Kabanata 15 "Buksan ang Bintana ng Kalangitan"
“At subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito,
sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
“kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit,
at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala,
na walang sapat na silid na kalalagyan.”
Malakias 3:10
Ito ay makapangyarihang pahayag mula sa Diyos. Hindi na makikita sa Banal na Kasulatan na hinayaan ng Diyos na tayo ay subukin siya, maliban sa mga linyang ito. Ano ang magdudulot para sa Diyos na buksan ang bintana ng kalangitan, ibuhos ang Kaniyang biyaya sa atin hanggang ito ay umapaw?
“Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.” (Malakias 3:10)
Nakita mo ba? Ito ay ang pagbigay ng ikapu. ang Pagbigay ng ikapu ang magdudulot na buksan ng Diyos ang bintana ng kalangitan at ambunan ka Niya ng Kaniyang biyaya sa iyong buhay!
Maraming Kristiyano ang umiiwas na matutunan ang importanteng prinsipyong ito, ngunit pakiusap huwag mo itong kaligtaan! Gusto ng Diyos na maging matapat at masunurin tayo sa lahat ng bagay, at kung piliin nating pabayaan o piliing hindi sundin ang isang bahagi ng ating buhay, ito ay maapektuhan ang ibang bahagi ng iyong buhay.
Ano ba ang pagbigay ng ikapu? Ito ay pagbigay pabalik sa Diyos ng ika-sampung bahagi ng iyong unang matatanggap na biyaya.
Ang ating lipunan ay walang alam sa prinsipyong ito. Maraming simbahan ang binigo ang kanilang tao na maturuan ng importansya ng pagbigay ng ikapu. Bakit ito seryoso? Nagagalit ang Diyos kung nakakaligtaan nating magbigay pabalik sa Kaniya ng kung ano ang nararapat na sa Kaniya. “Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; Ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito.” (Mga Awit 24:1). Ang pagbigay ng ikapu ay isang gawain ng pagsamba.
Masyadong maraming Kristiyano ang namumuhay sa kahirapan o nababaon sa utang tulad ng isang hindi nanampalataya. Ang Diyos ay nagnanais na ang lahat ng naniniwala ay ang siyang maging “ulo at hindi buntot”. Nais niyang sa “ibabaw” ka at hindi “mapapasailalim” ng kautangan o anu pa man na naghahari at nagkokontrol sa iyong buhay (Deuteronomio 28:13). Nasabihan tayong “Huwag kayong magkautang ng anuman sa kaninuman, kundi mag-ibigan sa isa't isa. . .” (Roma 13:8). “Ang namumuno sa dukha ay ang mayaman, at ang nanghihiram ay alipin ng nagpapahiram” (Mga Kawikaan 22:7).
Maraming Kristiyano ang nabiyayaan ng sobra, lalo na kung titingnan natin ang ibang bayan at ang antas ng kahirapan na pinamumuhayan ng ibang tao. Ginagastos natin ang ating kita sa kaligayahan habang ang ating simbihan, misyonaryo, at mga ministeryo ay nagsusumikap na matugunan lahat ng pangangailangan. Bakit? Dahil pilit nating pinanghahawakan ang mga kabagayan na hindi sa atin.
Marami tayong kinukuha ngunit maliit ang binibigay natin. “At ito ang ibig kong sabihin: Ang naghahasik nang bahagya ay mag-aani rin nang bahagya, at ang naghahasik nang sagana ay mag-aani rin nang sagana” (2 Corinto 9:6).
Nanghihingi tayo at nagtataka kung bakit hindi nakakatanggap. “Kayo'y humihingi, at hindi tumatanggap, sapagkat humihingi kayo sa masamang dahilan, upang gugulin ninyo ito sa inyong mga kalayawan” (Santiago 4:3).
Nais ng Diyos na biyayaan ang Kaniyang mga tao, ngunit hindi Niya ito ginawa dahil hindi sila nagbibigay sa Kaniyang kamalig. Nagsabi Siya sa Hagai 1:6-7, “Kayo'y naghasik ng marami ngunit umaani ng kaunti; kayo'y kumakain, ngunit hindi kayo nabubusog; kayo'y umiinom, ngunit hindi kayo nasisiyahan; kayo'y nagdaramit, ngunit walang naiinitan; at kayong tumatanggap ng sahod ay tumatanggap ng sahod upang ilagay sa supot na may mga butas. “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Pag-isipan ninyo ang inyong mga lakad.”
“Kayo'y naghanap ng marami, at nakakita ng kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, iyon ay aking hinipan. Bakit? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa aking bahay na nananatiling wasak, samantalang tumatakbo ang bawat isa sa inyo sa kanya-kanyang sariling bahay” (Hagai 1:9).
Unawain ang Pagbigay ng Ikapu
Mahirap intindihin kung bakit maraming Kristiyano ang nagkakamaling naniniwala na hindi nila “kaya” na magbigay ng ikapu at mabiyayaan ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pag-aalay. Ang katotohanan ay nahuhuli lamang sila sa kanilang bisyo na magagamot lamang ng pagsunod at pananampalataya. Hindi nila kinakayang magbigay dahil sa ninanakawan nila ang Diyos upang bayaran ang tao, sa gayon ay ninanakawan ang kanilang mga sarili na matanggap ang kanilang biyaya!
