EVG

Maligayang Pagdating, Ebanghelista!

Ester 4:14 “at sinong nakakaalam na kung kaya ka pinasapit sa kaharian ay dahil sa bagay na ito?”

Kami ay nasasabik na salubungin ka bilang BAGONG Ebanghelista! Ito ay isa sa pinaka IMPORTANTENG bahagi ng pagiging isa sa Kaniyang mga taga-Sunod!!

Marcos 16:15-16 “At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.”

Mateo 28:18-20 “At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. DAHIL DITO MAGSIYAON nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo.”

Mateo 4:18-20 “Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus.”

At dahil tinugon mo ang tawag ng Panginoon, nais naming matulungan kang alamin kung saan ka Niya ipapadala!

Isaias 6:8 –Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: “Narito ako; suguin mo ako.”

Ano ang ibig sabihin ng pagiging isang ebanghelista?

Karamihan sa atin ay pamilyar sa isang pastor o mangangaral, ngunit ang isang ebanghelista ay kahit na sinong taong dinala ng DIYOS sa isang mahirap na pagsubok upang makatulong sa pagbabahagi ng kanilang paglalakbay para makapanghikayat (o magbigay ng lakas ng loob) sa ibang tao na may katulad na pinagdadaanan. Ang isang Ebanghelista na may kakayanan na magpaalab ng apoy ng pag-asa—upang makatulong sa sa ibang dumaraan sa parehas na lambak, parehas na krisis, na may parehas na pakiramdam na kawalang pag-asa—at pagpapakita sa kanila na ang paghawak sa Kaniyang mga kamay ang tanging paraan upang makatakas o makatawid man lang sa kabilang bahagi.

“Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito.” 1 Corinto 10:13.

Paano kayo makakatulong sa akin upang ako ay maging isang Ebanghelista at matulungan ang mga kababaihang nagsusumigaw para sa pag-asa sa katulad o kaparehas na sitwasyon na tinutulungan Niyang mapagdaanan ko?

#1 Magkaroon ng Motivation, Manatiling Inspirado

Ang mga babaeng katulad mo ay handang tumulong at rumesponde sa mga pagtangis na Kaniyang naririnig. Sila ay nagbabahagi ng mga ulat ng papuri kung paano sila ginagamit ng Panginoon, paano sila inaakay, sa mga babaeng desperado sa paghahanap ng pag-asa. Sundan ang mga nakakainspire na kwentong katulad nito Evangelist# Evangelismo#  at siguraduhing magbahagi ng sarili mo —bigyang inspirasyon ang ibang kababaihang na may kakayanan na ‘Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng tao.’” (Marcos 16:15) dahil ito ang huling bagay na ibinilin Niyang gawin natin upang maipakalat Siya.

#2 Maging Laging Handa! Magkaroon ng Preparasyon!

Noon ay pinalalakas namin ang kalooban ng ibang kababaihan sa pamamagitan ng pagorder ng aming Hope Cards o pag print sa kanila at paggupit at pamamahagi nito. Ngunit ngayon, tinuruan Niya tayo ng mas madaling pamamaraan. Kapag ikaw ay nakarinig ng sinomang nagkukwento tungkol sa krisis sa buhay may-asawa, o kung paano ka Niya natulungang mapagdaanan ito, sabihin lamang na, “Mayroon akong alam na maaaring makatulong” at buksan ang iyong telepono at ipakita sa kanila ang HopeAtLast.com na iyong naibookmark. O mas mabuti, gumawa ng app (hanapin sa baba ng pahina upang makita kung paano).

Pagkatapos, hingiin sa kanilang buksan ang kanilang mga telepono at hanapin upang malaman mo na mayroon sila nito.

At kung ang iyong ministro ay nakahanda na sa pagtungo sa Paghahanap ng Love At Last, (Pag-ibig sa Wakas), gawin ang katulad na bagay ngunit sa PagibigsaWakas.org na.

#3 Pagsisimula ng SARILING Ministeryo

Kung ikaw ay nagdyodyornal sa mga kurso 1, 2 at 3, pagbubuhos ng iyong puso rito at pagkakaroon ng pagkakataon sa pinakailalim:  Pakiusap magbahagi ng maiksing testimonya, pakikipag-usap sa mga Nakababatang Kababaihan, na Dalaga pa rin base sa mga prinsipyo na galing sa kabanatang ito. Kadalasan kung ano ang iyong hiniling na iyong nagawa o hindi nagawa na maaaring makapagpabago ng takbo ng iyong buhay kung sakaling nalaman mo lang ang prinsipyong ito… At iyong nalagpasan ang pagsubok sa pamamagitan ng pagpapaubaya at Pagliban sa Facebook sa tamang tagal hanggat ligtas mo ng magamit muli ito—sa pagkakataong ito PANG HABANGBUHAY NA. Ngayon ay handa ka ng gawin ang sunod na hakbang. Basahin kung paanong madaling nasunod ni Eliza ang pag-akay ng Panginoon sa Pagsasam sa Pagkakataon.

Sinundan ni Eliza si Veronica na mayroong malaking ministeryo at kahit pa si Eliza ay nakahanap ng isang babae lamang, iyon lamang ang mayroon si Erin noong sinimulan niya ang kaniyang ministeryo! Ang RMI ay nagsimula noong mayroong dalawang kababaihan, ePartners, ang nagsimulang magdasal, sumunod sa mga prinsipyo (na ngayon ay bahagi na ng mga kurso) at maghikayat sa mga ibang babae na kanilang makakasalamuha!

TANDAAN DIN na hindi hinihingi ng Diyos na magsimula ng ministeryo mula sa wala. Tignan kung paano Niya inakay sa kanilang dapat gawin sina Veronica at Eliza.

Hindi ko pa nailalathala ang kahit na anong sinulat ko sa pahinang ito. Ang lahat ng matatagpuan rito ay ang mensahe ng pag-asa na matatagpuan sa French site at ang mga ibang links para sa mga kursong Pranses. Ang aking layunin sa paggawa ng page na ito nawa’y ang mga taong makasusumpong rito ay makapunta agad sa website na aidemaritale.com. Hindi ko sinubukang makipag-usap sa kahit na kanino. Nagdasal ako sa Panginoon na gamitin ang page na ito upang akayin ang mga nasasaktang kababaihan at kalalakihan tungo sa  Kaniyang katotohanan.

Ipost ang link sa lahat ng bagay na nakatulong sa iyo. Kung nais mo, magsimula sa pagpopost ng aralin kada linggo at gamitin ang dyornal upang ibahagi kung ano ang ipinakita Niya sa iyo. Sa ganito si Adele, ang aming French na Ministro, nagsimulang magbuo ng kaniyang ministeryo—sa pagdaan sa Finding the Abundant Life sa kaniyang French Blog.

Kaya’t ako ay nagbalik sa Facebook, gumawa ng panibagong account at lumikha ng page na  “Dieu peut et restaurera votre mariage”.

Upang makatulong sa iyong matuklasan ang pangalan na makakatulong sa iyo:

Pindutin ito upang matutunan ang tungkol sa Iyong Panibagong Pangalan at Pangalan ng Ministeryo.

Si Nancy, na may panibagong branch na nagmula sa "Restored by Grace“ ni Veronica ay nakaramdam ng tawag upang simulan ang Kaniyang ministeryo upang makatulong sa mga kababaihang Mahanap ang Kanilang Masagang Buhay. Ano ang iyong hilig? Hayaan mong tulungan ka namin, sagutan ang aming BNN and Your New Ministry Name.

Siguraduhing ikaw muna ay naginvest sa iyong ministeryo sa pamamagitan ng pagdaan sa aming kurso at dyornaling—sa ganitong paraan mo malalaman kung ikaw ay ipinatawag Niya at kung saan pg direksyon ka Niya nais na dalhin.

Sa oras na makita namin ang iyong hiling at makitang ikaw ay nagdaan sa ilang kurso mo, kami ay maglalaan ng panahon upang tulungan kang madiskubre ang iyong Ministeryo at Pangalan nito.

#4MAGTUNGO, maging Ebanghelista ONLINE!

Kung pakiramdam mo ay hindi kapa handa, o kung ang iyong hilig ay ang paghahanap ng mga babaeng nangangailangan ng tulong, sa gayon ang pagpunta sa mga prayer sites ay napakadaling gawin!

Hindi pa nangyari noon na maging posiblenang PAGPUNTA sa LAHAT ng nasyon sa pamamagitan lamag ng pagupo sa iyong laptop at paghahanap ng mga kababaihang nagsusumigaw ng tulong sa kanilang buhay may-asawa. MADALI mong matatagpuan ang mga kababaihang ito sa mga Prayer Sites!

Mga Website na may “Prayer Posting”—

Ikaw ay makakahanap ng mga kababaihang nagsusumigaw ng tulong sa pagpunta sa mga search engine, katulad ng Google, maaari mong itype ang “prayer posting website”  at maglalabas ito ng buong listahan, PAGES ng mga sites sa dalawang haligi!

MAGPUNTA sa Prayer Wall  at hanapin ang “marriage” kung saan iyong makikita ang mga babae (o lalaki) na maaari mong ipagdasal at bahagian ng HopeAtLast. Kapag mayroong nakapagturo na sa iyo dati ng HopeAtLast, iyong kumpirmahin na dito ka nakatagpo ng pag-asa. “Ang anumang sumbong ay kailangang patunayan ng dalawa o tatlong saksi.” 2 Corinto 13:1.

Hilingin sa Kaniyang akayin ka sa ibang sites, at ibahagi ang mga bagong sites na iyong makikita sa iyong Ulat ng PAPURI upang mahikayat ang mga kapwa brides mo na ikaw ay saluhan.

At dahil ang mga kababaihan ay nanghihingi lamang ng panalangin, ikaw ang magiging SAGOT sa kanilang panalangin kapag iyong kinopya at pinost ang bagay na tulad nito:

Sa HopeAtLast.com ko natagpuan ang pag-asa para sa aking buhay may-asawa….Dito ako nakatagpo ng pag-asa at kapayapaan at ag napakaraming patotoo ng mga walang kapag- pag-asang mga buhay may-asawa na naipanumbalik pagkatapos ng kataksilan at pagkakanulo. Huwag sumuko at huwag hayaang lamunin ka nito. ~Ang iyong BNN o “Panibagong Pangalan.”

PAKIUSAP Mag-ingat

Una sa lahat, maraming kababaihan ang lubos ang galit at hindi pa bukas sa pagtanggap ng tulong. Ang nais mo ay maghanap ng mga babaeng wasak, desperado at interesadong tumanggap ng tulong—hindi ang mapamintas na babaeng nandiyan lamang upang maglabas ng sama ng loob at hiyain ang kanilang mga asawa.

Ngunit, kung ikaw ay ganito noong natagpuan mo ang RMIEW at nararamdaman mong siya ang nais Niyang pag ministruhan mo, gayonpaman ay sundin ang Kaniyang pag-akay.

Gayunpaman, napakaraming mga babae, lalo na ang mga babaeng mapamintas, na magsusulat pabalik upang madagdagan ang kanilang kaalaman, kung ganoon ay ipadala sila sa HopeAtLast.com at ipaalam sa kanilang maaari silang mag fill-out ng Marriage Evaluation Form at makakakuha sila ng mga kinakailangan kinakailangang resources ng WALANG BAYAD.

Gayunpaman, nais naming maging maingat ka at mapagmasid—kung ikaw ay mahahatak sa isang diskusyon, maaaring hindi mo maibigay sa kanila ang “nais” nilang marinig at kadalasan ito ay magtutungo sa isang counseling kung saan hindi nila kailanman makakasalamuha ang Mighty Counselor.

Sa karagdagan, nais naming maging maingat ka at mapagmasid—kung ikaw ay mahahatak sa isang diskusyon, maaaring hindi mo maibigay sa kanila ang “nais” nilang marinig at kadalasan ito ay magtutungo sa isang counseling kung saan hindi nila kailanman makakasalamuha ang Mighty Counselor.

Sa pamamagitan ng pagpapakilala lamang sa mga kababaihan ng Kaniyang katotohanan, Kaniyang pag-ibig at Kaniyang mga kasagutan ay makikilala nila Siya—kaya’t pakiusap huwag ng magsalita ng higit pa sa ibinilin namin sayong iyong ipost:

Sa MarriageHelpOnline.com ako nakatagpo ng pag-asa para sa sa aking buhay may-asawa… Nakakita ako ng pag-asa at kapayapaan at nakapagbasa ng maraming testimonya na nakapagpalakas ng aking kalooban tungkol sa mga walang pag-asang pagsasama na naipanumbalik pagkatapos ng pagtataksil at pagkakanulo. Huwag sumuko o hayaang lamunin ka nito!~ Ang iyong BNN “Brand New Name” (Panibagong Pangalan)

  • Kung wala ka pang BNN “Brand New Name” (Panibagong Pangalan) pakiusap pindutin ito CLICK HERE upang matuklasan ang BNN “Brand New Name” na inilaan Niya para sa iyo, na iyong gagamitin na kapag ikaw ay magpapasa ng Ulat ng PAPURI at magtatanim ng pag-asa Online.

Kaya’t kung mayroong ibang magtatanong ng mas maraming bagay tungkol dito, icopy at ipaste lamang ang ganito:

Ako ay nalulugod na nagtanong ka, nagbibigay sila ng LIBRENG Marriage Evaluation sa HopeAtLast.com na makakatulong sa iyong masagot ang iyong mga katanungan at magbibigay sa iyo ng mga libreng eBooks at videos na maaari mong mapanood… kung nais mo, maaari kong ibahagi sa iyo ang Unang Kabanata ng libro na makapagbibigay sa iyo ng pag-asa! ~ang iyong BNN (panibagong pangalan)

Sa kasamaang palad, karamihan sa mga kababaihang nagsasagot ng Marriage Evaluation ay nais lamang ilabas ang galit o pag-usapan ang kanilang mga problema ngunit hindi talaga nakakatuklas ng kahit na anong makatutulong sa kanila. Kaya inuulit ko, siguruhing ipadala sila sa HopeAtLast.com upang makatanggap sila ng Libreng resources (kopyahin lamang at ipaste ang mensahe sa itaas).

Nais din namin na maging maingat ka sa dami ng iyong BINABASA sa bawat post. Ang nakakalungkot ay ang ibang babae ay nagbabahagi ng mga bagay na hindi dapat ibahagi sa kahit na kanino, kaya’t daanan lamang ang bawat posts, at hilingin sa Panginoon na akayin ka kung sino ang Nais niyang tulungan mo. Kapag nabasa mo na kailangan nila ng tulong sa buhay may-asawa nila ay ihinto na ang pagbabasa at ipost na ang iyong sagot, iingatan mo ang iyong pag-iisip at puso sa mga detalyeng maaaring makasira sa sarili mong pagpapanumbalik.

*At kapag nabasa mo ang post galing sa isang lalaki, ang kapwa webpages ng (MarriageHelpOnline.com at  HopeAtLast.com) ay may tulong para din sa mga kalalakihan.

** At kapag nakakita ng post mula sa isang lalaki, maging sobrang ingat na HUWAG ipost ang iyong pangalan at ang site ay HINDI maglalagay ng iyong email address. “Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa.” 1 Pedro 5:8.

Bakit may BNN “Brand New Name”? (Panibagong Pangalan)

Ang paggamit ng iyong BNN ay magdudulot sa iyong ibaling ang iyong atensyon mula sa iyong sarili patungo sa iba. Kaya bilang isang Ebanghelista, ikaw ay naglakbay na ng malayo sa iyong Paglalakbay tungo sa Pagpapanumbalik sa puntong ikaw ay espiritwal na humilom na, nasanay na sa panlabas at ang iyong layunin ngayon ay ang tawag sa iyong buhay na makatulong sa ibang kababaihan, kaysa sa iyong sarli.

Lilipas na ang panahon na ikaw ay magyayabang o maiinggit o magkukwento ng walang saysay, sa halip, ang pagkakaroon ng BNN ang makatutulong sa iyong magpost ng Panalangin at matutulungan kang magministro sa ibang kababaihan. Ngunit, ito ay dapat gawin ng may pag-iingat, sa paggamit ng iyong BNN, bilang isang babaeng may taglay na karunungan!

Kung paano binago ng Diyos si Sarai kay Sarah, si Abram kay Abraham, Simon kay Pedro, ikaw din ay mabibigyan ng panibagong pangalan na magdudulot sa iyong maging totoo at tunay, na hindi magdudulot ng hiya sa iyong pamilya at magdudulot ng atensyon sa iyong sarili.

Ang Iyong Ministro

Ang pagkakatagpo ba sa iyong pangalan ang makatutulong sa iyo upang simulan ang iyong minsteryo? Kadalasan sinasabi ni Erin na Siya ang tumutulong sa pagbibigay ng pangalan ng mga libro, hindi lamang para sa kaniyang sarili, ngunit katulad din ng kaniyang ginawa para kay Michele, katulad ng Poverty Mentality (Mentalidad ng Kahirapan) o Moving Mountains (Paggalaw ng mga Bundok). Kahit pa ang How God Can and Will Restore Your Marriage (Paanong Kaya at Gusto ng Diyos na Maipanumbalik ang iyong buhay may-asawa) na kaniyang sinasabi kapag siya ay nakakasalamuha ng mga babae—na ibinigay sa Kaniya bago pa man Niya ipinanumbalik ang kaniyang buhay may-asawa!

Maaaring isang salita lamang ito mula sa espesyal na bersikulo sa bibliyakatulad ng aming unang misyon, Caritas Radiantes. Ang pangalan ay nangangahulugang “Nagliliwanag na Maliliit na Mukha” mula sa Mga Awit 34:54-5, “Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan, Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.”

O maaaring ito ay mula sa iyong testimonya nga NAIPANUMBALIK na pagsasama at testimonya katulad ng ministeryo ni Veronica “Restored by Grace” noong siya ay nagsimula ng FaceBook group, oo, gamit ang kaniyang BNN.

 At inuulit ko, Magbasa Muli tungkol at tuklasin ang iyong BNN at

Ang IYONG KATANGI-TANGING ministeryo para sa mga kababaihan

Ikaw ba ay Nagsimula ng Tumulong sa mga Kababaihan?

Kung ikaw ay nagpapasa na ng mga ulat papuri, nagbibigay parangal kapag ikaw ay nakakapasa sa mga pagsubok (kahit ang mga pagsubok na hindi pa nakalista), o ang iyong testimonya ng iyong naipanumablik na pagsasama at ito ay nagamit na sa aming Encourager blog, ngayon ay maaari mo ng ipamahagi ang iyong katangi-tanging tag na nagpapahintulot sa mga kababaihang marinig ang iyong testimonya!

Isang halimbawa, ito ag tag mula sa isa sa aming translators, si Poppy, na nagmiministeryo na sa ibang babae. Noong siya ay nagbabahagi sa mga kababaihan ng isa sa aming mga Hope Cards: HopeAtLast.org o LoveAtLast.org Hope Card, sinusulat niya sa likod ito:

http://encouragingwomen.org/tag/poppy/

BNN Paano at KAILAN mo gagamitin ang iyong BNN

Sa Mga Prayer Sites

  1. Kapag ikaw ay nagpost ng isang panalangin sa prayer sites.
  2. Kapag ikaw ay nagpasa ng Ulat ng Papuri tungkol sa bunga ng iyong ebanghelismo—upang makapanghikayat ng ibang babaeng sumali at maging Ebanghelista.
  3. Kahit kailang inakay ka Niyang gamitin ito.

Filipos 2:3-4 —“Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.”

FSV— “Huwag ninyong gawin ang anuman dahil sa pansariling hangarin o dahil sa kayabangan. Sa halip, magpakumbaba kayo at ituring ang iba na mas mahalaga.”

SND—“Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o pagpapalalo. Sa halip, sa kapakumbabaan ng pag-iisip, ituring ninyo na ang iba ay higit na mabuti kaysa sa inyo.

Mga Katanungang at Kasagutan

Kung ikaw ay makakasalamuha ng isang taong susubok na makipagtalo tungkol sa kahit na ano, tandaang manatiling tahimik.

Mga Kawikaan 26:20 —“Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.

Mateo 10: 14 —“Sinumang hindi tumanggap sa inyo, o duminig sa inyong mga salita, pag-alis ninyo sa bahay o bayang iyon, ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa.”

Huwag magsalita ng kahit na ano, umalis na lamang atulad ng ipinaliwanag ni Hesus sa Mateo 10:14 sa pagpunta sa bagong Prayer Site.

Mateo 11:30—“Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.”

2 Timoteo 2:14 —“Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan mo sa harapan ng Diyos[a] na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salita na hindi mapapakinabangan kundi sa ikapapahamak lamang ng mga nakikinig.”

Mag order o Mag Print ng aming or print Hope Cards