Ngunit sinasabi ko sa inyo, âHuwag ninyong labanan ang masamang tao. . .
âMateo 5:39
Sa huling kabanata na aking ibinahagi ng buod, ipinapaliwanag na ang pagsakay sa alon ng mga paghihirap ay nangangahulugang ikaw ay magpapadala kasama ang agos, at hindi pagsalungat ang kasamaan na dumarating laban sa iyo. At kung papaanong si Hesus naman mismo ang nagpaliwanag kung paano tayo gaganti kapag may sinabi ang ibang tao sa iyong gawin mo, at siniguro Niyang alam mong Siya ang nagsabi ng, âNgunit sinasabi ko sa inyo. . .â âNgunit sinasabi ko sa inyo, âHuwag ninyong labanan ang masamang tao.â At kung ikaw ay sampalin ng sinuman sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kabila. Kung ipagsakdal ka ng sinuman, at kunin ang iyong baro, ibigay mo rin sa kanya ang iyong balabal. Kung may sinumang pumilit sa iyo na lumakad ka ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya.  Bigyan mo ang humihingi sa iyo, at huwag mong pagkaitan ang ibig humiram mula sa iyoâ (Mateo 5:39-42).
Inaamin ko ring siniguro kong hindi ako lalapit sa sinomang ânakasampalâ na sa akin sa pamamagitan ng kanilang mga salita o kilos, at kapag pinilit akong makita sila, sinisiguro kong idistansya ang aking emosyon. Walang duda na ang pagnanais na mapalapit sa kahit na kaninong hindi nagpakita ng kabutihan ay napakahirap, ngunit nakakasigurado akong lahat tayo ay sasang-ayon na ang paggawa ng higit pa o pagbibigay ng higit pa sa hinihingi o inuuutos ng taong ito ay tila imposibleng gawin. Ngunit ditto pumapasok ang âwalang imposibleâ na mge bersikulo. Atin muli silang basahin:
âNgunit tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, âSa mga tao, ito ay hindi maaaring mangyari, ngunit sa Diyos, ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari.â (Mateo 19:26 ABBTAG).
âTiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, âHindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.â (Marcos 10:27).
âSapagkat walang imposible sa Dios.â (Lucas 1:37 ASND).
âSumagot si Jesus, âAng imposible sa tao ay posible sa Dios.â (Lucas 18:27).
Kaya naging posible ang lahat ay dahil isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak, upang mahalin tayo sa paraang mararamdaman ng isang babae na siya ay tunay na iniibigâkaya naging possible para sa atin na gawin ang lahat ng bagay. Kung tayo ay magkukulang sa Kanyang pagmamahal, ito ang pipigil sa ating ikonsidera ang pakikipagsapalaran sa pagsakay sa alon ng paghihirap. At kung wala ang Kanyang pagmamahal, ang mga kababaihan ay magiging hangal na lalabanan ang paghihirap, upang lalo lamang higit na masaktan, o hindi kaya ay lumayo mula rito.
Ginawa ko rin ang lahat ng aking magagawa upang ipaliwanag sa huling kabanata, ang nagpabago sa akin. Muli ito ay ang pagkakatagpo sa aking masaganang buhayâpagkamit ng lahat ng aking kinakailangan mula sa Diyos tulad ng karunungan, at mula sa Panginoon, tulad ng pagmamahal na desperado kong kinakailangan.
Kaya lahat tayo ay maaaring sumang-ayon na ang pagbabahagi ayisang kamangha-mangha at makapangyarihang aksyon, ngunit nagiging higit na makapangyarihan sa oras na ito ay inuutos, ninakaw o hiningi sa karahasan? Totoo, maaari mong isipin na higit itong masakit, ngunit ang katotohanan ay, sa oras na taglayin moa ng Kanyang pagmamahal upang pagbulayan ang prinsipyong ito, magsisimula mong maunawaan na ang paghihriap, tulad ng aking pagkakaunawa sa ngayon, ay ang gasolinang ating kinakailangan, o tulad ng pagdidilig sa halamananan na magdudulot ng masaganang aniâtulad ng maraming pangako na ating pinakahihintay na ibigay Niya sa atin. Maaari ninyong maisip na napakadali para sa akin na sabihin ito, ngunit tulad mo, ako ay namuhay sa maraming kahirapan sa aking buhay, ngunit ngayon ay nakikinabang na ako mula rito.
Ang karamihan sa taon ng aking ministeryo ay nagsimula sa tulad na pamamaraan ng kay Erin noong iniwanan din ako ng aking asawa, at dumaan rito, tulad ng karamihan sa inyo, ako ay dinala Niya sa RMI at kanilang mga turo. Pagkatapos, tinuruan ako ng Panginooon ng marami Niyang prinsipyo upang mabuhay ako ng masagana, at ihanda ako sa mga paparating sa aking buhay. Bawat prinsipyo ay, habang akin itong isinasabuhay, ay nagpabago ng husto sa akin. Kahit pa, masasabi kong ang mga bagong prinsipyong ito ay isa sa mga pinakamakapangyarihan, na isa rin sa mga prinsipyong hindi ko, kailanman narinig sa pulpit o nabasa sa Kristyanong libro. At kahit pa sinabi ito ni Erin minsan sa isa sa kanyang mga libro, naniniwala ako na nasabi niya, hindi ko maalalang niyakap ang katotohanang ito noon.
Ngayon, simula ng akin itong isabuhay, ito sa tingin ko ang pinaka nakamamanghang prinsipyong dapat isabuhay kung saan, ipinapangako kong, magpapabago sa iyong buhay magpakailanman. At ang dahilan sa paniniwala ko ay ito, dahil ang prinsipyong ito mismo ang pamamaraan na isinabuhay ni Hesus. Isang buhay na napaligiran ng paghihirap, poot, hindi pagkakaintindihan, pagtataksil, hindi pagtanggap, at iba pang kasamaan na bumuo sa Kanyang maiksing buhay dito sa mundo.
Ang pundasyon ng prinsipyong ito ay simple lamangâhuwag labanan ang kasamaan.
Walang natural, na nakaukit sa ating pagkatao, kundi gawin ang kabaliktaran. Hindi natin mapigilan kundi labanan ang kasamaang ginagawa sa atin. Sa totoo lamang, ang mga Kristyano ay naturuan mula sa simula ng kanilang lakad sa Kristiyanismo na pigilan at labanan ang kasamaan at masamang taong susubok na hadlangan sila o kanilang ginagawa. Ang iba ang magsasabi ng dalawang bersikulong ito upang patotohanan ito:
âKaya't pasakop kayo sa Diyos, labanan ninyo ang diyablo, at siya ay lalayo sa inyoâ (Santiago 4:7).
âSapagkat ang ating pakikipaglaban ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pinuno, laban sa mga may kapangyarihan, laban sa mga kapangyarihang di-nakikita na naghahari sa sanlibutan sa kadilimang ito, laban sa hukbong espirituwal ng kasamaan sa kalangitanâ (Efeso 6:12).
Kahit nakikita nating ang prinsipyo ng pakikipaglaban na ito sa Banal na Kasulatan, gayunpaman ito ay tumutukoy sa atin na nilalabanan ang paggawa ng kasamaanâhindi paglaban sa kasamaang ginagawa sa atin. Mayroong malaking pagkakaiba sa paglaban sa diyablong nanunukso sa ating gumawa ng kasamaan, at paglaban sa pinuno at hukbong espirituwal ng kasamaan na sumusubok na takamin an gating laman. Kaya kapag sinabi kong huwag labanan ang kasamaan, muli, ito ay ang kasamaan na ginagawa LABAN sa atin.
Pangangailangan sa Kanyang Espiritu
Isang prinsipyong aking natutunan mula kay Erin ay isang paraan kung paano natin madaling masusukat kung ang isang bagay ay mula sa Panginoon o hindi. Isang lugar kung saan itinuro nya na kung ang isang bagay ay magagawa natin sa sa sarili nating sikap, tayo ay kumikilos sa laman. Habang ang kabaliktaran ay totoo: kung kinakailangan natin ang tulong ng Espiritu Santo, nangangahulugang ito ay malinaw na nagmula sa Kanya.
Maaari ko rin bang aminin na ang paglaban sa kasamaan ay natural para sa akin (o pagtakbo palayo mula rito). Kung kayaât, maaari ba nating mapagkasunduan na kung ang isang bagay ay ânaturalâ sa akin, malamang ay ang aking sariling laman ang nakikipaglaban o tumatakbo? Isa pang katotohanan ay ang nagbago ay ako dahil sa kaalaman na hindi ko na kinakailangang makaramdam na lumaban o lumayo ay dahil sa nagawa ng Kanyang pagmamahal na nagpabago sa akin.
At ang mas kawili-wili, at isa pang mas makapangyarihan at ganap na hindi nabibigyang pansin na katotohanan ay ang katotohanan na si Hesus ay namuhay sa Kanyang buhay upang tayo, lalo tayong mga kababaihan, ay sumunod sa Kanyang halimbawa at âipinatawagâ upang gawin iyon.
Sapagkat ukol dito kayo'y tinawag, sapagkat si Cristo man ay nagdusa alang-alang sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang sumunod kayo sa kanyang mga yapakâŚNang siya'y alipustain, hindi siya gumanti; nang siya'y magdusa, hindi siya nagbanta, kundi ipinagkatiwala ang kanyang sarili doon (Diyos) sa humahatol na may katarunganâ (1 Pedro 2:21-23). At ang dahilan kung bakit ko nasabi na âlalo na sa mga kababaihanâ ay dahil agad-agad sinundan sa 1 Pedro 2 ay kapag ang mga kababaihan, partikular, na sinabihan kung paanong magpapasakop sa isang asawa na hindi sumusunod sa salita o nasa rebelyon. â Gayundin naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyu-inyong sariling asawa, kahit na ang ilan sa kanila ay hindi sumusunod sa salita, upang mahikayat nang walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kani-kanilang asawang babae; kapag nakikita nila ang dalisay at magalang ninyong pag-uugaliâ (1 Pedro 3:1â2). Muli, kung may mga relasyong napakahirap âgayundin namanâ, nang siya'y alipustain, hindi siya gumanti, hindi siya nagbanta (na aalis o sa mundo natin nayon, tumawag sa pulis), ito ay sa relasyon natin sa ating asawa na ating pinagkakatiwalaan na mahalin tayo, hindi ba? At hayaan ninyong sabihin ko rin ito, sa oras na magawa na ninny ito sa relasyon ng mag-asawa, habang kayo ay nananatiling malapit sa Kanya at nagpapatuloy sa paggawa ng parehas na bagay sa iba ninyong relasyon at sitwasyon, ito ay magiging napakadali na lamang sa inyo. Ay saglit, may isang alalahaning pumasok sa aking isipan.
Nababahala at Desperado
Hindi mabilang na mga kababaihan sa ngayon, at lalong dumadami pa, ang handang dumanas ng ganitong hirap, pagbibigay ng sobra, pagbabaling ng kabilang pisngi ng paulit-ulit. Ngunit ang nakakalungkot ang nagganganyak sa kanila ay ibang-iba sa aking sinasabi sa kabanatang ito. Ang kakila-kilabot na napinsalang kababaihan ng ngayon ay inilalagay ang kanyang sarili sa isang alimpuyo ng sakit, pagbibigay ng paulit-ulit, at higit sa hinihingi sa kanya, at umaasang sa ganitong paraan ay aani siya ng pagmamahal na siyang nababahala at desperado siyang makuha! Ang ibang minamahal na babae ay masyado ng nasanay sa ganitong pamumuhay kaya siya ay paulit-ilit na naaakit sa parehas na uri ng lalaki.
Wala ka mang sapat na pakialam upang pigilan ang ganitong ikot para sa iyong sariling kapakanan, ngunit maaari ka bang huminto at pag-isipan ng matagal kung pipigilan moa ng ganitong ikot para sa kapakanan ng iyong anak na babae, o kapatid na babae, o pamangking babae o ka-trabaho, tiyahin o pinsan? Hanggat hindi tayo handa at matapang na makatakas at matagpuan ang Pagmamahal na makakapagpagalaw ng pinakamatataas na bundok ng kirot at sakit at kahihiyan at pilat sa emosyon, wala tayong pag-asang maiaalok sa kaninoman. Pakiusap huwag magpauloy sa pagbabasa ng kabanatang ito hanggat hindi ka muna huminto upang lubusang yakapin kung gaano kahalaga para sa iyong matutunan ang ganitong klasng pamumuhay. At maging handa na ialok ang pag-asang ito, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sarili mong kabiguan at sakit, kaya kung may susunod na babae na dumadaan sa kirot at takot at nababahala sap ag-ibig ang darating, matutunan niya ang katotohanan. Tulungan siyang matutunan ang malalim na pagmamahal Niya para sa Kanya at kung ano ang ipakakahulugan nito sa kanyang buhay.
Handang Dalhin sa mga Taga-linis
Ngayon para sa halimbawa kung papaano Niya ako tinutulungang yakapin ang prinsipyong ito ay sa pagbabahagi ng personal kong pinagdaanan kung ano ang naganap sa kasagsagan ng malawakang anunsyo sa simbahan ng aking dating asawa noong sinabi niya sa lahat mula sa pulpit na ako ay kanyang diidborsyohin. Nang hindi lubusang nauunawaan ang prinsipyong ito noong panahong iyon, inakay ako ng Panginoon na huwag labanan ang kasaamaan, huwag ipagtanggol ang aking sarili noong dose-dosenang nag-aalala o galit na galit na miyembro ang humihingi na ipagtanggol ko ang aking sarili. Kung ang aking dating asawa na nagsasabi ng kanyang mga kailangan para sa diborsyo o insulto at paratang ng mga kasapi sa simbahan, ang ilan ay malalapit ko pang kaibigan, dahil sa Kanyang pag-ibig lamangâsa halip ay nakayanan kong masiglang sumang-ayon sa ano mang nasabi, paggamit ng Kanyang halimbawa ng hindi pagbubukas ng aking bibig, tulad ng aking Asawa na âipinagkatiwala ang kanyang sarili doon sa (Diyos) humahatol na may katarungan.â
Maraming detalye kung paano Niya ako inilgtas ay nasa aking librong Pagharap sa Diborsyo na iniaalok ng RMI bilang isa sa kanilang libreng mapagkukunan, kaya hindi ko na ito idedetaye. (Kung hindi mo nabasa ang librong ito, pakiusap magtungo sa kanilang website na nakalista sa likod ng librong ito.) Ang punto ko ay sa kabuuan ng mga unang araw ng simula ng pagkakatagpo ko ng masaganang buhay, inaaakay Niya akong ilakad ang prinsipyo hindi paglaban sa kasamaan. Muli, simula sa aking dating asawa na nagsabi sa akin sa pribadi, at pagtapos ay pagsasabi sa aming mga anak, at hanggang sa umabot sap ag-anunsyo sa araw ng Linggo, ang araw na siya ay bumitaw sa trabaho.
At kahit pa, hindi ako mag-isa na dumaan sa paghihirapâoo, sa ganitong paraan itinuro ng Panginoon hindi lamang sa akin, kundi kay Erin din, na handing magbahagi ng maraming prinsipyo na aming natagpuan (at patuloy na natatagpuan) sa mga mapagkukunan ng RMI. At kung kayo ay nandoon sa kanyang mapagkukunan ng sing tagal ko, makikita ninyong may gintong sinulid na nagbubuklod sa kanila! Kung papaanong ang ligaya ang nangyayari mula sa ating paging malapit sa Kanya at paghahanap sa Panginoon upang tulungan tayo sa bawat mahirap na sitwasyon nating pinagdadaanan. Ito din ang tanging paraan upang matutunan ang mga prinsipyong lubos na magpapabago sa ating mga buhay at makakatulong sa ating baguhin ang buhay ng iba! Samakatuwid, ang prinsipyong ito ay hindi maisasagawa sa pamamagitan lamang ng pagbabasa, ngunit sa paglalakad dito, pagkatapos maranasan ang Kanyang pagmamahal sa ganitong antas.
Sa aking sariling buhay, mula sa oras na una kong narinig na inanunsyo ng aking asawa na akoay kanyang didiborsyohin, natagpuan kong hindi kinakailangan ng kilos sa aking parte upang hindi labanan ang kasamaang dumarating sa akin. At habang umaandar ang taon, nagiging mas madali ito. Sa loob ng maraming taon, natimbang kong ang ito ay noong nakalipas na taon (ang pinakamahirap na taon) noong nagsimula ito. Ang taong iyon ang pumatay sa anomang laman na natitira sa pa akinâo kaya tila. Noong namatay na ang aking laman, nakayanan kong tanggapin ng husto ang Kanyang pagmamahal. Natuklasan ko ding ang aking laman ay nakadikit sa kalooban ng aking puso kung saan ang nandoon ang aking mga anak at ang kapakanan nila. Alam kong lahat kayong mga ina ay madaling makakakilala kapag sinabi kong pagdating sa ating mga anak, mayroong isang bagay na nasa loob natin na nagsasabi sa ating lumaban para sa kanila.
At pa, kahit na, ang Diyos ay may pamamaraan ng paghahanay ng ating mga puso sa Kanya noong ipinaalala Niya sa atin kung ano ang kinailangan upang atin Siyang makilala at maranasanâito ay sa gitna ng paghihirap hindi ba? Kaya para sa akin, ang pinakamahalagang bagay sa aking buhay (sunod sa aking pagiging malapit sa aking Pinakamamahal na Panginoon) ay ang makita ang bawat anak kong lumalakad sa makapangyarihan at malapit na relasyon sa Panginoon. Kaya nangangahulugang kinakailanan din nilang lumakad sa buhay na puno ng paghihirap upang maranasan ito sa Kanya. Oo, tulad ni Erin, âWala nang higit pang kagalakan sa ganang akin na gaya nito, na marinig na ang aking mga anak ay lumalakad sa katotohananâ (3 Juan 1:4).
Kaya kung ako ay papayag na tamaan ng paghihirap, pati ang aking mga anak, ng hindi magpapadala sa tuksong makialam sa kanila o harangan ang hampas nito sa kanila, kailangan kong siuraduhing maibigay sa kanila at maturuan sila ng mga prinsipyo at maging halimbawa upang makita nila. Upang matulungan ang aking mga anak na dumaan dito, tulad ng ginagawa ko sa mga babaeng nakikilala ko sa aking simbahan o miniministeryuham, kinakailangan kong malaman, isabuhay at ibahagi ang prinsipyong ito. Kahit pa alam ko na pinalalaki ko lamang, ngunit pakiramdam ko mayroong bagong ataken dumarating kada linggo sa aking mga anak, na pumupukpok ng husto sa pundasyon ng kanilang buhay, na para sa mga bata ay lugar kung saan sila ligtas. Ang mga bata (at kababaihan) ay kinakailangang malaman na sila ay ligtas at walang panganib na darating sa kanila na magdudulot ng sakit. Ito ang seguridad na kinakailangan ng mga bata upang lumaki, at ang mga kabaibaihan upang umunlad.
Narinig ng bawat isa sa atin ang epekto ng maraming palabas sa telebisyon tuwing inuusisa nila kung paanong ang nangyari sa nakaraan ng isang bata ay siguradong makakapigil o makakapagpahinto ng natural na proseso ng kanilang pagtanda at mag-iwan ng pilat sa kanila habang-buhay. Sinasabi sa atin kung papaanon ang mga batang ito ay naiwanang âmay kapansanan sa emosyonâ at âmay peklatâ na tatandang puno ng problema at nakikibaka upang mahanap ang daan nila sa bawat aspeto ng kanlang buhay pagtanda. Ang ilan sa atin ay ang mga matatandang tinutukoy. Kaya papaano natin posibleng matutulungan angcating mga anak, o ating mga sarili bilang sugatang matatanda, kung tila ang buong mundo ay isang malaking higanteng paghihirap na darating laban sa atin ng walang ginhawa?
Sa paniniwala sa sinabi Niya sa atin, âSinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!â (Juan 16:33 MBBTAG). Napagtagumpayan ni Hesus ang mundo, naniniwala ako, sa pamamagitan ng isang prinsipyong ito na hindi naituro, at mas lalong hindi naisabuhay ng Kristiyano ngayon. Â Ito ang Kaniyang itinuro sa simula pa lamang ng ministeryo Niya:
Muli, magbigay, at makinig kapag sinabi Niyang, âNgunit sinasabi ko sa inyo, âHuwag ninyong labanan ang masamang tao.â At kung ikaw ay sampalin ng sinuman sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kabila. Kung ipagsakdal ka ng sinuman, at kunin ang iyong baro, ibigay mo rin sa kanya ang iyong balabal. Kung may sinumang pumilit sa iyo na lumakad ka ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya na kasama niyaâ (Mateo 5:39-41).
Ang pinakaunang parte ay sinabi ito ng maliwanag, basahin muliâhuwag labanan.
Ating pag-isipan ito ng sandali. Paano kung nilabanan ni Hesus ang Kanyang kamatayan sa krus, saan tayo mapapadpad? Naaalala ba kung paanong lumaban si Pedro (sa pamamagitan ng paggupit sa tenga ng isang bantay) at sinaway siya ni Hesus (na pinagaling ang tenga ng taong ito). Si Pedro din ay angsinungaling. Pagkatapos siya ay tumakbo at nagtago (tulad ng karamihan sa atin) kapag may dumarating na paghihirap laban sa atin, kahit pa siya ay nag-iisang saksi kay Hesus at ang Kanyang halimbawa ng hindi paglaban sa kasamaan. At, alam ni Hesus na ang paglaban ay natural; kung kayaât ipinaliwanag Niya sa umpisa pa lamang kung papaano Siya mamumuhay (sa pamamagitan ng hindi paglaban) ay ipinakita ang totoong patunay ng kapangyarihan ng prinsipyong ito sa pagsakay sa alon ng kahirapan hanggang sa krus.
Dahil sa nais Niya ang mas nakakahihigit para sa akin, ako ay ipinatawag upang matuto, mabuhay at ituro ang prinsipyong ito. Doon ko lamang makikita sa aking buhay na, at sa pagtingin ng malapitan sa buhay ni Hesus, na sa halip na labanan, maaari nating magamit ang kahirapang ito bilang magaan at madaling byaheng magdadala sa atin sa mga biyaya, pati narin ang pagbibigay sa atin ng nakatataas na platapormang maaari nating gamitin upang bigyan ng papering karapat-dapat sa Kanya ang Diyos at tumayong matatag upang ibahagi ang Kanyang pag-ibig sa iba!
Isang Pagkakatulad
Isang araw habang lumilipad (kung saan man), ipinakita ng Panginoon sa akin ang pagkakatulad ng prinsipyo ng hindi paglaban sa kasamaan tulad ng isang sumasakay sa âdaluyong ng alon ng kahirapanâ patungo sa pampang. Ito ay madali para sa akin na maunawaan sapagkat ako ay isang batang laki sa California at lumaking sumasakay sa alon ng dagat. Kaya dahil marami sa inyo ang lumaki sa lupa, gagawin ko ang abot ng aking makakaya upang matulungan kayong maunawaan ang prinsipyong ito. Ang pagkakatulad na ito ay nakatulong sa di lamang sa akin, kundi nakatulong din sa aking mga anak na maunawaan at gawin ang prinsipyong ito sa kanilang buhay.
Ipinakita ng Panginoon sa akin ang grupo ng mga taong nagtutungo sa karagatan ngunit nauupo lamang sa buhanginan malayo sa mga malalaking alon. Naaalala ko sila bilang mga turistang balot na balot at walang balak na lumangoy. At pagtapos, nakakita ako ng panibagong grupo na nakatayo at ang kanilang mga paa ay nasa maputing tubig na pabalik-balik kasabay ng alon. Naaalala ko bilang maliit na batang babae na ang mga kababaihang kadalasang nakatayo at ang kanilang mga pantalon ay nakatupi habang nag-uusap at naglilibang, ng hindi husto, sa karagatan. Kapag ako ay tatayo malapit sa kanila, natatagpuan kong paghugas ng alon ng pabalik-balik ay amgdudulot sa aking mga pang malubog hanggang sa hindi na ako makagalaw. Kamangha-mangha.
Sunod, ipinakita Niya sa akin ang mga tila matatapang na susulong ng kaunti palapit sa mga alon. Isang alon pagkatapos ng isa pang alon ang nagpapatumba sa kanua, at dahil sila ay wala sa buhanginan tulad ng ibang babae, o malayo kung saan nagtitipon ang mga alon ngunit hindi sila matatabunan. Kahit pa iniiisp nila na sila ay ligtas na mas malapit sa pampang, sa halip na magpunta sa mas malalim, sila ay, sa totoo lang, nasa lugar na daanan ng bigat ng bawat alon, na nagdudulot sa kanila upang matumba hanggang sa sila ay mapagod. Ang ilan sa mga matatapang na kaluluwang ito ay manonood, habang ang ibang manlalangoy ay sisisid sa ilalim ng mga alon bago ito bumagsak. Kahit pa, ang mga mas matatapang na manlalangoy na ito ay hindi magtatagal at mapapagod din at kakailanganing bumalik sa pampang upang magpahinga at magpalakas pagkatapos sumisid sa malalaking alon.
Sa wakas, nandoon ang mga masigasig na kaluluwang natutunan ang lihim sa mga salungat na alon na ito. Ang mga manlalangoy na ito ay lalangoy sa kung saan malalim, at mag-aabang sa malalaking alon, at sa halip na lumaban ditp, sila ay malakas ang loob na liliko at sasagwan patungo sa pampang, pinipiling makipagtulungan kasama ang alon at gamitin ang galit nito at sakyan patungo sa destinasyon. Sila ay talagang âsumasakay sa alon ng kahirapanâ at nagagamit ng husto ang kapangyarihang ito, gamit ang galit nito para sa kanilang ikabubuti.
Hindi nahinto ang Panginoon sa Kanyang alegorya doon. Nakita kong sa baba ng baybayin kung saan may lugar na ipinagbabawal, walang manlalangoy ang makakapasok, kung saan ang mga sumasakay lamang sa alon kasama ang kanilang mga surfboards lamang ang pinapayagang sumakay sa pinakamalalaking alon âat hindi sila nag-iisa. Nakaupo sa pampang ang maraming manonood na nagtitipon upang manood o mamangha. Ang mga ito, ipinakita sa akin ng Panginooon, ang mga santong, ginamit ang alon ng kahirapan bilang plataporma upang maipakita ang kabutihan ng Diyos. Sa halip na katakutan ang pinakamalalaking alon, hahanapin nila ito ng may pananabik.
Ito ang nais ng Panginoon na simulant kong gawin at ang nais kong hikayatin kayong panabikan din sa inyong sariling mga buhay.
Plataporma upang Maipakita ang Kanyang Kadakilaan
Habang nagbabyahe at kumakausap ng mga kababaihan sa magkakahiwalay na paraan o bago ang isang malaking simbahan o kahit saan man sa pagitan nito, natatagpuan ko ang akin sariling nagbabahagi ng mga testimonya sa kanila, kahit pa hindi koi to pinlano. Kapag mas Malaki ang paghihirap na aking naibabahagi na aking nasakyan, mas Malaki din ang kanilang pananabik kapag aking binabahagi ito. Ang dalawang alon ng kahirapan na talagang nakakuha ng pinakamalalaking ooohs at ahhhs, ay ang mga bagay kung saan ako pinuna at nilibak ng mga Kristiyanoâbilang isang hangal at tumataliwas sa salita ng Diyos. Ang una ay noong binayaran ko ang puluât-gata ng aking dating asawa at noong kinausap ko sya (pagkatapos niyang ibalita na siya ay ikakasal muli) at hinikayat siyang maging mabuti at pasensyoso sa kanyang bago, at malapit ng maging asawa. Ang mga babae sa Afrika ay higit lalong nanabik doon sa dalawang testimonyang iyon sapagkat malinaw na (kahit pa ang director ng isang malakihan at kalat sa buong mundo na ministeryo na kumakalat sa lahat ng mga bansa sa Afrika), at sinabi sa aking na kung ito ay kanilang asawa ay hindi nila babayaran ang puluât-gata o himukin siyang maging mabuti sa ibang babae, ngunit sa halip ay maghahanap ng isang bagay na Malaki at ânakakamatayâ upang maisampal sa kanya (at ang ibang babae!).
Gayunman, ang mga alon ng kahirapang ito ay ang mismong pumupwersa sa mga Kristiyanong ito rin na pag-isipan ang kanilang sariling buhay at kung paano sila nabubuhay, anong epekto ang dulot nito sa mga ligaw na kaluluwa sa mundong ito. Ang ânasasaksihanâ ng mundo ngayon ay nagsasalaysay ng ibaât-ibang kwento ng Kanyang buhay at Kanyang pagmamaal o nagsasabi ng taliwas dito. Gayunpaman, hindi sa mga kababaihan (o kalalakihan) sa simbahan ako nananabik na ibahagi ang âpagsakay sa alon ng kahirapanâ na mga kwento ko. Ito ay kapag ako ay nabibiyayaan na ibahagi sa mga hindi ko kakilala, na nagiging interesado ngayon na makilala ang âDiyos na itoâ na hindi nila kailanman narinig. Ang ipinapakita sa akin ng Diyos ay ito ang mga uri ng alon na kailangan kong abangan at hindi katakutan, at tulad ng manlalangoy sa kanilang mga sinasakyan, kinakailangan kong mag-abang at manabik na sumakay!
Inihahanda Tayo
Mangyari pa, upang matutunan ang kahit na anong bagong prinsipyo, kinakailangan mo ng tamang pagkakataon upang magamit ito; nagpapasalamat ako, na ito ay nagpapatuloy sa pagdating sa akin at maaaring s aiyong buhay rin. Mayroong maliit na along namumuo sa dako paroon, kamakailan lang, tungkol sa pangangalaga sa aking mga nakababatang mga anak. Ang kasunod ay parating sa akin sa loob ng 24 oras kapag ang aking asawa ay dumating para sa âhindi inaasahangâ pagbisita na mangangahulugan sa aking mga anak na isang marahas, at posibleng malaking alon.
Gayunman, ang pangangalaga ay isang nagpapatuloy na alon na umaatake sa akin, dahil doon sa karagatan ng mga kahirapan, nakikita kong maliwanag na mayroong sunami tungkol sa aking pananalapi. Tulad ng maraming manlalangoy, kapag nakakakita ng malalaki, ikaw at ako ay may kaunting takot habang may pananabik. Makakayanan ko bang manatili? Makakakayanan ko bang magmaniobra ng walang kahirap-hirap dahil alam kong marami ang nagmamasid? O sa halip ako ba ay maduduwag at sasagwan patungo sa alon (pagsasakamay ng mga bagay) at mapalagpas ang plataporma na madakila ang Diyos at maisigaw ang Pagmamahal ng Panginoon?Â
Upang makakuha ng lakas, ang aking isipan ay laging bumabalik sa bawat alon na pinagdalhan sa akin ng Panginoon hanggang sa ngayon, na nakakatulong sa aking makakuha ng laks na kinakailangan upang âsunggaban ito.â Habang nananatiling tao, pinaglalabanan ko parin ang mga imahinasyon na pilit pumapasok sa aking isipan sa mga âpaano kungâ na mga sitwasyon na aking nagugunita, tulad ng âpinatalsik ng alonâ âna terminong manlalangoy na tingin ko ay hindi ko na kailangan pang ipaliwanag. Gayunpaman, isang mabilisang pagtingin sa mga markadong pangako sa aking Bibliya, o kahit saglit na oras ng pagiging isa sa Panginoon, at ang mga pangitaing ito ay napapalitan ng pagtitiwala na aking kinakailangan. Upang mabigyan ko ng kadakilaan na nararapat sa Kanya ang Diyos muli, at upang talagang maipakita ang Pagmamahal na nandyan para sa bawat kababaihan mula sa kanilang Asawa na namatay upang ibigay ang masaganang buhay Niya sa mundo, kinakailang lagi kong tandaan na ito ay tungkol sa Kanya at hindi kailanman tungkol sa akin.
Ang platapormang Kanyang ginawa para sa iyo at sa akin ay para sa layuning tayo ay magkamit ng biyaya (at ito ang aking iniiipon para iwanan sa aking mga anak). itong mga âalon ng kahirapanâ ay ginawa upang makuha ang atensyon ng mga hindi mananampalataya at gawin upang siya ay magnais na makilala si Hesus ng personal, habang, ginagamit rin upang mahikayat ang pangkaraniwang kristiyano na mamuhay ng nakatago at magtanim ng mas malalim na ugnayan sa Kanya.
Ngayon, mga minamahal na mambabasa at kaibigan, manabik, habang naghahanda sa pagsakay sa susunod na alon na patungo sa iyong daraaanan.