Magbigay kayo at iyon ay ibibigay sa inyo.
Hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw—
Ang ilalagay nila sa inyong kandungan.
Sapagkat sa panukat na inyong ipanukat
ay doon din kayo susukatin.
—Lucas 6:38
Ngayong umaga, katulad ng ginagawa ko sa bawat umaga simula ng isabuhay ko ang pamumuhay ko ng masagana, ako ay nasasabik na tuklasin ang bagong rebelasyong ipapakita ng Panginoon sa akin. Kaya kasama ang aking Bibliya at hawak ang kape sa aking kamay, umaapaw ang pananabik sa akin sa puntong hindi ko na Siya mahintay na magbahagi ng bago, at batatagong lihim sa akin tulad sinabi sa Isaias 48:6 na gagawin Niya, “Mula sa panahong ito ay magpaparinig ako sa iyo ng mga bagong bagay, mga kubling bagay na hindi mo pa nalalaman.”
Hababg lumalakas ang pintig ng puso, at binubuksan ang Bibliya, tinanong ko sa Panginoon kung nasaan, anong bersikulo, ang nais Niyang buksan ko. Sinimulan Niyang akayin ako sa serye ng bersikulong hindi lamang para sa akin, ngunit para sa bawat isa sa inyong may matinding pagnanasa at nagnanais na matuklasan ang lihim sa pagiging sagana. Hindi nakapagtatakang ang sikreto ay ang—pamamahagi.
“‘Ang mga araw ay dumarating,” sabi ng Panginoon, “na aabutan ng nag-aararo ang nag-aani, at ng tagapisa ng ubas ang nagtatanim ng binhi; ang mga bundok ay magpapatulo ng matamis na alak, at lahat ng mga burol ay matutunaw. At aking ibabalik ang kapalaran ng aking bayang Israel, at kanilang muling itatayo ang mga wasak na bayan, at titirahan nila iyon, at sila'y magtatanim ng ubasan, at iinom ng alak niyon; gagawa rin sila ng mga halamanan, at kakain ng bunga ng mga iyon.At aking ilalagay sila sa kanilang lupain; at hindi na sila palalayasin pa sa kanilang lupain, na ibinigay ko sa kanila,” sabi ng PANGINOON mong Diyos.” (Amos 9:13-15). Sunod, dinala Niya ako sa, “‘At ang Panginoon ay sumagot sa akin: “Isulat mo ang pangitain, at gawin mong malinaw sa mga tapyas na bato, upang ang makabasa niyon ay makatakbo. Sapagkat ang pangitain ay naghihintay pa ng panahon nito; at nagsasalita tungkol sa wakas—hindi ito magsisinungaling.
Kung ito'y parang mabagal ay hintayin mo; ito'y tiyak na darating, hindi ito maaantala.” (Habakuk 2:2-3). Kaya habang bukas ang aking kompyuter, sinimulan kong idokumento, itala at isulat ang katotohanang ito, sa kaalamang, kung ano ang Kanyang sinabi sa akin at ipinakita ay darating tulad ng nabanggit. Pagkatapos ay tinuloy ko ang pagbabasa…
“Magmasid kayo sa mga bansa, at tumingin kayo; mamangha at magtaka. Sapagkat ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga araw na hindi ninyo paniniwalaan kapag sinabi sa inyo” (Habakuk 1:5).
At sa paglaktaw sa ilang bersikulo, sunod Niyang ipinabasa sa akin: “Bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak, ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas; ang olibo ay hindi magbubunga, at ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain; ang kawan ay aalisin sa kulungan, at hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan,gayunma'y magagalak ako sa PANGINOON, ako'y magagalak sa Diyos ng aking kaligtasan.Ang DIYOS, ang Panginoon, ay aking kalakasan; ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa, pinalalakad niya ako sa aking matataas na dako” (Habakuk 3:17-19).
Ang sinasabi sa iyo ng Panginoon sa mga bersikulong ito ay, para sa inyong mayroong puso sa pamamahagi, at sa Kanyang sinasabi sa akin, ay tayo ay nasa bungad ng ilang nakamamanghang mga bagay na mangyayari sa ating mga buhay! Katulad ng nasabi Niya noong umaga, sinabi Niyang, “hindi ninyo paniniwalaan kapag sinabi sa inyo”! At tinapos Niya ito sa pagsasabing kahit pa ngayon ay wala tayong nakikita, sa pananampalataya, dapat magpatuloy tayong magbigay ng papuri sa Kanya.
Kaya ngayong naitala ko na ang pangitain, oras na para tayo ay siyasatin natin ang kahanga-hangang rebelasyong ito ng higit pa, upang mas lalo nating mayakap ang katotohanang ito upang manatili tayong laging magbigay ng papuri!
Napakadali para sa aking paniwalaam ang mga pangakong ito na ibinunyag ng Panginoon sa akin nitong umaga, dahil, habang aking binabalikan ang aking buhay ngayon kumpara sa kung nasaan ako isang taon na ang nakalipas, hindi mahirap na makitang ang imposibleng ito ay talagang nangyayari. Halimbawa, bago ko matagpuan ang masaganang buhay, hindi talaga ako lumalabas ng aking bahay, sa halip, namamalagi lamang ako sa sarili kong kwarto kung saan ako nagtatrabaho, at hindi man lang nag-aabalang bumaba. Sa baba sa kwarto naming pampamilya, o sa kwarto ng mga batang lalaki, at kung saan nakapwesto ang opisina ng aking asawa. Noong isang taon lamang ito.
Ngayong umaga ako ay bababa sa aking bagong opisina, habang aking sinisimulang kumpletuhin ang aking paglilibot sa buong mundo—pagdalaw sa mga lugar na akin lamang nababasa ngunit hindi man lamang alam kung nasaan sa mapa—at pagbisita sam ga bansang hindi ko alam na mayroon pala. Noong isang taon, kapag sinabi sa akin ng Panginoong lahat ng ito ay mangyayari sa loob lamang ng isang taon, “hindi koi to paniniwalaan kahit sabihin sa akin”!
Kahit ano pa ang mangyari ngayong taon ito ay siguradong makapagbabago ng buhay; hindi lamang sa aking buhay, ngunit sa buhay din ng aking mga anak, kinabukasan ng aking ministeryo, buhay ng bawat babaeng mahahawakan ng buhay ko, at sa buhay mo rin (kaya Niya inakay kang basahin ang aklat na ito). Bilang resulta, ang mga mangyayari sa buhay mo ay hahaplos din sa bawat buhay na iyong mahahawakan. Makikita mong, ito ang punto: Hinahaplos ng Diyos ang ating buhay upang mahawakan din natin ang buhay ng iba at magdulot ng maliliit na alon na itong magpakalat ng Kanyang pagmamahal, Kanyang katotohanan sa hindi mabilang na nasaktang kaluluwang desperadong nangangailangan sa Kanya. Ito, minamahal kong kaibigan, ay ang rebelasyong kailangan mong pamghawakan ng mahigpit at itago sa kaibuturan ng iyong puso: Nagbabahagi ang Diyos sa atin upang tayo rin ay mamahagi sa iba—ito ang sikreto sa pagkakaroon ng masaganang pamumuhay.
Sa parehas na pamamaraan at sa parehang sukatan ng Kanyang pagbibigay sa atin ng Kanyang Anak, na ngayon ay ating pinakamamahal na Asawa, na nagmahal sa atin sa paraang nagpahilom sa ating mga puso at nagparamdam sa ating nalinis tayo, itinatangi at walang kinakailangan na kahit na sino at ano maliban sa Kanya, kailangan din Siya ng may desperasyon ng iba. Nais Niyang sa bawat kababaihan na ating makakasalamuha na siya ay maging, parehas na Mangingibig, Manggagamot, Tagapagtustos at Tagapag-tanggol, na mangyayari lamang—sa oras na ang ating buhay ay magningning na bawat taong makakasalamuha natin ay magtatanong sa atin kung bakit may nagniningning na pag-asa sa loob natin!
Kaya mahalagang maging handa kung papaano sasagot kapag nagtanong ang iba, katulad ng sinabi sa ating gawin sa 1 Pedro 3:15 ABBTAG2001, “Lagi kayong maging handa na ipagtanggol sa bawat taong humihingi sa inyo ng katuwiran ang tungkol sa pag-asang nasa inyo.” Sa pagbabasa nito sa Ang Salita ng Diyos ay sinasabi na, “Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo.” Kailangan niyong irespetong hindi lahat ay handang makilala Siya, kaya ang iyong layunin lamang ay ibahagi ang iyong pag-asa, at kung ano ang nagpabago sa iyo, at siguraduhing ikaw ay maghihintay na ikaw ay tanungin. At, sa pagkakaroon ng pusong hindi namimilit ng kahit na ano sa kanino, ang mga kababaihan ay lalong lalo na makasasaksi ng iyong nagliliwanag na pagmamahal mo sa kanila at sa iba sa puntong ang bawat isa ay natural na maaakit na magnais na makaranas ng kung anong mayroon ka, at ang iyong tinataglay ay Siya.
Minamahal kong kaibiga, sa bawat pagkakataong may ibinubunyag na misteryo ang Diyos sa atin, katulad ng pagbubunyag sa atin na mayroon tayong Asawa na umiiibig sa atin ng tulad Niya, ito ay upang ibahagi ang misteryo at katotohananang ito sa iba, sa pamumuhay ng buhay na nagsusumigaw at pagbibigay sa kanila ng katotohanan kapag sila ay nagtanong. “Kayo mismo ang aming sulat na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao” (2 Corinto 3:2). Ito ang wasto at tunay na anyo nga “pagsaksi”—ito ay ang pagsaksi ng iba sa ating mga buhay, hindi sa pamamagitan ng pagharap sa iba. Ang ating Asawa ay nagpapaulan sa atin ng biyaya at pagmamahal upang maibalik natin at maipamalas ang Kanyang pagmamahal at paulanin sa iba ang Kanyang biyaya at Kanyang pagmamahal. Ito ang sikreto—pagbabahagi ng ibinigay Niya sa atin.
Aabutan ka ng mga Biyaya
Sa pagbalik sa naunang bersikulo kung saan sinabi ng Diyos sa akin na, “‘Ang mga araw ay dumarating,’ sabi ng PANGINOON, ‘na aabutan ng nag-aararo ang nag-aani, at ng tagapisa ng ubas ang nagtatanim ng binhi. . .” it orin, ay, ang nangyayari sa bawat araw ng aking buhay, at sa iyo rin kung—matutunan mo ang sikreto, na pamamahagi ng ibinibigay Niya sa iyo.
Ang aking naunawaan sa bersikulong ito ay ibang-iba sa aking naunawaan ngayon na ibig nitong sabihin. Ang salitang “abutan” kapag ikaw ay nakikipaghabulan sa karera ng buhay ay nangangahulugang ang biyaya ay mauuna sa dulo bago tayo. “Kaya't yamang napapalibutan tayo ng gayong kakapal na bilang ng mga saksi, itabi natin ang bawat pabigat at ang pagkakasalang madaling bumibitag sa atin, at tumakbo tayong may pagtitiis sa takbuhing inilagay sa harapan natin. Pagmasdan natin si Jesus na siyang nagtatag at nagpasakdal ng ating pananampalataya, na dahil sa kagalakang inilagay sa kanyang harapan ay tiniis niya ang krus, hindi inalintana ang kahihiyan, at siya'y umupo sa kanan ng trono ng Diyos. Isaalang-alang ninyo siya na nagtiis ng gayong pagsalungat ng mga makasalanan laban sa kanyang sarili, upang kayo'y huwag manghina o manlupaypay.
Ilang taon na ang nakakaraan, kapag may mga pagsubok na tumama sa akin at sa buhay ko, ako ay nagsisimulang maniwala na may magandang mangyayari mula rito—ngunit para sa ibang araw—ibang taon o ibang dekada pa. At, dahil sa nagdaang taon nagsimula akong hanapin agad ang biyayang ito hindi pagkatapos ng isang taon o isang dekada, ngunit hinahahanap ko ang biyayang ito agad-agad; kaagad pagkatapos magwakas ng pagsubok. Kung gayon, iyon mismo ang nagsimulang mangyari. Dumating ang araw na lahat ng aking itinanim ay nagsimula akong abutan at kadalasang nagpapakita bago pa man dumating ang pagsubok sa aking buhay. Ang pera ay nasa aking mga kamay o sa pitaka o sa aking bangko bago ko pa ito kailanganin. Mga planong kailangan kong gawin ay nagpapakita bago pa ako matanong ng kahit na sino.
At, tulad ng aking nasabi, kapag may mga bagong rebelasyon na katotohanan ang Diyos sa akin, nagbibigay sa akin ng isang nakakamanghang bagay upang magpatuloy ako sa paglalakad patungo, ako ngayon ay nagsimulang isabuhay ang katotohanang ito at ibahagi ang parehas na katotohanan sa iba. At dahil ang aking mga anak ay ang pinakamalalapitbsa akin, at sila rin ay ang pamana na magpapatuloy na magbabahagi sa iba kapag ako ay wala na, ako ay madalas na inaakay na ibigay ang katotohanang ito sa aking mga anak agad. Ang unang prinsipyo para abutan tayo n gating mga biyaya ay ang isang prinsipyong ito.
Ito ay nangyari noong ang aking pamangking babae ay lilipad pabalik na sa kanila, kinakailangan namin siyang ihatidnsa paliparan na mahigit tatlong oras ang layo, kaya nagkusa ang aking kapatid na lalaki na bayaran ang hotel na malapit sa paliparan. O ang pabor ng Diyos. Habang kami ay papunta roon, kami ang dumaaan sa isang maliit na siyudad sa kalagitnaan ng kung saan noong napatayo ang aking anak na babae at bumulong ng, “Mama, patawarin mo ako ngunit naalala kong nakalimutan kong baunin ang aking damit pangligo. Parawarin mo ako!!” At masasabi kong mangiyak-ngiyak na siya dahil pinili namin ang hotel base sa kanilang nakamamanghang paliguan at mainit na lubluban. Agad-agad, siniguro ko sa kanyang walang dahilan upang mag-alala, matakot o sumama ang kanyang loob, ngunit sa halip ay manabik dahil aabutan kami ng Kanyang biyaya! Hindi dahil sa aking pinapalaki, lumingon ako at napatingin sa gawing kanan upang makakita ng maliit na Walmart; agad-agad akong kumanan at ipinaliwanag na halatang nais Niyang biyayaan siya ng bagong damit pangligo! At upang pakahuluganan sa ibang pangungusap ang Isaias 40:2, “Magsalita kayo nang sa puso. . . at sabihin ninyo sa kanya, na ang kanyang pakikipagdigma ay tapos na, na ang kanyang kasamaan ay pinatawad, sapagkat siya'y tumanggap sa kamay ng PANGINOON ng IBAYONG BAHAGI para sa lahat niyang kasalanan [pagkakamali].” Kahit pa tapos na ang panahon ng mga damit pangligo, siguradong, pagpasok palang namin, malapit sa pinto gawing kanan ng tindahan ay nakita ng aking anak na babae ang isa sa pinakamagandang damit pangligo na aking nakita AT ito ay lampas sa pinahiran. Ang damit pangligo na ito ay tumagal ng ilang tag-araw at nasa maayos na kondisyon pang ipamana sa kanyang kapatid, na kumasya din ng saktong-sakto. Tanging ang Diyos lamang ang makagagawa nito!
Hindi lamang ang mga anak kong babae ay lumakad mula sa karanasang ito nang may pag-unawa kung paano kami aabutan ng mga biyaya, ngunit sinigurong hanapin ang biyayang ito agad-agad, isang bagay na una Niyang ibinigay Niya sa akin. Ngunit tandaan, ang aking pamangking babae ay kasama namin, kaya dinala niya ito at ibinahagi, sa pamumuhay kasama ang kanyang mga kapatid ng babae at mga magulang!! Itong maliliit na alon ng Kanyang pagmamahal ang ibabahagi natin mula sa kabilang panig ng mundo!!
Upang Yakapin ang Paghihintay
Upang tayo ay magpatuloy at pag-usapan ang pamoso at kinakumuhiang prinsipyo ng paghihintay. Wow, binigyan din ako ng Panginoon ng kabatiran tungkol sa prinsipyong ito!
Kung ikaw ay katulad ko noon, ako ay namumuhi, tumututol, at napupuspos kapag ako ay napipilitang maghintay. Ngayon, ako ay nanginginig kapag hinihiling na ako ay maghintay, dahil alam kong ang paghihintay ay isang nakakapanabik na parte ng Kanyang plano. Bakit? Ano ang nagbago? Ang rebelasyon na laging nandoon sa Kasulatan ngunit hindi ko talaga gustong yakapin: “Ngunit silang naghihintay sa PANGINOON ay magpapanibagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga agila, sila'y tatakbo at hindi mapapagod, sila'y lalakad, at hindi manghihina.” (Isaias 40:31).
Ngayong nagkaroon na ako ng sapat na karanasan upang malaman na kapag ako ay kinakailangang maghintay para sa isang bagay, kahit na ano, ito ay dahil ang Diyos ay ginawa ang panahon ng paghihintay upang mabigyan ako ng sapat na oras na kinakailangan upang “magkaroon ng panibagong lakas” at “hindi ako mapagod o manghina” kapag dumating ang panibagong biyaya ay nagpakita na sa aking buhay. Ang paghihintay din ang nagbibigay ng babala sa akin, nagsasabi kung ano ang parating na mangyayari ay nangangailangan ng mas maraming lakas (pisikal, emosyonal, at/o espiritwal) kaysa sa kung anong taglay ko sa kasalukuyan. Kaya naman, ako ay higit na masayang maghintay at gamitin ang oras na ito upang buuin ang aking lakas ng may purong pananabik—ang lakas na magdadala sa akin sa kung ano pa mang alon ang aking dapat na sakyan. Ito ay magandang talinghaga o larawan kung paano ako makikinabang sa mga paghihirap, dahil ganito nilikha ng Diyos ang ating mundo at kung paano dapat tayo, bilang Kanyang babaeng nakatakdang pakasalan, ay mamumuhay ng masagana.
Mga Alon ng Paghihirap
Ang isa pang rebelasyon ay sa loob ng maraming taon ako ay lumangoy patungo sa alon ng paghihirap ng aking buhay upang ako ay mapagod at matalo. At, sa loob lamang ng isang taon, natutunan ko ang sikreto upang mapagtagumpayan ang mga alon ng kahirapang ito ng kakaiba, sa pamamagitan ng hindi paglaban sa kasamaan at sa bawat pagkakataong may isang bagay o isang taong nais lumaban sa akin, sa halip ay kinakailangan kong bumalik at sakyan ang paghihirap na ito dahil nais ng Diyos na dalhin ako sa mas mataas na pamumuhay ng kasaganahan. Tandaan, “Ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa, pinalalakad niya ako sa aking matataas na dako” (Habakuk 3:19). Ito ay nangyari sa pamamagitan ng pagsasabuhay ko ng Ang Mga Lubos na Pagpapala na matatagpuan sa aklat ni Mateo. Ang karamihan ay humihinto pagtapos niyang sabihin ang “mapapalad kayo” ngunit sa halip, magpatuloy sa pagbabasa at hawakan ang mas lalong malaking katotohanan, ng sinabi ni Hesus pagkatapos…
“Ngunit sinasabi ko sa inyo, ‘Huwag ninyong labanan ang masamang tao.’ At kung ikaw ay sampalin ng sinuman sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kabila.Kung ipagsakdal ka ng sinuman, at kunin ang iyong baro, ibigay mo rin sa kanya ang iyong balabal. Kung may sinumang pumilit sa iyo na lumakad ka ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya. Bigyan mo ang humihingi sa iyo, at huwag mong pagkaitan ang ibig humiram mula sa iyo.
Ibigin ang Kaaway “Narinig ninyo na sinabi, ‘IBIGIN MO ANG IYONG KAPWA, at kapootan mo ang iyong kaaway.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang umuusig sa inyo, upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit, sapagkat pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga matuwid at sa mga di-matuwid” (Mateo 5: 39-45).
Ang pagsakay sa alon ng paghihirap ay nangangahulugang ikaw ay sasabay sa agos, hindi sasalungat dito. Ipinaliwanag ni Hesus kung paano tayo dapat gumanti kapag may sinabi sa ating gawin, ngunit ito ay ay taliwas sa sinasabi ng simbahan sa atin. Kahit pa, sinabi ni Hesus sa puntong idinokumento ang Kanyang sinabi na, “Ngunit sinasabi ko sa inyo. . .” Kaya tulad ng karamihan na ignorante sa katotohanan, nilabanan ko ang kasamaan, at sinigurong hindi ako lalapit sa kahit na sinong sasampal sa akin. Iniiwasan kong makasalamuha sila at kapag ako ay pinilit na makita sila, ako ay lalayong emosyonal. At tiyak na hindi ako gagawa ng higit pa o magbigay ng higit pa sa hinihinging ibigay ko sa kanila; samakatuwid, ako ay nagpatuloy na palagpasin ang biyaya ng Kanyang mensahe at ang sikreto ng pamumuhay ng masagana at makapangyarihan—sa pagbibigay—lalo na sa mga nananakit at gumagamit sa atin.
Ang nagbago ay pagkatapos kong matagpuan ang aking buhay na masagana, ako ay nagsimulang kumuha ng aking kinakailangan mula sa Diyos tulad ng karunungan, at diretso mula sa Panginoon, tulad ng pagmamahal na aking desperadong kinakailangan. Kaya sa oras na nakuha ko na ang bawat kanilang ibinibigay, sa wakas ay kaya ko ng ibigay ang ibinibigay sa akin sa iba. Sa oras na nakatanggap ako ng sobrang pagmamahal at pagtanggap mula sa Panginoon (noong ako ay naging Kanyang Babaeng nakatakdang pakasalan), pagkatapos ang kahit na sinong masamang taong nagnanais na sampalin ako (sa emosyon sa pamamagitan ng kanilang mga salita o sa gawa) ay hindi na ako nasasaktan. Pagkatapos ng ilang panahon, ang bawat sampal ay parang panggising na lamang na nagbibigay babala sa akin na ako ay dadalhin sa mas matayog, at ito ay nangangahulugang hihingiin ng Panginoon na magbigay ako ng higit sa hinihingi sa akin—pagbibigay sa mga nananakit at nais akong gamitin, at saka lamang darating ang isang malaking biyaya—kapag ikaw ay nagbigay sa taong hindi karapat-dapat tumanggap!
Ang pamamahagi ay isang kamangha-manghang kapangyarihan kapag ito ay hinihingi, ninanakaw, o hinihingi ng masama. Ang mga paghihirap, ngayon ay naunawaan jo na, ay tunay na ang gasolina ating kinakailangan, tulad ng pagdidilig sa binhi na magdudulot ng masaganang ani na ipinangako Niya sa atin. Kaya, noong naunawaan ko ang katotohanang ito, napakadali na ngayong yakapin ang kahirapan sa halip na tumakbo palayo rito o ipilit ang daan patungo rito. At lagi itong tandaan kapag ang iyong panani, ang iyong bukid ay hindi nagbubunga. Kung hindi mo ito dinidiligan, o hindi ka naglalagay ng gasolina sa iyong espiritwal na makina, hindi ba kataka-taka kung bakit hindi ka umaabante? Basahin ang bersikulong ito:
“Kaya, alang-alang kay Cristo, ako'y nasisiyahan sa mga kahinaan, paglait, kahirapan, pag-uusig, at mga sakuna, sapagkat kapag ako'y mahina, ako nga'y malakas” (2 Corinto12:10). “Hindi sa nagsasalita ako dala ng pangangailangan, sapagkat aking natutunan ang masiyahan sa anumang kalagayang aking kinaroroonan” (Filipos 4:11). Sa totoo lamang, hindi ako nasisiyahan kapag ako ay nalalapit sa paghihirap o pag-uusig, dahil lamang hindi ako bukas sa o hindi ko alam na kinakailangan ay bukas akong tanggapin ang nais ibigay ng Diyos at ng aking Asawa sa akin. At pagtapos, sa oras na akin itong tinanggap, isinabuhay ito, at ipinamahagi ito, doon lamang ako nagkaroon ng kakayanang “masiyahan sa anumang kalagayan” aking kinaroroonan.
Ugat ng Kasamaan: Pagmamahal sa Salapi
Isang lugar na natutunan kong yakapin ang prinsipyong ito ng pamamahagi ay ang lugar ng pagbibigay ng salapi. Lahat tayo ay takot na hindi magkaroon ng sapat kaya tayo ay hangal na ipinagdadamot kung anong meron tayo, dahil sa pagmamahal sa salapi. An gating kinatatakutan ay nangyayari sapagkat ito ay naipapamalas o nililikha ng dahil sa ating mga takot. Gaano katotoo ang bersikulong ito sa akin ngayong natutunan ko ang lihim ng pamamahagi, lalo na sa pamamahagi at pagbibigay ng biyaya sa aking mga kaaway: “May taong nagbibigay ng masagana at lalo pang yumayaman, may nagkakait ng dapat ibigay, ngunit naghihirap lamang” (Mga Kawikaan 11:24). Habang ang kabaliktaran nitong bersikulong ito ay ang Job 3:25, “Sapagkat ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin, at ang aking pinangingilabutan ay nangyayari sa akin.”
Kapag tayo ay nangangamba na hindi tayo magkakaroon ng sapat, natatakot tayo, at ipinagkakait natin ang nararapat na sa atin upang tayo ay umunlad (sa pagbibigay sa ating mga kaaway ng higit sa hiningi nila sa atin). Ang pagkakait nating ito ay nagdudulot ng “kagustuhan pa”— upang ang takot na dulot na hindi tayo magkaroon ng sapat at ang pangamba na hindi kakasya ang ating pondo ay darating sa atin! Ito ang kakila-kilabot na bisyo at walang hanggang ikot ang isinasabuhay ng napakaraming Kristiyano at ang “nasasaksihan” ng mundo. At ang katotohanan ay ang kawalang-saysay na ito ay magwawakas lamang sa pagtanggap ng lahat ng pagmamahal na laan ng Panginoon para sa bawat isa sa atin bilang Kanyang iniibig, upang tayo ay magkaroon ng sapat na tiwala sa Kanya upang ilakad ang sinabi Niyang gawin natin, “Ngunit sinasabi kos a inyo . . .” “Magbigay kayo at iyon ay ibibigay sa inyo, siniksik, niliglig, at umaapaw.” Sino sa atin ang hindi nagnanais na makatanggap nang umaapaw na biyaya?!?! Lahat tayo ay gusto, ngunit kinakailangang magbahagi kahit napakahitap gawin, at pagbabahagi sa sinomang pinaniniwalaan nating hindi karapat-dapat dito.
Kung ang pagbabahagi ay isang bagay na natagpuan mong mahirap gawin, ang pinagmumulan ay ang hindi ka nagtataglay ng sapat na Siya. Ang kailangan mo ay hindi pera, ngunit mas maraming Siya, na magmamahal sa iyo sa paraan na tunay mong mararamdaman na ikaw ay isang Bababeng Kanyang iniibig! Kapag ating hinanap ang Panginoon at Kanyang pagmamahal ng buong puso at kagustuhan, mangulila at magpokus lamang sa Kanya—hindi sam ga bagay, o pera, o ibang tao. Hindi ka mangangailangan ng atensyon o kasama sa buhay. At dito mo lamang tunay na matatagpuan ang kalayaang magbahagi dahil ang pagmamahal na nagligtas sa mundo at aapaw sa iyong buhay! At pagkatapos ay hindi ka na mangangailangan o magnanais ng bagay, pera o tao—at ang lahat ng biyayang ito ay “siksik liglig at aapaw” sa puntong kahit na sinong lalapit sa iyo ay mababasa rin ng Kanyang biyaya.
Ito ang sikreto ng buhay—na Kanyang ibinigay.
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.