Kabanata 14 "Aliwin Sila"
Inaaliw Niya tayo sa ating mga kapighatian
upang makatulong naman tayo sa mga namimighati
sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa Kanya.
—2 Corinto 1:4
Hayaan mo akong magsimula sa pamamagitan ng paninigurado sa iyo na LAHAT ng mga prinsipyo sa aklat na ito ay makakatulong sa pagbuon ng iyong buhay may-asawa kesehodang ang iyong asawa ay mapang-abuso o may problema sa pag-inom, bawal na gamot o pornograpiya. Karamihan sa mga babaeng lumapit sa aming ministro ay humaharap sa pagtataksil at isa pa o maraming kasalanan na nabanggit sa itaas.
Kapag lumalapit ang mga babae sa amin, nais nilang malaman: “Paano ko makakayanan at malalampasan ang mga kasiraan na sumasalanta sa aming mga buhay ng ilang MGA TAON na? Paano ko maaaring malampasan ang sakit at kaguluhang ito?” Ang sagot ay, sa pamamagitan ng paghanap sa karunungan at katotohanan. Ang Kawikaan 23:23 ay nagsasabi, “Hanapin mo ang katotohanan, kaalaman at unawa. Pahalagahan mo ang mga ito at huwag pabayaang mawala.” “Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32).
Pagtarato sa mga Kasalanan ng Iyong Asawa
Kung ang iyong asawa ay nasa anumang kasalanan, paano mo, bilang kanyang asawa, tataratuhin ito? Hindi katulad ng pagtarato ng mundo! Ang mga paraan ng mundo ay maghahatid ng kasiraan, ngunit ang mga prinsipyo ng Diyos ay maghahatid ng tagumpay. Narito ang preskripsyon ng Diyos, mula sa Kanyang Salita:
Walang Salita. Katulad ng ating natutunan sa simula, ang Bibliya ay malinaw na tayo ay dapat manatiling tahimik at huwag magtangka na kausapin ang ating asawa kapag sila ay di sumusunod sa Salita ng Diyos (1 Pedro 3:1-2). Huwag magkamaling kausapin ang iyong asawa tungkol sa kanyang kasalanan; sa Diyos lamang makipag-usap. Isa pa, hinihimok ko kayo na huwag din makipag-usap sa iba tungkol dito. Dalawang bagay ang mangyayari kapag ginawa mo ito. Una, ito ay maglalagay sa atin sa alanganin sa Panginoon. “Siyang naninira sa kanyang kapwa‚y aking wawasakin . . .” (Awit 101:5).
Pangalawa, kapag iyong ibinunyag ang mga kasalanan at kahinaan ng iyong asawa sa iba, gagawin nitong imposible na siya ay bumalik at magsisi. Kapag lahat sa simbahan, at lahat sa iyong pamilya at mga kaibigan ay alam na siya ay namumuhay sa pakikiapid (o sa ibang kasalanan), ginawa mo nang halos imposible na siya ay bumalik. Hindi natin dapat ikumpisal ang mga kasalanan ng isang tao. Ang pangungumpisal ng iyong mga kasalanan ay ibang-iba sa pagsiwalat ng mga kasalanan ng ibang tao. Ito ay naghahatid rin ng sarili nitong sumpa. “. . .si Cam, ama ni Canaan, ay nakita ang kanyang ama na hubad na hubad, at ibinalita ito sa kanyang mga kapatid . . .Sinabi niya: ‘O ikaw, Canaan, ngayo‚y susumpain” (Genesis 9:21-25).
Ang talatang ito ay pinagtitibay ang prinsipyo na ating nabasa kanina sa Awit 101:5. Tayo ay sinabihang huwag siraan ang sinuman! Ganunpaman, batid ko na lubos na mahirap na ilihim ang lahat ng iyong pinagdaraanan. Kaya nga tayo ay sinabihan sa Mateo 6:6 “. . .pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto, saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.” Kapag ikaw ay walang makausap, dapat mong ibuhos ang laman ng iyong puso sa Diyos! Siya ang lamang ang tunay na makakapagbago sa iyong asawa at sa iyong sitwasyon! Ngunit kapag sinabi natin sa lahat ng nagtatanong o handang makinig, kapag tayo ay nakikipag-usap sa telepono sa mahabang oras tungkol dito, o sinisiwalat lahat sa ating pastor o tagapayo, tayo ay mabibigo na gamitin ang panahong ito sa ating silid-dasalan! Ini-engganyo ko ang mga babae na gawin ang nararapat. Alam ko sa aking sarili na ito ang nararapat at mabisa, at anumang ibang solusyon ay hindi.