Sa makatuwid, kung tayo ay nalulugmok sa kahirapan ay sinasabihan tayo ng Diyos na magbigay. Ang mga Kristiyano sa Macedonia ay nakakaintindi at ginagamit ang prinsipyo ng pagbibigay: “kung paanong sa matinding pagsubok ng kapighatian, ang kasaganaan ng kanilang kagalakan at ang kanilang labis na kahirapan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob” (2 Corinto 8:2). Parang tulad ng marami sa atin, hindi ba?
Bakit 10%?
Ang salitang ikapu (o tithe sa Ingles) sa Hebreo ay “ma‘asrah,” nasasalin sa “isang ikasampu.” Kaya sa lahat ng oras na ang Diyos ay kausapin tayo sa pamamagitan ng Kaniyang Salita at sabihing “magbigay ng ikapu,” sinasabi Niyang ibigay mo sa Kaniya ang iyong ikapu.
Bakit kinakailangang una kong ibigay ang aking ikapu, bago ang mga bayarin?
Ito ang prinsipyo ng “unang bunga” ng ating pag-gawa. Deutronomio 18:4 ay sinasabing, “Ang mga unang bunga ng iyong trigo, alak, langis, at ang unang balahibo ng iyong mga tupa ay ibibigay mo sa kanya.” Tapos, sa Exodo 34:24-26, sinabi ng Diyos, “Sapagkat palalayasin ko ang mga bansa sa harap mo at palalakihin ko ang iyong mga hangganan. . .Ang pinakaunang bunga ng iyong lupa ay dadalhin mo sa bahay ng Panginoon mong Diyos. . .”
Nakumpirma ito sa Bagong Tipan nang sinabi ni Hesus sa Mateo 6:33, “Ngunit hanapin muna ninyo ang kanyang kaharian at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.”
Saan ako dapat magbigay ng ikapu?
Malakias 3:10 ay sinasabing, “Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at sa gayo'y subukin ninyo ako ngayon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Tingnan ninyo kung hindi ko bubuksan para sa inyo ang mga bintana ng langit, at ibubuhos ko sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan.”
Ang iyong kamalig ay kung saan nabubusog ang iyong espiritu. Maraming Kristiyano ang nagkakamali na magbigay kung saan sila ay hindi nakakakain o kung saan nila tingin ay may pangangailangan— ngunit ito ay isang pagkakamali. Para itong pagpunta sa isang kainan, mag-order ng pagkain, ngunit sa pagdating ng bayarin ay sasabihin mo sa kahera na magbabayad ka sa kainan sa kabilang kanto na hindi maganda ang kita!
Kung ikaw ay dumadalo sa simbahan kung saan ang kaluluwa mo ay nakakakain, dapat sa kanila ka nagbibigay ng iyong ikapu. Ibig sabihin nito ay kung dumadalo ka sa ibang simbahan at nararamdaman mo ang pagnanais na magbigay-pinansyal sa aming samahan (o sa ibang samahan o misyon), ito ay isang pag-aalay ng “higit pa” sa iyong ikapu. Hindi namin ninanais na magnakaw mula sa iyong simbahan at magbigay sa aming samahan “sapagkat kung ganito'y hindi ito magiging kapaki-pakinabang sa inyo” (Hebreo 13:17).
Gayunpaman, marami sa mga miyembro ng aming samahan ay hindi dumadalo sa simbahan (sa iba’t ibang dahilan) at ay nabubusog sa aming samahan sa pamamagitan ng pagbigay ng ikapu sa pagbuo ng mga buhay may-asawa, dahil dito nabubusog ang kanilang mga kaluluwa.
Inuulit ko, tulad ng paghikayat ko sa iyo sa buong libro, hanapin ang Diyos. Totoo ito sa lahat ng bagay, kabilng na ng iyong salapi. Maging masunurin at tapat sa Kaniya!
Huwag magkakamali na sundin lahat ng prinsipyo sa pagbuo ng iyong buhay may-asawa ngunit hindi sundin ang prinipyo ng pagbigay ng ikapu, baka makita mo ang iyong sarili na hindi nabubuo ang kasal dahil nagnanakaw ka mua sa Diyos.
Alalahanin, sinasabi ng Malakias 3:8-9, “Nanakawan ba ng tao ang Diyos? Gayunma'y ninanakawan ninyo ako. Ngunit inyong sinasabi, ‘Paano ka namin ninanakawan?’ Sa mga ikasampung bahagi at sa mga handog. Kayo'y isinumpa ng isang sumpa, sapagkat ninanakawan ninyo ako—ng inyong buong bansa!”
Ngunit dahil hindi ako nasasailalim ng batas at namumuhay ako mula sa biyaya, ang 10% ay hindi kinakailangan, tama ba?
Ang grasiya ng Diyos ay nagsasabing magbigay tayo ng higit pa, hindi mas kaunti. Kung naranasan natin ang Kaniyang pagpapatawad, Kaniyang awa, Kaniyang pakikiramay, at Kaniyang sakripisyo nang mabuhos ang Kaniyang dugo nang makibahagi tayo sa Kaniyang kaluwalhatian, madadagdagan ang ating kagustuhan na magbigay ng mas marami, hindi mas kaunti.
“. . . Tinanggap ninyong walang bayad, ibigay ninyong walang bayad” (Mateo 10:8).
“ Siya na hindi ipinagkait ang kanyang sariling Anak, kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit naman hindi ibibigay sa atin nang walang bayad ang lahat ng mga bagay?” (Roma 8:32)
Gayunpaman, “. . . Ang naghahasik nang bahagya ay mag-aani rin nang bahagya, at ang naghahasik nang sagana ay mag-aani rin nang sagana” (2 Corinto 9:6).
Kung tayo ay may dalawang isip at hindi nagtitiwala na ang Diyos ay magbibigay sa atin, “hayaang ang taong ito na umasang hindi makakatanggap ng anuman mula sa Panginoon.” Kung panghawakan natin ang mga nasa atin upang pangalagaan ang ating mga sarili, hindi natin makikita ang galing ng kapangyarihan ng Diyos na kikilos para sa atin.
Nagnanais ang Diyos na ibuhos ang Kaniyang kapangyarihan at Kaniyang biyaya sa ating mg abuhay. Kapag nagbibigay tayo ng ikapu, tayo ay nagiging masunurin. Kapag, mula sa pasasalamat at pananampalataya, libre tayong nagbibigay ng pag-aalay higit pa sa nauutos, binunuksan ang pintuan upang maibuhos ng Diyos ang Kaniyang biyaya at gawin ang ninanais Niya sa ating buhay.
Alam nating Siya “na makakagawa ng higit na sagana kaysa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin” (Efeso 3:20).
“Ngunit hanapin muna ninyo ang kanyang kaharian at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo” (Mateo 6:33). Maniniwala ba tayo sa Salita ng Diyos o hindi?
Prinsipyo ng Pagiging Tagapangasiwa
Tulad ng nakita natin, ang pagbigay ng ikapu ay importanteng prinsipyo sa ating Bibliya. Inaasahan ng Diyos na magbigay tayo ng ikapu pabalik sa Kaniya ang bahagi na bukal sa Kaniyang loob na binigay sa atin. Sa halip, lahat ng binigay Niya sa atin ay sa Kaniya pa rin— tayo ay tagapangasiwa na pinagkatiwalaan Niya na pangalagaan ang mundo at lahat ng narito. Kung paano nating pangalagaan ang mga ipinagkatiwala Niya sa atin— ang ating pera, talento, oras— nagpapakita ng pagsunod natin sa Kaniyang Salita, ang ating pagtitiwala sa mga pangako Niya sa atin na Siya ay magbibigay, at mas mahalaga, ang ating pananampalataya sa Kaniya.
Ang paraan na tingnan at panghawakan mo ang iyong salapi ay pangunahin sa paglaki mo bilang Kristiyano, at ang pag-unawa sa prinsipyo ng Diyos sa pangangasiwa ay makakatulong mahinog ang iyong lakad para sa iyong kaluluwa at manahin ang biyaya ng Diyos para sa iyong buhay.
Tulad ng nabasa mo sa librong ito, ang Diyos ay pinanghahawakan ang iba’t ibang bahagi ng ating buhay na hindi direktong nakaka-apekto sa buhay may-asawa. Hindi sapat na tumutok sa mga prinsipyo ng buhay may asawa laamang, ngunit ang Diyos ay ginagamit ang pagsubok na ito sa iyong kasal upang baguhin ka sa Kaniyang imahe habang hinuhugot ka Niya mula sa gulo ng mundo at makikita mo ang daan ng buhay.
Ang yaman ng Diyos ay hindi lamang upang tayo ay “yumaman” sa paraan ng paghanap ng mundo ng kayamanan, sa halip ang Kaniyang biyaya ay bahagi ng ating mana. Gusto ng Diyos na umunlad tayo (Jeremias 29:11) basta’t alam NIya na gagamitin natin ang ating mana ng may galing, nang hindi natin hahayaan ang kasaganaan na sirain tayo. Ang pagbigay ng sasakyan sa isang kabataan na masyadong bata ay paniguradong magtatapos sa trahedya. Hangga’t hindi nakikita ng isang magulang na takda ang panahon ay hindi niya gugustuhing ibigay ang susi ng sasakyan.
Nais ng Diyos na magkaroon tayo ng hinog na pakikitungo sa ating salapi dahil mayroon itong kapangyarihan na apektuhan ang ating mga desisyon: “Dalawang bagay ang sa iyo'y aking hinihiling; bago ako mamatay ay huwag mong ipagkait sa akin. Ilayo mo sa akin ang daya at ang kasinungalingan; huwag mo akong bigyan ng kasalatan o kayamanan man; pakainin mo ako ng pagkain na aking kinakailangan, baka ako'y mabusog, at itakuwil kita at sabihin ko, “Sino ang Panginoon?” O baka ako'y maging dukha, at ako'y magnakaw, at ang pangalan ng aking Diyos ay malapastangan” (Mga Kawikaan 30:7-9).
Malinaw na nais ng Diyos na biyayaan ang Kaniyang mga anak. Ito ang ilan sa mga linyang nagpapakita ng puso ng Diyos para sa iyo bilang bahagi Niya:
“Ang pagpapala ng Panginoon ay nagpapayaman, at hindi niya ito dinaragdagan ng kapanglawan” (Mga Kawikaan 10:22).
“Ang gantimpala sa pagpapakumbaba at takot sa Panginoon ay kayamanan, karangalan, at buhay” (Mga Kawikaan 22:4).
“Napupuno ang mga silid sa pamamagitan ng kaalaman, ng lahat ng mahahalaga at kaaya-ayang kayamanan” (Mga Kawikaan 24:4).
“Ang taong tapat ay sasagana sa pagpapala; ngunit siyang nagmamadali sa pagyaman ay tiyak na parurusahan” (Mga Kawikaan 28:20).
Ang mga linyang ito ay nagsasabing walang kondisyon ang mga biyayang pananalapi (paghinog ng espiritu) at ito ay tunay na bagay para sa puso (kawalan ng pagkagahaman).
Lahat tayo ay nagnanais ng biyaya ng Diyos sa ating buhay, ngunit alam mo ba na kung paano mo panghawakan ang iyong pera ay isang paraan upang magtanda sa Panginoon at kung hanggang saan kikilos ang Diyos sa iyong buhay?
“Walang makapaglilingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa; o magiging tapat siya sa isa, at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan” (Mateo 6:24).
“Ang tapat sa kakaunti ay tapat din naman sa marami at ang di-tapat sa kakaunti ay di rin naman tapat sa marami. Kung kayo nga'y hindi naging tapat sa kayamanan ng kalikuan, sino ang magtitiwala sa inyo ng mga tunay na kayamanan?” (Lucas 16:10-11).
Ang magtanda sa ating kakayahan na magamit ng Diyos, sa kayamanan ng espiritu, at makakuha ng mga higit na bagay (magkaroon ng kapangyarihan at ang presensya ng Diyos sa ating buhay) ay nakadepende sa kung paano hahawakan ang ating pananalapi.
Upang mapatunayan ito, mayroong halos 500 pagtukoy sa Bibliya tungkol sa pananampalataya at 500 sa pagdarasal, ngunit higit 2,000 ang patungkol sa pananalapi! Dagdag pa sa mga batas na para sa kaluluwa na naitakda nang ginawa ng Diyos ang daigdig (tingnan ang Kabanata 1), ginawa rin ng Diyos ang mga batas pangpinansyal, na binahagi Niya gamit ang Kaniyang Salita. Nakikinabang tayo sa pagsunod sa mga batas o pagdusahan ang mga kahihinatnan kung hindi. Hindi mahalaga kung hindi natin ito alam o piniling tanggihan ang mga ito; ang mga batas na ito, tulad ng gravity, ay nariyan at hindi maitatanggi.
Prinsipyo #1: Aanihin natin ang siyang tinanim natin.
Isa sa pinaka importanteng prinsipyo ng pagiging tagapamahala ay ang pagtanim at pag-ani. Upang umani ng mga bunga, kailangan magtanim muna ng mga buto. Marami ang Banal na Kaulatan tungkol sa paksang ito ng pagtanim at pag-ani. Ito ang ilan sa kanila:
“At ito ang ibig kong sabihin: Ang naghahasik nang bahagya ay mag-aani rin nang bahagya, at ang naghahasik nang sagana ay mag-aani rin nang sagana” (2 Corinto 9:6).
“Yaon nawang nagsisipaghasik na luhaan, ay mag-ani na may sigaw ng kagalakan!” (Mga Awit 126:5).
“Huwag kayong padaya; ang Diyos ay hindi maaaring lokohin, sapagkat ang anumang ihasik ng tao, ay siya rin niyang aanihin” (Galacia 6:7).
“Sapagkat ang naghahasik para sa kanyang sariling laman ay mula sa laman mag-aani ng kasiraan; subalit ang naghahasik sa Espiritu, mula sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan” (Galacia 6:8).
“At huwag tayong manghinawa sa paggawa ng mabuti, sapagkat sa takdang panahon ay mag-aani tayo, kung hindi tayo manlulupaypay” (Galacia 6:9).
Kung tayo ay magtanim nang may pag-intindi sa prinsipyong ito at may pananampalataya sa Panginoon at sa Kaniyang Salita, makaka-asa tayo na may maani sa kung saan tayo nagtanim! Nakakatuwa ito!
Walang magsasaka ang gugugol ng oras o ng pera na magtanim ng mga binhi kung hindi niya aasahang aani. Bagkus, kung gusto niya umani ng mais, siya ay magtatanim ng mais. Kung gusto niya umani ng trigo, magtatanim siya ng trigo.
Kung kaya, kung gusto mo umani ng kabaitan, magtanim ng kabaitan. Kung gusto mo umani ng pagpapatawad, magpatawad ka! Kung gusto mo umani ng nagkabalikang buhay may-asawa, ay magtanim sa pakikipagbalikan sa pamamagitan ng pagmiministro at/o di kaya ay pinansyan na tulong— pagkatapos ay maari kang umasa sa ani, dahil ang prinsipyo ng Diyos at ang Kaniyang mga pangako ay totoo at Siya ay tapat!!
Maari nating paniwalaan ang pangako ng Diyos na ang pagtanim sa Kaniyang mga gawa ay nangangahulugang namumuhunan sa walang hanggang buhay. “Huwag kayong magtipon ng mga kayamanan para sa inyong sarili sa lupa, na dito ay naninira ang bukbok at ang kalawang at ang mga magnanakaw ay nakakapasok at nakakapagnakaw; kundi magtipon kayo para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, na doon ang bukbok at ang kalawang ay hindi makapaninira at ang mga magnanakaw ay hindi rin makakapasok ni makakapagnakaw. Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din naman ang iyong puso” (Mateo 6:19-21). Mas mahalaga, kung saan natin ginagamit ang ating kaperahan ay ang siyang tunay na nakapagsasabi kung nasaan ang ating mga puso.
