Kabanata 13 "Kahanga-hangang Tagapayo"
Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo,
ang Makapangyarihang Diyos,
Walang Hanggang Ama,
ang Prinsipe ng Kapayapaan.
âIsaias 9:6
Ang asawa ko ay inaayos na ang diborsyo, ano ang dapat kong gawin?
Paano ako makakahanap ng taong magtatanggol sa akin?
Paano ko mapo-protektahan ang sarili ko, lalo na ang aking mga anak?
Maraming mga Kristiyano, mga tagapayo at kahit na mga pastor ang magpapayo sa iyo na kumuha ng isang mabuting Kristiyanong abogado para protektahan ka at ang iyong mga anak. Subalit, nang ako ay nahaharap sa kaparehong suliranin, tumingin ako sa Kasulatan at pumunta sa âKahanga-hangang Tagapayo.â
Nakita ko ang Salita kung saan Siya ay nangako na protektahan at ipagtanggol ako! Pinili ko Siya at ginawa kung ano ang sinabi Niya sa Kanyang Salita. Hindi lamang Siya tapat, ngunit mas magaling pa kahit kaninong abogado o hukuman dahil inilagay ko ang aking tiwala sa Kanyan LAMANG!
Sino ang nakaalam sa pag-iisip ng Panginoon? âNapakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kayamanan, karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang kanyang mga panukala at pamamaraan! Gaya ng nasusulat: âSapagkat sino ang nakaalam sa pag-iisip ng Panginoon, o sino ang naging tagapayo niya?ââ (Roma 11:33-34). Kausapin ang Panginoon. Pagkatapos, maupo ng tahimik at pakinggan Siya.
Kawawa ang mga suwail. Ang Egipto ay kumakatawan sa mundo. âSinasabi ni Yahweh: âKawawa ang mga suwail na anak, na ang ginagawaây hindi ang Aking kalooban; Nakikipagkaisa sa iba nang wala Akong pahintulot, anupat lalo lamang lumalaki ang kanilang pagkakasala. Nagdudumali silang pumunta sa Egipto upang humingi ng tulong sa Faraon; Hindi man lang sumangguni sa Akinââ (Isaias 30:1-2).
Ikaw ba kumuha ng proteksyon sa hukuman? Pinagkakatiwalaan mo ba ang iyong abogado KAYSA Panginoon? â...Parurusahan ko ang sinumang tumatalikod sa Akin, at nagtitiwala sa kanyang kapwa, sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhayâ (Jeremias 17:5). Ipinapalayo nito ang iyong puso mula sa PANGINOON.
Di ka maaano. âKung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabalâ (Mateo 5:40). Madalas, tayo ay nag-aalala na ating mga asawa ay hindi tayo aalagaan at kinukuha nila masyado kung ano ang nararapat para sa atin o sa ating mga anak. Kung kumikilos ka na parang siya ay iyong kaaway at inaaway mo siya, siya ay aawayin ka rin. Hindi baât ganito na ang ginawa niya noon?
Marami ang nagbabahagi ng mga âhorror storiesâ tungkol sa mga taong nakipaghiwalay upang takutin ka para kumuha ka ng abogado. Tandaan mo lang, âKahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao, sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo; di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaanoâ (Awit 91:7). Pakawalan ang iyong abogado at magtiwala sa Diyos LAMANG na iligtas at protektahan ka.
Magsasakdal ba sa hukom na pagano kaysa mga hinirang ng Diyos? âKung minsan, ang isa sa inyoây may reklamo laban sa kanyang kapatid. Magsasakdal ba siya sa mga hukom na pagano, sa halip na ipaubaya sa mga hinirang ng Diyos ang pag-aayos ng usapin nila?â (1 Corinto 6:1). Ito ay isang napakamatatag na Kasulatan. Hahamunin ba natin ang Diyos? Kahit na ikaw ay magpapakita lamang sa korte, ikaw ay nakatayo sa harapan ng âhukom na pagano.â
Sa maraming estado o lugar, hindi ka lumalabag sa batas kung hindi ka magpapakita sa hukuman kapag nakatanggap ka ng kasulatan ng diborsyo. Ikaw ay matatalo lamang âby default.â Ang iba ay papipirmahin ka sa isang waiver na hindi ka dadalo o magpapakita, at sa iba naman (katulad sa Florida, sa panahon na isinusulat ito) hindi mo kailangang pumirma sa papeles o magpakita.