Mag-anuyo. Ang pinakamagaling na paraan upang mapalaya ang iyong asawa sa pagkakatali sa kasalanan ay ang pag-aanuyo at pagdarasal para sa kanya. “Ito ang gusto Kong gawin ninyo: Tigilan na ninyo ang pang-aalipin; Sa halip pairalin ang katarungan; Ang mga api‚y palayain ninyo at tulungan” (Isaias 58:6). Mas marami pang tungkol sa pag-aanuyo sa Kabanata 15, “Mga Susi ng Langit” na kailangan mong basahin.
Daigin ang kasamaan ng kabutihan! Ang isa pang paraan ay ang pagdaig sa kasamaan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti. “Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masama” (Roma 12:21). Ang Bibliya ay hindi nagsisinungaling. Kahit na ang mga “dalubhasa” ngayon ay magsasabi sa iyo na “pinapabayaan” mo ang taong lasenggo, gumagamit ng bawal na gamot, atbp. sa pamamagitan ng pagiging mabait at mapagmahal. Ang Kasulatan ay sinasabi ang kabaligtaran. Ano ang pipiliin mong paniwalaan at sundin? Ang pag-ibig ay isa sa mga pinakamalakas na sandata na mayroon tayo at ito ay garantisadong mainam. Ang Panginoon ay sinasabi sa atin na ito an paraan ng pagtarato sa ating mga kaaway o sa mga taong nananakit sa atin. Ang pagmamahal sa iyong asawa ngayon, habang siya ay nasa gitna ng kasalanan, ay talaga namang pag-daig sa kasamaan ng kabutihan!
Kawikaan 10:12: “. . .ang pag-ibig ay nagpapaumanhin sa lahat ng kasalanan.”
1 Pedro 4:8: “Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.”
1 Corinto 13:8: “. . .ang pag-ibig ay walang katapusan.”
1 Tesalonica 5:15: “Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa‚t isa at sa lahat.”
Roma 12:14-18: “Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo˜idalanging pagpalain at huwag sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, makitangis sa mga tumatangis. Magkaisa kayo ng loobin. Huwag kayong magmataas, kundi makisama sa mga aba. Huwag ninyong ipalagay na kayo‚y napakarunong. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa lahat ng panahon. Hangga‚t maaari, makisama kayong mabuti sa lahat ng tao.”
Sinabi ni Hesus ang mga salitang ito sa Mateo 5:44-46: “Ngunit ito naman ang sabi Ko: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo . . .Kung ang umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba‚t ginagawa din ito ng mga publikano (o mga makasalanan)?”
Testimonya: Pinalayas Niya ang Kanyang Asawa!
Ang isang babaeng galit at masama ang loob ay pumunta sa Ministro ng Pag-bubuong Muli Internasyonal. Naghanap na siya ng tulong sa lahat ng lugar˜grupo ng suporta, mga tagapayo, at maraming mga aklat˜upang malutas ang kanyang mga problema sa kanyang asawa na sabi niya ay isang “lasenggo” at gumagamit ng bawal na gamot.
Napuno na siya! Pinalayas niya ang kanyang asawa mula sa kanilang bahay˜katulad ng ginawa na niya ng ilang beses. Sinusunod niya ang mga payo ng lahat ng tao; sa kamalasan, tila walang nagbabago sa kanyang sitwasyon, at lalo pang sumama ang mga bagay. Ang natutunan niya sa ating ministro ay iba sa lahat na kanyang unang mga nabasa o narinig. Sa wakas, sabi niya, narinig na niya ang katotohanan.
Sinabi niya na natutunan na niya sa wakas na ang mga dahilan sa kanyang mga problema ay ibang-iba sa mga sinabi sa kanya nang paulit-ulit. Sinabi niya sa amin na siya ay sobrang naniwala sa psikolohiya at mga pananaw na di ayon sa Bibliya, kaya hindi na niya makita ang totoo. Nang kanyang nabasa ang mga prinsipyo, ang Salita ng Diyos ay naging espada, na humiwa sa kanyang kaibuturan!
Natutunan niya ang tungkol sa peligro ng pamamahala sa kanyang asawa, katulad ng sinabihan niya ito na umalis sa kanilang bahay. Natutunan niya na ang tamang paraan upang mahikayat ang isang suwail na asawa: walang salita. Natutunan niya kung paano itarato ang isang lalaki na nakatali sa kasalanan ng alak, ay ang mag-anuyo at magdasal para dito. Natutunan niya na ang sapilitang paghihiwalay ay humihikayat sa pagtataksil at LAGING papalalain ang kanyang mga pagsubok.
Sa loob ng isang linggo, tiningnan niya ang bawat talata sa Bibliya na nakalista sa aklat na ito at minarkahan ang mga ito sa kanyang Bibliya. Sa kanyang pagkagulat, WALA siyang nakitang batayan sa Kasulatan para sa kanyang mga ginawa o ikinilos sa kanyang asawa.
Tinawagan niya pa ang kanyang simbahan at nagmakaawang ipakita sa kanya na ang kanyang mga ginagawa ay talagang tama. Ang sabi niya kailangan niyang palabasing mali ang mga Kasulatan na nabasa niya sa aklat na ito. Wala silang maibigay na suporta na ayon sa Kasulatan. Hinimok lang nila siya na panatilihing wala sa bahay ang kanyang asawa at huwag ito payagang bumalik.
Sa kanyang kalituhan, sakit at galit, ang babaeng ito ay talagang naghahanap sa katotohanan. Sa wakas, sinabihan niya ang kanyang asawa na umuwi na. Pagkatapos, binigyan niya ito ng respeto bilang pinuno ng kanilang kabahayan at pinunong espiritwal, sa unang pagkakataon sa kanilang buhay may-asawa. Ang pagtatayo muli ng kanilang tahanan ay hindi naging madali at mabilis, pero ito ay LAGING matatag. Ang kanyang asawa paglaon ay umamin na nagbalak siyang makiapid o magtaksil nang siya ay pinalayas. Ang kanyang asawa ay nasa kanilang tahanan lampas na ng siyam na taon˜malaya na sa bawal na gamot at alak! Siya ay naging deacon pa sa isang malaking simbahan.
Testimonya: Ang Asawa ay Naligtas mula sa Alak
Isang babae ang tumawag sa aming ministro. Napuno na siya sa paglalasing ng kanyang asawa. Sinubukan na niyang gawin ang lahat ng paraan na nabasa niya para sa mga asawa ng mga lalaking lasenggo. Pero, nakita niya na ang bawat pag-galing ay pansamantala lamang. Ang kanilang buhay may-asawa ay nasisira na.
Naging parang malayo na sila sa isa‚ t isa. Ang pakiramdam niya na kung talagang mahal siya ng kanyang asawa, ito ay hihinto sa paglalasing. Subalit, ang kanyang asawa ay kumbinsido na hindi na niya ito mahal dahil sa paraan ng pagtarato niya dito. Ang sabi nito ang kanyang masamang pagtarato ay nagtutulak lamang dito upang maglasing pa lalo dahil ang pakiramdam nito ay wala ng pag-asa. Ang sabi niya mahal niya ang kanyang asawa ngunit ang lahat ng mga aklat ay nagsabi na lumayo siya sa kanyang asawa dahil sila ay naging co-dependent at siya ay naging “enabler” nito. Ang sabi niya sa amin, “sinubukan na niya ang lahat” at handa na siya sumuko. Hinimok namin siya na “hanapin ang Diyos.” Ang sabi niya, sinubukan na rin niya ito. Ang sabi niya, siya ay lumapit na sa kanyang pastor, na hinarap ang kanyang asawa, ngunit lalong lumala ang mga bagay˜iniwan ng kanyang asawa ang simbahan.
Nang sa wakas ay narating na niya ang sukdulan ng kanyang sarili, umiyak siya sa Panginoon. Nang kinaumagahan, nakilala niya ang isang babae na may nabuong buhay may-asawa at pumayag na ipagdasal siya. Pagkatapos lamang ng dalawang linggo, nang akala niya ang kanyang asawa ay nasa trabaho, may natanggap siyang tawag sa telepono mula dito. Ito ay nasa Teen Challenge, humihingi ng tulong. Ang asawa ng babaeng ito ay lumabas, pagkatapos ng tatlong buwan, na ibang-ibang lalaki na, naglalagablab para sa Panginoon. Siya ay naging espiritwal na pinuno ng kanilang pamilya at naging aktibo sa kanilang bagong simbahan. Maaari mong subukan ang lahat, ngunit kapag iyong ginawa ito, pinapangako ko, iyo lamang pinapalala ang mga bagay. Subukan ang Diyos LAMANG!! Sundan ang Diyos; magtiwala sa Kanya at Siya ang magbabago ng iyong sitwasyon sa isang iglap.
Huwag Silang Guguluhin
Ang kasulatan ay binabalaan tayo, “. . .huwag ninyo silang guguluhin o didigmain . . .” (Deuteronomio 2:19). Kapag iyong ginulo ang isang tao na nasa ilalim ng impluwensya ng bawal na gamot, alak o pang-aakit ng isang babaeng nakikiapid, inilalagay mo ang iyong sarili sa grabeng panganib. Ang Kawikaan 18:6 ay nagsasabi sa atin, “Ang pagsasalita ng mangmang ay humahangga sa kaguluhan, pagkat ang salita niya‚y laging may bantang taglay.”
Kung ang pisikal na pananakit ay naging bahagi na ng iyong buhay may-asawa, kailangan mong sundin ang talatang ito ng Bibliya at siguraduhin na ito ay hindi nangyayari dahil sa iyong kawalang-pitagang ugali at mga salita sa iyong asawa. Binababalaan ng Diyos ang mga babae na huwag kausapin man lang ang kanyang asawa na hindi sumusunod sa Salita at siguraduhing tayo ay tahimik at may mapitagang ugali (basahin ang 1 Pedro 3:1-2). Sinasabi rin sa atin ng Diyos sa Efeso 5:33 na “ang mga babae (ay dapat) igalang ang inyu-inyong asawa.”
Kadalasan, pagkatapos mong laitin ang pagkatao ng iyong asawa sa pamamagitan ng iyong salita, may isang taong magsisimulang manakit. Madalas ang nauunang manakit ay ang babae dahil siya ay lubhang nasaktan sa mga sinabi ng kanyang asawa. Sa kamalasan, pagkatapos ng unang suntok, ang pisikal na pananakit ay nagiging karaniwan na. At kapag ang pananakit ay dinala sa isang tahanan o buhay may-asawa, ito ay nagiging malaking bahagi ng pagkasira nito.
Testimonya: Sa Kanyang Sariling Mga Salita
Nabasa ko ang testimonyang ito sa “Crowned With Silver” magazine. Ito ay aking inilalathala muli para sa iyo, na may pahintulot ng CWS at ang manunulat ng sanaysay.
Ang sumusunod na kwento, umaasa ako, ay magbibigay ng lakas ng loob sa iba na maaaring nasa parehong sitwasyon ko. Ang Diyos ay maraming paraan upang maabot ang mga tao at ang aking kwento ay maaaring maging dahilan upang tawagin ako ng mga taong matitigas ang puso na “Raca” o “hangal,” ngunit ang Panginoon ay inabot ang aking asawa sa pamamagitan ng ilang napakahirap na mga pangyayari. Hinihiling ko, mga kapatid, na huwag ninyong ilagay ang aking pangalan sa sanaysay na ito, dahil ako ay nag-aalala na ang aking asawa ay hindi makamit ang karangalan na para sa kanya sa mga mata ng aming mga anak kapag nabasa nila ito.
Ako at ang aking asawa ay lumaki sa simbahang pang-komunidad at ikinasal bilang high school sweethearts. Mula noon pa, ako ay isang stay-at-home na ina, at ang aking asawa ay mekaniko ng mga sasakyan. Kami ay nagmula sa magkaibang-magkaibang uri ng pamilya. Siya ay lumaki kasama ang kanyang apat na kapatid na lalaki at dalawang kapatid na babae; ako ay nagmula sa isang pamilya na mayroong dalawang anak na babae lamang. Ang mga miyembro ng kanyang pamilya ay laging maingay na nagtatalo, nagde-debate, at nagsusuntukan kapag may puntong nais ipaalam. Ang aking pamilya ay napakatahimik. Kapag ako at ang aking kapatid na babae ay nagtatalo, ginagawa namin ito ng tahimik at puno ng malisya. Hindi kami gumagamit ng mga salita upang gantihan ang isa‚ t isa; may ginagawa kaming bagay upang makaganti.
Sa simula ng aming buhay may-asawa, kami ay mga “sanggol na Kristiyano,” ngunit ako ay may pagkauhaw pa para sa Diyos. Ang aking asawa ay kuntento na kung ano ang kinalalagyan niya sa loob na 23 taon. Siya ay nagkumpisal na ng pananampalataya, at alam niya na siya ay mapupunta sa langit. Ito ay sapat na para sa kanya. Ako, sa kabilang dako, ay alam ko na mayroon pang higit dito. Alam ko na ang Diyos ay sapat na aking buong buhay at nais kong mabuhay ng kakaiba mula sa mundo sa paligid ko.
Kami ay naghikahos sa pera. Sa pagkapanganak ng aming unang anak na babae, halos hindi na kami magkandatuto sa aming tirahan. Ang aking asawa ay tila isang mahigpit na lubid. Sinusubukan kong panatilihing tahimik ang aming anak upang gawing matahimik at hindi nakaka-irita ang buhay para sa aking asawa. Ang aming pagsasama ay mas mabuti kapag weekdays dahil wala siya lagi sa bahay. Ngunit kami ay nag-aaway kapag weekends. Pagkatapos, uumpisahan ko ang aking dating gawi na ginamit ko sa aking kapatid.
Hindi ako lalaban, hihiyaw o sisigaw. Ako ay . . .gaganti. Kapag kami ay nagtatalo, hindi ako magluluto ng hapunan, o hindi ako maglalaba sa loob ng isang linggo at siya ay kinakailangang magsuot ng maruming damit. Gagawa ako ng bagay na alam ko ay maiinis siya. Ngunit hindi mga bagay na maaari niyang isisi sa akin. Nakakalusot ako dahil hindi halata. Ang buhay namin ay naging ganito sa loob ng ilang mga taon. Mayroon kaming dalawang anak na babae noon at ang “mahigpit na lubid” na nilalakaran namin ng aking asawa ay napatid.
Isang Sabado, kami ay nagtatalo kung paano gagastusin ang sobrang $20 sa kanyang sweldo. Ang aking asawa ay nais manood ng ball game; gusto kong pakainin niya kami sa labas. Ang aking asawa ay sumigaw at sinabing siya ang nagtatrabaho para kumita ng pero, kaya dapat lang na magkaroon siya ng ilang panahon para magsaya, at siya ay tumalikod at umalis. Kaya itinulak ko siya ng kaunti ng aking siko. (Sa tingin ko, ang lahat na naipong pressures mula sa lahat ng pagtatalo at hinanakit na naging karaniwan na sa aming buhay ay nagpanumbalik sa kanyang interaksyon sa kanyang mga kapatid na lalaki). Bigla niyang itinaas ang kanyang braso at ipinilipit ang aking braso ng napakalakas. Hindi pa ako nakakita ng napakalaking poot na nakaukol sa isang tao˜sa akin!
Ang sakit nito. Tingin ko ay hindi ang pisikal na sakit, kung hindi ang emosyonal at espiritwal na sakit. Kasi, sinisikap kong lumago sa Panginoon sa lahat ng bagay, maliban sa aking buhay may-asawa. Isang pasakit na basahin ang mga Kasulatan na naglalahad kung paanong ang Panginoon ay ating bridegroom at tayo ang bride, at ang ating buhay may-asawa ay dapat maging halimbawa ng ating relasyon kay Kristo. Ito ay kahindik-hindik!
Kung ang aking buhay may-asawa at ang relasyon na mayroon ako sa aking asawa ay may kinalaman kahit paano sa aking relasyon ka Kristo, ay nasa malaking gulo! Sa tingin ko, na nang ang pagpipigil ay nawala na, at ang pagbabawal sa pananakit sa iyong asawa ay nawala na rin, ang pakiramdam ng aking asawa ay wala ng pag-asa. Mas marami pang pag-aaway ang humantong sa ganito. Sinubukan kong itago sa aming mga anak, ngunit minsan walang paraan para gawin ito. Ito ang pinakamasakit para sa akin.
Ang mga Kawikaan ay nagsasabi na ang ama ng ating mga anak ay ang kanilang kaluwalhatian. Kung ang mga ama ang kanilang kaluwalhatian, kung ganon maaaring ang aking mga anak ay nakaramdam ng kawalang tiwala sa lahat ng bagay, kahit na sa Diyos. Habang sila ay tinuturuan ng mga Kasulatan, sila ay mawawalan ng tiwala sa mga ito kung walang mangyayari upang mahilom ang aming buhay may-asawa.
At oo, kahit na ako at ang aking asawa ay kasal at hindi diborsyado, kami ay may sirang buhay may-asawa. Hindi ko kailanman sinabi sa aking mga kaibigan sa simbahan ang aking mga pinagdaraanan. Sinabi ko sa isa sa aking matalik na kaibigan na ang aking “pinsan” ay may pinagdaraanang ilang bagay at humihingi ng payo, o nais pag-usapan ang mga isyu. Ngunit ang tanging payo ng kaibigan na ito ay dapat kong iwanan ang halimaw. Ang sabi niya maraming maaaring itawag sa ganitong uri ng pagtarato at isang hangal lamang ang mananatiling makisaba sa ganitong lalaki.
Ngunit may isang problema. Ako ay may pangako sa Diyos ilang taon na ang nakakaraan na ako ay mananatiling kasama ang lalaking ito “through sickness and in health, through the good and the bad, until death do us part...” At kahit na nararamdaman ko na wala na talagang pag-ibig na natitira sa aking pagkatao para sa lalaking ito na aking pinakasalan, mahal ko pa rin ang Diyos. Mahal ko ang Diyos sa bawat himaymay ng aking pagkatao. Mahal na mahal ko Siya kaya hindi ko lalabagin ang aking marriage vows, na aking sinabi sa harapan Niya, pitong taon na ang nakakaraan.
Ang pananatiling pakikisama sa aking asawa ay isang pananagutan na ginawa ko sa Panginoon noong araw na kami ng aking asawa ay ikinasal sa Kanyang harapan. Pumaling ako sa ating Ama sa Langit. Naparakaraming beses na sa mga lumipas na panahon, na ako ay pumaling sa mga sekular na payo sa mga babasahin. Nakinig ako sa aking mga kaibigan na sinisiraan ang kanilang mga asawa, at kung ano-ano pa. Alam ko na ang tanging paraan na ako ay makakakuha ng kahit anong tulong ay ang paghanap sa Panginoon at sa Kanyang tulong.
Ang Panginoon ay ipinahayag ang Katotohanan sa akin sa mga napaka-simpleng paraan. Kailangan kong ihinto ang pagsisi sa aking asawa, katulad ng itinuturo ng mundo, at tingnan ang mga bagay na aking ginagawa ng mali sa aming buhay may-asawa. Isantabi ang poot, galit at sama ng loob na nararamdaman ko para sa aking asawa. Nagpasya ako na palitan ang mga emosyo na ito ng pagpapatawad, pang-unawa at pag-ibig. Nagsisi ako sa aking pag-ganti sa iba‚ t ibang paraan upang gawing miserable ang aking asawa. At ang Panginoon ay nagsimula akong baguhin!
Napakarami pang dapat sabihin, ngunit nais ko lang sabihin na ang Diyos ay nais tayong baguhin. Kung atin lamang isusuko ang ating buong buhay sa Kanya, Siya ay nandiyan upang gabayan tayo sa ating mga pinakamadilim na mga oras! Ako ay kasal sa isang lalaki pa rin sa loob na ng 21 taon. Hindi na siya ang dating lalaki, dahil ibinigay na niya ang kanyang buong buhay sa Diyos katulad ng ginawa ko 11 taon na ang nakalilipas. Katulad ng pagkaramdam niya ng sama ng loob at galit mula sa akin, nagsimula niya rin naramdaman ang pag-ibig at pagpapatawad mula sa akin para sa kanya.
Ngayon, hindi na kami nagtatalo tulad ng dati. Mahal na mahal na namin ang isa‚ t isa na gusto na namin kung ano ang gusto ng isa. Hindi na namin inuuna ang sarili naming pangangailangan! Ang Diyos ay napakabuti! Binago muna ako ng Panginoon, pagkatapos binago Niya ang aking asawa! Ngunit ang Panginoon ang gumawa ng pagbabago!
Testimonya: Ikubli Mo Ako Sa Lilim Ng Iyong Mga Pakpal
Si Elaine* ay nagdusa na sa naparakaming abuso. Mula nang siya ay buntis sa kanyang unang anak, ang kanyang asawa ay paulit-ulit na siya inaabuso dala ng sobrang poot. Sinubukan na niya ang lahat: bahay ng mga kaibigan, bumalik sa bahay ng kanyang mga magulang, kahit na mga alagad ng batas, ngunit walang naging permanente.
Pagkatapos ng mga pananakit ng kanyang asawa, ito ay magsisisi at magiging magiging mabait sa kanya. Sasabihin nito na siya ay magsisikap na makabawi sa kanya. Ito ay magmamakaawa sa kanya na patawarin siya. Bilang Kristiyano, patatawarin niya ito. Ngunit hindi magtatagal, ito ay mananakit muli.
Pagkatapos ng tatlong anak at walang nakikitang pag-asa, nakaisip siyang magpakamatay. Ngunit paano niya iiwanan ang kanyang mga anak kasama ang lalaking ito? Hindi niya kaya. Kailangan din niyang kitilin ang mga munting buhay ng kanyang mga anak. Ito ay pagpatay ng tao! Naisip niya rin ng ilang beses na pataying ang kanyang asawa, lalo na sa gitna ng mga pang-aabuso. Ngunit bilang Kristiyano, paano man lamang siya makakaisip ng ganito?
Isang gabi, siya ay nagtungo sa isang prayer meeting sa kanyang simbahan. Walang altar call, ngunit si Elaine ay dahan-dahang pumunta sa harapan ng simbahan pagkatapos ng huling awit, at iniwan ang kanyang mga pasanin doon. Sa unang pagkakataon na kanyang natatandaan, kanyang ibinigay ang buong sitwasyon sa Panginoon.
Tumangis siya ng luha ng sakit sa paanan ng krus. Ibinigay niya ang lahat sa Kanya. At siya ay sumuko, “Panginoon, kung nais mo akong patuloy na makisama sa lalaking ito, gagawin ko. Hindi na ako muling magtatangkang tumakbo o umalis muli o humingi ng tulong. Tinatanggap ko ang buhay na ito na ibinigay mo sa akin. Ang aking mga anak ay iyo. Gawin mo anuman ang nais mo sa aming lahat.”
Umuwi si Elaine na kampante na ang lahat ng bagay ay panatag na sa kanyang puso. Nang sumunod na araw, habang ang kanyang mga anak ay nasa iskwela at siya at ang kanyang bunsong anak ay nasa palengke. Ang Diyos ay KUMILOS SA KANYANG BUHAY. Ang kanyang asawa ay iniwan ang kanyang trabaho, umuwi sa kanilang tahanan at inempake ang lahat ng gamit niya. Ang asawa ni Elaine ay nawala ng araw na iyon. Ito ay 21 taon na ang nakakaraan.
Si Elaine ay kasal pa rin sa lalaki na hindi na niya nakita o nabalitaan pa mahigit na sa dalawang dekada. Ang kanyang mga anak ay malalaki na at ang kanyang bunsong anak ay bagong kasal lamang. Siya at ang kanyang mga anak ay may malapit na relasyon sa Panginoon. Si Elaine ay patuloy na namumuhay na nakakubli sa lilim ng Kanyang mga pakpak (Awit 17:8).
“Nagtagumpay sila laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan; hindi sila nanghinayang sa kanilang buhay” (Pahayag 12:11).
*Hindi niya tunay na pangalan. Para sa maraming pang napakagandang mga testimonya, bisitahin ang aming web page sa TulongMayAsawa.com.
Personal na pangako: daigin ang kasamaan ng kabutihan. “Batay sa aking natutunan sa Kasulatan, ipinapangako ko na panibaguhin ang aking isip sa katotohanan ng Diyos. Aking pagpapalain at ipagdarasal ang mga taong umuusig sa akin at aking dadaigin ang kasamaan ng kabutihan. Ako ay magtitiwala sa Panginoon at sa Kanyang proteksyon sa halip na sa braso ng laman.”
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP m