinggan o akala natin ang sinabi Niya ay âHindi,â maaaring ang Diyos ay nais lamang na tayo ay magpatuloy sa paghiling, paghihintay, pagmamakaawa, pag-aanuyo, paniniwala, pananangis, pagsubsob o pagpapakumbaba sa Kanyang harapan!
Ang digmaan para sa kanyang kaluluwa. Hindi ba pantay ang inyong pasanin? Ang totoong digmaan sa inyong tahanan ay ang digmaan para sa kaluluwa ng iyong asawa! Hindi ba pantay ang inyong pasanin? Tandaan na nasa iyo ang pangako: â. . .maliligtas ka at ang iyong sambahayanâ (Mga Gawa 11:14). Tandaan, ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging marapat sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa. âSapagkat ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging marapat sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa . . .Anong malay ninyo, mga babae, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa?â (1 Corinto 7:14-17).
Panalangin at Pag-aayuno
Panalanging AT pag-aayuno. Ang sabi ni Hesus sa kanyang mga apostoles, âNgunit ang ganitong uri ng demonyo ay hindi mapalayas kundi sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayunoâ (Mateo 17:21). Kung ikaw ay taimtim nang nananalangin at tinignan mo na kung ang iyong mga gawi ay dalisay, samakatwid ang pag-aayuno ang maaaring kinakailangan. May ibaâ t ibang haba o uri ng pag-aayuno:
Tatlong-araw na pag-aayuno. Si Ester ay nag-ayuno âpara sa paborâ mula sa kanyang asawa, ang hari. Siya ay nag-ayuno sa loob ng tatlong araw âpara sa pabor.â âTipunin mo ang lahat ng Judio rito sa Susan at ipag-ayuno ninyo ako. Huwag kayong kakain o iinom sa loob ng tatlong araw. Mag-aayuno rin kami ng aking mga katulong na babae . . .â (Ester 4:16). Ito pag-aanuyong ito (o ang sa loob ng pitong araw) ay mayroon pang isang kabutihan o benepisyo para sa yaong mga pala-away o hindi makahinto sa pagsasalita. Ikaw ay magiging napakahina upang makipag-away!!
Pag-aayuno sa araw. Ang pag-aayuno sa araw ay nagsisimula sa gabi pagkatapos ng iyong hapunan. Iinom ka lamang ng tubig hanggang makumpleto ang 24 oras, pagkatapos ay kakain ng hapunan kinabukasan. Ikaw ay mag-aayuno at mananalangin sa loob ng mga panahon na ito para sa iyong kahilingan o petisyon. Itong anuyong ito ay maaaring gawin ilang beses sa isang linggo.
Pitong-araw na ayuno. Mayroong ayuno na pitong araw (ang pitong araw ay parang kumakatawan sa kakumpletuhan). âNang marinig ko ito, naupo ako at napaiyak. Ilang araw akong nagdalamhati at nag-ayuno. Dumalangin ako sa Diyos ng kalangitanâ (Nehemias 1:4). Kadalasan, sa panahon ng napakalaking dalamhati ka âtatawagingâ mag-ayuno ng pitong araw.
Mahina na ang tuhod ko dahil sa kagutuman. Kapag ikaw ay gutom at mahina, gamitin ang panahon na ito para sa pananalangin at pagbabasa ng Kanyang Salita. âMahina na ang tuhod ko, dahilan sa kagutuman, payat na ang katawan ko, butoâ t balat kung pagmasdanâ (Awit 109:24).
Upang malaman ng mga tao. Maging tahimik tungko sa iyong pag-aayuno. Habang ikaw ay nag-aayuno, ikaw ay manahimik, huwag magreklamo o kumuha ng pansin para sa iyong sarili. âKapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na silaây nag-aayuno. Sinasabi Ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya, na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyoâ (Mateo 6:16-18).
Marami ang sumusulat sa akin dahil ang sabi nila hindi sila makapag-ayuno. Kung ito ay dahil sa kadahilanang medikal o dahil sa pagbubuntis, kung ganon, ipag-ayuno ang âanumang mabuting bagay.â Subalit kung sa tingin mo ay hindi ka makapag-ayuno dahil sa ikaw ay nagtatrabahoËdinadaya mo ang iyong sarili at ang Diyos!
Kapag ang digmaan ay naipanalo na, manatili at masdan. Kapag alam mo na ikaw ay nanalangin na, katulad ng ating mga nabasa sa buong Kasulatan, gawin kung ano ang sinasabi nito: âHindi na kayo kailangang lumaban. Manatili na lamang kayo sa inyong puwesto at maghintay. Makikita ninyo ang gagawing pagliligtas sa inyo ni Yahweh sapagkat siya ang kakampi ninyo . . .â (2 Cronica 20:17).
Walang dapat ipagmalaki ang sinuman. Ang sabi ng Diyos tayo ay mga taong matitigas ang ulo. Kapag ang digmaan ay naipanalo na o ito ay tapos na, tayo ay magyabang lamang sa Kanya. Tayo ay manatiling mapagpakumbaba. âDahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo, sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Kristo. At ang kaligtasang ito ay kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kayaât walang dapat ipagmalaki ang sinumanâ (Efeso 2:8-9).
âHuwag ninyong isasaloob man lamang na . . .â Dahil sa kayoâ y matuwid. Ang totooâ y itinaboy sila ni Yahweh pagkaâ t silaâ y masama. Hindi dahil sa kayoâ y matuwid kaya ninyo kakamtan ang lupaing yaon. Itinaboy nga sila ni Yahweh dahil sa kanilang kasamaan . . .ang totooâ y lahi kayo ng matitigas ang ulo . . .wala na kayong ginawa kundi magreklamoâ (Deuteronomio 9:4-7).
Tayong lahat ay nagkasala at hindi nakamtan ang kaluwalhatian ng Diyos. Kaya ating tandaan ito kapag ang digmaan ay naipanalo na. Ang ating pagiging matuwid ay walang silbi kundi parang maruming basahan. Ang kaluwalhatian ay sa Kanya!
Ang pagiging malubha ng iyong mga pagsubok ay palatandaan na ikaw ay malapit na sa tagumpay. Ang iyong mga pagsubok ay lulubha kapag ikaw ay malapit na sa pagkamit ng tagumpay. âKayaâ t magalak kayo, kalangitan, at lahat ng naninirahan riyan! Subalit kalagim-lagim ang daranasin ninyo, lupa at dagat! Sapagkat ang matinding poot ng diyablo ay babagsak sa inyo. Alam niyang kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kanyaâ (Pahayag 12:12).
Ikaw ay dapat maki-digma sa tamang paraan. Gawin kung ano ang sinabi ng Diyos; ito ay magtatagumpay! Huwag mong subukang ipagtanggol ang iyong sarili; ito ay nagdudulot ng labanan at matitigas na mga puso. âSa wakas, magkaroon kayo ng pagkakaisa, at magtinginan kayong mabuti. Magmahalan kayo bilang magkakapatid, maging maunawain at mababang-loob. Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, ipanalangin ninyong silaâ y pagpalain yamang hinirang kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyosâ (1 Pedro 3:8-9). Siguraduhing ikaw ay hahakbang ng isa pang milya at pagpalain ang iyong asawa. Magtanong sa Diyos kung paano Niya nais na pagpalain mo ang iyong asawa.
Ito ay digmaang espiritwal. âHindi mo ba alam na makahihingi Ako sa Aking Ama nang higit pa sa labindalawang batalyon ng mga anghel at padadalhan Niya Ako agad?â (Mateo 25:53). Ang ating Ama sa Langit ay tatawagin ang mga anghel upang makipaglaban para sa iyo sa âkalangitanâ kung saan ang âtotoong digmaanâ ay nagaganap. âSapagkat ang kalaban natiây hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may-kapangyarihan, at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang itoËang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawidâ (Efeso 6:12).
Hindi ang iyong asawa ang kaaway. âAlam ninyong kapag kayoâ y napailalim kaninuman bilang alipin, alipin nga kayo ng inyong pinapanginoonËmga alipin ng kasalanan at ang bunga nitoâ y kamatayan, o mga alipin ng Diyos, at ang bunga nitoâ y pagpapawalang-salaâ (Roma 6:16). Ang isang tao na nasa kasalanan ay talagang isa lamang alipin ng demonyo.
Maaari nating isipin na ang isang nagkakasala ay masama, ngunit ganoon din tayo, kung tayo ay magpapatuloy sa paghihiganti. (Tandaan, ang paghihiganti ay sa Kanya lamang!) âAng sandata koâ y may kapangyarihan ng Diyos at nakapagpapaguho ng mga kuta, at hindi sandatang makasanlibutan. Sinisira ko ang mga maling pangangatwiranâ (2 Corinto 10:4). Ating sugpuin ang ugat na pinagmulan, hindi lamang ang sintomas.
Manindigan. Manindigan kahit ano ang kahihinatnan at ipaubaya ang resulta sa Diyos. âGawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa pugong iyon at sa inyong kapangyarihan. At kung hindi man niya gawin ito, hindi pa rin kami sasamba sa rebultong ipinagawa ninyoâ (Daniel 3:17-18).
Ang mga kabataang ito (si Sadrac, Mesac at Abednego) ay nanampalatayang ililigtas sila ng Diyos, ngunit kahit ano pa ang kahihinatnan, desidido silang sundin ang Panginoon. Kahit na mamatay sila sa pugon, gagawin nila kung ano ang alam nilang nais ng Diyos na gawin nila at ipinaubaya nila ang resulta sa Diyos. Ang mga kabataang lalaki ay hindi namatay, ngunit ang lubid na nakagapos sa kanila ay natanggal dahil sa kanilang paglakad sa apoy. Ikaw ba ay nakagapos sa lubid (ng kasalanan o pag-aalala)? Ililigtas ka ng Diyos. Ito ay Kanyang digmaan! Tumawag sa Diyos ng mga Anghel; Siya ang ang makikidigma.
Para maglista ng prayer request o humanap ng Kasamang Pampasigla, pumunta sa aming website sa: TulongMayAsawa.com.
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP m