âSapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at
Magaan ang aking pasan.â
âMateo 11:30
Bilang Kristiyano, ikaw at ako ay makatatagpo ng bawat pagkakataon sa ating buhay kung saan wala tayong ibang nais kundi ang sumuko. Walang dakilang lalaki o babaeng ating nabasa na, kahit gaano karangal, ang hindi nakaranas ng pakiramdam o nag-isip na sumukoâwalang isa. Kahit si Hesus, nang nakaluhod, habang umaaagos ang dugo mula sa Kanyang mukha ay nagtanong sa Diyos kung may âibang paraan paâ sa halip na sa krus noong Siya ay nanalangin noong gabi sa Getsemani. Ito ay natural, at inaasahan pa nga ang ganitong pakiramdam.
Ang kaibahan sa pagitan noong di nagtagal ay tinaguriang âdakila,â laban sa hindi nakakatapos at napupunta sa mga pahinang binabasa nating mga Kristiyano upang mahikayat, ay kung ano ang ginagawa ng taong ito sa mga kaisipan o pakiramdam ng pagsuko. Ang ibang tinawag para sa kadakilaan, yaong mga hindi na natin nariringgan muli ay ang mga taong piniling kumilos laban sa mga kaisipan o pakiramdam na itoâang pagtalikod. At pa, ang mga piniling magpatuloy, tulad ni Hesus, ay ang mga umaasa sa Isang tao o isang bagay na mas dakila upang sila ay dalhin para malampasan ito. PAG-IBIG. â Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos. . .â (Juan 3:16).
Ang lalaking may-akda ng karamihan sa Bagong Tipan, ang apostol na si Pablo, ay maraming masasabi tungkol sa pagsuko. Sinabi niya, sa wakas, âNakipaglaban ako ng mabuting pakikipaglaban, natapos ko na ang aking takbuhin, iningatan ko ang pananampalataya. Kaya't mula ngayon ay nakalaan na sa akin ang putong ng katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na iyon, at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kanyang pagpapakitaâ (2 Timoteo 4:7-8).
Ang lalaki bang ito, si Pablo, ay kinailangang magtiis at pagdaanan ang pinakamahihirap upang makatulong sa atin? Isang araw, habang kailangan niyang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga Taga Corinto, sinabi niya ito, âAko'y nagsasalita na parang isang baliw. Lalo pa ako na mas maraming pagpapagal, mas maraming pagkabilanggo, ng di mabilang na bugbog, at malimit na mabingit sa kamatayan. Sa mga Judio ay limang ulit akong tumanggap ng apatnapung hagupit, kulang ng isa. Tatlong ulit na ako'y hinampas ng mga pamalo, minsan ako'y pinagbabato. Tatlong ulit na akong nawasakan ng barko, isang araw at isang gabing ako'y nasa laot;
âNasa madalas na paglalakbay, nasa panganib sa mga ilog, panganib sa mga magnanakaw, panganib sa aking mga kababayan, panganib sa mga Hentil, panganib sa lunsod, panganib sa mga ilang, panganib sa dagat, panganib kasama ng mga huwad na kapatid; sa pagpapagal at hirap, sa mga pagpupuyat, sa gutom at uhaw, madalas na walang pagkain, giniginaw at hubad.
âBukod sa mga bagay na nasa labas, ako'y araw-araw na nabibigatan sa alalahanin para sa mga iglesya. Sino ang mahina, at ako ba'y hindi mahina?â (2 Corinto 11:23-29).
Karamihan sa atin ay napapakunot-noo kapag naiiisip nating kailangan nating pagtiisan ang mga kahirapan upang makatulong sa iba gamit an gating patotoo. Kung aaabot na tayo rito, hanggat wala tayong makukuha mula rito, karamihan sa atin ay susuko na lamang at pipiliing tumalikod. Ako ay magiging tapat sa inyo, ang aking âdating ginagamitâ upang makaalis sa aking mga paghihirap sa aking paglalakbay ay isang bersikulo na kinakapitan ng napakaraming pinunong Kristiyano ay tuwing nais nilang marinig si Hesus na sabihin sa kanila, âMagaling! Mabuti at tapat na alipin!â (Mateo 25:21). Kahit ganunpaman, ang isiping iyon ay hindi na nakahihikayat sa akin sa ngayonâhindi ang panalo, hindi din ang papremyo na ginamit ng Apostol na si Pablo upang mahikayat ak at ako (at ako ang tipo ng taong mahilig makipagkumpitensya). Parte ng dahilan ay mas nais kong ang aking Asawa ang babati sa akin, hindi bilang Kanyang â! Mabuti at tapat na alipinâ kundi ang yakapin ako sa paraang naiiisip kong gagawin ng aking Pakakasalanâang hagkan ako at isayaw sa paligid ng mga ulap sa aming pagkikita kapag lumisan na ako sa mundong ito.
Sinabi ni Pablo na, â Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Magandang Balita, upang makabahagi ako sa mga pagpapala nito. Alam ninyong ang mga kalahok sa paligsahan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya't pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala. Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon.â (1 Corinto 9:23-25 MBBTAG).
Muli, sinubok ni Pablong hikayatin ka at ako habang sumusulat sa mga Taga Filipos, âKaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi [Tandaan, ito ay literal na nangangahulugang mga tao sa iyong buhay na ânakakasaksiâ at nagmamasid kung papaano ka namumuhay ng kakaiba.] tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos. Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig sa kamay ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loobâ (Mga Hebreo 12:1-3 MBBTAG).
Kahit pa marami sa inyong nakabasa ng bersikulong ito sa Mga Hebreo, nakahanap ako ng isa pang bersyon na talagang tugma ngayong umaga sa Ang Salita Ng Diyos na Bibliya.    Â
Kaya nga, tayo rin naman ay napapalibutan ng gayong makapal na ulap ng mga saksi. Ating isaisangtabi ang bawat bagay na humahadlang sa atin at ang kasalanang napakadaling bumalot sa atin. Takbuhin nating may pagtitiis ang takbuhing inilaan sa atin. Ituon natin ang ating mga mata kay Jesus na siya ang nagpasimula at nagpapaging-ganap ng ating pananampalataya. Siya ay nagbata ng krus alang-alang sa kagalakang itinalaga sa kaniya at hinamak niya ang kahihiyan. Pagkatapos ay umuposa kanang kamay ng trono ng Diyos. Dapat ninyo siyang isaalang-alang na mabuti upang huwag kayong manlupaypay at huwag manghina ang inyong kaluluwa, dahil siya ay nagtiis ng labis na pagsalungat mula sa mga taong makasalanang laban sa kaniya!â (Hebreo 12:1-3 SND).
Muli, kahit pa nagagalak akong isipin na ako ay nakaupo sa tabi ng Diyos, mas naiisip kong nakaupo akong katabi ang aking Asawa. Bilang babae, tayo ay ipinanganak at nilikha na mag-asam ng ganitong uri ng pag-ibig, hindi makasarili, hindi nakatuon sa sariling kagalakan, at sariling kagustuhan na nais ng sanlibutanâlibo-libong taon at plano ng higit pa sa kayang isipin ng nakararami.
âNgayon, sa kanya na makakagawa ng higit na sagana kaysa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atinâ (Efeso 3:20)
Pagkakahawig ng Pagiging Saksi sa Kabilugan ng Buwan
Habang pinagmamasdan ang kabilugan ng buwan sa labas ng aking bintana, natagpuan ko ang aking sariling kinakausap ang Panginoon tulad ng madalas kong ginagawa. Bilang araw ng linggo, pinilit ko ang aking sarili na umiwas sa aking kompyuter at gawin ang lubhang kinakailangang pahinga kapiling Siya. Ang natagpuan ko ay ang aking sariling nagsasabi na ang kabilugan ng buwan ay parang tayo, katulad natin, kapag tayo ay nakaharap sa Kanya, an gating araw, ang Kanyang Anak, kapag ang mundo ay hindi nakaharang o humhadlang sa pamamaraan ng ating pamumuhay. Ang kagandahan, at nakamamanghang parte, ay kung papaanong nilikha ng Diyos ang sansinukob na ito, kahit pa sing laki ng salubsob lamang ng Kanyan liwanag ang sisinag sa ating mga buhay, at ang naiwan ay naharangan ng napakaraming bagay sa mundong ito, kahit ang gasuklay nating liwanag ay makaaakit doon sa mga nakamasid sa ating buhayâ na naghahanap ng pag-asa.
Pagsuko:
Pagtalikod laban sa Pagbabaling Nito
Kaya, Oo, ako ay humantong sa lugar kung saan nais ko ng sumuko, ngunit doon ko lamang napagtanto na anoman ang aking ginagawa na nagdudulot upang ako ay mapagod, at magdadala sa akin sa pagnanais na sumuko, ay dahil sa ako ay nagdadala ng higit sa aking kayang bitbitinâang mga pabigat na dapat kong ibigay sa Kanya! Ang pabigat na dala ng pagpaplano o pag-iisip o kahit ano pang aking ginagawa na nagsisimulang humila pababa sa akin. Ang paghantong sa nakakalulang pakiramdam ng kagustuhang sumuko ay nagpapakita sa akin at sa iyo na kailangan nating sumuko, upang maibigay o maipasa natin sa Nag-Iisang naghihintay na kunin ang mga pabigat na ito na nais Niyang isuko natinâHindi, hindi ang pagtalikodângunit upang maunawaan nating siya ay Maginoo, Isang Mandirigma, ang Tagapagtustos, at ano pang kinakailangan natin sa halip na tayo ang gagawa nito.
Pakinggan ang sinasabi ng Panginoon sa iyo, â Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.â (Mateo 11:29-30 ASND). Nais ng Panginoon at Siya ay may kakayanan na dalhin lahat ng bigat na iyong dala, kahit ang maliliit na bagay na tingin natin ay kaya nating dalhin.
Kadalasan, ang mga pasaning aking nararanasan ay dahil sa ako ay nakapamatok sa kagustuhan ng ibang tao, o mga inaasahan mula sa akin, at mas madalas pa, ito ay dahil sa pamatok na ibinigay ko sa aking sarili, kagustuhan at mga pangangailangan na itinakda ko sa aking sarili.
Muli, pakinggan ang Kanyang sinasabi sa iyo, âPasanin ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.  Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.â (mateo 11:29-30). Ang KANYANG pamatok ay laging madali at magaan dalhin. Kaya, kapag narararamdaman nating nais nating sumuko, isuko ang mabigat na pasanin at pamatok kapalit ng Kanyaâmagaan at madaling dalhinâkung saan tayo makatatagpo ng kapahingahan para sa ating kaluluwa.
Ang dahilan kaya hinikayat Niya akong isulat ang kabanatang ito ay dahil naniniwala akong, ngayong umaga lamang, nakatanggap ako ng isa pang sulat mula sa isang babae na lumiham sa akin upang ipaalam na siya ay sumusuko na. Napakarami kong sulat na natatanggap mula sa mga babaeng sumusuko, kahit pa naniniwala akong mas maraming sumusuko at hindi na sumusulat sa akin o sa RMI.
Kaya para sa lahat sa inyong nagnanais na sumuko na, tumalikod, at humanap ng mas madaling daan, pakiusap SIGE. Ngunit sa halip na bumalik sa dati ninyong buhay o sa may kagalakang iniaalok ng mundo sa iyo (na magdudulot ng higit na pasakit), maupo kung nasaan ka man ngayon O mas mabuting, tumakbo at ikawit ang iyong sarili sa naghihintay Niyang mga bisig. Hayaan Siyang yakapin ka ng mahigpit, at siguraduhin sa iyong lahat nang nagdudulot ng kapaguran sa iyo ay hindi Niya pamatok.
âAng Panginoon ay aking pastol; hindi ako magkukulang;  pinahihiga niya ako sa luntiang pastulan, inaakay niya ako sa tabi ng mga tubig na pahingahan. Pinanunumbalik niya ang aking kaluluwaâ (Mga Awit 23:1-3). Pagkatapos sa panahon ng iyong paghiga sa luntiang pastulan, katabi ng tubig pahingahan, masososolusyunan ninyo ng magkasana ang lahat ng bagay na kailangan mong ibigay sa Kanya.
Dalawang araw pa lamang ang nakakaraam noong wala akong ibang maisip buong araw kundi ang lahat ng ito, lahat ng bagay na pinagdaanan ko at pinagdadaanan ko parin (at oo, ang mga bagay ay sadyang napakahirap ngayon at tila mas humihirap pa kada araw), ay dahil sa isang dahilan lamangâang makilala Siya, ang ibigay ang dinadala ko sa Kanya at hayaan ito bilang Kanyang pamamaraan ng pagpapakita sa akin kung papaano ako mamumuhay ng kakaiba. Pamumuhay ng masagana. Walang ibang pamamaraan upang matutunan ko ang katotohanang ito.
Walang ibang mahalaga, kundi ang makilala Siya ng lubusan at mabuhay ng nakasandal sa Kanyaâwalang kahit na ano sa buhay ko, o sa buhay mo (wala kahit pa hindi ganito ang iyong nararamdaman o ang iyong iniiisip).
Para sa mga nagnanais na makarinig ng papuring âmagalingâ tandaan, ang mga tropeyo ay naaalikabukan, nawawala ang magandang pakiramdam mula sa mga papuri, ang prestihiyo at kasikatan ay may kapalit na halaga. Kaya muli, napakahalagang maunawaan natin na mayroon lamang isang bagay na nakapghihikayat sa mga taong pinagmamasdan natin upang pagkuhanan ng lakas ng loob, mga taong isang araw ay magiging dakilaâito ay dahil sa pamamagitan ng lahat, nakilala nila Siya.
Tulad ng sinabi ni Pablo, âNgunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon.  Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon [aking Iniibig]. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan at itinuring kong basura, makamtan ko lamang si Cristo  at lubos na makipag-isa sa kanyaâ (Filipos 3:7-9 MBBTAG).
Hayaan ninyong magtapos ako sa pamamagitan ng paniniguro sa inyo ng nag-iisang katotohanang natutunan ko sa Pamumuhay ng Masaganang Buhay, âAng sinta ko ay akin, at kanya ako . . . Â Nang masumpungan ko siya na iniibig ng aking kaluluwa. Pinigilan ko siya, at hindi ko hinayaang umalis . . . na ako'y [kamangha-manghang]may sakit na pagsintaâ (Awit ng mga Awit 2:16, 3:4, 5:8).