Tingnan mo muna at huwag mong tanggapin na lang ang salita ng isang tao kung sinasabihan ka nila na âkailangan mongâ gawin ang anuman. Literal kong tinanggap ang talatang ito nang natanggap ko ang aking kasulatan ng diborsyo. Hindi ko pinirmahan ang mga papeles o nagpakita sa bista o âhearingââat iniligtas ako ng Diyos! Kung pumunta ako sa isang abogado o nagpakita sa hukuman, hindi ko nakita o nakamtan ang napakagaling na pagligtas ng kamay ng Diyos!
Tayo ang hahatol sa mga anghel. âHindi ba ninyo alam na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? At kung kayo ang hahatol sa sanlibutan, hindi ba ninyo kayang hatulan ang ganyan kaliit na bagay? Di ba ninyo alam na tayo ang hahatol sa mga anghel? Gaano pa ang mga bagay na may kinalaman sa buhay na ito!â (1 Corinto 6:2-3). Ang Diyos ay parang natatawa sa atin, pinapakita sa atin kung gaano kawalang kwenta ang mga bagay-bagay dito sa mundo kung ihahambing sa ating buhay sa Kanya.
Mga usapin. âKung kayoây may usapin, idudulog pa ba ninyo ito sa mga taong di kinikilala ng iglesya?â (1 Corinto 6:4). Ang mga hukuman ngayon ay hindi sumusunod sa mga aral sa Bibliya di katulad noon. Bilang resulta, mayroon tayong mga kapasyahan at mga pasanin na ipinatong sa mga nananampalataya na kahit ang Diyos o ang ating mga ninuno ay hindi nasaisip. Kung pipiliin mo ang mga korte na tulungan ka, pipiliin mo ang kanilang kahatulan kaysa proteksyon ng Diyos at Kanyang mga pagpapala.
Sa harapan ng mga taong walang pananampalataya. âMahiya-hiya naman kayo! Wala na ba sa inyong marunong mag-ayos sa sigalutan ng magkakapatid? Anoât nagsasakdal pa kayo sa hukuman, kapatid laban sa kapatid, at sa harapan pa ng mga taong walang pananampalataya?â (1 Corinto 6:5-6). Nang ang simbahan ay inumpisahang balewalain ang mga aral sa Bibliya, inumpisahan din nilang balewalain ang mga pagtatama ng simbahan.
HINDI KAILANMAN pa ako nakarinig ng isang lalaki na tinalikuran ang kanyang kasalanan na pakikiapid pagkatapos harapin o kumprontahin ng simbahan. Ang iba ay pansamantalang nagbago, ngunit sa lahat ng mga kaso, sila ay nagbalik sa ibang babae! Kaya huwag mong tanungin ang iyong pastor na kausapin ang iyong asawa. Hayaan mo ang Diyos ang magpanumbalik at magpalambot ng puso ng iyong asawa!
Mas mabuting tiisin na lamang ninyo ang pang-aapi at pandaraya. âAng pagkakaroon ninyo ng usapin laban sa isaât isa ay isa nang kabiguan sa inyong pagkakapatiran. Hindi ba mas mabuting tiisin na lamang ninyo ang pang-aapi, at palampasin ang pandaraya sa inyo? Subalit kayo pa ang nang-aapi at nandarayaâat sa inyong mga kapatid pa naman!â (1 Corinto 6:7-8). Ang sabi ng Diyos, mas mabuti pang ikaw ang ginawan ng kamalian o dinaya (niloko o nilinlang).
Karamihan sa mga babae na nakausap ko na kasalukuyang naghihiwalay o nagdidiborsyo ay masyadong abala sa kaiiisip kung ano ang makukuha nila, magkanong pera bilang suporta at ilang mga ari-arian. Kung hindi mo papayagan ang iyong sarili na gawan ng kamalian, ang iyong asawa ay magiging galit at nagdaramdam. Kung hindi mo papayagan ang sarili mo na masagad sa âRed Sea,â hindi mo kailanman makikita ang kapangyarihan ng pagsagip ng Diyos! Tandaan na ang ânaging abala sa mga bagay ukol sa mundong, at naging maibigin sa mga kayamanan, anupaât ang Salitaây nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kayaât hindi makapamungaâ (Mateo 13:22).
Sinabi sa ating na si Demas ay iniwan si Pablo dahil sa mga pagiging abala sa mga bagay sa mundo na nakapagpawala ng puwang sa Salita sa kanya. Ang mga sumusundo na talata ay sinasabi sa ating kung paano...âAt inilalarawan naman ng nahasik sa dawagan ang mga nakikinig sa Salita, ngunit naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang Salitaây nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kayaât hindi makapamungaâ (Mateo 13:22). Ang Kasulatan ay nagsasabi na ito ay dahil sa âkaabalahan sa mga bagay ng mundong itoâ at dahil sa âkayamanan.â Huwag mag-alala o maging abala sa pera o mga pag-aari.
Magtiwala na ang âAting Diyos ay ipagkakaloob ang ating mga pangangailangan,â kahit na ang mga papeles ay nagsasabi na hindi na niya kailangan magbayad ng sapat na suporta sa anak âtilaâ walang magiging sapat na pera para sa iyo at sa iyong mga anak. Marami ang nalaglag na sa kanilang pananampalataya dahil sa ang Salita ay nawalang ng puwang sa kanilang puso.
Ang aking papeles sa diborsyo ay naglalahad na hindi ako makakukuha ng sapat na suporta para sa aking apat na maliliit na mga anak at sa aking sarili. Ngunit ang Diyos ay pinalambot ang puso ng aking asawa dahil ako ay nagtiwala sa Panginoon. Ni hindi ko na kinailangang humingi pa ng higit o sabihin sa kanya ang aking sinapit. Inilagay ng Diyos ang pagnanais sa puso na aking asawa na bayaran ang lahat ng aming gastusin hanggang sa siya ay magbalik sa aming tahanan!
Dahil sa ikaw ay sala sa lamig, sala sa init. Huwag kumuha ng abogado. Kung mayroon ka na, tanggalin na siya. Bawat isa sa mga babae na sinubukang kumbinsihin ang iba na tama lang na ikumpromiso ang kahit ano sa mga prinsipyong mula sa Kasulatan na nakasulat sa aklat na ito o sa A Wise Woman Builds Her House: By a FOOL Who Tore Hers Down with Her Own Hands, ay namumuhay pa rin ng buhay na pagkadalaga. Maaaring hindi ito ang gusto mo marinig. Hindi rin ito ang gusto ko isulat. Ngunit kailangan kong labanan at huwag payagan ang puso ko na pamahalaan ang kung anong nasulat para sa Kanya, baka tumigil na Siya sa paggamit sa akin.
Kabiguan para sa iyo. âAng pagkakaroon ninyo ng usapin laban sa isaât isa ay isa nang kabiguan sa inyong pagkakapatiran. Hindi ba mas mabuting tiisin na lamang ninyo ang pang-aapi, at palampasin ang pandaraya sa inyo?â (1 Corinto 6:7). Ito ang sagot sa iyo: kapag pumunta ka sa hukuman kasama ang iyong asawa, ito ay kabiguan na para sa iyo. Maaari kang makakuha ng pera o mga pag-aari, ngunit mawawala sa iyo ang iyong asawa!
Hindi ninyo makikita ang Panginoon. âMagpakabanal kayo at sikaping makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay ng ganitoâ (Hebreo 12:14). Kung nais mong kumilos katulad ni Kristo (si Hesus ay talagang inosente), tandaan na âhindi Siya gumantiâ (1 Pedro 2:23). Ang diyos ay maaaring mag-umpisang kumilos sa buhay ng iyong asawa dahil ikaw ay nagtatanim ng mga binhi ng buhay at hindi binibigyan si Satanas ng ningas para sa kasiraan. (tingnan ang 1 Pedro 3:1).
Gusto nating makita ng ating asawa ang mga kilos o paraan ni Hesus sa atin. Nilalabanan natin ang gawain ng Banal na Espiritu kapag ating ginagawa ang âgustoâ natin sa halip na gawin ang âdapatâ nating gawin. Gawin mo ito sa paraan ng Diyos!
Alisin. âAlisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit at poot; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait, at mananakit ng damdamin ng kapwaâ (Efeso 4:31). Kung ikaw ay may abogado, panlalait at poot AY magaganap. Ito ang nangyayari sa diborsyo. Dapat mo nang alisin ang mga ito sa iyo. Hindi importante kung ikaw ay may âKristiyanongâ abogado o hindiâang lahat ng âtulong ng tao ay walang kabuluhanâ!
Ang tulong ng TAO ay walang kabuluhan. âO Diyos, kamiây tulungan Mo sa paglaban sa kaaway, pagkat ang tulong ng tao ay walang kabuluhanâ (Awit 12:12). Nakarinig na ako ng di mabilang na kwento ng lahat na mga paraan kung paano sinubukan ng mga tao na iligtas o tulungan ang kanilang mga sarili, upang malaman lamang nila na kahit na ang hukom ay magbibigay ng hatol para sa halaga ng pera o proteksyon, ang mga hukuman ay hindi magagawa o mapipilit ang iyong asawa na magbayad o protektahan ka mula sa kanyang paghihiganti o pisikal na dahas!
Napakalaking atensyon ng media ang naibigay na sa mga taong hindi nagbayad ng suporta sa kanilang anak. Nakarinig ka na rin ng mga kwento tungkol sa mga lalaking sinusugod ang kanilang asawa para sa pisikal na paghihigantiâat ang mga alagad ng batas ay hindi sila matulungan! Hayaan mo ang Diyos na panumbalikin ang puso ng iyong asawa (Kawikaan 21:1). Ang iyong asawa ay hindi kailangan ng mas mahigpit na mga parusa, sa halip ay puso para sa iyo at inyong mga anak. Nasa iyo ang Kanyang pangako: âKapag ang taoây kalugud-lugod sa Diyos, pati ang kaaway niya ay kanyang maaayosâ (Kawikaan 16:7).
Kay Yahweh magtiwala. âMabuting di hamak na doon kay Yahweh magtiwala ako, kaysa panaligan yaong mga taoâ (Awit 118:8). Ang abogado ay hindi kapalit para sa Panginoon. Kung sa tingin mo ay maaari kang magkaroon ng proteksyon ng abogado at ng Diyos, ang sumusunod na talata ay pinapaliwanag na ang mga ito ay magkalaban. âParurusahan ko ang sinumang tumatalikod sa Akin at nagtitiwala sa kanyang kapwa, sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay...Ngunit maligaya ang taong nananalig kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa Kanyaâ (Jeremias 17:5-7). Ikaw ay maaaring pagpalain o parusahan. Ikaw ang magdesisyon.
Ihinto ang labanan. âIhinto ang labanan, Ako ang inyong Diyos, dapat na malamanâ (Awit 46:10). Ilagay ito sa Kanyang mga kamay. Ihinto ang pagpipilipit ng iyong mga kamay tungkol dito; ihinto ang pagkikipag-usap tungkol dito sa lahat. Huwag kumilos! Kung ang iyong asawa ay naumpisahan na ang paglakad sa diborsyo, at ikaw ay ipinagpakumbaba na iyong sarili at tinalikuran na ang iyong masasamang mga gawain, kung ganon, sundan mo ang mga hakbang na ito:
Tinawag tayo sa payapang pamumuhay. Sabihin sa iyong asawa na hindi mo gusto ang diborsyo, ngunit hindi ka magiging hadlang sa kanya (Awit 1:1) at HINDI mo rin lalabanan ang diborsyo. Sabihin mo sa kanya na hindi mo siya sinisisi sa pagnanais na hiwalayan ka. Sabihin mo sa kanya na patuloy mo siyang mamahalin (kung walang âhate wallâ), kahit na ano ang piliin niyang gawin. âKung ibig humiwalay ng asawang hindi sumasampalataya, bayaan ninyo siyang humiwalay...sapagkat tinawag tayo ng Diyos sa payapang pamumuhayâ (2 Corinto 7:15).
Matamis na pananalita. Muli, siguraduhin na sabihin sa iyong asawa na hindi mo siya lalabanan sa diborsyo at hindi ka kukuha ng abogado para sa iyong sarili. (Kung mayroon kang abogado, sabihin mo sa iyong asawa na tatanggalin mo ito.) Sabihin mo sa iyong asawa na pinagkakatiwalaan mo siya at alam mo na siya ay magiging patas, at gagawin niya kung ano sa paniniwala niya ay tama para sa iyo sa inyong mga anak. âAng matamis na pananalita ay nakapanghihikayatâ (Kawikaan 6:24).
Nasusuklam ako sa naghihiwalay. Sabihin mo sa iyong asawa na ikaw ay nakagawa ng napakaraming pagkakamali dati at ayaw mo nang magkamali pa muli. Umaasa ka na hahayaan niya na HINDI mo pirmahan ang mga papeles ng diborsyo. Sinabi ko sa aking asawa na dahil sa ang aming estado o lugar ay âno-fault,â ang diborsyo ay matutuloy kahit na hindi ko pirmahan ang mga papeles. Sumangguni sa Panginoon kung paano ka Niya nais iligtas at ang mga salit na nais Niyang sabihin sa iyong asawa. Tandaan, ang sabi ng Panginoon, âNasusuklam ako sa naghihiwalay.â Pero kung siya ay magpipilit na pumirma ka, pumayag na pumirma at pagkatapos magdasal ng husto na ang Panginoon ay pipigilan siya sa pagpilit sa iyo na pumirma. Kung ikaw ay hindi na katulad ng dati na pala-away, at ang iyong asawa ay nakita ang mapagpakumbaba at maamong asawa, kung ganon hindi na siya magpapatuloy sa pagpilit. Huwag magbigay ng mga mungkahi upang subukang mapasaya ang iyong asawa; ito ay hindi kanais-nais sa Panginoon. Sumangguni sa Panginoon! (Tingnan ang âWives, Be Subjectâ sa ilalim ng pangulong âSarahâs Obedience: Submission unto Sin?â sa A Wise Woman Builds Her House: By a FOOL Who Tore Hers Down with Her Own Hands.)
Walang imposible. Subalit, kung ikaw ay nakibahagi na sa paglakad ng diborsyo, hindi pa huli ang lahat. Humingi ng tawad sa Panginoon at sa iyong asawa rin. Ipakita ang iyong pagnanais na mabuo ang iyong pamilya sa pamamagitan ng pagtigil sa lahat ng mga legal na aksyon o proteksyon. Ang Diyos ay magsisimulang maghilom ngayon din. â...Magagawa ng Diyos ang lahat ng bagayâ (Mateo 19:26). Kung kumuha ka na ng abogado, tanggalin mo siya kaagad kung nais mong ang Pinakamagaling ang magtanggol sa iyo. Tapos magdasal, âWalang kang katulad Yahweh sa pagtulong maging sa dakila at hamak. Kaya tulungan Mo kami sapagkat sa Iyo lamang kami umaasa. Dahil sa Iyo, hindi kami natakot humarap sa ganito karaming kaaway. Ikaw Yahweh ang aming Diyos: huwag Mong itutulot na daigin ng taoâ (2 Cronica 14:11).
Ikaw ay tatalikdan. Kung ikaw ay umabot na sa diborsyo, sama ng loob at kahapisan at sobrang galit ay ang mga maaaring nararamdaman ng iyong asawa sa iyo ngayon. Magdasal na ang Diyos ay patatawarin ang iyong mga kasalanan at pawiin ang masasamang mga alaala na mayroon siya (Awit 9:5) at palitan ang mga ito ng magagandang kaisipan. Magdasal nang mas taimtim at maging mas malambing (muli ang matamis na pangungusap ay nakapanghihikayat) sa bawat pagkakataon na mayroon ka na makasama ang iyong asawa upang mapabalik siya sa iyo. Tandaan, âTiyak na ipagtatanggol ka ng matulunging kaibigan, ngunit kapag inaway mo, ikaw ay tatalikdanâ (Kawikaan 18:19). (Tingnan ang Kabanata 8, âMahihikayat ng Walang Salita.â)
Kaya kong mabata at mapagtiisan. Naiintindihan ng Diyos kung ano ang iyong pinagdaraana. Basahin ang Awit 55; Siya ay nakikipag-usap mismo sa iyo. Simula sa talata 6, âKung ako lamang ay may pakpak, parang kalapati, ako ay lilipad; Ako ay hahanap ng dakong panatag. Aking liliparin ang malayong lugar at doon sa ilang ako mananahan. Ako ay hahanap agad ng kanlungan upang makaiwas sa bagyong daratal.â Talata 12-14: âKayo kong mabata at mapagtiisan, kung ang mangungutya ay isang kaaway; kung ang maghahambog ay isang kalaban, kayang-kaya ko pa siyaây pagtaguan! Ang mahirap nitoây tunay kong kasama, aking kaibigang itinuturing pa! Kausap-usap ko sa bawat sandali at maging sa templo ay kasamang lagi.â
Magnakaw, pumatay, at magwasak. Kung ikaw ay âlumipad papalayo,â bumalik sa tahanan. Si Satanas ay nagdiriwang dahil muli siyang nakapaghiwalay at nanaig! Kuning muli ang kanyang ninakaw sa iyo; siya ay isang magnanakaw! âKaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupaây magkaroon ng buhayâisang buhay na ganap at kasiya-siyaâ (Juan 10:10). Ibigay sa Diyos ang tagumpay at ang testimonya sa pamamagitan ng paggamit sa lahat ng ito para sa Kanyang kaluwalhatian! Sa halip na ibato ang âiyong krusâ (ang iyong magulong buhay may-asawa), damputin ito muli at sundan Siya!
Pasanin araw-araw ang kanyang krus. âAt sinabi Niya sa lahat, âKung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akinââ (Lucas 9:23). Siguraduhin na ang iyong krus ay hindi mas mabigay kaysa ninais Niya para sa iyo; tanggalin ang lahat ng iyong kawalan ng pagpapatawad at hinanakit. Ito ay mabigat na pasanin at paglaon ay hindi mo na makakayang patuloy na buhatin ito. Ni hindi mo na nga yata makayang iangat ito ngayon, upang umpisahang sundan Siya.
Tanggalin ang anumang âgawain ng laman.â Ang laman ay papagurin ka at sisirain ka. Hayaang ang Diyos ang magbuo o magpanumbalik. Gamitin ang panahon na ito upang mapaibig sa Panginoon! Kung ang iyong krus ay masyadong mabigat upang pasanin, may mga pabigat sa iyon krus na ikaw ang naglagay doon. Hindi Siya nagsisinungaling at Kanyang ipinangako na hindi Niya tayo bibigyan ng mas mabigat pa kaysa ating kayang pasanin o pagtiisan!
Walang kang katulad Yahweh. Ngayon sabay-sabay nating dasalin ang ipinalangin ni Asa sa 2 Cronica 14:11. âWalang kang katulad Yahweh sa pagtulong maging sa dakila at hamak. Kaya tulungan Mo kami sapagkat sa Iyo lamang kami umaasa. Dahil sa Iyo, hindi kami natakot humarap sa ganito karaming kaaway. Ikaw Yahweh ang aming Diyos: huwag Mong itutulot na daigin ng tao.â
Ang mga nasa ibaba ay ilang sa mga maiikling testimonya (o Bunga ng Salita) mula sa mga taong piniling sundan ang mga kaparaanan ng Diyos, at hindi ang mga kaparaanan ng mundo:
Testimonya: Ang isang babae ay pumunta sa isang klase sa unang pagkakataon, isang linggo lamang bago niya dalhin sa kanyang abogado ang âebidensyaâ ng pagtataksil ng kanyang asawa. Ang sabi ng abogado kung maipapakita niya ito sa hukom, maaari niya makuhan ng mas maraming pera ang babae. Ang leksyon noong gabing iyon ay âKahanga-hangang Tagapayo.â Nang walang sinasabi kahit ano sa aming klase, umuwi siya at itinapon ang kahon ng sapatos na puno ng âebidensyaâ sa basurahan. Mula noon, ang kanyang asawa ay nagpatuloy sa pagbabayad ng kanyang mga gastusin kahit na nagpakasal na ito sa iba. Siya ay patuloy na nananalangin at nananampalataya sa Diyos.
Testimonya: Ang isang bata pang babae ay pinaniwalaan ang Diyos nang kanyang nabasa na âSiya and Tagapagbigay.â Nang kanyang nabasa ang mga papeles ng diborsyo, na inilalahad na siya ay makakatanggap ng di pa sapat na halaga upang bayaran ang maliit na upa para sa kanyang sarili at kanyang mga anak, nagpatuloy siya na manampalataya sa Diyos. Tapos kumilos siya ayon sa kanyang pananalig. Sinabi niya sa kanyang asawa na naniniwala siya dito at sigurado siya na tutulungan nito sila katulad ng ginawa na nito noon pa. Nagpatuloy nga ang kanyang asawa na bayaran ang lahat ng kanyang mga gastusin at binigyan pa siya ng perang pang-gastos paminsan-minsan mula sa mga ipon o pera ng nobya nito! Ang ibang babae at ang abogado ay sinubukang dayain ang mga papeles ng diborsyo, ngunit hindi sila nagtagumpay dahil ibinalik na ng Diyos ang puso ng kanyang asawa. Natuloy nga ang diborsyo, ngunit pagkatapos nito, ikinasal silang muli.
Testimonya: Ang isang babae na ang asawa ay nilalakad na ang kanilang diborsyo ay kinausap kami. Ang sabi niya, mayroon din daw siyang kaibigan na nag-ayos ng diborsyo. Ang sabi niya na masyado siyang naawa dito na nabigo siyang ibahagi sa kanyang kaibigan ang tungkol sa kanyang sariling magulong buhay may-asawa at siya ay nagtitiwala sa Diyos na tulungan siya.
Pagkatapos ng ilang linggo, nakarinig siya ng nakakagulat na balita: ang asawa ng kanyang kaibigan ay sobrang naapektuhan ng tungkol sa diborsyo na nagbalak itong patayin ang kanyang asawa bago niya ito hahayaan umalis. Pero ang patibong na kanyang itinago ay nabitag ang kanyang sariling paa; namatay ito sa isang sunog na sumira sa kanyang buong bahay.
Testimonya: Ang isang matanda ng babae ang pumunta sa Ministro ng Pag-bubuong Muli Internasyonal pagkatapos maging final ang kanyang diborsyo (kahit na ang kaibigan nito ay nagmakaawa, ilang buwan na ang nakakaraa, na ito ay pumunta na sa amin!). Ibinahagi niya sa iba ang nakakapanlumong epekto ng pakikipaglaban sa hukuman. Nakuha niya ang âlahat na dapat niyang makuhaâ: ang bahay, ang bagong kotse at alimonya. Pero ang kanyang dating asawa ayaw na siyang makita o makausap pang muli. Mayroon itong libo-libong halaga ng kapaitan o hinanakit na pinabayaran sa kanya ng hukuman sa kanyang asawa at sa abogado nito.
Testimonya: Isang babae ang pumunta sa isang prayer group (hindi Ministro ng Pag-bubuong Muli Internasyonal) at humiling na ipagdasal ang kanyang nalalapit na diborsyo. Ipinagdasal nila na ang hukom ay pagkakalooban siya at kanyang mga anak ng mabuti. Sinagot ng Diyos ang dasal na ito, ang hukuman ay binigyan siya ng malaking halaga ng pera sa diborsyo. Pagkatapos lamang ng ilang buwan, humiling siya muli ng dasal dahil ang kanyang asawa ay hindi siya pa binabayaran kahit isang sentimo! Muli, nagdasal sila na ang hukuman ay magiging mahigpit sa kanyang asawa. Ang kahatulan ay pabor na naman sa kanya.
Ilang linggo ang nakalipas, hiniling niya sa prayer group na ipagdasal na ang mga pulis ay âmahanap ang kanyang asawaâ at dalhin sa âhustisyaâ! Tumakas siya at pumunta sa ibang lugar upang maiwasan ang pagbayad. Sa puntong ito, ikinulong ng mga pulis ang kanyang asawa. Ang prayer group na iyon ay nabigong talagang magtiwala sa Diyos para sa kanyang proteksyon, na panumbaliking Niya ang puso ng kanyang asawa at ânaisinâ nito na magsustento sa kanyang pamilya. âAt buhat sa kayamanan Niyang hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Hesukristoâ (Filipo 4:19). Tanging ang paraan lamang ng Diyos ang magdadala ng âtagumpay.â
Huwag sundan ang kaparaanan ng mundo, magtiwala lamang sa Kanya. Ipinapangako ko na hindi ka Niya bibiguin. Kapag ikaw ay nagkumpromiso lamang o bumaling sa laman para sa lakas at proteksyon, saka magugulo ang mga bagay. Pero, maaaring kailanganing dumaan sa apoy ng pagpupunyagi (sa Kanya) upang marating ang tagumpay na inilalaan Niya para sa iyo. Bubuhatin mo ba ang iyong krus at susundan Siya?
Gaano kalaking pananampalataya mayroon ka? Sapat ba upang hayaan ang Panginoon na makipaglaban para sa iyo ng walang abogado? Mahal kong kapatid kay Hesus, tanggalin ang iyong abogado, at kunin ang kamay ni Hesus.
Personal na pangako: magtiwala sa Diyos lamang. âBatay sa aking natutunan sa Kasulatan, ipinapangako kong pagtiwalaan ang Panginoon na makipaglaban para sa akin sa labanan ito. Tatanggalin ko ang aking abogado (kung mayroon ako) at hindi ako magpapakita sa hukuman (pwera na lang kung ako ay malalagay sa alanganin o contempt).â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP m