Tagalog Cover

Kabanata 11 "Nasusuklam Ako Sa Naghihiwalay"

“Nasusuklam Ako sa naghihiwalay“

sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.

—Malakias 2:16

Bakit maraming mga kasal ang humahantong sa paghihiwalay o diborsyo? Nalaman na nating lahat ang mga istatistika...50 porsiyento ng unang kasal ay nagtatapos sa paghihiwalay at 80 porsiyento ng pangalawang kasal ay nagtatapos sa paghihiwalay. Ang ibig sabihin nito, 20 porsiyento lamang ng pangalawang mga kasal ang nagtatagal! Ang totoong kahiya-hiya ay kasing-rami din ng mga kasal ang nagtatapos sa paghihiwalay SA simbahan!! Ang mga Kristiyano ngayon ay tinatanggap na ang paghihiwalay bilang opsyon! Bakit naparakaming nabigong mga kasal o buhay may-asawa?

“Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato” (Mateo 7:25). Ang iyong bahay ba ay nakatayo sa ibabaw ng Bato? “Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Bumagsak ang bahay na iyon at lubusang nawasak” (Mateo 7:27).

Ang Bato na kailangan nating pagtayuan ay ang Salita ng Diyos! Ilan sa atin ang tunay na nakakaalam ng mga prinsipyo ng iyo nang nabasa sa aklat na ito tungkol sa buhay may-asawa? Oseas 4:6 ay sinasabi sa atin na “tayo ay nalipol dahil kinalimutan natin ang Kanyang kautusan.” Ito ay tunay na totoo para sa akin at sigurado ako na ito ay totoo rin para sa iyo!

Kaya kapag ang ating buhay may-asawa ay nabigo, ninanais natin na mapalaya sa kasal para lamang maulit ang mga pagkakamali sa pangalawa or susunod pang kasal o buhay may-asawa. Nasusuklam ang Diyos sa paghihiwalay o diborsyo, ngunit kung tayo ay nasa gitna ng gulo, eto ang tingin natin ang magbibigay ng kaginhawaan. Sinusubukan pa nating kumbinsehin ang ating mga sarili at ang iba na ang diborsyo ay ang nais ng Diyos para sa atin dahil ayaw Niya tayo magdusa. (Balikan ang Kabanata 4, “Maraming Pagsubok” kung ikaw ay naniniwala pa rin na ito ay totoo.)

Ang Kalinlangan

Kapag isinaisip natin ang maling kaisipan o ideya, ang Diyos ay nagsasabi sa atin: “Natutukso ang tao kapag siya’y naakit at napatangay sa sariling pita. (Ang kahulugan ng pita ay “pagnanasa” sa kung anong ipinagbabawal, katulad ng pagnanasa sa paghihiwalay o diborsyo kahit na sinabi ng Diyos na “Nasusuklam ako sa naghihiwalay.”) Kapag ang pita ay tumubo at nag-ugat, nagbubunga ito ng pagkakasala. Kapag lumala ang kasalanan, ito’y nagbubunga ng kamatayan. Huwag kang padaya, mga kapatid kong minamahal” (Santiago 1:14-16). Marami ang nagsasabi na wala namang mali sa paghihiwalay o diborsyo, lalo na sa ilang mga kalagayan.

Dapat nating sundin ang Diyos kaysa tao. Bawat tao ay may opinyon tungkol sa kasal at diborsyo (kung ano ang “tingin” nya ay sinasabi sa atin ng Diyos tungkol sa kasal sa Kanyang Salita). Ngunit, “Ang Diyos ang dapat natin sundin, hindi ang tao” (Mga Gawa 5:29).

Siya ang ating tanging pag-asa para sa kaligtasan. Huwag mo sundin kung ano ang sinasabi ng ibang tao. Sa halip, sundan ang Diyos; sundin Siya, dahil tanging Siya ang ating pag-asa sa kaligtasan. Huwag mong gawing kumplikado ang Kanyang Salita sa pamamagitan ng pagsubok na hanapin “ang tingin mo ay ibig Niyang sabihin.” Ang ibig Niyang sabihin ay kung ano mismo ang sinasabi Niya!

Hindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita tungkol kay Kristo. Pakiusap lang, manindigan ka sa mga itinuturo ng Diyos kahit pa ano ang popular o ilang mga tao sa inyong simbahan ang naghiwalay na o kaya ay nag-asawang muli. “Hindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita tungkol kay Kristo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat nananampalatya” (Roma 1:16).

Pakaintindihin na kung ang mga buhay may-asawa ay maililigtas, kailangan nating tumayo sa katotohanan! Ang mga pangalawang mga kasal na “mukhang” masaya ay sa katotohanan ay namumuhay sa pagkatalo, hindi sa testimonya ng katapatan ng Diyos. Nagpapatuloy sila na magdulot sa iba na maghirap o mamuhay ng di batay sa pinakamagandang paraan nais ng Diyos, ang mga bata ang lubusang naghihirap! At nagdudulot sila para ang marami na nakakaranas ng paghihirap sa kanilang buhay may-asawa ay madapa. Isang malaking tukso na maghanap ng pangalawang asawa kapag marami ang nagsasabi ng nakakita sila ng kaligayahan sa kanilang pangalawang asawa pagkatapos nila paalisin ang ang kanilang unang asawa!

Mahinahon na ituwid ang mga sumasalungat. Pakiusap lang, huwag pagtalunan ang isyu ng diborsyo. Ang bawat tao ay responsible na sabihin, ituro, at isabuhay ang katotohanan. Pagkatapos ang Banal na Espiritu ang mag-uusig, ang ang Panginoon ang magpapanumbalik ng puso. “Iwasan mo ang walang kabuluhang pakikipagtalo sapagkat ito’y hahantong lamang sa awayan.”

“Hindi dapat makipag-away ang lingkod ng Diyos; sa halip, dapat siyang maging mabuti sa pakikitungo sa lahat, mahusay at matiyagang guro. Mahinahon niyang ituwid ang mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sa ganitong paraa’y bigyan sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at malaman ang katotohanan. Kung magkagayon, magliliwanag ang kanilang isip at sila’y makawawala sa bitag ng diyablong bumihag sa kanila” (2 Timoteo 1:23-26).

Nakikilala ang puno sa bunga nito. Makikita nating ang “mga bunga” ng marami sa kanila na namamahala sa simbahan—yaong mga pinahintulutan ang malaganap na pag-aabuso ng mga “exceptions” para sa diborsyo. Nakita natin na ito ay nag-umpisa sa palusot na “pagtataksil o pakiki-apid” at humantong na sa diborsyo o paghihiwalay sa kahit ano na lang na dahilan! Katulad din ng nangyari sa isyu ng aborsyon o pagpapalaglag...panggagahasa, incest, at ang kalusugan ng ina na ngayon ay ginagamit na dahilan sa mababa sa isang porsyento ng lahat ng aborsyon na isinagawa! “Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa” (Mateo 7:16). “Ipalagay ninyong mabuti ang punongkahoy kung mabuti ang bunga nito, at ipalagay naman ninyong masama ang punongkahoy kung masama ang bunga nito. Sapagkat sa bunga nakikilala ang puno” (Mateo 12:33). Malinaw nating nakikita ang masamang bunga na nagawa sa pagtaliwas sa Salita ng Diyos—nasirang buhay may-asawa at nasirang mga pangako.

Ang Mga Tanong

Bakit natin kailangang intindihin at sundan ang Batas ng Diyos tungkol sa kasal?

Dahil ang mga pamilya ay nawawasak, at kung walang pamilya, ang pundasyon kung saan ang ating bansa ay nakatayo ay matatanggal na rin, at grabe ang ating pagbagsak! Tayo, bilang mga Kristiyano, ang masisisi. Hindi tayo maaaring magturo ng daliri sa iba dahil ang Diyos ay nangangako sa ating bilang mga nananampalataya na: “Sa sandaling ang bayang ito na Aking pinili ay magpakumbaba, manalangin, hanapin Ako at talikdan ang kanilang kasamaan, diringgin Ko sila. Patatawarin ko sila. At ibabalik Ko sa kanilang lupain ang katiwasayan at kasaganaan” (2 Cronica 7:14).

Pero, ang mga Kristiyanong kasal ay nawawasak o nasisira na kasing bilis ng yaong nasa mundo. Bakit? “Nalipol ang Aking bayan dahil sa di pagpapahalaga sa Akin” (Oseas 4:6). Ang mga Kristiyano ay nalilinlang, at sinusundan ang kaparaanan ng mundo kaysa mga kaparaanan ng Diyos.

Paano natin malalaman na hindi tayo nalilinlang tungkol sa kasal at diborsyo?

Pagbaling sa mga alamat. Marami doon sa mga nakaupo sa simbahan ay ayaw marinig ang katotohanan. “Sapagkat darating ang panahong hindi na nila pakikinggan ang wastong aral; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Mangagalap sila ng mga gurong walang ituturo kundi ang mga bagay lamang na gusto nilang marinig. Ibabaling nila sa mga alamat ang kanilang pansin at hindi na nila pakikinggan ang katotohanan” (2 Timoteo 4:3-4).

Tayo ngayon ay naghahanap ng mga makamundong solusyon para sa mga magugulo o sugatang buhay may-asawa, sa halip na hanapin ang Panginoon at ang Kanyang Salita. “Datapwat kayo ay isang lahing hinirang, mga saserdote ng Hari, isang bansang nakatalaga sa Diyos” (1 Pedro 2:9). Hindi tayo “mga taong nakatalaga sa Diyos” kung ating susundan ang laging tinatahak na daan na naghahantong sa korte para sa diborsyo!

Kaya hindi ninyo magawa ang ibig ninyong gawin. Ang Kanyang Salita ay laging konsistento; ang mga Salita ng Diyos ay taliwas sa mga pilosopiya ng mundo at minsan ay mahirap intindihin at sundin. “Sapagkat ang taong di nagtataglay ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraaan espirituwal” (1 Corinto 2:14). “Ito ang sinasabi Ko sa inyo: ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at huwag ninyong susundin ang pita ng laman...kaya hindi ninyo magawa ang ibig ninyong gawin” (Galacia 5:16-17).

Masamang bunga. Muli, madali nating makita ang “mga bunga” ng lahat ng Kristiyanong kasal o buhay may-asawa na nawasak dahil naniwala sila sa mga kasinungalingan. “Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Napipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa puno ng aroma? Nagbubunga ng mabuti ang bawat mabuting punongkahoy, subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy” (Mateo 7:16-17).

Mga Katotohanan sa Kasulatan na Maaaring Sandigan

Tayo’y maghanap pa ng mga Kasulatan upang makita kung paano tinitingnan ng Diyos ang kasal.

Ang kasal ay pang-habangbuhay. Sinasabi natin ang mga pangakong until death do we part. “Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” (Mateo 19:6). “At sila’y magiging isa. Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa” (Marcos 10:8).

Ang sabi ng Diyos nasusuklam Siya sa naghihiwalay! Pero, ang ilang mga babae ay kumbinsido na ang Diyos ang nag-akay sa kanila na kumuha ng diborsyo! Ang ilan ay nagsabi na ang Diyos ay “pinalaya ako.” Ang sabi Niya...“Nasusuklam Ako sa naghihiwalay, ang sabi ni Yahweh” (Malakias 2:16). Hindi siya nagbabago...“Si Hesukristo noong nakaraan ay siya rin sa kasalukuyan at siya rin magpakailanman” (Hebreo 13:8).

Hindi ikaw ang exception: “Ngayon ko lubusang natanto na walang itinatangi ang Diyos” (Gawa 10:34).

Ang pag-aasawang muli ay hindi isang “option”—ang Bibliya ay nagsasabing ito ay “pakikiapid o pangangalunya”! “pero ang sabi Ko (ang sinabi ni Hesus mismo) kapag pinahiwalay ng isang lalaki ang kanyang asawa nang hindi naman ito nangangalunya, at ito’y nag-asawang muli, ang lalaking iyo’y nagkasala—itinulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya. At sinumang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya” (Mateo 5:32).

“Kaya sinasabi Ko sa inyo: sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan liban sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. (At ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin)” (Mateo 19:9).

Nangangalunya. “Sinabi Niya (si Hesus muli) sa kanila, ‘Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa—siya’y nangangalunya’” (Marcos 10:11). “Ang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya, at ang nag-aasawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya rin” (Lucas 16:18).

Kung ang asawa ay namatay. “Samakatwid, nangangalunya siya kung makikisama siya sa ibang lalaki samantalang buhay pa ang kanyang asawa. Ngunit kung mamatay na ang kanyang asawa, hindi na siya sakop ng tuntuning iyon. At kung mag-asawa siya sa ibang lalaki, hindi siya nangangalunya” (Roma 7:3).

Taong mangmang. “Ang mag-isip mangalunya ay isang taong mangmang, sinisira ang sarili, buhay niya at pangalan” (Kawikaan 6:32). “Ang lalaking makiapid sa asawa ng iba ay papatayin, gayon din ang babae” (Levitico 20:10).

Paano na ang tungkol sa “exception” na sinasabi?

Muli, napaka-konting diborsyo sa simbahan ay dahil sa pangangalunya o pakikiapid, kahit na ito ang tamang “exception.” Sa totoo lang, sa lahat ng talata sa Bibliya, ang mga salitang “pangangalunya” at “pakikiapid” o “imoralidad” ay ginamit ng papalit-palit na tila ang mga ito ay magkakaparehong mga salita—pero hindi naman sila magkakapareho! Ang salitang “adultery” (batay sa Strong’s Concordance sa salitang Griego o orihinal na salita ay 3429 Moichao) nangangahulugang pagkatapos ng kasal. Ang salitang “fornication” (4202) ay nangangahulugang bago ang kasal. Ang mga ito ay dalawang magka-ibang mga kasalanan at hindi dapat ikalito.

Sa kaalamang ito, maaari nating isulat muli ang talata sa Mateo na may tamang translation: “pero ang sabi Ko (Hesus) kapag pinahiwalay ng isang lalaki ang kanyang asawa at ito’y nag-asawang muli, ang lalaking iyo’y nagkasala—itinulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya. At sinumang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya.” Kapag ang babae ay natuklasang hindi na birhen sa o bago ang araw ng kanyang kasal, doon lamang maaaring hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa. At muli, pinahintulutan lamang ni Moses ang mga lalaki na makipaghiwalay: “Dahil sa katigasan ng inyong puso, si Moses ay pinahintulutan kayo na hiwalayan ang inyong mga asawa; ngunit sa umpisa, hindi ito ganito.”

Sa madaling salita, HINDI mo maaaring hiwalayan ang iyong asawa sa anumang dahilan.

Mag-ingat sa pagsabi na “sabi ng Diyos sa akin”! “Ako’y laban sa mga propetang kumakatha ng sariling pangitain saka sasabihing iyon ang sabi ni Yahweh. Ako’y laban sa mga propetang nagsasalaysay ng kasinungalingan upang dayain ang aking bayan: Hindi ko sila sinugo at wala silang kabutihang idudulot sa bayang ito” (Jeremiah 23:31-32). “Nasusuklam Ako sa naghihiwalay, ang sabi ni Yahweh” (Malakias 2:16). Hindi kailanman tayo sinasabihan ng Diyos na lumabag sa Kanyang Salita! Hindi Niya kailanman binabago ito! Hindi kailanman!!

Dapat ka rin maging lubhang maingat sa iyong mga sinasabi tungkol sa diborsyo o pagpapakasal muli dahil maaari nitong maakay ang isang tao na makipaghiwalay o mag-asawang muli. “Napakahirap ng kalagayan sa daigdig dahil sa mga sanhi ng pagkakasala ng tao! Hindi nawawala kailanman ang mga sanhi ng pagkakasala, ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan nito!...Mabuti pa sa isang tao ang siya’y bitinan ng isang malaking gilingang-bato sa leeg at ihulog sa laot ng dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananalig sa akin” (Mateo 18:7, 6).

Marami na ang nalinlang. Kung ikaw ay naniniwala na nais ng Diyos ang diborsyo o paghihiwalay, ikaw ay nalinlang na. “Hindi ito dapat pagtakhan! Sapagkat si Satanas man ay maaaring magkunwaring anghel ng kaliwanagan” (2 Corinto 11:14).

Ang laman ay aani ng kamatayan. “Ang nagsisikap sa mga bagay ukol sa laman ay aani ng kamatayan. Ang nagsisikap ng mga bagay ukol sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan” (Galacia 6:8). Subukan kung gaano ka “kaganado” bago ka humayo ng may pananampalataya. Ang mga kagustuhan ng laman ay masarap ang pakiramdam sa laman; kung mayroon kang pagnanasa sa gusto mong gawin, hindi mo kailangan ng pagpapala para gawin ito. “Sapagkat ang mga pita ng laman ay laban sa mga ninanasa ng Espiritu, at ang mga ninanasa ng Espiritu ay laban sa mga pita ng laman. Magkalaban ang dalawang ito, kaya hindi ninyo magawa ang ibig ninyong gawin” (Galacia 5:17).

Ang Diyos at tanging Diyos lamang! Anong karunungan ang natamo mula sa marami nang nakitang nawasak at magulong buhay may-asawa? Ang Diyos at tanging Diyos lamang ang makakapagligtas at makakapagpatatag ng buhay may-asawa o kasal! Sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa Kanyang Salita!! Ngunit dapat mong malaman ang Kanyang Salita bago ka makapag-umpisang sundin ito. “Nalipol ang aking bayan dahil sa di pagpapahalaga sa akin...” (Oseas 4:6). Ito ang dahilan bakit DAPAT mong basahin ito ng paulit-ulit! Ito ang dahilan bakit dapat mong pagnilayan ang Kanyang Salita. Kung bakit dapat kang magpakabusog sa Kanyang Salita, hindi lamang araw-araw, ngunit buong araw!

Tayo ay personal na mangako at manindigan na

MANATILING KASAL

At hikayatin ang iba na gawin rin ito.

Personal na pananagutan: manatiling kasal at hikayatin ang iba na gawin rin ito. “Batay sa aking natutunan mula sa Salita ng Diyos, nanagutan muli ako sa aking kasal. Ipagpapakumbaba ko ang aking sarili kapag kailangan at gawin ang lahat ng hakbang bilang ‘tagapamayapa’ sa aking buhay may-asawa. Hindi ko pagtatakpan ang aking mga kasalanan o magiging dahilan para madapa ang kapwa ko. Iaalay ko ang aking mga labi sa pagpapalaganap ng Katotohanan ng Diyos tungkol sa kasal sa mabanayad at mapayapang paraan.”

Nagbuo kami ng “Samahan ng Pgbubuong Muli” upang tulungan ang mga babae na makahanap ng tulong o suporta na kanilang kailangan. Maghanap ng Kasamang Pampasigla upang makapanayam sa Internet o harap-harapan. Ipinapares namin ang mga babae sa mga babaeng nasa kaparehong kalagayan. Kung ikaw ay hiwalay or diborsyado o kung ang iyong asawa ay nag-asawang muli o patuloy pa rin nakatira sa inyong tahanan, makakakuha ka ng suporta at pang-unawa sa iyong Kasamang Pampasigla.

Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.

Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP m