Kabanata 10 "Naibabaling Niya Ang Isip"
Hawak ni Yahweh ang isip ng isang hari at
naibabaling Niya ito kung saan igawi.
âKawikaan 21:1
Ang lahat ba ay nagsabi sa iyo na ang iyong asawa ay may sariling pag-iisip; kung ganoon ay maaari niyang âpiliinâ na hindi bumalik sa iyo?
Kapag iyong sinisikap na buoin ang iyong buhay may-asawa, ikaw ay kukuyugin, katulad ng ibang mga babae, ng napakaraming tao na sasabihin sa iyo na desisyon ng iyong asawa o kanyang âkagustuhanâ na piliin kang iwanan o makasama ang ibang babae. Hinarap ko ang parehong kasagutan, lalo na sa mga pastor. Ngunit, purihin ang Panginoon, ipinakita Niya sa akin ang katotohanan!!!
Ang susi ay hindi ang kagustuhan ng iyong asawa, kung hindi ang kalooban ng Diyos! At habang hinahanap ang kalooban ng Diyos, ipinakita Niya na Kanyang kalooban na ibaling ang puso ng aking asawa sa akin, ang kanyang may-bahay, dahil kami ang Kanyang ipinagbuklod. Papuri sa Panginoon!!!
Hayaan mong ipakita ko sa iyo ang Kanyang ipinakita sa akin!
HINDI ang Kagustuhan ng Tao kundi ang Kalooban ng Diyos!!
âMaaari Niyang ibigay kaninuman Niya ibig...â (Daniel 4:32).
âMaibibigay Niya kaninuman ang kaharian...â (Daniel 4:25).
âAng Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin...â (Daniel 3:17).
Tingnan na lamang si Nabucondonosor. Pagkatapos ang kanyang kapalaluan ay nagdulot sa gumapang na parang hayup, ito ang sinabi niya tungkol sa Diyos, âLahat ng nabubuhay ay walang halaga. Ginagawa Niya sa hukbo ng langit ang balang ibigin Niya. Walang maaaring mag-utos sa kanya ni makasisiyasat sa Kanyang ginagawaâ (Daniel 4:35). Hindi ba ito ang parehong Diyos na kumikilos pa rin ayon sa Kanyang kalooban? Ang iyong asawa ba ay mas dakila kaysa Haring Nabucondonosor?
Tingnan din si Jonas. Si Jonas ay hindi nais gawin ang gusto ng Diyos na gawin niya, ngunit ang Diyos ay ginawa siyang pasunurin. âSi Yahweh naman ay nagtalaga roon ng isang dambuhalang isda. Nilulon nito si Jonas; siyaây nanatiling tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan ng isdaâ (Jonas 1:17). Ang Diyos ay HIGIT PA SA KAYA na pasunurin ang iyong asawa!!!
At sa kahulihan, tingnan si Pablo. âSamantala, masidhi ang pagnanais ni Saulo na usigin at patayin ang mga alagad ng Panginoon...biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakasisilaw na liwanag mula sa langit...tumindig si Saulo at idinilat ang kanyang mata ngunit hindi siya makakita...pinapunta ako rito ng Panginoong Hesus...sinugo Niya ako upang muli kang makakita at mapuspos ng Espiritu Santo. Pagdakaây may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo at nakakita na siya. Tumindig siya agad at nagpabautismoâ (Mga Gawa 9:1-18).
Ang Diyos ay HIGIT PA SA KAYA na baguhin ang iyong asawa sa isang iglap!! Nakita ko na itong nangyari sa di mabilang na beses na, sa aking sariling asawa at sa iba pang mga asawa! Kung iyong sasabihin, âNgunit hindi mo kilala ang aking asawa,â Sasabihin koâhindi mo kilala ang Diyos!!
Pagbaling sa Puso
Iyong maririnig ang mga pastor at iba pang mga Kristiyano na magsasabi na kagustuhan ng iyong asawa na iwanan ka, diborsyohan ka, o makasama ang ibang babae. Ngunit ating natutuhan lamang sa Kasulatan na hindi ang kagustuhan ng tao ngunit ang kalooban ng Diyos.
Maaaring kagustuhan nga ng iyong asawa na iwanan ka, diborsyohan ko o makasama ang iba. Gayunpaman, ang Diyos ay kayang baguhin ang kanyang puso!
Hindi natin kailangan mag-alala sa kanyang kagustuhan. Sa halip, kailangan nating magdasal para sa pagbaling ng puso ng ating asawa. âHawak ni Yahweh ang isip ng isang hari at naibabaling Niya ito kung saan igawiâ (Kawikaan 21:1).
Manalangin na ang Diyos ay bibigyan ang iyong asawa ng bagong puso at papalitan ang kanyang pusong bato ng pusong malambot! âBibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwaying ninyong puso ay gagawin kong masunurinâ (Ezekiel 36:26).
Ang unang hakbang sa pagbaling ng puso ng iyong asawa ay ang paghanap sa mga pangako ng Diyos, ang Kanyang mga katotohanan at ang pagsunod sa mga kundisyon ng kanyang mga pangako. Ito ang mga talata na aking isinaulo at ginamit upang ibaling ang puso ni Dan sa akin.
âKapag ang taoây kalugud-lugod sa Diyos, pati kaaway niya ay kanyang maaayosâ (Kawikaan 16:7).
âSa Diyos mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap moây iyong makakamtanâ (Awit 37:4).
âAng iyong sariliây sa Diyos mo ilagak, pag nagtiwala kaây tutulungang ganapâ (Awit 37:5).
âNgunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyoâ (Mateo 6:33).
Kapag inuna mo ang Diyos sa iyong buhay, uumpisahan Niyang ibaling ang puso ng iyong asawa sa iyo. Kailangan mong panibaguhin ang iyong isip sa mga talata sa kabanatang ito upang mapaglabanan ang mga pagdududang dulot ng paniniwala tungkol sa âkagustuhan ng tao.â
Ating tingnan ang Kasulatan na nagsasabi kung paano binago ng Diyos ang mga puso ng mga kalalakihan at pati na mga hari:
âAng Diyos...na pumukaw sa kalooban ng hari...â (Esdras 7:27).
âLalo kong pagmamatigasin ang mga Egipcio...â (Exodo 14:17).
âAng Faraon ay pinagmatigas pa rin ni Yahweh...â (Exodo 10:27).
â...Naibabaling Niya ito kung saan igawiâ (Kawikaan 21:1).
Sa aklat ng Mga Kawikaan natututo tayo ng karunungan. Ang unang kabanata ng Mga Kawikaan, talata 2 hanggang 7 ay inililista ang kahalagahan ng Mga Kawikaan.
Nagtatamo ng karunungan at pag-unawa sa mga salitang puno ng aral sa buhay.
Itinuturo ang matuwid na paraan ng pamumuhay.
Itinuturo din ang katuwiran, katarungan at katapatan.
Mabibigyan ng talino ang walang mga karanasan.
Mga kabataaây matuturuang magpasiya nang tumpak.
Basahin ang Mga Kawikaan araw-araw para sa karunungan! (Pumunta sa âDaily Devotionalâ sa aming website para sa mga talatang babasahin araw-araw.)
Ang Mga Asawang Hindi Nagnanais
Hindi lahat ng mga asawa ay bumabalik sa kanilang tahanan kahit pagkatapos ibaling ng Diyos ang kanilang mga puso. Maraming mga asawa, sa kamalasan, ay sinusuway ang kanilang mga puso dahil ang kanilang mga asawa ay ang dati pa ring mga babaeng pinili nilang iwanan. Muli pa, ang Diyos ay HIGIT PA SA KAYA na ibaling muli ang puso ng iyong asawa sa iyo. Ngunit kung ikaw ay pala-away pa rin, kung ang kabutihan ay wala pa rin sa iyong dila, kung hindi ka nagpapakita ng mayumi at maamong diwa, kung ganon kapag ang kanyang puso ay naibaling na sa iyo, ang DATING ikaw ay magtutulak sa kanya na tigasan ang kanyang puso at gumawa ng mental na desisyon imbes na desisyon mula sa puso!
Siguraduhin na basahin ng paulit-ulit ang aklat na ito! Siguraduhin na ikaw ay mamumuhay sa Salita. Siguraduhin na ikaw ay maglalabi ng mga oras na nakasubsob ang iyong mukha sa lupa, hinahanap ang Kanyang mukha. Dapat kang maging isang bagong babae para sundin ng iyong asawa ang kanyang puso at bumalik sa inyong tahanan! Tandaan, ang dahilan bakit ka iniwan ng iyong asawa o bakit siya nagtaksil ay dahil ang iyong tahanan ay hindi nakatayo sa bato. Ito ay hati; ito ay nawasak ng iyong mga salita at ng iyong ugaliâsa madaling salita, ang iyong pagiging pala-away at kayabangan.
Ating tingnan ang Mga Kawikaan at iba pang mga Kasulatan sa Bagong Tipan:
Dahil sa kamangmangan. âAng matalinong babae ay nagtatatag ng kanyang bahay, ngunit ang tahanan ay nawawasak dahil sa kamangmanganâ (Kawikaan 14:1).
Bahay ng masama. âAng bahay ng masama ay mawawasak...â (Kawikaan 14:11).
Bahay na nagkakabaha-bahagi. âBabagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat. At mawawasak ang alinmang bayan o bahay na nagkakabaha-bahagi at nagkakalaban-labanâ (Mateo 12:25).
Ngunit hindi nagiba. âKayat ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita Kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng batoâ (Mateo 7:24-25).
Naging bahagi. â...na ang batong panulukan ay si Hesukristo. At sa pamamagitan Niya, nagkaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at nagiging isang templong banal. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa Kanya, kayo maây kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espirituâ (Efeso 2:20-22).
Huwag paghiwalayin ng tao. âSumagot si Hesus, Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan na sa pasimulaây nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaât ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at silaây magiging isa. Kayaât hindi na sila dalawa kundi isa. Ang ipinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng taoâ (Mateo 19-4-6).
Ipinangako ng Diyos na ibalik ang iyong asawa sa iyo. âNagalit Ako sa kanila dahil sa kanilang kasalanaât kasakiman, kayaât silaây itinakwil. Ngunit matigas ang ulo nilaât patuloy na sumuway sa Akin. Sa kabila ng inasal nila, silaây aking pagagalingin at tutulungan. At ang namimighatiây Aking aaliwin. Bibigyan Ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit. Ang Aking bayan nga ay Aking pagagalinginâ (Isaias 57:17-19).
âMarahil, nawalay sa iyo siya nang kaunting panahon upang sa pagbabalik niyaây makasama mo siya habang panahonâhindi na bilang alipin (ng kasalanan) kundi isang minamahal na kapatid. Mahal siya sa akin, ngunit lalo na sa iyoâhindi lamang bilang isang alipin kundi isang kapatid pa sa Panginoonâ (Filemon 1:15-16).
Hanapin ang Panginoon upang basagin at baguhin ka kung iyong inaasahan ang iyong asawa na mahalin ka muli. (Tingnan ang aklat A Wise Woman Builds Her House: By a FOOL Who Tore Hers Down with Her Own Hands para sa dagdag na tulong.)
WALANG imposible para sa Diyos!
Naibabaling NIYA ito kung saan igawi!
Personal na pangako. Hilingin sa Diyos na ibaling ang puso ng aking asawa at huwag katakutan ang kagustuhan ng tao. âBatay sa aking natutunan sa Kasulatan, ipinapangako ko na magtitiwala sa Panginoon na ibaling ang puso ng aking asawa. Itinatakwil ko ang kasinungalingan na ang aking asawa ay may sariling kagustuhan; samakatwid, ang Diyos ay hindi makikialam para sa akin at sasagutin ang aking mga dasal. Sa halip, naniniwala ako na ang âkagustuhan ng aking asawaâ ay susunod pagkatapos maibaling ng Diyos ang kanyang puso pabalik sa aming tahanan.â
Kung handa ka nang mangako sa DIYOS na tapusin ang kursong ito, sa PAGPINDOT RITO, sumasang-ayon ka sa Personal na pangako, at handa ka nang itala sa kasulatan ang susunod na hakbang patungo sa iyong Lakbay ng Panunumbalik sa iyong form ng "Pang-Araw Araw na Tala". Huwag kang magmadali, maupo, kunin ang iyong kape o tsaa, at ibuhos ang iyong puso sa iyong Talaarawan.
Isa pa, kung nais mong may ma-kaparehang ePartner na TULAD MO MAG-ISIP m