“Siyang nagbibigay ng binhi sa manghahasik at ng tinapay bilang pagkain ay siyang magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magpaparami ng mga bunga ng inyong pagiging matuwid; na kayo ay pinayayaman sa bawat bagay dahil sa inyong kagandahang-loob, na sa pamamagitan namin ay nagbubunga ng pasasalamat sa Diyos” (2 Corinto 9:10-11).
Sa ibang salita, kung tayo ay binigyan ng kasaganaan, hindi ito para itago lamang sa ating sarili ngunit para itanim ito para sa kaharian sa langit.
Ang mga mayayamang Kristiyano ngayon ay mga daan upang mapanatiling buhay ang pagministro, nagpapadala ng mga misyonaryo sa mga lupaing banyaga, at mapanatiling umuunlad ang mga simbahan upang mapalapit ang mga nawawala sa Panginoon. Hindi nila ginagamit ang kanilang kaperahan para sa pansariling kaligayahan ngunit nakikitang ang kanilang tunay na ligaya at pagkakuntento sa pagtanim ng mga bagay na ikaliligaya ng Diyos.
Ngunit, kailangan nating alalahanin na ang kahirapan at kasaganaan ay iba iba ang ibig sabihin. Ang tinatawag nating “antas ng kahirapan” sa Estado Unidos ay maaring karangyaan na sa maraming bansa.
Bilang mga Kristiyano, kailangan nating makakuntento sa kahit ano at sa lahat ng sitwasyon. Ang apostol na si Pablo ay pinaaalalahanan tayo sa Filipos 4:12: “Marunong akong magpakababa, at marunong din akong magpakasagana; sa bawat bagay at sa lahat ng bagay ay natutunan ko ang lihim sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.”
Talagang may mga panahong tinatawag ng Diyos ang Kaniyang mga santo sa paghihirap, pagkamartir, o kahirapan (tulad ng mahirap na balo na nagbigay ng dalawang barya— lahat ng mayroon siya) upang mapapurihan ang Kaniyang sarili. Kung tawagan Niya tayo sa kahirapan o pagdurusa, Siya rin ay magbibigay ng grasya upang madala ito ng may ligaya at pagpapasalamat (at walang pag-ungol o pagreklamo).
Kahit hindi natin naiintindihan ang mga kadahilanan ng Diyos sa pagpayag sa kahirapan, maari nating pagtiwalaan ang Kaniyang pamamaraan ay mas mataas kaysa sa ating pamamaraan. “Kung paanong sa matinding pagsubok ng kapighatian, ang kasaganaan ng kanilang kagalakan at ang kanilang labis na kahirapan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob. Ako ay makapagpapatunay na sila ay kusang-loob na nagbigay ayon sa kanilang kakayahan, at higit pa sa kanilang makakaya” (2 Corinto 8:2-3). Minsan ang mga nagdurusa para sa mga pangangailangan ang mga pinaka mapagbigay! Dahil ang isa na nagmamahal sa pera, ang mawalan nito ay isa sa pamamaraan ng Diyos upang mawasak tayo, mapalapit sa Kaniya, at maturuan tayo na sa Kaniya lamang magtiwala.
Ngunit, sa ating bansa, ang kahirapan at pagkakautang ay hindi nakakatawag ng pansin o atensyon ng pamilya, kaibigan at mga kapitbahay. Kung tayo ay nabiyayan ng marami, kailangan magbigay pahayag tayo hindi sa pamamagitan ng pananalita o pagtuligsa sa kanilang pamamaraan ng pamumuhay, ngunit hayaan natin silang “basahin” ang Diyos sa ating mga buhay! “Kayo mismo ang aming sulat na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao” (2 Corinto 3:2). Kailangan nating ipakita ang bunga ng ating Ama. Kailangan ay may kapayapaan tayo sa gitna ng ating mga problema, pagpalain ang ating mga kalaban, malayang magpatawad, at maglakad sa kung anong kasaganaan ang ibigay ng Panginoon. Ang ating pagbibigay ang magtataas sa Kaniya at maaring ang kabaitan na gamitin ng Diyos upang mapalapit ang iba sa Kaniya!
“At sa tuwina'y sabihin, ‘Dakila ang Panginoon, na nalulugod sa kapakanan ng kanyang lingkod!’ (Mga Awit 35:27).
Prinsipyo #2: Diyos ang nagmamay-ari ng lahat.
Diretsong sinabi ng Mga Awit 24:1 na, “Ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng narito . . .” Lahat ng mayroon tayo ay sa Diyos.
“Iyo, O Panginoon, ang kadakilaan, kapangyarihan, kaluwalhatian, pagtatagumpay, at karangalan. Sapagkat sa Iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa” (1 Cronica 29:11).
“Akin ang pilak at akin ang ginto, sabi ng Panginoon ng mga hukbo” (Hagai 2:8).
Lahat ng mayroon tayo, marami man o kaunti, ay pahiram lamang sa atin— tayo ay tagapangalaga. Muli, kung paano natin panghawakan ang naipagkatiwala sa atin (tulad ng naipaliwanag sa parabula sa Lucas 16) ang siyang magsasabi kung bibiyayaan Niya tayo o kukunin Niya kung ano ang mayroon tayo.
