Ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo,
ang pag-ibig ng Diyos,
at ang pakikisama ng Espiritu Santo,
ay sumainyo nawang lahat.
â2 Corinto 13:14
Ngayong umaga inakala ng anak kong babae na nakabukas ang aircon sa aming sasakyan (habang nagyeyelo na sa labas), at tinanong kung ako ba ay nakakaramdam ng pag-init ng aking katawan. Sinabi kong hindi, ngunit mayroon ako nito noong umagang nagdaan.
Kahit pa hindi ko ninais na magbahagi ng kahit na anong sobrang personal sa aking mga anak, ang nakakagulat, sila ay kamalayan ng mga kasalukuyan kong âkondisyonâ mula sa isang lumang palabas sa telebisyon na kanilang pinanonood isang tanghali. Isang hirit ng isa sa mga panaganay kong anak na lalaki habang bumaling sa akin ay (ang nag-iisang walang preno ang dila) ay nagtanong sa akin, dahil ako naman ay nasa âganoong edad na; hindi ba?â ay kung ako ba ay ânagdaraan na sa ganitong pagbabago ng aking buhay?â Inamin kong, oo, ako ay nandito na, ngunit tulad ng aking nabanggit, hindi ko binalak na magsabi sa kahit na sino ng kahit na ano.
Ang mga sobrang personal na usapin ay hindi lamang lanatarang pinag-uusapan sa telebisyon, ngunit sa pampublikong lugar din tulad ng trabaho. Ang mga babae ay tahasang nagsasalita at sumasang-ayon sa mga init ng katawan na ito ng walang ingat, at tinatalakay pa ang ibang bagay na gumagambala sa buhay ng isang babae ng lantaran. Bukod sa nais kong manahimik tungkol sa aking pinagdadaanan, at pakikipagusap lamang tungkol dito sa aking Asawa, ang tanong ko ay âNasaan ang biyaya?â biyayang tatakip sa atin at magtatago para sa mga bagay na dapat ay nananatiling pribado. Kahit pa ako ay may pinagdadaanang kawalan sa aking buhay, isang kalunos-lunos na krisis, mga pagpapawis sa gabi o init ng katawan, o pagkaramdam ko ng tila ay nasa isang rollercoater ang aking emosyon, desperado ako sa kagustuhang gawin ito ng may biyaya at tanggapin ng may kabaitan mula sa Panginoon ng hindi naghihikayat ng atensyon sa aking sarili. Hindi dahil ako ay nahihiya, ito ay dahil nais kong ang buhay ko ay mayroong pamagat Niya, hindi ako, bilang saksi. âKayo mismo ang aming sulat na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga taoâ (2 Corinthians 3:2).
Ilang taon na ang nakararaan, sigurado ako sa dahil sa aking pagiging isip bata bago magsimula ang aking paglalakabay sa panunumbalik, hindi ko kailanman nahawakan ng maayos ang mga mahihirap na sitwasyon. May kamangmangan ako kaya naniwala akong kailangan kong gumanti; at simula noong natuto ako, hindi na ganoon palagi. Kahit pa hindi ako kasing âsamaâ ng madalas kong nasasaksihan sa ibang kababaihan, kahit na, sa bawat pagkakataong nagpapaubaya ako sa aking damdamin, naiiwan akong mas malala kaysa sa aking sitwasyon bago ako gumanti.
Karamihan sa atin ay narinig sa mga sikolohiya (na wala namang alam talaga dahil madalas nilang sinasabi sa atin ang kabaligtaran ng sinasabi ng Diyos sa Bibliya) na kailangan natin ilabas ito parang sa takure. Alam ba ninyong ang teoryang ito ay napatunayang mali ilang taon na ang nakalipas, ngunit kadalasang tinatanggap bilang katotohanan?
Ang totoo niyan ay kapag hinahayaan nating lumabas ang mga bagay-bagay, mas madalas na lumalala an gating nararamdaman at naiiwan tayo dala ang rekasyon ng ibang tao at kanilang tugon kasama ng sa atin. Sa totoo lamang, sa una ay masarap sa pakiramdam, ngunit ang magandang pakiramadam na ito ay hindi nagtatagal, at hindi pa nababanggit ang tila dominong epekto nito na magsisimula: ang kahihinatnan ng kailangan mo ngayon harapin ang damdamin ng ibang tao na sinabihan natin. Kahit pa sila ay tumugon ng pagalit o nasaktan o nalito. Sila ngayon ay lalong nakagulo. Sa aking sariling buhay, kapag âhinahayaan koâ at ako ay tumugon, naunawaan kong lagi nalang mas lumalala ang aking pakiramdam at ang mas kalunos-lunos ay, naiiwan ako sa kahihiyan, at pagsisisi dahil bumigay ako sa aking nararamdaman. Ang kawili-wili pa, sa tuwing may isang saksi o sinomang nakarinig sa aking sinabi, kahit pa ilang beses nilang sabihin sa akin (nang tapat) na âayos langâ o kaya ay ânauunawaan nilaâ, hindi nito nababawasan ang pagsisisi sa aking kamangmangan na tumugon at ang opinyong maganda na tingin ng iba sa akin, ay nagbago na pang habang-buhay. At karamihan sa nagsabing naunawaan nila, ay hindi naman talaga nakaunawa.
At, kapag hindi natin âhinayaang lumabasâ o âpalabasin ang initâ hindi ba tayo sasabog? Sa totoo lamang ay hindi. Hindi kapag pinili nating itago ito tulad ng inilaan para ditto. Ilang taon na ang nakalipas, ipinakita sa akin ng Panginoon na kaya Niya ako hinahayaan sa mga ânakagigipit na sitwasyongâ ito ay upang palambutin ang ating mga puso tulad ng ginagawa ng isang pressure cooker! Gayunpaman, sa kalagitnaan ng bawat panggigipit na ito, hindi mo kayang panatilihin ang takip kung hindi mo isasannguni sa Panginoon at iiwan ang sitwasyon sa Kanya. Ang nakakamanghang parte ng pakikipag-usap sa Kanya ay bukod sa aalis tayong mas magaan ang pakiramdam, mas malaya, at magaan (tulad ng sinasabi ng iba), ngunit aalis tayong taglay an pambihirang biyaya. Kaninang umaga lamang ay napagtanto kong ang mga salitang âmagandaâ at âkaaya-ayaâ ay nag-ugat sa salitang pagpapala! Wow, gusto ko iyon. Samahan ako habang ating tatalakayin pa kung paano gumagana ang isang pressue cooker upang maihalintulad natin ito sa nais gawin ng Diyos sa mga pagsubok sa ating buhay.
Ang pressure cooker (ating mga pagsubok) ay isang selyadong kaldero na mayroong balbula na may kontrol sa presyon ng singaw sa loob (isang sitwasyon kung saan kontrolado ng DIYOS kung hanggang saan Niya papayagan). Habang ang kaldero/mga pagsubok ay umiinit, ang likido/Kanyang pagmamahal sa loob ay bumubuo ng mga singaw/luha, na nagtataas sa presyon sa ating kaldero/ating buhay. Ang mataas na presyong ito ay may dalawang benepisyo: mas pinabibilis niya ang pagkulo upang hayaan ang mas mataas na init na tulungan ang pagkain/pusong maluto/magbago ng mas mabilis, at habang ang presyon ay mas tumataasm nappwersa nito ang likido/pagmamahal sa pagkain/puso (sa mas madaling salita, ang mas matinding pagsubok ang nagpapasok nga Kanyang pagmamahal sa iyong puso). Ang mataas at patuloy na presyon (ng pagsubok) ay tumutulong ding pumwersa ng likido/pagmamahal at kahalumigmigan/Kanyang kapayapaan sa pagkain/puso ng mas mabilis, na tumutulong ding maluto/matapos ng mas mabilis at tumutulong din sa mga matitigas na karneng/matitigas na uso, na lumambot ng mas mabilis. At ang lasa/testimonya na nagawa sa pressure cooker ay talagang mas malalim at kumplikado âhindi tulad ng ibang uri ng paraan ng pagluluto/pagsubok.
Ang pagpapasalamat sa Panginoon ay hindi lamang sapat kapag naiiisip ko ang Kanyang pambihirang biyaya ng pang-unawa ng benepisyo ng isang pressure cooker! Ang init o singaw na nararamdaman kong nais kong tiiisin, dahil tulad ng lahat ng pagsubok, na nakakaasiwa, alam kong may magandang dulot sa aking pagkatao.
Ang ginawa ko upang makatulong na hindi lamang matis ang singaw (mainit na pakiramdam o pagpapawis sa gabi) ay kapag dinadala ko ito sa Panginoon at itinatanong sa aking asawa kun paano koi to pagdadaanan ng kaaya-aya. At sinabi Niya sa akin na yakapin ko lamang ito, at ipinaalalang gusto ko ang maligamgam na paliligo, Jacuzzi o ilang taon na ang nakalipas noong nauupo ako sa gym upang magpausok sa sauna. Natatawa ako, oo, dahhil bakit kailangan pang gumawa ng eksena kung maaari namang ipikit ko ang aking mga mata at isiping ang mapagmahal kong Mangingibig ang may dulot nito dahil ako ay espesyal at mahal Niya?! Kaya sa oras na ginawa ko iyon, hindi na ako matatakot o mangangambang ang pagbabago sa aking buhay ay âdaratingâ, sa halip ay magsisilbing paalala ng Kanyang pag-ibig sa akin.
Sa pamamagitan ng pagiging tapat, at pakikipag-usap ng isang bagay na hindo ko sana nais na ibahagi sa kaninoman, bilang kaibigan ay umaasa akong ang pagbabahagi ko ng aking utang na loob sa Kanyang pambihirang biyaya sa isa sa aking mga bagong pagsubok, ay makatulong sa iyong magtungo sa Panginoon, at itanong kung ano ang tingin Niya sa iyong kasalukuyang kondisyon. Maging pisikal o sitwasyon man ang iyong kondisyon. At habang tinatalakay ko ang lihim na katotohanan kung papaano kami magsisimulang mamuhay ng kaaya-aya, isang paghahambing ang pumasok sa aking isipan na tingin ko ay makatutulong sa iyo. Dail ang pag-kakaalala sa paghahambing (tulad ng ginawa ng Diyos sa Mga Kawikaan, ang pagpapakita ng sukdulan laban sa iba), ito ay nakatulong sa aking pagkahilig kong nais na âibahaguâ o hayaan ang mga bagay na malaman na dapat ay lihim lamang sa pamamagitan naming âmag-asawaâ (alam kong hindi ito tama, dapat mauuna ang ibang tao bago ako).
Paghahambing
Labing-tatlongtaon na ang nakakaraan, may isang bagay ang nangyari kung saan ako nakatira na naging balita sa buong daigdig. Ang nakamamangha ditto, ang mga taong sangkot ay mga kaibigang malapit sa amin, mga kasapi ng aming simbahan. At ang asawa ay isang babaeng nasa klase ko ng Babaeng Marunong; na napatunayang malakas ang loob at may boses.
Noong araw na iyon, tulad ng nakararami sa inyo, nanoood ako ng telebisyon ng hindi makapaniwala, hindi lamang sa mga pangyayaring nagaganap, kundi dahil lalo akong naintriga sa reaksyon ng mag-asawa bilang magkaibang tao. Ang asawang lalaki ay natutong maging sobrang tahimik na dahil sa sobrang reaksyon ng kanyang misis sa lahat ng bagay. Doon, sa telebisyon, nanonood ako habang siya, muli, ay gumawa ng eksenang sinanay niya ng gawin sa kanyang buhay (lalo sa kanyang buhay may-asawa). Kaya noong nagsimulang umere ng live ang mga camera, at ipinalalabas na sa buong mundo, walang nagawa ang mga ito sa paghina sa kanyang galit na mga pagsigaw. Kung mayroon man, sa pagkalalaam na may nanonood sa kanya, ay lalo pang mas tumindi ang hindi nya magandang asal.
Tayo ay magbalik sa ngayon kung saan labing-anim na buawan na ang nakalipas kung saan muli, naanatala ng balita ang normal na palabas, umandar muli ang mga camera sa aming maiit, at hindi gaanong mahalagang maliit na bayan. Sa oras na ito, mas hindi ako makapaniwalang nanonood ng telebisyon habang nakita ko ang isa sa aming malalapit na kaibigan, na nakaposas habang kinakaladkad ng mga pulis. Hindi nagtagal, habang nililitis, nasaksihan ko mismo ang asawa ng lalaking ito at hindi ko mapigilang ikumpara ang kaibahan ng dalawang babae, dalawang babaeng kilala ko ng personal.
Ang misis ng huli, na dating misis ng isang pastor, ay maihahalintulad ko sa babaeng tulad ni Jacki kennedy noong napatay ang kanyang asawang si Presidente Kennedy. Dahil lamang sa kanyang mahinahong kilos noong may daang-daang camera ang nakatutok sa kanyang mukha, kasama ang mag sumisigaw na mang-uulat, na saksi ang lahat. Ipinakita nito sa mundo ang hindi masukat na hinahonâhigit sa kaya nating maisip kung sa atin nangyari ang bagay na ito. Ang abbaeng ito at ang kanyang asawa ay malapit na kaibigan, naming ng aking asawa (ngayon ay dating asawa), kaya ako ay nanatili sa kanyang likod, at sumuporta sa kanya. Hindi lamang pagsuporta sa kanyang emosyon, kami rin ay tumulong na alagaan ang kanilang mga anak at tahanan (tulad ng paggupit ng mga anak kong lalaki sa kanilang damuhan), at pinipiling maupo sa kanyang likuran sa mga paglilitis na ipinalabas sa buong mundo. Ang nakalulungkot, kami lamang ang kanyang tanging suportaâlahat, bawat isa sa kanyang mga ibang kaibigan, lahat ay inabandona na siya. Bakit tilanakalimutan na ng mga Kristiyano ang âAng kaibigan sa lahat ng panahon ay nagmamahalâ at tayo ay mas kailangan ng husto sa panahon ng kagipitan?
Gaano ko man natulungan ang aking kaibigan at kanyang pamilya sa oras ng trahedyang ito ng kanilang buhay, na dekada ang itinagal (mayroon pa bas a ating magrereklamno sa kasalukuyan nating sitwasyon?), tinulungan nya akong makasaksi ng tunay na kabunyian. Oo, pagkahari. Ang pinon babaeng ito ay nagpamalas ng kahulugan ng pagiging anak ng isang Hari, na ang panagalan ay Hesus, at suot niya ang korona ng kanyang pagpapala tulad ng isang prinsesa. Nakita ko siya sa kanyang pinakamahusay at pinakamatindi, at sa harap man ng camera o likod ng mga pintuan kasama ang kanyang pamilya, ganoon ang kanyang kaanyuan. isang perpektong kapayapaan.
Walang may alam kung ang aking kaibigan ba ay bumibigay sa kanyang pook dasalan, tanging ang Nagmamahal lamang sa kanya ang may alam, ngunit ang aking nasaksihan ay habang buhay na magpapabago sa aking buhay. Ang kanyang halimbawa ang nagbigay sakin ng kagustuhang maging tulad niya at lahat ng nagsuot ng kanilang kaharian tulad ng isang korona habang hinaharap ang mga matitinding panahon sa kanilang buhay. Nais kong maging gaya ng kaibigan kong nasaksihan kong malapitan at sa likod ng telon, na humarap sa kahindik-hindik na atake na sasakal sa sinomang nabubuhay, ngunit naglakad ng walang takot dito (o ganoon ang itsura niya) ng may payapa at tahimik na espiritu. Tunay na isang prinsesa dahil alam kong ang kanyang tunay na Asawa, ang Prinsipe ng kapayapaan, ay laging kasama niya, sa kanyang tabi, at nakikita ito sa kanya.
Ang ating reaksyon ay hindi maaaring makapagpabago sa kurso ng mga pangyayaring ating kinakaharap, ngunit mababawasan nito ang epekto ng pagkakonsensya at kahihiyan o kabulastugan ng isang bagay na nabanggit, na nakadadag lamang sa ating mahirap ng kalagayanâkapag tayo at bumigay sa ating nararamdaman. Kung kayaât, ang totoo lamang ay, hindi ito makatutulong sa ating gumaan ang pakiramdam sa oras na âilabas nating lahat,â ngunit sa halip, ito muli ay magiging panahon kung saan mapapalampas natin ang nararapat at pagkakaroon ng pambihirang pagpapala na yumayabong: kapag mas madilim ang araw, mas matarik ang aakyatin, mas matindi ang pagbagsak
Para sa akin, nais kong ipakita sa mundo (magsisimula sa pamilya kong pinakamalalapit sa akin) na ang Aming asawa ay tunay at ang Kanyang biyaya ay lumalagpas sa lahat ng paghihirap ng buhay kong ito. âSinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.â (Juan 16:33 ASND). Ang Kanyang biyaya, na matatagpuan sa Kanyang pagmamahal, ay ang makatutulong sa mga babaeng ângumiti sa hinaharapâ kapag ang hinaharap ay mukhang isang madilim na butas. Hindi dahil sa matapang tayo, hindi talaga, ngunit dahil sa alam nating kung Sinyo ang may hawak ng kinabukasan, at alam natin kung papaano magtatapos ang Kanyang kwento. Huwag din nating kalimutan na, kadalasan, ang mga âmaliliit na soro ang sumisira sa puno ng ubas.â Sa madaling salita, ang maliliit na bagay na kailangan nating talakayin at mapagtagumpayan: bagay tulad ng menopos, pag-iwan ng asawa, pagtanggi mula sa pamilya, o kasiraang pinansyal. Kapag lamang nagapi natin an gating âsariliâ sa kalagitnaan ng mga ito, ay saka natin mapagtatagumpayan ang mas malalaking paparating sa ilan sa atin.
O, ang pambihirang pagpapala.