Sa ikapitong pagtanaw, napasigaw ang utusan,
âMay nakikita po akong ulap
kasinlaki ng palad...â
â1 Mga Hari 18:44, MBBTAG
Ang panimulang taludtod ay tumutukoy sa pananampalataya ni Elias, ang propeta, na isa sa mga paborito kong taludtod dahil sa prinsipyo nitong nais kong niyayayakap. Sa totoo lamang, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagsimula si Erin sa paglalathala ng mga ulat papuri sa site ng RMI, kung papaano niya sinabing, ang nagsimula ang pagbabahagi ng ulat papuri. Bago pa man magsimula ito, iniaanunsyo niya na nais niyang turun ang mga miyembro ng ministeryo na hanapin ang ânapakaliit na ulapâ na magaanunsyo, ng may pananampalataya, na an kanilang milagro ay paparating na. Noong narinig ko ito, nagsimula na ako magpadala ng ulat papuri ng madalas, at nag-aanunsiyo sa bawat pagkakataon na may gagawin ang Panginoon sa aking buhay upang ang mga ibang kababaihan ay manabik din, gaano man kaliit ang ulap.
Kung nabasa niyo rin ang kanyang librong Paano Maipapanumbalik Muli ang Pagsasama, kung gayon ay nabasa niyo rin ang maraming taludtod na tungkol sa pananampalataya. Upang papanariwain ang mga isip nating lahat, ito ang ilan sa aking paborito:
âSumagot si Jesus at sinabi sa kanila, âKatotohanang sinasabi ko sa inyo, kung kayo'y may pananampalataya at hindi nag-aalinlangan, hindi lamang ninyo magagawa . . .  kahit sabihin ninyo sa bundok na ito, âMaalis ka at mapatapon sa dagat,â ito ay mangyayariââ (Mateo 21:21). Gaano man kaimposible.
âKaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristoâ (Roma 10:17). Muli ang pagbuo ng pananampalataya ng isaât-isa ng dahil sa pakikinig sa imposibleng bagay na Kanyang ginagawa sa iyong buhay, gaano man ito kaliit.
At huli, ang aking dalawang pinakapaborito: âNgayon, ang pananampalataya ay ang katiyakan sa mga bagay na inaasahan, ang paninindigan sa mga bagay na hindi nakikitaâ (Mga Hebreo 11:1). âAt kung walang pananampalataya ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos . . .â (Mga Hebreo 11:6).
At pa, bilang kapalit ng prinsipyo para sa kabanatang ito, sa susunod na taludtod na ito ay maaaring ang pinakamahalaga tungkol sa ating pananamalataya: âDahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaĘźt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoĘźy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan, para masubukan kung talagang tunay ang pananampalataya ninyo. Katulad ng ginto, sinusubok ito sa apoy para malaman kung tunay o hindi. Pero mas mahalaga ang pananampalataya natin kaysa sa ginto na nawawala. Kaya kapag napatunayang tunay ang pananampalataya nĘźyo, papupurihan kayoĘźt pararangalanâ (1 Pedro 1:6-7).
Ang patunay n pananampalataya ni Elias ay higit na mahalaga kaysa sa ginto para sa Diyos dahil ito ay nagdulot ng kapurihan, kaluwalhatian at karangalan sa Kanya. Hindi kailangan ng Diyos an gating pera, dahil lahat ng ginto at pilak (at lahat ng nasa mundo) ay sa Kanya naman. Hinihingi lamang ng Diyos na magbigay tayo ng ikapu mula dito, at mabiyayaan ang iba ditto mula sa ating mga alay, upang mabigyang daan ang pagbubukas ng binate ng langit para sa atin. Kahit sa ating pagbibigay, sinisilip Niya an gating kalooban upang makita ang ating pananampalataya. Tayo ba ay nagtitiwala sa Kanya o hindi?
Nakatutuwang ang pananalapi ay ang pinakaunang naing halimbawa na naiiisip kapag pinag-uusapan ang pananampalataya, dahil ito naman talaga ang nais kong ibahagi sa inyo. Ngayong linggo, nakatanggap ako ng maliit na ulap sa aking lalagyan ng liham, perang hindi pa lalaki sa kamao ng isang lalaki. Kaya tulad ni Elias na mayroong husto ang ganap na kumpyansang ang pagkakita sa maliit na ulap na ito ay nangangahulugang ang ulan ay bubuhos sa kanyang buhay, kaya ako din, ay may kumpyansang ang mga pag-ambon sa akin (malakas na pagbagyo) ay darating din sa akin pananalapi. Ang kumpyansa ay ipinaliwanag bilang âang pagiging sigurado na ang pagkakaroon ng abilidad, pagpapasya, at mapagkukunan na kinakailangan upang magtagumpay,â Oo, Panginoon.
Kaya, Wowâito ang halos kabuuan nais ko talagang sabihin: mayroon akong kumpyansa sa Diyos na mayroon Siyang kakayanan, pagpapasya at higit sa lahat, ang mga mapagkukunan na kinakailangan upang matulungan akong magtagumpay. Ang kumpyansa ko ay hindi mula sa aking sariliâtalagang hindi! Sa totoo lamang, alam kong wala akong kakayanan, pagpapasya at mapagkukunan na kinakailangan upang magtagumpay ako sa aking bagong posisyon bilang solong ina ng napakaraming bata, at wala din akong kakayanan, pagpapasya at mapagkukunan upang masustentuhan sila ng mag-isaâkaya talagang nag-aabang ako sa ulap na nangangahulugan ng pagbuhos na darating.
âSinabi ni Elias kay Ahab, âUmahon ka, kumain ka at uminom sapagkat may hugong ng rumaragasang ulan.â Kaya't umahon si Ahab upang kumain at uminom. Si Elias ay umakyat sa tuktok ng Carmel; siya'y yumukod sa lupa at inilagay ang kanyang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod.Kanyang sinabi sa kanyang lingkod, âUmahon ka ngayon, tumingin ka sa dagat.â At siya'y umahon at tumingin, at sinabi, âWala akong nakikita.â At kanyang sinabi, âHumayo ka ng pitong ulit.âSa ikapitong pagkakataon, ay kanyang sinabi, âTingnan mo, may lumitaw na isang ulap mula sa dagat na kasinliit ng kamay ng isang lalaki.â At kanyang sinabi, âHumayo ka. Sabihin mo kay Ahab, âIhanda mo ang iyong karwahe, at ikaw ay lumusong baka mapigil ka ng ulan.ââ Pagkaraan ng ilang sandali, ang langit ay nagdilim sa ulap at hangin, at nagkaroon ng malakas na ulan.â (1 Mga Hari 18:41-45).
Ang kwento ni Elias ay nagsimula noong nagdulot ang Diyos ng tagtuyot sa Samaria kung saan siya naninirahan. At ang tagtuyot na ito ay ipinadala ng Diyos upang mailagak si Elias sa posisyon ng pagdadala ng karangalan sa Kanya (at masira ang kasamaan sa kanilang lupain). Ito ang isa sa pinakapaborito kong kwento sa Bibliya para sa napakaraming kadahilanan. Una, ipinaalala nito sa atin na sa bawat sitwasyon na kinalalagyan natin, Diyos ang may kagagawan, at inilalagay niya tayo sa posisyon kung saan ipapakita Niya ang Kanyang kapangyarihan upang maiangat tayo. At ang dahilan kung bakit nais kong sumigaw at sumayaw ay ang pagkakasaksi sa pananampalataya ng isang lalaki na nakakita lamang ng isang maliit na ulap, gayong ang kanya talagang kinakailangan at inaabangan ay ang isang malakas na pagbuhos, na, sa pagkakakita lamang sa maliit na ulap na ito ay nagdulot upang siya ay kumilos. Kamangha-mangha! Â
Mapapansing bago pa ito marinig, sinabi ni Elias na mayroon NG tunog ng malakas na pagbuhos. Ito ang nagpaalala sa akin ng susunod na taludtod na aking sinaulo sa simula ng aking paglalakbay at sinabi ko ring isa sa aking mga paborito, âKaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.â Ang kanyang narinig ay ang salita ng Diyos na nagsasabing maaari natin Siyang pagtiwalaan sa ganitong bagay. Kahit pa pinaalis ni Elias ang kanyang utusan upang kumain at uminom, sa halip ay naiwan siya upang makipag-isa sa Diyos. Sa Ang Salita Ng Diyos na bibliya ay sinabing siya ay, ânanalangin, na nakaluhod at nakayuko sa lupaâ na naisip kong kanyang gingawa o maaaring siya ay nakayuko upang makinig lamang.
Siyempre, ang pinakamagandang parte ay kung papaanong nagpatuloy si Elias, ng buong pitong beses, na magsabi sa kanyang utusan na bumalik at tignang muliÂâsa KAALAMANG ang mga ulap ay darating! At Muli, hindi ang pagbalik ng tumatakbo ng kanyang alipin at nagsusumigaw na nakita niya ang ulap ng bagyong paparating sa kanilang daanan. Ang sinabi lamang nito ay nakakita siya ng ulap na sing laki ng kamao ng isang lalaki! kaya ibig sabihin nito ay hindi kapag nakatanggap ka lamang ng malaking cheke na iyong hinihintay, ngunit isang bagay na maliit at walang halaga na hindi man lang sasapat pambayad ng isa sa mga bayarin mong lumipas na. O, sa pagkakataon ng paghilom, hindi kung kalian ikaw ay makatatayo at makakalakad na, kundi ang makaramdam lamang ng pinakamaliit na kiliti sa iyong mga paa.
Ang karadagang patunay sa kanyang pananampalataya ay hindi na naghintay ng mas maraming ulap na mabuo para isugo ni Elias ang kanyang alipin, ngunit sa maliit na ulap na ito ay hinimok niyang umalis kaagad ito, bago siya abutan ng malakas na ulan upang hindi siya mapigilan na ipaalam sa lahat na ang pag-ulan ay darating na!!
Ano ang palagay ninyo dito bilang kapana-panabik? At kung talagang nais ninyong manabik, basahin lamang ang buong 1 Mga Hari 18 ng buo. Hindi, mabuti pang magsimula sa 1 Mga Hari 17, dahil dito ipapakita ang ibang bagay tungkol sa Diyosâbinubuo Niya an gating pananampalataya sa puntong tayo din, ay, makakakita ng maliit na ulap upang tayo ay kumilos ng may buong paniniwala.
Dahil alam ko ang pananampalataya ni Elias ay nabibiyayaan ako, naiisip ko pa lamang kung papaanong nabiyayaan nito ang Diyos kung mayroon lamang maliit na bilang ng sanlibutan ang nagtiwala sa Kanya sa ganoong antasâat nais kong mapabilang sa kanila. Ikaw? Ano ang antas ng pananampalataya mo sa ngayon? Nakatatawa tayong mga Kristiyano. Inaangkin natin na nais natin ng makapangyarihang testimonya, ngunit ayaw nating pagdaanan ang mga kahindik-hindik na sitwasyong at krisis na pinagmumulan ng mga ganitong klase ng testimonyaâang mga uri na nagpapabago ng buhay habang nasasaksihan nila an gating pananampalataya at kapayapaan sa kalagitnaan nito. Hindi umaasa sa ating mga sarili o sa tulong ng iba, sa halip ay naghihintay, nakikinig at nagtitiwala na gagawin Niya ang Kanyang ipinangako.
Gayunpaman, tulad sa lahat ng bagay, kinakailangan ang Panginoon at ang Kanyang pagmamahal upang baguhin tayo sa puntong maipapamalas natin ang ganitong uri ng pananampalatayaâat madalas, nangangahulugang Siya ang Bubuhat sa atinâbubuhat sa patawid sa mga krisis na yumanig sa ating mundo. Alam ko. Sa totoo laman, sa panahon na ng krisis na ako ay âkarga nyaâ ay saka tayo nagbabago ng husto. Ang hula ko dito ay sa tuwing tayo ay karga Niya, tayo ay namamahignga ng malapit sa Kanyang puso. Ito lamang dapat ang makakatulong sa atin upang huwag matakot sa ano mang kakila-kilabot na sakuna ang nakahandang pagdaanan natin. At kapag tayo ay nasa mapagmahal Niyang mga bisig, at nakasubsob an gating mga mukha sa Kanyang dibdib, alam nating madadala Niya tayo kahit saan, o sa kahit na anong bagay, hindi ba? Sa pagbanggit lamang nito sa inyo ako ay nagkaroon ng higit na kapayapaan at kaligayahan sa kalagitnaan ng aking kasalukuyang sitwasyon, Umaasa akong ganon dinang naidulot nito sa inyo!
Kaya bago tayo magpatuloy sa susunod na kabanata, tapusin natin ito sa pamamagitan ng pagbabasang isa sa aking paboritong taludtod at isa na lagi kong nagagamit sa tuwing nagmumukhang wala ng pag-asa.
âBagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak, ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas; ang olibo ay hindi magbubunga, at ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain; ang kawan ay aalisin sa kulungan, at hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan, GAYUNMAâY magagalak ako sa Panginoon, ako'y magagalak sa Diyos ng aking kaligtasan.  Ang Diyos, ang Panginoon, ay aking kalakasan; ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa, pinalalakad niya ako sa aking matataas na dakoâ (Habakuk 3:17-19)
Ang Salita Ng Dios: âMagagalak pa rin ako dahil ang Panginoong Dios ang nagliligtas sa akin.  Siya ang nagbibigay sa akin ng kalakasan. Pinalalakas niya ang aking mga paa na tulad ng mga paa ng usa, upang makaakyat ako sa matataas na lugar.â
Magandang Balita Biblia: âBagama't di namumunga ang puno ng igos at hindi rin namumunga ang mga ubas, kahit na maantala ang pamumunga ng olibo at walang anihin sa mga bukirin,
kahit na mamatay lahat ang mga tupa at mawala ang mga baka sa kulungan, magagalak pa rin ako at magsasaya,  dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin. Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan.Â
Kung nakikibaka ka sa pagbibigay ng papuri sa Diyos, ng may buo at kumpletong pananampalataya sa KALAGITNAAN ng krisis, kung gayon ay hinihikayat kitang bumili o magtungo sa lokal na aklatan ninyo upang kumuha ng libro ni Merlin R. Carothers na Prison to Praise. At kung ikaw ay nag-aalala na hayaan ng Diyos ang mga apoy sa iyong buhay na maging masyadong mainit upang iyong makayanan, siguraduhing basahin ang debosyonal na Streams in the Desert sa petsang Oktubre 29, na nagsisimula sa taludtod na ito, âSiya'y uupong gaya ng nagpapakintab at nagpapadalisay ng pilakâ (Malakias 3:3) at ang tula nito ay nagtapos sa,
Kaya Siya ay naghintay ng may maingat na pagtingin,
Ng may pagmamahal na malakas at tiyak,
At ang Kanyang ginto ay hindi na dumanas pa ng kaunti pang init,
Sa higit na kinakailangan upang ito ay maging dalisay.