Prinsipyo #3: Diyos ang nagbibigay ng lahat.
“Huwag mong sabihin sa iyong puso, ‘Ang aking kapangyarihan at ang lakas ng aking kamay ang siyang nagbigay sa akin ng kayamanang ito.’ Kundi aalalahanin mo ang Panginoon mong Diyos, sapagkat siya ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan upang magkaroon ka ng kayamanan; upang kanyang papagtibayin ang kanyang tipan na kanyang ipinangako sa iyong mga ninuno, gaya nga sa araw na ito. At kapag kinalimutan mo ang Panginoon mong Diyos, at ikaw ay sumunod sa ibang mga diyos, at paglingkuran mo sila at sinamba mo sila, ay aking tapat na binabalaan kayo sa araw na ito, na kayo'y tiyak na malilipol” (Deuteronomio 8:17-19).
“Ngunit sino ba ako, at ano ang aking bayan, na kusang makapaghahandog sa ganitong paraan? Sapagkat ang lahat ng bagay ay nagmumula sa Iyo, at ang sa Iyo ang aming ibinigay sa Iyo. Sapagkat kami ay mga dayuhan at manlalakbay sa harap mo, gaya ng lahat ng aming mga ninuno; ang aming mga araw sa lupa ay gaya ng anino, at hindi magtatagal. O Panginoon naming Diyos, lahat ng kasaganaang ito na aming inihanda upang ipagtayo Ka ng bahay na ukol sa Iyong banal na pangalan ay nagmumula sa Iyong kamay, at lahat ay sa Iyo lamang” (1 Cronica 29:14-16).
“At pupunuan ng aking Diyos ang bawat kailangan ninyo ayon sa Kanyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus” (Filipos 4:19).
Ito man ay kita mo mula sa iyong trabaho o binigay sa iyo, sino ba ang Pinagmulan ng lahat ng mayroon ka? Ang Diyos.
Prinsipyo #4: Nais ng Diyos ang unang bahagi ng anumang ibinigay Niya sa iyo.
Maraming Kristiyano ang nagbibigay sa kanilang simbahan at sa ibang organisasyong pangkawang-gawa ngunit hindi sila nabibiyayaan dahil hindi nila naiintindihan ang pinaka importanteng prinsipyong ito. Malinaw ang sinasabi ng Diyos sa tanan ng Bibliya na nais Niyang maging una sa bawat aspeto ng ating buhay.
Kung nagbayad ka ng iyong mga bayarin bago ka nagbigay sa Kaniya, hindi Siya ang una sa iyong buhay at makakaligtaan mo ang biyaya. Natutunan natin ito sa kabanata 5 “Unang Pag-ibig,” na ang Diyos ay inaalis mula sa atin ang anumang ilagay natin sa unahan Niya.
“Parangalan mo ang Panginoon mula sa iyong kayamanan, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani” (Mga Kawikaan 3:9). Ang prinsipyong ito ay maliwanag; kailangan nating unang magbigay sa Diyos.
Madalas kung isaalang-alang ng mga Kristiyano ang pagbigay ng ikapu, hindi nila nakikita kung pano sila magbibigay ng ikapu dahil hirap na hirap na silang matugunan lahat ng pangangailangan. Ito ay dahil sila rin ay ignorante mula sa kung ano ang nangyayari sa kanilang mga kasalapian. Sinabi sa Hagai 1:9 na ang Diyos ay “hinihipan” kung ano ang inuuwi mo, at Siya rin ang nagpahintulot sa mananakmal na dumating at kunin kung ano ang nararapat na sa Kaniya.
“Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at sa gayo'y subukin ninyo ako ngayon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Tingnan ninyo kung hindi ko bubuksan para sa inyo ang mga bintana ng langit, at ibubuhos ko sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan. Aking sasawayin ang mananakmal alang-alang sa inyo, kaya't hindi nito sisirain ang mga bunga ng inyong lupa; at ang inyong puno ng ubas sa parang ay hindi mawawalan ng bunga, sabi ng Panginoon ng mga hukbo” (Malakias 3:10-11).
Bawat buwan ang mga Kristiyanong hindi nagbibigay ng ikapu ay nakakaranas ng mga “hindi inaasahang” gastos, tulad ng mga kailangang ipagawa o iba pang mga pangangailangan na hindi nila nakinita. Ito ay dahil sila ay mga ignorante sa prinsipyong ito. Dahil ang Diyos ay una sa iyong buhay— una sa iyong puso, una sa iyong araw, at una sa iyong salapi— tapos (at pagkatapos lamang) ang Diyos ay “bubuksan para sa ino ang mga bintana ng langit, at ibubuhos sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan,” at matapat na “sasawayin ang mananakmal alang-alang sa iyo.”
Ang mga nagpakumbaba ng kanilang sarili sa pagbigay sa Diyos ng kanilang ikapu at pag-aalay ay ikakagalag ang kanilang sarili sa masaganang kayamanan! “Ngunit mamanahin ng maaamo ang lupain, at masisiyahan ang kanilang sarili sa lubos na kasaganaan” (Mga Awit 37:11). Ang Kaniyang Salita ay sinasabi sa atin na, “Ang kasawian ay humahabol sa mga makasalanan, ngunit ang matuwid ay ginagantimpalaan ng kasaganaan” (Mga Kawikaan 13:21).
Prinsipyo #5: Kung ano ang gagawin mo sa iyong unang bahagi ay siyang magsasabi sa Diyos kung ano ang gagawin sa nalalabi.
Nang tanungin ng Diyos si Abraham tungkol sa kaniyang anak, hindi siya nagpigil; bilang ganti, sinabi ng Diyos sa kaniya, “sapagkat ngayon ay nalalaman ko na ikaw ay may takot sa Diyos, at hindi mo ipinagkait sa akin ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak. . .tunay na pagpapalain kita. . .” (Genesis 22:12,17).
Sinabi ng Diyos sa hukbo na sumalakay sa Jericho na hindi nila dapat samsaman ang unang siyudad, at ang Diyos ay ibibigay sa kanila ang mga sumunod. Nais ng Diyos na parating subukin ang ating mga puso. “Ang dalisayan ay para sa pilak at ang hurno ay sa ginto, ngunit sinusubok ng Panginoon ang mga puso” (Mga Kawikaan 17:3). Ngunit, ang isa sa unang sundalo, si Akin, ay hindi makaiwas at nangamkam. Nang makarating sila sa susunod na siyudad, sa Ai, sa higit na maliit na laban at dapat ay naipanalo nila, sila ay nataol. (Tingnan ang Josue 6.)
Ang prinsipyong ito ay hindi lamang sa iyong pananalapi, o sa iyong pakikipagbalikan, ngunit sa bawat bahagi ng iyong buhay. Kung makaligtaan nating magbigay sa Diyos muna, ninanakawan natin ang Diyos mula sa bagay na hiningi Niya. Hindi Niya gusto na may ibang diyos bago sa Kaniya: hindi ang ating pera, ang ating asawa, ang ating kasal, o ang ating mga tungkulin. Kung ano ang ginagawa mo sa una ng iyong lahat ay siyang magtutukoy kung ano ang gagawin ng Diyos sa natitira— biyayaan ito o isumpa ito.
Ikaw ba ay nasa krisis sa pananalapi?
“Ngunit hanapin muna ninyo ang kanyang kaharian at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo” (Mateo 6:33).
Lumapit ka na ba sa Panginoon tungkol sa iyong pananalapi? Sa Filipos 4:19, malinaw ang turo ng Bibliya na ang Panginoon ang Siyang magbibigay ng lahat ng ating pangangailangan. Ngunit, kung lumapit tayo sa iba tungkol sa ating mga pangangailangan sa halip na hanapin ang Panginoon— kung bigo tayo na “hanapin muna Siya” — marahil ay ang “lahat ng mga bagay na ito” ay hindi “idaragdag” sa atin.
Sinusunod mo ba ang mga prinsipyo upang makasiguro sa iyong pananalapi sa Panginoon? Ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo sa atin na magbigay ng ating ikapu upang tayo ay “mapupuno” at “aapaw” (Mga Kawikaan 3:9-10). Hinihikayat din tayong “magtanim” kung nais nating umani (Galacia 6:7 at 2 Corinto 9:6). Ikaw ba ay nagtatanim at matapat na nagbibigay ng ikapu? Maglaan ng oras upang basahin ang mga linyang ito sa Banal na Kasulatan ng paulit ulit, at magdasal kung paanong nais baguhin ng Panginoon ang iyong pamamaraan ng pagtitiwala sa Kaniya habang tinutupad ang Kaniyang utos sa lahat ng nananampalataya, simula sa pagbigay ng bahagi sa Kaniya.
Kung ikaw ay tapat na nagbibigay ng iyong ikapu at nasa krisis pinansyal pa rin, siguraduhin na sinusunod mo ang mga utos ng Diyos. Maraming masasangguni sa Banal na Kasulatan ukol sa mga gawain natin na magdudulot sa kahirapan, tulad ng hindi paghingi (Santiago 4:2), paghingi ng may maling motibo (Santiago 4:3), pangangaliwa sa asawa (Mga Kawikaan 6:26), labis na pag-inom o katakawan (Mga Kawikaan 21:17, Mga Kawikaan 23:21), katamaran (Mga Kawikaan 10:4, Mga Kawikaan 14:23, Mga Kawikaan 28:18-20), hindi pagtanggap ng pagsuway o pagtatama (Mga Kawikaan 13:18), pagmamadali sa iyong desisyon (Mga Kawikaan 21:5), pang-aapi ng mga mahihirap (Mga Kawikaan 22:16), at, higit sa lahat, pagtago mula sa Diyos ng kung ano man ang dapat ay sa Kaniya.
Habang tayo ay nagbibigay sa Diyos ng ating ikapu at pag-aalay, kailangan din nating makasiguro na binibigyan natin ang ating mga asawa ng karangalan na nararapat sa kanila. “Ang puso ng kanyang asawa, sa kanya'y nagtitiwala, at siya'y hindi kukulangin ng mapapala” (Mga Kawikaan 31:11). Kung ang asawa mo ay nahihirapang magbigay, sigurado ba siyang mapagkakatiwalaan ka? Sinabi ba niyang putulin mo na ang iyong credit card, ngunit tinatago mo pa? Ikaw ba ay responsable sa iyong mga pinamimili, at tinitingnan mo ba ang pamamaraan mo sa iyong tahanan? Hiniya mo ba siya sa ibang tao? Siguraduhin na dalisay ang iyong puso at matapat sa iyong asawa sa lahat ng bagay.
Nang ako ay lugmok sa kahirapan bilang nag-iisang magulang sa apat na maliliit na mga bata, natutunan ko ang prinsipyo ng pagbigay ng ikapu. Kahit na namumuhay ako ng halos isang maralita, nagsimula akong magbigay ng ikapu sa unang beses sa tanan ng aking buhay. Hindi lamang ako nagbigay ng ikapu mula sa maliit na salaping natatanggap ko, ngunit nagtanim din ako sa buhay ng mga kababaihan na nakakaranas ng trahedya sa kanilang mga buhay (sa pamamagitan ng pagbahagi sa kanila sa kakayanan ng Diyos na ayusin ang buhay may-asawa).
Ang pagbigay ko sa Panginoon ang siyang naging pamantayan sa aming tahanan nung wala ang aking asawa. Pinaangalan ito ng Diyos sa pamamagitan ng pag-udyok Niya sa asawa ko na magbigay rin nang ito ay bumalik na sa aming tahanan nang hindi ko kinakailangang sabihan siya! Kung ikaw ay naghihirap na magbigay ng ikapu, maaring makatulong sa iyo na pag-aari ng Diyos ang lahat ng mayroon tayo, at dahil lamang sa Kaniya kaya tayo may “kapangyarihan upang magkaroon ka ng kayamanan; upang kanyang papagtibayin ang kanyang tipan na kanyang ipinangako” sa atin (Deuteronomio 8:17-19). Kung kaya kailangan mong makasiguro na ang una mo ay ibibigay mo sa Kaniya upang makumpirma na Siya ang una sa iyong buhay!
Pagsisilbihan mo ba ang Diyos o ang pera?
Marami sa atin ang lumalayo sa turo ng pagbibigay dahil sa pag-aabuso at dahil hindi nila nais na mapabilang sa mga “mapaghanap ng pera,” ngunit hindi nito matatanggal ang katotohanan. Hanapin mo mismo ang katotohanan. Subukan Siya kung siya ay tapat sa Kaniyang pangako. Magbigay sa Diyos muna, ibigay ang ikapu sa iyong kamalig (kung saan nabubusog ang iyong espiritu), at tingnan kung mababago ang iyong buhay at mga biyaya sa bawat aspeto ng iyong buhay.
Ang Diyos ang siyang nagbibigay para sa ating samahan at para sa ating pamilya. Nagtatanim tayo sa buhay ng mga bigo at tubig sa patuloy na suporta sa ating samahant, ngunit ang Diyos ang siyang nagbibigay ng dagdag. Wala tayong ibang tinitingnan liban sa Diyos upang ibigay ang ating mga pangangailangan.
Ang hindi maituro ang napaka importanteng prinsipyong ito ay isang kapabayaan na pakainin ang tupa at ang i-pastol ang mga taong lumalapit sa atin para sa tulong, suporta, at direksyon.
Sinabi ni Hesus na pakainin ang Kaniyang tupa, at sinabi ng Diyos sa Hosea na ang Kaniyang tao ay napapahamak sa kawalan ng kaalaman (Hoseas 4:6). Marami sa lumalapit sa atin ay bagong Kristiyano o dumadalo sa simbahan na ang prinsipyong ito, at ibang prinsipyo ng pakikipagbalikan, ay hindi naituturo. Ang ating tungkulin ay maging disiplo ng Panginoon, bigyan sila ng mga kasangkapan upang mabago ang kanilang buhay.
Para sa inyo na hindi pa nakapagbibigay sa Diyos ng kaniyang ikapu, sana ay mapatunayan ng Diyos sa inyo na mas marami kayong magagawa sa 90% ng inyong kita kaysa 100% na dating iyong pinanghahawakan. Marahil ay kinakailangan ng hakbang ng pananampalataya, ngunit tulad ng iyong pinili ang pakikipagbalikan kaysa pakikipaghiwalay, ang buhay mo ay hindi na kailanman magiging pareho.
Para sa inyo na nagbibigay (ngunit hindi una ang Diyos), naway mabago mo ang iyong mga prioridad sa bawat aspeto ng iyong buhay upang maipakita sa Diyos na sa Kaniya ang unang bahagi.
Ang Diyos ay Diyos na nagnanais biyayaan tayo; nais Niyang pagpalain tayo!
“. . . At sa “tuwina'y sabihin, “Dakila ang Panginoon, na nalulugod sa kapakanan ng kanyang lingkod” (Mga Awit 35:27).
Tatapusin ko ito lakip ang isang napakagandang pangako: “Yaon nawang nagsisipaghasik na luhaan, ay mag-ani na may sigaw ng kagalakan!” (Mga Awti 126:5). Alleluia!!
Personal na pangako: ang magbigay. “Base sa natutunan ko sa Banal na Kasulatan, nangangako ako na magtiwala at mapagpala ang Panginoon sa aking pananalapi. Hahanapin ko ang Panginoon kung paano at saan ako magbibigay ng ikapu. Magtatanim ako sa pakikipagbalikan ng mga mag-asawa sa pamamagitan ng pagbahagi ng mabuting balita tungkol sa pakikipagbalikan sa mga taong dinadala ng Diyos sa aking buhay at sa pamamagitan ng pagbigay ko ng aking pera habang inaakay ako ng Diyos at tapat na nagbibigay para sa akin.”
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP m